Thursday, March 26, 2009

Ang Laban sa North Triangle


Norman Patino / 4 Marso 2009

Ang laban para sa paninirahan ng mga maralitang naninirahan sa North Triangle, Quezon City ay mahirap ipagtagumpay kung sariling kapakanan lamang nila ang isasaalang-alang. At mahirap pansinin ng mga kinauukulan ang interes ng mga maralita kung ang kanilang pagkilos ay limitado lamang sa kanilang parokyal na interes at walang epekto sa kabuuang planong ipinatutupad na.

Ang North Triangle ay isang malawak na lupaing pinapaligiran ng EDSA (mula West Avenue hanggang Quezon Avenue), ng Quezon Avenue (mula EDSA hanggang Quezon Memorial Circle) at North Avenue (mula West Avenue hanggang QMC). Hugis tatsulok ang erya na sa isang dulo ay ang SM North at ang bagong tayong Trinoma Center; sa isang dulo ay ang Manila Seedling Garden at sa isa ay ang Parks and Wildlife. Sa North Triangle matatagpuan ang Lungsod ng Kabataan (Children’s Hospital); ang Philippine Science High School; Tanod-Bayan at ang North Terminal Station ng MRT. Sa gitna ng North Triangle ay ang kulumpon ng mga bahay at barung-barong ng mahigit walong libong maralitang ilang taon nang naninirahan dito.

Ang North Triangle ay kasama sa grandeng plano ng pamahalaang Quezon City na gawing commercial-business district (CBD) ang parteng ito ng lungsod. Ang plano ay katulad ngunit mas malaking Glorietta sa Makati City kung saan nakakulumpon ang mga establisyementong komersyal, serbisyo, banko, conduminium, parke at iba pa. Karugtong ng planong ito ang komersyalisasyon ng East Triangle at ang Commonwealth Avenue. Ang may pangunahing puhunan sa grandeng plano ay ang higanteng korporasyon ng Ayala. (Larawan; Manila's Central Business District CBD)

Katunayan ay nagsimula na ang implementasyon ng plano sa pagkakatayo ng Trinoma Center sa dulong hilaga ng North Triangle. Sa Commonwealth Avenue na kagyat na nakatumbok sa Quezon Memorial Circle ay naitayo na ang UP-Ayala Techno Hub Center, ang Puregold superstore sa bandang Luzon Avenue at kalaunan ay sisibol ang bagong mall sa dating Our Lord’s Grace Montessori. Inaantabayanan din ang Metro Rail Transit 4 (mula Edsa North hanggang Quiapo Doroteo Jose via Quezon Av) at MRT -7 na kokonekta sa Edsa-North Av MRT Station at Tala-Tungko via Commonwealth Av – Quirino Av., San Jose del Monte City, Bulacan.

Habang naka-tuon ang maralitang naninirahan sa North Triangle sa partikular na interes nila sa paninirahan ay unti-unti naman silang napapaligiran ng mga nagtatayuang proyekto ayon sa plano. Kung baga sa basketball ay unti-unti silang ina-outbox ng kabuuang plano.

Ang interes ng korporasyong Ayala sa North Triangle ay estratehiko. Sa papasikip na imprastruktura ng Makati at Pasig, ang North Triangle ay isang estratehikong sentro para hagipin ang lumalaking aktibidad pang-ekonomiya ng Quezon City at alternatibong sentro para sa populasyon ng Caloocan City, San Mateo at Marikina sa bandang silangan at San Jose del Monte sa bandang hilaga. Ang estratehikong interes naman ng lokal na pamahalaan ay ang tiyak na kita mula sa buwis. Ang korporasyon at lokal na pamahalaan ay malaki na ang naipundar na kapital para sa preparasyon ng proyekto at hindi sila makapapayag na ang engrandeng plano ay may kahalong simpleng pabahay para sa mahigit limang-libong maralitang simple lamang ang kakayanan sa buhay.

Sa kabilang banda ay estratehiko rin ang interes ng mga maralitang naninirahan sa North Triangle. Una, dito na naipundar ng mga maralita ang kanilang pamilya at kabuhayan. Ikalawa, nakataya sa laban nila ang karapatan sa paninirahan at kinabukasan. At ikatlo, kung mabibigo silang ipagtanggol ang kanilang lugar, siguradong mapapadpad sila sa malayong lugar na walang kasiguruhang makapagpundar ng panibagong buhay. Noong 1999-2000 ay marami sa mga maralita ang pumayag magpa-relocate sa Erap City sa Montalban, Rizal. Pumayag sila kapalit ng programang-pabahay at libreng shuttle bus mula at pabalik ng Erap City at SM North para sa mga nagtatrabaho. Kalaunan, marami sa mga ito ay nagsibalikan sa North Triangle dahil sa natigil ang serbisyo ng shuttle bus. Maliban sa mga nagsibalikan na dating naninirahan ay may kasama pang mga naunang na-relocate sa Erap City mula sa ibang lugar sa Maynila.

Nagkaroon ng mga bugso ng paglaki ng populasyon ng mga maralita sa North Triangle nang proyektuhin ng pamahalaang lungsod katuwang ang Department of Transportation na gawing sentrong-terminal at sentrong-bagsakan ang North Triangle. Ang proyekto ay hindi nagtagal dahil mahina ang itinayong terminal ng mga bus; nagbago rin ang plano ng MRT para itayo ang grand terminal station nito. Hindi rin naging accessible ang itinayong bagsakan ng mga bulaklak, lokal na produkto sa probinsya at mga handicraft. Nawala ang proyekto pero nag-usbungan ang mga maralita sa lugar. (Larawan: WN / James D. North Triangle informal settlers, cdn.wn.com/o25/ph// 2009/02/01/2bf533b1c1332bc..)

Ang adbokasiya ng mga maralita ng North Triangle ay ikonsidera ang kanilang karapatan sa paninirahan sa balangkas ng mixed-use land plan sa pamamagitan ng high-rise low-cost housing. Iginigiit din ng mga maralita na sila ay reserbang lakas-paggawa na handang ma-empleyo sa iba’t ibang establisyementong serbisyo at komersyal. Subalit ang labanan ay hindi lamang naipagtatagumpay sa pamamagitan ng paggigiit ng karapatan at alternatibong plano. Kailangan din ang estratehiya at taktika katulad ng ginagamit ng sabwatang korporasyon at lokal na pamahalaan.

Isang multi-sektoral na kilusan ang kailangang isulong sa North Triangle. Ibig sabihin, kailangan makipag-tulungan at makipag-koalisyon ang mga maralita sa iba pang sektor na apektado ng plano. Nandiyan ang Philippine Science High School (Pisay) na hanggang ngayon ay tutol na ibenta ang titulo nito sa lupa sa korporasyon. Ang lupang kinatitirikan ng Pisay ay resulta ng pakikibaka ng mga guro at estudyante ng eskwelahan bago pa mag-martial law. Sa kabilang banda, kailangan ng mga opisyales, guro at estudyante at alumni ng Pisay ang suporta para labanan ang anumang presyur na gagamitin sa kanila para ibenta ang lote.

Ang administrasyon ng Veterans Memorial Hospital, ng Tanodbayan, at ng Manila Seedling Bank ay patuloy na sinusuyo kasabay ng presyur mula sa iba’t ibang ahensya ng pambansang gubyerno para bigyang ispasyo ang plano. Kalaunan ay posibleng tamaan ng banta ang Children’s Hospital at ang Parks and Wildlife at ang mga maralitang naninirahan sa East Triangle at Barangay Capitol.

Ang labanang legal ay mahalaga pero kailangan ang mga kolektibong aksyon para makalikha ng presyur. Ang kolektibong aksyon ay yaong hindi lang nakapatungkol sa isyu ng sektor kundi nakatuon din sa operasyunalisasyon ng kabuuang plano. Ang mga aksyong may epekto sa kabuuang plano ang siya mismong lakas-pulitikal ng mga maralita para harapin sila ng mga kinauukulan.

Ngunit pundamental na rekisito rito ay kung paano makaalagwa ang mga maralita sa parokyal na balangkas ng kanilang pagkilos. Katulad ng iba pang maralitang komunidad sa Metro Manila, ang isyu sa paninirahan ay naka-konteksto sa development blueprint ng local na pamahalaan at negosyo. Kung gayun, ang maralita ay hindi lang dapat umakto bilang aping squatter kundi isang aktibong mamamayan na may boses sa planong pang-kaunlaran. (Larawan; NUPCO protest in Damayang Lagi; ipdprojects.org/nupco/)

Kung hindi makaalagwa ang mga maralita sa parokyal na pagkilos hindi rin sila makakawala sa organisasyunal na sigalot na tuwinang kinakaharap ng mismong hanay nila. Ika nga, kung makipot ang ginagalawan mo, malamang kayu-kayo ay maggigitgitan kundi man mag-aaway-away para sa ispasyo.


23 comments:

Anonymous said...

whoah this blog is fantastic i like

studying your articles. Stay up the great work! You know, a lot
of people are looking

around for this info, you can help them greatly.

Also visit my site - art.pl

Anonymous said...

Whats up are using Wordpress for your blog platform? I'm new to the

blog world but I'm trying to get started and set up my own.
Do you need any html coding

expertise to make your own blog? Any help would be really
appreciated!

Here is my blog post: www.kontakttip.de

Anonymous said...

This is very interesting, You are a very skilled
blogger. I have joined your rss feed and

look forward to seeking more of your wonderful post.

Also, I have shared

your site in my social networks!

My web page :: buying jintropin online

Anonymous said...

Hey very cool blog!! Man .. Beautiful .. Amazing
.. I'll bookmark your

site and take the feeds also…I am happy to find numerous useful

information here in the post, we need work out more strategies in this regard, thanks for

sharing. . . . . .

Here is my website used cars partc in east london

Anonymous said...

Valuable information. Lucky me I found your web
site

by chance, and I'm shocked why this twist of fate did not happened earlier! I bookmarked it.

Here is my web site; portsmouth local travel News

Anonymous said...

I appreciate, cause I found exactly what I was looking for.
You have ended my 4 day long hunt! God

Bless you man. Have a great day. Bye

Also visit my blog post ... http://www.zkes.tn.Edu.tw/

Anonymous said...

Thanks for every other fantastic

article. Where else may anyone get that type of information

in such an ideal approach of writing? I've a presentation subsequent

week, and I'm at the look for such information.

Here is my web page ... Www.Sevengenerationsahead.Org

Anonymous said...

Pretty section of content. I just stumbled upon your site
and in accession

capital to assert that I acquire in fact enjoyed account
your blog posts. Any way I’ll

be subscribing to your augment and even I achievement you access
consistently rapidly.

Feel free to surf to my blog post - motorcycles second hand uk

Anonymous said...

As I web-site possessor I believe the content matter here is rattling excellent , appreciate it for
your hard work. You should keep it up forever!

Best of luck.

Feel free to visit my blog - kw customs motorcycles

Anonymous said...

Hello! I just wanted to ask if you ever have any trouble with
hackers?

My last blog (wordpress) was hacked and I ended up losing
months of hard work due

to no back up. Do you have any methods to prevent
hackers?

My blog; Www.Szakibazis.com

Anonymous said...

Please let me know if you're looking for a writer for your site. You

have some really good articles and I feel I would be a good asset. If you ever want to take

some of the load off, I'd absolutely love to write some articles for your blog
in

exchange for a link back to mine. Please blast me an e-mail if
interested. Regards!

Here is my web-site www.seolinkads.com

Anonymous said...

Hello, i think that i saw you visited my website thus i came to
“return the favor”.I'm trying to find things to enhance my website!I suppose its ok to use some

of your ideas!!

my homepage: http://excelanto.in

Anonymous said...

Hello, i think that i saw you visited my website thus i came to “return the favor”.

I'm trying to find things to enhance my website!I suppose its ok to use some

of your ideas!!

Stop by my web blog ... http://excelanto.in

Anonymous said...

Excellent blog here! Also your web site loads up very fast!
What web host are you

using? Can I get your affiliate link to your host? I wish my web site loaded up as fast as yours

lol

Here is my page; www.wapmaster2.com

Anonymous said...

Wonderful post however I was

wanting to know if you could write a litte more on this topic?

I'd be very grateful if you

could elaborate a little bit more. Kudos!

Visit my web site :: test.kyrgyz.kg

Anonymous said...

It's a pity you don't have a donate button!
I'd definitely donate to

this superb blog! I guess for now i'll settle for

bookmarking and adding your RSS feed to my Google account.
I look forward to new updates and will share this site with my Facebook group.

Chat soon!

my weblog; http://demo.gltec.net/elgg/blog/view/156/costa-blanca-holidays-from-denia-to-torrevieja

Anonymous said...

F*ckin’ amazing things here. I am very glad to see your
post. Thanks a lot

and i am looking forward to contact you. Will you kindly
drop me a mail?

Here is my page: www.avisanguilla.com

Anonymous said...

I am continually looking online for

ideas that can facilitate me. Thank you!

My web page: adfty.net

Anonymous said...

It’s actually a cool and useful piece of information.

I’m satisfied that you just shared this useful info with us.

Please keep

us informed like this. Thank you for sharing.

my site ... low-cost.prettyfoxy.com

Anonymous said...

Hello. excellent job. I did not imagine

this. This is a splendid story. Thanks!

Here is my page - www.patisipe.com

Anonymous said...

Good - I should definitely pronounce, impressed with your web site.
I had no trouble

navigating through all the tabs and related information ended up being truly easy
to do

to access. I recently found what I hoped for before you know it in the
least. Reasonably unusual. Is

likely to appreciate it for those who add forums or something, website theme .
a tones way for

your customer to communicate. Excellent task..

Here is my web page: Www.Sytevaka.ee

yanmaneee said...

off white x jordan 1
lebron 15 shoes
golden goose outlet
birkin bag
kd shoes
adidas tubular shadow
harden shoes
converse shoes
nike air max 95
louboutin outlet

pathiez said...

basics replica bags see here now luxury replica bags news replica ysl bags