Friday, October 02, 2009

Bilyon Pisong tulong nanganganib na maibulsa


- Doy Cinco

Mula kahapon, may kalahating milyong mga kababayan mula sa maralitang lunsod ang patuloy na nakalagak sa mahigit 600 evacuation center. Aabot sa 300 ang nasawi, ilang daan ang nawawala, sugatan at higit sa limang bilyon piso (P5.0 bilyon) ang pinsala, sa agrikultura at ari-arian. Ayon sa DSWD, may P24.0 milyon na lamang ang natitirang pondo para sa calamity relief. Habang dagsa ang foreign assistance at donasyon mula sa United Nation (UN, tignan sa baba yung figure), patuloy na nananalasa ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon, sa Cagayan, Isabela, Cordillera at Ilocos region. (Residents walk on a muddy road in Barangay Tumana, Marikina as they return to houses damaged by tropical storm ‘Ondoy. BOY SANTOS / http://www.philstar.com/)

Tulad ng inaasahan, muling gagamitin ni GMA ang kalamidad para magpapogi't makabawi. Bukud sa diklerasyong state of calamity, una ng inanunsyo ni GMA na bukas ang pinto ng Malakanyang para sa mga nasalanta. Ang isa sa inaabangan ng marami ay ang diklerasyong kaya nitong suspindihin ang pagbabayad utang sa GSIS at SSS.

Kaya lang, mas hahangaan ng mundo si GMA kung mananawagan din itong isuspindi ang pagbabayad ng utang sa IMF-WB at iba bang multilateral na pinagkakautangan ng Pilipinas habang dapa at bumabangon ang Pilipinas sa tindi ng inabot na dilubyo. Sa kasalukuyan, may mahigit apat na trilyong piso (P4.0 trilyon) ang pagkakautang ng Pilipinas na sa totoo lang ay hindi naman natin napakinabangan. Kaya lang, mukhang hahangarin pa nito ang patuloy na mangutang kaysa banggain ang mga dambuhalang institusyon ng pananalapi sa mainit na isyu ng debt moratorium.

Kung mapapansin, sa mga press conference, nasasaksihang muli ang pagtataray ni GMA sa mga buguk na pamunuan ng mga ahensya ng gubyerno. Ang lahat ng ito ay malamang pagpapakitang “on top of the situation at hindi lameduck ang sarili. Kung matatandaan, sa isang State of the Nation Address (SONA) nung nakaraang taon, pinagyabang nitong well in place na ang flood control, drainage system, plano sa disaster's preparedness at "zero casualty" sa panahon ng kalamidad.

Bunga ng sunud-sunod na kahihiyang inabot sa pulitika, sa pormasyon ng PALAKA, sa junket trip at maluluhong hapunan sa Amerika, may ilang linggo ring nawala sa mata ng mamamayan si GMA. Kaliwa't kanang negatibong reaksyong ang inabot ng gubyerno sa naging paghahanda sa disaster's preparedness, kainutilan ng lokal at ahensya ng gubyerno at mabagal na pagresponde sa kainitan ng pananalasa ni Ondoy. Yung "act of God" na pinalulutang sa media ay nauwi sa kagagawan ng mga namumuno't mga pulitiko (act of men), ang kawalan ng estratehikong plano, bad governance at pagmamahal sa inang kalikasan.

Malayo sa katotohanang nagkaroon ng kontrol (situation) ang administrasyong Arroyo sa panahon ng dilubyo ni Ondoy. Patunay ang kalunus-lunos na larawan ng ating mga kababayan. Ang inaasahang calamity funds na pang-isang taon ay mukhang nasaid. Halos manikluhod at himingi na ng saklolo ang gubyerno sa mundo, sa United Nation, sa mga alyado at mayayamang bansa.

Mainit na inaantabayanan ang P10.0 bilyong supplemental budget para muling maitayo at maibalik raw sa normalcy ang mga lugar na niragasa ni Ondoy na mukhang nakasalang at sasang-ayunan ng Kongreso. Bukud sa P 2.0 bilyong calamity funds na paubos na, sapat raw ang pondong P10.0 bilyon para sa relief at rehab na nakasalalay pa kung magiging maganda ang koleksyon sa buwis ng gubyerno. next year. Kung magkaganoon, "inaasahang lolobo sa target na P 250.0 bilyon ang budget deficit."

Sa kabilang banda, agad tumugon ang mundo na saklolohang ang Pilipinas at sa huling pagtataya, lalagpas sa kalahating bilyon piso ang matatanggap na international assistance para sa relief at rehabilitation. Sa takot, mukhang ang United Nation na ang hahawak at mag-ooperasyunalisa sa $ 74.0 milyong pondong gagamitin sa relief at rehabilitation sa mga nasalanta ni Ondoy. Marami sa mga nag-abot ng tulong-relief ay diniretso na lamang sa Phil National Red Cross, broadcast media, simbahan at sa mga Non Government (pribado) organisasyon (NGOs).

Kung pahahawakan sa mga pulitiko at sa Malakanyang, tiyak na mauuwi sa bulsa ng mga predatory trapo ang pondo. Hindi na balita ang pangungulimbat sa pondong pang relief at pangrehab ang mga pulitiko. Ganito ang kinahinatnan sa P5.0 bilyong pisong pondo ng bagyong Reming na rumagasa sa Bicol, milyon-milyong pisong nawala sa Bagyong Mina at Milenyo.

Hindi masama ang magduda. Kaya lang, ilang buwan na lang (5 buwan) ay kampanyahan na, kulang-kulang 2 buwan na lang at filling of candidacy na at hindi malayong paghinalaang mauuwi lamang sa 2010 election ang ilang masusubing pondo para sa mga nasalanta. Mahalagang mabantayan ng mamamayan ang pondo. Mahalagang maisayos at maging maisinop ang pamamaraan ng targeting, distribution at paggastos. Kung walang transparency, matinong sistema ng accounting at monitoring, tiyak na malalagay sa alanganin ang pondong donasyon para sa mga nasalanta at biktima.

(Larawan : ALL THE HELP WE CAN GET. UN Secretary-General Ban Ki Moon welcomes Philippine Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at the United Nations general headquarters in New York City on Tuesday. - DFA photo http://www.gmanews.tv/story/173585/foreign-aid-pours-in-for-ondoy-victims)


Ang United
Nation ay magbibigay ng $ 47.0 milyon (P2.0 bilyon); Canada, CA $ 5.0 million (P220.0 milyon); European Commission, 2.0 million Euros (P138.0 milyon); Germany, Euros 500,000 (P34.0 milyon); Japan, Y20.0 milyon (P10.0 milyon); China, mahigit $100,000 (P5.0 milyon); US-Aid, $100,000 (P4.7milyon); Vietnam, $200,000 worth of rice (P9.4 milyon); Thailand, $150,000 worth of relief goods (P7.0 milyon); Singapore, $50,000 (P2.35 milyon); Australia, A$1.0 million (P45.0 milyon); France Euros 10,000 ( P0. 70 milyon); South Korea, $350,000 (P17.0 milyon) at marami pang ibang maliliit at kalat-kalat na donasyon.


9 comments:

Unknown said...

pareng doy,

gaya ng dati ako'y elibs pa din sa iyong dedikasyon, at patuloy na pagiging mapanuri at aktibo sa blog mo.

musta na pala bahay niyo sa bulacan? sana'y nakaligtas sa hagupit ng bagyo.

at syempre pa musta na ba IPD natin?

mervs

doy said...

Salamat Mervs sa comment. Ohoh, mukhang eto na lang ang kaunting maitutulong natin.
Muntik ng abutin ng baha yung bahay (isang dangkal na lang, kaya lang mabilis itong nagsubsides. Mataas ang lugar namin.
Buhay pa naman ang IPD. Karamihan ng staff ay project based at tulad ng inaasahan, ADVOCACY at community service (water) sa LGUs ang tutok. May kaunting 2010 engagement. Kung mapapadpad ka, dalaw lang. Yung pa rin naman ang aking cell no.

pooh_queh said...

nagpadala nang advance team si pgma na 100pax sa marilao, bulacan, dahil papunta daw siya, ang mga psg, humingi ng pagkain ang gusto jollibee pa, nang makakain, nagsilayas na lamang, ang rason, di daw makakarating si pgma, eh samantalang ang sabi nga... ng mga taga-munisipyo, kung yung nilamon nila ay naipamigay na lamang sa mga nabaha,pinagastos na ang bayan ng marilao! pinahirapan pa ng lokal na pamahalaan na naghihirap na sa dilubyong dumaan!

Unknown said...

yan ang hirap pag puro sa emergency fund idinadaan ang budget ng kalamidad. napaka-discretionary ng powtek. dapat built in na sa national budget yung para sa disaster-preparedness, response and rehab -- pasok na sa mga relevant govt agencies (dswd, dilg, deped, doh, ndcc, etc.) yung budget na ito.

some people kasi e....

Anonymous said...

Ang kaso, hindi ka rin nakasisigurado na sa mga ahensya ng administrasyong Arroyo.

Yung P 1.0 bilyong FLOOD WARNING SYSTEM na inihatag ng Hapon (JICA) sa DPWH noong 1992, sa after mat ng trahedyang ORMOC nuong 1991 at ipinagpatuloy ng MMDA nuong 2002 ay nasayang lamang, hindi naimintina at napabayaan.

Yun sana ang magmomonitor ng WATER LEVEL at WATER GAUGE na makakatulong sana na makalikas agad ang mamamayan naninirahang malapit sa mga danger zone ng PASIG RIVER, MARIKINA RIVER at paligid ng LAGUNA DE BAY.

Ang bad trip, ang mga urban poor settlers pa ngayon ang sinisisi ni BF sa dilubyung epekto ng tubig-baha sa Kamaynilaan. Walang awang nakahanda ng idemolish ang maramihang mga squatters (kalahating milyong kabahayan - 500,000 shanties) sa mga nabanggit na lugar.
Ang mga bigtime DEVELOPERS at CORPORATE FISHPEN ay kukuyakuyakoy at natatawa lamang.

Anonymous said...

Minamahal na Pautang para sa mga naghahanap ng

Sa iyo sa anumang paghihirap sa pananalapi? Gusto mo bang magsimula ng iyong sariling
negosyo? Ang kumpanya pautang ay itinatag organisasyon karapatang pantao
sa buong mundo na may tanging layunin ng pagtulong sa mga mahihirap at mga taong
may mga paghihirap sa pananalapi ng buhay. Kung nais mong mag-apply para sa isang pautang,
makabalik sa amin gamit ang mga detalye sa ibaba email: elenanino07@gmail.com

pangalan:
Halaga ng pautang kinakailangan:
Tagal ng pautang:
Ang numero ng mobile:

Salamat sa iyo at ang Diyos pagpalain
pagtitiwala
Mrs Elena

Unknown said...

Kumusta ang lahat,
Ang pangalan ko ay Marcia Retnawati ng Batan Miroto Semarang bayan sa Indonesia, Gusto kong gamitin ang medium na ito upang ipaalam sa lahat ng tao na mangyaring maging maingat sa pagkuha ng pautang dito, kaya maraming mga loan lenders narito ang lahat scammer at ang mga ito ay lamang dito sa panloloko mo sa labas ng ang iyong pera, nag-apply ako para sa isang loan ng tungkol sa 100 milyong mula sa isang babae sa Malaysia at nawala ko ang tungkol sa 6 milyong walang pagkuha ng pautang, sila ay nagtanong muli at muli para sa gastos, magbabayad ako ng halos 6 milyong pa rin hindi ko makakuha ng isang loan,

Maging Diyos ang kaluwalhatian, nakilala ko ang isang kaibigan na nagkaroon lamang inilapat sa utang, at nakuha niya ang utang nang walang anumang stress, kaya siya ipinakilala sa akin Mrs Alicia Radu, at apply ako para sa 500 milyong, sa tingin ko ito ay isang biro at isang panloloko, ngunit ako got ang aking mga pautang sa mas mababa sa 24 na oras lamang 2% na walang collateral. Ako napakasaya dahil ako ay nai-save mula sa pagkuha ng mga mahihirap.

kaya ako ng payo sa lahat ng mga tao dito na kailangan pautang makipag-ugnay sa
Mrs Alicia Radu, sa pamamagitan ng email: aliciaradu260@gmail.com

Maaari mo pa ring makipag-ugnay sa akin kung kailangan mo ng anumang karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng email: Marciaretnawati450@gmail.com

muli salamat sa iyo ang lahat para sa pagbabasa ang aking patotoo, at maaaring Diyos patuloy na pagpalain tayong lahat at bigyan kami ng mahabang buhay at kasaganaan

Unknown said...

Kamusta,
Ako Yunita Ariyanti mula sa lungsod ng Surubaya, address Demak java, sa indonesia, Gusto kong gamitin ang daluyan na ito upang payo ukol sa lahat ng aking mga kapwa indonesian mamamayan. na na-naghahanap para sa isang loan, ikaw lang ay upang maging maingat. Ang tanging lugar at kumpanya na maaaring mag-alok sa iyo ng pautang ay LILIANA DONATO loan kumpanya. isang maaasahang at pinagkakatiwalaang mga utang ng kumpanya kung sino ang may baguhin ang buhay ko sa damo sa biyaya, nakuha ko ang aking pautang mula sa kanila. Ang mga ito ay ang tanging lehitimong utang ng kumpanya sa internet. Ko na ginastos sa halos 22 milyong sa mga kamay ng isang pekeng loan kumpanya mula sa philippine.
Ngunit Mrs Liliana Donato ibinigay sa akin ang aking panaginip muli at mabawi ang aking tiwala para sa sangkatauhan muli. makipag-ugnayan sa Mrs Liliana para sa iyong hiling loan
  sa pamamagitan ng email: lilianadonatoloancompany@gmail.com.
Ang aking sariling mga personal na email: yunitariyanti33@gmail.com. Maaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mrs Liliana Salamat lahat para sa pakikinig ng aking patotoo.
Biyayaan ka.

Unknown said...

Kamusta,
Ako Yunita Ariyanti mula sa lungsod ng Surubaya, address Demak java, sa indonesia, Gusto kong gamitin ang daluyan na ito upang payo ukol sa lahat ng aking mga kapwa indonesian mamamayan. na na-naghahanap para sa isang loan, ikaw lang ay upang maging maingat. Ang tanging lugar at kumpanya na maaaring mag-alok sa iyo ng pautang ay LILIANA DONATO loan kumpanya. isang maaasahang at pinagkakatiwalaang mga utang ng kumpanya kung sino ang may baguhin ang buhay ko sa damo sa biyaya, nakuha ko ang aking pautang mula sa kanila. Ang mga ito ay ang tanging lehitimong utang ng kumpanya sa internet. Ko na ginastos sa halos 22 milyong sa mga kamay ng isang pekeng loan kumpanya mula sa philippine.
Ngunit Mrs Liliana Donato ibinigay sa akin ang aking panaginip muli at mabawi ang aking tiwala para sa sangkatauhan muli. makipag-ugnayan sa Mrs Liliana para sa iyong hiling loan
  sa pamamagitan ng email: lilianadonatoloancompany@gmail.com.
Ang aking sariling mga personal na email: yunitariyanti33@gmail.com. Maaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mrs Liliana Salamat lahat para sa pakikinig ng aking patotoo.
Biyayaan ka.