Friday, December 29, 2006

Huwag n'yong GAGUHIN ang May, 2007 election

Inanunsyo ng Malakanyang kamakailan na "susuportahan" nito ang kandidatura ng dating Commissioner ng Comelec na si Virgilio “Garci” Garcillano kung sakaling tumakbo ito sa congressional May 2007 election. Si Garci, ang super controversial, ang tinagurian at binansagang “the biggest electoral thief sa kasaysayaan ng electoral politics sa Pilipinas” ay muling naging laman ng mga balita.

Ayon kay Sec Ermita, “kung tatakbo sa ilalim ng partidong KAMPI o LAKAS si Garci, sa 1st District ng Bukidnon, malugud namin itong susuportahan (palace is committed to support his candidacy).” Dagdag pa niya, “it us versus them.” Ibig sabihin ba nito, tuluyang ng ilalalag ng palasyo ang kaharian ng mga Zubiri at Acosta sa Bukidnon, mailigtas lamang si Ate Glo sa kapahamakan?

Habang isinusulat ko itong artikulo, nagpahabol pa ng isa pang katangahan at kataksilan si Ate Glo; muling binastos at nilamutak ang hustisya, muling naging BURIKAK at yumuku sa matinding pressure ni Uncle Sam, pumayag sa kahilingang ikustudiya si Corporal Daniel Smith mula sa city jail sa Makati tungong US Embassy huwag lamang madiskaril ang makaisahang panig na tratadong Visiting Forces Agreement (VFA), mabawi ang nauna nitong cancellation ng Balikatan exercise sa pagitan ng mga tropang Kano at syempre, mailigtas muli ang sarili (political survival) sa banta ng destabilization na maaring iisponsor ni Uncle Sam.

Pero, saka na muna nating talakayin ang ang isyung burikak at si Uncle Sam, muli nating balikan ang “hello garci” controversy at garapalang pagtakbo sa pulitika ni Garci.

Nakilala si Garci 'di lang sa Pilipinas maging sa buong mundo, sa Wikipedia encyclopedia sa internet, ang kahulugan ng Gaci ay "bilang mastermind ng dagdag-bawas special operation at nasa likod ng isang milyong (1.0 million) vote margin na ikinapanalo ni Ate Glo nuong 2004 presidential election (vote padding at vote shaving)." Hindi mabubura sa isipan ng mga Pinoy ang mga taghoy na "yung dagdag, yung dagdag."

Kung sa bagay, hindi na dapat pagtakhan kung bakit ganun na lamang ang pagmamalasakit, at pagmamahal ng Malakanyang kay Garci, bukud sa kapwa magkabalahibo, walang dahilan upang 'di sila magtulungan, sila'y magkatsokaran sa gawaing pandarambong ng country, pagnanakaw, pananalaula ng Constitution, pandaraya, kapraningan, rapist, istapador at sindikato. Layon din ni Garci na maproteksyunan ang sarili sa pamamagitan ng legislative "IMMUNITY" kung sakaling mailukluk ito sa Kongreso, mailibing sa limut ng kasaysayan ang isyu ng lying, cheating, kriming kinahantungan at illegitimacy ng gubyernong GMA.

Simula't simula pa lang ng “hello Garci controvercy” at election nuong 2004, bigay todong serbisyo, suhol at proteksyon ng buong ahensya't resources ng gubyerno, ng Department of Foreign Affair-DFA, Dept of Justice (DOJ), Dept of National Defence-DND, AFP-PNP, DILG at Office of the President ang iginawad na suporta kay “Garci” bilang balik tangkilik at bayad utang sa mga nagawa nito. Kulang na lamang na idiklarang BAYANI at ipagpatayo ng monumento si Garci.

Ayon kay Pitchay at Nograles, mga TRAPONG goons at wrecking crew ng palasyo, “walang dudang mananalo” si Garci sa 2007 election. Korek kayo diyan! Tama ang dalawang MATON ng Tongreso ng sabihin nitong hindi impusibleng manalo si Garci sa May 2007 election;

Una;
Sa Philippine election, hindi mahalaga ang reputasyon, credibility at karangalan, hindi rikisito ang moralidad at pagpapakumbaba. Tulad na lamang sa kaso ni Rep Jalosjos, maliban sa TRAPO, naakusahan convicted na rapist at naibilanggo ng habangbuhay sa Muntinglupa ay nananalo pa sa kanyang distrito sa Misamis Occ sa Mindanao.

Pangalawa; Maliban sa padri-padrino, Kasal, Binyad Libing (KBL) ang sistemang umiial sa election sa Pilipinas at ito ang sistemang nagbigay daan at naggagarantiya kung bakit nananalo si Jalosjos at ang ibang buguk na TRAPO.

Pangatlo; May malalang krisis ng repesentasyon sa bansa. Batid ng populasyon na PEKEng election at demokrasya ang umiiral sa Pilipinas. Makailang ulit naming sinasabing “dahil sa sistemang KBL, ang mga representanteng nae-elect ay kailan ma'y hindi naging tunay na kinatawan, walang constituency at walang dapat ipagmalaki. Ang totoo, dahil sa kagipitan, kahirapan, karalitaan at kapit sa patalim, "nauubliga, pinili't ibinoboto ng mamamayan ang mga TRAPO.”

Pang-apat; fiesta, pinagkakakitaan, zarzuela, pasikatan at divisive ang election. Kompetisyon lamang ng mga faction o grupo ng mga elitista't TRAPO, walang kalatuy-latuy at walang kasusta-sustansya ang election sa Pilipinas. Kaya't haggang hindi naipagtatagumpayanan ang panawagang pagbabago, ang REPORMA sa ELECTION at PULITIKA, mananatiling bangungut ang demokrasya at walang tunay na representasyon mangyayari sa Pilipinas.

Ang pagiging kinatawan ng mga kawatan, pandarambong, manipulador, pandaraya't mamamatay tao ang tunay na nirerepresenta ng mga pulitiko. Kinatawan sila ng apat (4) na "G", guns, gold, goons at girls, KINATAWAN sila ng mga supplier, kontratista, malalaking negosyo't corporation, mga campaign fund donor, mga NINONG at NINANG sa Malakanyang at operador. Sila ang tunay na pinaglilingkuran ng mga pulitiko (pinagkakautangan ng loob) hindi ang mamamayan na bumoto sa kanila.

Hindi maitatanggi ng mga pulitiko kung saan nagmula't nanggaling ang mga campaign funds na ginagastos ng mga ito sa tuwing may election. Ito'y mula sa mga drug lords, weteng lords, prostitution lords, smuggling lords at sa pork barrel dulut ng mga proyektong “pangbayan o public works.” Ayon sa mga "kilalang operador" ng electoral politics, nobenta't porsiento (90%) ng winning factor sa isang election ay kung maisasagawa nito ang isang matibay, matatag paldo-paldong lohistika't pampulitikang makinarya ng isang kandidato.

Sa puntong ito, dito ko naman hinahangaan si Nograles, Pichay, Sec Ermita at si Ate Glo sa kanilang forecast na wala ngang katalo-talo ang TRAPO at si Garci sa 2007 election.

Sino ang nagsasabing mga tunay na representante sila (pulitiko) ng PIPOL, mga HINDUT!!. Magkaiba ang Pulitiko at ang Pipol, itinuturing predator, dimonyo't halimaw ang mga pulitiko, samantalang biktima't nilalapa nito ang PIPOL. Sa totoo lang, sila ang nagsadlak sa labis na karalitaan ng mamamayang Pilipino, inagawan nito ng gatas na makakain ang iyak ng iyak na sanggol, sila ang recruiter at nagtulak kung bakit lumaganap ang prostitution, sila ang dahilan kung bakit nawarak at nagkawatak-watak ang pamilyang Pilipino, sila ang dahilan kung bakit lumaki ang kriminalidad sa bansa, kawalan ng hanapbuhay at edukasyon ng ating mga kabataan at disenteng tirahan.

Hindi lamang ang probinsya ng Bukidnon ang magiging kawawa kung sakaling manalo si Garci at tatakan ito bilang isang “honorable, distinguisehed coleague fron 1st district of Bukidnon.” Ang buong Pilipinas sa katauhan ng mahigit 190 pekeng kinatawan sa kongreso ay kinakatawan ng mga trapong hindi naiiba't katulad din ni Garci.

Try to imagine ang Quezon City, ang lugar kung saan maaring sabihing sentro ng intelektualismo, sentro ng aktibismo't civil society ng bansa at sentro na may malaking konsentrasyon at pulutong ng middle class, nakakalungkot sabihing kung bakit mga TRAPO ang apat (4 – Crisologo, Annie Susano, Defensor at Nannete Daza) na kinatawan nito sa Kongreso.

Maaring sabihing may malaking KAHINAAN, pagkukulang ang NGO community, ang civil society, lalo na ang KALIWA sa trahedya, kung bakit hinayaang makalusut ang apat na TRAPO sa QC? Kung sa sariling bakuran ay hindi makapaglukluk ang KUMUNIDAD ng mga aktibistang kinatawan, how much more sa mga liblib na lugar ng Mindanao, Visayas at Northern Luzon!

Sa kabila ng pagkaka-abswelto ng Dept of Justice (DOJ) sa ilalim ng pamumuno ng siRaulong si Gonzales, (hindi na balita't inaasahan)
manalo't mailukluk si Garci sa Tongeso, sa mata ng mundo, walang legitimate closure sa krimeng ginawa nito nuong 2004 presidential election; ang pagnanakaw, pananalaula ng Constitution, pagyurak ng halalan nuong 2004 presidential election at pagiging ilihitimo ni Ate Glo.

Aasahang gagaguhin, tatarantaduhin ng Malakanyang ang May 2007 election, mailigtas at manatili lamang sa kapangyarihan si Ate Glo hanggang 2010. Kung sa bagay, kailan ba nagkaroon ng matino at malinis na election sa Pilipinas? Abangan na lang natin si Garci at mga TRAPO sa Tongreso.....

Doy Cinco / IPD
Dec 30, 2007

Sunday, December 24, 2006

Wow mali, urong sulong at oportunista

Mahirap para sa isang pangulo, lalo na kung ika'y naakusahang ilihitimo na maging flif-flopper, pagmamaang-maang, padaskul-daskol, walang paninindigan at higit sa lahat oportunista. Sa ating nakagisnang tradisyon, kaya pang patawarin ng mga Pinoy ang "WOW Mali" kung may nakikitang naidedeliver na serbisyo at ipinagtatanggol ang country, kaya pang maibsan ang mga kasinungalingan, pagbigyan pa at maging matiisin kung mapagkumbabang hihingi naman ito ng tawad sa mamamayan. Kaya pang patawarin kung isang beses o makalawang beses, subalit, kung ito'y dumadalas, hindi natututo't nagwawasto, pasaway at nagmamayabang, ibang usapan na.

Mula ng ipanawagan nitong wala ng balak tumakbo sa pagka-presidente nuong 2003, Rizal Day celebration at nagsirko, mula ng hayagan nitong ipagdikdikang isusulong nito ang Cha Cha sa dalawang magkasunod na SONA ni Ate Glo, mula ng Hello Garci controversy at pagsisinungaling, mula ng makoryente ito sa isyu ng Nursing (leakage) testing, PIATCO at mula ng kapal mukha nitong ikundina ang North Korea sa missile testing at kudeta laban kay Prime Minister Thaksin ng Thailang at marami pang iba. Mukhang 'di na kayang sikmurain ng mamamayan Pilipino. Palibhasa walang plataporma de gubyerno, walang malakas na pundasyong IDEOLOHIKAL at PARTIDO at political survival ang palagiang game plan.

Hindi natin masisisi kung marami sa mga panggitnang saray (middle class), malalapit na kaibigan lalo na sa NGO community ang patuloy na lumilisan at nangangarap mag-alsa balutan, iwasan pansamantala ang gubyernong inutil, kahiya-hiya, bangkarote at gubyernong patuloy na sumasadlak sa kumunoy ng bansa.

Sino ang maniniwala, magtitiwala, kayang magtiis, aasang uunlad at babalik pa sa normalcy ang Pilipinas kung ganito kalubha at may namumuong polarisasyon at pampulitikang krisis ng bansa. Kung walang pagbabago, kung ganito ng ganito ang klase't uri ng paggugubyernong umiiral sa bansa hanggang 2010.

Sinong bansa sa mundo ang maniniwalang nasa stable at aangat pa ang ekonomya ng Pilipinas, kung ang rule of law at ang Constitution ay binabalasubas upang iangkop at manaig ang vested interest ng mga nasa kapangyarihan. Sinong mamumuhunan ang maniniwala, kung mismo na ang presidente ay walang tiwala't walang kontrol sa kanyang mga heneral sa military, kung umaasa na lamang ito sa kung anong isinasalaksak na agenda ng kanyang mga galamay sa Malakanyang, sa Kongreso, sa maimpluwensyang mga dambuhalang negosyo't elite at kung ang padri-padrino ang rule of the game sa pulitika.


Nasaan ang ipinangangalandakang STRONG REPUBLIC, nasaan ang 10 point program na paulit-ulit na ikinokokak sa tuwing may State of the Nation address (SONA), nasaan ang reporma't demokratisasyon, ang kasaganahan at kaunlaran, ang pagiging SECOND WORLD, “pagkaing sa hapagkainan, ang milyong hanap buhay at mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan?”

Simple lamang ang palatandaan kung tayo at ang bansa ay umaasenso. Kung wala ng daan-daang libong lumuluwas na OFW, wala ng namamasukan o nangingibang-bansa, ay maaring sabihing totoo ngang umuunlad ang ekonomya. Palatandaang kung tayo na ang pinupuntahan, tayo na ang sinusugud ng mga kalapit bansa (Bangladeshi, Kmer, Indonesian, Burmese, mga mahihirap na bansa sa Africa) bilang Overseas Contract Workers upang magtrabaho sa Pilipinas bilang “super Maids at contract worker" hindi ang mga pangitaing tayo ang namamasukan, nangingibang-bansa, kapit sa patalim upang magtrabaho.

Ang problema, nireretoke, dagdag-bawas ng mga datos na gamit, dinadaan sa technicalidad at technocratic terms, tulad ng
GNP, stock market, balance of payment (BOP) at gumagandang palitan ng Piso sa Dolyar." Alam ng lahat na hawak sa leeg ng Malakanyang ang ahensyang nangangasiwa sa ating ekonomya, ang National Economic Devt Authority (NEDA). Kung lubusan ng mawawala ang OFW, (hundred years from now), ganap na ngang magkakatotoo ang ikinokak ni Ate Glo na "second world."

Lima (5) lamang ang alam kong nakikinabang at umuunlad sa Pilipinas, ang tatlong bilyunaryong si Henry Sy, Lucio Tan, Jaime Zobel Ayala, mga PULITIKO at mga tao't galamay sa Malakanyang .

Hindi maiiwasang ng mga Pinoy, lalo na ang mga immigrante o OFW na matagal ng nanalagi sa mayayamang bansa na ikumpara ang kalidad ng pamumuhay duon, sa kalunus-lunus na kalagayan ng ating mga kababayan dito.

Kailan tayo makakatagpo ng mgamga aktibistang presidenteng may buto sa gulugod, makabayan, may sarili't walang pinapanigang pananaw, kontra sa imperyalistang hegemonya ng Estados Unidos, nagbabandila ng hustisya't katarungan hindi lang sa sariling bayan maging sa pandaigdigang labanan (
Evo Morales ng Bolivia, Hugo Chavez ng Venezuela, Mahathir ng Malaysia, Fidel Castro ng Cuba at “Lula” ng Brazil).

Unsolicited advice sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.... kung 'di na kaya, kung hirap na't gusto ng magpahinga at kung isinusuka na ng mayorya ng mamamayang Pilipino ang pekeng pangulo, mainam na ayusin na ang exit plan, lisanin ang trono't pwesto, magresign na't ihatag na sa grupong mapagkakatiwalaan, may kakayahan magwasto't pansamantalang mangasiwa ng bansa.

Doy Cinco / IPD
Dec 25, 2006


Friday, December 22, 2006

Kudeta at aklasang bayan, pangunahin banta sa gubyernong GMA sa 2007

Hindi nakasisiguro si Ate Glo na ang banta ng seguridad at pagpapabagsak ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng Kudeta (ang nalalabi't tanging paraan) ay burado't nagkalimutan na. Bagamat mahina ang oposisyon at watak-watak ang kanyang mga kaaway, nabibigyang abono't buhay ito ng Malakanyang dahil na rin sa sunud-sunud na mga pasaway at political blunder ng Palasyo.

Walang dudang alam din ito ni Ate Glo at kanyang mga alipores sa Malakanyang na hindi aabot hanggang 2010 ang kapangyarihang trono, sapagkat
nananatiling hinug ang kalagayan, kondisyon, ingredient at mga batayan upang ang mga grupong nagtutulak ng demokratisasyon sa bansa ay buhay, patuloy na nagpapalakas at tsumetiempo ng magandang pagkakataon.

Kamakailan lamang, sa isang pagtitipon at speaking engagement ni ARMED Forces chief General Hermogenes Esperon Jr. sa AFP's 71st founding anniversary nuong nakaraang Linggo, sinigurado nito kay Ate Glo na
“tinuldukan na ng ng pamunuan ng AFP ang military adventurism ng mga kaaway ng gubyerno.” Pinasalamatan din ni Esperon si Ate Glo sa suportang inihatag nito na “maisulong ang military reform efforts, kasama ang isang bilyung pisong (P1.0 bilyon) grant para sa proyektong pabahay, pagpapatayo ng hospital at capability upgrading ng AFP.”

Dagdag pa, itinalaga ang dalawang retiradong heneral na si
Vice Admiral Mayuga at Lt. General Pedro Cabuay sa isang “task force na binuo ng Department of National Defence na mag-ooversee sa procurement ng military hardware.” kabilang ang dalawa sa bubuuing task force ng Finance undersecretary Roberto Tan laban sa pangungurakot sa loob ng AFP. Sa madaling salita, “ganap na raw na masasawata at malulusaw ang isyung kumukubabaw sa kasundaluhan, lalo na sa hanay ng junior officers na maghangad pa ng pag-aaklas laban sa gubyerno ni Ate Glo.”

Kung ating susuriin, napakababaw ng solusyon sa ilang dekada ng adbokasiya o mga kadahilanan kung bakit nagbabagang apoy ang katatayuan ng mga aktibistang hanay ng junior officers na ganap na ngang mawawala ang banta ng kudeta. Hindi nasasapol ng pamunuan ng AFP at Malakanyang ang lumalagablab, ang lalim ng diskontento't prinsipyong ipinaglalaban ng mga junior officers.

Kung Scenario-building ang pag-uusapan, ang ingredient ng TSUNAMI, lindol at bagyong signal number 4 tulad ng panloloko't bastusan sa CHA CHA, ang patuloy na political killings at paglabag sa human rights, ang patuloy na tensyon sa Mindanao at terorismo ng estado, ang pang-aapi't pang-aalipusta sa mga akusado ng “kudeta at military mutiny,” ang breakdown ng peace and order, ang mga palatandaang unti-unting dumidistansya ang gubyernong US, ang cancellation ng ASEAN Summit sa Cebu, ang cancellation ng Balikatan, ang joint military training sa pagitan ng AFP at US forces, ang patuloy na pakiki-apid nito sa China at marami pang iba.

Hindi malayong isiping nalalapit na ang paghuhusga't pagtutuo sa administrasyon ni Ate Glo, ito may constitutional o unconstitutional means, electoral, impeachment o KUDETA't pipol power na kaparaanang pagpapabagsak sa kanyang rehimen.

Ayon sa mga junior officers; napakalubha, out of proportion ang krisis na tinatamasa ng mamamayan. Hindi kayang tapalan ng isang band-aid o tapatan lamang ito ng
proyektong pabahay, hospital at proseso ng procurement ang lumulubhang ekonomya't karalitaan ng bansa. Malayo ang mga proyektong nabanggit sa kalagayang winawasak at sinasalaula ang Rule of Law at moral order ng bansa.

Habang ipinagbubunyi ang tatlong (3) Pilipinong bilyunaryo sa Forbes Asia (Henry Sy, Lucio Tan at Zobel-Ayala), ang masidhing pangungurakot at katiwalian sa gubyerno, mahigit tatlong milyong pamilya ang nagugutum, mahigit sampung porsiento (10%) ang walang hanap buhay at disenteng pamumuhay, patuloy na weak ang gubyerno, naproprostituted ang demokratikong institusyong ng estado at ang pinkamalungkot, nanganganib magiba ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura.


Batid ng kasundaluhan na isang illegal at unconstitutional ang patuloy na pag-umuukupa't pananatili sa Malakanyang ni Ate Glo. Batid din ng Kasundaluhan ang kanilang pananagutan at constitutional duty bilang
“protector of the people and the state” at patuloy na nananalaytay sa kanilang damdamin at adhikain ang demokrasya't kaunlaran.

Doy Cinco / IPD
Dec. 23, 2006

Thursday, December 21, 2006

Walking on a Knife's Edge

THE ECONOMY

by MAITET DIOKNO-PASCUAL and CLARENCE PASCUAL

MAKE NO mistake about it: The Arroyo government has focused its energies on improving its fiscal situation. But it is doing so primarily to address the concerns of international creditors and credit-rating agencies, as well as to survive the political challenges to Gloria Macapagal Arroyo's presidency. And while it has been hailed by the creditor community as a "success," the Arroyo administration's fiscal policy now poses a major obstacle to economic growth, job creation, poverty reduction, and the attainment of the Millennium Development Goals (MDGs).

In 2005 the present administration was able to lower the fiscal deficit, both in absolute terms and as a proportion of the gross domestic product or GDP. In the first nine months of this year it reduced the deficit by P70 billion. That, however, was less than half the target deficit for the period.

A closer look at the fiscal balance also shows that the lower deficit was achieved primarily through
spending cuts rather than improved revenue mobilization. Spending cuts accounted for 92 percent of the improvement in the January-to-September deficit vis-à-vis targets, while increased revenues contributed a meager eight percent. In fact, the Arroyo government failed to meet its tax targets in 2005 and this year. In 2005 it had to resort to a 10-percent cut in non-interest, non-IRA (Internal Revenue Allotment) spending to produce an "acceptable" deficit. This year, the spending cuts are deepening: 18 percent in the first nine months.

This pattern of fiscal management has certainly made the bottom line look good to creditors and credit rating agencies. But it is
unsustainable. The weaknesses in the fiscal management by the Arroyo government will become more difficult to hide in the next three years, and may even erase the gains already made.

On the revenue side, efforts to raise tax revenues will fall short of expectations. For one, the Arroyo government does not have the
credibility, the moral suasion, or the political will to compel big business and the elite to pay more taxes. This year, it failed to meet targeted increases in taxes paid by professionals such as doctors and lawyers. And it is halfhearted about removing tax holidays and other fiscal incentives for big business and investors who, studies show, would have invested anyway even without the incentives.

Subsequently, the government
relies more and more on workers and ordinary consumers. Shifting the tax burden on those who have less and earn less is at the core of the Arroyo government's tax strategy. Raising the value-added tax (VAT) rate from 10 percent to 12 percent may do the trick for one year — the tax effort (taxes as percent of GDP) improved from 13 percent in 2005 to 14 percent in the first nine months of this year. But to achieve a tax effort of 20 percent and higher in the coming years, the government must rely on a tax base with steady jobs and rising real incomes — two basic conditions missing today.

Wage and salary workers are the primary source of personal income-tax revenues, contributing nearly 90 percent of close to P100 billion in 2004. They form the "critical mass" as far as income taxes are concerned. But they are an endangered species under the Arroyo government. Of the employed, only about half are salaried employees — a narrow base from whom to draw income taxes. Job creation has been weak and a significant number of new jobs are found in the informal sector, where earnings are outside the income-tax net.

Ordinary consumers with shallow pockets and mounting personal debts make another cluster of unwitting taxpayers who form the government's tax base. By the government's own estimate,
average family incomes in real terms fell by 10 percent between 2000 and 2003. A base that is as severely income-challenged as this cannot possibly contribute to a rapid rise in the tax effort.

ONE PIECE of the unsustainable tax puzzle merits attention:
the reliance on debt for revenues. Every time the Bureau of Treasury sells government debt papers, the national government collects a tax on the interest it pays its lenders. In other words, whenever the government borrows in the domestic market, such borrowing boosts its tax revenues. The more it borrows the more taxes it earns.

Sunday, December 17, 2006

KONGRESO, hindi lang TRAPO, Anti-Pilipino pa

Bukud sa TRAPO, nakakatawang mga baboy, may lagnat sa utak at anti-Pilipino pa. Ayon kay Tong Eduardo Gullas at ang bagong itinalagang Kalihim ng Dep Ed na si Jeslie Lapuz, “napakalaki na raw ang inihina o lubusang “nag-erode na raw ang competitiveness ng ating bansa in terms of human resources, 'di lang sa Pilipinas maging sa bumibilis na takbo ng globalization.”

Ang katwiran ng dalawa, ang pangunahing dahilan daw kung bakit bumagsak, nanglupaypay ang mayorya ng ating mag-aaral sa Math at Science ay dahil daw sa “POOR ENGLISH,” may “kulang sa pag-intindi't pagsasalita ng English???”

Kung kaya't kamakailan lamang, itinulak na maipasa sa Tongreso na “gawing medium of instruction sa lahat ng school level ang wikang English upang mai-upgrade daw ang kalidad ng ating edukasyon at gawin daw itong MARKET DRIVEN.” Ayon kay Sen Pimentel, isang malaking paglabag at kalapastangan sa ating Constitution ang nasabing panukala.

Paano mauunawaan ang ating mag-aaral ang Math at Science subject kung ang ginagamit na medium o lengguahe sa instruksyon (resource at reference materials ) ay pawang English! Bakit, ang medium of instruction na ginagamit sa pagtuturo ng science at math sa Japan, Rusya, China, Germany, France, Italy, Thailand, Czecoslovakia at sa Scandinavian countries ay ENGLISH???

Ano ang kinalaman ng ating CONSTITUTION na nakasaad na "ang Filipino ang siyang magiging wikang Pambansa" sa deterioration (panlulupaypay) ng Math at Science ng ating mag-aaral sa mababang paaralan ng bansa? Pilit na isinasalaksak sa utak ng ating mga kabataan ang wikang English. Dahil ba sa habang buhay na lamang ba tayong CALL CENTERS, caregivers, super maids, japayuki at OFW ng mundo?

Ayon sa nakasaad sa Seksyon 6 hanggang 9, Artikulo 14 Edukasyon ng ating 1987 Constitution na nakapatungkol sa Science and Technology, Arts, Culture at Sports, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa ang sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ilang dekada na nating hawak ang trono bilang ikatlo sa mundo na nagsasalita ng English. Ilang dekada ring naihiwalay at hindi naintindihan ng mamamayan ang gubyerno't lipunang pinamunuan ng elite. Ilan dekada ring pinagloloko ng mga pulitiko sa kai-english ang mamamayan. Ilan dekada ring dukha't kapuspalad ang mamamayan sa lipunang pinamunuan ng elite.

Sa ayaw man natin o sa gusto, dahil siguro sa klase, sa porma, pango at disenyo ng ating BIBIG, ipagmalaki't tanggapin na nating ang English kalabaw!


Kung ganito kabuguk ang iniisip ng ating mga pulitiko sa Kongreso para mai-angat ang kalidad ng edukasyon, wala na nga talaga tayong maaasahan aangat pa ang sistema't kalidad ng ating edukasyon! Mula sa charter change hanggang sa pamumulitika, puro katangahan, kataksilan at katrayduran sa bayan ang inaatupag.

Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay, kung ang English ang magpapawi ng katiwalian at pangungurakot, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang english ang bubura sa paninging UTUSAN ang Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa Asian Games, sa tuwing may Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro NUMERO UNO NA TAYO sa ASIA, sa LAHAT NG BAGAY SA MUNDO!

Ayon kay Senador Pimentel, “kailangang maparusahan ang kagawaran (Dep Ed) at ang mga paaralang lumalabag sa umiiral na batas hinggil sa mandatory teaching ng ating pambansang wika.”
Mabuhay ka Senador Pimentel at tatlong bagsak para sa mga Senador.

Doy Cinco / IPD
Dec 18, 2006

Tignan ang;
Senators warned vs bill on English as medium of instruction
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metroregions/view_article.php?article_id=38987
By Maila Ager
INQ7.net
Last updated 05:23pm (Mla time) 12/18/2006



Electoral Violence nagsisimula na

Ito ang uri't sistema ng pulitika mayroon tayo. Hindi na bago at hindi na rin balita ang ganitong sitwasyong kakambal ng election sa 'Pinas ang patayan, dayaan at kaguluhan. Ang balita at headline ay kung magkakaroon ng katahimikan, malinis, walang patayan at kaguluhan ang election. Kung baga normal lamang at inaasahang ang ganito at dadami pa ang hahandusay, mauulila, iiyak at maghihinagpis at siyempre kikita ang negosyo ng punenarya. Ito ang kapalit na kapital na bahagi na ng pulitika (collateral damage) na nakasanayan ng mga pulitiko sa ating bansa.

Maliban sa magpapatuloy ang political killings sa hanay ng Kaliwa, inaasahang muling magkakaroon ng breakdown ng peace and order (inutil ang PNP at AFP) sa pagsapit ng Enero, 2007 hanggang sa post election period ang bansa. Ang nakakalungkot, baka may mga nasa likod o malalimang orchestration sa bahagi ng administrasyon ang mga nagaganap na patayan sa bansa. Ito'y upang bigyang katwiran ang "emergency rule o prelude sa pagdedeklara ng martial law" na mauwi sa "No-El senaryo o pagdiskarel ng May 2007 election, " istilong diktadurang Marcos. Kung baga, bukud sa muling bubuhayin ang Cha Cha, ang game plan ng palasyo na "pagkahaba-haba man ng prosisyun, sa No-El parin ang kauuwiang direksyon.

Ito sana ang unang prinayority at trinabaho ng ating Kongreso, na magkaroon ng electoral at political reform na siyang isa sa ugat ng krisis ng pulitika't elihitimong pangulo, hindi ang walang kabuhay-buhay na Charter Change. Kung sa bagay sinong tangang pulitiko na gagawa ng batas na ang mga sarili nila ang tatamaan at mabibiktima.

Bago ang pamamaslang kay Kongresman Luis Bersamin Jr., tinangka rin ang buhay ni Kong Dodot Jaworski at NOGRALES. At halos lahat ay nagsasabing pulitika ang nasa likod ng pagtatangka. Nakakalungkot isiping napapa-aga ang kaguluhan-patayan kahit malayo't hindi pa nagsisimula ang campaign period (45 days sa Lokal at District) sa May 2007 election.

Buhay o kamatyan ang pulitika sa bansa;
divisive, violent, elitist, showbiz at pera-pera lamang. Ito ang mapait na estado't sistema ng ating pulitika, walang natatalo, nadadaya't napapatay lamang. Since ememorial pa ang ganitong pangitain sa electoral politics ng bansa, ibig sabihin kahit nuon pa, bago ang World War II hanggang sa panahon ni Quirino (ex Crisologo at Singson sa Ilocos) hanggang sa panahon ni Marcos, naging bahagi't normal na ang ang patayan na may kaugnayan sa pulitika.

Sa mga nagsusuri ng electoral politics at election realated violence, nagsisimula na ang dilhensya't pag-iipon ng campaign kitty (budget) na walang dudang panggagagalingan sa masasamang elemento't aktibidad nito; ang weteng, drug, pork barrel at pangungurakot, smuggling at pagnanakaw, nasa WAR FOOTING na ang mga pulitiko. Ibig sabihin, bukud sa bata-batalyong private armies at gun for hire, latag na ang apat na 'G' (guns, gold, goons at girls), nag-iipon at nag-iinbentaryo ng kani-kanilang ARMORY, mga armas at bala para sa May 2007 election.

Kung 'di mo kayang talunin sa balota, ang last resort, BALA, meaning 'hindi na paabutin sa campaign period ang katunggali, “daanin mo sa disqualification, dayaan at kung 'di uubra, takutin o patayin mo ang kalaban.”

The forms and incidence of electoral violence vary according to the different election phases:

TABLE 1: Violent incidents and deaths across election periods


1988

1992

1995

1998

Pre-election period

23 incidents, 11 deaths

16 incidents, 3 deaths

37 incidents, 7 deaths

44 incidents, 7 deaths

Campaign period

268 incidents, 149 deaths

87 incidents, 73 deaths

127 incidents, 80 deaths

188 incidents, 53 deaths

Election day

91 incidents, 14 deaths

43 incidents, 11 deaths

59 incidents, 16 deaths

71 incidents, 9 deaths

Counting-Canvassing-Proclamation period

23 incidents, 14 deaths

11 incidents, 2 deaths

21 incidents, 5 deaths

19 incidents, 8 deaths


Patrick Patino & Djorina Velasco; Election Violence in the Philippines
The authors are Research Associates at the Democracy Watch Department of the Institute for Popular Democracy (IPD), Quezon City, Philippines.

Doy Cinco / IPD
Dec 17, 2006

Friday, December 15, 2006

Tatlong Bilyunaryo, sa gitna ng karagatang kahirapan

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng matinding karalitaang dinanas ng ating mamamayan, higit pa sa dinadanas ng bansa nuong panahon ng gera WWII, may mababalitaan tayong may tatlong Pinoy na super ang yaman. Ayon sa Forbes Asia; may $4.0 bilyon ang networth ni Henry Sy, $4.0 bilyon ang kay Lucio Tan, habang $2.0 bilyon naman ang kay Jaime Zobel de Ayala. Kung pagsasama-samahin, halos kalahati ng national budget ng bansa (P1.2 trillion) ay katumbas ng mga pag-aari ng tatlong ito.

Si Sy ang may ari ng mahigit 30 SM Mall sa bansa at Mall of Asia,ang isa sa pinakamlaking Mall sa Asia. Siya rin ang may-ari ng Banco de Oro. Pag-aari ni Lucio Tan ang Philippine Airline (PAL), Fortune Tobacco, Philippine National Bank (PNB), Allied Bank, beer at ilang property sa Hongkong. Ayala Corporation, Bank of Philippine Island (BPI), Manila Water ang pag-aari naman ng mga Zobel. Wasto't magkano kaya ang ibinabayad na buwis ng mga ito, lalo na ang tinatawag na RealPropert tax? Kung 'di man nagpapalusot, walang dudang tax evader, nanduduktor ng mga datos ang tatlo at para makatipid, nanunuhol na lamang sa mga pulitiko.

Pinapatuyan lamang na hindi pantay (inequalities) ang yaman na natatamasa ng mga Pilipino, lalo lamang luminaw na iilang pamilyang elite ang may hawak ng kabang yaman at resources ng bansa. Sila ang mga ELITE na pinapatungkulan ng mga datos (economic data) na nakikinabang ng pag-unlad ng ating ekonomya at hindi ang mga Pilipino.

Habang ang
kalahati ng ating populasyon o 40-50% ang dumadanas ng karalitaan, kaakibat ang mahigit kumulang sa 40.0 milyon ng populasyon ang nagdarahop na kumikita lamang ng mahigit-kumulang na P100.0 kada araw o halos $2.0 kada araw. Higit sa kalahati ng populasyon (40.0 milyon) ang dumadanas ng matinding karalitaan at ang ang 20% rito ang ay nakakaranas ng masidhing kagutuman.

Sa loob ng mahigit tatlong dekadang (30 taon) nagdaan, mula sa panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa kasalukuyang rehimeng si Ate Glo, halos walang ipinagbago, walang pag-unlad, papaatras at bumulusuk pababa ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Nangangahulugan na pawang kasinungalingan, panloloko, inilihim at hindi ipinakita ng mga nagdaang presidente (Macapagal, Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada at ngayong si GMA), ng ating Kongreso, ilang salin (6x) na mga nagdaang mga Gabinete't pinuno ng National Economic Dev't Authority (NEDA), mga economic planners-technocrats, ang tutuong larawan at estdo ng ating kabuhayan.


Imaginin na lang natin kung ano ang nakakakilabot na kahulugan, meaning o mga palatandaan ng karalitaan tinamasa ng ating mamamayan na idinulot ng maling pangangasiwa't (bad governance) PATAKARANG (kolonyal at anti-mamamayan) ipinatupad ng mga nagdaang presidente ng bansa.

Malaking bahagi ng populasyon, sa kanayunan man o sa kalunsuran ay walang hanapbuhay, walang access sa (delivery) basic services; drinking water, walang mga sanitary toilet, walang kuryente, mataas ang illiteracy rate, masalimuot at kawalan ng disenteng pabahay. Ito ang
karumaldumal na KRIMENG mas masahol pa sa pinsalang pinagdaanan ng ating mga kababayan (casualty-since World War 2 ) na dapat panagutan at pagdusahan ng kasaysayan.

Nagresulta ito ng maralawakang paglikas at mangibang bansa (OFW) ang ating mga kababayan, kapalit ang survival, ng ilang dolyar, 'di alintana ang mapait na kahihinatnan ng maiiwang mga mahal sa buhay. Ayon sa Dept of Labor (DOLE), may kulang-kulang na limang libo (5,000) Pinoy ang umaalis araw-araw o sa loob lamang ilang taon, lumobo ito ng mahigit kumulang na 10 milyong Pinoy na lakas loob na lumikas, nagtrabaho't nagmigrate sa ibayong dagat at ito na lamang ang tanging panalba sa ekonomiyang may mahigit tatlong dekada ng gigiray-giray.

Maliban sa karalitaan, magkasabay na lumala ang sari-saring krisis na 'di mareso-resolba ng papalit-palit na paksyong pinamunuan at kinontrol ng elite. Kung kaya't kay daling unawain kung bakit hindi matapos-tapos ang kaguluhan, ang rebelyon, ang pagrerebulusyon at insureksyon isinusulong partilular ng iba't-ibang pwersang pulitikal labas sa kapangyarihan ng estado poder ng bansa.

Ang tanong, ito ba ang modelo ng demokrsya't kaunlarang na ilang dekada ng ginagamit, pilit na isinasalksak sa ating utak at garapalang ipinapaunawa ng mga pulitiko sa country?

Doy Cinco / IPD
Dec 15, 2006

Wednesday, December 13, 2006

Comelec; tuloy na ang May 2007 election, kaya lang......

Mula ng maibasura at nadoble dead ang Con Ass sa Mababang Kapulungan nuong nakaraang Friday (Dec 8, '06). "Tinuldukan na rin ng Malakanyang maging ang itinutulak na Con Con para sa lokohang charter change at tuluyan na nga itong inilibing ng malalim, mukhang nagbigay signal ito sa mga pulitikong re-electionista at nagbabalak tumakbo na tuloy na tuloy na nga ang May, 2007 election.

Kapansin-pansin ang
biglaang kulumpungan ng mga political streamers, mga name recall sa lansangan, nakasabit sa mga kawad, nakabitin sa overpass at naka-frame pa bakal sa kanto na naglalaman ng sari-saring political GIMIK, mga diskarteng buluk tulad ng mga “pagbati” sa kapaskuhan, at “pagpapaalala sa creditong proyektong ipinatupad nito.”

Ang ELECTION ay totoong magpapa-kalma ng tensyon sa pulitika. Maaring sabihing pansamantalang magkaroon ng political stability ang bansa at magkakaroon na ng katahimikan sa mga kumukontra sa charter change. Sa kabilang banda, baka ang ELECTION ang "tipping point na hinahanap o siyang mag-triger ng malawakang pag-aaklas at pagrerebolusyon ng mamamayan," kahalintulad nuong naganap na garapalang dayaang sa Snap Presidential Election nuong 1983 at nagtuloy-tuloy sa pipol power Edsa Revolution.

Kaya lang dahil "Oust GMA ang tuon at armadong pakikibaka't insureksyon ang paraan," 'di seryoso at hindi gaanong pinapatulan ng Kaliwa ang election (ang pagtaya't pagpapanalo sa matitinong reformer/bagong pulitika sa LGUs at District level), ang resulta tuloy; palagiang nasosolo, nakokopong, namimiesta't natutuwa ang mga TRAPO.

Ating alalahanin ang huling binitiwang salita ni Sec Gabby Claudio na
"gagamitin nito ang buong resources at super machinery ng Malakanyang, talunin lamang at all cost ang oposisyon sa 2007 election." Maaring totoo, sapagkat ayon kay Sen Drilon, may mahigit P100.00 bilyon isiningit sa budget na maaaring war chest ng Malakanyang para maisiguro at maitiyak ang panalo sa congressional at local May 2007 electoral combat."
Ang nakakakaba,
nananatiling walang katiwa-tiwala ang country sa Comelec, ang naatasang mangasiwa sa pagbibilang at tumimon sa election.

Una, hindi pa ganap na na-ooverhaul at nababalasa ang Comelec. Ang Comelec, tulad ng Kongresong pinamumunuan ng mga TRAPO (gangster-Tainga de Venecia, Pichay, Villafuerte, Nograles, Lagman) ay sirang-sira at wasak din ang credibility. Hindi makakalimutan ng taumbayan ang mga operador at sindikatong dagdag-bawas sa Comelec, ang “hello garci tape controversy,” ang malawakang dayaan at lokohan nuong nakaraang 2004 Presidential election na kung saan ang punu't dulo ng KARMA ng palasyo, ang isyu ng
“ilihitimong pangulo."

Pangalawa, walang nangyari't kinahinatnan ang electoral reform na balak sanang pagtulung-tulungang ipanukalang ipasa sa Kongreso bago ang 2007 election; modernization, electoral conduct, campaign finance, Political Party at iba pa.

Kung sa minimum ay 'di maihahabol ang pagsasa-over-haul ng ahensyang Comelec, meaning resignation ni Commissioner Abalos, ang pusakal na pulitiko, dating kaanib sa Lakas-NUCD at kaututang dila ni Ate Glo, aasahang kaduda-duda, mas magiging magastos, madugo, malawakang dayaang hihigit pa sa 2004 presidential election ang May 2007 election.

Doy Cinco / IPD
Dec '07

Tuesday, December 12, 2006

PRANING NA!!!

Tactician at PR ni Ate Glo ay walang dudang kayod kalabaw ngayon para sa political survival ng Malakanyan.

Praning, nahihintakutan at nangangatog na sa takot ang Malakanyang. Kaya't natural lamang na mandamay, magkanulo, manaraydor pati ang pitong (7) goons na kaalyado nito sa Kongreso, si Tainga de Venecia, Luis Villafuerte, Edcel Lagman, Prospero Pichay at NOGRALES, Constantino Jaraula-Salaula at Gilbert Teodoro ng Kampi, Lakas, NPC at ULAP, mailigtas lamang ang sarili.


Mula ng maibasura ng Supreme Court ang People's Initiatives (PI) ng Sigaw, ULAP at DILG, may nagsasabing "umurong ang buntut, napanghinanaan na ng loob, naghugas kamay si Ate Glo sa isyu
ng Cha Cha." Pakunwaring napilitan at napasubo si Ate Glo sa Con Ass nung hayagan itong ipanawagan nuong nakaraang buwan, sa dalawang magkakasunod na malalaking CAUCUS sa Malakanyang na "walang atrasan at tuloy ang laban sa Cha Cha, tuloy ang Con Ass." Kung sa bagay, tatak ni Ate Glo kahit nuon pa ang maging URUNG SULONG, walang buto sa gulugud at oportunista. Kawawang TRAPO, parang naibaling sa kanila ang burden ng galit ng tao, nauto na, nagamit na at naging pansalba pa ni Ate Glo. Engot talaga!

Totoong malaki ang utang na loob ni Ate Glo kay Tainga de Venecia at sa mga gangster nito sa Kongreso. Kaya lang, ang inaasam-asam nitong “final push” ng Con Ass, nasakripisyo, alang-alang sa political survival ni Ate Glo hanggang 2010. Kung matatandaan, sila ang nagmanipula upang masawata at mailibing ng buhay ang dalawang pagtatangkang impeachment ng oposisyon.

Para sa Malakanyang, mas matimbang, mas importante at mas strategic na alyado ang
Iglesia ni Kristo (INK), El Shadai at CBCP kaysa sa mga TRAPO sa Kongreso. Walang dahilan upang dedmahin ang tatlong (3) grupo. Bukod sa may pagkakautang ng loob si Ate Glo (2004 presidential election), may tunay na 'numero' ang tatlo. Maliban sa may kakayanang magmobilisa ng mahigit isa hanggang dalawang milyong tao (1-2,000,000), may bonus pang SWING vote ang INK sa nalalapit na 2007 election.

Tulad ng palagiang ginawa, aasahang susuyuin, palalambutin, palalabnawin, gagapangin, tatakutin at kung mamasamain, iba- black mail isa-isa ang pamunuan at organisador ng planong
"PRAYER RALLY" ng El Shadai, CBCP, charismatic Jesus is Lord ni Bro Eddie Villanueva sa Linggong (Dec 17'06) darating, mapahinto lang "at all cost" ang malakihang mobilisasyon. Isang paraan ay ang kapalit na "tuluyan ng ibabasura ng Malakanyang ang kinamumuhiang Charter Change (Con Ass/Con Con). " Dahil sa tiguk na, doble dead na at impusible ng mabuhay pang muli ang Cha Cha, negative-zero credibility na ang imahe ng Kongreso't mga pulitikong kabilang sa mayorya, kaya nitong kumbinsihin ang hanay ng simbahan na "wala ng dahilan upang mag-RALLY."

Kung magtatagumpay sa senaryo ito, bukud sa
maia-isolate nito (ihiwalay ang de kolor) ang Kaliwa sa hanay ng taung simbahan at panggitnang pwersa, walang dudang maililigtas na naman sa pangatlong beses si Ate Glo sa kapahamakan.

Maliban sa INK, El Shadai at CBCP, urong din ang buntul ni Ate Glo sa grupo ng mga aktibistang junior officers. Alam niyang sasamantalahin ng mga grupong Junior Officer at Heneral ang malalang sitwasyon pulitikal sa bansa at matulad sa kumunoy ng kasaysayan kinahinatnan ni Marcos at ni Erap Estrada.

Pati ang karangalan, credibility at dignidad ng bansa sa pangrehiyong adhikain ng ASEAN Summit, mga Cebuanong kaalyado at dalawang bilyong pisong paghahanda ay diniskarel at isinakripisyo, mailigtas lamang ang sarili. Nakaisip ng palusot na ipostpone ang Asean Summit at upang hindi mapahiya sa mundo, ginamit na naman ang banta ng “terorismo” at Bagyong Senyang maski batid ng lahat, ng PNP at AFP na walang banta sa seguridad ang Cebu mula sa mga terorista. Alam din ng PAGASA na mahina't hindi mapupuruhan ng bagyong Senyang ang Cebu.

Ang bantang baka hindi na makabalik ng Manila ang totoong bantang naghihintay na bagyong signal number 4 kay Ate Glo. Napilitang mag-iwan ng maliliit na pwersang panseguridad para sa Metro Manila na siyang kinahintakutan ng kanyang mga advisers na baka maagaw ng mga kaaway ang Metro Manila. Dahil sa Asean Summit, ang
buong pwersang elite ng PNP at AFP ang idineployed sa Cebu.

Lalabas na kahiya-hiya si Ate Glo kung saka-sakaling natuloy ang Asean summit sa Cebu. Sapagkat habang ipinagyayabang nito ang economic at political achievement ng bansa sa Summit, sa harap ng maraming lider ng Asean countries at mundo, binagbagyo, nililindol at tsinutsunami ng malalaking political rallies, mobilisasyon at pipol power ang Kamaynilaan dahil sa isyu ng Con Ass at charter change. May tantya pang baka matuloy ang inaasam-asam na Kudeta, withdrawal of support
mula sa hanay ng junior officers at mga Heneral. Nakikitang baka matulad si Ate Glo sa Prime Minister Thaksin ng Thailand kung saan, habang umaattend ng conference sa United Nation-New York ay 'di na nakabalik sa Thailand dahil kinudeta na siya ng mga militar.

Alam ni Ate Glo ang multong nananalaytay na ipinupukol ng kanyang kaaway, ang isyu ng “ilihitimong pangulo, krimen at pandarambong.” Ang tanong, nasaan ang tipping point? Tatagal pa ba si Ate Glo sa ganitong paulit-ulit na sitwasyon pulitikal hanggang 2010?

Doy Cinco / IPD
December 12, 2006

Friday, December 08, 2006

NagPLAN C ang Malakanyang, panibagong BLUNDER, "itinulak ang Con Con"

Sa akalang "pa-pogi points," maibabalik ang pagtitiwala ng masa at makakabawi, lalo lamang inululubog ang sarili sa kumunoy ng kasaysayan. Ibinasura kuno ang Con Ass at ngayon naman'y sang-ayon na ang Malakanyang at Kongreso sa PLAN C, ang Constitutional Convention (Con Con) at tuloy na raw ang May 2007 election.

Bakit biglaang kambio si Ate Glo at Sec Gabby Claudio? Dahil ba ang kahuli-hulihang kaututang dila nitong Iglesia ni Kristo (INK) ay nagbabanta na ring kumalas sa administrasyon at sumama na sa ikakasang pipol power ng CBCP, El Shadai, Bangon ni Bro Eddie Villanueva, militanteng kilusang masa at oposisyon laban sa Con Ass?

Huli na ang lahat, ngayon pa! Wala na sa panahon at nasa "oust GMA" at electoral mode na ang country.
Matapos gahasain, matapos lamutakin, yurakan, tarantaduhin at salaulain, gusto pa nitong lokohin pang muli si MARIA, pakasalan sa simbahan at taihan ng ipot ang ulo. Sinayang lamang ni Ate Glo ang sandamukal na resources, pagkakataon at mahabang proseso ng malawakang consultation, pag-eeduka, pag-uunawa't kawastuhan ng isyung Constitutional, political reform, parliamentary shift at charter change.

Kung sana'y bago pa sana isinulong ng Sigaw ng Bayan, ULAP at DILG nuong nakaraang taon ang People's Initiatives, CON CON na sana ang itinulak, sapagkat ito ang sinasandigan ng maraming sektor. Sa pagmamadali't kapraningan, URA-URADA at na sa balangkas ng political survival, may "tatlong buwang" (3 months) niratsada ang People's Initiative, may talong araw (3 days) namang kinumando at nirailroad ang Con Ass at ngayon, ang Con Con, 72 oras at garapalang "nagbigay pa ng ultimatum."

Hindi na magbabago ang posisyong patuloy na panindigan, igiit, tapusin at iresolba muna ang "isyu ng ligitimacy, isyu ng linlangan, dayaan, political killings at katiwalian." Hindi rin magbabago ang panawagang "ang Cha Cha pagwala na ni Ate Glo, meaning, ang Charter Change after GMA, cha cha sa tamang panahon, pagkaraan at kapag wala na sa poder, sa pwesto sa Malakanyang si Ate Glo." Sapagkat ang isyu ng iligitimacy, panlilinglang at katiwalian ang siyang pangunahing tuun sa ngayon ng country sa kasalukuyan.

Katawa-tawa at kaduda-duda ang Plan C, ang panawagang biglaang kambiyo sa Con Con - charter change ng Malakanyang at 72 hrs ultimatum sa Senado.

Una, hindi maibebenta sa Tongreso, hindi papatok sa mga pulitiko-TRAPO ang Con Con. In the first place, wala itong pork barrel at wala itong alam sa ikabubuti ng country, pwede pa siguro sa pagtataksil, pandarambong at pambubugaw ng ating kababaihan. In the second place, 'di nila kontrolado ang magiging kahihinatnan, kalalabasan at direction sa proseso ng pagconvene ng Con Con delagates. Mahihirapan din ang mga ito na maghanap o magpatakbo ng delagado sa Con Con, maliban sa sari-sarili nila na graduated na sa Kongreso.

Pangalawa, kahit nuon pa, naniniwala ang lahat na TIGUK na, doble dead na ang Con Ass dahil sa WALANG NUMERO, ampaw at walang KORUM. Abala na ang mga TRAPO sa pamumulitika sa kani-kanilang constituencies, meetings, pagtatayo ng makinarya at pag-iipon ng budget para sa 2007 election. Likas na katangian ng isang TRAPO ang pamumulitika at election.

Ayon kay Sen Joker Arroyo, "isang palatandaan ay ang dead on arrival, hindi na umabot sa Senado at Supreme Court. Umabot lamang sa bilang na 165 (nung binago ang ruling sa House) at malayo sa itinakdang bilang na 195 o ang 3/4 sa kabuuan. 207 ang pinaka the best so far na inabot na bilang sa House sa quorum at ito'y nuong panahon ng impeachment."

Pangatlo, ang isyu ng credibility. Wala ng katiwa-tiwala ang country sa mga TRAPO, sa mga pulitiko na siyang tunay na dahilan kung bakit WEAK at naging banana republic ang bansa. Kung kaya't kahit anupang paraan ang gamitin sa pagbabago ng Constitution ay hinding-hindi nito ipagkakati
wala sa mga TRAPO (ilang dekada ng trumangko ng pulitika sa bansa) na kalikutin, galawin, diskrungkarin ang kasagraduhan ng Saligang Batas.

Mapanlinlang at kontra mamamayan ang Cha Cha. Layon itong ilihis ang tunay na isyu, isalba (political survival) sa poder ng kapangyarihan si Ate Glo hanggang 2010 at pinsalain, durugin at supilin ang demokratikong hinaing ng mamamayang Pilipino.

Sapagkat, maliwanag pa sa sikat ng araw na ginagamit lamang ng Malakanyang ang isyu ng Cha Cha upang pagtakpan ang tunay at ugat na suliranin ng bansa, ang kabulukan ng pulitika, ang krimeng kinasangkutan at pananagutan ng Malakanyang, ilito (diversionary) ang mamamayan sa tunay na isyu ng “hello garci tape controvercy, fertilizer-jocjoc bolante, ang pandaraya, ang panunupil, pagyurak sa karapatang pantao at malakihang pandarambong sa kabang yaman ng bansa."

Doy Cinco / IPD
Dec 9, 2006

Nagbaligtaran at nagkatrayduran na sa Con Ass, ang NCR solons at ULAP

Nang maamoy na diretso sa bangin ang Cha Cha, Con Ass train, nang matunugang papalubog ang bangka, lumalakas ang suporta ng taumbayan kontra sa Con Ass at Cha Cha at muling sasambulat ang PEOPLE POWER, 14 na “hardcore” members ng administrion bloc, mga kawatan/kinatawan sa Tongreso sa Kamaynilaan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), tulad ng inaasahan, nagsirkuhan, nahintakutan, nagbalimbingan, nagpulasan at naghugas kamay sa Con Ass-hole. Kumpirmadong TRAPO talaga!

Tulad ng inaasahan, karaniwan ng may naghuhudas, nagtatatwa sa kapwa kasamahan at kapartido; sa Lakas, sa KAMPI, NPC at LP-Atienza faction. Upang makabawi sa unpopular, wasak na imahe, maka-iwas sa kahihiyan, dumistansya ang ULAP at 14 na solon sa pitong (7) kinamumuhiang GOONs sa Kongreso, si Tainga de Venecia, Luis Villafuerte, Edcel Lagman, Prospero Pichay at Nograles, Constantino Jaraula at Gilbert Teodoro, ang pamankin ni Danding Cojuangco, ang dating crony ni Marcos.

Kunwari'y swabeng TUTOL sa No Election (No-El) senaryo ng Con Ass, parang may pahiwatig pang naniniwala pa sa isinusulong na Charter Change ni ate Glo at Tainga de Venecia ang mga hunyango't traydor. Anuma't anumang ang mangyari, maaari pang muling lumundag ng lumundag sa magkabilang bakod kung saka-sakaling madi-difused ang tension at mairesolba ang malalang krisis sa pulitika.

Sari-saring pang-aalipusta, pang-iinsulto at panlalait ang pinagdaanan ng mahigit tatlumpung (30+) "aktibistang oposisyon" sa Kongreso. Parang maihahalintulad ang kabayanihang ito sa kung paano nagsurvive sa isang napakabangis na lugar, ang "survival the fittest; “Ang kahirapang binaybay ng oposisyon sa kalupaang lugar sa Africa. Masukal ang daang tinahak, may kumunoy, AHAS, buwitre, LION, jaina, wild dog, buwaya, chita, leopard, piranha at sari-saring panganib ng buhay.

Matapos makapagsagawa ng maayos na daan, matapos mahawi ang panganib, mai-ayos ang landas ng panganib, eto na ang mga oportunista't mga hunyango na babaybay sa nasabing kabundukan ng walang panganib at kahirapan. Parang sila ang makikinabang, lalamon kahit hindi nagbayo at nagsaing. Sila pa ngayon ang nagpapapogi at nagsasabing “kami'y para sa inyo, kami'y biglang nakonsyensya, namulat at nagka-prinsipyo.”

Maliban sa ULAP, ang mga TRAPONG naglundagan sa kabilang bakod ay; 1. Mandaluyong City Rep. Benhur Abalos, chairman ng Lakas sa National Capital Region (NCR); 2. mga kaanib sa Lakas-NUCD na sina Valenzuela Rep. Bobbit Carlos, 3. Quezon City Reps. Nanette Castelo-Daza, 4. Mary Ann Susano, 5. Pasig City Rep. Robert “Dodot” Jaworski, 6. Manila Reps. Bienvenido Abante 7. Jaime Lopez ng Manila, 8. Parañaque Rep. Eduardo Zialcita, at 9. Marikina City Rep. Del de Guzman; 10. Pasay City Rep. Connie Dy ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi); 11. Manila Rep. Joey Hizon ng Nacionalista Party (NP); 12. Malabon-Navotas Rep. Ricky Sandoval ng Liberal Party (LP), Manila 13. Reps. Miles Roces at 14. Banzai Nieva.

Matapos maibasura ang Pipol Initiatives (PI) at pagkadiskarel ng Con Ass train, ano pa ang mukhang ihaharap ng Sigaw ng Bayan-DILG at House Majority sa Tongreso? Ano na ang panibagong GAME PLAN ng mga TRAPO (Lakas, KAMPI at LP-Atienza), ano ang posibleng kasunod, Constitutional Convention (Con Con)? Magpupulasan na ba ang marami sa partidong LAKAS-NUCD, KAMPI at LP-Atienza wings? Paano na ang pamunuan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), maglulundagan na rin ba o nalalapit na ba ang paghuhusga sa ilihitimong pangulo sa Malakanyang?

Doy Cinco / IPD
Dec 9, 2006

Thursday, December 07, 2006

Listahan ng mga TRAPO sa KONGRESO

Mga alituntunin, suwestyon at dapat tandaan sa 2007 hanggang 2010 electoral politics.

Mga main authors at co-authors of House Resolution 1450 (new Con Ass resolution ni Tong Villafuerte / Pichay factions) at yung naunang Resolution na HR 1230 ni Tong Haraula. Marami sa kanila'y kun 'di man mga 3rd termer, graduated, malamang magpatakbo ng kamag-anak o kapartido. Kabilang sila sa Partidong LAKAS-NUCD, KAMPI, NPC at LP-Atienza wings at nakikinabang sa bilyong pisong PORK BARREL na iminumudmud ng Malakanyang.

Nilalamutak, ginagahasa, niyuyurakan at TINATARANTADO ng mga TRAPOng ito ang kasagraduhan ng Constitution ng bansa, ang huling bantayog at sandigan ng bansa, kapalit ang pansariling interest at kasakiman sa kapangyarihan. Maitituring mga alipores, galamay ng Malakanyang, Tainga de Venecia sa Kongreso ang mga oportunista, sagadsaring pulitikong TRAPO, mga makapangyarihang angkang politiko sa kani-kanilang lugar.

Kung nasaan mang lugar tayo (abroad-OFW, nasa Kamaynilaan, sa probinsya -lunsod o kanayunan) o kabilang sa anumang organisasyon, kung tanggap nating may malaki tayong pananagutan, malasakit sa country o aktibong mamamayan, isang aktibista, reformer, anarkista o isang rebolusyunaryo (political-social activist) pangkaraniwang mamamayan, walang pakialam o walang pinapanigan sa pulitika.

May ilang panawagan lamang hinggil sa kung paano nating "maipagtatanggol ang demokrasya at bagong pulitika," kung paano imimintina at itatrato ang TRAPO politics. Kung suportahan, tutulungan o sa kabilang banda, kung iboboykot, itatakwil at ilalantad ang mga ito sa ating malalapit na kaibigan, kamag-anak o ka-kilala at kahit paano'y mag-advocate ng ikabubuti ng ating bansa. Isang mungkahi, ang ikampanyang 'WAG iboto sa 2007, 2010 election o anumang political activities na kakaharapin ng mga pulitikong ito na nasa listahan sa baba, palagay namin, nasa atin na ang pagpapasya.

Alam nating iba ang dynamic o konteksto ng local politics kaysa sa national. Alam natin na ang mga TRAPOng ito ay hindi lamang matatagpuan sa hanay ng administrasyon maging sa hanay din ng oposisyon. "Posibleng may mali sa ganitong paraan, may kahinaan, sablay sa naging paraan, batayan, panuntunan, indicator, criteria sa pagtukoy ng mga TRAPO sa listhan."

Maaring marami sa mga TRAPOng ito ay kapwa nasa survival mode, umaangkop sa terrain, may kanya-kanyang rationalization, pragmatikong mag-isip o may kanya-kanyang tinutungtungang mga kadahilanan o katwiran. Kung kaya't iniiwan na namin sa inyo, sa ating lahat ang pagtanya, ang inyong pagpapasya't pagdedesisyon sa mungkahing mga aktibidad, pagtrato o gagawing pagkilos para sa mga TRAPO sa ibaba.

Hindi kasali dito ang mga TRAPO sa Northern Luzon at ibang mga lugar sa Mindanao.

Top 90 + Traditional Politicians (TRAPO) sa Congress, PRO-GMA at pro CON ASS

TRAPO

Distrito't Lugar

Terms

Partido

VILLAFUERTE, LUIS R.

2nd D., Camarines Sur

Last Term

KAMPI

Pichay, Prospero

1st Dist, Surigao del Sur

graduate

KAMPI

JARAULA,CONSTANTINO

Lone D., Cagayan de Oro

graduate

LAKAS-NUCD

Joe de Venecia

4rt District, Pangasinan

Last term

LAKAS-NUCD

Nograles, Prospero

1st District, Davao City

Last term

LAKAS-NUCD

Malapitan, Oscar

1st D, Caloocan City

2nd term

Erap boys

Anna Rosa Susano

2nd District, QC

2nd Term

Lakas-NUCD

Nannete Castelo DAZA

4rt district, QC

Last term

Lakas-NUCD

Defensor, Matias

3rd District, Q C

2nd term

LP-Atienza, proGMA

Carlos, Bobbit

1st District, Valenzuela

2nd term

Lakas-NUCD

Serapio, Antonio

2nd District, Valenzuel

2nd term

NPC-Danding

Abalos, Benhur

Lone D, Mandaluyong

2nd term

Lakas-pro GMA

De Guzman, Del

Lone District, Marikina

Last term

Lakas-pro GMA

Sandoval, Federico

Lone D, Malbon-Navotas

graduate

Lakas-pro GMA

Dy, Consuelo

Lone D, Pasay City

Last term

KAMPI

Nieva, Ernesto

1st District, Manila

graduate

LP-Atienza/pro GMA

Lopez, Jaime

2nd District, Manila

Last term

Lakas-NUCD

Roces, Miles

3rd District, Manila

2nd term

LP-Atienza/pro GMA

Hizon, Joey

4rt District, Manila

graduate

LP-Atienza/pro GMA

Abante, Bienvenido

5th District, Manila

2nd Term

KAMPI

Estrella, Conrado III

6th Dist, Pangasinan

last term

Lakas-NUCD

Garcia, Albert

2nd District, Bataan

2nd term

KAMPI

Alvarado, Wilhelm

1st District, Bulacan

graduate

Lakas, pro GMA

Silverio, Lorna

3nd District, Bulacan

2nd term

Lakas-NUCD

Nicolas, Relin

4rt District, Bulacan

Last term

Lakas-NUCD

Roquero, Eduardo

SJ del Monte, Bulacan

2nd term

Lakas-NUCD

Violago, Eleoterio

2nd District, Nueva Ecija

Last term

Lakas-NUCD

Umali, Aurelio

3rd District, Nueva Ecija

Last term

Lakas-NUCD

Antonio, Rodolfo

4rt District, Nueva Ecija

2nd term

KAMPI

Nepomuceno, Francis

1st District, Pampanga

graduate

NPC-pro GMA

Arroyo, Mickey

2nd District, Pampanga

2nd term

KAMPI

Aquino, Rey

3rd District, Pampanga

2nd termer

KAMPI

Bondoc, Annayork

4rt District, Pampanga

2nd term

NP, pro GMA

Lapuz, Jeslie

2nd District, Tarlac

Dep Ed

Aksyon Dem-NUCD

Magsaysay, Milagros

1st District, Zambales

2nd term

Lakas-NUCD

Diaz, Antonio

2nd District, Zambales

2nd term

LP-Atienza, pro GMA

Uliran, Juaquin

1st District, Laguna

graduate

NPC, pro GMA

Bueser, Danton

3rd District, Laguna

graduate

LP-Atienza, pro GMA

Nantes, Rafael

1st District, Quezon

graduate

NPC, pro GMA

Suarez, Danilo

3rd Distrct, Quezon

2nd term

LP-Atienza, pro GMA

Villroza, Amelita

Lone D, Mindoro Occ

2nd term

KAMPI

Valencia, Rodolfo

1st District, Mindoro Orr

2nd term

LP-Atienza,pro GMA

Alvarez, Antonio

1st District, Palawan

2nd term

KAMPI

Mitra, Abraham

2nd District, Palawan

Last term

LP-Atienza, pro GMA

Firmalo, Eduardo

Lone District, Romblon

2nd term

KAMPI

Lagman, Edcel

1st District, Albay

2nd term

KAMPI

Salceda, Joey

3rd District, Albay

graduate

KAMPI

Unico, Renato

Lone D, Cam Norte

Last term

Pro GMA,KAMPI

Alfelor, Felix

4rt district, Cam Sur

Last term

Pro GMA, Lakas

Bravo, Narciso jr

1st District, Masbate

2nd term

KAMPI

Espinosa, Emilio jr

2nd District,Masbate

graduate

Lakas, pro GMA

Solis, Jose

2nd District, Sorsogon

last term

KAMPI

Exequiel Javier

Lone District, Antique

Last term

LAKAS-NUCD

Espinosa, Edgar jr

Lone D, Guimaras

Last term

Lakas-KAMPI

Garin, Janet

1st District, Iloilo

2nd term

Lakas, pro GMA

Defensor, Arthur

3rd District, Iloilo

Last term

Lakas-KAMPI

Raul Gonzales jr

Lone D, Iloilo city

DOJ

Lakas-NUCD

Carmona, Tranquilino

1st District, Negros Occ

2nd term

KAMPI

Maranon, alfredo III

2nd District, Negros Occ

2nd term

KAMPI

Lacson, Jose Carlos

3rd District, Negros Occ

Lst term

LAKAS-Nucd

Cojuanco, Carlos

4rt District, Negros Occ

graduate

NPC, pro GMA

Arroyo, Iggy

5th District, Negros Occ

2nd term

KAMPI

Genaro Rafael Alvarez

6th District,Negros Occ

2nd term

Lakas-NPC

Chato, edgar

1st District, Bohol

Last term

Lakas-NUCD

Cajes, Roberto

2nd District,Bohol

Last term

Lakas-NUCD

Jala, Eladio

3rd District,Bohol

graduate

Lakas-NUCD

Del Mar, Raul

1st D, Cebu City

Last term

Lakas-NUCD

Antonio Yapha Jr.

3rd District, Cebu

graduate

Pro GMA

Durano, Ramon V

5th District, Cebu

DOT

KAMPI, NPC

Nerissa Soon-Ruiz

6th District, Cebu

Last term

KAMPI

Orlando Fua Jr.

Lone District, Siquijor

graduate

Lakas-NUCD

Espina, Gerardo jr

Lone District, Biliran

2nd term

Pro GMA

Libanan, Marcelino

Lone D, East Samar

gradute

Lakas-NUCD

Petilla, Remedios

1st District, Leyte

2nd term

Laks-NUCD

Apostol, Trinidad

2nd District, Leyte

Last term

Lakas-NUCD

Veloso, Eduardo

3rd District, Leyte

graduate

Lakas-NPC

Codilla, Euprocino

4rt District, Leyte

Last term

Lakas-NUCD

Cari, Carmen

5th District,Leyte

Last term

Lakas-NUCD

Abayon, Harlene

1st District, N Samar

graduate

Lakas-NUCD

Vivencio, Romualdo

2nd District, N Samar

graduate

Lakas-NUCD

Uy, reynaldo

1st District, W Samar

Last term

LP-Atienza

Figeroa, Catalino

2nd District, W Samar

2nd term

KAMPI

Real, Isidro

1st D, Zambo delSur

Last Term

LAKAS-Nucd

Cerilles, Antonio

2ndD, Zambo del Sur

2nd term

NPC, pro GMA

Cabilao, Belma

1st District, Za Sibugay

Last term

Lakas-NUCD

Clarete, Ernie

1st District, Misamiz Occ

Last term

KAMPI

Ramiro, Hermina

2nd District, Mis Occ

Last term

Lakas-NUCD

Lagbas, Danilo

1st District, Mis Oriental

2nd term

KAMPI

Malanyaon, Corazon

1st D, Davao Oriental

2nd term

Kampi

Olano, Arrel

1st D, Davao del Norte

Last term

Lakas-NUCD

Floirendo, Antonio jr

2nd D, Davao del Norte

graduate

Lakas-NUCD

Chiongbian, Erwin

Lone D., Saranggani

Last term

Lakas

Banaag, Leovigildo

1st District, Caraga

graduate

Lakas-pro GMA

Ecleo, Glenda

1st D, Surigao del Norte

Last term

Lakas-NUCD

Falcon, PeterPaul

2nd D, Surigao del Sur

2nd term

Kampi

Salapudin, Gerry

Lone District, Basilan


Lakas-CMD

Faysa, Dumarpa

1st D, Lanao del Sur

Last term

Lakas-CMD

Macarambon, Benasin

2nd D, Lanao del Sur

graduate

NPC, pro GMA

Datumanong, Simeon

2nd Dist, Maguindanao

2nd term

Lakas-CMD

Amin, Hussin

2nd District, Sulo

Last term

Lakas-CMD

Rapid political at electoral research/Political Reform
Institute for Popular Democracy (IPD)
October, 2006
Doy Cinco / IPD
Dec. 7, 2006