Thursday, July 07, 2011

Catholic Bishops, nilamon ng sistema



Para sa isang pangkaraniwang tao, "kung ang pulitika’t eleksyon, ang kapulisan, military, media at hustisya ay hindi nakaligtas sa buluk na sistemang padrino, ang Catholic Bishops pa kaya?" (larawan, courtesy http://www.abante.com.ph/issue/julo711/op_edit.htm)
Bagamat batid na ng mamamayan, inaasahan at matagal ng (ilang siglo) kalakaran, tumingkad at sumambulat ang kontrobersyal na kasong kinasapitan ng Catholic bishops sa kasalukuyang panahong naghahanap ng modelo, kakampi at matuwid na daan ang mga Pilipino.

Wala pang nakakatalo sa “sistemang padrino.” Wala pang matibay na batas sa kasaysayan na unti-unting sasawata sa killer virus ng buhay na patron. Bagamat hindi direktang nakikita at tago sa mata ng mamamayan, parang “invisible na kaaway” na ginagamit ng mga makapangyarihan at hanay ng mga konserbatismo ang patron upang linlangin, abusuhin at pagsamantalahan ang mamamayan.

Ang Catholic Bishops na pangunahing "nagse-set ng standard NORMs at MORALITY" ng ating lipunan ang isa sa "pinakamayaman, pinakamakapangyarihan at pinakama-impluwensyang" padrino at institution sa Pilipinas mula pa nung panahon ng pakikibaka ng ating mga bayaning si Rizal at Bonfacio hanggang sa kasalukuyan. Kaya lang, despite sa pagiging kontrabida, patuloy na tinatangkilik ng lipunan Pilipino.

Kahalintulad ng mga "siga-siga at naghaharing Duterte ng Davao, Ampatuan ng Maguindanao, Dy ng Isabela, Cojuangco ng Tarlac, Singson at Marcos ng Ilocos, Javier ng Antique at Estrada ng San Juan," mga ilang classic example ng patronage clan politics na kinikilala, itinuturing panginoon at ibinoboto" ng mamamayan sa kabila ng pang-aabuso, patuloy na karalitaan at pagsasamantala.

Ginamit ng "reyna ng patron" na si PGMA ang kamandag ng tradisyon; suhol, pabor, pwesto, konsesyon, kontrata, gratitude, regalo at pamumudmud kapalit ng suporta at pagpapatahimik sa dating critical na Catholic Bishop at ilang pumupusturang political oppositions.

Ayon sa mga sosyolohika, ang larawan ng pagiging atrasado’t makaluma ng Pilipinas na nakalikha ng matinding karalitaan at pagiging busabos sa mata ng mundo ay dulot ng ilang dekadang pamamayagpag ng sistemang padrino. Isa siya sa pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalakas ang casique o political clan at Oligarkiya na nagresulta ng warlordism-private armies, parokyalismo, pagiging pala-asa ng mga tao at pribadong pakikipagrelasyong ng estado sa mga buhay na patron.

Imbis na tutulan, kinunsinte at naging kasabwat pa ang Catholic bishops sa pagpapanatili at pagpapalakas ng sistemang padrino sa bansa na lubhang naka-apekto sa paghina ng ating mga institutions. (Larawan, Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos prays over former Pres Arroyo, courtesy of newsinfo.inquirer.net)
Ang mamahaling mga sasakyang SUV (sport utility vehicle), paghingi ng pabor at konsesyon ay sa totoo lang ay isa lamang “tip of the iceberg,” sapagkat matagal ng nakikipagsabwatan ang ilang Obispo sa Malakanyang na siya rin naman naging practice ng Vatican Church, ang lolo ng patron sa mundo.

Kung di man malamon, mahirap labanan ang sistemang padrino kung wala kang matibay na conviction at ideological foundation. Maaring mabawasan o maminimized ang padrino kung palalakasin ang mga institution lalong-lalo na ang pagsrereporma ng pulitika at eleksyon sa ating bansa.

Hindi dapat maghugas kamay na “patronage proof” ang kasalukuyang administrasyon. Kitang-kita ng mamamayan Pilipino na napaka-delikading ang landas na binabaybay ni Pnoy sa lumantad na kontrobersiyang "KKK, ang kaklase, kabarilan, kaibigan o katiwala" na ipinasok ni Pnoy sa burukrasya bilang bayad-utang sa pagkakapanalo nito nung 2010 presidential election.

Hindi tayo magtataka kung sa bandang dulo mauwi rin sa matinding iskandalo ang administrasyon ni Pnoy at danasin ang kaliwa't kanang katiwalian at demoralisasyong kinasapitan ng mga naunang tiwaling administrasyon.

0 comments: