Bun
sod ng paglitaw at pagbunyag ng mga taong may kinalaman sa malawakang dayaan nuong 2007 senatoriable election at apat (4) na taong nakabinbin "usad pagong" na election protest ni Koko Pimentel, tuluyan na ngang nagbitiw si Sen Migs Zubiri bilang miembro ng senado.Sa kanyang privilege speech kahapon, pinanindigan niyang “hindi siya nandaya, wala siyang inutusan upang dayain ang eleksyon, dignidad ng aking pamilya ang nakasalalay, dapat parusahan ang mga may kagagawan ng electoral sabotage noong 2007 election” at pahabol na panghuli, muli siyang babalik sa senado by 2013 election.
Kung matatandaan, sa operasyong “dagdag-bawas,” binokya ng dating Comelec provincial supervisor na si Lintang Bedol, Gov Zaldy Ampatuan sa tulong ng ilang mga security officers (election return switching) ang oposisyong kinabibilangan ni Koko Pimentel na nagresulta ng pekeng pagkakapanalo ng halos lahat ng senatoriable slate ng administrasyon Arroyo. (Larawan: courtesy of;http://www.abante.com.ph/issue/aug0411/news01.htm)
Hindi kataka-takang hangaan siya ng marami sa kanyang naging gesture kahapon sa senado. Nagmula sa malaking political clan sa Mindanao at nakilala sa pagiging “spice boys” sa kongreso. "Nakabisado ni Zubiri ang wastong pustura’t katangian ng isang pulitiko na hinahanap ng maraming Pinoy."
Ang problema, sablay ang kanyang nilugarang grupo’t mga kakampi (Macapagal Arroyo), kundi man involved, nakinabang siya sa massive electoral fraud at anumang sandali, ilalabas na ang napipintong hatol ng Senate Electoral Tribunal (SET) na si Koko Pimentel nga ang tunay na nanalo, base sa ipinapakitang mahigit 200,000 botong kalamangan nito sa kanya (Zubiri).
Marami ang kahalintulad ni Migs Zubiri sa Pilipinas; sa mga kongresman, mga gobernador, mayor, sa Punong Barangay at higit sa lahat sa Malakanyang, ang kontrobersyal at malungkot na kinasapitan ni Fernando Poe Jr noong 2004 presidential election at ikinapanalo ng pekeng pangulong si GMA. The same manner, hindi rin mabilang na kahalintulad na kaso ni Coco Pimentel ang napagkaitan ng hustisya sa labanang pulitika sa bansa. (Larawan: courtesy of:Popularity matters in the Philippine election that is why, candidates, stupidlyperfect-arts.blogspot.com / villar.jpg)
Nabago man o poll automated na, nananatiling hindi parehas at madaya ang election sa Pilipinas. Sa ating kasaysayan, sinasabing "para lamang sa ELITE at makapangyarihan ang election." Bukud sa Omnibus Election Code, ang kondukta ng election campaign, ang sobrang gastos-vote buying (campaign finance) at maagang pangangampanya (early campaigning) para lamang sa "name recall, machinery bldg at kaliwa't kanang election violence (private armies) ng mga warlords at dinastiyang pulitikal," ang ilan lamang sa nagdudumilat na katotohanan.
Totoo ang kasabihang “walang natatalo at pawang nadadaya” na klima sa pulitika’t halalan sa ating bansa. Kinukwestyon na ng marami “kung tunay nga bang garantiya’t isang uri ng demokrasya ang proseso ng halalan, kung legitimate at tunay nga bang may democratic representation sila sa mamamayan (padrino–political clan) Pilipino?
Maaring kapana-panabik ang darating na 2013 midterm automated election, kaya lang, kung walang pagbabago, kung patuloy na nakabaon o well entrench ang mga ingredient ng kabulukan, trapo politics-kawalan ng tunay na partido - turncoatism-clannist, kahinaan ng demokratikong institusyon at hahayaan na lamang ito ng kasalukuyang administrasyon ni Pnoy, buluk at wala rin?





0 comments:
Post a Comment