Tuesday, October 02, 2012

“Makapangyarihang Padrino't Angkan” sa 2013 election


DEMOKRASYA,  NALAGAY sa ALANGANIN 


Habang nag-iintensify ang isyu ng "libel provision ng Cybercrime law,"  dedma at di alintana ang mundo ng pulitika, fiesta't zarzuella mood ang araw ng filling of certificate of candidadacy para sa 2013 midterm election.   Iprinoklama ng magkabilang kampo, LP-NUP at  United Nationalist Alliance-UNA at  tinaas ang mga kamay ni Pnoy at ng Big 3 (Enrile, Erap at Binay) ang kani-kanilang mga mamanuking senatoriable candidates.

Mga dati’t mga recycled na pulitiko,  magkakapatid, mag-ama at mga anak ng beteranong pulitiko ang halos bumubuo ng 2013 senatoriable candidates.   Dahil raw sa “winnability factor,   pina-atras"  ang tatlo (3) sa Liberal Party (LP) at isa sa UNA habang pinoproblema naman ang tatlong (3) “guest o adopted candidates,”   kung saang entablado raw ito tutungtung at mamamangka.

Upang maisalansan ang linyada at maging kombinyente sa bawat isa,  binuhay muli  ang “koalisyon.”   Binubuo ng mahigit pitong (7)  naghihingalo’t halos  non-functional na partido ang "koalisyon."   Binuo hindi dahil sa "ideological principles – may vision, mission at  direksyong pulitikal ng ating bansa" bagkus sa oryentasyong “personal, barkadahan,  pagpapalakas ng kahariang kontrol ng angkan  at buhay na PATRON na may kanya-kanyang agenda at  interest. ”

Nagkatutuo ang kutub ng marami na ang nalalapit na 2013 election  ay "labanan ng mga personalities,  labanan ng mga malalaking  angkang politikal (political clan)" at labanan "kung sino ang may tunay na koneksyon, masisilungang  padrino at malapit sa kusina ng palasyo?” 

Ayon sa tagapagsalita ng Malakanyang,  “isang referendum o  hatol ng bayan daw sa administrasyon ni Pnoy ang 2013 midterm election.”   Kung baga,  “labanan daw ito kung kontra ka  o kakampi ka ni PNOY.”   Para palamnan ng mas konstruktibong diskurso,    “labanan daw ito kung sang-ayon ka  o  disgusto ka sa reform agenda ng kasalukuyang administrasyon.”

Ang “ gumagandang ekonomiya, tiwala ng puhunan at publiko” raw ang pangtapat ni PNOY sa mga kalaban.  Kaya lang, ang kakatwang tanong ng marami,   "sino ba ang kalaban ni Pnoy?  Suportado rin ng  Big 3 ang reporma at adhikain ng administrasyon ni Pnoy."   Ang dilenma ng UNA ay ang kanyang identity.   Hindi maiiwasan ang kantsawang, “sino ba kayo,  oposisyon, collaborator  o  alyado ng kasalukuyang administrasyon?”  Sa kabila nito,  mataas ang kumpiyansa ng magkabilang kampo na walo (8) raw sa panig nila  ang "kaya nilang ipanalo."

Kumplikado at magiging magastos ang kampanya. Tinatayang may minimum na "P200.0 hanggang P800.0  milyon ang  warchest ng bawat isang seryosong kandidato  para makuha ang 15.0 - 20.0 million winning votes,"  kahit nasa “top 20 sa survey,”   kilala at  may name recall.  Ang padrino ang inaasahang panggagalingan ng malaking bulto (50-75%)  ng campaign funds (private, corporate, illegal), habang ang  natitirang  bahagi  ay siya namang babalikatin ng kanya-kanyang angkan.  Muling babaha ng pera,   magtri-trickle down effect, milyong trabaho ang maililikha at kahit paano,  pansamantalang lalago ang ekonomiya ng bansa.(Left photo, courtesy; mindanaocross.net)

Kumbinasyong Air war -  mainstream media (radio at TV), social media,  local machinery, personal network, vote denial and conversion, mistulang karnabal at zarzuela ang magiging porma’t estratehiya  ng labanan.  Bukud sa “pagkukumpara at track records,”  magiging karaniwang paraan ang "special ops;  junking-trayduran, demolition job, pananakot at political violence."

Maliban sa vote protection, personal endorsement at sample ballot,   "walang aasahang pondong manggagaling sa koalisyon, lalo na sa mga pekeng partido na kabilang sa mga koalisyon." Kanya-kanyang diskarte't pangangalap ng pondo,  kanya-kanyang mga campaign sorties sa lokal (LGUs) at kanya-kanyang pagtatayo ng campaign machinery ang magiging takbo ng labanan."

Ang tanong ng marami,  sino ang makikinabang at  sino ang talo at panalo sa 2013 midterm election?  Siguradong panalo at gaganansya  sa 2013 ang PADRINO, ang pamilya’t angkan,  ang campaign donors at sponsor, ang mga campaign managers, operators,  entertainers,  ang mga na-ambunan ng vote buying operation at higit sa lahat,  ang mainstream media.

Sino ang talo?  Ang mamamayang Pilipino,  ang accountability at transparency,  ang rule of law at Constitution,  ang  repormang isinusulong ng administrasyon at higit sa lahat,  ang DEMOKRASYA.

Tuesday, September 11, 2012

May "Direct Line" kay PNOY



Ilang araw bago ang naka-abang na Senate investigation,    tuluyan na ngang nagbitiw sa pwesto si Usec Puno sa DILG at malamang sa hindi,  naka-abang na sa kanya ang isang low profile na trabaho sa burukrasya. (Left Photo; ang panunumpa ni PNOY kay Puno, courtesy of;ph.news.yahoo.com)

Bugbog sarado sa intriga't puna ng mamamayan at media ang  isa sa pinagkakatiwalaang tao ni Pnoy sa DILG na si Rico Puno,  matapos tangkain nitong pasukin ang condo unit (sa utos ni Pnoy) ni Sec Robredo na nasawi sa plane crash,   upang isecure ang mga maseselang dokumento patungkol sa kaduda-dudang kontratang pinasok ng huli sa Philippine National Police (PNP).

Mukhang nagkakatotoo ang mariing kahilingan ni  Sec Mar Roxas, ang bagong talagang kalihim,  na "magbitiw ang lahat ng mga co-terminos" sa DILG,  kasama rito ang kontrobersyal na Usec Puno, isang SUPPLIER ng baril at kabarilan ni PNOY.

Kahit anong ipaliwanag ng palasyo sa kaso ng kontrobersyal na Usec Rico Puno, walang dudang nadungisan ang “matuwid na daang” isinusulong ng  kasalukuyang administrasyon.    Bagamat itinatanggi at isinasangkalan ang mataas na satisfaction rating ni PNOY (last survey),  nananatiling kalakaran pa rin ang deka-dekadang padre-padrino,  ang sistemang pangingibabaw ng "personal na relasyon" kaysa sa kabutihan ng nakararami.

Maaring nalusaw na ang mga nagbabanggaang paksyon sa loob ng Malakanyang  (Balay, SAMAR, Kamag-anak inc. at iba pa),  ngunit may makatotohanang makapangyarihang  “INNER CIRCLE,”  o CORE GROUP sa loob ng palasyo na may kakayahang impluwensyahan si PNOY na gumuhit, gumawa ng mga patakaran at direction para sa ating bansa lalo na sa mga komplikadong mga usapin at masasalimuot na isyu.

Open secret sa madla na “hindi type ni Pnoy ang sistema ng pangangasiwa” ng Magsaysay Awardee na si Robredo,  lalu na raw nuong panahon ng kampanyang eleksyon nuong 2010, Bus Hostage taking sa Luneta, handling sa ARMM at incumbent local officials.   Kaya naman,  bago maitalagang kalihim si Jess Robredo sa DILG,  nauna ng ipinuwesto  ni PNOY si Usec  Rico Puno at ayon sa huli,  "may tagubiling itong kontrolin  ang Philippine National Police at diretsong linya mula kay PNOY.  Kahit ‘di type ni Pnoy si Robredo,  ginawaran pa rin niya ito ng isang STATE FUNERAL at itinurin isang bayani ng mga bicolano at mamamayang Pilipino.  Ang PNP ang isa sa itinuturing "dysfunctional" na opisina ng gubyerno sa ilalim ng DILG.

Bagamat naitalaga bilang kalihim sa makapangyarihang ahensya sa gubyerno  ang  seryoso at sinasabing tagapamandila ng reporma't matuwid na daan sa lokal na  gubyerno (DILG),  nakatikim ng matinding hagupit ng "power dynamics" mula sa mga may “direktang linya” kay PNOY  si Sec Jess Robredo.   Maraming Jess Robredo sa gubyerno; sa ehekutiba,  lehislatura at maging sa hudikatura, kaya lang,  ang malungkot,  wala sa kanila ang lubus-lubusang tiwala't suporta ni PNOY.

Kung makaka-apekto sa tuwid na daan ang  "direct line," sinasabi ng iba na  maaring tignan  “positibo at depende raw ito sa sitwasyon at pangangailangan."   Maija-justify raw ito kung talamak at tiwali ang mga namumuno sa mga ahensya,  hal; DILG, Kagawaran sa Aduana (Custom - Finance),  Land Transportation Office, Immigration, Public Highways (DPWH),  Armed Forces of the Philippines (AFP),  mga nakakasang malalaking proyekto sa PPP (public private partnership) at higit sa lahat sa pagpapalakas ng partidong Liberal (LP) at paghahanda sa 2013 midterm election.

Maraming uri ng pamumuno,   may bumubuntot,  kumandista at bumabandera,  may awtokratiko at demokratiko at  may kombinasyon - liberal.   Kahit anong klase ng gubyerno o organisasyon dito sa ibabaw ng mundo,   karaniwan at typical na ang  power play at dynamics  o  mga tunggalian ng mga grupo’t personalidad na may kanya-kanyang mga agenda,  interest at ang tanong na lang ay kung makabubuti at makasasama ito sa isang lipunan at nakararami.

Kahit saan  anggulo tignan,  ang “direct line  o  ang brasuhan" ay isang uri ng bantay salakay,  TRAPO approached na tipo ng pamumuno.   Hindi lang simpleng demoralisasyon ang epekto nito sa mga matitino,   isa itong dagok sa  isinusulong  na “transparency at accountability”  pra sa “tuwid na daan “ ng administrasyong Pnoy.    Bagamat seryoso raw si PNOY sa “reform agenda,”  mukhang mahihirapan itong maisustina kung isasa-isang tabi ang “democratikong proseso (weakest point ng PNOY administration)” at tulad ng dati,  wala tayong maasahang pagbabago.

Tuesday, July 24, 2012

Gradong 3.0 (pasang-awa) at 4.0 (conditional) sa SONA '12 ni PNOY



Tulad ng inaasahan, ipinagmalaki’t  ibinida ni Pnoy  ang 2 taong mga  nagawa’t pagbabago sa SONA kahapon.   “REPORT kay Boss,  SONA ito ng sambayanang Pilipino at  mamamayan ang gumawa  ng pagbabago,” ang mensahe ng ikatlong SONA ni Pnoy.  Nagpursigi raw sa apat na larangan ang administrasyon; ang paglaban sa katiwalian at karalitaan,  inprastraktura at kumpiyansa ng dayuhang namumuhunan.         Isa’t kalahating oras tumagal, pinakamahaba at mahigit isang daang masigabong palakpakan sa mga nakangising nanuod na kaalyado ng administrasyon.   (Larawan: Pnoy's SONA adres,    indopinoy.blogspot.com)                                                           

Gradong 99.0% para kay Sen Jinggoy at ex-Pres Erap Estrada (UNA) ang SONA ni PNOY,  pero para kay Bishop Cruz, isang kritiko, anya,  “parang masaya at nasa paraiso na ang lipunang Pilipino,” parang wala ng problema at nalunasan na ang pagiging “sick man of Asia” at  pagiging kulelat  sa maraming larangan sa Timog-Silangang Asia ang Pilipinas.   

“Mukhang 'di prioridad ang freedom of information (FOI),” hustisya't konpensasyon para sa mga biktima ng  diktadurang Marcos at OFW," ang sabi ni Rep Erin Tanada (LP).  Wala rin sa bukabularyo ng palasyo ang political reform (kabulukan ng sistemang pulitika),  ang "pagpapalakas ng partido pulitikal at demokratikong institusyon."                                                                                                                                       
Totoong may ipinagbago kung ikukumpara sa nakaraang tiwaling administrasyon.    May na-irehistrong 6.4% sa ekonomiya,  may pagsisikap sa “reform agenda” at pihit sa mindset ng bawat isa.  Kaya lang,  hindi ito nararandaman sa mga komunidad.   Ang realidad, nananatiling "nasa intensive care unit (ICU), bangkarote at lubug sa utang ang estado poder ng gubyerno (P6.0 trilyon)."   Patuloy ang mga panawagan sa trabaho, presyo ng bilihin, bansot na kita-income, laganap na karalitaan at kriminalidad.                                                             
Hindi maikakaila ang katotohanang nananatili ang kulturang katiwalian may ilang dekada ng nakabaon sa ating lipunan.  Namamayagpag pa rin ang patronage politics, ang palakasan at padri-padrino,  lalo na’t papalapit na ang midterm 2013 election.  Ang larawan ng kabulukan nuon ay nananatili sa kasalukuyan,  mga dahilan kung bakit “usad pagong” ang pagsulong at pagbabago.                                                                                                              
Ganun pa man,  totoong hindi kayang tawaran ang magandang hangaring “tuwid na daan” ng administrasyong Pnoy, lalo na’t malaking bilang ng kanyang gabinete ay mga reform advocates at  mga dating  aktibista.   Kaya lang,  malaki pa ang bubunuin o room for  improvement  sa "wastong approached,  pamamaraan sa inplementasyon ng mga programa at  paggugubyerno."  Ang malungkot, bukud sa burukratikong proseso at kawalan ng road map, dole out, piece by piece,  elitist,  kulang ng coordination at integration, lutang, may biases at mala-akademikong paraan ang istilo't oryentasyon.”                                        
                                                          
Walang mababago sa buluk na kalakaran sa pulitika (TRAPO) hanggang 2016.  Kaututang dila na ng ruling party (Liberal Party - Pnoy administrasyon) ang kalakhang mga incumbent local officials (LGUs) at kongresman na markadong nagpasasa sa nakaraang administrasyon sa ilalim ng partidong NP-NPC at Lakas (oportunista at may bahid katiwalian).                                                                                           
Alangang sabihing "SONA ng sambayanang Pilipino"  ang inihayag na SONA ni Pnoy kahapon at parang ang sarap pakinggan  na "ang mamamayan daw ang gumawa ng pagbabago?"  Inaasahang magkakaroon ng bitak ang 2 taong honeymoon sa pagitan ng administrasyon at mamamayang Pilipino.                                                                                    
Sa tatlong SONA, wala pa rin linaw kung anong direksyon o STRATEGIC VISION  ang Pnoy administration.   Kung  uno (1.0) ang grado ng mga nakikinabang, 4.0 (conditional) ang igagawad ng marami sa administrasyon ni Pnoy.   Mas patutunayan ito sa performance ng ating atleta sa London Olympic,  Philippine football team Azkal sa nalalapit na ASEAN – Suzuki Cup sa Nubyembre at higit sa lahat sa ipinagmamalaking P2.0 trilyong “empowerment”  (election)  2013 budget na nakatakdang isalang ng palasyo sa kongreso sa susunod na mga araw at linggo.

Wednesday, April 11, 2012

Local Politics at Reforms, 2013 Election determining factors


Labag man o hindi sa Omnibus Election Code (90 days campaign period), nagsisimula na ang pamumulitika, gapangan at kampanyahan (election campaign for major cities at provinces - vote rich areas) para sa 2013 midterm election. Ika nga ng mga “election operator, kung seryoso kang kandidato, one year before 2013 election ang tamang panahon sa pagsisimula't paghahanda ng labanan."

Maagang naiporma ang United Nationalist Alliance (UNA - Estrada-Binay coalition). Kasunod ang kaliwa’t kanang propaganda; ang “david and goliath” at “sleeping giant” daw ni Enrile; ang pahayag na, “wala naman daw dapat ikabahala'' ni Erin Tanada; ang sabi ng mga ilang kritiko na,''opportunist at intrigang nakikipaglandian na sa mga alyado ng dating tiwaling presidenteng Arroyo (Lakas-KAMPI) ang grupo nila Binay at Erap at ang labanang UNA vs LP na raw sa 2013." (Photo, courtesy of philippinesmay2010 electionpost.blogspot.com)

Litaw at banner headline ang sunod-sunod na labas ng survey (SWS, Pulse Asia) at tulad ng inaasahan;  name recallmga luma, recycled, mga kilala at ANGKAN pulitiko (political clan) ang mga nasa unahan. Tago at sikreto sa madla ang mga "negosasyon-exploratory talks, political mapping, party building, budget sourcing at higit sa lahat, pangangalap ng mga battle tested, dating aktibista’t mahusay na campaign manager, consultant at operators."

Habang nalilibang ang marami sa laro ng national politics, umiinit din ang sitwasyon sa lokal. Kaya lang, ano mang pokus sa national, kung walang gulugud at ampaw sa baba, mababalewala at hindi rin maisusustina. Nakasalalay sa lokal ang kahihinatnan ng national campaign ng isang partido at kung sino ang may tangan ng "local machinery, vote delivery at protection," siya ang panalo sa 2013. Totoong "non-partisan" ang karamihan sa lokal, subalit kung sino ang makatutulong at makakapag-deliver ng social services, infrastructure, devt projects, allocation at dispersal ng internal revenue, siya ang llamado sa 2013.

Hindi maisasa-isang tabi ang “lumalakas na panawagan para sa pagbabago at REPORMA (pulitika).” Sila ang lumalaki't umuusbong (emerging movements) na pwersang politikal sa hanay ng kilusang mamamayan; ang civil society, media at social networks (facebook, bloggers atbp) o mga estratehiko't makabagong media na kahit paano, mga sangkap na mapagpasya o determining factors sa 2013.

Asahang magiging mainit na isyu ang pork barrel-katiwalian, good and democratic governance, pagpapalakas ng mga demokratikong institution (justice at electoral system), kabuhayan at kaunlaran (road map). Hindi maiiwasan maningil ang mamamayan sa kinahinatnan ng impeachment trial kay CJ Corona, mga pulitikong nakipagsabwatan at nag-atubiling papanagutin ang mga nagkasala't may utang na dugo sa taumbayan.

Maliban sa electoral coalition, sabayang maitatayo ang iba’t-ibang mga coalition for clean, honest at peaceful 2013 election (anti-fraud and anti-private armies),
coalition for voter’s education, coalition for people’s agenda at iba pa. Bagamat sa unang tingin ay “non-partisan,” maaring makipagtuwang ang malalaking political party at kasalukuyang administrasyon at lumahok sa mga dabate't diskurso ng mga “isyu ng bayan”. (Photo courtesy of iper.org.ph)

Strategic ang grassroot local politics para sa mga may ambisyon politikal sa 2013 at sa mga kilusang may hangad na magpalawak, magpalakas at nagtatayo ng baseng pulitikal para sa pagbabago at gawaing pagsasakapangyarihan.

Ang local politics ang "magdedetermina at magdadala ng labanan di lamang sa senatoriable race, maging sa congressional na labanan para sa 2013.” Kung sino ang may kakayahan at may kapabilidad na makapagdomina at makapag-inpluwensya sa lokal na pulitika at labanan, siya rin ang walang dudang mananaig sa 2013 at malamang sa hindi, kayang mai-sustina ang kapangyarihan hanggang o lagpas ng 2016.

Tuesday, February 21, 2012

POWER and POLITICS will PREVAIL


Mahigit isang buwan na ang Corona impeachment trial sa Senado. Magkahalong inip, buryong at agam-agam ang narandaman ng tao sa teknikalidad, "rules of court" at pangingibabaw ng “rule of law.” Bagamat tanggap ng ilang kasapi ng prosekusyon na "poorly crafted" daw yung Articles of Impeachment, naging mainit at kapana-panabik ang simula ng drama. (Larawan: Corona safe from being midnight appointee, courtesy ; quierosaber.wordpress.com)

Ganun pa man. naniniwala ang marami na ang paglilitis kay Corona sa kasong "betrayal of public trust "ay mas nakapatungkol sa patronage politics, "moral ascendancy at delicadeza." Inaasahang lalabas ang katotohanan sa isinasagawang paglilitis at mai-impeached o dili kaya'y maitutulak na magresigned si CJ Corona.

Naging bahagi ng estratehiya ng magkabilang panig ang labanan sa public opinyon, media at paglulunsad ng mga rallies at demo. Sa kabila nito, marami ang nagsasabing itigil na ang impeachment trial at masyado ng nasasakripisyo ang gawaing lehislatura.

Bagamat karaniwan na ang diversionary tactics, bantang "mistrial - TRO" at "tiradang hearsay," walang dudang tumagilid ang depensa sa mga natuklasang tagong yaman (dollar at peso bank accts) na di tugma sa idiniklarang SALN (statements of assets and net worth) ni Corona, kahit sabihing sa "maling paraan" daw nakalap ito ng prosekusyon, kahit hindi kilalanin ni Sen Enrile't ilang Senate judges at kahit gustong ibasura ng depensa't Supreme Court ang ebidensya.

Habang dumadalas ang caucus sa loob ng Senado, lalong nadidiin ang prosekusyon. Sa kabila ng paniniwalang “tanging ang Senate court lamang ang may jurisdiction sa paglilitis,” kinatigan pa rin ni Sen Enrile at mga kaalyado nitong mga Senator Judges ang "yumuko sa kontrobersyal na TRO - SC decision patungkol sa Bank Secrecy, ang pagkwestyon sa naging papel ng AMLC (anti-money laundering council) at Bangko Sentral."

Sa 13 – 10 senate votes pabor kay Corona, hindi maitatangging nalagay sa alanganin ang “rules of court” na karaniwang bukang bibig ng depensa at political opposition. Mas lumalaki ang posibilidad na mauwi nga sa politika at impluwensya ng mga makapangyarihan ang kahinatnan at agam-agam na magtutuloy-tuloy sa acquittal ni Corona ang scenario ng paglilitis.

Patuloy na naninindigan si CJ Corona na ang Hacienda Luisita raw ang nasa likod ng kanyang pagkakadiskaril. Habang ang iba ay sinasabing "pagpapatuloy lamang ito sa umiigting na tunggaliang politikal ng mga Arroyo at Aquino." Sa kabilang banda, patuloy na iginigiit ng administrasyon ni PNoy na ito’y bahagi ng sinumpaang “reform agenda; accountability, transparency at pagpapalakas ng mga (demokratikong) institusyon sa ating bansa.”

Sinasabi rin na ang “2010 vice presidential election protest ni Sec Mar Roxas daw at ang nalalapit na 2013 midterm election ang dahilan.” Bagamat itinanggi ng palasyo, may mga espekulasyon na “ang susunod na poproyektuhin daw ng Malakanyang pag-napalitan at makontrol nito ang Chief Justice at Supreme Court ay ang ilang mga senador na may nakaabang na kaso at kakaiba ang kulay." (Larawan: Corona impeachment trial, courtesy of pinoywatchdog.com)

Tinatantyang may mahigit 15 senator judges na ang may sari-sarili ng kapasyahan (acquittal at conviction), hindi dahil sa “rules of court o rule of law," bagkus, batay sa kanya-kanyang biases at sabwatan ng mga pampulitikang interest. Kung hindi maa-agapan, ang political alliances na naitayo matapos ang 2010 election (LP at PDP-Laban) ay maagang mapupurnada ng wala sa panahon (2013), ang dating kaaway ay magkaututang dila na at ang dating magka-alyado ay galit-galit muna.

Bagamat naniniwala ang marami na seryoso nga sa "reform agenda" si PNoy at nanatiling mataas pa rin ang satisfaction rating, mukhang ipapasa ang sariling version sa napapanahong batas na Freedom of Information (FOI) sa kongreso, mga rekisito't pagbabago ng SALN, bank secrecy at anti-money laundering laws. Kaya lang, hindi maiiwasan ang pangamba ng ilang grupong politikal kung “garantiya nga ba sa demokratisasyon ng lipunang Pilipino at pagpapalakas ng hustisyang panlipunan ang Corona impeachment?"