Ano ang implikasyon at Kasunod?
Matapos mabuko ang kahindik-hindik na P10.0 bilyong pork barrel scam ng mga honorableng mga pulitiko, mga kilalang senador, mga hindi mabilang na mga kongresista, kasabwat ang ilang operador at pekeng NGOs, isang indignasyon at pagdalamhati ng mahigit kumulang na 500,000 mamamayan ang nagtipun-tipon sa Luneta kanina upang ipanawagan ang pagbabasura ng sistemang pork barrel at pag-usig sa mga salarin at may kagagawan. Larawan: courtesy www.gmanetwork.com )
Nagmula sa ilang netizen ng social media, facebook, tweeter, blogs at iba’t-ibang makabagong electronic gadget, ikinasa ang Aug 26 Luneta One Million March for to Abolition of Pork Barrel. Lumawak ang suporta at mabilis na kumalat na parang kidlat ang panawagan. Bukud sa Luneta, tumugon ang ilang malalaking mga sekundaryong mga lunsod sa probinsya, nakii-isa ang ilang malalaking lunsod sa USA, Hongkong, Middle East at sa iba pang mga kalat-kalat na lugar sa mundo na may malaking concentration ng mga OFW.
Pluralista, magkakaiba-iba, diverse group ng mga indibidwal at grupo ang kalakhang dumalo sa Luneta kanina. Visible ang ilang mga kilalang personalidad sa simbahan, showbiz, columnist, academe, artist, kilalang aktibista, NGOs, civil society at ilang party list organization. Bagamat nirerespeto, hindi na siya kontrolado't binubuo ng mga blokeng politikal (post-bloc), meaning, kalakhan ng mga dumalo ay mga independenteng mga indibidwal at grupo na maaaring maituring mga "politically matured" na katangian.
Mao-obserbahan ang pagtitiwala, kakayahan at kapangyarihan ng bawat isa na makapagsagawa ng pagbabago at paglilingkod. Sa kabuuan, naging masaya, malaman, matagumpay at educational ang naging pagtitipon sa Luneta.
Halos kahawig ng people power revolution na nakapagpabagsak sa rehimen Marcos at kay Erap ang Luneta activity. Bagamat hindi direktang puntirya ang estado at si Presidente Noynoy Aquino, nagkakaisa ang lahat sa prinsipyo ng "good and democratic governance," wakasan ang katiwalian at pangungurakot sa pamamagitan ng pagbabasura ng sistemang pork barrel - patronage politics at isabatas ang freedom of information (FOI) sa paraang peaceful at non-violence.
Kung matatandaan, tinangka ni Noynoy Aquino na idiskaril ang naka-kasang pagkilos tatlong araw bago ang Luneta One Million March activity sa isang press con na "ibabasura nito ng pork barrel sa anyo ng pagbubusisi, mga safety net, budget line item at pagpapatupad ng "accountability at transparency" na isagawa ng Malakanyang. Mas lalong umigting ang damdaming nag-aalab ng marami sa katotohanang hindi aalisin ang discretionary sa budget ng mga senators at kongresman lalo na kung ito'y mga kapanalig sa politika.
Isa lamang palabas ang naturang anunsyo sa abolition, isang "reincarnation" at sa esensya, patuloy na imimintina ni Noynoy ang sistemang pork barrel at patronage politics sa bansa." Ang nakapanggagalaite sa marami, "gagamitin ni Noynoy ang sistemang pork barrel upang kontrolin at mamanipula ang kongreso't senado sa kanyang pampolitikang agenda at daang matuwid."
Maaring bumigay at magmatigas si Noynoy Aquino sa panawagang i-aboliish ang pork barrel na magresulta ng sustainability ng pakikibaka sa mas mataas na antas lalo na't kung walang immediate action na gagawin ang administrasyon sa isyu at pag-usig sa mga salarin. Ang isang positibo, muli nitong naibalik ang iba't-ibang pormasyon at tradisyon ng people power, ang aktibistang pagkamamamayan ng mga Pilipino.
"Mga Diskurso ni Doy" blogger Doy Cinco, 11:00 am, Aug 26, 2013, Luneta One Million March to Abolish Pork Barrel