Sunday, August 25, 2013

Luneta Million March to Abolish Pork Barrel, Tagumpay



Ano ang implikasyon at Kasunod?

Matapos mabuko ang kahindik-hindik na P10.0 bilyong pork barrel scam ng mga honorableng mga pulitiko,  mga kilalang senador, mga hindi mabilang na mga kongresista, kasabwat ang ilang operador at pekeng NGOs, isang indignasyon at pagdalamhati ng mahigit kumulang na 500,000 mamamayan ang nagtipun-tipon sa Luneta kanina upang ipanawagan ang pagbabasura ng sistemang pork barrel at pag-usig sa mga salarin at may kagagawan.    Larawan: courtesy www.gmanetwork.com )

Nagmula sa ilang netizen ng social media,   facebook, tweeter, blogs at iba’t-ibang makabagong electronic gadget, ikinasa ang Aug 26 Luneta One Million March for to Abolition of Pork Barrel. Lumawak ang suporta at mabilis na kumalat na parang kidlat ang panawagan.   Bukud sa  Luneta,  tumugon ang ilang malalaking mga sekundaryong mga lunsod sa probinsya,  nakii-isa ang ilang malalaking lunsod sa USA,  Hongkong,  Middle East at sa iba pang mga kalat-kalat na lugar sa mundo na may malaking concentration ng mga OFW.

Pluralista,  magkakaiba-iba, diverse group ng mga  indibidwal at grupo ang kalakhang dumalo sa Luneta kanina.  Visible ang ilang mga kilalang personalidad sa simbahan, showbiz, columnist, academe, artist, kilalang aktibista, NGOs, civil society at ilang party list organization.   Bagamat nirerespeto,  hindi na siya kontrolado't binubuo ng mga blokeng politikal (post-bloc), meaning, kalakhan ng mga dumalo ay mga independenteng mga indibidwal  at grupo na maaaring maituring mga "politically matured" na katangian.

Mao-obserbahan ang pagtitiwala, kakayahan at kapangyarihan ng bawat isa na makapagsagawa ng pagbabago at paglilingkod. Sa kabuuan, naging masaya, malaman, matagumpay at educational ang naging pagtitipon sa Luneta.

Halos kahawig ng people power revolution na nakapagpabagsak sa rehimen Marcos at kay Erap ang Luneta activity. Bagamat  hindi direktang puntirya ang estado at si Presidente Noynoy Aquino, nagkakaisa ang lahat sa prinsipyo ng "good and democratic governance,"  wakasan ang katiwalian at pangungurakot sa pamamagitan ng pagbabasura ng sistemang pork barrel - patronage politics at isabatas ang freedom of information (FOI) sa paraang peaceful at non-violence.

Kung matatandaan,  tinangka ni Noynoy Aquino na idiskaril ang naka-kasang pagkilos tatlong araw bago ang Luneta One Million March activity sa isang press con na "ibabasura nito ng pork barrel sa anyo ng pagbubusisi,  mga safety net, budget line item at pagpapatupad ng "accountability at transparency"  na isagawa ng Malakanyang.   Mas lalong umigting ang damdaming nag-aalab ng marami sa katotohanang hindi aalisin ang discretionary sa budget ng mga senators at kongresman lalo na kung ito'y mga kapanalig sa politika.

Isa lamang palabas ang naturang anunsyo sa abolition,  isang "reincarnation" at sa esensya, patuloy na imimintina ni Noynoy ang sistemang pork barrel at patronage politics sa bansa." Ang nakapanggagalaite sa marami,  "gagamitin ni Noynoy ang sistemang pork barrel upang kontrolin at mamanipula ang kongreso't senado sa kanyang pampolitikang agenda at  daang matuwid."
Maaring bumigay at magmatigas si Noynoy Aquino sa panawagang i-aboliish  ang pork barrel na magresulta ng sustainability ng pakikibaka sa mas mataas na antas lalo na't kung walang immediate action na gagawin ang administrasyon sa isyu at pag-usig sa mga salarin.  Ang isang positibo,  muli nitong naibalik ang iba't-ibang pormasyon at tradisyon ng people power, ang aktibistang pagkamamamayan ng mga Pilipino.


Hindi man naabot numerically ang isang milyon sa Luneta,  mukhang ito na ang simula at magsisilbing babala sa mga tiwali, pang-aabuso't pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan at mas magiging mapagbantay sa galaw at gawi ng mga pulitiko at administrasyong Noynoy Aquino.  Sa ganitong usapin,  masasabing isang tagumpay ang Luneta One Million March para i-Abolish Pork Barrel.


"Mga Diskurso ni Doy"  blogger Doy Cinco, 11:00 am, Aug 26, 2013,  Luneta One Million March to Abolish Pork Barrel

7 comments:

Anonymous said...

doy, Noynoy is prepared to any "political backlash" in abolition of pork barrel and prosecution of guilt syndicate legislators.

Anyway, it's reINCARNATED pork with new mechanism....

Anonymous said...

With the SUPPORT of BUSINESS sector, next October 4, AYALA cor PASEO DE ROXAS MILLION MARCH to ABOLISHED PORK BARREL SYSTEM on October 4 will be a good one.

doy said...

Ang sabi ng mga volunteers ng “AYALA TAYO” (JOINT FORCES of ONE MILLION MARCH and EDSA TAYO) sa October 4 ay gaganapin sa harap ng monument ni Ninoy Aquino. Habang lumalaon, nagsasanga-sanga at maraming revelation ang lumalabas. Inaasahang mas maraming TAX PAYER’S ang dadalo..
SHARING and educating what pork barrel system is all about ang chore ng activity. Hindi mahalaga ang numero, kung hindi man umabot ng 1,000,000 million ang dadalo’t makiki-isa, ang mahalaga ay mailabas ang kanya-kanyang kuru-kuro at expression ng bawat isa sa buluk na sistemang pork barrel..
Blessing din ang pagiging matigas ni Noynoy Aquino sa paninindigang status quo lalo na pagpapanatili ng sistemang PORK, sapagkat, habang tumatagal ang isyu, unti-unting nagiging aktibo ang mamamayan lalo na ang middle class, ang bumabalikat sa kabang yaman ng gubyerno, nagpapakita rin na mahalaga at napapanahon ang kanilang partisipasyon sa politika at paggugubyerno..

showbox app said...

Download best app for HD movie download showbox gives you better experience of movie.

showbox app free download android

james wells said...

Avail new and existing gaming experience with pokemesh these days its trending between games lover.
Pokemesh app download

Kara Smith said...

Lots of app are available for converting movie app but some time time it may create trouble and in other hand you will get direct movie downloading and streaming in HD format via showbox with lots of attractive featutres.
showbox app

Kara Smith said...

Stream videos like never before with one of the best app over internet install your just install and get entertain.

You Pelis apk
IPTV Player APK