Tuesday, January 30, 2007

"Electoral Summit" at ang isyu ng Credibility

Sa layuning maging credible raw ang May midterm election, nagpatawag nuong isang araw si Ate Glo ng isang 4-party election SUMMIT sa linggong darating. Kasama ang Catholic bishops sa mga inimbitahan, kaya lang, sinong gagong maniniwalang kaisa si Ate Glo sa isinusulong ng CBCP na “clean, free and honest election.”

Sino pa ang maniniwala na maigagarantiya nito ang isang marangal na halalan sa nalalapit na halalan sa Mayo kung sa hanggang ngayon ay 'di pa nareresolba ang "am sorry Hello Garci controversy," ang usapin ng dayaan at linlangan nuong 2004 presidential election. Sino pa ang magtitiwala kung maaga na (last quarter 2006) itong sinisimulan ang pangdaraya, meaning nasa pre-campaign period pa lang at wala pa sa campaign period at post election period. Kung baga, hindi kana paabutin sa proclamation, sa election day o post election day, sa pre-campaign pa lang, TKO ka na, pipilayan kana, idi-disqualify kana.

Dahil sa inaatisipa na ng marami ang malawakang dayaan sa Mayo, kapansin-pansin ang hindi mabilang na mga "Election Watchdog" na itinatayo mula sa iba't-ibang non-government na grupo ng civil society. Ang problema, nagsisimula na ang dayaan sa maraming kaparaanan.

Sa planong "Electoral Summit, " walang pinagkaiba ito sa pagpapatawag ng pulong ng mga buwaya, ng mga buwitre na ang pag-uusapan ay ang kung paano kakain ng GULAY o pagpapatawag ng pulong komperensya ng mga Macho, ng mga rapist na ang agenda ay “gender sensitive.”

Kung ating babalikan ang mga pahayag ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio nuong nakaraang taon na “pupulutin sa kangkungan ang oposisyon dahil buong bigat na ibubuhos ang resources ng pamahalaan sa itatayong “superior political machinery” sa 2007 election.” Kaya naman unang inatupag ng Malakanyang ang maagang pagbabalasa ng gabinete at sinimulan ang malakihang pangungupit sa Treasury, sa kabang yaman ng bayan para sa Mayo.

Ginamit at muling gagamitin ng administrasyon ang PORK BARREL upang maagang maitayo ang electoral machinery ng kanyang mga alipores sa Kongreso. Intact na namamayagpag ang mga sindikato ng pamemeke ng Election Return (ER), ang mga Garci boys, si Sec Hermogenes Ebdane na itinalaga na sa Department of National Defence (DND) at ang point man ni Ate Glo na si Arsenio Rasalan.
Nakaabang na ang citizens armed militia at barangay tanod at walang dahilan upang hindi pakinabangan ang AFP sa Mayo ang daang libong CAFGU o BSDO sa kanayunan.


Mga dapat bantayan at abangan ng mga Election watchdog, mga concern at active citizens;
1. Ang dagdag na “umentong pasahod (vote buying?)” sa empleyado ng gubyerno. Base sa estimate ng Department of Budget and Management (DBM), magpapaluwal ng mahigit P10.0 bilyong ang gubyerno bago ang May, 2007 election; P32.0 bilyon sa 2008, P55.0 bilyon sa 2009 at P75.0 bilyon sa 2010 bilang salary increases sa mahigit dalawang milyong kawani ng gubyerno.
2. Ang “scholarship” fund ng mga maka-administrasyong Tongresmen. Kung ang P1.0 bilyong fertilizer fund scam ay nanggaling sa Dept of Agriculture ni Jocjoc Bolante, manggagaling sa CHED (commission on Higher Education) ang P 187.0 milyon one time fincial grant program na ihahatag sa mga galamay ni Ate Glo. Halatang suhol sapagkat imbis na CHED ang mamimili at mag-iiscreen ng mga mabibiyayaang “scholars” na siyang normal at moral na kalakaran, ipapaubaya na ito sa mga buwitreng mga pulitikong Tongresmen na kaalydo ni Ate Glo. Ayon sa ilang inpormante, P185.0 milyon Emergency Financial Assistance for Students (EFAST) ang ihahatag bilang payback time sa naging performance nito nuong impeachment proceeding.
3. “Seed fund” na nagkakahalaga ng P425.0 milyon programa ng Ginintuang Masaganang Ani (rice and corn) ng Department of Agriculture (DA).
4. Ang bilyong school feeding program na nakapaloob sa 2007 national budget na inaprubahan sa Tongreso. Naisingit ng maka-administrasyon Tongresmen ang nasabing budget sa naaprubahang P 1.136 trilyong panukalang budget ng pamahalaan. Imbis na gatas at nutribuns na kakaialanganin upang sumigla't tumalino ang mga bata, mukhang BIGAS ang ipamamahagi at ang malungkot, mga pulitiko sa LGUs (ULAP) at 'di mga guro sa Dep Ed ang pangunahing papapel sa distribusyon ng feeding program.
5. P500.0 milyon para sa PRE-SCHOOLING program “para sa mahihirap”. Ang P500 milyon ay bukod pa sa P250 milyon na inilaan para sa Preschool Program na kabahagi sa P46.4 billion supplemental national budget. Dagdag pa, naglaan din ng panibagong P269.5 milyon sa supplemental budget para sa Department of Social Welfare and Development’s breakfast and milk feeding para sa preschoolers sa day care centers.
6. Plano "pagpapautang o direct lending” ang DSWD-Malakanyang. Isang credit program na manggagaling sa budgetary allotments, special purpose funds at loans o grants mula sa mga donor agencies na ipapautang sa paraang subsidized rates ala KKK (Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran) ni Marcos.
7. Ang P430.8-million isiningit sa 2007 budget ng DOTC. Ang karagdagang budget ng ahensya ay gagamitin raw sa feasibility studies ng kunstruksyon ng railway systems sa Panay, Cebu at Mindanao na nagkakahalaga ng P200.0 milyon. Saan planeta ka namang makakakita ng P200.0 million "lump sum" para lamang sa isang pag-aaral kung pupwede o hindi (feasibility studies) ang railway system?
8. Ang pagju-jugglin ng pondong P1.0 bilyon mula sa Philippine National Oil Company (PNOC) patungo sa JATHROPA projects na nagresulta ng resignation ng PNOC President Eduardo Manalac.
9. Ang "political CLEANSING” na isinasagawa ng DILG sa mga LGUs na itinuturing na mga kaaway ni Ate Glo. Ang pagpapatalsik sa ilang key officials ng Arroyo administration. Isang hakbang ang political cleasing
10. Ang hiwaga ng Jueteng operation at ang STL. Supotado at pintatakbo ng DILG at PNP ang Jueteng operation sa Northern Luzon, Central Luzon, Southern Tagalog at Kabisayaan. Ang Jueteng bilyong pisong payola ay malinaw na gagamiting ng mga pulitikong kaalyado ng Malakanyang (partidong KAMPI-Lakas NUCD) upang talunin at katayin ang oposisyon.
11. programang “Tulay ng Pangulo” ng Department of Agrarian Reform (DAR). Kaduda-duda ang nasabing P1.095 bilyon programa dahil sa totoo lang, wala sa konsepto, guni-guni sa kasaysayan na papapilan nito pati ang infra projects na tulad ng tulay at kalsada.
12. smuggling money na magmumula sa Bureau of Custom (BOC). Ayon sa ilang inpormante, may P80.0 bilyong taun-taon ang nawawalang buwis sa BOC na napupunta sa bulsa ng ilang ma-impluwensyang tao sa Malakanyang.

Karamihan sa mga isiningit na pondo para sa taong 2007 budget ay isinawalat, pinagkakatay na ni Sen Drilon sa isinagawang Senate Budget hearing kamakailan lamang. Hindi maiiwasang may mga itinatago pang baraha ang mga mandaraya sa administrasyon.

Walang dudang gagawa ng magic, alingasngas at kalokohan ang administrasyon sa darating na May midterm 2007 election. Ang isang malaking hamon na lamang sa bahagi ng civil society, progressives, social movements at ang Kaliwa ay kung seryoso ang mga 'to sa kung paano poproteksyunan, paano babantayan, paano babawasan ang dayaan at higit sa lahat, paano KIKILATISIN ang mga kandidato, paano isasagawa ang epektibo at pinakamabilis na anti-TRAPO voter's education sa May midterm election?

link ; "Naivete"
http://www.tribune.net.ph/commentary/20070131com2.html

Doy Cinco / IPD
Jan 31, 2007

Text for Truth, Join HALALANG MARANGAL

HALALANG MARANGAL

4th Floor PRRM Bldg., 56 Mother Ignacia Ave., Quezon City Tel. 371-2107
http://halal. interdoc. org

Halalang Marangal (HALAL) hereby announces that its program to conduct a citizens' audit of the May 2007 elections is on track. HALAL is ready to work with all stakeholders, such as non-partisan election monitoring groups, political parties, and the COMELEC, to collect precinct- level election results and make these results available to the public for audit. We will be ready for the 2007 elections.
Since May 2006, HALAL has been testing its system thoroughly and laying down the groundwork for a successful citizens' audit. HALAL is now testing its connections to the cellphone network and the Internet, to ensure that field watchers will be able to send in their reports by text/SMS or email. Because cellphones sites and Internet cafes now cover most of the archipelago, any volunteer who has access to a cellphone or an email address can participate in the HALAL effort.

The HALAL concept is very simple: we offer our system to existing networks of partisan and non-partisan watchers, who can send us by text/SMS or email the precinct-level election results they collect in the field. Our own network of watchers will also be doing so, but we all need to work together, including the political parties, to cover the whole country.

As soon as a complete precinct-level report reaches us, we will make it available to the public for access, by text/SMS or through the Internet. This way, ordinary citizens, the media, election monitors, political parties and even official bodies can compare the precinct results in our database with the precinct tally board results they actually saw with their own eyes, and
confirm if they match or not.

If the HALAL database of precinct results passes this real-time public audit, it can then be used to audit the official results at the municipal, provincial and national levels.

HALAL is not competing with existing election monitors. Our system complements the efforts of all who are working in the field. It will make their efforts even more useful by combining them with the reports of others, to generate a true picture of how the people actually voted, in a way that can be audited in real-time by any interested party.

We invite all groups, including CER, PPCRV, NAMFREL, other election monitors, the political parties and the members of the Board of Election Inspectors (BEI) to send precinct reports to the HALAL system and help the public confirm the true results of the May 2007 elections.

The HALAL board of directors consist of Sen. Wigberto TaƱada, retired COMELEC Commissioner Mehol Sadain, Gen. Francisco Gudani (ret.), former St. Scholastica' s College president Sr. Mary John Mananzan, 2004 TOYM awardee Atty. Ma. Paz Luna, PRRM senior vice-president Isagani Serrano, and IT specialist Roberto Verzola. # (January 12, 2007)
*For confirmation, please contact Roberto Verzola, 371-2107, 0921-250-5520

HALALANG MARANGAL

(Network of Citizens for Honest Elections and Truthful Statistics)

1. What is Halalang Marangal?
Halalang Marangal (Network of Citizens for Honest Elections And Truthful Statistics) is an organization that wants to help keep elections and referendums honest by conducting truthful, transparent tallies.

2. How will it help keep tallies honest and transparent?
By asking watchers in every voting precinct to collect election results right after the counting in voting places ends, and storing these results in a database, where they will remain disaggregated by precinct. So, anyone can request from the database, by text/SMS or thru the Internet, any precinct result as well as municipal, provincial or national summaries.

3. Who will collect the precinct results?
Volunteer watchers will do so, by sending data from the field through text/SMS messages, with their cellphone number serving as their ID. The reports will also be counter-checked against the actual official electoral precinct documents: the election returns (ERs) or certificate of votes (COVs).


4. Who can request data from the Halalang Marangal database?
Anyone with a cellphone (almost 40 million Filipinos now have them) or an Internet connection can request data anytime from the HALAL database, which can be queried thru text messaging, email or the Web. Anyone can also get the entire database from the Internet. or in CDs.

5. How does one request precinct results from the database?
Send a short text message (pcint? ) to a special cellphone number.


6. Why is it useful to get the results from one's precinct?
Voters can now ensure that the true results at their precinct are actually canvassed correctly at the national level, as follows: a) at the precinct level, personally observe the count and jot down the results; and b) at the national level, confirm that these results are identical to those recorded in the national database of precinct returns. It will only take a few text messages (pcint , pcint p.2, etc.) to get the results. To add to the report's weight, you can also confirm it with another message (phone true/tru/ok).


If ordinary voters can ensure the integrity of every precinct return in the national database, they are also collectively ensuring the integrity of the municipal, provincial and national totals. In contrast, in the official or NAMFREL tallies, teachers, watchers and the public have no way at all to check/ensure that their precinct results have actually been correctly canvassed at the national level.

7. Can anybody text a precinct report?
Yes, anybody can text a report. When you text for a precinct result ( pcint ), you will receive several text messages in a specific report format. You must text all of them back, but before you do, edit the votes where your data differs with the current report. You may omit candidates with zero votes. But every single vote must be reported.


However, reports sent in by our trained volunteers have more weight than those sent in by the public. If you really want to help by sending election reports, it is better to do so as a volunteer.

8. What about people who send in a false report?
We expect that cheats will try to pollute the database and undermine the credibility of the network by sending in false reports or even volunteering under false pretenses However, these cheats will have to contend with the following:

* Reports from our volunteers will carry more weight than reports from the public.
* Once a cellphone number is used to send or confirm a precinct report, it cannot be used to send/confirm reports in other precincts. Thus cheats can use their cellphone number for one precinct only, limiting the damage they can cause.

* The cellphone number of the sender will also be posted on the database, together with the report, so cheats are risking that their number will be recognized by acquaintances.
* A report's weight varies as the number of people confirming the report. We believe that there are many more honest Filipinos than cheats, so truthful reports will get more confirmations.
* Reports will be verified against the actual precinct documents, so even where several cheats conspire to send and confirm a false report, they will eventually be found out.

This should discourage all but the most brazen election cheats, who can still be found out.

9. I am already part of another election watch organization.
Can I still join? Yes, just register your phone with us (text: REG), join the trial runs, get the precinct results on election day, and text them to our database. However, it is best if you encourage your organization to become a HALAL partner. As partner, your organization will have full access to the HALAL system, will get full training support from us, and will be part of HALAL decision-making.


Join us, and help determine the true results in the next elections. To volunteer, please get in touch with a HALAL member who knows you personally and can vouch for you. For more details, please check www.geocities.com/no.cheats.

If you want us to make a presentation in your organization, please contact: Roberto Verzola, rverzola@gn.apc.org, 0921-250-5520.

Draft (October 2006)

Watchers' Manual for HALAL Volunteers and Partners

1. Duties of volunteer watchers:
Before the elections:
* Get the exact name and postal zipcode of your voting center.
* Join the regular trial runs every 15th-17th of the month.
* Recruit and train each month 2 more members you trust will send truthful reports. Keep their numbers in your cellphone directory and pass all announcements to them.

On election day:
* If a voter, cast your vote as early as possible.
* When the precinct closes, text the poll evaluation report.
* Observe the canvassing. When it is over, jot down the final tally board results. Get an official, signed copy of the results (Certificate of Votes or ER 6th copy) and give it to the Voting Center Coordinator.
* From your notes (which should agree with the tally board and the official copies), enter the correct votes into the precinct report form you downloaded during the dry runs. Double check carefully. If ok, text each page of your report and then confirm, as in the dry runs.

2. Inviting applicants
* Applicants must have a cellphone.
* Invite only as many as you can conveniently communicate with by voice or text (say, 12 more).
* Preferably face-to-face, instruct them to register their phone with the HALAL numbers: 0920-244-5184 (Smart), 0927-418-5178 (Globe). See next section (III) for detailed instructions.
* After they have completed the registration process, help them go through a complete trial run. Afterwards, do not forget to promote your applicants to members with the command:
PROMOTE ...
MOST IMPORTANT: Choose only those whom you can personally vouch for and trust to honestly report precinct election results. Watch out for political operators who want to infiltrate us with cheats who will purposely undermine the network. If you are not sure, don't invite. If you trust your prospective recruit but are concerned that he might bring in untrustworthy people, don't invite. Volunteers from other election watch groups as well as teachers on poll duty are welcome, as long as they pass our criteria. Persons who are part of the campaign organization of a politician or a political party may not join. (We will conduct separate talks with political parties.)

3. Information for applicants
Invited applicants should register by texting the correct information to the designated HALAL numbers: Smart/0920-244-5184, Globe/0927-418-5178. (The old command APPLY will also work.)
Registration format: REG , , ,
Sample text: REG juan dela cruz, govt employee, 07 feb 75, 18 matapat st., brgy. dimadaya, manila
PCENTER ,
Example: PCENTER sikatuna village barangay hall, 1101
Join the trial runs every 15th - 17th of each month (text TRY, then STEP1, STEP2 and STEP3) and learn to send a report. Because a text message should not exceed 160 characters (even if your phone can handle longer messsages), your report will consist of several messages (candidates with zero votes can be omitted). These are the trial run commands you can text:

TRY – sends back instructions on the trial run and the 3 steps that comprise it (may be skipped)
STEP1 – sends back instructions about STEP1 of the trial run (may be skipped later)
STEP2 – sends back instructions about STEP2 of the trial run (may be skipped later)
STEP3 – sends back instructions about STEP3 of the trial run (may be skipped later)
GET or GET -- requests a page of the report form (next page or the specified page)
PCINT -- all report form pages start with this command. Edit these pages, enter the correct vote data, double check, then send back. The edited pages are your actual election reports.
PCINT OK – confirms your report, making it official

In one trial run that includes the instructions, you will text the following: TRY, STEP1, as many GET as the number of pages in a report form, STEP2, as many PCINT commands as the number of pages in the report you are sending, and finally PCINT OK.

7. To reduce cost, skip the instructions, and text only the following: several GETs to get the report form, several PCINTs to send your report, and PCINT OK to confirm it. During the actual election reporting period, you can skip the GETs and send only the PCINT commands, to send each page (STEP2) and then to confirm the entire report (STEP3).
The best way to learn is to try it. (And remember that STEP2, is different: you have to edit the report pages you received earlier, enter the correct votes, then send each page back). We suggest that members from the same polling center hold face-to-face meetings to conduct the trial/dry runs together and to plan how to cover every precinct in their voting center.
Important: Use the correct letters or numbers. Do not interchange the letter “ow” (in keypad MNO) and the number zero, or the letter “ell” (in keypad JKL) and the number one. Since you will enter mostly numbers, you may want to set your keypad to numeric entry.
For more details, please check www.geocities.com/no.cheats or contact Roberto Verzola, rverzola@gn.apc.org, 0921-250-5520.

Monday, January 29, 2007

“Mahiya raw tayo kay Bush”

Gago! Mas tamang sabihing, "mahiya kayo sa mamamayang Pilipino, sa mamamayan ng mundo, hindi kay Bush. " Sino ba si Bush, ang siraulo't pangunahing imperialista, militarista ng mundo, ang promotor at kumakaladkad ng “anti-global war on terrorism," ang tunay na terorista, ang pangunahing kontra bida't ahente ng corporate financial elite ng mundo.

Ayon sa maraming nagsusuri, mahihirapan na ang Malakanyang na ilako ang "anti-terrorism bill," ni Bush sa Pilipinas at mundo. Sapagkat, wala sa timing, ngayon pa kung saan isolated na, tulad ni Ate Glo, napaka-unpopular ni Bush ngayon mismo sa mamamayang Amerikano't mundo, said na said na ang performance rating approval ni Bush at mababang-mababa ang moral, 'di lang ang sundalong Amerikano, pati ang mamamayan Amerikano na suportahan ang panloloob at gerang inilulunsad ni Bush sa Iraq at Gitnang Silangan.

Ngayon pa na kung saan, lumalakas at muling nabubuhay ang anti-war sentiments-movement hindi lang ng mamamayang Amerikano, maging sa buong mundo. Nuong nakaraang Sabado (Jan 27), may daang libong Amerikano, mga celebrities (Susan Sarandon, Jane Fonda, Jesse Jackson at iba pa), mga veteranong Anti-Vietnam street protesters (30 years ago), ang nagrally at nagDEMO sa Washington DC, at iba pang lunsod sa US, upang tutulan at iprotesta ang napipintong military escalation (pagpapadala ng additional 21,000 US troops) na pinaplano ni Bush sa Iraq.

Hiniling ng United for Peace (grupong sponsor at nanguna sa mga pagkilos sa US) na wakasan na, pauwiin na, iatras na ang tropang sundalong Amerikano na nanloloob sa Iraq. Mahigit kumulang na limang daang libong (500,000) kabataang estudyante, manggagawa, propesyunal at mga kintawan ng mga dating sundalo sa Iraq ang umattend sa pagkilos na isinagawa sa national Mall, malapit sa Capitol kung saan isinasagawa ang congressional session sa Washintong DC. Maliban sa gusto nitong ipaabot sa mundo ang ka nilang mensahe kontra sa gerang Iraq, mukhang sa Partidong Democrats naka-adress ang kanilang pagkilos.

Kung matatandaan, taong 2003, bisperas ng pananalakay at panloloob ng US sa Iraq, sabay- sabay at daan-daang milyong mamamayan (more than 100,000,000 international struggle) ng mundo ang lumabas sa lansangan upang iprotesta't tutulan ang militaristang patakarang US-Bush. Ito na ang pinakamalaking ANTI-WAR movement na napakilos (lahat ng continent may hapenning) sa kasaysayan ng mundo ng pakikibaka at nasaksihan ng halos lahat ng mamamayan ng mundo.

Sa Pilipinas, mukhang kontra AGOS, baligtad ang nangyayari, kung kapayapaan ang direksyon ng mundo, sa Pilipinas utak pulbura't digmaan. Habang nalalagay sa alanganin si Bush sa Amerika, dinodiyos, pinupuri, burikak na naglaladlad ng panty si Ate Glo kay Bush. Kamakailan lamang, “sa pamamagitan ng telepono, pinuri ni Bush si Ate Glo sa matagumpay na kampanyang pagdurug ng AFP-GMA administration sa Abu Sayaff Group (ASG).” Kaya lang, ang 'di alam ni Bush, perahan lamang ang labanang AFP-ASG sa Mindanao.

Ang Malakanyang at ilang taksil na ahente't galamay na Amboy na mga Pilipino na lamang ang bilib at naniniwala kay Bush. Lalo lamang lumilinaw na sandamakmak na mga burikak , kaprostituted ang gubyernong Pilipinas kay Bush. Kung ako kay Ate Glo, kung gusto niyang bumango't irespeto ng mamamayang Amerikano, dapat niyang itigil ang walang kalatu'y latuy na gerang inilulunsad ng AFP at sinusuportahan ni Bush sa Mindanao.

Sa text message na ipinagmalaki pa ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio, sinabi nito na ang ginawang pagbati ni Bush ay dapat na magsilbing pang-engganyo sa mga Senador upang aksyunan ang nabibinbing panukalang batas na “anti-terorismo.” Ayon kay Claudio, "MAHIYA raw tayo at mga SENADOR kay BUSH". Ang panukalang batas ay magbibigay ngipin raw sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maglunsad ng total war sa mga kapatid nating Moro sa Mindanao, kaya lang, political survival at hindi sa mga tunay na terorista ipuputok ni Ate Glo ang naturang batas, sa lahat ng kanyang mga kaaway sa pulitika.

Maraming civil society groups sa Mindanao ang nangangamba sa posibleng idudulot ng "total war" at anti-terrorism bill." Ang isyu sa Muslim Mindanao ay ang "karapatan ng mga kapatid nating Moro para sa SARILING PAGPAPASYA (self- determination), ang local autonomy, ang local good governance at pagpapalakas ng democratic institution," hindi GERA, hindi tropang US, hindi utak pulbura.

Kaya't tulad ng panawagan ng Anti-War movements sa US, PAUWIIN na rin ang mga tropang sundalo ng AFP at US (US Army) sa Mindanao. Sa totoo lang, sila ang tunay na nanggugulo, nananakot, nanteterorized at bumabansot sa kaunlaran ng Mindanao.


Kung bibigay, kung papayag ang Malakanyang sa pang-uuto ni Bush, hindi malayong hindi siya tanggihan ni Ate Glo, maliban sa political survival, limpak na ayudang tulong militar, dilhensyang matatanggap ng Malakanyang sa gubyernong US-Bush. Lalabas na magiging kaaway ng Malakanyang, maliban sa mga Pilipino, ang malakawak na mamamayan ng mundo at pwersang “anti-war movement sa Amerika.” Ayon sa mga survey ng CNN at BBC, mahigit na 60% ng mga Amerikano at mamamamayan ng mundo ang tutol sa gera't panloloob ng US sa Iraq at Middle East. Kung sa bagay, kambal tukong manloloko, manlilinlang, dorobo at war mongerers, pareho silang balak i-impeach ng sariling mamamayan.

Tignan din ang;
"
Gloria should not rejoice over Bush’s praises — solon"
http://www.tribune.net.ph/headlines/20070129hed4.html
"Pinoys join thousands in big D.C. anti-war demo"
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=65035

Doy Cinco / IPD
Jan 29, 2007

1 COMMENT
I look forward to the day when Bush gets tried for crimes of war & against humanity. History will set things right & reveal that at the core of the War vs. Terror was never really about political ideology, religion or security. It was about corporate profits, access & control of fuel fossil supplies & preserving the neocolonial strategy of keeping Persia & the Arabian peninsula divided.

- Taps Balce

Saturday, January 27, 2007

Ipriority ang paggamit ng Geothermal at Hydro electric energy

Sa kabila ng mayroon tayong sapat at murang renewable energy na mapagkukuhaan sa bansa, nakakalungkot isipin na ang gubyernong GMA ay hostage, nakagapos sa napakamahal, marumi, nakakalason at maanomalyang Independent Power Producers o IPPs (lokal at dayuhan na gumagamit ng fossil fuels).

Sa kabila ng patakarang DEREGULATION, privatization, ang limang (5) taong ng umiiral na batas EPIRA (Electric Power Industry Reform Act ng 2001), ang maanomalyang IPPs at manipulasyon, katiwalian sa NAPOCOR, ang State run Power sector Assets and Liabilities Management corporation o (PSALM), pumangatlo tayo sa may pinakamahal na kuryente sa buong Asia, una ang Cambodia, sumunod ang Japan. Buti sana kung kasing yaman tayo ng Malaysia, Thailand, Japan o China.


Ang nakaka-intriga at nakakapagtaka, habang sinasabing “may malaking kakulang daw ang Pilipinas sa kuryente,” tuloy ang pag-eengganyo sa mga mamumuhunang dayuhan na magtayo ng power plant (kahit sinasabi ng ilang experto na sobra-sobra't may surplus na tayo ng enerhiya), na ang kadalasa'y lokohan, goyoan, katiwalian at may kondisyones na “sovereign guarantees.”

Ayon sa ilang inhenyero kakilala ko sa larangan ng enerhiya, bukud sa mura't makakatipid ang estado, “may malaking reserbang kuryente pa ang mga Geothermal at Hydro electrical companies (gubyerno't pribado) sa bansa ang 'di napapakinabangan ng country, hindi namamaximized (less 20- 50%) ang kanyang kapasidad at ang malungkot, itinatapon na lamang ang sobrang energy production sa hangin o sa dagat!”

Ang tanong na dapat linawin, bakit parang nililimita't ayaw sagarin ng gubyerno ang pamimili ng sariling kuryenteng nagmumula sa mga Geothermal at Hydro electrical energy?

Ito ba'y dahil lamang sa naipako (kontratang pinirmahan) na ang gubyerno na bilhin ng napakataas na halaga ang kuryente sa mga IPPs na pag-aari ng mga Lopez at mga dayuhan? Kung totoo ang balitang ito, isang karumaldumal na krimen at isang NANAY ng mga anomalya na dapat panagutan ng gubyerno sa mamamayang Pilipino. Dahil ba sa walang dilhensya't makukurakot sa renewable energy?
Kailan tayo magkakaroon ng isang malawak na constituencies, matibay-tibay, solidong "environmentalist o GREEN votes" sa bansa?

Tignan din ang; "Environmentalists push renewable energy bill"
http://www.manilatimes.net/national/2007/jan/27/yehey/top_stories/20070127top8.html

Doy Cinco / IPD
Jan 27, 2007

Friday, January 26, 2007

“The Revolution will not be televised, but BLOGGED”

Maraming nagsasabi na “Year of the Filipino Bloggers.” ang taong 2007. Maaring may katotohanan, subalit kung sinasabing “ita-take over” ng BLOGs ang papel ng television na magbroadcast at magbigay ng inpormasyon sa mga nangyayari sa mundong ibabaw sa madla, lalong lalo na ang mga kaganapang tunggalian at kontradiksyon ng tao sa lipunan, mukhang mahirap atang arukin. Ewan lang natin?

Sapagkat, kahit sabihing may umiiral sa ngayong “blogging revolution, online freedom" at nakikipagsabayan na tayo sa international blog, o kabahagi na tayo ng western blogging networks, mukhang kakain pa ng ilan taon bago makita ang kaganitong realization. Sabi ng ilan, parang na sesentionalized, over acting, na-eexagerated ang nasabing “take over” ng BLOGs.


Kung matatandaan, ang Blogs ang naging pangunahing means ng propaganda't info warfare sa Gitnang Silangan at ilang masasalimuot na kaganapan sa Africa at Timog Amerika. Ginamit ng mga simpatisador ng grupong Hezbola (guerilla movement at political party sa Lebanon/ anti-Israeli army) ang Blogs upang ilarawan, ilantad at ipakita sa PINAKAMABILIS na PARAAN sa buong mundo, partikular sa Arab world ang panloloob, pananakop,ang kalupitan at pang-aabuso ng sundalong Israeli sa Lebanon, ganun din ang karanasan ng ilang liberation movement sa Mexico at Iraq.

Tanggapin nating may himigit kumulang na iilang milyon lamang ang may access sa internet sa Pilipinas. Nananatiling 70-80% ng pinanggagalingan ng information ay kopong pa rin ng broadcast media, meaning ng television at radio at ang natitirang 20% ay halos pinaghahatian na ng print at on line media at iba pang nasa larangang pangkomunikasyon.

link; "The Revolution will not be televised, but BLOGGED"
http://technology.inquirer.net/infotech/infotech/view_article.php?article_id=42507

Doy Cinco / IPD
Jan 27, 2007

Thursday, January 25, 2007

Kahit buluk, tuloy pa rin ang May '07 mid term election

Walang dudang isang referendum para kay Ate Glo ang May 2007 election. Dito nakasalalay ang katayuan at political survival ni Ate Glo kung aabot pa ito hanggang 2010. Para kay Ate Glo, lubhang napakahalagang makontrol ang Senado, ang institusyong itinuturing tinik sa dibdib, balakid sa adhikain ni Ate Glo at ng Malakanyang.

Ang problema, mukhang lito't tuliro ang mamamayan sa lumalalang bangayang ng dalawang magkabilang kampong pulitikal sa bansa. Mabantot nga ang administrasyon, mukhang watak-watak naman ang political opposition at kilusang masa. Ang dating presidenteng si Erap ang madalas ngayong akyatin sa Tanay, naakusahang nangurakot at kasalukuyan dinidinig sa kasong plunder, siya ngayon ang lumalabas na pangunahing players at katunggali ng Malakanyang sa darating na May mid term election.

Nakakalungkot isipin na ang pumalit kay Erap sa poder, matapos ang tinatawag na "Edsa II revolution," ay mas malala, mas mapanupil, sagad sa patakarang anti-mamamayan at imbis na masawata ang pangungurakot, mas may ilang ulit nadoble ang pandarambong at katiwalian sa gubyerno.

Bagamat may napipisil na ang administrasyon sa “Unity SENATE slate,” wala pang malinaw, hindi pa kumpirmado, nagpapatuloy ang “proseso ng pakikipagnegosasyon.” Hirap itong makabuo ng 12 senatoriable slate na may winning chance. Nag-atrasan ang unang ipinasok na ilang personalidad sa gabinete ni Ate Glo sa senate slate. Sa ngayon, halos tatatlo lamang ang malinaw na lumulutang; si Sec Mike Defensor, Rep. Juan Miguel Zubiri (Bukidnon) at Rep. Gilbert Teodoro (Tarlac), ang pamangkin ni Danding Cojuanco, dating crony ni Marcos na hostage ng Malakanyang sa isyu ng Coco Levy.

Habang nalululong at napahiya si Ate Glo sa kampanyang Cha Cha nuong nakaraang taon, naunang nakapagprepera ang oposisyon sa pagbubuo ng senatoriable ticket, kaya lang dahil sa personality, factions, tulad ng administration ticket, nahirapan maiproseso't maipinal ang slate. Tulad ng inaasahan, pinutakti ng iringan at batikos ang binuong 10 senetoriable "Dream Team" slate ng opposition, United Opposition (UNO).

Lumalabas na isang political suicide ang makipag-ututang dila sa administrasyon, sapagkat paano nito maipapaliwag sa taungbayan ang sandamukal na anim na taong punong-puno ng katiwalian, ang linlangan at lokohan.

Ayon sa ilang magkakasunud-sunud na electoral survey na isinagawa ng Pulse Asia at SWS, walang dudang mananaig ang opposition sa "magic 12" senatoriable race at maswerte na kung may isa o tatlong (1-3) makakalusot sa ticket ni Ate Glo. Kaya lang, maisustina kaya ito hanggang Mayo '07 ng opposition sa kabila ng sunud-sunod na banat propaganda ng administration, at bangayan sa loob ng opposition?

Ang grupo ng dating Sen Tito Sotto III, ang campaign manager ni FPJ nuong 2004 presidential election. Kung matatandaan, maagang (Nov-Dec 2006) ginapang at trinabaho ni Sotto ang pagbubuo ng senatoriable slate ng UNO. Kasama ni Sotto ang dating senadorang si Loren Legarda, John Osmena, Gringo Honasan at Tessie Oreta. Kamakailan lamang, malaki ang naging hinanakit ni Sotto, “sila raw ang nagbayo, sila raw ang nagsaing, iba raw ang kumain.” Dismayado si Sotto ng marandaman 'di maibibilang sa slate ang 2; Sen Gringo Honasan at Tessie Oreta.

Sa akalang maaambunan ng resources, tataya at guguhit si Danding Cojuangco sa 2007 election, nagresign sa partidong Liberal Democratic Party (LDP) at lumipat sa Nationalist People's Coalition (NPC), ang partidong kaanib sa administrasyon. Dahil sa palakol na sa kasong Coco Levy, "mas malapit ngayon si Danding kay Ate Glo kumpara sa opposition. " Ang tingin ng iba, nangbu-blupp lamang at alam nitong itataboy lamang sila ng mga galamay ng administrasyon kung saka-sakaling magsirko't lumipat sa kampo ni Ate Glo si Sotto.

Ang kampo ni Sen Drilon at ang Liberal Party. Dahil sa agendang "2010 Mar Roxas for president," maagang dumiskarte ang kampo ni Drilon sa opposition. Dalawa ang kanilang manok sa 2010 election, si Sen Kiko Pangilinan at Con. Noynoy Aquino. Kaya lang, mas kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Kiko (asawa ni Sharon), mas malapit siya ngayon kay Sen Villar kaysa sa partidong LP.

May malaking tampo kay Kiko ang karamihan sa kampo ni Erap. Dahil sa isyu ng “noted,” isang katawa-tawang kataga nung panahong isinasagawa ang recount-electoral protest ng opposition (2004 presidential election). Problemado rin si Noynoy Aquino dahil sa isyu ng kandidatura ng kanyang tiyahin, ang dating senadorang si Tessie Aquino.

Nag-aalangan na si Drilon sa kampo ni Sen Manny Villar sa dahilang posibleng maging katunggali ng LP ang NP sa 2010 presidential election. Bilang katunggali sa hinaharap, mukhang sinirado na ni Drilon ang pakikipagnegosasyon kay Villar-NP. Kuntento na ito sa estratehikong pakikipag- alyado't pakikipag-tuwang sa kampo ni Erap at iba pang grupo sa oposisyon, tulad ni Mayor Binay, Pimentel at si Ernie Maceda.

Matapos kayudin ni Mayor Binay (tumatayong timon sa UNO) ang panimulang bwelo ng pagbubuo ng slate sa Senado, agad trinangkuhan at binuo ang walong (8-10) senatoriable slate ng oposisyon kahit pa halatang alanganing mawi-win over, ma-uunite ang oposisyon, kulang at nakareserba ang apat; Tito Soto, Chiz Escudero, Allan Peter Cayetano, John Osmena, Koko Pimentel, Jv Ejercito, Loren Legarda at si Ping Lacson. Nagpatuloy ang negosasyon sa kampo ni Sen Manny Villar. Nanindigan si Mayor Binay na ang oposisyon, anuma't ang mangyari ay makokompleto na't panghahawakan.

May apat (4) na kandito ang kampo ni Sen Manny Villar (Nacionalista Party-NP). Ang sarili, si Kiko Pangilinan, Sonia Roco, ang biyuda ni Sen Raul Roco at isang representative ng civil society. Alam ng marami na may agenda si Villar sa 2010 presidential election. Dahil sa alanganin din ang kanyang manok (Recto at Sonia Roco), lumutang at kasamang pinaugong ang isyu ng Third Force, meaning, hindi oposisyon at hindi rin Administrasyon. Umakyat ng Tanay si Villar upang makipag-areglo kay Erap at muling inilinaw ng huli na kumpirmadong kasama siya sa slate ng oposisyon. Kaya lang, may ilan pang kahilingang gustong ipasok si Villar; "isama si Kiko Pangilinan, si Ralph Recto at si Sen Joker Arroyo. " Ang problema, wala sa listahan si Noynoy Aquino.

Tungkol sa Third Force, ang tingin ng marami ay nangbu-bluff lamang ni Sen Manny Villar, sapagkat, kung aastang kontra sa oposisyon si Villar mas malaki ang pinsala kaysa sa pakinabang; una, walang dudang magtatampo si Erap at pusibleng matanggal siya sa Senate President, alalahaning may 2 Estrada at ilang pang kaalyado sa Senado si Erap. Pangalawa, baka mayari siya sa 2010.

Ang totoong nagtutak at utak ng Third Force ay ang kampo ni Sen Ed Angara. Inilatag nito ang formulang “dapat lahat ng re-electionista ay magsama-sama sa iisang slate.” Pinalutang sa Third Force ni Angara ang apat (4) ni manny Villar, ang sarili, niligawan si Sen Ping Lacson at Loren Legarda. Ayon kay Angara, bukud sa may track record at subuk na , "isa itong malakas na pwersa sa Senatoriable race." Marami ang naniniwalang mahihirapang makumpleto ang slate-12 ang “Third Force,” bukud pa sa maaring paghinalaang mga pakawala't inisyatiba ito ng administrasyon, walang sariling copy ng election returns, poll watcher, mahina't walang resources at matibay na makinaryang maitatayo.

Tanging si Ate Glo lamang ang makikinabang kung matutuloy ang Third Force. Habang pakunwaring inaalukan ng slate, tiniyak ng marami sa kampo ng administrasyon na sarado, walang free ride sa administration ticket. Maliban sa tatlong natukoy; si Sec. Mike Defensor, Con Gilbert Teodoro at Zubiri, binabanggit din ang pangalang Cong Libanan ng Samar, Gov Magsaysay ng Zambales, Sec Ace Durano ng Turismo, Sec Duque ng DOH, Cong Pichay at Gov Chavit Singson. Ayon kay Pichay, “mukhang welcome sa tiket ng administrasyon ang dalawang re-electionistang alanganin; si Joker Arroyo at Ralph Recto.”

May ilang kahilingan din ang Hyatt 10 at ang Black and White Movement ni Dinky Soliman na "dapat isama si Noynoy Aquino sa slate, alisin si John Osmena at palitan ito ni Sonia Roco, ang biyuda ni Raul Roco."

Isa sa nagpalutang at nagpainit ng isyu ng “Third Force” ay ang opensibang propaganda ni Sec. Mike Defensor na “ang May 2007 election ay labanan lamang ni Erap at ni Ate Glo.” Dahil nga naman na kung maikakahon sa dalawang elite camp ang May 2007 senatoriable race, walang dudang (taktika ni Mike) pupulutin sa kangkungan ang oposisyon sa May Election. May agam-agam ang ibang political players, tulad ng civil society at hanay ng negosyo-Makati Business Club-MBC, (dating anti-Erap) sa bansa sa personality slate ng oposisyon. Samut-saring isyu tulad ng dynasty, politics of accomodation at personality oriented ang yumayanig sa oposisyon/UNO.

Nasaan ang “PWERSA ng REPORM?”

Sa ayaw man natin o sa gusto, buluk man o TRAPO ang election, matutuloy ang May mid term election. Kaya lang mukhang alangang tumaya, 'di seryoso't walang malinaw na electoral agenda (Senate) ang “social movements, progressives at Kaliwa sa Pilipinas." Bagamat sinasabing magpapartisipa't hindi “BOYCOTT ELECTION, walang klaro" o direktang pagsisikap na makapagbuo, kahit 'di kompleto ng Senate slate, si Randy David, Etta Rosales at Trillanes halimbawa?

'Di tulad sa mga kapatid nitong mga Kaliwang partido sa Latin America (mga bansang tulad ng Venezuela, Bolivia, Argentina, Brazil, Chile, Uruguay, Peru, Ecuador, Nicaragua at kamuntikanang Mexico), na nagpakadalubhasa, nagpamangha sa buong mundo sa pamamagitan ng mga matatagumpay na "electoral politics at non-violent struggle. " Tuluyan ng itinakwail ng mga bansang ito ang US-led neo-colonial economic policies tungo sa independent, sovereign, protectionist at nationalist economic direction.

Hindi nalalayo sa Pilipinas ang tradisyon ng pakikibaka, patakarang ekonomya't dating kolonya ng Espanya at neo-kolonya ng Estados Unidos ang halos lahat ng mga bansa sa Latin Amerika. Sa katunayan, minsan ng sabihin ng mga dating comrade na "mas malapit sa dugo, sa puso kaluluwa't kultura natin ang Latin America kung ikukumpara sa ASIA o ASEAN countries."

Totoong malayo pa ang pagsasarepora ng pulitika't electoral sa bansa. Totoo ring 'di pa nareresolba ang usaping istratehiya at taktika, ang isyu ng pagiging “reformer at reformism” sa hanay ng social movement at kahit ano pa ang mangyari, kahit BULUK, TRAPO, tuloy ang May '07 midterm election.

Tignan din ang; "Forcing through?"
http://www.tribune.net.ph/commentary/20070125com1.html

Doy Cinco / IPD
Jan 25, 2007

Monday, January 22, 2007

Debate, diskurso, imbes na magastos na electoral propaganda, political ad

Wasto lamang ang iminumungkahi ng Cong Biazon na imbes na magagarbo at magagastos na mga poster, streamers at political ad sa broadcast at print media ay debate (forum, sympo) ang gawing moda ng pangangampanya. Idinagdag din ni Rolex Suplico na ang nasabing pamamraan ay lubhang makakatulong upang maihiwalay at mai-isolate ang mga buguk at “idiot na kandidato,” maliban pa sa nagkakaroon ng voter's eduaction na hahantong sa katalinuhan ng botanteng Pinoy, ayon sa kanila.

Kung debate't diskurso ang mananaig sa kampanya, sa tulad na minumungkahi ni Cong Biazon at ni Rolex Suplico, kahit impusibleng mangyari ito sa ating bansa ay napakabuti, mainan, magiging makasaysayan at makakatulong sa panimulang pagsusulong ng Political at Electoral reform sa bansa. Ang Comelec, at iba pang election WATCHDOG ng simbahan, non-government organization (NGOs) at mass media ang siyang dapat maunang maaasahan gumampan ng ganitong napakadalisay na inisyatiba.

Ang isa sigurong lalamanin ng debate ay ang mahahalagang usaping SOCIAL, POLITICAL (democratization) at ELECTORAL reform na may kaugnayan sa isyu ng kahirapan, demokrasya at popular culture. Ang isyu ng;
1. external debt, GLOBALIZATION at Philippine-US relation
2. charter change (con con at con-as / parliamentary at presidential form of government, proportional representation sa Congress at Senate, pagdoble ng dami ng PARTY LIST)
3. anti-terrorism / global war on terrorism
4. human rights at kapayapaan
5. Environment
6. public utilities at delivery of basic services (ang isyu ng kuryente, tubig, pabahay, hospital, transpo)
7. education (issue ng english at filipino bilang medium of instruction) at kulturang Pinoy
8. isyu ng OFW
9. employment at industrialization
10. Agrarian reform and rural development
11. Political and electoral reform
12. ang isyu ng Milk code at breastfeeding
13. anti-prostitution at gambling / jueteng lords
14. abolisyon ng PORK BARREL at pagsasa-ayos, overhauling ng patakarang procurements, award and biddings sa proyektong bayan
14. ang isyu ng pagkakaiba ng Executive at Legislative work.
At marami pang iba.

Maliban sa tatak na TRAPO, halos lahat ng mga kinatawan (congressmen/women) ang naliligaw, dis-orient, gumagampan ng trabahong hindi kanila, gawain ng isang Local executive-LGUs at hindi ang konseptong gumawa ng mga batas at patakaran na siyang pangunahin diin ng trabaho sa Kongreso.

Dito na lamang sa QC, si Cong Nannete Daza (4rt District) at Ann Susano (2nd District) ay isang malinaw na halimbawa ng maling koncepto ng gawaing lehislatura/mambabatas. Maliban sa Kasal, Binyag, Libing (KBL), halos lahat ng achievements ng dalawang (2) ito ay pawang INFRA, paaralan, poso-tubig, waiting shed at pagpapalit ng pangalan ng mga istablisyemento o mga proyektong trinatrabaho na ng isang (overlapping) Mayor o Barangay Captain.

Halimbawa. ano ang mga panukalang batas (14 isyung nakalista sa itaas) ang gagawin kung saka- sakaling mailukluk sa Kongreso? Tungkol sa pagtatasa ng TRACK RECORD, ano na ang mga nagawa ng mga pulitiko at paninindigan sa mga 14 na isyung nabanggit? Ito ang mga katanungang dapat pagdebatihan, sagutin at resolbahin ng mga pulitikong nagnanais tumakbo sa congressional at senatoriable na labanan.

Tignan din ang; “Debate, imbes na magastos na political ads”
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-01-22&sec=4&aid=7372

Doy Cinco / IPD
Jan 22, 2007

Sunday, January 21, 2007

Tatapusin ni Ate Glo ang laban sa Abu Sayyaf?

"Wag n'yo kaming pinagloloko at maghunus dili, sapagkat isang malaking bangungut ang pinapangarap ni Ate Glo na pag-ubus, pagpulbos, pagsawata sa Abu Sayyaf Group (ASG). Kahit ubusin pa ang lahat ng personalidad at pamunuan ng ASG, mananatiling buhay at bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang ASG.

Una; habang si Ate Glo, si Norberto Gonzales ng Seguridad, mga tiwaling mga matataas na opisyal ng militar ay magpapatuloy sa pwesto walang mangyayari sa kampanya. Sapagkat ang mismong tumutugis sa ASG ay siya rin mismong nag-aalaga sa ASG. Pangalawa; habang nananatili ang dayuhang pwersang Amerikano sa bansa, mamayagpag ang ASG, magmumultiply ang maraming Janjalani at lubusang lalakas pa ang iba pang grupong rebelyon sa Mindanao.
Pangatlo; suportahan ang rights ng mga kapatid nating Moro para sa sariling pagpapasya (self-determination), local autonomy, local good governce at idagdag pa natin ang pagpapalakas ng democratic Institution, walang dudang uunlad ang Mindanao, partikular ang Muslim Mindanao.

Alam ng mga taga-Southern Philippines na PERAHAN, palabas at zarzuela lamang ang isyung anti-terorismo sa Mindanao. Yung nga lang $5.0 milyung (P250.0 milyon) bounty ng mga Amerikano sa pagkakapatay kay Janjalani, (maliban sa milyung dolyar na halagang iiwang armamento ng US Army sa AFP) ay parang mga gutum na asong nagkumahog na agad ang pamunuan ng militar kung paano pagpaparti- partihan ang kwarta. Kung may pera sa basura, the same manner na may pera rin sa GERA.

Alam din ng pamunuan ng AFP ang mahabang kasaysayan insureksyon ng Moro sa Mindanao. Alam ng AFP na tatagal ng ilang dekada ang gera laban sa terorismo sa Mindanao, alam din nila na napakahirap maging kalaban ang insureksyon Moro lalo na't sinasabi nitong nago-globalized, (South East Asia) na ang labanan at isyu sa Mindanao.

Simple lamang ang lohikang nagaganap na gera sa Mindanao at ang laban kontra- terorismo ng militar at Estados Unidos, kung walang “gera, walang pera, kung walang proyekto na inilulunsad laban sa ating mga kapatid na Moro, walang happening. Ang Estados Unidos nga, sa kabila ng may pinaka-abanteng kasangkapang pandigma ay di matalo-talo, 'di maneutralisa, masugpo ang insureksyon sa Iraq at Al Qaeda ( pinagdududahan din ng mundo ang ugnayang Al Qaeda at CIA), sa Pilipinas pa?

Lubhang kailangan ng Malakanyang ang operasyong militar sa Mindanao, sapagkat kung mawawala ang gera, para na ring sinabing patay at inutil ang military, maliban pa sa mawawala ang mga dilhensya at pangungurakot.

Ang kampanyang “globar war” sa terorismo ng US at sa inilalakong “anti-terosim bill” ni Ate Glo sa Kongreso ay mawawalan ng bwelo kung magkaroon ng katahimikan sa Mindanao. Ano pa ang dahilan at pangangailangan ng isang "batas kontra terorismo" kung tahimik na ang Mindanao at ang Malakanyang na ang umaaktong terorista? Lubhang kailangan ng mga Heneral ang gera upang mailagay sa mapa ng mundo ang Pilipinas (ika nga SIKAT), kailangan ang gera upang sa pang-araw-araw na ginawa ng diyos ay mapansin, ma-high profile at maprioridad ang mga Heneral sa estado poder.

Hanggang sa kasalukuyan, may pagdududa at suspetsa ang marami (hindi lamang mga taga-Mindanao) sa hanay ng simbahan (Claretian) at Magdalo na isa lamang palabas, isang sabwatan ang nagaganap na drama, gulo't suliranin sa Mindanao.

Tignan din ang; "Australia sees more RP terror attacks; metro cops on alert"
http://www.gmanews.tv/story/27768/Australia-sees-more-terror-attacks-in-RP-Metro-cops-on-alert

Doy Cinco / IPD
Jan 22, 2007


Kawawang Puno, muling ipinambala sa kanyon

Nagsimula nuong nakaraang huling quarto nuong nakaraang taon (2006) at mukhang magpapatuloy hanggang Abril-Mayo ang tanggalan, ang takutan, ang pamba-blackmail sa hanay ng mga kalabang sa politika sa lokal (ehekutibo). Halatang- halata, kahit saan tignan, walang kaduda-dudang politically motivated at bahagi ng special electoral OPS (dirty tricks) ang ginagawang harashment at pagsususpindi sa mga lokal na ehekutibo.

Kung baga, naniningil na, iniisa-isa na ni Puno at ng Malakanyang ang mga matitigas na ulo, alanganin, traydor, tukuy na kaaway, balimbing at higit sa lahat, mga hindi nagdeliver sa panawagan tulad ng kampanyang People Initiatives-Cha Cha ng Palasyo nung nakaraang taon.


Punong puno talaga ng katusuhan, kagulangan at ultimo tumbong ni Ate Glo ay hahalikan, mapuno lang ang katutaan. Kung sa bagay, ganyan talaga ang buhay ng isang propesyunal na mersenaryo, consistent. Ginamit ni Marcos, Tita Cory, ginamit ni Erap, ni FVR at hanggang ngayon, patuloy na nagpapagamit sa kadimonyohan, katarantaduhan, katiwalian at kabulukan.

In fairnes, bilang responsableng pinuno ng KAMPI, sinususunod lamang ni Puno ang ang tungkuling nakaatas, ang ipanalo "at all cost" ang tiket ng administrasyon sa May Election at makapag-ambag sa “kapanatagan at political survival ni Ate Glo hanggang 2010.” Kung babalikan, ito na ang isa sa mga babala, sa mga signales na ipinagyabang ni Sec Gabby Claudio na "SUPER MACHINERY" ng gubyerno na dudurog sa tiket ng OPOSISYON sa May 2007 election.

Batid ng lahat ang kahusayan ni Puno at kaya itinalaga siya ni Ate Glo sa DILG ay upang paglingkuran ng matiwasay, ng walang pag-aalinlangan ang mga lords, ang mga panginoon sa Malakanyang, ang mapigilan ang posibleng landlide victory ng oposisyon sa Senado, sa Kongreso at sa Lokal sa darating na May mid term Election.

Sa paghugas ng kamay, "isa lamang trabaho at pagsunud lamang sa utus ng Ombudsman at ni Sec siRaulo Gonzales ng Dept of Justice (DOJ) ang mga kasong dismisal na isasampa sa mga lokal na ehekutibo. " Ayon sa Comelec Com Abalos at Sen Drilon, "labag sa batas, sa Omnibus Election Code" ang arbitrararyong dismissal sa mga Lokal na ehekutibo at tanging sa korte lamang ang desisyon kung may sala o wala ang mga lokal sa baba.

Minanipula't brinaso ni Puno ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), pati ang independenciya ng Liga ng mga ehekutibo sa lunsod, municipalidat at goberndor ay tinarantado ng DILG sa tulong ng DOJ. Sapilitang sinalaula ang ispirito ng demokrasya- demokratisasyon sa lokal empowerment sa grassroot, ang esensya ng decentralization at local autonomy.

Pilit na tinatakot ang mga Lokal na Erehekutibo na komo kumawala na sa orbit ni Ate Glo ay kara-karakang ididismis, tatanggalin at gamitin ang isyu ng pangungurakot ng Ombudsman DOJ at sa maitim na balaking "linisin ang mga kaaway sa pulitika ni Ate Glo sa baba."

Alam ng lahat ang pinaggagawa ni Puno sa DILG, ang sikretong electoral mapping ng Malakanyang hanggang sa baba, meaning “tukuy n'yo na kung sino sa mga lokal na ehekutibo (Mayor, Gobernador) ang sa inyo't mga kakampi at pasisirkuhin sa partidong KAMPI, tukuy n'yo na kung sino ang kalaban at kung sino ang walang pinapanigan. Ang paraan at metodolohiya ng instrumentong pagta-TAGGING ay lubhang mahalaga sa electoral combat, lalu na't inaasahang mahigpitan at maliliit lamang ang inaasahang winning margin sa May midterm election."

Napaka-supistikado't comprehensibo ang plano't operasyon, ang parallel electoral machinery, hanggang barangay level ang tagos diretso sa Punong Barangay. Ganyang ang modus operandi ng isang pusakal na mersenaryong operador na tulad ni Puno.


Ang planong pagtatanggal (sa darating pang mga araw, mga linggo) ayon kay Sec. Puno ng mahigit 200 pang lokal na ehekutibo (Mayor at Gobernador) sa buong kapuluan ay walang dudang resulta lamang ng isinagawang PAGTATASA ng political at electoral mapping sa "war room ng Malakanyang" at DILG nuong nakaraang taon. Ganyang kaGULANG, ka-paranoid, kasigurista at karumi ang inaasahan sa May 2007 election.

Paano nga naman mananalo ang oposisyon sa May 2007 election kung maaga ng sinisimulan ang pandaraya, ang panggagapang, ang technicalidad at dirty tricks-special operation ng administrasyon? Aasahan pang titindi ang dayaan, ang kaguluhan, ang patayan sa panahon ng Campaign period, sa counting, canvassing at sa post election period.

Tignan din ang; "the Puno trap"
http://www.tribune.net.ph/commentary/20070122com1.html
"Only courts can dismiss elective officials"
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-01-24&sec=4&aid=7574

Doy Cinco / IPD
January 21, 2007

Wednesday, January 17, 2007

Norberto “saging” Gonzales: Wala na naman sa HULOG

Umarya na naman ang mga buguk na advisers ni Ate Glo. Kamakailan lamang, hayagan at katangahang nanawagan ang National Security Adviser na si Norberto “saging” Gonzales na itakwil, iboykot sa May 2007 election ang mga party list organization na may kaugnayan sa Kalaiwa o prente ng komunista at ng NPA. Nire-echo at sinuportahan naman agad ng pamunuan ng AFP ang nasabing tanga at anti-komunistang panawagan ni Saging Gonzales.
Kaya lang, sablay na naman ang mga kolokoy;


Una; libreng political ad campaign ito sa mga Party List na katunggali't kaaway ni Ate Glo't administrasyon para sa 2007 election. Sapagkat, imbis na itakwil, hintakutan ang mamamayan, maniwala't sumang-ayon ang mga botante sa propaganda, baka ma-challenge pa nga na iboto ang mga kalaban ng palasyo. Tulad sa nangyaring kaso kay Cong Allan Peter Cayetano, ang pagpapatanggal, ang kasong demanda't pangbu-bully ni Unang Ginoo't tanging esposong si Mike Arroyo, imbis na makasama kay Cayetano, lubhang nakatulong pa ito (name recall at acceptability) upang maiangat sa magic 12 winning chance ni Cong Cayetano sa Senatoriable race sa May 2007 election.

Pangalawa; bukod sa masidhing demoralisasyon, totoong politicalized at basag-basag na ang hanay ng AFP. Dahil sa isyu ng illegimacy (Ate Glo), nahati sa hindi mabilang na factions ang hanay ng AFP at PNP. Mula sa grupo ng mga sagad-saring alipores ni Ate Glo, may malaking grupo ngayon sa hanay ng mga junior officers at retiradong mga opisyal sa AFP ang patuloy na nananawagang ireporma ang institusyon ng Kasundaluhan at may ilan na gustong pabagsakin ang kasalukuyang nakatayong pekeng pangulo ng Pilipinas.

Bukud sa sira na rin ang pagtitiwala't kredibilidad,
Ilan ang susunod at maniniwala sa panawagang “anti-komunista” ni Norberto “Saging” Gonzales? Si Saging na sagad-saring maka-KANANG pasista, pekeng SOC-DEM, ang sosyalistang impostor, ang recruiter, ang abono, ang kanal na pinanggagalingan ng lamok ng insurection at rebellion sa Pilipinas.

Mas mainam pa sigurong asikasuhin na lamang muna ni Saging ang sariling kampanya bilang Gobernador o Kinatawan sa probinsya ng Bataan (pupulutin sa kangkungan) at palakasin, i-overhaul o ilibing na lamang sa kasaysayan ang laos na anti-komunista, ang ampaw, walang numero at hindi manalo-nalong party list sa election, ang Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP).


Pangatlo; dapat matuwa't magdiwang pa nga ang administrasyon. Sapagkat kahit paano'y pinagkakatiwalaan, kinikilala pa, binibigyan pa ng pagkakataon ng mga Komunista ang "demokratikong proseso't institution," ang lehislatura at higit sa lahat ang arena't porma ng pakikibaka ng ELECTORAL POLITICS. Isang tagumpay ng isang bansang lulugo't malapit-lapit ng malugmok sa kumunoy ng kapariwaraan ang isinasagawa at partisipasyon ng mga komunista sa election.

Hindi maiaalis sa isipan ng mga nag-aaral, nagsusubaybay (political scientist) ng ating lipunan na may posibilidad na may namumuong "ideological debates sa loob ng prtido tungkol sa strategy and tactics o ang tunggalian hinggil sa kahalagahan ng political movements, ng electoral politics," sa pagitan ng paggamit ng
"armadong pakikibaka versus sa paraan ng pakikibakang parliamento o ang electoral politics.

Pang-apat; mas bibilib,mas maibabalik ang respeto't kredibilidad ng country, ni Saging at ilang matataas na Heneral ng AFP kung imbis na partisan politics (ipanalo ang KAMPI at Lakas-NUCD), mawagan at magkampanya sana ito ng “voter's education,” tulad ng balak gawin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng CBCP at iba pang NGO initiated campaign for transparency, accountility at good governance.

Isang napakahalagang tungkulin dapat ikintal sa kokote ni Gonzales at pamunuan ng AFP, ang pagtatakwil ng Traditional Politicians (TRAPO), political clan, ang pagboykot sa mga pulitikong Padri-padrino, ang kawalan ng accountability at 'di pagtugon sa plataporma de gubyerno ng malalaki at dominanteng Partido, ang paggamit ng salapi, vote buying, ang sindikato ng “hello garci controvercy” at pagtataguyod ng reform minded, progresibo, seryoso at responsableng mga kandidato. Isa ito sa mga ugat at dahilan kung bakit namamayagpag ang insureksyon sa bansa.
Ang suma total, tumulong si "Saging" sa panawagang clean, honest, peaceful at anti-trapong election sa May 2007 election.


link: “Apolitical AFP”
http://www.malaya.com.ph/jan18/edit.htm
"AFP brass backs call to shun Reds-linked bet in polls"
http://www.tribune.net.ph/nation/20070119nat1.html
(e.g."Abra and Zambo del Norte are practically PDSP countries")

Doy Cinco / IPD
Jan 18, 2007

Tuesday, January 16, 2007

Ipipilit ni Ate Glo ang “Anti-Terrorism Bill”

Yan na nga ba ang paulit-ulit na sinasabi ng marami sa atin. Kaduda-duda, kahina-hinala ang susunud na kabanata. Ang sunud-sunud na serye ng pagpapasabog sa Mindanao, ang nakaabang pang ibang plano, hindi lamang sa Mindanao, maging sa Kamaynilaan (assisination at bombing sa ilang low key area) ay talagang mukhang ipipilit, humantong lamang sa obhetibong kalagayang may klima ng takot sa populasyon na uuwi (kung 'di maitatabla ng mga Senador), hahantong sa pag-aapruba ng “anti-terrorism bill” sa Kongreso. Kaya't may isang libong mas kapani-paniwala na ang may kagagawan ng mga serye ng pambobomba sa Mindanao ay yaong ding may planong maisabatas ang “anti-terrorism bill.”

Si Uncle Sam, ang "global war on terror" ni Bush, si Ate Glo at ilang Heneral na galamay sa military ang tunay na makikinabang sa "anti terrorism bill?" Kahit sabihin pa nitong "naaprubhan, nabagsakan na at kahit sabihing nagoyo ni Ate Glo ang mga bansa sa ASEAN sa katatapos na ASEAN Summit ang "anti terrorism act," kahit maghasik pa ng lagim ang AFP-PNP, hindi matitinag ang mamamayan, sapagkat maliban sa manhid na ang taumbayan sa terorismo, masyadong OA-over acting at halatado ang script ng palasyo.

Habang nakaupo sa poder si Ate Glo, mukhang malabong maisakatuparan ang “anti terrorism bill.” Sapagkat ito'y maliwanag na gagamitin, sasamantalahin ni Ate Glo upang iligtas ang sarili, magtagal sa poder at kalimutan sa kasaysayan ang linlangan, ang dayaan, ang isyu ng ilihitimo, katiwalian at kastiguhin, durugin ang kayang personal na kaaway sa pulitika. Walang dudang hindi mga tunay na terorista ang puntirya ni Ate Glo. Ang malawak na kilusang masa, ang civil society, ang taung simbahan, ang naghahanap ng katarungan at pagbabago, ang nagsusulong ng reporma sa pulitika at election, ang oposisyong nagpaplano ng ikatlong impeachment laban sa kanya.


Sa totoo lang, magkaiba ang Terorismo sa rebelyon at insureksyon. Ang rebelyon at insureksyon kung magwawagi at kung mai-popularized sa mamamyang Pilipino, ay isang KABAYANIHAN. Sino nga ba ang tunay na terorista ng country, ito ba ang tunay na suliraning kinakaharap ng sambayanang Pilipino? Ang alam ng lahat, si Ate Glo ang totoong terorista sa Pilipinas.

Una, sinalaula nito ang constitution, democratic institution at ginoyo ang country sa pekeng CHA CHA at People's Initiatives (PI). Pangalawa; ginawa nitong isang “killing fields” ang bansa, sinalaula ang rule of law, ang Calibred Pre-emptive Response (CPR-no permit, no rally), 464, 1017 at Emergency powers (state of national emergency). Pangatlo; tinerorized at patuloy na tiniterorista ng Malakanyang ang oposisyon, ang midnight dismisal sa ilang kaaway sa local politics. Panghuli; ang terorismo ng kagutuman at karalitaan, ang teroristang hambalos sa matatahimik at lehitimong mga kilos protesta ng mamamayan.


Doy Cinco / IPD
Jan 15, 2007

Friday, January 12, 2007

Malakanyang, may nilulutong game plan, senaryo at Agenda: ML, Emergency power?

Kamakailan lamang (bago ilunsad ang ASEAN Summit) buong pagmamayabang na iprinopa ng kapulisan at military na “safe ang bansa, wala ng banta ng terorismo, tinutugis na't mahina na JI, walang kakayahan na, pilay na, patay na ang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Janjalani.” Kaya lang, sa kabila ng paghahanda sa seguridad at red alert, ang tanong, "bakit nalusutan ito sa tatlong magkakasunud-sunod na pambobomba sa Mindanao?" Ito na ba ang tinatawag na Collateral damage ni Sec siRaulo Gonzales?

Kung susuriin, may pattern, modus operandi, parang antimanong kabisadong- kabisado't detalyado ang mga kalaban at terorista, parang hindi nababahala ang pamunuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), parang mga disusi at utusang robot ang mga terorista, koordinado't mukhang planado?


Kataka-taka rin ang magkakasabay na kumokak ang mga palaka sa maagang pagba-banta, kritikal at panigurong atake ng mga terorista sa Cebu at ilang lunsod sa Mindanao. Sa paulit-ulit na “travel advisory,” hulang-hula ng apat na mayayamang bansang 'di naman kabilang at miembro ng ASEAN, ang US, ang UK, Australia at New Zealand ang iminent attack ng mga terorista.

Hindi mabubura sa isip ng ating mga kababayan ang hayagan at matapang na exposay ng grupong Magdalo, kung paano minanipula ng AFP ang Abu Sayaff at MILF sa Mindanao. Na siya ang tunay na may pakana ng mga serye ng pagpapsabog sa Davao, ilang lugar sa Mindanao at sa Kamaynilaan nuong bago magkainitan ang labanan sa Moro Islamic Liberation Front sa Gitnang Mindanao.

Umugong sa Mindanao ang sabwatan ang AFP, Abu Sayaff at Norberto Gonzales, ang puno ng National Security ng Bansa na magcreate ng pekeng GERA, pekeng encounter, pekeng mga senaryo, marationalized, majustify lamang ang PAGKAKAPERAHAN, maipasa ang panukalang "anti-terrorism bill," ang malaking AFP budget at ang promosyon sa mga opisyal. Kaya't nananatiling palaisipan sa country na ang "kampanya laban sa terrorismo” ni Ate Glo't military, kasama ang Estados Unidos ay walang kahihinatnan at ang tanging makikinabang nito ay ang mga buguk, tiwaling matataas na heneral ng AFP at PNP.

Hindi malayong paniwalaang kagagawan muli ni Norberto Gonzales at ilang tiwali sa AFP ang magkakasunud ng pambobomba sa Mindanao. Kung matatandaan, bago mangyari ang pagpapasabog, may maagang pa-anunsyong “travel advisory” ang mga Kanluraning mauunlad na Bansa, ang US, UK, Canada, Austrlia at New Zealand sa paniguro at katiyakang atake ng terorista. Mahigpit na "ipinagbabawal nila ang kanilang mamamayan na huwag munang magagawi sa Cebu at sa Mindanao dahil sa eminent terror attack na isasagawa ng mga “terorista.”

Itinanggi rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokeman na si Eid Kabalu ang samut-saring pagbibintang, akusasyong at links nila sa grupong ASG at JI sa MILF. Sapagkat may seryosong "usapang pangkapayapaan" sa gubyernong Pilipinas, napaka-imposible kung sila pa mismo ang panggagalingan, pagsisimulan ng gera sa Mindanao. Pinabulaanan din ng MILF na kasapi nila ang mga taong suspek raw sa mga serye ng pagbobonba. Alam ng mga taga-Mindanao na mga military (AFP) assets at mga bayaran ng tiwaling ahensya ng gubyerno (NISA?) ang grupong ASG at JI.


"Dalawang ibon kung saka-sakali ang tatamaan ni Ate Glo sa iisang bala." Maliban sa parangal na (military aids) ibibigay ni Uncle Sam sa kanya, sa matagumpay na naisulong nito ng “anti-terrorism” sa ASEAN Summit, gagamitin din nito ang pagkakataon upang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng pagdidiklara ng Martial Law o ang emergency power (kung lalaki at lalala ang bombahan at asinasyon.

Kung magtatagumpay si Ate Glo sa hangaring magtagal sa poder, mararationalized na kailangang banatan, kastiguhin at tiris-tirisin ang kanyang mga kaaway sa pulitika, lalong lalo na ang posibilidad na maagaw muli ng oposisyon ang Senado at bantang impeachment sa Kongreso kung makukuha ang mahigit 80 kinatawan ng oposisyon sa nalalapit na 2007 May election.


Tignan: "State of Emergency Ihaharang sa Eleksyon"
http://www.abante-tonite.com/issue/jan1407/main.htm


Doy Cinco / IPD
Jan 12, 2007

Wednesday, January 10, 2007

Trillanes, Wala Lang ?

Kung sawang-sawa ka na sa TRAPO, asiwa sa maagang panggagapang, pamumulitika, sa mga pagmumukha ng mga pulitikong laman ng political AD TV commercial, nakabitin sa kawad at nakadikit sa poste't punong kahoy, kung alangan ka na sa kandidatong may tatlong “Gs”- guns, gold, goons, padri-padrino, political clan at utang na loob. Kung asiwa ka na sa “kasal, binyag, Libing.”

Kung badtrip ka na sa ELITE, personality oriented na pulitiko at gusto mo ng “pagbabago't bagong pulitika,” hinog at walang dudang progresibo, mayaman sa REFORM Agenda, wala nga lang Political Party, walang aampong TRAPO, ulila at hindi maisasama sa Senatorial tiket ng administrasyon at oposisyon, kay TRILLANES ka na!

Lider ng Magdalo, nag-alsa, halos ibinuwis ang buhay alang-alang sa prinsipyo at naglantad ng katiwalian, anumalya sa gubyerno, partikular ang pangungurakot sa military. Kaya lang, patuloy na nakapiit at nabibinbin sa bilangguan, hindi makakapag- kampanya, walang makinarya, resources, panuhol at poll watchers ang MAMA. Malamang itratong nuisance candidate ng Comelec at walang dudang madi-disemfranchise ang boto at malamang maidadagdag lamang (dagdag/bawas ops) sa ibang kandidato ang kanyang boto.

Bilang pagbabalikwas sa sistema, bilang paghihiganti sa kabulukan ng pulitika at election, ganti laban sa kabulukan ng TRAPO,
kahit wala sa "magic 12" ng SWS at Pulse Asia survey, kahit alam kong matatalo, alam kong dadayain, iboboto ko pa rin si TRILLANES sa Senado. WALA LANG!

Kung 'di ako boboto (walang mapagpilian?) sa May 2007 election, sayang din. Kung seseryosohin ko ang pangangalap ng boto para sa sariling manok, nagtry akong mag-imbentaryo ng kakayahan kong maabot-makapagkumbinsi-conversion ng boto, tantya ko sa pamilya't kamag-anak, may 60 votes, kumpare't barkada, mga 24 votes, kilalang lider aktibista, mga 20 votes, multiply ng 10 (influenced) = 200 votes. Hindi pa kasali rito ang posibleng maaabot ng electronic campaign prop at mga kapitbahay. Ang suma total, may minimum 284 ding boto, para kay Trillanes.

Kung may mahigit isang libo akong katulad kong asiwa't ayaw ng bumoto at makukumbinsi pang mag-aktibo't gumampan pa ng political task (kahit sa pagboto, magbantay ng mga boto) para sa country, baka umabot tayo ng kalahating milyon boto? Wala lang...............

Tignan din; "UNO eyes Trillanes in senatoriable race"
http://www.gmanews.tv/story/28263/UNO-eyes-Trillanes-in-senatorial-slate

Doy Cinco / IPD
Jan 11, 2007

Tuesday, January 09, 2007

Electoral propagandist ng administrasyon, buluk

Nagbabala, muling nanakot at nagpropaganda ang Malakanyang na "lalala't lulubha raw ang krisis pulitikal at sasadsad ang ekonomya ng bansa" kapag magtagumpay ang opposition sa May 2007 election. Ganitong-ganito rin ang istilong buguk na PROPA nuong isinusulong ang Cha Cha at Pipol Inisyatib (PI) ng palasyo, sino ang naniwala?

Ito ang pagyayabang na pahayag nuong isang araw ni Gabby Claudio, ang presidential adviser on political affairs ni Ate Glo. Parang sinabing ang tanging direksyon, ang tanging lunas, ang tanging solusyon, ang tanging tagapagligtas ng sansinukub at hulog ng langit ay walang ng iba kundi si Ate Glo.


Maliban sa napakaBUGUK at sirang plakang istilo ni Claudio (ala, red scare tactics ng diktadurang Marcos), lasing sa kapangyarihan, wala sa hulog, manhid at walang pakirandam, walang sensitivity, out of touch at nasa ibang planeta, galaxy. Mas kapani-paniwala pa ng mahigit isang libong beses na “isang malaking trahedya ang kasasapitan ng ating country kung walang pagbabago ng sistema't magpapatuloy hanggang 2010 ang pekeng pangulong si Ate Glo.”

Sa kabilang banda, nangako namang “ibabalik ng oposisyon ang dignidad sa Kongreso” kung sila naman ang mananaig sa 2007 election, talaga? Kailan ba nagkaroon ng dignidad ang Kongreso? Simula't simula ng maitatag ang gubyernong walang paninindigan at tuta ng imperialistang Kano, elitist-traditional politicians (TRAPO) na ang palagiang tumatangan ng Kongreso.
Ang tanong ngayon, sino sa dalawa ang mas kapani-paniwala at mas may kredibilidad sa mata ng taumbayan?


Kung popokusan natin ang kasalukuyang rehimen, ano ang napala't nabago sa loob ng anim na taong nag-iisquat si Ate Glo sa Malakanyang?

1. Lomobo ng mahigit P4.0 trilyon ang utang panlabas ng bansa, ang pinakamalaking utang sa kasaysayan ng Pilipinas kahit pagsama-samahin ang lahat ng mga inutang ng nagdaang apat na presidente (40 years); President Marcos, Tita Cory, FVR at Erap. Mahigit P400.0 bilyon taung-taong ang naiseserbisyo para ipambayad na sana'y dapat napupunta sa delivery of basic services at pagsasa-ayos ng mga (LGUs) lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).

2. Sa loob ng anim na taon, naangat bilang suma cumlaude sa pangungurakot ang bansang Pilipinas sa Asia. Mahigit trenta hanggang singkwenta porsiento (30-50%) na salapi ng bayan ang nilulustay ng mga pulitiko, ng mga nakaupo sa Malakanyang mula sa mga proyektong pambayan.

Pilipinas ang may mas pinakamahal na highway sa balat ng lupa (sa Asia), ang Diosdado Macapagal blvd.

3. Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim na lumilisan araw-araw upang maging katulong, caregivers o OFW. Sa panahon ni Ate Glo ang may pinakamalaking bilang ng mga (mga bagong graduate) doctors, nurses, managers at professionals, imbis na pakinabangan ng country, ang lumalayas upang magtrabaho sa ibang bansa.

4. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente!

5. Ang Pilipinas ang pinakamabilis na may paglaki ng insidente ng Karalitaan sa Asia, mula 37% nuong panahon ni Erap Estrada, lumagpas na ito sa 50%. Lalagpas na sa 10% ang average na pamilyang nasasadlak sa hirap, ang unemployment rate, inflation rate at nagugutom na Pilipino.

6. Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na bansa sa Asia. Tayo na ang sumasalo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapon-pinagsawaang damit ng mga kalapit bansa (UKAY-UKAY ECONOMY) at pinakamalaking importer ng used na sasakyan (Subic) sa Asia.

7. Ang Pilipinas na ang pinakamalaking SQUATER'S COLONY sa ASIA. Isa sa may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo. Bukud sa may pinakama-traffic na lunsod sa Asia, tayo pa ang may pinakamaduming public toilet sa Asia.

8. In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS!

Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano! Walang sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.

Ang Pilipinas na ang mas may pinakamalaking importation ng bigas sa kasaysayan ng agrikultura. Humigit kumulang na "isang milyong metriko tonelada ang inaangkat-biniling bigas kada taon" sa Vietnam, Thailand at sa ibang bansa. Ibig sabihin lamang nito na hindi naging matagumpay ang rice production program ng Dept of Agriculture (DA)? Ang problema, pati ang bigas, ang staple food ng masa ay ginamit sa pamumulitika (political survivor) ng palasyo, isang halimbawa ang kaso ni Joc joc Bolante.


9. Ang Pilipinas na ang pinakamapanganib (segunda sa Iraq) na lugar sa mga peryudista, mediamen at political activist. Dahil sa "no permit-no rally," ang Pilipinas ang isa sa pinakamapanupil na lugar sa mundo. Nagpapatuloy ang paninikil sa kalayaan sa pamamahayag at pag-asembly.

10. Ang Pilipinas na ang pinakamadugo, pinakamagastos at pinakamadayang election sa buong Asia.

11. Tayo ang may pinakamaraming mga SCAM incidents (government procurement scam) sa mundo; pyramid scams, PIATCO scam, Northrail projects, Independent Power Producers (IPPs), sovereign guarantee scam, IMPSA scams ($14.0 million) at mga bangkaroteng mga Pre-need plans.

12. Ang Pilipinas na ang SHABU manufacturing center ng Asia at isa na sa mga sentro ng prostitusyon ng mundo.

13. Ang Pilipinas ang “the longest running maoist insurgency sa mundo.”

14. Ang Pilipinas ang may pinakamalaking unpaid pension sa mga retirado sa AFP at PNP (P17.0 bilyon).

15. May pinakamaraming gambling establishment at lords sa Asia, ang casinos at weteng/STL.

Idagdag pa ang political UNCERTAINTY, POLITICAL INSTABILITY ng country. Kung ito ang mga pagbabago at record breaking achievements ni Ate Glo sa loob ng anim na taon, hanggang kailan titiisin ng taumbayan at ano naman ang alternative agenda ng opposition?

Doy Cinco / ipd
Jan 10, 2006

Saturday, January 06, 2007

Malakanyang:"laban ni Erap at GMA ang 2007 election (Round III)?

Huwag n'yong ikahong simpleng laban lamang ni Erap at ni Ate Glo ang 2007 election. Ayon kay Cong Peter Cayetano, “laban ito kung sino ang tama at mali. Laban ito sa pangungurakot at good governance at kontra pangungurakot at laban ito ng mamamayang nadaya ng kasalukuyang nakalukluk sa Malkanyang.”

Maaaring may kababawan ang labang binabanggit ni Cong Cayetano, sapagkat kung ganito ka kitid, ka personality oriented, ka zarzuela't kenkoy ang 2007 election na gustong isenaryo building ng Malakanyang, ni Sec Ninyo bonito Mike Defensor, walang dudang mananaig lamang ang kasalukuyang nakalukluk na administration candidate.

Napakahalaga ang 2007 election, dahil dito nakasalalay ang pagbabagong minimithi ng mamamayang Pilipino, maliban sa isyu ng illegitimacy, ang political at electoral reform, ang democratization at kaunlaran at ang kinabukasan ng susunod na henerasyon, ng kabataang Pilipino. Magsisilbi ring isang edukasyon o voter's education ang 2007 election upang maikintal ang mahalagang papel pampulitika ng bawat isa, bilang aktibo at responsableng mamamayan, lalo na ang hanay ng kabataang Pilipino.

Mas matalas, mapanuri at kritikal na ilarawan
ang 2007 election bilang tunggalian ng dalawang magkaiba at magkabilang dulo ng interest; ang malawak na MAMAMAYAN PILIPINO at ang PAGBABAGO versus sa ELITE na pinangungunahan ng pangkating GMA at paksyong trapong oposisyong labas sa kapangyarihan ng estado.

Mamamayan Pilipinong Naghahanap

ng PAGBABAGO

Administrasyong ELITE ni Ate Glo at ilang OPOSISYON

BAGONG PULITIKA
Program Oriented at Democratic participation
Progressive at Political Reform Agenda
Progresibo, seryoso at responsableng KANDIDATO
Malakas na Partido Pulitikal
Responsible at bukas na PAGGUGUBYO
Gubyernong Tumutugon at may PANANAGUTAN
Institusyunlisasyon ng Partisipasyon ng mamamayan

TRADITIONAL POLITICIANS (TRAPO)
Dominanteng Sistemang Politika, ang 4 Gs (guns, gold, goons, girls)
Elitista, ANGKANAN (Clan politics)
Paggamit ng Kapangyarihan, SALAPI, makinarya at Popularidad
Kawalan ng Pananagutan, Pangungurakot at 'di tumutugon sa Plataporma de Gubyerno
Konserbatibo (atrasado) at Bureaucratic
Personality oriented at Indibidwalista
Sistemang Padri-padrino
Kasal, Binyag, Libing (KBL)

Doy Cinco / IPD
Jan 6, 2007