Wednesday, June 18, 2008

Loren sa "Ces Lost," pa-pogi points sa 2010

Doy
June 18, 2008

Limang (5) araw ng tahimik na nakikipagnegosasyon si Sen Loren Legarda sa mga bandidong nangidnap sa grupo ni Ces Drilon. Ayon kay Loren, “wala raw ransom, wala raw binayarang board and lodging, wala raw pinangakong livelihood projects at naki-usap, request lang daw ito ng ABS-CBN.” Matapos ang sampung araw (10) na ordeal, naging epektibo't matagumpay ang “pakikipagnegosasyon” sa mga bandido. Bukud sa pagdududa, mga espekulasyon, ang malaking katanungan ngayon, maniwala kaya ang country? (Photo below: Ces Drilon, http://www.philstar.com/, Indanan Mayor Alvarez Isnaji at anak na si Haider; http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=122237%29

Sa balita ng GMA 7, may naispatan silang iniwang "bagpack" na dala ng kapatid ni Ces sa mga awtoridad na nagresulta diumano ng pagkakalaya ni Valderama (crew ni Ces). Pangalawa, sa banta ng mga bandido na tuluyan na nitong puputulan ang komunikasyon o kontak sa mga negosyador kunong si Mayor Alvarez Isnaji ng Indanan, Sulo at ang kanyang anak na si Haider, na kung 'di maibibigay ang P15.0 milyong ransom money na hinihingi, maaring pugutan ito ng ulo ang isa sa mga crew ni Ces. Pangatlo; hindi maisasa-isang tabi na may kaugnayan ang nasabing insidenteng kidnap for ransom sa nalalapit na ARMM election sa Agosto, taong kasalukuyan.

Sa araw ng Martes, June 17, 12 noon, kasabay ng itinakdang deadline ng mga bandido, isang private passenger plane (SEA Air) na walang sakay maliban sa isang abugado ang lumapag sa airport at nakitang nagbaba ng ilang "duffel bags” na hinihinalang naglalaman ng ransom money. Pang-apat, inamin mismo ng Sulo Vice Governor Lady Ann Sahidulla na kahit paano’y may kapalit na kabayaran ang naging paglaya ng grupo ni Ces, ito man ay “board and lodging o ransom money?” Panghuli, nasaan si Prof Dinampo at bakit bigla itong nawala sa eksena at ano ang balitang dumaan daw ito sa mahabang proseso ng “debriefing" ng awtoridad? Ano ang ibig sabihin ng “debriefing” at bakit siya lang at hindi kasama ang grupo ni Ces Drilon? Ayon sa mga pulis, si Prof Dinampo na isang lider ng mga peace advocate sa Mindanao ay "mukhang isa pa ata sa pinaghihinalaang may sabwatan sa mga bandido."

Dahil sa pagkakalaya ng grupo ni Ces Drilon, sinasabing hindi lang mga taga-Mindanao ang pinahanga, maging ang buong bansa ang pinabilib ni Loren. Ganito rin ang kinahinatnan nuong 2002, sa kaso ng kidnapping sa journalist na si Arlene de la Cruz at Major Buan sa Mindoro mu
la sa NPA, pawang si Loren din daw ang trumabaho't nakapagpalaya.

Isang taon at kalahati (1 1/2 year) na lamang ang nalalabi, 2010 na. Si Sen Loren ay isa sa limang (5) mga 2010 presidential contender at malamang na napipisil na maaring manok ng administrasyon. At kung ika’y seryosong contender sa 2010, ito ang tamang panahon upang makapagpabuild up sa political positioning. Si Loren na walang malinaw na partidong aakay ay may maayos na standing sa dalawang magkasunod na electoral survey ng SWS at Pulse Asia

Tulad ni Loren, may iba pang (5) nagkompirma’t nagparamdam na tatakbo sa 2010. Lahat sila ay nasa electoral mode, maagang namumulitika, maagang nag-iipon ng bilyong pisong budget para sa kampanya, nagtatayo ng political machinery, nanliligaw na sana’y maindorso ng malalaking partido politikal . Bilang bahagi ng preperasyon sa 2010, pinoproyekto ang political Ad, ang "estratehiyang NAME RECALL. Sa science ng electoral politics, "lubhang napakahalaga ang tinatawag na political visibility at image building," ito marahil ang pinaiiral at maagang inaatupag ng mga
operador ni Loren.

Kaya lang, alam din siguro ng limang presidentiable na unti-unti ng nawawalan na ng tiwala ang botanteng Pinoy sa kabulukan ng sistemang elektoral at politika sa bansa. Imbis na asikasuhin ang lumalalang kahirapang dulot ng patong-patong na krisis ng bansa, makapagpanukala man lang ng pagbabago sa buluk na sistema ng eleksyon at pulitika, i-eduka ang mamamayang botante (Voter's Education) para sa 2010, pamumulitika ang inaatupag ng mga presidentiables.

Walang garantiya ang election modernization. Wala pa rin pagsasara sa kung paano mareresolba ang "dagdag-bawas, hello garci controversy, ang daang bilyong pisong gastos na pinaluwalan ng malalaking padrinong pulitikal sa mga kandidato, ang mga katulad ni Ampatuan, ang guns gold at goons (3 Gs), kasal binyag libing (KBL), ang mga iligal na elektoral na makinarya at mga operador na siyang sumasalaula sa tinatawag na representatibong demokrasya sa bansa."

Related Story:
“No ransom!”Joke! Joke! Joke!
Hirit ni Arnold Clavio
http://www.abante.com.ph/issue/june2108/op_ac.htm

1 comment:

DOYCINCO said...

Ang bobo mo DOY! Fuck u!