May ilang araw ko ng inoobserbahan at pinagmamasdan sa Sport's section ng 4 na malalaking local major dailies ang maiinit na labanan, updates, resulta ng bawat laro sa Euro 2008, kung sino ang nananalo at natatalo? Nakakalungkot isiping dedma ang media (print / broadcast) sa bansa, hindi kinocover at ibinabalita ang nagaganap na EURO '08 FOOTBALL Championship. SHOCKING!!
Pasalamat na lang at may internet, kahit replay, kahit paano'y nakasusubaybay tayo. Ang European Football Championship na kasalukuyang nagaganap at hinohost ng bansang Switzerland at Austria ay big deal sa mga European, lalo na sa darating na Worldcup 2010 na gaganapin sa South Africa. Sa totoo lang, "ang FOOTBALL ang pinakaprestiyoso, popular at numero unong laro kundi man sa buong mundo, maging sa buong Europa, South Amerika, ASIA't maging sa South East Asia."
(Photo; http://www.nba.com/finals2008/index.html below; http://%20soccernet.espn.go.com/)
Nakakapanglupaypay isipin na nasa NBA finals ang lahat ng ibinabalita ng local media (ABS-CBN, GMA News at 4 na malalaking dyaryo) sa bansa. Nakamonitor at nakatutok ang mga kilalang sport's commentator ng buong bansa sa NBA Final kung saan naglalaban ang Boston Celtics at LA Lakers habang dedma naman sa nagaganap na EURO “08 football championship, kung saan, nangunguna ang Portugal, Netherland, Spain at Croatia. Pinatutunayan lamang na mas American centric, inpluwensyado tayo sa basketball sports kung ikukumpara sa popular sports na FOOTBALL sa mundo.
Ang nakakalungkot, hanggang ngayon, pinagpipilitan pa rin ng ating elite na Philippine Sports Commission (PSC), kasabwat ng ilang kumikitang mga personalidad sa media ang larong basketball (halos national sport), bukud sa maraming pera, siya pa ring tinitingala't pag-asang madodomina ng Pilipinas ang basketball sa ASIA. Mukhang namamali ng oryentasyon, prioridad at nananaginip ng gising (bangungot).
Ito'y marahil sa napaka-americanized ang ating tradisyon sa sport, "kahusayan nating mag-spokening DOLLAR" at pumapangatlo ang Pilipinas sa nagsasalita ng ENGLISH sa mundo. Ang resulta, kulelat tayo sa SPORTs at sa halos lahat ng larangan sa Asia. Maliban sa sport, napag-iwanan din tayo sa larangan ng edukasyon, science and technology. Ultimo silid aralan at toilet ng mga bata, KAPOS, dahil sa kurakot, hindi maiprovide ng ating mga pulitiko.
Ultimo sa agrikultura, transportation at infrastructure, malayo na ang narating ng Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore at Vietnam. Tanging caregivers- KATULONG, japayuki, PROSTITUTION at basurahan na lamang ang expertice ng 'Pinas. Nakakaiyak.
Sa nalalapit na Beijing Olympic, China sa August '08, tulad ng kininatnan sa 15th Asian Games sa Doha 2006, dahil sa kakulangan ng pondo, katiwalian, kahirapan at paghahanda, inaasahang baka wala tayong masungkit na medalya at luhaang umuwi ang mga atletang Pinoy.
Doy
June 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
nike shoes
supreme clothing
golden gooses
kobe basketball shoes
nike react
air jordan
curry 4
nike air max 2019
air max 97
adidas yeezy
bag replica high quality u11 a1j97j3y18 buy replica bags h67 t0y30c7a07 best replica designer u18 a2k26n2u44
Post a Comment