Tuesday, September 13, 2011

Edsa Skyway?


Totoong karumaldumal na ang kalalagayan ng 12 lane - 24 kilometrong haba ng Edsa, maging sa kabuuan ng Kalakhang Manila. May mahigit tatlong daang libong sasakyan (300,000 private/public vehicle) ang dumadaan araw-araw at "itinuturing isa sa pinakatalamak in terms of volume ng sasakyan 'di lang sa Pilipinas bagkus sa buong Asia-Pacifico" ang Edsa.
(Left photo: Edsa and MRT 3)

Sa loob ng ilang dekadang pag-eexperimento (MMDA-DPWH), nabigong maresolba nito ang traffic sa Edsa, maging sa halos lahat ng estratehikong lansangan sa Metro Manila. Sa kabila ng paglalagay ng daang-bilyong pisong fly-over, underpass/overpass, skyway, road widening, Odd-Even scheme, u-turn slot, yellow lane-bus separator, bus-tagging, idagdag pa ang "nakakamolestya't sardinas" na MRT 3 at dekadang LRT 1, masasabing hindi ganap na naaresto ang halos tatlong dekadang parking lot traffic sa Edsa at iba pang lansangan sa Metro Manila. Ang lumalabas, lumalala pa!

May mahigit $2.0 bilyong (P88.0 bilyon) kada taon o P300.0 milyon kada araw na katumbas na halaga’t pinsala ang nasasayang (in terms of business-productivity, daloy ng produkto, turismo at hospitalization) dulot ng "poorly planned infrastructure" at "teribleng inefficient public transport system."

Skyway sa Edsa, pattern sa Shanghai, China at Kuala Lumpur, Malasia raw ang solusyon. Ayon sa Dept of Public Works and Highway (DPWH), sa "bagong EDSA," isang skyway o tunnel mula Roxas Blvd hanggang Balintawak na nagkakahalaga ng P30.0-50.0 bilyon ang maaring simulan. Ang "EDSA Tunnel" ay pangontra raw sa traffic at baha tuwing umuulan. Tinatayang matatapos sa loob ng termino ng administrasyon ni Pnoy ang skyway.

Ayon kay Sen Drilon, "kinukunsidera ang official development assistance (ODA) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) or mula sa private sector - PPP (private, public partnership) para pondohan ang naturang proyekto," meaning, mangungutang at mamamalimos muli.

Sa unang tingin, maganda at nakaka-exite ang skyway, maliban sa maiibsan ang traffic, massive infra projects na makakapag-generate ng trabaho, magpapasigla pa raw ito ng ekonomya. Kaya lang, parang kulang sa pagsusuri at hindi pinag-iisipan ng mga naturingang "traffic czar" ng MMDA at mga "henyong engineers" ng DPWH ang tunay na sitwasyon. Sa laki ng volume at nadaragdagan sasakyan araw-araw (2.5 million-Metro Manila), nakabalagbag na dambuhalang Mall at kaliwa't kanang condo, walang dudang wa-epek at mauulit lamang ang problema.

Ayon sa mga experto, may mahigit P500.0 bilyon salapi sa GSIS, SSS at bilyung pisong koleksyon taun-taon sa Road User's Tax ang maaring pagkunang pondo na di mangangailangan mangutang at mamalimos sa mga dayuhan. Pangalawa, long term solution, brainstorming ng mga alternatives, re-framing, re-engineering para sa isang Metro Manila Strat Devt Plan with Southern and Central Luzon inclusion; isang efficient mass transport system na "integrated, sustainable, comprehensive urban renewal progmam," ang kailangan.

Maaring pag-aralan at ibalik ang TRANVIA (street car)na naging popular means of transportation sa Manila bago ang WW II-19th century na patok hanggang ngayon sa San Francisco, USA, Hongkong at karaniwang pangitain sa mga progresibong lunsod sa Europa at South Amerika (Spanish, Belgian, Danish and German cities, Amsterdam, Milan, Lisbon, Oslo, Istambul, Belgrade, Prague, Helsingki, Budafest, Buenos Aires, Argentina). Isa rin sa dinidevelop na alternative ang Automated Guideway Transport System - Monorail ng Dept fo Science and Technology (DOST). (left photo: Modern Tranvia sa Spain)

Hindi hamak na mas "matipid at environment friendly" ang TRANVIA at MONORAIL kung ikukumpara sa skyway o tunnel na makapagkocontribute lamang ng polusyon, dependency sa carbon - fossil fuel at makasisira sa urban landscape ng Kalakhang Manila.

Ipriority ang nakakabilib na proyektong MONORAIL ng DOST na naka-iskedyul ng i-pilot test sa UP Diliman at agarang ipatupad sa 7 strategic na lansangan sa Metro Manila, Cebu at Baguio. Mas mahalaga ang kalusugan, isang fresh air na masisinghot ang mga tao, isang lansangang punung-puno ng halaman, kaika-ikayang lakaran at bisekletahin (bicycle lane).  


Mukhang napag-iiwanan na tayo at hindi na natututo ang mga tinaguriang "henyo-traffic czar" sa gubyerno.

Below Photos: Automated Guideway Transit (AGT) is the first Filipino-built......courtesy of dost‑300x223.jpg
Escolta Tranvia, courtesy of http://magnakultura.multiply.com/photos/album/19







4 comments:

Virginia Cinco said...

Ang paggawa ng mga skyways o tunnels para maibsan ang traffic problems ng Kamaynilaan - ito daw ba ay galing sa matatalinong isipan ng DPWH at MMDA dahil mga "income generating projects" kuno at nakapagbibigay
trabaho pa sa ating milyong unemployed...! Oo na ako kung income generating dahil 99% ng kita sa projects na ito ay ibubulsa lang ng mga henyo nating mga santo sa DOST at MMDA! Bakit hindi sila magpursige sa mga projects na makatulong sa 99% nating mga mahihirap gaya ng pagsa-subsidize ng pailaw gamit ang araw (solar energy) at paggamit ng mga modernong transpsortation gaya nga ng automated transport at tranvia. Walang maibubulsa ang mga buwaya sa DOST at MMDa sa mga projects na ito dahil unang-una hindi ang mga ito income generating!

doy said...

Tama Ate, dilhensya (IGP) palagi ang utak ng mga tao sa gubyerno, lalo na yung mga mega projects na pautang pa ng mga dayuhan.
Sana nga matuloy agad ang mga solar energy, monorail at tranvia projects sa paraang transparency at hindi maba-virus ng mga matataas na opisyal ng gubyerno. Salamat sa komento.

Anonymous said...

daming wrong grammar ta

Melvin Prieto said...

Bobo talaga yan si Babes Singson. Putanginang SMART at FLYOVER yan, pangakong pako. Ulol si babes, tarantado at magnanakaw!