Tuesday, September 17, 2013

Zamboanga standoff and Military Offensives



“Surrender first, then we talk”

May dalawang Linggo na ang labanan at standoff sa Zamboanga, ang pinakamadugo at itinuturing pinakamatagal na standoff sa kasaysayan ng modernong pakikibaka at rebelyon sa Pilipinas.   Habang isinusulat,  mahigit 100 ang casualties sa magkabilang panig, ilan daan ang sugatan, mahigit limang libong (5,000) istruktura't kabahayan ang nasunog,  may 100,000 ang nag-ebakwet at mahigit kalahating milyon tao ang nabulabog sa labanan.  (Larawan: courtesy of  www.rappler.com)

Isang higly urbanized at sentro ng komersyo, industriya at politika sa timog-kanlurang ng Mindanao ang lunsod.  May isang milyon ang populasyon  at pang-anim sa pinakamalaking lunsod sa bansa at dahil sa "iligal na rally at planong pagtitirik ng bandila"   nagmistulang Syria at Afghanistan ang Lunsod ng Zamboanga.

Ayon sa Commander in Chief na si Nonoy Aquino,  “hindi na raw kailangan magdiklara ng state of emergency,”  pero,  may carfew mula  8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, suspindido ang lahat ng antas ang klase  (pribado at pampubliko),  sarado ang negosyo,  tigil ang lahat ng klase ng transportasyon (himpapawid, pandagat at panlupa), looting at unti-unting may kakapusan na ang suplay ng pagkain at ang pinakamatindi,  inaamin na ng gubyerno na nalalagay na sa "humanitarian crisis" ang sitwasyon ng Zamboanga.  


Hindi maitatangging alam ng mga awtoridad  na nagpapalakas ang MNLF at planong magmobilisa sa anyong “peace rally” sa Zamboanga at   hilingin ang “full implementation ng peace agreement" na napagkasunduan nuong 1996 na sa pagkaka-alam nila ay ibinasura na (tripartite review)  ng gubyernong Aquino.   Sa kabilang banda, nakatakda ng pirmahan ni Noynoy Aquino sa katapusan ng taon ang  comprehensive peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front, ang karibal at break away group ng MNLF.

Hilong talilong ang administrasyong Aquino sa tindi,  lawak at impak ng Zamboanga standoff, sa kung paano ang wastong pagtugon sa krisis, conflict management at  command structure na angkop sa sitwasyon.   Napaghaha
latang pikon at tensyunado ang crisis management lalo na nung pumasok sa eksena ang mahigpit na karibal na si VP Binay.   
Dahil sa Cabatangan Incident noong 2001 at  dami ng civilian na madadamay,   "calibrated response" ang tugon,  meaning, “walang ceasefire at cessesion of hostilities, “no compromise,  surrender or we fight" at higit sa lahat, walang  lalabag sa protocol at dadaan sa "wastong linya" ang mga desisyon.  Kaya lang,  magkaiba man ang approached,  maliwanag na "utak pulbura" pa rin ang umiral na pananaw at oryentasyon. 

Kung pagkukumparahin ang trahedyang natural at man-made calamity,  kung sinasabing mahigit P350.0 million kada araw ang pinsala't nagagastos sa standoff,  tinatantyang  nahigitan na nito ang bagyong Ondoy na puminsala ng mahigit limang bilyung pisong (P5.0 bilyon) ari-arian at kumitil  ng maraming tao may apat na taon na ang nakalipas.

Kung babalikan,  ilang buwan (July) bago ang insidente,  may mahigit isang libong  MNLF fighters at supurtador ang nagtipun sa Sulo upang manawagan ng "Independent Bangsamoro Republic.”  Halos kasabay na pangyayari ang mainit na isyu ng “paghahatid sa Crame ni Noynoy Aquino kay Napoles, anunsyong abolition of PDAF" at Luneta One Million March for Abolition of Pork Barrel System at ikinakasang prayer rally ng Edsa.  (Larawan: MLF chairman Nur Misuari talks to Kumander Malik /  courtesy of globalbalita.com )  

Hindi maiiwasan magtanong sa palasyo ang ilang malilikot ang isip;  pinabayaan ba at hinayaan  bang makapasok at diversionary tactics sa mainit na isyu ng abolition of pork barrel system o ito ba’y  planadong pag-aalsa ng grupo ng MILF resulta ng kahinaan sa handling ng gubyerno sa usapang pangkapayapaan?

Walang dudang mas supeyor ang pwersa ng military at magugupo ang standoff.   Ang mas pinangangambahan ng marami  ay ang pangmatagalang epekto ng tunggalian at ganting aksyon ng suportador ng MNLF,  lalo na kung patuloy na i-exclude sa usapang pangkapayapaan ang grupo.   Inaasahan at maaring  i-organisa ni Misuari ang isang nagkakaisang prente (united front) na binubuo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Umbra Kato,   isang breakaway group ng MILF at ang Tausug based Al Qaeda affiliated Abu Sayyaf  group laban sa imperyong gubyerno ng Maynila.

Nagtagumpay man ang administarsyong Aquino na paghiwa-hiwalayin ang Tausug,  ang Maguindanaoan at Maranaoans at  magupo ang Zamboanga standoff,   hindi maitatatwang nananatiling malakas at mapagpasyang pwersa at hindi maaring baliwalain ang isang grupo ng Bangsamoro.   Ipinakita ng Zamboanga standoff na hindi maaring  maitchapwersa ang MNLF sa ano mang pagde-desisyon patungkol sa usaping pangkapayapaan sa muslim Mindanao. 

Mahuli man at mapatay si Misuari at si Kumander Malik, hindi  maipagkakaila ang masamang imaheng naipakita ng standoff;  na ang Pilipinas na nagsisimula na sanang bumangon ay muling nadapa't naunsyami,  ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mapanganib na lugar sa mundo,  kulturang walang katahimikan (violent culture) at  higit sa lahat,  gubyernong mahina at reaksyunaryo.



Sunday, August 25, 2013

Luneta Million March to Abolish Pork Barrel, Tagumpay



Ano ang implikasyon at Kasunod?

Matapos mabuko ang kahindik-hindik na P10.0 bilyong pork barrel scam ng mga honorableng mga pulitiko,  mga kilalang senador, mga hindi mabilang na mga kongresista, kasabwat ang ilang operador at pekeng NGOs, isang indignasyon at pagdalamhati ng mahigit kumulang na 500,000 mamamayan ang nagtipun-tipon sa Luneta kanina upang ipanawagan ang pagbabasura ng sistemang pork barrel at pag-usig sa mga salarin at may kagagawan.    Larawan: courtesy www.gmanetwork.com )

Nagmula sa ilang netizen ng social media,   facebook, tweeter, blogs at iba’t-ibang makabagong electronic gadget, ikinasa ang Aug 26 Luneta One Million March for to Abolition of Pork Barrel. Lumawak ang suporta at mabilis na kumalat na parang kidlat ang panawagan.   Bukud sa  Luneta,  tumugon ang ilang malalaking mga sekundaryong mga lunsod sa probinsya,  nakii-isa ang ilang malalaking lunsod sa USA,  Hongkong,  Middle East at sa iba pang mga kalat-kalat na lugar sa mundo na may malaking concentration ng mga OFW.

Pluralista,  magkakaiba-iba, diverse group ng mga  indibidwal at grupo ang kalakhang dumalo sa Luneta kanina.  Visible ang ilang mga kilalang personalidad sa simbahan, showbiz, columnist, academe, artist, kilalang aktibista, NGOs, civil society at ilang party list organization.   Bagamat nirerespeto,  hindi na siya kontrolado't binubuo ng mga blokeng politikal (post-bloc), meaning, kalakhan ng mga dumalo ay mga independenteng mga indibidwal  at grupo na maaaring maituring mga "politically matured" na katangian.

Mao-obserbahan ang pagtitiwala, kakayahan at kapangyarihan ng bawat isa na makapagsagawa ng pagbabago at paglilingkod. Sa kabuuan, naging masaya, malaman, matagumpay at educational ang naging pagtitipon sa Luneta.

Halos kahawig ng people power revolution na nakapagpabagsak sa rehimen Marcos at kay Erap ang Luneta activity. Bagamat  hindi direktang puntirya ang estado at si Presidente Noynoy Aquino, nagkakaisa ang lahat sa prinsipyo ng "good and democratic governance,"  wakasan ang katiwalian at pangungurakot sa pamamagitan ng pagbabasura ng sistemang pork barrel - patronage politics at isabatas ang freedom of information (FOI) sa paraang peaceful at non-violence.

Kung matatandaan,  tinangka ni Noynoy Aquino na idiskaril ang naka-kasang pagkilos tatlong araw bago ang Luneta One Million March activity sa isang press con na "ibabasura nito ng pork barrel sa anyo ng pagbubusisi,  mga safety net, budget line item at pagpapatupad ng "accountability at transparency"  na isagawa ng Malakanyang.   Mas lalong umigting ang damdaming nag-aalab ng marami sa katotohanang hindi aalisin ang discretionary sa budget ng mga senators at kongresman lalo na kung ito'y mga kapanalig sa politika.

Isa lamang palabas ang naturang anunsyo sa abolition,  isang "reincarnation" at sa esensya, patuloy na imimintina ni Noynoy ang sistemang pork barrel at patronage politics sa bansa." Ang nakapanggagalaite sa marami,  "gagamitin ni Noynoy ang sistemang pork barrel upang kontrolin at mamanipula ang kongreso't senado sa kanyang pampolitikang agenda at  daang matuwid."
Maaring bumigay at magmatigas si Noynoy Aquino sa panawagang i-aboliish  ang pork barrel na magresulta ng sustainability ng pakikibaka sa mas mataas na antas lalo na't kung walang immediate action na gagawin ang administrasyon sa isyu at pag-usig sa mga salarin.  Ang isang positibo,  muli nitong naibalik ang iba't-ibang pormasyon at tradisyon ng people power, ang aktibistang pagkamamamayan ng mga Pilipino.


Hindi man naabot numerically ang isang milyon sa Luneta,  mukhang ito na ang simula at magsisilbing babala sa mga tiwali, pang-aabuso't pagsasamantala ng mga nasa kapangyarihan at mas magiging mapagbantay sa galaw at gawi ng mga pulitiko at administrasyong Noynoy Aquino.  Sa ganitong usapin,  masasabing isang tagumpay ang Luneta One Million March para i-Abolish Pork Barrel.


"Mga Diskurso ni Doy"  blogger Doy Cinco, 11:00 am, Aug 26, 2013,  Luneta One Million March to Abolish Pork Barrel

Monday, July 22, 2013

Micro-management sa ika-apat na SONA ni PNOY



Kakaiba ang SONA ni Noynoy Aquino kahapon.   Maditalye, mahaba't nagmamadali at parang gusto na niyang tapusin agad ang nakakaburyong na aktibidad.  

Tumagal ng halos dalawang oras at tulad ng inaasahan, mayorya ng kanyang mga kabalahibo sa kongreso, si Belmonte, si VP Binay at ruling elite, nakangisi at kumbinsido. (Photo: Ed cartoon, tribune.net.ph) 

Tagalog ang ginamit na medium at mukhang naka-adres sa pangkaraniwang Pilipino ang SONA at hindi sa lehislatura. Sa temang “para sa mamamayan ang SONA,  para sa atin ang SONA,”  ibinida ang accomplishment report sa kahalintulad na istilo ng dating kinamuhiang presidenteng si Gloria Arroyo.  Ginamitan ng power point na naglaman ng iba't-ibang mga kaso ng katiwalian at matatagumpay na karanasan ng mga individual na tao.  

Ibinida ang pag-unlad na nairehistro sa unang kwarto ng taon (pinakamataas sa Asia) at kaluwagang ibigay ng pandaigdigang financial institution sa pagpapautang,  inamin hindi ito ramdam ng maraming komunidad at ang trahedya,  para lamang ito (exclusive) sa mga dambuhala't  makapangyarihan.

Imbis na ilahad ang pangkalahatang larawan, estado poder at solusyon sa mga maiinit na isyung sumambulat kamakailan, pangangastigo sa ilang piling palpak na pamunuan ng mga ahensya ipinokus ang SONA. Marami ang naaliw at marami ang nanghinayang na sa magpahanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung saan patungo ang ating gubyerno, sa kahalagahan ng pagpapatibay ng mga patakarang magsisilbing gabay sa pagpupursigi ng "daang matuwid," paulit-ulit na panawagang reporma at pagbabago sa gubyerno.

Bagamat nabanggit ang "social transformation," hindi malinaw kung ito’y naka-tuon sa pagbabagong hangad ng bawat indibidwal para sa daang matuwid at kontra katiwalian  o  ito'y nakatuon sa pagbabago ng bulok na sistema ng pulitika at halalan na siyang ugat, ang punu't dulo ng kurakot sa burukrasya?

Mula sa kontrobersyal na pamumudmod ng inutang na pera ang Conditional Cash Transfer  (pangatlo sa buong mundo bilang pinakamalaking CCT-doleout),  ang lumalalang katiwalian at kriminalidad,  ang kamandag ng political patronage, mga kakulangan sa edukasyon, inprastraktura at tanggulang pangseguridad.

Maaring totoo ang ilang pagbabago sa administrasyon ni Noynoy Aquino sa loob ng tatlong taong panunungkulan,  subalit marami ang nainiwala na hindi ito sasapat at sustainable.   Mukhang magpapatuloy ang "sick man of Asia" at pagiging kulelat sa South East Asia-6 bunsod ng mga suliranin sa burukrasya, sa loob at panlabas na salik sa daigdig at politika.

Inaasahang patuloy na lalaki ang agwat ng sobrang mahirap at sobrang karanyaan, un-employment, kriminalidad,  naghihingalong mga demokratikong institusyon, pamamayagpag ng political clan,  dinastiya-pork barrel at pangungurakot,  karapatang pantao, marginalization at exclusion sa lipunang Pilipino.

Kung baga, ano ang patakarang (policy direction) mayroon ang administrasyon ni Noynoy Aquino sa kanyang napaka-rupok at mapanganib na tatahakin sa nalalabing mga taon ng kanyang termino? Ito rin ang mga kahalintulad na inaasahang panawagan ng kanyang mga “ahensya sa baba lalo na sa usaping kontra-karalitaan (anti-poverty) at community development.

Sa kawalan ng kongkretong pagbabago at direksyon,  tulad ng isang tradisyunal na pulitiko,  may katwiran na mag-micro management si Pnoy.   Ang tanong ng marami, ano ang bago sa SONA?