Thursday, March 04, 2010

Voter's Education on Poll Automation

- Alay Serbisyo (AS / partylist) #106

Doy Cinco


Paano Bumoto?

Una, bukud sa kodigo o listahan ng kursunadang kandidatong iyong iboboto, 'wag kalimutang dalhin and inyong voters’ ID o iba pang ID kasama ang iyong registration stub (ito namang reg. stub ay para sa mga bagong botante). Minsan mahirap makita kung saang presinto tayo nakalista kaya para mapaghandaan ang ganitong mga aberya, pumunta ng maaga sa polling place. Wag mag-atubiling magpatulong sa Voter's Assistance group, mga Poll Watchdog na kadalasa'y matatagpuan sa lobby, harapan at perimeter ng polling place o paaralan at ipa-chek kung ang iyong pangalan sa listahan at lokasyon ng iyong clustered precint.

Pagdating sa presinto, checkin ule ang iyong pangalan sa Listahan ng mga Botante na nakapaskel sa pader, sa labas malapit sa pintuan.

Pangalawa; matapos makita ang iyong presinto, agad pumila at humanay sa sampu-sampung botanteng naka-abang (tinawag) para bumoto. Matapos ma-identified, tanggapin ang balota mula sa Board of Election Inspector (BEI).

Pangatlo; Kapag nakatanggap na ng balota, siguraduhing walang marka, malinis at walang kahit anong mga shades ang balota. Di tulad nuong nakaraang eleksyon, ang Balota sa automated election ay ise-shade na lamang. Punuin ng shade ang napiling kandidato. Para ka lang sumasagot sa NCEE, NSAT, NCAE o Lotto. Huwag mag-shade ng dalawa o higit pa sa mga nakatalagang bilang sa napiling posisyon. Sabi nga, “touch Move”. Paniguradong irereject ng machine ang mga items na hindi nashaded properly or yung mga nafilled out with anything aside from a shade tulad ng checks at crosses.

Pang-apat; Matapos ang pagsi-shade sa mga bilog sa tabi ng mga pinag-isipang kandidatong iyong ibinoto, isusuksok ang balota sa Precinct Count Optical Scan (PCOS). Agad ibeberipika ng PCOS machine ang isinuksok mong balota at makakatanggap ka ng confirmation message sa scree ng PCOS, “Your vote has been casted.” Simple lamang ang proseso. Ang kailangan lang nating gawin ay maging extra careful sa pagsi-shade sa mga oblong circles.

Kung gusto mo pang magmatyag, mag-usisa at panuurin ang pagsara at pagbilang lalo na yung paglabas ng election return (ER) at malaman kung sino ang nanalo at natalo sa iyong presinto. Awtomatikong bibilangin ng makina ang lahat ng mga boto at magpi-print ng 30 kopya ng ER na ipamamahagi sa mga watchers at watchdog.

Pangwakas; Kung gusto mo ng pagbabago, tayo ay bumoto sa Mayo 10. Sana nga lang ay maging malinis, mapayapa, kapani-paniwala ang eleksyon. Ilantad na rin ang napipintong alyansa sa pagitan ng administrasyong Arroyo at Manny Villar.


Responsableng TAO sa panahon ng Botohan

BOARD of ELECTION INSPECTORS (BEI)

Tulad ng dati sa kada presinto; 3 regular members; Chairman (mag-aabot ng balota sa botante), Poll Clerk, Third member at Support Staff ang bumubuo ng BEI. Ang bilang ng BEI ay magdedepende sa dami ng presintong ika-clustered.

Kapangyarihan at Gawain ng BEI

  1. Magkondukta ng botohan sa polling place at pangasiwaan ang electronic counting ng boto.

  2. Mag-imprenta ng election return at electronically itransmit ang resulta ng eleksyon sa pamamagitan ng makinang PCOS sa mga ss;

a) City / Municipal Board of Canvasser;

b) dominant majority party, dominant minority party; accredited citizens' arm at KBP at

c) central server

  1. Umakto bilang mga deputado ng Commission sa pagkondukta ng eleksyon;

  1. Magmintina ng kaayusan sa polling place at sa kanyang nasasakupang lugar; panatilihing bukas o may access ang sino man at walang kagambalaan; matapat na tutupad sa batas; kaayusan at prohibisyong paggamit ng mga ipinagbabawal kahaluntulad ng cellphone at camera ng mga botante.

  1. Ipatupad ang katungkulan ayon sa isinasaad ng batas - tagubilin at mga reglamento napromulgate ng Commission.

POLL WATCHERS

a) Mga rehistradong botante sa ikinalulugarang nilang polling place o presinto ng isang bayan o lunsod;

b) May magandang reputasyon

c) Malinis ang record at hindi pa naakusahan sa salang paglabag sa eleksyon o ano mang krimen (has not been convicted by final judgement of any election offense or of any other crime);

d) Marunong bumasa at magsulat ng Pilipino, English o lokal / rehiyonal na dialekto

e) hindi kamag-anak o walang relasyon sa kandidatong kanyang pinaglilingkuran (antas pang-apat civil degree of consanguinity or affinity)

Karapatan ng Poll Watchers

a) Saksihan at karapatang malaman ang naging daloy at itinakbo ng botohan at gawain ng BEI;

b) Magtala ng lahat ng kanyang narinig at nakita sa araw ng elekston;

c) Idokumento o kuhanan ng litrato ang kinahinatnan ng eleksyon mula sa zero report-initialization report, larga ng botohan, bilangan, paglabas at pamamahagi ng election return, transmission ng resulta hanggang ballot box;

d) Magsampa ng reklamo't magprotesta sa ano mang irigularidad o mga paglabag sa batas na may kinalaman ang BEI, ng kanyang miembro o ng kanyang staff;

e) Tumanggap sa BEI ng mga sertipiko o forms na kakailanganin sa pagsasampa ng protesta, reklamo at mga resolusyon ipinatutupad ng BEI o ng commission;

Ganunpaman, hindi pinahihintulutang makipag-chika ang mga watcher sa sino mang miembro ng BEI; huntahan sa mga botante o sa kapwa watcher na makadidistorbo o makaka-apekto sa gawain ng BEI.

Pipirma at magta-thumbmark sa election return ang mga itinalagang watchers na kumakatawan sa mayorya, minoryang partido at kani-kanilang kandidato o mga watcher na kinabibilangan ng Citizen's Arm o mga grupong Election Watchdog.

Ilang oras bago buksan ang presinto o bago magsimula ang botohan, kasama sa bubusisiin ng watcher ang mga KITS, forms at supply na gagamitin sa botohan na ipinamahagi ng City / Municipal Treasurer sa kada presinto / clustered precint sa BEI.

Mahalagang ma-Chek ang mga Forms at Supplies

Ilang oras bago ang botohan, masusing che-chekin ng BEI at mga watchers ang iba't-ibang mga election forms, dokumento, supplies, ang kantidad at kalidad ng mga ito. Ang mga opisyal na balota na inilaan ng Commission ay dapat ilagay sa isang ligtas, tamper proof na bag / container. Pipirmahan ng BEI ang tatlong kopya ng Certificate of Receipt (CE form mo. 14) kung saan ang orihinal na kopya ay idedeliver sa City / Municipal Treasurer, na siya namang ipadadala matapos ang araw ng eleksyon sa mga kinaukulang ERSD, Comelec, Manila.

Una, Book of Voters;

Pangalawa, isang (1) kopya ng Precint Computerized Voters List (PCVL) na ipapaskel sa pasilyo't pintuan ng presinto;
Pangatlo,
2 kopya ng Election Day Computerized Voters List (EDCVL) (List of Voters na may Voting Record); at
Pang-apat,
kopya ng Appointment at Oath of Office ng BEI at Support Staff (A30/A31).

Tiyaking naka-SILYADO ang Book of Voters. Garantisadong sertipikado ng Election Registration Board ang PCVL at EDCVL. Nasa pangangalaga ng Poll Clerk, ikatlong miembro at nakatalagang support staff ang Book of Voters at isang kopya ng EDCVL.

Siguraduhin mga tunay at tiyak ang mga Identity ng Botante

Bago magsimula ang Botohan

Sa pagbubukas ng botohan, mahalagang maipakitang walang laman ang ballot box at pag-iinitialization ng makinamg PCOS. Magkakaroon ng pag-iimprenta ng “ZERO REPORT,” pagpapakita na walang ipinasok na bagay o walang botong nakita sa memorya ng makina

Panahon ng Botohan: 7:00 umaga – 6:00 ng gabi

Una, ililista ng Poll Clerk ang mga pangalan na mga nakapila. Pangalawa; tatawagin ang botante na bumoto na at ang mga botanteng hindi magpapakita matapos tawagin ng dalawang beses ang pangalan ay maaring hindi na payagang makaboto pa. Panghuli; obserbahang mabuti kung paano pinangangasiwaan (BEI) ang mga botanteng nakalinya sa loob at labas ng presinto.

Bantayan ang kahina-hinalang delaying tactics sa pagboto ng ilan na makaka-apekto sa bilis ng daloy ng pagboto ng iba. Para iwasan ang aberya, maaga po tayong bumoto at saksihan ang pagbubukas ng presinto.

(Official ballot: click to enlarge)

Friday, February 26, 2010

Aktibistang Presidente ang hamon ng panahon

Doy Cinco

Maliwanag pa sa sikat ng araw na isang lantay panloloko, panlilinlang at panggogoyo ang propagandang inilalako ng isang presidentiable bet na "magiging paraiso at gloriang buhay at mawawala na raw ang kahirapan sa Pilipinas bastat magsipag lang at magtiaga ang mga Pinoy?" Paano na ang 30% katiwalian sa kabang yaman at talamak na kurakot sa Malakanyang at Kongreso?

Kinunsidera ba niya ang pagiging industrialisadong bansa sa hinaharap, $40,000 per capita income ng bawat Pinoy, pagtangkilik at paglakas ng Made in the Philippines (produkto) sa mundo at pagresolba ng P4.0 trilyong utang ng bansa? Ang katawa-tawa, parang sinasabing "uunlad ng sampung ulit (10x) ang ekonomiya ng Pilipinas sa loob lamang ng anim na taong panunungkulan sa Malakanyang, isang motherhood statement sa paraang sipag at tiaga? " (larawan: ang karalitaan, cremininternational.org/assets/images/0402.gif)

Ang isyu sa 2010 election

Ang isyu ng trahedyang paggugubyerno ng administrasyong Arroyo at ang diwa ng rebolusyong Edsa ay "higit na mas tama at wasto, EMPOWERING, matalim at gumuguhit" kaysa sa "sipag at tiaga" tungo na panatang paraiso. Ang siyam (9 years) na taong pananalaula ng demokratikong institusyon, demobilisasyon ng aktibong partisipasyon ng mamamayan na lubhang mahalaga't tawag ng panahon. Ang siyam na taong pagbangon at paglakas ng oligarkiya, dinastiya at trapo oriented political clan ang bumansot sa inaasam-asam na kasaganahan at kaunlaran ng mamamayang Pilipino. Siyam na taong paggugubyernong tiwali (bad governance) na "nagresulta ng polarisasyon at pagkakahati-hati ng lipunang Pilipino."

Ang isyu ng libong manggagawang natatanggal sa trabaho araw-araw at ang paglikas sa ibayong dagat, bumibigat na problema ng Mindanao, kaliwa't kanang katiwalian at pangungurakot (pinatotohanan mismo ng World Bank at grupong Transparency Interanational). Ang kawalan ng transparency at accountability at kakulangan ng delivery of basic services sa mamamayang Pilipino.

Ang isa pang malungkot, para ka manalo sa pagkapresidente, minimum na sampung bilyon pisong warchest ang kakailangan gastusin. Kung ganito ang kalakaran, sino at anong klaseng pulitiko't presidente ang mailulukluk sa poder ng kapangyarihan, anong klaseng paggugubyerno ang paiiralin nito at gaano kalaking KURAKOT ang kakailanganin upang mabawi ang ginastos sa kampanya?

Naging masugit na agenda ng Amnesty International (AI) at United Nation Human Rights Commission ang administrasyong Arroyo. Halos naging ka-level natin ang bansang Iraq, Afghanistan at Burma bilang mga bansang na-institusyunalisa ang paglabag sa karapatang pantao at extra-judicial killings. (Larawan: President Luis Inacio Lula da Silva of Brazil, fifa.com)

Kailangan natin sa panahon ngayon ang tradisyong aktibismo kung saan ang pakikipag-dialogo at pagpapairal ng demokratikong sistema at pamamaraan ang paiiralin. Isang aktibistang Presidente na may malalimang pagtugon sa sentiemento't suliranin ng country. Isang aktibistang presidenteng kahalintulad ni President Hugo Chavez ng Venezuela, Lula da Silva ng Brazil, dating pangulong Mahathir ng Malaysia at Nelson Mandela ng South Africa. Mga astig na pangulong bumalikwas sa orbit at dikta ng mga ganid na dayuhang imperyalista, ng mga Multilateral Institution, International Financial Markets at Institution. Isang astig na aktibistang pangulo na mag-eengganyo ng pagiging self-reliance, independence at pagkakaisa.

Ang kailangan natin ay isang presidenteng may paninindigang kahalintulad ni Sen Claro M Recto, Amado V Hernandez, Pepe Diokno at Ninoy Aquino. May politics of conviction, may prinsipyo, may plataporma't may kinapapaloobang matatag na Partido, may issues, programa, popular at higit sa lahat, astang astig.

Isang aktibistang gubyerno at presidente ang hamon ng panahon ngayon na dapat mailuklok sa Malakanyang. Isang presidenteng hindi lamang utak pagpapanalo ang nais, bagkus may agenda sa kung paano magkaroon ng consensus ang nakararami, “winning hearts and minds.” Ika nga, pagbabago, sistema at patakaran at hindi "sipag at tiaga," na LIKAS na, NATURAL na't taglay-taglay na ng bawat Pilipino.

Friday, February 19, 2010

10 – 15% Fraudulent Votes for May 2010

Doy Cinco

Ipinapalagay na mawawala na raw ang papel ng tao (human factor-social technology) sa poll automated election. Sa pamamagitan ng electronic transmission, tuluyan na raw na mabubura ang nakagawiang dagdag-bawas / hello garci operation. Kaya lang, nananatiling buluk at mababa ang credibility ng Comelec. Ano mang positibong anunsyong gawin, parang walang naniniwala. Sapagkat, ang realidad sa ground, kasabwat ang ilang opisyal ng ahensya, nagsisimula na ang bilihan, dayaan at patayan.

Bukud sa lumalalang election violence, inaamin ng Comelec na malamang may 30% mga lugar (liblib) ang mananatiling manu-mano bunsod ng kawalang signal sa transmission. Inaasahang maraming pang critical na scenario ang lilitaw, tulad na lamang ng usaping source code at pag-imprenta ng balota.

Una sa lahat, hindi totoo ang "FAILURE of ELECTION" na pinangangambahan ng marami. Ang totoo, mayroong mahahalal na Presidente, Bise Presidente, 12 Senators, 200 plus Congressmen, Mrs Speaker of the House at libong Local Government officials. Kaya lang, magkakaroon ng malawakang DIS-ENFRANCHISEMENT na translatable sa 10-15 % fraudulents votes sa bilangan at canvassing.(larawan: Comelec Commissioner Melo cache.daylife.com/.../09g4am71pZ7Ee/610x.jpg)

Dalawang klase ang dayaan, ang tingi-tingi sa presinto at pakyawang dayaan sa maraming bayan at ilang probinsya. Aasahan ang "pre-shading sa balota," meaning, ilang oras o araw bago magstart ang botohan isasagawa ang (pre-shading) operations sa hindi magagamit na balota; Kasama rin ang karaniwang "based vote denial" sa mga tukoy na kalaban sa pultika. Sa ganitong modus operandi, mahihirapang ma-detect ang dayaan; Ang inaasahang "mababang turn-out (+/- 60 %) ang siya namang paborable sa dagdag/dagdag operations sa buong kapuluan."

Guguluhin ang Listahan ng botante sa araw ng election lalo na sa mga identified na balwarte ng kaaway na talamak ang private armies. Tulad ng dating nakagawian, magpapasok (bailwick) at magbabawas o dili kaya'y ililipat-lipat sa ibang clustered precint ang mga pangalan ng botante (enemy votes) sa ipapaskel na "authentic na Listahan ng Botante;" Bunsod ng kawalan na ng votes appreciation sa poll auto, ang classic na lansaderang paraan ay muling bubuhayin sa pakikipagsabwatan sa Board of Election Inspector (BEI).

Ganun paman, si Villar na itinuturing pinakamayaman kandidato ay hindi makapapayag na matapyasan ng boto ng mga operador ng administrasyon. Sa layuning makatabla o makiparte, hindi mahirap paniwalaang paglalaanan ni Villar ng bilyong pisong “VOTE PROTECTION STRATEGY” ang Araw ng Election.

Ang “Lola ng mga Dayaan” ay walang dudang poproyektuhin ng administrasyon Arroyo't kanyang mga galamay sa Comelec- Election Officers (EOs) at local machineries. Sila ang may kakayahan, may track records, capabilities-capacities at resources upang makapandaya. maulit ang 2004 presidential election at higit sa lahat, "mailigtas sa kasong pandarambong matapos mahalal ang kaaway na presidentiable bet na si Noynoy Aquino ng LP." Sa layuning maipanalo ang mahigit 70 Lakas-KAMPI CMD candidates sa congressional district sa bansa, Partylist, ilan bilang na NPC at NP, maitatalaga bilang Mrs. Speaker of the House sa 15th Congress ang ex-president PGMA, ang pwestong iniwan ni JdV at ni Nograles. (larawan: PGMA sa kaliwa)

Ang 10 – 15 % fraudulent votes ay katumbas na bilang na 3.0 milyong + boto, sa 60 % voters TURN OUT (30.0 million - estimate). Para hindi gaanong halata, kokontrolin at ikakalat sa maraming probinsya at municipalities ang 15%; mga dating suking lugar sa Ilocos at Cagayan Valley Region, ilang piling probinsya sa Central Luzon, Southern Tagalog-Bicol areas, Eastern Visayas, CEBU, Negros Occ, ARMM at ilang liblib na probinsya ng Mindanao, mga lugar na "kontrolado ng mga political Clan, warlords, Lakas-KAMPI - NPC, Nacionalista Party at iba pang trapong kandidato."

Kung ang bilihan ay maglalaro sa minimum na 1 boto = P20.00, ang 3,000,000 fraudulent votes na idedeliver ng mga EOs sa administration candidates at sa may perang presidentiable ay aabot ng mahigit kumulang na P60 - 500.0 million. Mas mura at matipid kung ikukumpara sa AIR WAR political Ad, postering at pulyeto. Hiwalay pa sa gastusin ang iba't-bang porma ng VOTE BUYING ng mga kandidato na posibleng umabot ng ilang bilyong piso.

Malaki rin ang kinita ng mga sindikato sa Comelec noong panahon ng Party List accreditation. Para ma-accredit, naglalaro sa P4 - 6.0 million ang accreditation TONG fee, ang lagayan sa loob. Sa ganitong siste, tinatantyang kumita ng mahigit kumulang na isang daang milyon piso ang mga sindikato sa Comelec kaparte't kasabwat ang makapangyarihang special operation groups ng Malakanyang. (Sa baba; larawang kahawig ng Computerized Voter's List)

Nagbebenta rin ng “Project of Precints o Computerized Voters List” ang mga Election Officers. Sa presyong nasa pagitan ng P10 - 50,000.00 (CD form), kikita ng mahigit dalawampung milyong piso (P20.00 million) ang mga sindikato sa loob ng Comelec. Nakakalungkot isipin na pati public document ng gubyerno ay kinakalakal ng mga tiwaling opisyal sa Comelec. Ang Voter's List ay dapat transparency, naka-post sa Comelec Website at ito'y dapat libreng ipinamimigay sa madla.

Ang DIS-ENFRANCHICEMENT operation at pananabotahe ng eleksyon na iooperasyunalisa ng administrasyon Arroyo at pakikinabangan ng isang presidentiable candidate (Villar) ay lubhang makaka-apekto sa WINNING MARGIN ng sino mang nakalalamang na presidentiable candidates (Noynoy Aquino).

Naniniwala ang marami na "manual man ito o automated, mananatiling hindi parehas at madaya ang eleksyon, mananatiling magulo at ‘di kapani-paniwala sa marami ang eleksyon at mananatili ang mahalagang papel ng mamamayan para ipagtanggol at maproteksyunan ang kasagraduhan ng halalan para sa pagbabago at demokrasya.”

Related Story:

"Proclaim winners first before manual audit--Comelec" : http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100224-255134/Proclaim-winners-first-before-manual-audit--Comelec

"Manual count set for 30% of precincts if machines fail" : http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100128-249863/Manual


Monday, February 08, 2010

Northern Luzon (CAR, Ilocos, Cag Valley Region), GIBO-Villar bailwick


Doy Cinco

Kung Pulse Asia survey ang pagbabatayan, "statistical tie" na ang Noynoy Aquino at Manny Villar sa presidentiable race. Ganumpaman, balikan natin ang sitwasyon sa lokal na pulitika ng Northern Luzon o ang rehiyon ng Cordillera, Ilocos at Cagayan, ang tinatawag na "SOLID NORTH" at subukan nating ipagtugma ang kasalukuyang latag ng presidential campaign sa national.

Malaki ang naging papel sa pambansang pampulitika ang Northern Luzon. Malaking bilang ng mga prominenteng political player ang galing sa Northern Luzon. May kabuuang 5.2 million solidong botante; 2.6 million ang Ilocos Region, 850, 000 ang Cordillera Autonomous Region (CAR), at halos 1.8 million sa Cagayan Valley.

Dumaranas ng masidhing krisis pangkabuhayan, mataas na un-employment rate at bagsak na produksyong pang-agrikultura, kawalan ng industria, natural at man made calamities; ang bagyong Pepeng, apat (4 decades) na dekadang pangungubabaw ng drug lords, gambling lords, warlordismo, oligarkiya, bad governance, rebelyon at insureksyon na naka-apekto ng masidhing karalitaan halos kapantay na kinahinatnang inabot ng mamamayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW II).

Ito ang mga dahilan kung bakit itinuring bailwick ng sino mang naka-upong administration ang tatlong rehiyon. Mula pa kay Marcos, FVR hanggang sa Administrasyong Arroyo, ang "solid north" ay parang kawayang sumunod sa ihip ng hanging pulitikal at nagdeliver ng boto para sa kanilang malapit sa kusinang kandidato. Nagkawatak-watak man, patuloy na namayagpag ang mga kaharian at impluwensya sa malalaking bayan, lunsod at distrito. . (Northern Luzon, http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6f/Ph_ilocos.png)

Sa Pangasinan halimbawa, ang pinakamalaking botante sa region (1.5 milyon) bagamat may asim pa't impluwensya ang FVR-Joe de Venecia, umusbong ang mga Espino, ang kasalukuyang gubernador, Agbayani, Lambino, Celeste, de Venecia, Cojuangco, Fernandez at Estrella sa probinsya. Inaasahang closed fight ang gubernatorial race sa pagitan ng incumbent Gov Espino at Ex-Governor at Rep Victor Agbayani (LP).

Patuloy na lumalakas ang mga Marcoses sa Ilocos Norte, Manong Jonny Enrile at kanyang anak sa Cagayan, magbabalikan sa poder ang mga Dy at Albano sa Isabela, nakasisiguro na ang mga Padilla at Cuaresma ng Nueva Viscaya at Cua ng Quirino. (Rep Jacky Enrile-Cagayan)

Epekto sa Presidentiable Election Campaign

Maliit man ang impluwensya sa Ilocos, CAR at Cagayan Valley Region, may mga ilang lugar lunsod sa Ilocos Norte at probinsya ng Isabela ang maaring mai-swing ni Noynoy Aquino. Mas malaki ang posibilidad na mag Villar-Loren o Gibo-Manzano ang Chavit Singson ng Ilocos Sur, Ortega sa La Union, Gov Antonio ng Cagayan, Cua ng Quirino at Padilla ng Nueba Viscaya. Halos walang kalaban ang mga Ortega sa La Union.

Nananatiling maimpluwensya ang political clan ng mga DANGWA, Domogan, Cosalan, Molintas, Fongwan, ang kasalukuyang governor ng Benguet. Bagamat walang LP candidates sa gubernatorial at vice gubernatorial race, malaki ang posibilidad na mag Noynoy Aquino ang mga Cosalan at Agpas, mga maimpluwensyang pamilya ng Benguet.

Maraming local Independent candidates ang tumakbo na nagtataguyod sa kandidatura ni Noynoy Aquino, ang ilan dito ay sila; Francisco Golingab (LP), Ernesto Matubay (LP), John Botiwey (PDP-LABAN), Poole (Ind), Nelson Dangwa (Ind), Ike Bello sa Congressional at councilor race sa Baguio. Nanatiling malakas ang ex-Governor Baguilat (LP) na tatakbo bilang Lone District ng Ifugao at Gov Grace Padaca ng Isabela. Hindi pa natin pinag-uusapan ang papel ng NGO community at laki ng bilang ng middle class sa lugar na critical sa administrasyong Arroyo't Gibo Teodoro.

Mahihirapan makadapo si Noynoy Aquino sa La Union, Cagayan at ultimo Quirino at Nueva Viscaya, itinituring mga balwarte ng administrasyon Arroyo at Nacionalista Party (NP) ni Villar. Ang Pangasinan, bagamat balwarte ng administrasyon, "maaring makangkong (switching) ni Villar ang malaking bahagi ng boto kaysa kay Gibo na kulelat sa labanan, sa kabila ng kalamangan ni Noynoy-Mar sa ilang malalaking distrito at lunsod." Two corner fight sa pagitan ng incumbent admin bet Governor Espino (Lakas-KAMPI) at aspiranteng Agbayani-Lambino (LP). (Rep / ex-Gov Agbayani of Pangasinan and Gov Baguilat of Ifugao; (northernwatchonline.com/.../ 2.bp.blogspot.com/.../s200/baguilat.jpg)

Habang kampante ang pambato ng Liberal Party na si Noynoy Aquino sa “market votes,” ang lokal na makinarya naman ang panigurong aasahan ng Lakas-KAMPI CMD at Nacionalista Party sa Northern Luzon. May ilang tayong nakalap na information na may malaking bilang ng minority candidates, mga independent candidates sa Cong District, Mayor at councilors ang posibleng bitbitin si Noynoy.

Sa kabuuan, kun di man neck to neck, triple tie ika nga. Nakalalamang ang Gibo (PALAKA) at Villar (NP) at segundang dikit si Noynoy.


Monday, February 01, 2010

Manny Villar, tagilid sa Manila


Doy Cinco

May 1.05 milyon at pumapangalawa (1st ang QC) sa may pinakamaraming rehistradong botante ang Manila sa NCR. May kabuuang 897 maliliit na barangay at anim (6) na legislative district, kung saan ang 5th District, na kinabibilangan ng Ermita, Malate at Paco area ang may pinakamalaking bilang ng botante.

"Llamado at mukhang mananatili ang incumbent Mayor Fred Lim-LP (60.0%-Dec electoral survey) sa Manila. Kung tinalo ni Lim noong 2007 election ang anak ni Lito Atienza (LA), mukhang mauulit ang scenario sa 2010. Mukhang tatalunin ni Lim ang dalawa niyang mga katunggaling si LA at Razon."

Ganun paman, malakas na uma-arangkada si Razon (NPC-KAMPI), ang manok ng administrasyong Arroyo at presidentiable bet na si Gibo Teodoro. Dating Kalihim sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Processes at Chief of the Philippine National Police si Razon. Kung magkatotoo, tuluyan ng ma-i-ease out ang Lito Atienza at sa bandang dulo, lalabas na “pulis laban sa pulis” ang magiging labanan sa Manila.

Ayon sa ilang source sa gilid-gilid, malaki ang itinapon na resources at pondo si Razon nuong nakaraang taon, ang panahon ng paghahanda (last quarter of 2009) para sa 2010 kung ikukumpara kay LA at Lim. Maagang naihanda ni Razon ang pagtatayo ng makinarya, network , agenda at mensahe para sa kampayan. Sa pamamagitan ng WARM (We are the Razon / Reason Now), iba't-ibang sectoral Organization at ilang maka-Kaliwang grupo ang na-ugnayan ni Razon para makalikom ng malaking suporta't boto para sa election.

Sigurado na si Isko Moreno sa vice mayoralty race. Ka-tandem ng dalawang magkatunggaling mayoralty bet ang oportunistang incumbent vice mayor ng Manila.

Mukhang di na makababalik sa Mayoralty position ang LA, ang nakatatlong termino (9 years) bilang mayor, dating Kalihim ng DENR at naging masugit na kaututang dila ng administrasyong Arroyo. Nalulong si LA sa masalimuot na gawaing sa DENR na nagbunsod ng pagkaka-atrasado ng paghahanda at pagdidiklera ng kanyang kandidatura ng halos isang (1) taon. (Larawan: Si Lito Atienza sa itaas, sa baba Mayor Fred Lim)

Natali si LA sa komplikadong pinasukang kontrata, proyekto, mga isyung bumabalot sa Kagawaran at pagkalinga kay Manny Pacquiao. Inasikaso ni LA na kastiguhin ang Lim-Isko administration sa pagiging malamya at pagpabor nito sa mainit na isyu ng pagpapanatili ng delikadong OIL DEPOT sa Manila samantalang siya naman ang tunay na kumalinga at nakinabang sa extension ng depot. Umaasa si LA sa suportang ibinigay sa kanya ng dating presidenteng si Erap Estrada.

Congressional race

Bagamat maagang pinaghandaan ni Nieva (NPC) ang laban sa 2010, namumuro na ang incumbent Rep Atong Asilo - PDP Laban (katiket ni Lim) sa 1st District. Two corner fight ang 2nd District, llamado ang incumbent Carlo Jim Lopez (Lim slate – Lakas) sa katunggaling ex-councilor Rolando Valeriano (NP). Anak ng dating pulitiko at ex-Rep Jaime Lopez si Carlo Jim, habang malapit sa dating President Erap Estrada ang oposisyong si Valeriano.

Sigurado na ang incumbent Rep. Naida Angpin (NPC-Razon's slate) sa 3rd District. Siya ang asawa ni ex-Rep Harry Angpin, dating ambasador sa China at may suporta sa Chinese community. Mukhang mahihirapang talunin ni ex-councilor Letlet Zarcal (LP) ang track record at resources ng mga Angpin.

Closed fight sa pagitan ng manok ng administrasyon at incumbent Rep Trisha Bonoan David (Lakas-KAMPI) at ex-Rep Rudy Bacani (katiket ni Lim-LP) sa 4rt District. Kung maipa-package ang mensahe at magandang imahe, maaring masilat ni Bacani si Trisha David, ang "tarpuline queen" ng Maynila.

Closed fight din ang 5th District. Sa pagitan ng incumbent Rep. Amado Bagatsing (KABABA - katiket ni LA- LP) at ex-Rep Joey Hizon (katiket ni Lim), dating Lakas-CMD at natalo sa vice mayoralty race noong 2007 election. Sa 6th District, llamado at malakas ang incumbent Benny Abante (Lakas-KAMPI) kaysa sa dalawa pa niyang katunggaling ex-Vice Mayor Danny Lacuna (NP) at ni Sandy Ocampo (Lim's slate), kilalang politikong angkan ng Manila.

Epekto sa Presidential Campaign

Walang mayoralty candidate si Villar (NP) at mahina ang kanyang partido sa congressional at city councilor race. Maliban kay Vice Mayor Isko Moreno, na hindi lubusang dapat pagkatiwalaan, dalawa ang kilalang kandidato ng Nacionalista Party (NP) na maaring makatulong at asahan ni Villar, si Valeriano na kandidato sa 2nd District at Danny Lacuna ng 6th District.

Ang problema ni Villar, matatag at malalakas ang local candidates ng Liberal Party at NPC-Lakas-KAMPI sa katauhan ng katunggaling si Sonny razon at incumbent Mayor Lim, tatlo pang katiket nito sa congressional race at halos kompletong slate sa city councilor.

Inaasahang mas malaki pa ang local machinery ng Lakas-KAMPI, Gibo Teodoro kaysa Nacionalista Party ni Manny Villar. Bagamat itinuturing mahina sa Manila, sa laki ng pondong pangkampanya, may kakayahan makapagdeliver ng boto ang sino mang local candidates na makikipag-ututang dila kay Villar. "Tanging ang kaliwa't-kanan pakikipagnegosasyon (negotiated votes) ang aasahan ni Villar 'wag lang makopong ni Noynoy Aquino ang mahigit 50% boto sa Manila."


Tuesday, January 26, 2010

2010 Quezon City politics


Doy Cinco

May mahigit kumulang na 1.2 milyon ang rehistradong botante ng Quezon City. May 70% ang voter's turnout at may kabuuang 142 malalaking barangay, kung saan ang 2nd District (535,432) ang may pinakamalaki. Pumapangalawa ang 4rt District, 205,909; 1st District - 205,245 at 3rd District (145,570), ang Cubao area at ang pinakamaliit.

Ang Quezon City (QC) kung saan matatagpuan ang Diliman Republic ang itinuturing sentro ng NGO, academic at civil society community ng Pilipinas. Dito matatagpuan ang kanila-kanilang sentrong himpilan na nakapaikot sa dalawang malaki at kilalang unibersidad, ang UP at Ateneo. Nakabalagbag sa kahabaan ng Edsa ang dalawang sentrong kampong pangseguridad ng bansa; ang Camp Crame ng PNP at Kampo Aguinaldo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).

Masasabing sentro ng aktibismo, anarkismo, pugad ng makabago at lumang rebolusyunaryo (kaya lang zero-minimal local electoral intervention) ang QC. Dito rin nakahimpil ang konserbatibong Iglesia ni Kristo (INK), ilang muslim community at spiritual religious movements ng bansa. Ang QC ay itinuturing sentro ng artista (showbiz), pangkulturang sining at mass media (broadcast) ng bansa. Dito nakahimpil ang halos lahat ng malalaking broadcast network (ABS-CBN / GMA 7) ng bansa.

Na sa QC matatagpuan ang malaking bilang ng middle class community at malalaking settlement ng urban poor communities sa bansa. Sa QC matatagpuan ang mga government agencies ng estado kasama ang Batasang Pambansa (Parliament Bldg) at La Mesa Dam na pinanggagalingan ng maiinum tubig ng Metro Manila, ilan parte ng Bulacan at Laguna. Nasa QC matatagpuan ang naglalakihang mga palasyong tirahan ng halos lahat ng siga-sigang pulitiko sa bansa.

Ang QC ang pinakamayamang LGU sa Pilipinas at pinakamalaking lunsod sa Kalakhang Maynila. Ayon sa kasalukyang Mayor SB, "may magandang planong pangkaunlaran sa hinaharap na kayang tapatan raw ang central business district ng Makati." Ito ang kadahilanan kung bakit atat na atat makontrol ng tatlong magkakatunggali ang mayoralty post ng lunsod.

Mayoralty race

Llamado at mataas ang voter's preference at market votes ni Bistek, dating Lakas-CMD at ngayo'y manok ng Liberal Party kung ikukumpara sa dalawang kalaban. Dahil incumbent Vice Mayor, nagagamit ni Bistek ang resources ng QC govt sa pagpapalakas ng makinarya sa mga barangay. Maalalang nalagay sa alanganin si Bistek sa iskandalong pinasabog ni Mike Defensor sa paratang katiwalian ng halos 10 taong panunungkulan ni Bistek.

Maaring makuha ni Bistek ang District 1 at 4 at makatabla sa District 2 at 3. Kahit sabihing balwarte ng mga Defensor ang 3rd District, hindi makasasasapat ang boto nito upang pagtakpan ang inaasahang malaking kalamangan ni Bistek. Sa Vice Mayoralty race, halos nakasisiguro na si Joy Belmonte, ang anak ni Mayor Sonny Belmonte. (Larawan Herbert "Bistek" Bautista and Mike Defensor: www.pinoylife.jp/img/news/herbert.jpg and fil.wikipilipinas.org/.../250px-Mikedefensor.jpg)

Congressional Race

Sa kabuuang apat, mainit ang labanan sa dalawang distrito ng QC; Sigurado na ang incumbent Rep Bingbong Crisologo sa 1st District. Maliban kay Vivienne TAN, anak ng Taipan na si Lucio Tan, wala ng malakas na kalaban si Bingbong. Tatlo ang maglalaban sa 2nd District; si ex-Councilor Winnie Castelo (LP), ang beteranong pulitiko't kabilang sa SB Team at kapatid ng last termer na si Rep Nanete Daza ng 4rt District; ex-councilor Allan Francisco at ang abugado't aktibistang pamangkin ni Mayor SB na pinaghinalaang sangkot sa Magdalo rebellion, si Kit Belmonte (Independent). Llamado si Winnie Castelo. Kaya lang, hindi siya nakasisiguro sa makinaryang itinanim ng kanyang katunggaling si Kit Belmonte.

Three corner fight sa pagitan ni Bolet Banal, Franz Pumaren at incumbent Rep Mat Defensor sa 3rd District. Mahihirapan talunin ng dating topnotcher Councilor Bolet Banal ang incumbent trapo candidate na si Mat Defensor (Lakas-KAMPI), ang ama ni Mike at masugid na tagasuporta ng administrasyong Arroyo sa Kongreso. Hawak ni Mat ang traditonal network na pinagmumulan ng kanyang boto, samantalang nasa panig naman ni Bolet Banal ang mga umuusbong na kilusan at organisasyon ng mamamayan sa lugar.

Maaring mas mataas ang vote conversion factor ni Banal kung ikukumpara sa nakakadalawang terminong si Mat Defensor. Walang dudang mananalo si Bolet sa middle class community ng 3rd District, kaya lang di hamak na mas malaki ang bilang ng botante sa informal sectors o mga urban poor community na ilang dekadang pinanghawakan ng pamilyang Defensor. Halos walang kalaban si Mayor Sa 4rt District, halos walang mabigat na kalaban si Mayor SB Belmonte (last term/graduated na bilang Mayor). Mukhang target na muling panghawakan ni SB ang Speaker of the House ng 15th Congress.

Epekto sa Presidential election campaign

Balwarte ng NOYNOY-MAR ang QC. Kung babalikan, pumang-apat si Noynoy Aquino at naungusan nito si Manny Villar sa senate race noong 2007 election at nanguna naman si Mar Roxas sa Senate electoral race noong 2004 national election sa QC.

Tulad ng kalakhang Manila, itinuturing critical sa Arroyo Administration ang QC. Mahihirapang maungusan ni Villar ang lakas ng ground at trench war ng Noynoy Aquino election campaign sa QC.

Aasahang hindi lalayo ang resulta ng mga survey sa Pulse at SWS (40-60% para kay Noynoy/Mar) sa nasyunal sa magiging kahihinatnan ng kampanya sa QC. Mula kay Bistek-Joy at Mike Defensor-Iko Melendez tandem, tiyak na magga-gravitate sa Noynoy-Mar campaign ang mga kandidatong nagpapanakbuhan sa QC bunsod ng malaking impluwensyang naipundar ng Tita Cory sa ilang dekadang lokal na kapangyarihan ng mga Belmonte.

Titiyaking maidedeliver ng SB Team ang malaking boto para sa Noynoy-Mar LP presidential bet. Inaasahang bibitbitin din ng ibang mga kadidato sa mayoralty position tulad ni Mike Defensor, ang kanyang Amang si Mat na dating mga kasapi ng LP ang NoyMar presidential tandem. (Larawan: Mayor Sonny Belmonte)

Aasahang magbibigay ng malaking kalamangan (50 – 60%) ang Noynoy/Mar sa halos lahat ng distrito ng QC. Samantalang ang tantyang 20-25% boto ni Villar/Loren ay maaring manggaling sa 2nd District, ang may pinakamalaking informal sektor sa bansa, kung saan ang incumbent Rep na si Annie Susano at kasali sa mayoralty race ay naging kinatawan ng anim na taon.


Sunday, January 17, 2010

Metro Manila local election: machine and personality oriented


Doy Cinco

Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon).

Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa. Bagamat relatibong mataas ang kamulatan at bilang ng middle class, pagdating sa local politics, hindi ito gaanong nalalayo sa sistemang padrino, political clan at dinastiyang larawan ng pulitika sa buong kapuluan.

Relatibong may pagbabago ng terrain, ang laki ng bilang ng kabataan, topograpiya ng mga botante at salik ng Poll Automation, kaya lang, hindi siya garantiya sa inaasam-asam na antas ng political maturity ng mamamayang botante.(MM Map; mapsof.net/.../metro_manila_political_map.png)

Marami sa incumbent Mayor at Congressmen, last termer or graduated na sa posisyon ay magreregudon o hahalinhan ng kani-kanilang anak, kung di man ng kanilang asawa't mga kaanak. Dahil sa control ng resources, llamado o nakalalamang ang mga incumbent. Marami sa kanila ang mag-extend lamang at tatapusin ang tatlong termino sa posisyon. May mga traditional at makabagong pulitikong angkan ang bumabalik, ang Asistio-Malonzo ng Caloocan, Mel Mathay at Mike Defensor ng QC at mga show biz personalities na umaasang mailuluklok sa kapangyarihan.

Ang mga ka-anak ng mga kandidatong tulad ni Mayor Jojo Binay ng Makati (tatakbong Bise Presidente), Sonny Belmonte ng QC, Bernabe ng Paranaque, Oreta ng Malabon, Gatchalian-Valenzuela at Tobby Tiangco ng Navotas ay walang dudang maipupwesto at mananalo. Mahihirapang gibain ang kaharian ng mga Gatchalian, Eusebio ng Pasig, Tinga ng Muntinglupa, Fernando ng Marikina, Abalos at Gonzales ng Mandaluyong, Ejercito-Estrada ng San Juan at Villar ng Las Pinas.

Epekto sa Presidentiable election

Critical sa Administrasyong Arroyo ang maraming sektor ng Kalakhang Manila (NCR). Malakas ang panawagang “PAGBABAGO.” Inaasahang mas magiging mapagbantay ang botante at iba't-ibang key players (non-government) sa NCR kung ikukumpara sa ibang rehiyon. Magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan.

Mataas ang awareness/preference level ni Noynoy kung ikukumpara kay Manny Villar. Kaya lang, dahil sa perahan ang labanan, malamang makalapit si Villar. Consistent na 35-45 % si Noynoy Aquino sa mga survey. Sa layuning makadikit kay Noynoy Aquino, umaatikabong AIR WAR-propaganda ang inilulunsad ni Villar. Kung sakaling makalamang sa AIR WAR si Villar, matibay ang machine, TRENCH at GROUND WAR ni Noynoy Aquino.

Dahil kulelat sa labanan (survey), ang preferencial vote para sa administration candidate Gibo Teodoro at iba pang talunang presidentiable ay maaring mag-swing kay Noynoy Aquino. Kung hindi magbabago ang timplada ng advocacy at IMAHENG ipinapakita ni Manny Villar, walang dudang magsu-swing ang mga botante kay Noynoy Aquino.

Malaki ang tsansang makopong ni Noynoy Aquino ang QC, MANILA , CALOOCAN-Malabon, MAKATI, Muntinglupa, Marikina, Mandaluyong at Pasay habang lalamang naman ng malaki si Manny Villar sa Las Pinas, Pasig at ilang maliliit na lunsod. Bukud sa market votes, na kay Noynoy ang mga vote rich areas at strong local candidates ng Liberal Party.


Saturday, January 09, 2010

Air War pinatindi ni Villar

Doy Cinco

Sa layuning makadikit kay Noynoy Aquino, bilyong pisong warchest para sa political Ad ang pinakakawalan ng presidential bet na si Manny Villar. Mula sa 27% noong Dec 5 – 10 survey, umani ito ng 6%, o 33%, may 11 % kakulangan na kalamangan ni Noynoy Aquino itong huling survey nuong nakaraang linggo, December 27-28, 2009.

Sa anim na porsientong dagdag noong kapaskuhan, may tantyang nanggaling sa "undecided, mga botanteng hindi pa pumipirmis, kay Chiz Escudero na umatras sa laban kamakailan at kay ex-president Erap Estrada na kapareho nitong pumupuntirya ng C, D, E at kulay orange na political color na pananamit".

Natuto si Villar sa 2004 at 1998 presidential election, na ang pangunahing labanan sa presidential election ay “kunin ang kiliti at emosyon ng masang Pinoy.” Sa electoral political combat framing, "MARKET VOTES" ang diin. Kung baga, packaging, image building at name recall. Ang air war sa lenguwahe ng kilusang kaliwa ay "PROPAGANDA WAR." Kaya't madaling unawaing gagastos ito ng isang-katlo o 1/3 ng total na gastos sa kampanya para lamang sa "projection ng sarili."

Ang istratehiyang nangingibabaw kay Villar ay dikitan si Noynoy Aquino pagdating ng pormal na campaign period sa unang linggo ng susunod na buwan (February, 2010). Tinatantyang magwawaldas si Villar ng isa hanggang 3 bilyong piso (P1 - 3.0 bilyon) sa AIR WAR kahit sabihin ng madla na bahagi na ito ng maagang pangangampanya o bahagi na ito ng tinatawag na "early at premature campaigning."

Nung nakaraang taon, si Villar ay umani ng kaliwa't kanang batikos nang mapangahas niyang ipinagwagwagan "na sa 2010 presidential election, kung wala ka ring lang BILYONG PISO raw. huwag ka ng tumakbo at panigurong isa kang nuisance candidate." Kung ganito ang electoral framing ni Villar, malalagay sa kangkungan at kaawa-awa ang aktibistang si Nick Perlas.

Ayon sa mga source sa gilid-gilid, “sa laki ng pondong ilalaan ni Villar (tinatantyang may P10 – 15.0 bilyon), hindi na raw ito tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa malalaking negosyanteng Filipino-Chinese community at ang tanging hinihinging pabor na lamang niya sa mga padrinong ito ay huwag ng maki-alam o maging partisan sa 2010, huwag na lamang bigyan-abutan ng pondong pangkampanya ang kanyang mga kalaban, meaning si Erap Estrada, Gibo Teodoro ng administrasyong Lakas-Kampi at si Noynoy Aquino ng partidong Liberal na nangunguna sa labanan.”

Hindi ipinagkakaila na isang super bilyunaryo at pinakamayamang pulitiko si Villar sa lahat ng nagpapanakbuhang presidentiable. Sa laki ng pondong pangkampanya, kaya nitong kabigin at baligtarin ang kaluluwa ng lokal na MEDIA at makinarya (LGUs, Legislative District) ng Lakas-KAMPI CMD (PALAKA) ng administrasyong Arroyo sa Northern Luzon, Central Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Sa apat (4) na seryosong naglalaban, si Manny Villar ang may pinakamalamya, iwas pusoy at pinakamalambot na “kritiko” ng administrasyong Arroyo. Si Villar na may "economic-cultural centered advocacy na Sipag at Tiaga,” ang hinihinalang magpapawalang sala sa kasong pandarambong at katiwalian ng pamilyang Macapagal Arroyo.


Note: Local politics (electoral campaign) tayo sa susunod na mga artikulo.

Tuesday, November 24, 2009

Ampatuan Dynasty and Arroyo administration

"Partner in Governance"

- Doy Cinco

Isang trahedya o man made calamity ang dinastiya't warlordismo sa Maguindanao. Sa patuloy na pamamayagpag ng isang pusakal, modern day GODFATHER at dinastiyang Ampatuan clan, ang realidad ng kawalang pag-asa, paghihikahos, karalitaan, karahasan at panunupil ng demokratikong karapatan ng mamamayan sa Maguindanao ay tila wala ng katapusan. (Location Map, www.khaleejtimes.com/DisplayArticle09.asp?xfi...)

Isang classic example ng guns, gold, goons ang pampulitikang dinastiya ng mga Ampatuan. Ito ang mga kadahilanan kung bakit isang "banana republic," atrasado at hindi maka-uga-ugaga sa kahirapan ang Pilipinas. May ilang dekada ng namamayagpag ang dinastiya't political clan sa Pilipinas. Ilan sa mga kilala; Singson, Marcos at Ortega ng Ilocos region, Enrile, Dy, Albano ng Cagayan at Isabela, Cojuangco ng Tarlac, Arroyo ng Pampanga at Negros Occidental, Joson ng Nueva Ecija, Remulla ng Cavite, Ynares ng Rizal, Villafuerte ng Camarines Sur, Espinosa ng Masbate, Durano't Garcia ng Cebu, Romualdez, Codilla-Petilla ng Leyte, Espina ng Biliran, Datumanong, Dimaporo ng Mindanao, Valera ng Abra at marami pang iba.

Kinunsinti ng administrasyong Arroyo ang monopolyong paghahari ng dinastiyang Ampatuan. Sa katunayan, kaanib ng LAKAS-CMD ang mga Ampatuan. Ano man ang naising gawin, iligal at hindi marangal, nasusunod na parang hari ang Ampatuan Clan. Mula sa luho, armas, droga, pangungulimbat at institusyunalisasyon ng private armies. Ang katawa-tawa, ginawang tanga ang mga institusyon (Comelec at Hustisya) ng estado, pagpapatahimik sa media, grupong simbahan at kilusan ng mamamayan.

Iisa lang ang hangad ng mga Ampatuan, ang durugin ang mga kaaway at pagpapalawak ng pampulitikang kapangyarihan sa Mindanao. Maliban sa pagpapayaman at pagpapalakas ng sariling private armies, bumili ng mga bago at modernong baril at ituring mga security guards ang Philippine National Police, Civilian Volunteer Organization at ilang military personel. Ang karumal-dumal na Maguindanao Masaker kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan kung saan may 60 sibilyan ang pinagpapatay ay patunay lamang na "patay na ang rule of law at ganap ng naparalisa ang mga demokratikong institusyon sa rehiyon."

Kabilang sa "Club 20" o pinakamahirap na probinsya ng Pilipinas ang Maguindanao. Ang bilyong pisong pondo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), IRA ng probinsya, milyong dolyar na proyekto mula sa US-Aid, United Nation (UN) Agencies, Japanese-European International Agencies at NGOs ay nawalang saysay dahil sa katiwalian, karahasan at warlordismo. Halos walang maiprovide na basic services, edukasyon, duktor at hospital, inprastruktura, maiinum tubig at kuryente, pabahay, agricultural production, livelihood at suportang pagbubukid.

Isa lamang "moro-moro" ang halalan sa Maguindanao. Ilang buwan bago ang takdang halalan, pili na, dinisisyunan at pinauupo na sa pwesto at ang halalan ay isang formality na lamang. Bukud pa sa sabwatan sa pagitan ng warlords at mga MAFIA sa Comelec, tinatakot at pinapatay ang mga nag-aastang makitunggali sa pulitika. Alam ng mundo na tapos na ang 2010 election sa Maguindanao. (Photo:list Private Military Contractors (PMC/ www.ellentordesillas.com/.../2006/07/iraqjp.JPG)

Kung walang iiral na emergency measure ang Comelec, tiyak "failure of election" ang 2010 Poll Automation. Una; isa-ilalim sa kontrol ang rehiyon, magsagawa ng internal cleansing process ang Comelec. Buwagin ang mga private armies, private military international (MERCENARY) Security companies na karaniwang pinagmumulan ng advance high powered na armas ng mga local warlords. I-demilitarized ang buong Mindanao at para maminimized ang perennial election violence, gawing mas maaga (April 2010) ang iskedyul ng halalan sa lugar" at tulad ng mga Ampatuan, i-disqualify ang mga warlords sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ututang dila, nakontrol ng Administrasyong Arroyo ang mga warlords-dinastiya sa walong (8) taong pamamalagi sa Malakanyang. Hindi lamang sa pakinabang ng "dag-dag – bawas, hello Garci for political survival, nagawang paglaruan ang lehitimong panawagan at agenda ng kapatid nating mga Muslim sa Mindanao sa pamamagitan ng pag-o-orchestrate ng ganansya sa digmaan at paghati-hati ng mamamayang Moro."

Tulad ng Afghanistan, Iraq at ilang FAILED STATE sa Africa, ginagamit at pinakikinabangan na parang salbabida (political survival) ng isang "weak state" tulad ng administrasyong Arroyo ang pampulitikang angkan at dinastiya, manatili lamang sa poder ng kapangyarihan.

Kung walang seryosong reporma sa sistema ng pulitika, magpapatuloy ang dinastiya't warlordismo, katiwalian, karalitaan, kawalang hustisya at demokrasya sa Pilipinas.

Sunday, November 08, 2009

Voters' Disenfranchisement, may basbas ang Palasyo't Comelec?


- Doy Cinco

Iisa ang tono ng pananalita ng Malakanyang at Comelec ng pagbuntungan nito ng sisi ang "manyana habit o last minute attitude" ang milyong kabataang Pinoy sa kabiguang maiparehistro sa katatapos na voters registration ng Comelec para sa 2010 election. (Larawan: Chaotic Voters' Registration. On the final day of one-week special voters' registration, hundreds of registrants still line to catch the 7 p.m. deadline Sunday. Many came but were not able to register; :kagay-anon.blogspot.com/2007_07_01_archive.html (Photo by Joey P. Nacalaban)
Imbis na akuin ang pananagutan sa disastrous, chaotic at walang kahandaang voters' registration, naghugas kamay ito at nagpalusot na lubhang "madadamay raw ang isasagawang kauna-unahang Poll Automation at computerized voter's list kung maaatraso sa time frame ang voters registration para sa 2010 election."

Kung di man chaotic, kulang ng mga registration papers, personel at nasirang mga biometric-reading para sa data capturing machines. Kung susumahin, tila hindi nakita ang kahalagahan na mas marami ang mairerehistro, mas tatalima sa panawagang “clean, orderly, peaceful at honest” 2010 election. Alalahaning di pa nakakabawi sa "sandamakmak na controvercies," eto na naman tayo, muling napatutunayang mahina ang Comelec.

Isang uri ng pandaraya at pagkakait (vote denial) ng karapatang bumoto ang voters disenfranchisement. Labag ito sa isang demokratikong lipunan, sapagkat niyuyurakan nito ang aktibo't responsableng (citizenship-right of suffrage) mamamayan na magpartisipa't maki-alam sa eleksyon. Taliwas ito sa "boycott election, kudeta, rebelyon-insureksyon at radikal na pagbabagong" niyakap ng kabataang Pilipino may ilang dekada na ang lumipas.

Ayon sa batas, "magagarantiyahan lamang ang isang parehas na halalan kung maisisigurong makaboboto ng maayos ang marami, walang diskriminasyon, pananakot at higit sa lahat mabibilang ang boto. Ito ay isang unibersal na karapatan ng mamamayan. Hindi man aware ang ilang pamunuan ng Comelec, may kutob ang ilang nagmamasid na "patuloy na nag-eexist ang MAFIA sa loob lalo na ang mga Election Officers (EOs) sa lokal (probinsya't lunsod), kasabwat ang mga incumbent candidates."

Sino nga ba ang makikinabang kung dadami ang bilang ng kabataang botante na kritikal, idealista at uhaw sa pagbabago? Kung dadami ang botante o market votes, kahit paano, mas magiging parehas at mas iiral ang makabagong uri ng pangangampanya sa 2010. Sa paglaki ng market votes, walang dudang mahihirapan ang traditional politics, sindikato at mga operador na maniubrahin ang halalan. Mas gugustuhin ng mga mandaraya na kontrolin ang MARKET VOTES, palakasin ang pang-elektoral na makinarya, pananakot at vote buying.

Kung naging chaotic ang voter's registration, hindi malayong paniwalaang "mabubulilyaso rin ang 2010 Poll Automated election hindi lang sa panahon ng kampanyahan, botohan, bilangan, canvassing maging sa pagmamanipula sa listahan ng mga botante."

Sa apat na milyong botanteng pinurga ng Comelec, inaasahang may apat (4) na milyong bagong mga botante ang nairerehistro't maidadagdag. Kaya lang, dahil sa voters disenfranchisement kulang-kulang sa tatlong (3) milyon lamang ang nakayanan ng Comelec. Sa mga bagong botanteng naidagdag, tinatayang may apat napu't siyam na milyon (49.0 million) bilang ng rehistradong botante ang mailalagay sa listahan para sa 2010 election.

Nuong nakaraang halalang 2007, may kulang-kulang na sampung milyong botante (10.0 million), first time voter, mga marginilized at vulnerable sectors ng lipunan ang hindi nakaboto (60-80% voters turn out) sa iba't-ibang kaparaanan; epekto ng gera, karalitaan sa kanayunan at kalunsuran, mga katutubo sa kanayunan, mga detainees, mga dis-abled at matatanda.

Sa nalalapit na 2010 at kauna-unahang Poll Automated election, inaasahang liliit ang voter's turn out (TO) o mas malaking bilang muli ang hindi makakaboto. Bukud sa kawalang voter's education sa sistemang Poll Automation, VOTE DENIAL operation o ang pagkaitang makaboto ang maraming botante, tulad ng pag-aalis ng pangalan sa listahin sa pamamagitan ng clustering ng mga presinto o sa araw mismo ng halalan, ang simpleng lituhin o pagurin ang mga botante sa paghahanap ng kanilang pangalan. Dahil Poll Automated na, tataas ang ante ng pamumudmud ng pera (vote buying), harasssment at pananakot. Maaring 2 ang layon ng vote buying; huwag ng pabotohin (vote denial) at paulit-ulit pabotohin.

Ang pinangangambahan at "nanay ng lahat ng pandaraya" ay ang malawakang pandaraya't kaguluhang magbubunsod ng failure of election na maaaring iinstiga ng ilang praning at matakaw sa kapangyarihan sa Malakanyang.