Ayon sa March 2006 survey ng Social Weather Station (SWS), bumababa na raw ang self-assessed proficiency ng Pinoy sa English. Maaring sabihin nating positibo, maaring trahedya rin sa iba.
Tanggap na natin ang hamon ng rumaragasang globalisasyon, paggamit ng English, ang bersyon ng English kalabaw at Taglish. Patuloy na pinatatag ng Pilipinas ang trono bilang pinakamahusay na OFW-skilled, entertainer, domestic helper, care giver at prostitutes sa buong mundo at "ikatlo sa mundo na nagsasalita ng English."
Sa kasalukuyan, mahigit kumulang na 8 milyon Pilipino ang nasa labas ng bayan; Australia, Canada, Japan, Italy, Saudi Arabia, Hongkong, Germany, UK, at iba pa. Sa Amerika na lamang, mayroon nang 1 milyon at dumarami pa. Halos malagpasan na natin ang mga Intsik doon kung bibilangin pati yung mga TNT (tago ng tago). Sa tingin ko, hindi habang panahon ay OFW na lamang tayo!
Apat na siglong nilooban (occupation)tayo ng Amerika, Hapon at Kastila. Noong panahon ng Kastila, ginamit ang wika upang ikintal sa utak natin ang mensahe ng kabanalan at pagiging masunurin. Sa ilalim ng Kano, sa loob lamang ng kalahating siglo at ilang dekada matapos “ibigay ang kasarinlan”, isinubo ang wikang English bilang opisyal na lengguwahe.
Mula sa sistema ng ating edukasyon bilang medium sa pagtuturo, gamit ang English sa gubyerno’t lehislatura at pakikipagtransaksyon sa negosyo. Mula sa aklat at iba pang reference materials, magazines, research manual at script ay pawang nakasulat sa dayong wika.
Sinasabi ng ilang kritiko na tuluyan na tayong nawalan ng tunay pagkakakilala sa sarili. Sa awit ni Heber Bartolome na “tayo’y mga Pinoy”, para tayong asong ngumingiyaw at hindi tumatahol. Sino ang maniniwala na makakagawa tayo ng sariling awtomobil na pinatatakbo ng hydrogen gas-tubig, karaoke, land rover na ginamit sa buwan o maging ang ilaw na fruorescent kung patuloy ang pambubusabos ng ating wika.
Kung gusto mong maging pulitiko kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay wikang English ang dapat na gamit mo. Sa simpleng paghahalintulad, ginamit ang English sa pangungulimbat. Yung salitang commission, under the table, standard operational procedure (SOP) at “substantial compliance” ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungukurakot.
Ginamit ang English sa pagbibiyahe sa abrod o jungket. Ginamit ang English sa land grabbing at malakihang pagnanakaw. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang makabayan. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya’t paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala.
Sinasalamin ng ating wika ang ating pagkatao bilang Pinoy. Ipinagpapalagay na hindi raw “pambansa” at hindi “intelektuwalisado” ang wikang Filipino, pero ito’y dahil sa konteksto ng ating bayan. Kailan ma'y hindi na tayo nagkaisa bilang isang bansa.
May sari-sariling pananalig ang ating mga pulo at barangay. Kay dali nating bumigay sa tindig na mapanghati at rehiyonalistang mga pulitiko’t kaaway ng wikang Pilipino. Paanong magiging “pambansa” ang isang wika sa loob ng isang bansang mahina ang damdamin at kamalayang makabansa?
Ang “intelektuwalisasyon” ay isang kasong dapat ibintang sa uri ng ating
edukasyon at kultura. Napakababa ng ating literasi. Napakababaw ng
nilalaman ng pagtuturo at ng mga nababasa’t napapakinggan ng sambayanan.
Paano magiging “intelektuwalisado” ang Filipino kung hindi gagamitin ng mga intelektuwal? Paanong aangat ang karunungan ng taumbayan kung ang mga dapat nilang matutunan ay sinasalita at isinusulat sa wikang hindi nila naintindihan o alam?
Ayon kay Virgilio Almario sa aklat na Tradisyon at Wikang Filipino, “Anupa’t ang problema ng pambansa at “intelektuwalisasyon” ay katulad ng kasabihan tungkol sa iniuuna ang kariton sa kabayo. Ipinahihila sa wika ang mga suliranin nasa unahan. Samantalang ang dapat mangyari ay ilagay ang mga suliraning ito sa likuran ng wika at saka tulong-tulong nating itulak ang kariton tungo sa pagsulong ng Filipino.”
Hindi totoong nakabatay lamang sa Tagalog ang wikang Filipino. Magkakapamilya ang mga katutubong wika sa Filipinas. Nagkataon lamang sa ating kasaysayan na Tagalog ang unang ginamit na batayan sa pinalaganap na wikang pambansa mula pa noong 1935. Tinaguriang Ama ng Wikang Pilipino na isang Tagalog si Pres Manuel Quezon noong Disyembre 31, 1937 ng Commonwealth Act No. 570. Malaki na ang pagbabago ng Tagalog nuon 1935 sa Tagalog ngayong kasalukuyan.
Sa kabila ng pabago-bagong patakaran ng gubyerno sa wikang English, hindi
maitatatwang mayorya ng populasyong ng bansa ang marunong ng Filipino. Sa survey halimbawa ng Surian noong 1982 sa wika ng radio at telebisyon, lumilitaw na ang gumagamit ng wikang pambansa ay may 82.55% Pilipino, 15.43% English, 1.98% Espanyol at 0.02% iba pang wika. Noong 1986, ang uri ng Filipino sa print media ay 79.76% Pilipino, 14.95% English at 5.28% Espanyol.
Noong Pebrero 1989, nagpalabas ng survey ang Ateneo de Manila at lumitaw sa estatistika na 92% ang nakakaintindi ng Pilipino sa buong bansa, 83% ang nakapagsasalita nito, 88% ang nakababasa nito, at 81% ang nakasusulat nito. Sa naturang pambansang saliksik ay lumilitaw ring 51% lamang ang nakaiintindi ng English at 41% ang nakaiintindi ng Cebuano.
Lumalabas na hindi totoong kakaunti ang marunong ng Filipino. Kung matatandaan, kaliwa’t kanang sumigla ang komiks, tabloid, pelikula at awiting Filipino noong dekada ‘70s at ‘90s. Dumami ang nagiging POPULAR ang mga programa sa radio at TV na gumagamit ng Filipino.
Hindi totoong mababa at makitid ang karunungang makukuha sa Filipino. Pakulo lamang ito ng mga maka-English na naniniwalang hindi tayo uunlad kung hindi tayo marunong mag-English. Ang tunay na karunungan ay yaong lumulutas sa pangangailangan ng tao, yaong nagagamit niya para mabuhay.
May sarili na tayong teknolohiya para mabuhay at magsarili. May nalinang na tayong paraan ng agrikultura at mga industriya para masagot ang ating pangangailangang pangkabuhayan.
Intelektuwalisado na ang ating wika noon pa man. May mga salita ito na naglalaman ng mga katutubong kaalaman sa pilosopiya, politika at teknolohiya.
Sa isinagawang pag-aaral sa Third International Maths and Science (TIMSS) noong dekada 90s sa mahigit kalahating milyong kabataan ng mundo, pang-labingpito (17th) at pangdalawangput walo (28th) lamang ang USA sa agham at matematika. Nangunguna ang bansang Singapore, S. Korea, Czech Republic, Japan, Bulgaria, Netherland, Hungary, Austria at Belgium.
Kalahok dito ang Pinoy kaya lang hindi ito naisama sa opisyal na talaan sa
kadahilanang nasa kulelat ang ating mag-aaral. May sinirang mga “alamat” ang TIMMS. Una, wala sa laki ng badyet ang kahusayan sa pagtuturo sa agham at matematika. Hamak na ang liit na ginagastos ng Czech Republic at South Korea sa edukasyon ngunit ungos na ungos ang mga ito sa malalakas gumastos na bansang gaya ng Germany at Great Britain. Hindi rin nakukuha sa liit ng klase at haba ng oras sa pag-aaral.
Maliliit lamang lagi ang bilang ng mag-aaral sa klase sa France, United State at Great Britain. Samantala’y laging doble ang laki ng mga klase sa mga bansa sa Asia, kahit sa Singapore at Hongkong, ngunit matataas ang marka kaysa sa nabanggit na mayayamang bansang Europeo.
Sa huling listahang inilabas ng Times Higher Education Supplement-Quacquarelli Symonds (THE-QS) World University Ranking itong 2006, nasa top 50 ang mga mauunlad na bansa sa US at Europa. Sa Asia, nangunguna ang China, pang 14th ang Peking University at 28th ang Tsing Hua University of China, 19th ang Univ. of Tokyo at National University of Singapore, 29th ang Kyoto University (Japan) at 33rd ang University of Hongkong. Nasa malayo ang Engliserang bansa natin, 299th ang University of the Philippines, 392nd ang De La Salle, 484th ang Ateneo de Manila, 500th ang UST.
Kung sa Asia ang pagbabatayan, dinaig tayo sa ranking ng mga unibersidad na matatagpuan sa Taiwan, India, S. Korea, Thailand, Malaysia at Indonesia.
Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay, kung ang English ang magpapawi ng karalitaan, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro numero uno na tayo sa Asya!
Nasa yugto na tayo ng tinatawag na Panahon ng Kaalaman. Sa ganitong kalagayan, napakahalaga ngayon ang pagpapaabot, pagpapalitan at pagpapaunawa ng kaalaman o mga kaisipan upang makamit ang mithiing kaunlaran.
Totoong may sapat na kakayahan ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa mga dayo ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi natin makakamit ang tunay na sariling kamalayan kung patuloy tayong walang kakayahang makipag-ugnayan sa sarili nating mga kababayan, ang ugnayan sa mamamayang nananawagan ng pagababago.
Sabi nga ni Randy David, “walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at binabasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating sarili’t-katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isangtabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon. “
Francisco Cinco
April 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Hey I'd love to thank you for such a terrific made forum!
I was sure this would be a perfect way to make my first post!
Sincerely,
Monte Phil
if you're ever bored check out my site!
[url=http://www.partyopedia.com/articles/snow-white-party-supplies.html]snow white Party Supplies[/url].
Hi I'd like to congratulate you for such a great made forum!
Just thought this would be a nice way to introduce myself!
The only right way compile fortune it is usually a sensible plan to begin a savings or investing strategy as soon in life as achievable. But don't worry if you have not thought of saving your assets until later on in life. As a result of hard work, that is analyzing the best investment vehicles for your assets you can slowly but surely increase your growth so that it amounts to a huge amount by the time you wish to retire. Observe all of the achievable asset classes from stocks to real estate as investments for your money. A wisely diversified portfolio of investments in a wide range of asset classes will help your money build through the years.
-Kelly Figura
[url=http://urwealthy.com]currency conversion [/url]
top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]uk casino bonus[/url] hinder the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]casino online[/url] free no deposit bonus at the foremost [url=http://www.baywatchcasino.com/]baywatch casino
[/url].
Wow, awesome weblog structure! How long have you been blogging for?
you made blogging glance easy. The whole glance of your web site is great,
let alone the content material!
Also visit my web page pixnet.net
advertising
Feel free to surf to my weblog: www.moodlesocial.com
F*ckin’ awesome things here. I am very satisfied to
see your article. Thank you so much and i'm taking a look
forward to touch you. Will you kindly drop me a e-mail?
Look at my web blog: Finestrat Property
my companyThis Site this pagethis link see it herethis article
this hyperlink high end replica bags explanation replica gucci bags Click Here best replica designer
Post a Comment