Tulad ng inaasahan, maa-abswelto ang apat na heneral at isang colonel na diumano'y sangkot sa pandayarang dagdag-bawas sa halalan noong 2004 Presidential Election. Sa ordinaryong Pinoy, hindi na ito balita, ang balita ay kung napatunayang guilty at na-court martial ang apat na Heneral. Mgatataka tayo kung may delicadesa't nagsipag-resign ang buong komisyon-ner ng COMELEC at nag-ala Thaksin si Ate Glo! Yan ang balita, yan ang healine!
Ang problema ngayon, sinong engot ang maniniwala kay Mike Defensor at kay Ate Glo? Negative-zero ang kredibilidad ng Malakanyang. Ayon sa mga Senador, upang hindi mabulabog ang AFP at Malakyang, sina-nitized nila ang resulta ng Report. Kaduda-duda ang laman at resulta ng fact-finding report ni Mayuga;
Una; ayon kay Rep Roilo Golez, "dinuktor o nagkaroon ng switching" sa orihinal na MayugReport.
Pangalawa; para walang kilos protesta sa lansangan, itinaon sa bakasyon (Semana Santa) ang labas ng Report.
Pangatlo; dahil bakasyon, umiiwas at sinekreto ang lugar ng announcement-interview kay Mayuga at sa government owned television lamang ito ipinalabas. Walng media pipol ang nakasubybay sa nasabing anunsyo.
Pang-apat; simula't simula pa lamang, hindi naging transparency at over delayed ang pagkakalabas nito. Wala ninumg media, senador ang naka-access sa dokumento at winidhold ito ng mahigit dalawang buwan (2 months) sa Malakanyang bago inilbas.
Panghuli; kung totoo ngang walang "partisan politics" at hindi nakialam ang apat na Heneral sa dayaan noong 2004 election, bakit bigla-biglang ipagbabawal na mula ngayon ang pakikialam ng AFP sa mga darating na halalan (2007), ayon sa isang rekomendasyon ng AFP?
Negative-zero ang kredibilidad ng Malakanyang. Sariwa't hindi malilimutan ng country ang makailang beses na linlangan, manipulahan, goyoan, katiwalian at kasinungalingan ni Ate Glo; Ang Rizal Day Statement na “hindi na ako tatakbo sa 2004 Presidential election"; Ang 464; CPR; ang 1017 at defacto Martial Law; “ang Piso at gumagandang ekonomiya”; na intak, buong-buo at solid ang AFP; na may sabwatan raw ang junior officers at CPP-NPA; na may Kudeta raw sa Pebrero’06 at itatayo ang Military Junta”; na wala raw alternative sa kanya, na siya raw ang "best president" at inilukluk ng Diyos, na wala raw unemployment sa bansa, mismatch at mapili lang daw ang Pinoy at higit sa lahat, yung response sa editorial ng New York Times na "may demokrasya raw sa Pilipinas?"
Sa isinagawang whitewash sa Mayuga Report ng Malakanyang, hinding-hindi mapapatahimik ang mga patriotiko-idealistang mga junior officers. Alam ng buong mundo na inis-SPECIAL OPS nina Maj.Gen Hermiogenes Esperon, Maj Gen Gabriel Habacon, Rear Adm Tirso Danga, retired Maj Gen Roy Kyamko at isa pang Koronel ang halalan (dagdag-bawas) sa Mindanao at ito ang mga narinig sa commando type operation ni Ate Glo sa “hello garci” tapes para sa hiling na karagdaggang isang milyong boto noong 2004 election.
Lalo lamang binuhusan ng gasolina ang nagbabagang silakbo’t damdamin ng mga junior officers. May inhustiya na nga sa buong bansa’t sa AFP, katiwalian at kabulukan sa loob ng AFP, nakakulong at naka court martial pa ang ilan sa kanila dahil sa “pagtataksil” daw sa republika, wala pa ngang close door sa “hello garci”, dinagdagan pa ng PAG-AABSWELTO’T switching ng “Mayuga Report”!
Walang dudang pati mga kasama ni Col Querubin na YOUng sa Mindanao, Gen Lim at Gen Gudani (nadistino sa Mindanao) sampu ng mga bata-batalyong yunit na nakasaksi sa maniubrahan, gapangan, bayaran at madgikan ay talagang magwawala’t mag-aalburuto.
Ano ang aral nito, ano ang ibubunga nito, ano ang epekto nito? Tipping point? Ano pa nga ba, eh di isang “big push” muli, panibagong pag-aaklas ng junior officers – Magdalo-YOUng at baka dito’y tuluyan ng mapatumba ang gubyernong iligal ni Ate Glo.
Paano na ang kampanyang pipol inisyatib, cha cha-parliamentary shift ni Ate Glo, ang snap election at panibagong impeachment complaint ng oposisyon sa Kongreso at welgang bayan sa Mayo Uno ng mga militante? Koordinado ba'yan, sabay-sabay ba'yan o unahan na lang?
-Doy Cinco / IPD staff
April 12, '06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment