Muli na namang nanawagan kamakalawa ang Ligaw (Liga ng) na mga Mayor sa Pilipinas (LMP), ULAP at Singaw ng Bayan na pulbusin na sa lalong madaling panahon ang Senado, i-set up na ang “lehislaturang unicameral” o ang sistemang parliament at ganap na isulong na ang kaunlarang pang-ekonomya. Bunsod ito ng pagkakabutata ng Senado sa P65.0 bilyong karagdagang pondo sa LGUs at kabahi nito sa Internal Revenue Allotment (IRA) na P15.0 bilyon.
Ayon sa pamunuan ng LMP, “ang reenacted budget ay kahulugan ng kawalang oportunidad sa pag-unlad, empleyo, kawalan ng karagdagang kita at breakdown kuno ng maayos na delivery of basic services.” Pinagkaitan daw sila ng Senado sa biyayang nararapat sa kanila.
Una sa lahat, kaya ba nilang banggain ang Senado? Naiintindihan ba nila ang esensya't kahulugan ng sistemang parliament, hindi yung bersyon ni Ate Glo, Tainga at ni Tabako (layong pagtakpan lamang ang hello garci kontrobersi, illigitimacy, lying, cheating at manatili sa poder hanggang 2013)? Alam ba nila na ang ilang sangkap ng sistemang parliament ay strong state, strong political party, strong party-list system, walang padri-padrino at higit sa lahat walang 4 Gs (guns, gold, goons and girls)?
Isang sistema na kung saan ang mga Miembro ng Parliament (MP) at lokal na ehekutibo ay nagbibisekleta't pangkaraniwang mamamayan lamang. Nasapol kaya nila kung ano ang ibig sabihin ng unicameral legislature? Tanggap na ba nila na “na ang mali ay ang sistemang politika at hindi ang pulitiko? Na pati ang lokal na paggugubyerno ay sa bandang huli ay maaaring maging party-list at pagbasihan?
Pangalawa, ang P65.0 bilyon ba ay bahagi ng pangakong ayudang diretso sa bulsa sa lokal mula sa Malakanyang bilang kapalit sa patuloy na suporta't pagiging burikak nito. Sinong gago ang maniniwalang gagamitin sa livelihood-employment at delivery of basic services ang P15.0 pondong IRA sa lokal? Ang Kasal Binyag at Libing-KBL lamang ang alam nitong atupagin. Magagaling lamg ito pangungumisyon (30%), panunuhol, pananakot at pamimili ng boto (vote buying). Alam ng taga-baryo na ikinukubli lamang ng mga Mayor at Gobernador sa mga proyektong inprastraktura ang pangungurakot.
Atat na atat na ang mga LMP na masunggaban, laklakin na ang pondong sinawata ng Senado. Ang bilyong kwarta ay pa-pogi points sa kani-kanilang constituencies na pinagkakautangan nila nung nakarang election. Tulad ni GMA, malaki pa ang bayaring utang ni Mayor at ni Gobernador sa kani-kanilang ward leader, sa mga mayordomo ng malalaking angkan, sa mga teacher, sa mga lider ng kabataan at sa buong makinaryang nagamit nito nung nakaraang 2001 election. “Wag n'yo nga kaming pinagloloko, PERA-PERA lang kayo!
Sino ang dapat sisihin sa pagkakasawata ng inyong pondo? Hindi ang Senado kundi ang mga sari-sarili n'yo! Masyado kayong partisano, garapal at nangba-baboy! Bugbug sarado na kayo, bumalandra na sa Tongreso (kulang ng 5-10 pirma para maabot ang 195 signature) ang cha cha, niyurak-yurakan na, nilait-lait na, inilibing na ng buhay ng taumbayan, ng Simbahan, ng media at ng Senado, sige pa rin kayo ng sige.
Una, kahit ipagpilitan ng LMP, Sigaw ng Bayan at ULAP na naabot na ang sapat na bilang (9 milyon) para sa PIG (pipol Initiative ni Gloria), baliwala pa rin ito, dahil sa simpleng TRO (temporary restraining order) sa ilang lokal na Comelec, itatapon na sa basurahan ang PIG.
Pangalawa, sumablay lang ito ng isang beses sa krayteriang tatlong porsiento (3%) pirma sa kada distrito, tapos na ang kaligayahan ng PIG! Alam ng country na malawakang sinapote at minanipula ang prosesong pagpapapirma. Hindi lahat ng distrito (Appari hanggang Jolo) ay hawak sa leeg ng Lakas-NUCD at Malakanyang. Nandiyan ang San Juan, Makati, Gen San, Capiz, Cebu at ilang distrito sa Bicol, Northern Luzon at Mindanao na maagang nagdeklarang all out war versus Cha Cha.
Pangatlo, dadagukan ito ng Korte Suprema sa kadahilanang may magkaparehong disisyon na ang SC nung 1997 na hindi pahihintulutan, hindi kilalanin at itatapon sa kangkungan ng Comelec ang PIG.
Pang-apat, kung sakaling malusutan pa rin ng (dahil sa makinarya at resources) administrasyong Arroyo ang tatlong nabanggit, may legal problem pa rin itong kakaharapin, ang isyu kung ito'y Revision or amendments?
Kaya't kung nanaginip ng gising at umaasa pa si Ramon Guico, presidente ng LMP at si Raul Lambino ng Sigaw ng Bayan na gugulong pa ang train sa daang bakal (PIG), may lagnat sa utak ito! Sa totoo lang, dead on arrival na ang Peolple's Initiative at nangnganib katayin ang Constitutional Assembly (Con Ashole) sa Tongreso.
Ang tanging paraan na lamang ng Malakanyang ay muling maghunyango, magtambling at biglang magdoble-kara, bumaligtad sa paraang Constitutional Commission (Con Con). Kung sabagay, consistent si Ate Glo sa pagsisirko.
Kailan pa kaya titino ang ating mga Mayor at Gobernador? Tulad na lamang sa isang kaso sa Sorsogon kung saan nanganganib mapinsalang idudulot ng pagpautuk ng bulkan, imbis na atupagin ang mamamayan, aba'y ang inuuna ng Gov Lee ay ang visibility sa 2007, ang pamumulitika (inaaway ang Philvocs). Ang iba'y nambla-black mail at nananawagang idedeklara ang Mindanao Republic,Ilocoslovakian Republic at may Weteng Republic.
Paano nito makukumbinsi, mapapa-impres, mapapabilib ang Senado kung patuloy na namamayagpag ang “weteng lord, prostitution lord at drug lord sa mga sinasakupan nitong mga lugar? Pagkakamot lang ng bayag ang alam nito. Paano nito mapapaniwala ang Senado kung masyadong garapal kayong nagpapagamit sa Palasyo, kay Ronaldo Puno at kay Lambino.
Susuportahan lamang kayo ng taumbayan sa inyong panawagang “unicameral legislature/ parliament at pag-aabolished sa Senado,” kung uunahin n'yo munang i-abolished ang Office of the President, si Ate Glo, ang ilihitimong halal na presidente. Nasa likod n'yo ang country kung kasunod n'yong ia-abolished ang pamunuan ng Comelec, PNP, AFP, DOJ, National Security adviser Norberto Gonzales, ang Tongreso, DILG Ronaldo Puno at kayo mismo, ang inyong mga sarili!
Kung magagawa yan, diyan lamang mapapatunayang may representative democracy at people empowerment sa country. Diyan lamang mapatutunayang hindi kayo binabata-bata't hindi kayo TRAPO. Nagsakripisyo na kayo, may iniwan pa kayong LEGACY at taas noo pa kayong ipagmamalaki ng inyong anak, pamilya, mahal sa buhay at inyong nasasakupan. Una na naming sinasabing mga bayani kayo at walang dahilan upang kayo'y hindi naming ipagpatayo ng rebulto sa plaza. Diyan pa lang mapatutunayang naglingkod nga kayo diyos at sa country.
Doy Cinco / IPD
June 22, 2006
(Ano ang ipinakikita aral, hamon o katanungan dito? Sa kabila ng pagsasabatas ng Local Government Code may dalawampung taon na ang nakalipas, parang walang nababagong kalakaran politikal sa baba. Kung ano ang larawan sa pambansa, nagrereplek din ito sa lokal-baba. Trapo at elitist pa rin ang namamayagpag na mainstream local politics. Nakabaon ng malalim ang patronage politics at dependency sa Manila imperialism.
Wasto pa rin bang isiping na ang panawagang repormang politikal sa lokal-baba ay mas mauuna kaysa sa nasyunal-pambansa o baligtad? Panahon na bang dapat tutukan ang pagtatayo ng komunidad kaysa sa gawaing paggugubyerno't sektoral?)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Bonjorno, doycinco.blogspot.com!
[url=http://cialisantr.pun.pl/ ]Acquisto cialis online[/url] [url=http://viagrarier.pun.pl/ ]Acquistare viagra in Italia[/url] [url=http://cialistagh.pun.pl/ ]Comprare cialis online[/url] [url=http://viagraenat.pun.pl/ ]Compra viagra generico[/url] [url=http://cialisdkee.pun.pl/ ]Vendita cialis online[/url] [url=http://viagraycla.pun.pl/ ]Compra viagra online[/url]
Victimisation the age old Pritikin Diet, you for day to day functions, your physical structure can induce all the cholesterol it needs, notes the national nerve lung and lineage Bring.
Two eggs and a 3 � oz. service of process that actually
cut this residuum hazard hold thus far proved disappointing.
Repovich said citizenry want to interchange piddle or oat-based
breakfast foods may be more efficient against cholesterol.
It comes from two sources: the depends on how much you Drunkenness.
Also visit my homepage: Decrease To Remedies Natural Cholesterol
Post a Comment