Friday, April 18, 2008

Erap ule sa 2010?

Mukhang nasa "electoral mode" na ang political opposition. Habang ang ilang grupong militante ay nagbabalak ng malawakang kilos protesta at "FOOD RIOT," isang milyong signature campaign para sa 2010 naman ang ipinoporma ng mga galamay ni Erap. Sa kabila ng patuloy na hindi humuhupang krisis pang-ekonomya, pulitikal / political uncertainty, dinagdagan pa ng panibagong krisis at taas ng presyo ng bigas at bilihin, mukhang ang “tulay na sinasabi ni Erap na underconstruction para sa 2010,” bukud sa kakatayin, hindi ito makakalusot sa Supreme Court na hawak sa leeg ni Ate Glo, wawasakin ito ng pwersa ng Malakanyang.
(Photo:
Former President Joseph Estrada opens the party caucus of the Pwersa ng Masang Pilipino at Club Filipino in Greenhills, San Juan yesterday. - Photo By BOY SANTOS, http://www.philstar.com/)

"Ang moral authority na nabawi ni Erap itong mga nagdaang panahon" ay muling mailalagay lamang sa kumunoy ng kahihiyan, sa political suicide kung ito'y mauutong tumakbo sa 2010. Batay sa mga insider, wala na talagang balak bumalik sa pulitika si Erap sa 2010. Ang hinala ng marami, mas si Sen Jinggoy (Vice President) at si Mayor JB Ejercito (Senator) pa ang pinatatampok, pino-float para sa 2010 at decoy lamang si Erap. Kaya lang, para sa mga sipsip na nasa paligid ni Erap na nangbubuyong muling tumakbo ito sa 2010 presidential election, sa totoo lang, "sila ang mga tunay na mga kaaway sa pulitika at tatraydor kay Erap."


Batid ni Erap ang talamak na dayaan sa election sa Pilipinas, sapagkat ultimo ang yumao at matalik nitong kaibigang si FPJ ay naging biktima nito. Kaya't sa tingin ko, ang pinakamagandang iiwang LEGACY at papel ng dating Presidenteng si Erap ay "lumahok pa rin sa darating na 2010 presidential election hindi bilang kandidato bagkus bilang ahente ng reporma, umastang aktibista't tumulong sa pababago ng sistema ng politika sa bansa."

Tumulong si Erap na palakasin, pagkaisahin ang mga Political Party ng opposition at itakwil ang mga political opportunism, baligtarin, nangurakot at higit sa lahat mga TRAPO. Magkaroon ng malinaw at patingkarin ang plataporma at alternatibong people's agenda ang partido at hindi ang nakagawiang personality oriented, showbiz at elitismo. Itakwil ang political clan, oligarkiya, kasal binyag libing at guns gold at goons, ang ugat kung bakit napapariwara't nababastos ang eleksyon sa Pilipinas.

Dahil wala tayong maasahan sa bagong talagang si Justice Melo sa Comelec
at dahil sa UNREFORMED ELECTORAL SYSTEM at BULUK na COMELEC, tulad ng dati, inaasahang mas magiging madugo, madaya, magastos at hindi kapani-paniwala ang 2010 election. Mas kapani-paniwala pang magiging masahol pa sa 2004 at 2007 ang kahihinatnan ng 2010 election. Mas nasa maayos na pwesto kung pangunahan ni Erap Estrada ang kampanya sa political maturity, kampanyang VOTER’S EDUCATION, ilantad ang TRAPO POLITICS at i-advocate ang matagal ng panawagang political at electoral reform sa bansa. - Doy

Related Story:
Erap tells Palace to stop ‘paranoia,’ says no plan to run in 2010 - By Jose Rodel Clapano And Aurea Calica
http://www.philstar.com/index.php?Headlines&p=49&type=2&sec=24&aid=20080419121

Binay: Erap is ‘last option’ of opposition in 2010 by ASHZEL HACHERO
http://www.malaya.com.ph/apr22/news6.htm

Comments:

4a1978
The one major catalyst of change in Russia was Gorvachev. Once a very powerful insider. One who was part of the system. Russia is now moving forward because of him. Erap has the opportunity to take a similar role. Now is the time keep reforms moving so that when 2010 election comes people are well informed. Whilst corruption and food crisis has tremendous impact in the hearts and minds of the people Erap should push on to be known as the man of goodwill. Hopefully history will judge him based his remaining years pushing for reforms to eliminate poverty. If he miss this boat there will be no second wind. Erap open your sail and take the wind of change. Filipino people all over the world will sail with you. Let's get out of the safe harbour. Let's get rid of the bliss of ignorance and face the world. We only live once. - rene

2 comments:

juan said...

never again to erap

doy said...

Juan salamat sa comment. Yung tulong na isinasagawa ng kampo ni Erap sa mga mahihirap ay isa na sanang oportunidad upang i-eduka ang kalakhang maralitang lunsod sa Kamaynilaa. Bakit sila mahirap, bakit mataas ang unemployment rate sa bansa, bakit binabansot ang minimum wage ng manggagawa, bakit malupit sa maralita ang basic services na dapat tinatamasa nila? Bakit hanggang ngayon ang serbisyo sa kuryente, tubig, edukasyon at kriminalidad ang hanggang ngayon ay bumabagabag sa kanila. Yan dapat ang tinatalakay o klase ng edukasyon, inpormasyon na ibinibigay ni Erap sa mga maralitang lunsod, ang EDUKASYON para sa KATOTOHANAN.