Sa walang puknat na pagtaas ng bilihin at pagkain, DOLEOUT at SUBSIDYO ang tangang solusyon ng Malakanyang. Matapos pumapel sa distribution side at importasyon ng bigas ang Dept of Agriculture (DA) at NFA, papasok na sa eksena ang isa pang gagong ahensya ng gubyerno, ang DSWD at LGUs. Sa anyo, sa pamamaraan at sa pamamahagi ng family ACCESS CARDS para sa mahihirap na Pilipino na matatagpuan daw sa dalawampung (20 poorest provinces) naghihikahos na probinsya sa bansa. P5.0 bilyon piso ang nakalaang budget para sa 300,000 mahihirap sa buong kapuluan ang siyang sentro ng programa. Nasimulan na raw ito sa probinsya ng Agusan, Misamis Occ, Surigao del Sur, Abra at sa lunsod ng Kamaynilaan. Mayroon na namang sasagpangin ang mga KURAKOT na pulitiko-LGUs at Malakanyang.
Sa programang Ahon Pamilyang Pilipino (APP), isang "kondisyunal na cash transfer na nagkakahalaga raw ng P500.00 buwanang welfare subsidy plus P300.00 sa bawat anak na batang (3) nag-aaral ang matatanggap ng bawat maralitang pamilyang Pilipino . Ang suma total, maksimum na subsidyong nagkakahalaga ng P1,400.00 kada buwan na ihahatag mula sa Land Bank of the Philippines (LDP) bilang “tulong sa mga kapuspalad na maralita.“ Ang sistema ng distribusyon ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng Access Card, isang dokumentong papel na ibibigay ng DSWD sa bawat mahirap na Pinoy para tiyakan daw at masigurong sa mahihirap na pamilya nga mapupunta ang ganansya.
Una; sa datos pa lang ng DSWD, mali agad. Hindi totoong nasa 300,000 lamang ang mahihirap na pamilyang Pinoy. Sa totoo lang, 1/3 ng populasyon ng bansa (lalo na sa kanayunan) ay mahihirap, sila ang kumikita lamang ng P100.00/kada araw at dumadanas ng masidhing kagutuman. Kung Kalakhang Manila lamang ang pag-uusapan, nasa mahigit kumulang na isang milyon (1.0 milyon) ang mga nangangailangan ng agapay na ACCESS CARD ng DSWD-LGUs. Dapat mabatid ng Malakanyang na may karapatan ang lahat ng Pilipino na maka-avail ng murang bigas, sa palengke man ito o sa NFA.
Ang pagbubukud-bukud o ang selection process, ang pamimili't paghihiwalay sa mayayaman, middle class o mahihirap ay isang panggagago na sa Pilipino. Sinong mayaman ang matyayagang pipila, kakain ng GMO (genetic modified) na bigas na galing US at NFA? Kahit nga middle class (lower), hinahatak pababa sa karalitaan, pagkakaitan n'yo pa ng karapatan sa NFA rice dahil lamang sa hindi sila nakatira sa mga iskwater? Ang malapit na katotohanan, ang mga ACCESS CARD na binabanggit ay walang dudang mapapasakamay lamang sa mga bata-bata, sa mga political at electoral base maibabagsak at sa mga kakilala't koneksyon ng mga pulitiko.
Pangalawa, bukud sa palyatibo at band aid solution, paano AAHON ang PAMILYANG PINOY kung patuloy itong nakasandig sa pulitiko't buwitre. Imbis na pagtrabahuin ang mga tao, kahit sa anyo man lang o sa pamamagitan ng pagpapa-attend ng seminar (livelihood-micro finance, environmentalism, seminar tungkol sa voter's education, etc..) o ang sistemang “food for work,” kung saan "bayanihang" pagtatrabahuin ang mga tao sa kumunidad (hal sa pagtulong ng pangongolekta ng basura, clean and green, infra project) kapalit na (doleout) ihahatag na murang bigas ng NFA. Sa sistemang buluk ng DSWD at LGUs, lalo lamang "magiging pala-asa, maging tamad, lalong mayuyurakan ang dignidad at lalo lamang mapapariwara sa kulturang karalitaan at mendicancy ang mamamayang Pilipino." Kung baga sa biblia, kung gusto mong makatulong sa mangingisda, "bigyan mo ng lambat hindi pagkain." (Editorial Cartoon: http://www.abante.com.ph/issue/apr2908/op_edit.htm)
Maganda man ang intensyon ng Malakanyang, trahedya't masama naman ang magiging epekto. Ang dapat sentruhan sana ng Malakanyang ay ang “long term solution,” ang pagpapalakas ng produksyong pang-agrikultura't kaunlaran sa kanayunan, ayudang subsidy para sa mga magsasaka na siyang nagbubungkal ng lupa at empleyo't pagtaas ng purchasing power ng tao.
Pangatlo, ang kutub ng marami, tulad nung 2002 at 2005 (2 years before election 2004 at 2007) hindi malayong paniwalaang maagang pamumulitika na naman ito, maagang “vote buying” at "paghahanda ng makinarya para sa 2010 presidential election." Bukud sa sinasamantala ng Malakanyang ang “krisis sa bigas” upang makapanglinlang, makapag-papogi points, makatabla sa pulitika at maisigurong mailatag ang pagpapatuloy sa kapangyarihan lagpas sa 2010 election, ginagawang GAGO ang mga maralitang Pilipino.
Doy
April 27, 2008
Related Story:
Editorial / Working to eat
Philippine Daily Inquirer
First Posted 00:08:00 04/29/2008
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/editorial/view/20080429-133283/Working-to-eat
DSWD's P5-B aid for poor prone to Palace graft – Lacson
http://www.gmanews.tv/story/92085/DSWDs-P5-B-aid-for-poor-prone-to-Palace-graft--Lacson
Editorial / Wala talaga sa ayos!
http://www.abante.com.ph/issue/apr2908/op_edit.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Offhand I think it is perverted for the Catholic Church to be opposing government financial assistance to the poor. But the spokesperson from the Church-backed Caritas who raised concerns about the government P5 billion aid package is no pervert. He is in fact a good cooperative leader and someone I respect and care about. Sometimes it is better just to shrug our shoulders and endure in silence when Justice Raul Gonzales, Senator Miriam Defensor Santiago and other nitwits in government open their mouths. But when we seem to disagree with people from our own ranks (OUR OWN being that active and vocal section of our society concerned about social justice), then we should thresh out matters a bit more thoroughly.
I can understand if they (THEY, the Church as a community of the faithfu) are worried about the targeting methods used and the possibility that the not-so-poor might instead benefit from the dole out package announced by the government. This is the problem of leakage and moral hazard. I can understand if they are worried about the degree to which those who are able to work and can find work would be dissuaded from working because of the dole out. This is the problem of perverse incentives. It is understandable if they raise concerns about how Gloria and the ruling coalition aim to capitalize on the assistance program for the next electoral confrontation in 2010. This is the problem of how vote-maximizing politicians shape their public choices. Or how to make the program sustainable and over time cover more and more of the poor who actually need the dole out.
But what do we hear? Without mentioning relevant data, Fr. Anton Pascual said "The government, through this subsidy, only teaches the poor to be lazy and depend on the government or on other people for their daily needs," as the news said.
There are poor people and there are poor people. The next step, it seems to me, is to find out when and where and whom it is needed to give fish and when to teach how to fish. When to provide food and when to run seminars on micro-financing and cooperatives to help them acquire their needs on their own.
We don't teach a drowning person how to swim. At the very least, standing on the banks of the river we should scream to tell him how to stay afloat until the rescuers come or throw whatever we can for him to hang on to if we ourselves do not know how to swim, or plunge to the water even on the slightest confidence that we ourselves can stay afloat.
The idea behind giving dole outs to the very poor I believe is a sound one. It prepares them for more life-saving and life-improving opportunities the moment they can think well instead of hallucinating about heaven and the savior that will bring them there. It spurs local demand for local products, since the most immediate demand of the poor would be food and the most available and cheapest food they can find in their locality. It can drive up the starvation wages in the informal sector offered to the poorest unemployed. It can radicalize their options by not giving up, for instance, on the primary schooling of their children.
It can give them HOPE, and this is the most precious commodity around due to the sheer shortage of it. I suspect that when the hopeless hear that there is in fact hope, they as human beings as rational as you and I will restart seeing that improving one's self, saving for one's self and family, and finding work are much, much more worthwhile than wasting away in silence, or for some wasting away in style through gin, gambling and gangsterism (the three Gs of the poor, not to mention druGs and ruGby) as your children subsist on a tiny piece of GalunGGonG every other day. Luckier people still don't get why the poor waste their few pesos on vice. Think about it? Why? Dahil ba sa GaGo at GunGGong sila? Come on, think harder.
How about the prescription that "The present administration should cooperate with non-government organizations, non-profit organizations, cooperatives, micro-finance institutions, faith-based and church groups successful in livelihood, education, health and housing programs and social entrepreneurship" ?
Imagine yourself as a decision-maker in government as a Cabinet official or as a Congressman wanting to do good. Should you recommend to the President to give funds to these organizations so they can run their programs? Maybe you should, but this has been tried before and until now I wonder how the P500 million Lingap sa Mahirap Program under Erap, transferred to the poor through co-ops, created a dent in poverty alleviation. Until co-ops can offer something better on how to use micro-financing funds then public authorities will be justified in trying other methods. Maybe we should argue for something similar to Lingap, but co-ops should first publish an evaluation of their experiences under that program.
The next anti-GMA ruling coalition of the elites to capture power in 2010 must think about how to improve and expand the emergency financial assistance for the poor initiated by the GMA government. Although thoroughly discredited, GMA can still do good things being the President, and this is one.
erikvillanueva
Kung sa bagay. Gumamit din ang sistemang Access Card ng US nuong panahon ng "Great Depression." (1930s), bilang kapalit (counterpart) sa pamamahagi ng libre at murang pagkain sa bawat isa, sa daang libong pumipilang mga maralitang Kano, ay ang PAGTATANIM ng PUNO. Si Herbert Hoover,isang Republican, ang presidente ng US sa panahon na'yon, (1929-33). Paang mahirap akusahang dole out si Hoover, sapagkat may malinw na patrabaho, ang pagtatanim ng puno. - doy
May nagsabi sa akbayan forum "Kaya siguro may duda ang simbahan dahil matagal na silang gumagawa ng doleout at alam nilang kapag walang follow through, hindi nga ito solusyon sa matinding problema ng kagutuman at food insecurity. Ako naman nagtataka kung bakit ang simbahan, at hindi LGU, ang nilalapitan ni Pres Evil. Dahil ba't alam na alam niya na di makakarating sa nangangailangan ang bigas kung sa LGU ito ipinaubaya?"
REAKSYON KO:
Kahit may follow-through o walang follow-through ang isang relief, emergency or dole-out operation, siguradong may nalulutas na problema ito: may nagugutom, binigyan mo ng pagkain o pambili ng pagkain; matapos nyang kumain, di na sya gutom. Ang ganda di ba? Eh pano yung iba pa na gutom din? Eh kasunod na problema na yan. Di ibig sabihin eh pangit na o di maganda na nagbigay ka sa gutom na kaya mong pakainin o gusto mong pakainin.
Bakit kelangan bakbakan yung nagbigay ng pagkain. Ang sisihin natin eh mga sarili natin kung wala tayong nagagawang follow-through (magseminar, magmicrofinance, blah blah blah) matapos na may magpakain sa gutom. Bakit yung ba ang ginagawa natin? Nagbibigay ba tayo ng follow-through?
Napakaraming binabanggit na solusyon ng mga NGOs at mga civil society groups at mga kilusan ng Kaliwa: kesyo walisin ang mga traders, kesyo organic rice ang itanim para daw bumaba ang production cost, kesyo dagdagan ang subsidy sa farmers. Somehow, dahil ito daw ang mga tamang gawin at dapat gawin, eh pangit na ang programang subsidy ng gobyerno!
Pati sa kung kanino dadaan ang pondo pinagtalunan na: bakit daw hindi sa koop at NGO, bakit hindi sa simbahan, at bakit daw sa LGU? Hayy naku... pag sa LGU dumaan, gagamitin ito ng mga pulitiko para sila maging gwapo para maalala sa susunod na eleksyon ("stay with me and you shall never go hungry again!" - Scarface, "The Lion King").
Pag sa simbahan, gagamitin ito para makapagsermon (hoy mga tamad, magsipagtrabaho kayo at baka kayo mapunta sa impyerno! huwag kayo anak ng anak ha? pero wag na wag kayo gagamit ng condom, sa impyerno kayo pupunta nyan!)
Pag sa NGO naman: kailangan po natin ng people's empowerment, sustainable development, rights-based approach, gender balance and equity, participatory governance, ....sir, anong oras po meryenda?)
Ang punto ko lang po, magkaroon naman po ng katiting na good will man lang . Wag naman banat lang ng banat. Ang dapat pa nga eh purihin ang gobyerno ni Gloria Macapagal Arroyo dahil sa inisyatiba nito na bigyan ng pera ang mga kapos at gutom. At purihin pa ito para dagdagan ang mga kapos at gutom na mabibigyan ng ayuda.
Mabuhay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo! Magpasalamat tayo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo! Mabuhay ang Pangulo!
Anong oras daw yung tubig?
Eh yung bigas anong oras daw?
Este, mam, kailan nga po pala kayo magreresign? Pwede po bang kanyunin o hagisan nyo muna nyo muna ng granada (ng pagbabago at makabuluhang reporma, hahahaha! bawi agad at may anti-terrorism act na) ang COMELEC bago kayo magresign?
Humihingi po kami ng tulong sa mahal na Pangulong Arroyo. Tulungan nyo po kami!
Newscaster: may sasabihin pa po ba kayo inang?
Inang: Mister, eto po yung anak ko, mabait po yan at masipag.
Oki lang P're. Yung "Family Access Card, panggaGAGO sa mga Pilipino," ay isang DISKURSO lamang, provocative ang dating at may layuning, pasiglahin, pagyamanin ang diskurso't debate sa hanay.
Sa tingin ko, wasto't kakatigan ko pa rin ang position ng Caritas. Maaring "pansamantala relief, panghatid gutom, tulad ng P 500.0 million Lingap para sa Mahihirap Program ni Erap (pumalpak na band aid at palliative)."
Masakit man sa kalooban kong 'wag abutan ng kaunting barya ang gusgusin, ang nakaluhud na aleng may hawak na sanggol, isang mamang baldado na may hawak na lumang accoustic at kumakanta, may hawak na lata at humihingi ng barya sa underpass ng Plaza Miranda, sa Luneta, sa overpass ng Philcoa at sa gilid ng Mercury Drug, batang namamalimos sa loob ng Bus, nakakaiyak, mas nakapanggagaliiti.
Mga pangitaing mula pa nung bata pa ako, hanggang sa kasalukuyan, hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin, ang marginalization.
Bukud sa gubyerno, walang dudang marami sa hanay, sa NGO community, simbahan ang nag do-dole out, base sa kanilang mandato at INTEREST, gumagawa ng PANG-AABULOY program, pagiging pilantropo, hayaaan na natin, sa kanila na yan, respeto na lang.
Kaya lang, sa konteksto natin, na nag-aadvocate ng kakaiba, (Institute for Popular Dem / democratization, alternative, may history at tradisyong pinanggagalingan), sabi mo nga "sus dev, rights-based approach, gender balance and equity, participatory governance..etc... ... ewan ko hah.... mas sa EMPOWERMENT SIDE ang mas gugustuhin, mas exciting at MASAYA. - doy
Kasamang Doy (at iba pang kritiko ng subsidy sa poor):
Kahit balibaligtarin natin ang mundo, ang unang dapat gawin ng isang tao para sya magkaroon ng kapangyarihan o magkaroon ng kakayahan upang makibaka para sa kapangyarihan (EMPOWERMENT -- ang ganda sigurong gawing commercial brand ng bigas yang salita na yan) ay kumain para palakasin muna nya ang kanyang katawan at papaglinawin ang kanyang isipan.
Napaka-basic nito at sadyang di ko maintindihan kung bakit di ito maintindihan ng marami sa hanay ng mga NGOs at sa hanay ng mga nasa liderato ng mga kilusang popular. Malamang nga eh liderato lamang ng mga social movements (o pa-sosyal sosyal movements) at mga pulitiko ang magsasabi na magdudulot lamang ng KATAMARAN ang programa sa subsidiyo ng gobyerno, na ito ay kontra mahirap (anti-poor) at hindi solusyon sa gutom at kahirapan.
Kung hanay ng masa ang magsasalita, malamang na ang tatanungin nila ay kung paano papalawakin ang programa ng direktang subsidiyo sa mga mahihirap, paano titiyakin na makakarating ito sa mga dapat na mabiyayaan, papaano hindi ito mapupunta sa bulsa ng mga tiwali sa loob at labas gobyerno, at paanong ang perang subsidiyo para sa mahihirap ay maglulunsad ng susunod pang antas sa pag-aangat sa ng kabuhayan ng maralita. Para sa masang organisado sa ilalim ng ibat-ibang kilusang popular, halos nakatitiyak ako na mas nanaisin nilang mapasama sa programa ang mga maralita sa kanilang mga kasapian.
At nanaisin din nilang mapabilang ang kanilang maralitang kasapian sa mga pagsasanay at pag-oorganisa sa mga gawaing pang-ekonomiya, emergency employment at food-for-work programs kung mayroon man. Isa itong bagay na dapat ding igiit sa pamahalaan, at dapat lamang na nagsisimula na rin tayong kumilos upang isakatuparan ito sa pamamagitan ng advocacy sa pagpapalawak ng labor intensive component ng mga public works at pagbubuo ng mga workers' cooperatives.
Ang paggigiit na ito ang dapat din nating gawin upang mabawasan o maiwasan ang anumang pagtatangka ng naghaharing koalisyon sa ilalim ni GMA na gamitin ang mga emergency programs gaya ng subsidy at patrabaho para sa kanilang kapakinabangang pampulitika.
The movements for social justice in the Philippines must declare that they view the government subsidy to the poor as a step in the right direction, that they fully support the program, EXCEPT that the government must guard against leakage, corruption, and wrong targeting, and that other complementary emergency measures like employment-on-demand and food-for-work particularly in public works and social services must also be pursued NOW. Akbayan, Laban ng MASA, NUPCO, IPD, and others I hope will issue this position. I hope Caritas and Wilfredo Tanada will change their minds and tackle this issue on a completely different tack.
Kung mali ang programa ng subsidy, mali rin pala ang pagbibigay ng limos o abuloy o dole out ng mga philantrophic organisations. Gago din ba ang mga iyan? O tama rin kaya sila kaya magrespetuhan na lang? Kung tama naman sila, e bakit magiging mali o gago ang programa sa subsidy para sa naghihirap?
Gago rin ba ang mga estudyante at mga guro kapag iginigiit nila na panatilihin ang subsidiyo sa mga state colleges and universities? Di kaya magdudulot lang ito ng KATAMARAN sa bahagi ng mga guro at mga magulang? Di ba dapat ay magtrabaho ang mga magulang para mabayaran nila ang buong halaga ng pagpapaaral? Di ba dapat ay magsumikap ang mga guro para pataasin ang kanilang kita sa merkado ng edukasyon?
Gago kaya ang mga magsasaka kapag ginigiit nilang dagdagan ang subsidiyo para sa agrikultura? Di ba dapat ay magsumikap sila at hindi pairalin ang KATAMARAN at pababain ang gastusin sa produksyon sa pamamagitan ng pagsusumikap at kooperasyon sa produksyon, marketing, pag-akses sa kredito, at paggamit ng anskop na teknolohiya?
Hindi gago ang mga humihingi ng subsidiyo para sa tertiary education, pero dapat ay handa tayong suportahan ang pagtanggal ng subsidy dito kung ang kapalit ay katiyakan na LAHAT NG BATA ay nasa mga paaralang may sapat na guro, building, desk, libro at pagkain sa tanghalian at reses. Sa palagay ko, mas epektibong paraan ito para matiyak ang ating kaunlaran at pagiging demokratikong lipunan sa hinaharap, kaysa bigyan ng subsidiyong nagkakahalaga ng presyo ng isang kotse ang mga di naman nagugutom na mag-aaral sa UP halimbawa (pero please po gusto ko po ipasok ang anak ko sa UP-Diliman eh).
Halos ganito rin ang lohika pagdating sa iba pang subsidiyo gaya ng agrikultura. Hindi gago ang mga magsasaka, pero hindi lang sila ang dapat tulungan, at hindi lahat ng rice farmers ay naghihirap. Mas epektibo ang iba pang uri ng dagdag na ayuda sa mga kanila bukod sa subsidiyo (dyan mo na ipasok ang cooperative development at infrastructure).
Ang pagtustos kaya sa pamamagitan ng buwis para sa mga pangangailangang pampubliko gaya ng mga tulay at kalsada ay gago rin? Hindi ba dapat ay magbabayad ang lahat ng tao, lalo na ang mga naka-kotse, sa bawat paggamit nila ng anumang kalsada o tulay? Hindi gago ang programa para sa pampublikong imprastruktura, ngunit dapat ding mag-isip paano maaaring gamitin ang users' fees para tustusan ito. Gago ba tayo na binabayaan nating gamitin ang ating buwis para sa pulis at militar samantalang ang mga mayayaman ang may higit na pakinabang sa mga ito dahil sila ang may mga ari-arian na dapat protektahan? Hindi tayo gago, dahil ayaw natin na nakabatay ang proteksyon at siguridad batay sa antas ng pamumuhay.
Kung tanggap natin na may mga larangan na kung saan tama ang subsidy dahil ang dapat habuling objectives ay EQUITY, SOCIAL JUSTICE, SOCIAL COHESION AND SOCIAL SOLIDARITY at pangalawa na lamang ang objectives of EFFICIENCY (kabilang na ang sinasabing paano iiwasan ang katamaran), bakit gago ang direct subsidy para sa mga naghihirap?
Gago rin ba tayo pag nag-aambag sa Simbahan, samantalang bukod sa pagsesermon ng kabutihang asal ay nagtuturo din ito ng superstisyon (magkakatulo ka pag gumamit ka ng condom) at huwad na pag-asa ng kaligtasan (kahit maghirap ka dito sa lupa, mapupunta ka naman sa langit)? Hindi naman siguro gago ang mga mananampalataya at ang Simbahang Katoliko, dahil may silbi din naman ang pagkakaisa batay sa paniniwala, gaya ng pagpapalaganap ng kabaitan, kabutihan at pagtulong sa kapwa. Pero hindi ito awtomatiko, madaming mga Kristiyano (charismatic man o born again) ang makasarili at naniniwala pa rin na kaya naghihirap ang maraming Pilipino ay dahil sila ay tamad o pinaparusahan o sinusubukan ng malupit nilang Dyos.
Mga gago ang mga daga na pumasok sa basurahan namin, nakikibaka upang mabuhay, naghahanap ng pagkain, at ngayon ay nakasalalay sa akin ang kanilang buhay at kaligtasan, bwahahaha! Di ko sila papatayin. Wala silang kasalanan sa akin.
erikvillanueva
"The masses must struggle for absolute power, for only in that power can they regain the humanity they have lost and share to millions of others the humanity they have never known."
Hindi natin dapat katigan ang CARITAS sa kanilang pananaw na ang subsidy ay magdudulot lamang daw ng katamaran sa hanay ng mga mahihirap.
Bagkus, dapat silang batikusin sa kanilang pananaw na reaksyunaryo, pyudal, kontra-mahirap, at di nakabatay sa syentipikong pagsisiyasat.
Malaki ang impluwensya ng mga pari at ng Simbahang Katoliko sa karaniwang mamamayan. Kaya kapag nagsalita sila o ang mga kinatawan nito ng mga maling pananaw, lalo't higit natin ito dapat na batikusin at ilantad ang karukhaan at kakulangan ng kanilang lohika.
Sa lalong malaking bahagi nito, ang pananaw na ang kahirapan ay dulot ng katamaran ay isang konserbatibo, pasista, at anti-demokratikong pananaw. Dapat ay humiwalay tayo ng lubos-lubos sa pananaw na ito.
Dapat ay lantaran na batikusin ang CARITAS at hilingin sa kanila na mag-isyu ng paghingi ng tawad sa mga mahihirap sa kanilang maling opinyon at haka-haka.
Post a Comment