June 22, 2008
Mahigit pitumpong (75) mataas na opisyal ng gubyerno, kasama ang "Unang Pamilya," mga alipores sa Kongreso't Senado ang nagpapasarap ngayon sa biyahe sa Amerika. Sa loob ng sampung araw (10) na working visit, “imi-meet ang ilang matataas na opisyal sa US; si Pres Bush, presidential candidate John Mcain, Barack Obama, malalaking negosyo sa Amerika at ilang grupo ng mga Pilipino." Kasama rin sa mga gimik ng mga kumag ay ang panuurin ang laban ni Pacquiao-Diaz sa darating na Linggo, June 29 sa Las Vegas. (Whitehouse Photo by Eric Draper: http://www.blogger.com/www.whitehouse.gov/president/statevisit200305..
Ang tanong ng taumbayan, ano ba talaga ang layunin ng “junket” trip sa US, eh halos limang buwan na lamang ang itatagal ng unpopular President Bush sa gubyerno? Ayon sa mga balita, "muling palalakasin ang kumpyansa't pagtitiwala ng gubyernong Amerika sa gubyernong Arroyo na ang Pilipinas ay isang tunay, masugit at reliable na alyado sa Asia Pasipiko." Bakit humihina na ba ang pagtitinginan ng US at Pinas at nasa "Komunistang" China na nakikipaglandian si Ate Glo?
Habang naggu-good time, makonsiensya kaya ang buong barkada, ang ilang milyong pisong masasayang sa walang kapaparakang “junket trip,” ang libong patay dahil sa trahedya, ang mahigit isang bilyong pisong pinsala ng pananim, inprastraktura at libong mamamayang sumisilong sa ngayon sa mga evacuation center dulot ng Bagyong Frank?
Kung idudulug nito (kay Uncle Sam) ang pagpapawalang bisa ng bilyong dolyar ($70.0 billion) na utang ng Pinas sa Amerika, sapagkat ito nama'y bayad na, hindi napakinabangan ng country, nauwi lamang sa bulsa ng KURAKOT, walang problema, masaya tayong lahat, magiging bayani pa si GMA!
Tulad ng mga nakaraang biyahe (European trip), mas kapani-paniwalang isipin ni Mang Pandoy na “simpleng pamamalimos at pangungutang” ang walang dudang pakay ni GMA sa kanyang kuyang si Uncle Sam, ayuda para sa Mindanao at pagpapatindi ng subsidy para sa mga taga Metro Manila. Tulong pautang at suportang pinansya para sa mga beteranong Pinoy ng WW2, tulong para resolbahin ang patong-patong na krisis sa pagkain, langis at pag-eengganyo ng mamumuhunan mula sa malalaking negosyo sa Amerika.
Ang isa pang tanong, kasama kaya sa agenda kung okey lang ba siyang mag-extend ng termino lagpas sa 2010, alang-alang sa paggiba't pagdurug ng terorismo't insureksyon sa ating bansa?
(Photo below: http://news.bbc.co.uk/2/hi/in_pictures/7467735.stm, http://news.bbc.co.uk/2/hi/in_pictures/7467735.stm)
Lubhang napakahalaga ang presence o command na manggagaling sa pangulo upang dagliang tugunan ang emergency situation dulot ng rumaragasang bagyong Frank. Ayon sa sunud-sunod na balita, mukhang may kalakihan ang pinsala sa mga napuruhang mga rehiyon sa Visaya, Mindanao, Metro Manila, Central Luzon at Northern Luzon. Sa gitna ng unos, “Parang isang inahing manok na iniwan sa ulan, sa mga predator ang kanyang maliliit na akay na sisiw.” I-assume man natin na may iniwan itong tagubilin kay Noli de Castro at Sec Gilbert Teodor ng NDCC, pero iba pa rin kung ang inahing NANAY ay nasa larangan ng labanan kalamidad.
Ang problema, ano ang maipapakitang "legacy" nito sa nalalapit na State of the Nation Adress (SONA) sa Hulyo, ang bangkang papel ule?
Ang mungkahi ng maraming Pinoy, “wag na silang bumalik!”
3 comments:
Kung ganyang klase lang ang "Nanay ng Bansa" natin e MAGPAPA-AMPON na lang ako no!!! >:-(
He he he, tama ka diyan Pre. Kasama sa agenda pala ni GMA ay makahingi na pabor kay Bush na tumulong ito na maipasok si Sen Brenda Santiago sa ICJ (International Court of Justice) na nakabase sa The Netherland. Bayad utang, ika nga.
Mag sa side trip pa ang mga kumag sa Las Vegas upang panuurin ang laban ni Pacquiao-Diaz sa Linggo, 29 ng Hunyo! Muli na naman makikita sa screen (ESPN-Cable)sa ringside ang mga pagmumuka ni Nugnog Nograles, tanging esposong si Mike Arroyo, mga Tongresman at si Chabit Singson.
Tangina mo DOY! GAGO KA!
Post a Comment