Ang hirap palagpasin ang panggigipit na ginawa kay Ninez Cacho Olivares, editor in chief ng Daily Tribune. Isang beteranong journalist, may dalawang dekadang feature article at pampulitikang kolumnista sa maraming broadsheet si Ms Olivares. Bago hawakan ang Philippine Tribune, galing siya sa Bulletin Today, Philippine Daily Inquirer, Business Day at World. Naging publisher at editor-in-chief din siya ng Philippine Post.
Si Olivares na isang masugit na kritiko ng Malakanyang ay nahatulang guilty sa kasong libelo sa isang korte sa Makati. Bukud sa anim (6) na buwan hanggang dalawang (2) taon sa pagkakabilanggo, siya ay magbabayad pa ng limang (5.0 million) milyong pisong danyos at P33,732 civil damages. Kahit ano pang excuse at hugas kamay ng Malakanyang (wala raw kinalaman?), pagbali-baligtarin mo man ang pangyayari, maliwanag pa sa sikat ng araw na may basbas o nasa likud ang Malakanyang sa naging desisyon ng korte.
Kinundina ng Committee to Protect Journalists (CPJ), isang pandaigdigang media watchdog, National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ng liderato ng National Press Club (NPC) ang nasabing hatol at “nanawagang i-decriminalized na ang kasong libelo sa Pilipinas.”
Lalo lamang pinatutunayan na dito sa ating bansa, kung ika’y kritiko at maraming alam sa kabulukan ng mga nakakataas at makapangyarihan, may kalalagyan ka, pipirwisyuuhin ka, tatakutin ka, gigipitin ka o 6 feet below the ground ka, papatayin ka. Nakakabahala ang ganitong tendensiya at walang lugar sa isang itinuturing "liberal na demokrasyang" bansa ang Pilipinas. Kung sa bagay, ito rin naman ang husga ng Freedom House, isang internasyunal na democracy watch, na isa ng bangungut , peke at walang katuturan ang demokrasya sa Pilipinas.
Alam ng buong mundo ang track record ng Malakanyang pagdating sa usapin ng malayang pamamahayag. Kung sa rating ang pag-uusapan, halos hindi nagkakalayo’t karanggo natin ang Afghanistan at naungusan lang tayo ng Iraq. Tulad ng Pilipinas, may on-going internal conflict (counter insurgency) ang bansang Iraq at Afganistan.
Ang kaso ng Manila Pen stand-off noong nakaraang taon ay isang matibay na patunay. Saksi ang buong mundo sa tahasang PAGYURAK, paglapastangan at paglabag sa karapatan ng malayang pamamahayag ang Malakanyang. Limampung (50) mga journalists, kasama ang ilang malalaking broadcast journalist na kabilang sa ABS-CBN Network ang walang habas na pinosasan, pinag-aaresto, trinatong mga terorista, tinakot at parang ipis na tiniris-tiris (PNP-AFP) dahil lamang sa salang pagsubaybay sa “pag-aalsang" isinagawa sa pangunguna ni Senator Trillnes, Brig Gen.Danilo Lim at ilang Junior Officers ng AFP sa Manila Pen.
Bagamat walang diklerasyon ng "emergency rule," ang anino ng Martial Law ang nananatiling nakakubabaw sa country. Walang dudang may tendensiyang pasista't authoritarian ang naganap na "Gestapo" type na assault sa Manila Pen kung saan ang "police state" at AFP ang mukhang nanaig at hindi ang rule of law.
Mahigit siyamnapung (90) mga media practitioners na ang napapaslang at nasasalvaged dahil lamang sa kalayaan sa pamamahayag at pagtatanggol ng demokrasya na ipinaglaban matapos maibagsak ang diktadurang Marcos noong Edsa 1 1986 people power revolution. Limampu't tatlong (53) casualty rito ay sa ilalim ng rehimen ni Ate Glo. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), bukud sa disimuladong cersorship na pinairal sa Philippine media, "ang garapalang pagsasara ng Philippine Tribune, ang kaliwa't kanang LIBEL suit, ang pananakot sa Newsbreak, ABANTE’t iba pang mga pahayagan at ang naging hatol kay Ms Olivares " ay isang babala sa sino mang kritiko’t mangangahas “magdestabilized, at all cost, handa ang Malakanyang na gumamit ng kamay na bakal, mailigtas lang si Ate Glo't manatili lamang sa poder."
Kung patuloy na bubusalan, hahawakan sa leeg ang kalayaan sa pamamahayag, ang karapatan ng mamamayan sa inpormasyon (tunay na kaganapan) at patuloy na tatakutin ang MEDIA, mukhang "babalik ule tayo sa rehimeng awtoritarianismo o ang mala-diktadurya! Wala na tayong pinag-iba sa Burma, China o North Korea."
Ang tingin ng iba, ang panggigipit sa media, sa mga katulad ni Ninez Cacho-Oliveras at ang tangkang pagkastigo sa Meralco / ABS-CBN, bukud sa isang dagok, patuloy na panunupil sa kalayaan sa pamamahayag, isang kalkulado't operasyong paglilinis at pananakot laban sa mga kaaway sa pulitika ng Malakanyang. Pilit na inilalatag at kinukondisyon ang isip ng mamamayan, ang balita at napipintong pagdidiklara ng “emergency power o ng Martial Law” na ikinukubling pantugon kuno sa lumalala at patong-patong na krisis na kinahaharap ng bansa. Layunin ding burahin sa mapa ang mga pasaway, kritiko’t sagabal sa pananatili’t pananagumpay ng pangkating Macapagal Arroyo’t ruling koalisyon, bago at matapos ang 2010 presidential election.
Doy
June 6, 2008
Related Story:
Decriminalize libel, get facts right—journalists by CARMELA FONBUENA
abs-cbnNEWS.com/Newsbreak
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=120833
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
off white x jordan 1
lebron 15 shoes
golden goose outlet
birkin bag
kd shoes
adidas tubular shadow
harden shoes
converse shoes
nike air max 95
louboutin outlet
Click Here gucci replica original site good quality replica bags look at this web-site high replica bags
regardez-le maintenant Dolabuy Prada Découvrez plus ici Hermes Dolabuy lire l'article Dolabuy Valentino
c0x49q8u95 c5t83h5k37 z7v51m4q47 m3t84w9q84 z8q58w1d22 l0s62r3t71
Post a Comment