June 20, 2008
Dalawang araw na ang nakalilipas ng ma-snatch ng bag ang isa kong ka-opisina. Dalawang beses (2x) na siyang na-iisnatched at nahohold-up sa lugar. May isang linggo bago mangyari ang insidente, may dalawang magkasunod na snatching ang nangyari sa lugar. Ilang buwan na ang nakalilipas ng pasukin ng mga kriminal ang aming kapitbahay at nakawin ang mamahaling mga panabong (tinaling manok) sa garahe.
Sa pagkaka-alam ko, sa loob lang ng isang taon, may hindi mabilang na insidente ng KRIMEN ang nangyari sa lugar, ang lima dito ay kakilala ko't mga senior staff ng mga NGOs na nag-aadvocate ng pagbabago at nagbibigay serbisyo sa lipunan. Pawang mga kababaihan ang mga nabibiktima. Broad daylight kadalasan isinasagawa (1-5 pm) ang operasyon, kung di nakamotorsiklo, may sasakyang gamit, naka Revo tinted, naka-Taxi o kung minsan walk in at may abang na getaway vehicle sa 'di kalayuan..
Maliban sa snatching, talamak din ang hold-up, “akyat bahay,” “dugong-dugong o salisi gang,” pagnanakaw ng side mirror, hub cab sa gulong, bukas kotse, carjacking at carnapping. Isa kong ka-opisinang si Bobby Garcia ang nanakawan ng L200 Mitshibishi pick-up sa parking lot ng opisina. Kamuntikanan din ma-nakaw ang Toyota Crown ng isa ko pang ka-opisina (Jhorina) sa magkaparehong parking area. Makailang beses ring tangkaing pasukin ang aming opisina, sa kabutihang palad, nasawata ito ng security.
Ayon sa Barangay na sumasakop sa lugar, "halos araw-araw ang naitatala nilang insidente ng krimen" (Teacher's Village, UP Village, Sikatuna at Central District) sa lugar. Kung tutuusin, halos isa-dalawang kilometro (1-2 km) lamang ang layo nito mula sa QC City Hall at Camp Karingal (PNP). Talamak ang krimen mula sa kahabaan ng Maginhawa, Matimtiman, Mapagkawanggagawa, Matalino, Matatag, Malakas, Maginoo, Masikap hanggang sa kalye ng Kalayaan na tumatahi sa apat (4) na Barangay ng QC. (Photo above QC City Hall; ww.qcpubliclibrary.org/
Kung may kahinaan o ano mang klase ng "pagpapatrulya (multi-cab, mountain bike, scooters)," pagtatalaga, pagpoposte ng mga Tanod sa mga strategic corner, paglalagay ng GATE na isinasara pagdating ng 11:00 ng gabi, parang walang epekto, hindi makontrol ang nakawan, dumarami ang krimen. Kung nagaganap sa araw-araw ang krimen sa pusod mismo ng Lunsod Quezon, walang dudang mas grabe ang sitwasyon sa maraming barangay sa Kamaynilaan.
Bagamat inaamin ng Barangay na "malaki ang kanilang kakulangan, limitasyon pag-usapin sa budget patungkol sa seguridad ng lugar, kulang sila ng personel, transportasyon at mga pasilidad, kasangkapan para kahit paano mabawasan man lang ang krimen." Ultimo pulis (PNP) ay napakadalang magpakita at magpatrulya sa lugar. Kay daling unawain, sapagkat, ang pokus, tinututukan, prioridad ni Mayor Sonny Belmonte at apat na Kinatawan sa Tongreso ng QC ay ang "bilyong pisong massive INFRA projects ng Lunsod Quezon. " Kung sa bagay, maliban sa may kurakot, maliwanag na "SOP," dilhensya ika nga, pogi points pa sa 2010 election.
Hindi natin masisisi ang ilang kilalang subdivision kung bakit ala martial law kung magpatupad ng seguridad, ala “GREEN ZONE" sa Baghdad. Tulad na lamang ng Dasmarinas Village, Forbes Park sa Makati, sinilyado ang buong perimeter ng Village, para makapasok, dadaan ka sa butas ng karayum, tatanungin kung ano ang pakay, sino ang kakilala sa loob? Hahanapan ka ng appointment letter, pipirma ka sa log book, kakausapin antimano ang nag-inbita sa'yo, kukunin ang ID mo at ng taxi driver. Hindi ubra ang “right of way” sa lugar, hindi uubra ang kapangyarihan ng LGUs lalo na ang astig na si Bayani Fernando. May sariling gubyernong ipinatutupad ang DASMA, Forbes at ilang kilalang Subdivision sa Metro Manila. (Photo below; www.filairsoft.com)
Kung mananatiling inutil, walang magawa ang mga awtoridad sa lumalalang krimen sa lugar, hindi malayong paniwalaang muling sisibol ang "vigilanteism." Hindi rin maiiwasang ang pagdududa na mga kasabwat o mga assset ng pulis ang mga salarin. Marami na ang nauubusan ng pasensya, nag-iisip, gumawa na ng mararahas na hakbang upang hadlangan ang araw-araw na krimen, isecure at ipagtanggol ang lugar. Hindi rin naman tayo naniniwala na kailangan ng idiklara ang carfew, Martial Law o emergency power.
Ito na nga marahil ang mga simptoma, epekto ng lumalalang krisis sa bansa; tumataas ang un-employment, kawalan ng trabaho, tumataas ang bilang ng out of school youth, tumataas ang bilihin at gasolina linggo-linggo, dumaraming street children, namamalimos, lumalaking bilang ng prostitusyon, mga batang maagang naghahanap-buhay (nagtitinda ng sampaguita) at nag-aasawa, lumalalang drug-pagkalat ng shabu, daming lango sa alak tuwing gabi, dami ng nagugutom at nagkakasakit.
Sa patong-patong na krisis na humahagupit sa country, ano mang klaseng subsidy o band-aid policy na gawin ng Malakanyang at wala itong babaguhing patakaran o polisiya, tiyak na pupulutin lamang ito sa kangkungan, masasayan lang at walang mangyayari.
Comment:
rhodora.abano@gmail.com
mga kasama,
sobra na itong krimen sa teachers' village that endangers not only the NGOs kundi lahat ng naninirahan at nagtatrabaho dito maging yong mga dumadalaw o dumaraan lamang. sobra na! so ano kaya maari nating gawin?
ano kaya magagawa ng ngo community dito in solidarity with the entire community? pwede kaya tayo magpetition letter o representation kay belmonte, sa police station/camp karingal, sa congress reps etc etc etc? pwede kaya manawagan sa media etc etc etc?
- concerned resident/citizen
Tumpak! Lahat ng proposal na binanggit ay korek! Kailanagng may mag-initiate, mag-usap-usap, pwedeng isang dialogue, kung di sa Home Owners-Concerned Citizens, sa Barangay, sa Congressional district o sa City Hall ang labanan dito. Kung saan-saan level na tayo, nasa GLOBAL, NATIONAL at SECTORAL na ang pinapasukan natin, eh yung pala naman, sa sariling bakuran (kumunidad) nangangamote tayo! - Doy
3 comments:
May doubts ako na majority of crimes are committed dahil nagugutom ang pamilya- kung mayroon silang revo or motorsiklo para nakawan ang iba- they're not poorest of the poor. I think isang significant factor sa rising criminality is because of the spread of blatant consumerism. narinig ko na rin iyong pagnanakaw ng mga bag sa high-cinemas sa greenbelt . For that you have to invest a certain amount of money for a ticket na hindi ka naman sigurado kung makaka-iskor ka. Ewan ko, I've been in places where poverty is also high like India or now in nepal pero so far hindi naman ganyan ang rates of crimes. Sa Nairobi, Kenya- matindi - pwede nang makipagsabayan ang Pinas. Mga middle-class na bahay doon may gate na rehas sa loob ng bahay papuntang bedrooms para kung makapasok man ang magnanakaw , may second layer na kailangan tagusin. Ganoon din sa South Africa, at Colombia.
heto na kaya iyong alienation of the poor? kaso naman bakit middle class ang pinupuntirya , eh pinaghihirapan din nila kung ano man ang materyal na bagay na mayroon sila.
bakit hindi nila tirahin iyong mga tongresista at iyong mga nasa forbes park o kaya iyong mga wanna-be's gaya ng mga nagpupunta sa embassy bar (saan ba iyon?)
hindi ako naghahanap ng away- opinyon ko lang ito. iyon lang muna mula sa welgang-bayan infested kathmandu.
Jade, salamat sa comment. Tama ka! Malamg, ang malaking mahagi ng mga salarin, kriminal ay yung hindi naman talagang mahirap. Baka ang iba diyan ay middle class pa ang origin.
Pangalawa, totoong blatant consumerism ang isang dahilan (Capitalism, petty bugoy), ex, ang mabilis na pabago-bagong modelo ng teknolohiya; mga lap top, ipod, cell phone na lubhang nakaka- engganyo sa mga kabataan.
Kadalasa'y hindi namimili ng target ang mga "small time/start up" na kriminal; kung ito'y elite (politician at corporate). Ang alam ko, maraming grupo (gang) ang mga ito at may kanya-kanya silang mga teritoryo hawak. Kung hawak mo ang cluster of villages sa isang lugar, dun ka lang. Mapatay mo man, masalvage mo man ang isang grupo na nakatoka sa inyo, papalitan o may replacement na ibang grupo ng mga kriminal.
Sa mga lugar na tulad na binabanggit mo, (Embassy Bar), walang dudang ka-uri nila ang maaring gumawa ng krimen. Sabi mo nga,imposibleng isang maralita o taga-squater ang makakapenetrate sa lugar kung saan madalas na nag-iipon-ipon ang mga elite. - doy
read this article https://www.dolabuy.ru/ additional info Ysl replica he said replica ysl handbags
Post a Comment