Tuesday, May 27, 2008

The Capitalist Ground Shaken by The Earthquake In China

Isang dahilan daw kung bakit sobrang laki ng pinsala't buhay na naibuwis sa lindol marahil, gawa sa ''TOFU'' (inferior quality) ang mga building materials na itinayo ng gubyernong lokal sa Sichuan province. Kung mangyayari siguro ang ganitong magnitude na lindol sa Pinas, baka hindi natin makayanan, mas malala pa ang pinsala. - doy

By Li Onesto
27 May, 2008
Revcom.us
Monday, May 12, 2:28 pm. A huge earthquake, registering 8.0 on the Richter scale, struck Sichuan Province in southwest China. The violent shaking lasted more than a minute, leaving towns and small cities flattened. On Sunday, May 25, a powerful aftershock struck, causing thousands more buildings to collapse. (Photo: http://english.aljazeera.net/PhotoGallery/Aspx/Show.aspx?album=chinaquake&currentPage=3&slidshow=Next)

The death toll now stands at over 62,000 people. 160,000 have been injured. Five million left homeless. More than 200,000 homes completely collapsed and four million were damaged.

The quake hit in the middle of the day when schools were in session—children were napping, sitting at their desks, and playing in schoolyards. Some reports say 30-40 percent of the dead were schoolchildren. In the town of Mianzhu alone, seven schools, including two nursery schools, collapsed—burying more than 1,700 students.
(Photo:
Entire towns and cities at the heart of the disaster zone have been reduced to rubble [AFP] http://english.aljazeera.net/NR/exeres/9A4B7BB8-EDE6-451E-85EA-CC3F8D89D91F.htm

*****
What happens when such a natural disaster occurs is profoundly affected by how a society is organized. And many things about the nature of China have been revealed by this catastrophe. Most people around the world watching this heartbreaking tragedy think China is a socialist country, run by a communist government. But in fact, since the reactionary coup led by Deng Xiaoping after Mao Tsetung’s death in 1976, China has been a capitalist country, dependent on and subordinate to global imperialism. And some stark things about the exploitative and oppressive nature of capitalist China have been revealed in the aftermath of this devastating earthquake.
http://www.countercurrents.org/onesto270508.htm

Friday, May 23, 2008

Commonwealth Av, ang KILLER Highway

Para sa mga taga-Metro Manila, hindi na balita ang araw-araw na mga aksidente't trahedyamg nagaganap sa Commonwealth Av. Ang pesteng pedestrian, U-Turn Slot at kadalasa'y banggaan (vehicular accident) ng mga sasakyan (trak ng basura, cargo truck, bus, jeep, awtomobil at tricycle) ang karaniwang pangitain. Walang sinasanto, bata, matanda, babae, lalaki, na karaniwang maralita ang pawang mga biktima. Kamakailan lamang, bumulaga sa mundo ang vulnerability ng mga lugar ng paninirahan sa lugar, ang trahedya at karumal-dumal na landslide na dulot ng biglaang pagbaha (kawalan ng maayos na drainage system) sa paligid ng Commonwealth. (Larawan sa itaas: Abante Tonight Rusty-1721)

Makaligtas ka man sa sakuna, walang kang kawala sa gabi-gabing holdap, pandurukut (cell phone snatcher), salisi gang, carnapping at iba't-ibang klase ng krimen sa Commonwealth. Sa loob ng Bus, Jeep, taxi, habang naglalakad at naghihintay, walang gabing walang nabibiktimang krimen sa lugar. Isang napakadelikdong (dangerous) lugar, wild wild west ika nga ang kahabaan ng Commonwealth, mula Philcoa-UP hanggang Tandang Sora, kanto ng Don Antonio, Sandigan, Manggahan, Litex hanggang Regalado-SM Fairview. Ang paligid ng Commonwealth ang siyang kilalang ginagawang tapunan ng mga sinasalvage na mga taong diumano'y patapon ng lipunan (rapist, kriminal, awtoridad).

Strategic Transit Point
Isang strategic transit point ang Commonwealth, ang mga karugtong na karatig lugar ng lunsod. Mula sa matataong lugar ng Caloocan, San Jose Del Monte at Sta Maria, Bulacan sa Hilaga hanggang Marikina, Montalban at San Mateo sa Timog-Silangan, may kulang-kulang na 200,000 sasakyan araw-araw ang bumabagtas sa kahabaan ng Commonwealth. Kaya't tuwing rush hour (7-9 am at 5-8pm), malupit ang trapiko, noise pollution, carbon emission na ibinabato nito sa kapaligiran. Iba pang usaping ang gabundok na mga basurang nakakalat sa gabi mula sa Sandigan hanggang Litex areas.
(Larawan: www.aidan.co.uk)

Mahigit kumulang na 10 kilometrong mga karugtong na haba ang Commonwealth. Nagsisimula sa Elliptical road (CIRCLE)-Philcoa at nagtatapos hanggang Fairview, Regelado area.

Kung ika'y bagong salta at nais mong marating ang mga barangay na nasa paligid sa Commonwealth, malaki ang tsansang maligaw ka, sapagkat wala itong maayos at malinaw na mga karatula, markings o direksyon sa bawat kanto't mga lansangang karugtong na mga lusutan. Mas kumon ang mga nakasabit na tarpuline ng mga pulitiko na nagsasaad ng pamumulitika. Wala itong malinaw sinusunod na bus stop o jeepney stop. Ang buong kahabaan ng Commonwealth Av.ang siyang de-facto “loading and unloading zone” ng lahat ng pampasaherong sasakyan. Bagamat may mga overpass na naitayo, wala tong malinaw na pedestrian lane na sinusunod. Ang buong kahabaan ng Commonwealth ay isang malaking pedestrian areas.

Mayroon ngang naitayong bus at jeepney stop ang MMDA, (kulay orange at railing waiting shed) hindi ito nasusunod. Ang mga iligal at dikleradong mga loading and unloading zone sa ilalim ng over pass, nagsisiksikan ito, tatlo-apat na lane ang napaparalisa, halos iisang lane na lamang ang natitira sa halos walong (8) lane ng highway. Ito ang mga dahilan ng matinding traffic sa lugar. Karaniwang pangitain ang sigawan, kantsawan at awayan ng mga motorista sa iligal na mga loading at unloading ng mga pampasaherong sasakyan.

Sa layuning maibsan daw ang trapiko, naging walang humpay at paulit-ulit ang road widening (demolition) ng Commonwealth. Itinayo ang halos walong (8) U-TURN SLOT at MMDA overpass sa kahabaan ng Commonwealth Av. Kung matatandaan, mula sa dalawang lane nung 1960s, 6 lanes nuong 1980s at ngayo'y mukhang na sa 14-18 lanes na ang Commonwealth. Siya ngayon ang pinakamalapad na highway sa buong Pilipinas at tinalo na nito ang Edsa. Kaya lang, sa kabila ng pagpapalapad, nagpatuloy ang mabibigat na trapiko dulot ng kainutilan, kapalpakan ng MMDA, kawalang disiplina at kawalan ng access at alternatibong madadaanan maliban sa Commonwealth Av.

Simboliko
Larawan ng isang bansang nagpupumilit makaigpaw sa kahirapan at karalitaan ang daang Commonwealth. Patunay ito sa kawalan ng maayos na pagpaplano, good governance, demokrasya, 'di pagkaka-pantay-pantay at kawalan ng hustisya ng mamamayan ang Commonwealth. Isa siyang simboliko 't larawan ng tunggalian ng lipunang Pilipino.

Una; anim na malalaking paaralan ang nasa paligid at accesible sa Commonwealth; bukud sa New Era College ng Iglesia ni Kristo at NCBA, nandito rin ang UP, Ateneo, Miriam at FEU-FERN. Makikita rin ang dalawang kilala at malalaking simbahan; ang Iglesia ni Kristo Central at ang Roman Catholic's St.Peter Parish.

(Larawan sa ibaba: www.pnri.dost.gov.ph/images/pnri-map-small.jpg)

Pangalawa; dito matatagpuan ang mga kilalang ahensya ng gubyerno. Mula sa Quezon Memorial Circle, ang QC-City Hall, DA, DAR, DENR, NHA, NBN, ang Commission on Human Rights (CHR), Philippine Nuclear Research Institute, yung malaking Itlog na puti na natataw sa bandang UP, ang bagong pitong (7) malalaking gusali ng pinagsamang Ayala-UP ITC Call Center, ang Commission on Audit (COA), ang Sandigang Bayan, DSWD at ang House of the Representatives o ang Philippine Congress. Sa hinaharap, may pinaplanong National Government Center sa paligid ng Batasang Complex, ang Central Business District at MRT 5 at 7 (mula Edsa hanggang San Jose del Monte, Bulacan) sa Commonwealth.

Pangatlo;
bukud sa Commonwealth market, matatagpuan din ang pinakamahabang TALIPAPA (2-3 kilometro) sa Pilipinas. Ito ang nigth market mula Tandang Sora hanggang Litex area. May lima (5) itong malalaking Shopping Mall; ang Puregold sa Luzon St, ang SM Fairview, Robinson, Fairview Star Mall at Ever na pawang pang lower-middle at upper class na kostumer. Mayroon ding hindi mabilang Auto shops, ala Banaue st. at ilang kilometrong hardware at Bankong nakabalagbag sa lugar. Matatagpuan din dito ang low end/high end na beer houses at ilang motel-hotel.

Pang-apat; nandito ang pinakamalaking tambakan ng basura sa Pilipinas, ang kontrobersyal na Payatas Dumpsite, ang humalili sa Smokey Mountain ng Tondo. Bukud sa isa itong employment generation, environmental damage at trahedya sa kabilang banda ang idinulot nito sa paligid ng Payatas. Dahil sa landslide, ilan daan mamamayan at barung-barong na kabahayan ang nailibing ng buhay sa gabundok na basura. Nandito rin ang La Mesa Watershed - Balara Filter area na pinagkukunan ng maiinom na tubig ng Kalakhang Maynila. Ang ARBURETUM, sa UP, ang nalalabing “rain forest” o ang urban jungle ng Metro Manila.
(Larawan sa Itaas: Payatas DUMPSITE, mmstyng.hp.infoseek.co.jp/pic/payatas3.jpg)

Panglima; may mahigit kalahating milyong pamilya na binubuo ng may labing limang (15) malalaking barangay ng dalawang Distrito ng QC ang naninirahn sa paligid ng Commonwealth. Sila ang "tinatawag na maralitang lunsod, biktima ng trahedyang 'di makataong paninirahan. SIla ang mga mala-manggagawa, nawalan ng empleyo at mga internal refugees na nagmula pa sa malulupit na kanayunang dulot ng karalitaan, kawalan ng pag-asa at digmaan."

Pinagsamang mayaman, makapangyarihang pulitiko, Showbiz pipol, kritikal na intelekwal at mahirap na maralita ang naghalo-halo sa lugar; Mula sa Barangay UP campus, Barangay Culiat, New Era at Old Balara sa bandang Tandang Sora; ang mataong lugar ng Barangay Holy Spirit, Batasan, Bagong Silangan at Payatas na pawang na sa kaliwa't kanang bahagi nito. Sa kabilang banda, may ilang mga nakatayong matatayog na Condominium, townhouses at 'di mabilang na Upper, middle class subdivisions ang nakakalat sa lugar; ang Copitol Hills, Ayala Heights, La Vista, Tierra Pura, Filinvest, Don Antonio, BF Homes, Fairview-North Fairview at Neopolitan-Lagro Subdivision sa bandang Hilaga-Regalado.

Bukud sa talamak na killer highway, may positibong hinaharap ang Commonwealth. Sa tingin ko, maaring magsilbing breeding ground o lunsaran ng panibagong pag-aalsang politikal, higit pa sa Edsa 2 at 3 rebolusyon ang Commonwealth. Ang mahigit kumulang na kalahating milyon mamamayang biktima ng trahedyang idinulot ng mapang-api't 'di makataong kalagayan ang siyang magiging mitsa, puhunan sa panibagong lakas at pwersa ng mamamayan para sa hustisya, demokrasya at kaunlaran, higit pa sa Edsa at sa Mendiola sa hinaharap.

Doy Cinco
May 23, 2008

Thursday, May 22, 2008

Krisis ng PAMUMUNO at ORGANISASYON

Internationally, sinasabing isa raw ang Pilipinas sa pinakamayaman at pinakamaraming mapaghahalawang karanasan pag-usaping daw ng Pamumuno, Organisasyon, Komunidad, social at political movement, mga case studies na nakapatungkol sa civil societies. Mukhang totoo, kasi ba naman, mula pa nuong panahon ng Kolonyalistang Kastila, panahong inukupa tayo ng mga makapangyihang bansang Amerika, hanggang sa panahon ng papet na republika, ng diktadurang Marcos, Cory Aquino at Macapagal Arroyo.

Sinsabing “highly organized na ang lipunang Pilipino,” ang daming iba't-ibang uri organisasyon ang nakatayo. Sa ating mga pamayanan o kuminidad, sa mga paaralan, sa hanay ng kabataang estudyante, ang daming nakatayong organisasyon. Mga organisasyong may iba't-ibang layunin at interest, may naitayo sa hanay ng panggitnang-uri, Rotary, Kiwanis, Lion's Club, sa hanay ng Simbahan, sa hanay ng Katoliko, ang Couples for Christ at iba pa, mula sa hindi mabilang na relihiyon-sekta, El Shadaii, Protest
ante, Iglesia ni Kristo (INK) hanggang sa hanay ng mga panatiko't parang KULTO. Sa hanay ng manggagawa, magsasaka at maski sa loob ng military, ang daming mga groupings at organisasyon. Maski sa hanay ng Kaliwa o sa Kanang grupo, ang daming factions, ang daming organisasyon.

Pero ang tanong, sa kabila ng pagiging organisado, may ipinagmamalaking Edsa 1 pipol power revolution, Edsa 2 at 3, bakit MAHIRAP pa rin tayo, bakit hindi matapos-tapos at patong-patong ang krisis na kinakaharap ng bansang Pilipinas? Bakit sa KURAKOT, top ten tayo sa mundo? Bakit, kulelat tayo sa Asia, bakit may pila sa bigas, bakit ang daming walang trabaho at bakit patuloy na nailulukluk sa poder ang mga tiwali, magnanakaw, kurakot at mapagsamantala? (Larawan sa kaliwa; competence-management.com)

Ang isang tagumpay ng organisasyon (NGOs,
ahensya o isang gubyerno) ay kadalasa'y binabase sa husay at tatag ng isang LIDER, PAMUNUAN, direksyon at paniniwala. Sa madali't sabi, kung baga sa isang pamilya, ang tagumpay ng mga anak ay normally, ini-equate sa husay at galing ng isang magulang. Kaya lang, babalik tayo sa ilang mga katanungan. Gaano ba kahusay o ideal ang isang pamunuan, paano ba lumilitaw, dinidevelop o hinuhubog ang isang mahusay na lider? Tanggapin natin o sa hindi, sa ngayon, kundi man kulang, bilang sa daliri ang mahuhusay na lider, kung ikukumpara sa daming naglipanang mga buguk na lider ng mga organisasyon.

Sa “makalumang kaugalian o ang old school” na paniniwala, ang lider daw ay isinisilang, sadyang itinatadhana raw ang pagiging lider at patunay raw ito nuong panahon ng mga KAHARIAN o monarkiya. Ang sabi naman ng mga grupong na sa panig ng makabagong pananaw, ang isang lider ay "maaring idevelop, inililikha o produkto ng mga sitwasyon o ng kalagayan ng kanyang ginagalawan." Dagdag na nakakatulong o salik sa katatagan ng pamumuno ay kung malinaw itong direksyon, may misyon, pangarap (vision) at may taglay na layunin para sa tao o pagbabago. Ito man ay may kababawan, malalim o banayad na prinsipyong tangan.

Sa kabilang banda, sinasabing karugtong din ito ng KAPANGYARIHAN, ang "kayamanan at pagiging prestiho ng isang PINUNO." Kaya lang, kadalasa'y dahil sa kapangyarihan at pang-aabuso, maraming pinuno ang napapariwara, nalalaos at nilalamon ng kabulukan. Kung mayroon tayong
kinamuhian at bad trip na lider o pamunuan, totoong marami rin tayong tinitingala, modelo o hinahangaang mga lider, ito ma'y sa NGO community, organisasyon, partido, isang bansa hanggang sa pandaigdigan.

Dahil sa konteksto, mas ang nangibabaw na criteria o persepsyon ng mga tao nung panahon ng 18th century haggang sa pagpasok ng (siglo) 20th century, ang pag-iidulo ng mga mahuhusay na lider tulad nila Rizal, Bonifacio, Sakay, Mabini, Del Pilar, Aguinaldo at iba pa ay ang pagiging matapang, bukud pa sa pagiging visionary at maraming alam. Kaya lang, bilang lider, muli kang magtatanong kung totoo nga bang nakapamuno si Rizal at iba pang mga bayani, sa panawagan ng pagbabago? Alanganin diba? Walang dudang may inambag sila, kung ano man 'yon, ang sigurado, malaki ang kanilang naging inpluwensya sa rebolusyon. Impluwensya at hindi pamumuno o ang pagiging lider.

Ang Kalidad at tipo ng Pamumuno
Mas nakaka-alangan kung (awtokratiko) pormal na pormal ang isang lider o ng isang pamunuan sa pagpapatakbo ng isang organisasyon. Dahil sa totoo lang, ano mang seryoso sa pagiging lider, sabihin nating tumatalima sa mga procedural, alituntuning ng mga batas na sinusunod, structured ang paraan ng pamumuno, KUNG WALANG INTERPERSONAL, kung hindi pala-kaibigan o walang pakikisama (kulturang Pinoy ika nga) at walang sense of humor na istilo't pamamaraan ng pamumuno, tiyakang mahihirapan at babagsak pa rin sa kangkungan. Iba pang usapin kung ito'y tumutungo sa pagiging "awtoritaryan, demokratiko o liberal na pamumuno. Mas kailangan sigurong bala-balansihin ang mga pangyayari."

Alam nating mahirap maggubyerno at magpatakbo ng isang bansa o isang ahensya, walang dudang mahirap ding mamuno ng isang organisasyon o ng isang Non Governmental Organizations (NGOs). Kung hirap kang mai-inspired ang mga kasapian, kung hirap kang makapagbigay ng tamang direksyon, ideya at pamamaraan tungo sa inaasahan (tungo sa pagbabalangkas ng istratehiya at taktika) ng iyong pinamumunuan, kung hirap o wala kang mai-provide ng mga bagong mga innovation sa pamumuno, inisyatiba at maayos na paraan ng pagpapakilos (delagating), malalagay sa alanganing sitwasyon ang isang pamunuan. Ang problema't pinakamatindi ay kung may kahinaan sa gawaing pagkukumpuni, maayos na pagpapadaloy at pagme-mediate ng mga tunggalian o mamagitan ng mga gusot sa loob ng organisasyon at kasangkot ka pa o subject ng kaguluhan ng isang organisasyon.

Sa loob ng isang organisasyon, civil society, partido o isang NGO (community), magkakaiba-iba o tipo't klase ng pamumuno ang nag-eexist, mas vertical, pyramid at pinaiiral ang istruktura (Consti and by-laws, organizational structure) mas nananaig ang pormal kaysa sa impormal na pamumuno. Kaya lang sa totoo lang, madalas mas epektibo, mas marami ang napagkakasunduan sa inpormal na sistema kaysa sa mga pormal at seryosong sistema ng pamumuno.

Bukud sa kaluluwa, kahalagahan ng direksyon at patunguhan ng isang organisasyon, napakahalaga't hindi maisasa-isang tabi ang prinsipyong taglay ng isang pamunuan. Kung ito'y tumatalima sa demokratisasyon, gumagamit ng demokratikong pamamaraan, kung ito ba'y interest at naipapa-abot sa nakararaming kasapian at naipo-proseso ang lahat ng mga desisyon patungkol sa organizational matter at pamunuan?

Makakatulong ang pluralistang sistema ng pamumuno. Meaning, huwag "imposing at ikaw na lang palagi ang tama." Ito ang kalawang na kadalasan ay isa sa mga dahilan kung bakit sumasabog ang isang organisasyon. Bagamat sinasabing marami kang alam, may sarili kang paniniwala't diskarte (mag-unlearned ka), huwag na huwag tawaran ang pananaw at katwiran ng iba. Kung baga, pagpapakumbaba at irespeto mo ang opinyon ng iba, magbigay galang at makinig sa ibang kuro-kuro. Paano kikilalain at ire-recognized at paano ito ipagsasalubong o “pagkakaisahin sa gitna ng pagkakaiba-iba (diversity).” Ang pagiging "mapanglahok (pagiging participatory) ay lubhang npakahalagang istilo ng pamumuno. Sa ganitong kalakaran, kahit paano may epektong nakaka-empowered ang dating at napapasigla ang takbo ng buong samahan."

Ang sabi ng iba, mahirap, komplikado't hindi simple ang mamuno o ang maging puno ng isang samahan. Bukud sa karanasan, mga nabasang aklat na nakapatungkol sa leadership (bookish), maraming mga bagay-bagay, salik na usapin para sa isang mahusay at mabuting pamumuno. Patungkol sa mga basic skills at knowledge na lubhang kailangan para sa pamumuno.

Sa kabuuan, ang sukatan sa isang matatag at epektibong pamumuno ay; una; kung masigla ang isang organisasyon, kung buhay, masaya at hindi naghihingalo ang isang organisasyon. Panglawa; kung napapaunlad nito ang paniniwalang tangan ng isang organisasyon, kung ang KALULUWA at PRINSIPYONG tangan nito ay sa pang-araw-araw na naisabu-buhay. At panghuli; naisisinsin, kung nabibigayang papel ang lahat ng kasapian at naisosolido ang buong organisasyon.

Ang KRISIS ng isang pamumuno ay bumabalik-balik at totoong hindi maiiwasan. Ang gusot at sigalot ng isang pamumuno ay pinagdaraanan ng maraming organisasyon o ng isang estado. Kung ito'y maiigpawan, tiyak na titining sa husay at galing, katatagan, may panibago at kakaibang antas ng pagkakaisa't direksyon ang matatamo ng isang organisasyon. Kung hindi mapanghahawakan, bukud sa nakakapanghinayan, tiyakang sasambulat ito at sasabog.

Sources: ilang bahagi ng talakayan sa isinagwang Training Seminar: “Pamumuno, Organisasyon at Kumunidad”

Doy Cinco
May 22, 2008

Related Story:
social cost of distrust of Leadership
http://www.ovc.blogspot.com/

Sunday, May 18, 2008

Palace endorsement to determine Ampatuan's re-election bid

Political Clan, Political Dynasties, Political Patronage, thousands of private armies, COMELEC MAFIA and OPERATORS vs POLL MACHINE ? Sino ang magwawagi sa dalawa, ang Pampulitikang Kapangyarihan o ang Poll Modernization, kung matutuloy at muling gagamitin sa ARMM election?

(Larawan sa Kaliwa:
President Gloria Macapagal Arroyo (2nd R) has lunch with Zaldy Ampatuan, cache.daylife.com/.../0cnr63s2Jd7np/610x.jpg)

Kung iiral, mamamayani at patuloy na mamayagpag ang Political Patronage at Guns Gold and Goons (3 Gs) at mapatutunayang walang silbi ang Computerized Counting Machine o Modernization ng election, tulad ng inaasahan ng marami, malamang umarangkada na ang digmaan sa ARMM areas at malagay sa alanganin at wala ng maniwala sa computerized election ng 2010 National Election. Kung mangyayari ito, dapat lang ioverhaul na ang Comelec at mabilisang makagawa ng EO ang GMA, makapagpanukala ng electoral at political reform ang Lehislatura, - Doy


Palace endorsement to determine Ampatuan's re-election bid
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=118649
By DAVID DIZON

abs-cbnNEWS.com
With the automation of the upcoming August 11 elections in the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), a question remains: will election machinery still count?
According to advocates of electoral reforms in the region, the blessings of Malacañang on a candidate could still matter.
Salic Ibrahim, chairman of Citizens CARE, Inc., an umbrella of 25 ARMM-based non-governmental organizations, said Friday that the endorsement of the ruling Lakas-Christian Muslim Democrats party could spell the difference for the re-election bid of incumbent governor Zaldy Ampatuan.
Ampatuan is up against rival Alvarez Isnaji, incumbent mayor of Indanan, Sulu.

Elections in the six ARMM provinces have been frequently marred by violence and irregularities. The release of the "Hello, Garci" wiretapping tapes in 2005 showed a vast network of election officers allegedly rigging poll results in the region.
The upcoming election is particularly important for ARMM due to increased pressure on the government to fast-track peace negotiations with the Moro Islamic Liberation Front. Several groups have called for the postponement of the polls to enable government to focus on the peace process and the tripartite review of the implementation of the 1996 Final Peace Agreement with the Moro National Liberation Front (MNLF).

ARMM is composed of the provinces of Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Shariff Kabunsuan, Sulu and Tawi-Tawi; and Marawi City.

Administration machinery
Ibrahim said that since the creation of ARMM in 1990, administration gubernatorial candidates have always won the regional elections.
"The machinery of the administration is too strong. Iba talaga yung may basbas. That’s one of the factors that could determine a win,” Ibrahim told abs-cbnNEWS.com.
“Whoever controls the machinery has an edge," he stressed.

Ibrahim said Citizens CARE's experience in monitoring the 2007 mid-term and barangay elections showed the advantages of being Malacañang's anointed for the elections. He said candidates who were endorsed by Malacañang usually have more money, manpower and influence, which translates to more votes.

He added, however, that Ampatuan faces a tough fight against Isnaji after the MNLF top leadership expressed intention to retake control of the ARMM.

The August 11 election is the seventh in the 18-year history of the ARMM. Zacaria Candao of Maguindanao was the first to be elected governor in 1990, followed by Liningding Pangandaman of Lanao del Sur in 1993. Chairman Nur Misuari of the Moro National Liberation Front held the gubernatorial post starting in 1996 until his arrest in late 2001. His foreign affairs officer, Dr. Parouk Hussin, took over from 2002 to 2005.

Poll automation a challenge
Thus, the decision of the Commission on Elections to automate the August 11 poll is a new and crucial element brought into the ARMM election mix. Automation has long been hoped to help restore the credibility of the electoral system in ARMM.
“The electoral process in ARMM is very long because of the unique terrain of the ARMM provinces,” explains Ibrahim. “There are islands that are very far from the landlocked provinces. The longer the process, the more time is given for opportunities for fraud to come in."

The COMELEC has granted poll automation contracts to Smartmatic Sahi Joint Venture and Avante Technology to automate the August 11 elections in ARMM. Smartmatic will provide direct recording electronic (DRE) machines for the Maguindanao poll as well as the transmission system for poll results in the entire region. Avante will provide optical mark reader machines for the rest of ARMM.

Ibrahim said ARMM voters should be taught how to use the DRE and OMR machines before the actual poll.

But with the voters’ limited experience of anything automated, Ibrahim said it will be a challenge getting the voters ready for the voting machines in time. Some ARMM residents still don't know how to use an ATM machine, let alone an automated voting machine.

Nonetheless, Ibrahim is optimistic. "The shorter timetable is a hurdle but it is still good that we will automate. Of course, automation is no guarantee that the election will be smooth because both the voters and the COMELEC officers are unfamiliar with the technology," he said.

Media, civil society to play a role
To ensure credibility, media’s and civil society’s involvement will be crucial—again.

"There was a lot of media coverage of the ARMM polls last year,” Ibrahim said. “We were making headlines every day, which really raised awareness of what was happening here. It placed the focus on ARMM.
He said the noise made by election watchdogs disrupted several attempts to rig the elections.
Still, he said election irregularity remained rampant in the region as evidenced by the unusual increase in voters numbers for ARMM. One example, he said, is the 30 percent increase in alleged number of voters in Lanao del Sur, from 290,000 in 2004 to 396,000 for 2007. "Even if ARMM residents had triplets, that rise in number of voters is still unusual," he said.
Ibrahim said Citizens CARE is partnering with a bigger number of civil society groups such as Lente, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), and the National Citizens' Movement for Free Elections (NAMFREL) to prevent poll fraud from happening.

He said the group will also create provincial election task groups that will coordinate on action points and key strategies in guarding the polls. He added that the group will also implement voters' education in at least 1,500 barangays in ARMM.

"Civil society and watchdog groups should have the muscle to guard the elections. We have to work together and get the numbers needed to completely monitor the elections," he said.

Related Story

Bishop against Esperon posting at peace counsel
MANILA, May 19, 2008— A Roman Catholic bishop expressed opposition over the appointment of former AFP chief Gen. Hermogenes Esperon as the new Presidential Adviser on the Peace Process.
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Public Affairs Committee chair Bishop Deogracias Iñiguez said he has “genuine reservations” over Mr. Esperon’s new post.
http://www.cbcpnews.com/?q=node/2731

Federalism continues to gain support
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-05-19&sec=4&aid=60108

Saturday, May 10, 2008

“Pagpapasabog” sa pamilyang Lopez, unfinished business ng Macapagal Arroyo

Ayon sa mga “malalalim magsuri,” “pulitika at kapangyarihan ang nangingibabaw na dahilan sa lumalalang away ng Angkang Lopez at angkang Macapagal Arroyo, dalawang malalaking pamilya't ELITE faction sa Pilipinas." Sinasabing ito'y pagpapatuloy lamang (unfinished business) sa naudlot na CLAN WAR ng mga Macapagal, Marcos at Lopez clan may tatlo-apat (3-4) na dekada na ang nakalipas (1960s). Meaning, resulta raw ito ng "lumalalang tunggalian ng mga dorobo at ng mga dambuhala” at hindi maiwasang madamay o ma-aanggihan ng dugo ang sambayanang Pilipino. (Larawan sa itaas: Oscar M. Lopez www.fphc.com and Macapagal-Arroyo encarta.msn.com)

Sa totoo lang, bukud sa nakatiempo ang Malakanyang sa pagkastigo sa Meralco. wala itong kinalaman o kaugnayan sa kung paano mareresolba ang krisis na tinatamasa ng mamamayang Pilipino, ang abot hanggang langit na taas na singil sa kuryente at sinasabing magna cum laude (2nd place sa Japan, isa sa pinakamayamang bansa sa mundo) sa pinakamataas na presyo sa Asia. Parang sinasabi na ang “labanan ito ay maihahalintulad lamang sa labanan ng dalawang halimaw, mga nag-aagawang buwitre at tigre sa kapirasong laman ng payat na usa at kung sino man ang magwawagi sa dalawa, siya ang may karapatang sumagpang sa naghihingalo at nanlulumong mamamayang Pilipino.”

Ang tunay na dahilan kung bakit araw-araw nahoholdap sa pamamagitan ng mataas na singil sa kuryente ang mamamayan ay dahil sa bangkaroteng patakaran, gatasang baka, ang katiwaliang (Napocor, Transco at ERC) sa gubyerno at political survival ng administrasyong Arr
oyo.

Una, ang batas na Electric Power Industry Reform Act of 2001 o ang EPIRA na pinairal ng Malakanayang may pitong taon na ang nakalilipas ay sa totoo lang ay dinisenyo upang magsilbing palaBIGASANG (pamumudmud) ng mga Arroyo, mga kaalyado
sa pulitika (Tongresman at Senado), mga padrino't pambayad sa mga pagkakautang pampulitika ng administrasyong Arroyo. Tanda pa natin ang pamumudmud ng suhol sa Tongreso, ang kalahating milyung (P500,000.00) pisong exposay ni Con Etta Rosales ng Akbayan at Rene Magtubo ng Partido ng Manggagawa.

Pangalawa, bukud sa planado, “proxy war” at nakatago sa likud ang mga salarin, pulitika at maagang paghahanda sa nalalapit na 2010 presidential election ang isa sa motibo, trajectoryng labanan. Upang hindi na makaporma, layon ni GMA na unahan ng banatan ang mga Lopezes, lalong-lalo na ang pasaway, ang kritikal at numero unong Abs-Cbn network na napaka-estrehiko sa propaganda war sa 2010 at beyond. (Larawan: Administration senador Miriam Santiago)

Gamit ang mga galamay at attack dog ng palasyo, ang tutang si Winston Garcia ng GSIS at ang oportunistang si Sen Brenda Miriam Santiago, papasabugin at pipilayan o kundi man ma-ineutralisa ang mga Lopez, magkaroon ng political instability, mawala ang sagabal sa napipintong pagkakasa kung saka-sakali ng panibagong pagsusulong ng Cha Cha o ang pagbabago ng anyo ng paggugubyerno, siguraduhing maimimintina ang kapangyarihan bago at matapos ang nalalapit na 2010 presidential election.

Hindi na bago ang away ng mga Lopez at Macapagal sa Pilipinas. Kung baga “unfinished business ito ng Angkang Macapagal Arroyo laban sa mga kampon ng mga Lopez.” Kung may pananagutan ang mga Lopez sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente, mas may bahid na dugo at krimen ang pagbabayaran ng administrasyong Macapagal Arroyo sa walong taong krisis ng paggugubyerno, political killings, pandarambong at pagbebenta ng kaluluwa ng mga Pilipino sa mga dayuhan. Sinasakyang lamang ng mga Arroyo ang popular na panawagang anti-oligarkiya, makabawi sa zero credibility at sunud-sunod na lagapak na resulta ng mga survey ng SWS at Pulse Asia.

Kahit labag at kontra agos na tupdin ang batas at prinsipyo ng neo-liberalismo at globalisasyon, ang pagsasapribado, ang patakarang decontrol at deregulasyon sa lahat ng pag-aari ng estado, balatkayo't gagawin nito ang lahat ng paraan, maproteksyunan lamang ang pansariling interest at kapangyarihan ng angkang Macapagal Arroyolaban sa mga Lopez.

Kung naatim na wasakin ni GMA ang mga demokratikong institusyon sa bansa, damage control ika nga, wala itong paki kung "pasasabugin" (Sen Santiago), titiris-tirisin at dudurugin nito ang emperyo ng mga Lopezes sa bansa.

Doy
May 10, 2008

Related Stories:
FDC lists expensive-power factors by Paul A. Isla
Business Mirror
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=117857

Slow EPIRA implementation cause of high electricity prices by LALA RIMANDO
abs-cbnNEWS.com/Newsbreak
http://www.abs-cbnnews.com/

Probe billion-peso Meralco deals--GSIS by TJ Burgonio, Ronnel Domingo
Philippine Daily Inquirer
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080510-135779/Probe-billion-peso-Meralco-deals--GSIS

Tuesday, May 06, 2008

Gera sa Mindanao, namumuo

Mukhang namimintong sumiklab muli ang gera sa pagitan ng MILF at AFP / gubyerno. Ayon sa mga nagmamasid, inaasahang puputok ang gera matapos ang ARMM election sa Agosto, meaning sa bandang Setyembre - Nobyembre, "panahong nasa kasagsagan ng pampulitikang krisis ang bansa, said na ang reserbang bigas ang NFA at sagad hanggang langit ang taas ng presyo ng pagkain, nasa P60/litro na ang gasolina, panahong umaatakeng militar ang NPA, panahong sinasalanta tayo ng sunud-sunod na malalakas na bagyo't baha at panahong nasa kalsada na ang mamamayang nagpoprotesta dulot ng patong-patong na krisis ng country." (Photo: AFP forces in Mindanao, www.daylife.com)

Ang isyu ng goyoan at nauudlot na usapang pangkapayapaan, ang inaasahang dayaan at kaguluhan sa election at ang pananabotahe't iki-create ng ilang susing tao sa Malakanyang ang siyang salarin at magpapasiklab ng digmaan sa Mindanao. Kung matatandaan, ilang buwan na ang nakalipas nang mahiwagang dumalaw ang US Ambasador Kenney sa kuta ng MILF at binatikos agad ito ni Senador Nene Pimentel, kapuna-puna rin ang lumalakas na panawagan ng "isang Moro Republic" sa hanay ng mamamayang moro, kasabay na balita ang pag-atras ng Malaysia sa peace talks at lumalakas na adbokasiyang peace movement ng maraming sektor sa Mindanao.

Kaya lang, mukhang lumalabas na kagustuhaan din ng Malakanyang, ilang makapangyarihang pulitiko sa Mindanao at ilang may utak pulburang General sa AFP na madiskaril ang usapang pangkapayaan sa Mindanao. Bukud sa karaniwang dahilang "isang hanapbuhay, gatasang baka ang GERA, isang daan para sa promotion, ang muling pagpapataas ng budget at nakaumang na procurement ng malalakas na armas pandigma ng AFP, tulad ng night vision attack helicopter, lalabas na sisikat na naman ang mga General sa AFP.

Sa kasalukuyan, nung nakaraang buwan (April 30) gamit ang mga howitzers, mortar at mga OV-10 bombers, nagsimula ng pulbusin ng AFP ang Talipao, Sulo. May 40 civilian ang nasaktan at namatay sa insidente
. Kung matutuloy ang malakihang digmaan at tatalima ang AFP sa panawagang "global war on terrorism," bukud sa mga utak pulburang mga Generals at pulitiko, tiyakang matutuwa rin si Bush at kanyang mga warmongerer sa US State Department." (Larawan: http://www.airliners.net/aviation-photos/small/9/6/2/1035269.jpg)

May mahigit pitong (7) taon ng nasa hapag-agenda ang isyu ng anscestral domain o ang lupang katutubo ng mga kapatid nating Moro sa Mindanao, subalit tila ata gumagawa ng maraming hadlang, kadahilanan, "kesyo lalabag at usapin daw ito ng Constitution," kesyo kailangan pa raw itong iproseso sa Tongreso, etchetera...Parang palalabasin pa atang ang MILF ang may gusto n
g gera, ang MILF ang instigador at naghahanap ng basag-ulo?

Kung matatandaan at babalikan natin ang dalawang beses na mga pronouncement ni GMA sa State of the Nation (SONA) address kamakailan, tandang-tanda natin ang alingaw-ngaw na, "sa loob ng kanyang pagtatapos sa panunungkulan sa 2010, meaning sa loob ng tatlong taon, “kanyang buburahin, dudurugin ang rebelyon at insureksyon ng MILF, MNLF at CPP-NPA.” Sa ganitong pusturang counter-insurgency, wala talagang maasahan magkkaroon tayo ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

Ang hadlang sa usapin ay parang nauulit lamang. Sa badang huli, ang kagustuhan pa rin at modus operandi ng Malakanyang na gatungan at pag-alabin ang gera sa Mindanao. Hindi alintana ng Malakanyang ang trahedyang epekto ng Gera sa bansa. Ilang civilian ang tatamaan at daang libong internal refugee ang maire-relocate (internal refugee) at kung tatlumpung milyong piso (P30.0 million / day) kada araw ang mawawaldas sa kabang yaman ng bansa.
(Larawan: (Photo; US Ambassador Kristie Kenney and MILF chairman Al Haj Murad emerge from a close-door meeting in Camp Camp Darapanan in Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan Tuesday at which they discussed ways to resume stalled peace talks between the secessionist group and the government. PHILIPPINE DAILY INQUIRER/EDWIN FERNANDEZ / INQUIRER MINDANAO BUREAU / http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080219-119822/US-envoy-Kenney-MILF-chief-Murad-meet-on-peace-process)

Sapagkat nasa counter insurgency mode ang AFP at paghahasik ng lagim ang balangkas ng gubyerno, tulad ng dati, ang buluk na istratehiyang "idevide and rule ang hanay ng kaaway, maglunsad ng kaguluhan (special ops) tulad ng pagpapasabog na ibibintang sa MILF at magcreate ng senaryong walang intensyon ang huli sa usapang kapayapaan, sila'y mga terorista, may kaugnayan sa Abu Sayaff / JI, sila'y mga alagad ng Al Qaeda / Bin Laden at dapat mawala't mabura na sa mundong ibabaw." Ang tanong, maniwala pa kaya ang tao, kadadalaw lang ng US Ambasador Kenney sa MILF camp?

Mukhang napaghahalata na rin ito ng bansang Malaysia kung kaya't ninais nitong lisanin na ang papel nitong pagmamanman ng kapayapaan sa Mindanao. Sa tingin siguro nila, ginagago't ginagamit lamang sila ng Malakanyang.
(Larawan sa baba: pwersang MILF)

Ang nalalapit na ARMM election ang siya pang magpapalala ng sitwasyon sa Mindanao. Magkaroon man ng poll automation o wala ang eleksyon, malamang sa hindi, "hindi ito kikilalanin ng mamamayang Moro." Para sa mga kapatid nating Moro, tanging ang panawagang pagtatayo ng genuine "Bangsa Moro Autonomous Government, ang pagbubuwag ng peke, tiwali at manipuladong Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) ng Malakanyang na pinamumunuan ng mga AMPATUAN ang isang tanging solusyon sa kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao."

Doy / May 7, 2008

Related Story:
1. MILF calls on gov’t to quit dilly dallying peace process
http://www.cbcpnews.com/?q=node/2488

2. Moro youths to revive call for independence by ROMY ELUSFA
http://www.gmanews.tv/story/93869/Moro-youths-to-revive-call-for-independence


3. Lanao folks tag AFP unit of undermining ceasefire
NewsMay
3, 2008
Peace-loving residents of Lanao del Sur province complaint of the recent activities of the 103rd Infantry Brigade, Armed Forces of the Philippines (AFP) headed by Col Rey Ardo that caused so much fear and terror. In text messages sent yesterday to luwaran, the folks said “For the last three days, forces of the103rd Brigade of the AFP had been moving around in different municipalities of Lanao del Sur in very alarming fashion. This morning at the heart of Marawi City their convoy in full battle gear passed through, which created so much apprehension to the public. Kindly make representation for the interest of peace for the transfer of Col Ardo."
http://www.luwaran.com/modules.php?name=News&file=article&sid=693

Friday, May 02, 2008

Pulitika sa North Triangle, Barangay San Roque

Dalawang araw na ang nakalilipas ng pumutok ang balitang “nabugbug sarado” ang isang kaibigan at aktibistang si Edwin Nacpil, isang lider maralita ng Barangay North Triangle-San Roque, QC. Ang balita, mga kaaway sa Barangay, kaaway sa pulitika't ibang grupo ang salarin. Ang insidente, ayon sa aking kakwentuhan, "on going ang aktibidad (dialogue?) sa barangay plaza at may hawak raw si Edwin ng mikropono ng inatake, nilusob at kinuyog ito ng mga kalalakihang nagmula raw sa Barangay.”

Kilala ko ang mga magulang at mga kapatid ni Edwin. Lumaki't dati kaming nakatira sa Barangay UP Campus at ang kanyang masipag at astig na Ama na kilalang“Boy Gabi,” sa dahilang may malawak itong taniman ng gabi, sagingan at kangkungan. Sapagkat matubig ang lugar (swamp), masukal at sari-sari ang mga nakatanim, naging lunsaran din ito ng TULIAN ng mga kabataan sa tuwing bakasyon. Sa ngayon, nasagasaan na ito ng Jacinto st., dinadaanan ng Ikot Jeep at tinayuan na ito ng Bliss, medium rise building para sa UP faculty at mga empleyado.

Ang tantya ng aking kakwentuhan, "mukhang personal at pulitika ang punu't dulo." Ang isang maaring dahilan ay ang paninindigan, ipinaglalaban at mga isinasagawang development projects ng organisasyong kinabibilangan ni Edwin sa barangay. Ang espekulasyon, sa malamang sa hindi, sa tindi ng selos o sabihin nating iggit ng Barangay Officials at ibang organisasyon kay Edwin, para sa kanila, panggugulo at pananabotahe ng grupo nila Edwin ang isa sa mga dahilan. "Mukhang balak hiyain at saktan si Edwin sa tao upang mawala na ang sagabal nito sa pang-araw-araw na takbo ng Barangay at matuloy na ang ina-asam-asam at nakaumang na multi-bilyung pisong QC - Central Business District na itatayo sa lugar.”

Ang lugar ng North Triangle hanggang golf course ng Veterans Hospital North Av. na may mahigit kumulang na 250 hektaryang nasasakupan ay matatagpuan sa harap ng Philippine Science High School sa bandang silangan, Edsa sa bandang kanluran at Quezon Av sa bandang timog, masyadong istratehiko ang lugar. May mahigit kumulang na walong libong pamilya (8,000 families) ang nakataya't naninirahan at napaliligiran ito ng dalawang malalaking Mall sa QC, ang Trinoma-Ayala, SM North Edsa at central station ng MRT 3.

Pinaniniwalaang malapit na itong ma-demolish at diumano'y nabili na raw ito ng mga AYALA. Ang lugar ang siya ngayong mainit na usap-usapang, headline sa mga pahayagan, na hindi na raw mapipigilan na pagtayuan na ito ng isang multi-bilyong pisong Quezon City – Central Business District, ala Makati-Ayala CBD. Alinsunod daw Ito sa plano't patakaran ng National Housing authority (NHA) at ni Mayor Sonny Belmonte na iconvert ang lugar para sa isang high end multi-bilyong “commercial, industrial and real estate center ng QC.” (Photo: http://www.quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=94&Itemid=1)

Naninindigan ang organisasyong kinabibilangan ni Edwin na patuloy na igiit ang isang “on site / mixed used high end/low end midium rise building (MRB) development sa lugar” para sa mahihirap ng North Triangle. Si Edwin ay kabilang sa grupong Kasama Filipina, isang progresibo at independent group na nagtataguyod ng hustisyang panlipunan, nag-aadvocate ng kasiguruhan sa paninirahan at matitirikang lupa para sa maralitang lunsod. Si Edwin ang responsable' t kasalukuyang pinuno ng isa sa mga malalaking organisasyon ng Maralitang Lunsod sa North Triangle, San Roque, ang SRCC. Tinangka ring pasukin ni Edwin ang mundo ng pulitika nung tumakbo't kumandidato ito bilang City Councilor at Barangay Captain noong nakaraang taon.

Si Edwin at ang SRCC ay matagal ng nanawagan ng “on site development / medium rise building, bilang sagot sa problema ng kasiguruhan sa paninirahan.” Isang makatarungang paraan daw ito upang hindi madislocate, mapariwara ang panlipunan at pang-ekonomiyang katatayuan ng mga tao sa lugar. Kung baga, ang kanilang katwiran, "hindi dapat madiskaril ang mamamayang naninirahan sa lugar, may continuity, win-win solution at partnership sa development." Sa katunayan, sa tulong at pagpa-facilitate ng mga NGOs at ibang kaalyado, naitayo ang isang kooperatiba, pinaplano't nakapagpakabit na sila ng linya ng tubig mula sa NWSS / Manila Water, bilang serbisyong bayan para sa mga kasapian ng organisasyon na patuloy na dumaranas ng walang patumanggang taas ng singil mula sa mga iligal, kabit system ng mga “sindikato ng tubig” sa lugar.

Kaya lang, bukud sa SRCC, may iba't-ibang pang malalaking grupo't organisasyong maralita (N3T) ang kumikilos at nag-oorganisa, hiwalay sa orbit at paninindigan ng SRCC sa lugar. Ang bagong panalong Kapitan ng Barangay, na mahigpit na katunggali ni Edwin sa pulitika at pinagsususpetsahang involved sa insidente ng pambubugbog ay tahasang "hindi rin sang-ayon sa pinaplanong on site development" ng grupo ni Edwin.

Ayon sa aking kakwentuhang, ang “on site / city relocation” na pinaninindigan ng kabilang grupo ng mga organisasyon na kung tawagin ay N3T ay naniniwalang “kapana-PANALO, may katotohanan at nasa tamang diskarte't taktika ang kanilang posisyon. Sapagkat, ayon sa kanilang pagsusuri at batay raw sa konteksto ng lugar, "isang bangungut at suntuk sa buwang maipapanalo nila Edwin ang isang medium rise building / on site development sa lugar.” Sa katunayan daw, “mukhang inu-unti-unti na silang gibain sa lugar.”

Sa aking pagtatantya, ang grupong N3T at bagong kauupong Barangay official sa San Roque ay "mukhang tanggap na ang kahihinatnan ng lugar, ang kakaharaping demolition ng lugar at panahon na lamang ang makapagsasabi. " Mukhang “handa na silang ma-irelocate, basta't nasa maayos na proseso't pasilidad ang paglilipatan at hindi gaanong malalayo sa kanilang tinitirikan sa kasalukuyan,” Meaning, “malapit at nasa loob din ng Lunsod ng Quezon City ang relocation site." Kung sa bagay, sa laki ng nasasakupang lupain, may mga ilang bakante pang mga lugar na maaring relocation site ang lunsod.

Ang hirap ng kalagayang hindi nagkaka-isa- isa ang kapwa maralita, "watak-watak ang kilusan," ang"daming faction sa hanay ng mga organisasyon ng Maralitang Lunsod." Nakakapagtaka, iisa lang naman ang direksyon at patutunguhan? Naniniwala pa rin ako na "hindi talaga uubra sa ngayon ang, kayo-kayo lang, kami-kami lang at sila-sila lamang.”

Sa kasalukuyan, ang balita, mukhang tensyunado ang lugar, nag-aabangan, nagtie-tiempuhan, nagpapalakas, nagkokonsolida, nakikipag-ugnayan at nagpaplano sa panibagong yugto ng labanan at komprontasyon ang mga grupo.

Doy / May 2, 2008

Comments:

Gud day po ginoong doy cinco,
Saan nyo po nakuha ang balitang "nabugbog-sarado" si edwin nacpil? di nyo po yata alam kung ano talaga ang ginagawa ni ginoong nacpil sa area?
Ang tunay na nangyari ay:
Ang nagpatawag ng inter-agency mtg na iyon ay ang N3T alliance, kabilang po doon ang Kapit-Kamay sa Bagong Pag-asa Association na chapter ng Akbayan. alam po ng Akbayan-QC Dist 1 Division ang inter-agency mtg na iyon at pinadalo pa ang mga ksapian ng chapter.
Ang nandoon na sa stage ay ang representante ng UPAO at NHA. wla pa ang MMDA, HUDCC at ang Barangay Capt.
Nag-uumpisa na ang programa ng dumating si Ncpil at sinasabihan ang mga tao na magsiuwi na dahil di daw nya alam ang pulong na iyon. natural na di nya alam iyon dahil di naman sya ksama sa N3T alliance. sa ganoong tagpo ay pinagpatuloy pa rin ng emcee ang pagsasalita. umakyat na sa stage si Nacpil at pilit na inagaw ang mikropono sa emcee at sinabihan ang mga tao na magsiuwi na. kinuha uli sa kanya ng emcee ang mik at dinampot naman ni nacpil ang mik stand at ambang hahambalusin ang emcee. inawat sya ng mga nasa paligid ng emcee, ayaw nya magpaawat kaya sinuntok sya ng isang muslim na nandoon sa stage (yun samahan nila ay kaanib sa N3T). yun ang tumama sa kanya, isang suntok at binuhat na sya ng mga kasama nya papunta sa ofc ng SRCC.

Nagpatuloy uli ang programa pero di na tumuloy ang rep ng HUDCC dahil namonitor nila na may nanggulo sa mtg.
Marami pa rin tao ang nagsidalo ddil hinihintay nila ang kasagutan ng mga ahensya kung ano ang kahihinatnan ng kanilang paninirahan sa san roque. mahigit sa 1,000 ang dumalo. pero si nacpil ay pinigilan na ng mga kasama nya na umakyat muli sa stage.

ps:
1) nakainom daw si ginoong nacpil ng mga oras na iyon. kayo po mismo ang makakaalam sa mga tao kapag andun kayo sa area.
Salamat po pla sa paglagay ng issue ng CBD sa egroup. nakatawag na po ito ng pansin at ang organizing mukhang nagsi-shift ang focus sa san roque.
2) alyado po ng akbayan-qc dist 1 division ang N3T dahil dun nakapaloob ang ating chapter. tayo rin po ang nagmungkahi na imbitahan ang bgy kapitan sa araw na iyon.
3) un pong pagkakilala nyo kay ginoong nacpil ay malayo sa pagkakilala ng mga residente sa lugar ng san roque. ilan nga ba ang naniniwala pa kay ginoong nacpil? di po ako ang sasagot nyan kundi ang mga masa sa san roque.
Ang balita ay nagkakaroon ng mga dagdag kung ito dumaan na sa maraming bibig kaya sabi nga ng isang reporter sa tv "dapat sa first hand source para totoo ang balita".
-- jimmyred

Salamat sa info / sa email na ipinadala mo. Pasensya na't 'di ko lubusang alam ang totoong nangyari at binase lamang sa naka-kwentuhan (re bugbog sarado). Kaya nga't hindi ako nagpaka-detalye sa nangyari, pangalawa; napaka-limitado na ang panahon at nagmamadali akong isulat agad yung insidente. Kaya nga't nilagyan ko ng NOTE sa baba yung pinost ko sa BLOG na mag-comments na lamang kung may ibang version, dahil 'di nga ako sigurado sa datos. Anyway, salamat, sana tulong-tulong tayo na mapakalma, dahan-dahang maisaayos at hanggang sa dulo, kagyat na maresolba ang kaso. Salamat ule. -doy