Tuesday, October 28, 2008

5 bishops: ‘Time to prepare a new government is now’


27 ng Oktubre 2008
Umaatikabong “COMMUNAL ACTION” na ba at humihingi na ng suporta sa mga "liberators" o sa maraming sektor ang SIMBAHAN? Ang sigurado, pawang may katotohanan ang mga pahayag ng 5 aktibistang Bishops, kaya lang, ayon sa marami, bagamat matapang-tapang ang political statement, "dapat (long overdue) noon pa ito isinagawa."

Sa kanilang panawagan,
sa gitna ng political uncertainty, ang krisis sa pananalapi't pangungurakot, sa isinampang IMPEACHMENT kay GMA sa Kongreso, katapat sa pinaplanong Cha Cha ng Malakanyang at ang lumalalang gera sa Mindanao, mukhang wala ng nakikitang puwang sa pagbabago't reporma (radical reform) ang Simbahan at hindi na makakayanan hintayin pa ang 2010. Sa "panwagang oust GMA," maaring sabihing wala na itong tiwala sa electoral process at inaantisipang baka hindi na matuloy o magkaroon ng clean, credible, honest at peaceful election sa 2010 presidential election." - Doy


5 bishops: ‘Time to prepare a new government is now’

http://www.cbcpnews.com/?q=node/5484

MANILA, Oct. 28, 2008—The current government requires a drastic change—and the time is now, ranking Catholic Church leaders said Tuesday. In a strong statement, five bishops, led by Jaro Archbishop Angel Lagdameo denounced the “worsening” corruption in the government and stressed to need for change. Lagdameo called on Filipinos to start preparing for a new government. (Photo: http://www.cbcpnews.com/)

He said the need for a new kind of government is necessary to end an administration marred by a “social and moral cancer”—that is corruption. Lagdameo said hopelessness is pervasive the public but assured them “liberators” may just be around the corner.

“In response to the global economic crisis and the pitiful state of our country, the time to rebuild our country economically, socially, politically is now. The time to start radical reforms is now. The time for moral regeneration is now. The time to conquer complacency, cynicism and apathy and to prove that we have matured from our political disappointments is now. The time to prepare a new government is now,” Lagdameo said in a forum organized by CBCPNews and Catholic Media Network.
Also present in the forum were Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, Bataan Bishop Socrates Villegas, Masbate Bishop Joel Baylon and Legazpi Bishop Emeritus Jose Sorra.

Fed up
The bishops said the Church did not fail in calling on government leaders to be real public servants but they admitted all those efforts were seemingly futile. They recalled that there have been, at least, three statements where the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) denounced corruption in the country.

Villegas said the public should not remain complacent with what is currently happening in the government. He also called on the people “not to be passive” but engage “in active involvement” in seeking a change in governance. “The problem is not population, the problem is rampant corruption,” Villegas said.

It’s up to the people
Asked whether his statement is tantamount to calling for a public uprising to oust President Gloria Arroyo, Lagdameo said it’s already up to the people to decide what course of action will be used as long as it will be Constitutional and non-violent. After all, he said, Arroyo has been futile in preparing for a new government that could make a transition away from a corrupt one.

Cruz seconded CBCP’s top official saying corruption under the Arroyo administration is something that cannot be dealt with by the human justice system alone. “Corruption in such an extensive degree in the Philippines is a crime that cries to heaven for vengeance. Corruption in this country has become endemic, systemic, from top to bottom in government. Perhaps they may be given the punishment they deserve by the human justice system, but that’s not enough. Someone else in the Higher Authority will punish them as they deserve,” said the former CBCP president.

‘We are here to disturb you’
Villegas said they are hoping that their statements will spur the public to move into action.
“We are not here to bring you peace. We are here to disturb you. I’m praying to God that after this meeting, may the Lord trouble you because the trouble that comes from the Lord is going to make you a better person and it’s going to make the country a better country,” he said.
The young prelate said that with the current state of the government, there must be very drastic and dramatic actions from each and every one. He added that had the country been less corrupt, even just half of what it is today, the country would have been in a much better position.

“If we have been only half less corrupt, we would have more money to feed our children, more money to put up schools, more money to bring medicines to hospitals. The problem is not population. The problem is corruption. Just cut the corruption in half and we would have enough money to take care of the poor,” Villegas said. (CBCPNews)

Related Story:
A call for regime change
http://www.malaya.com.ph/oct30/edit.htm
Editorial
Let there be no mistake. The call of Jaro Archbishop Angel Lagdameo and four other bishops is for no less than a regime change. Gloria Arroyo must go now. How this is done they leave to the people to decide.

Sedisyon sa 5 obispo ipinorma
(Tina Mendoza, Rose Miranda, JB Salarzon, Boyet Jadulco, Eralyn Prado)
http://www.abante.com.ph/issue/oct3008/news03.htm

Wednesday, October 22, 2008

Environmentally accident-prone areas

Doy Cinco/
23 ng Oktubre 2008

Minsan, sa kagustuhang makarating ng maaga sa opisina at maka-uwi, mas gusto ko ang "isang kaskasero kaysa sa galaw pagong at matakaw sa pasaherong driver." Madalas kong tandaan ang mga mabibilis tumakbo at ang mga matatakaw na bus driver. Mukhang hindi ako nag-iisa pero parang "guilty" ang pakirandam ko. May mga panahong nagpapasaring ako ng maangas na komento sa driver at sa conductor sapagkat, imbis na isang oras ang biyahe, nasasayang ito't nagiging dalawang oras. Kaya't minsan, bukud sa kulitan, nagkakatampuhan kami ng partner ko sa loob ng bus.

In fairness, kung minsan, inoobserbahan ko ang mga driver, sa kanyang kalalagayan at pangangatawan. Pakiwari ko, parang h
indi sila masaya, 'di sapat ang kita at hirap sa buhay. Baka isa ito sa mga dahilan kung bakit parang balisa, mainitin ang ulo, problemado't hindi makapag-concentrate sa pagmamaneho. Ang sabi ng iba, wala na sa etika o sa bokabularyo ng driver ang prinsipyong “defensive driving,“ at tanging ang "panggugulang sa lansangan ang isang paraan upang maipakita kahit paano ang kanilang kapangyarihan at ang pagsuway sa batas trapiko ay maaring pagpapahiwatig ng pagrerebelde, repleksyon ng paghihiganti." (Photo: commuter/metro bus sa Hongkong at Denmark)

Maaring sabihin na ang "kalakhan sanhi ng road accidents ay kagagawan at nasa kamay ng mga driver, pero hindi dapat ipagwalang bahala ang "POOR ROAD CONDITION" sa Kamaynilaan. Para iwasan ang talamak na mga lubak-lubak na daan, nagsu-swerving at umiiwas ang mga driver na nagreresulta ng vehicular accident.
Isa rin sa aking napansin ang pagkaka-disenyo't katangian ng mga “aircon Bus.” Sa tingin ko, "pang-provincial Bus ang kanyang character" at hindi siya ginawa sa konteksto ng urban driving. Sa totoo lang, "aircon coaches" siya at hindi commuter Bus. Hindi siya “friendly" sa mga pasaherong akyat panaog. Mataas ang (3-4 steps) kanyang flooring, hindi abot ng tao ang mga hawakan sa kisame, maximized ang upuan at makikitid ang pasilyo't pintuan. Hindi siya commuter bus, siya'y nagpapanggap at pinatatakbo sa maling terrain, sa highly populated na urban setting. "Alam kaya ito ng LTO?"

Ang "commuter bus" na karaniwang ginagamit sa mauunlad na bansa, bukud sa fixed ang speed limit, "maaliwalas, maraming hawakan, lowered, isang step lang ang hagdan at ka-level ng bangketa ang kanyang flooring." Dahil dalawahan ang upuan. nakadisenyo siya sa tayuan at magsakay ng maraming pasahero. Karaniwang pag-aari ng mauunlad na gubyerno ang commuter bus. Palagay ko, kaya natin gumawa ng commuter bus, mahusay tayong mag-assemble at magaling sa paglalaLATERO.

Dagdag pa, ang pamantayan at requirement ng mga kumpanya ng Bus sa hiring ng mga driver, bukud sa pagmamaneho, “matatanggap ka kung ika'y nakapatay o nakasagasa na ng tao.” Dahil PRIBADO ang nagmamay-ari, profit ang pangunahing layunin, lubhang nagpabigat pa ang sistemang "porsientuhan sa neto o kita ng driver sa isang araw." Para kumita ng malaki, kayod kalabaw, nag-aagawan at nag-uunahan makakopong ng mga pasahero na nagreresulta ng pagiging kaskasero ng huli. Isa rin sa dapat ikunsidera ay ang mga depektong mga makina, bukud sa kulang sa maintenance, "segunda mano-ukay ukay na estado" na karaniwang mga Japanese surplus na ipinapasok sa ating bansa.

Maaring pag-aralan ang sistema ng training ng Land Transportation Office (LTO) sa mga taong nagnanais makakuha ng lisensya sa pagmamaneho. Sa mahigit "isang milyong student permit na naibibigay ng LTO taun-taon, 99 % nito ay hindi dumadaan sa DRIVING SCHOOL." Ang nakakadismaya, sa training exam, "atras abante lang sa 40 meters driveway ng LTO premises pasado ka na" at ang katawa-tawa, "kahit walang katibayan o pruweba na nag-aral ka sa pagmamaneho, makakakuha ka ng STUDENT PERMIT."

Bukud sa mahina't inutil ang law enforcement ng mga ahensya, karaniwang nag-oover lap ang mga gawain, walang malinaw na mga reglamento at patakaran (road safety measure) sinusunod sa sektor ng transportasyon. Bukud sa may LTO, DOTC, LGUs, MMDA at PNP, imbis na makatulong, kadalasa'y nagiging bahagi pa sila ng problema.

Edsa at Commonwealth Av

Mahirap sabihing mga driver ang siyang tanging salarin sa mga aksidente sa Edsa at Commonwealth. Kung baga, ang katangian, kalagayan at ang ENVIRONMENT ang siyang dahilan kung bakit talamak ang mga vehicular accident sa Edsa at Commonwealth, ang tinaguriang “the most traffic accident-prone thoroughfares” sa bansa. Dahil naka-dinisenyo
ng ala-expressway, "walang speed limit" at sa tuwing patay ang oras, hindi maiiwasang magpatakbo ng lagpas sa 80 kph ang mga motorista.

Kung pansinin ang kapaligiran;
walang maayos na mga karatula, road signs ng ating mga lansangan. Mas kumon ang nakakaduling na mga iligal at naglalakihang BILLBOARDs at mga nakasabit na tarpuline ng mga pulitiko. Kumpara sa Edsa, walang malinaw na sinusunod na bus at jeepney stop na nagreresulta ng “de-facto loading and unloading zone” ng buong kahabaan ng Commonwealth. Ang malungkot, nakadagdag ang mga U-TURN slot at dahil hindi gaanong nagagamit ang mga naitayong overpass (pink-MMDA), ang buong Commonwealth ay nagmistulang pedestrian lane areas.

Kung environmentally accident prone areas ang kalakhang lansangan sa Metro Manila o sa Pilipinas, ayon sa mga experto, THREE (3) Es lang ang solusyon sa road safety; ENGINEERING, ENFORCEMENT at EDUCATION. Tulad sa mauunlad na bansa, ang "THREE Es ang isa sa palatandaan na nasa "first world country" na ang Pilipinas at dito sinasabing malaki ang papel ng gubyerno.

Kaya't may isa mang duktor na lulan ng Mercedez Benz ang winasiwas ng dalawang nagkakarerahang bus, may insidenteng mag-asawang Sen Rene Saguisag, Joyce Jimenez, ang singer na si Ric Segreto, inaasahang mas lalala at isang libo pang buhay taun-taon ang hinihintay ni Kamatayan.

Comment:
Bonn Juego at 9:56am October 31
Salamat sa magandang obserbasyon mo, Doy! Ang dami talagang nasayang na oportunidad lalo na nung panahon ni Marcos kung kailan tayo dapat ay sumunod na rin sa proseso ng industriyalisasyon ng mga kalapit nating bansa sa Silangang Asya. Bansa sana tayo ng mga inhenyero at hindi ng ....

At isa pa, sa dinami-rami ng mga 'official trips' ng mga ... Read Morenamumuno sa ating pamahalaan, lalo na sa mga mauunlad na bansa ng Europa, Amerika at Silangang Asya, hindi ba sila natuto sa mga magagandang sistema na kanilang nasilayan? Hindi na tanong ito, kasi obyus naman!

Nakalulungkot isipin na pangmatagalan ang solusyon sa kinakailangan nating kaunlaran, pangmatagalang istratehiya na hindi susugalan ng kung sinomang pangulo na mayroon lamang anim (6) na taong panunungkulan! Ngunit buo pa rin ang aking pag-asa. Kung ang Europa nga, winasak ng digmaan, at nakaahon, kaya rin natin ito na mayroon na rin namang mga magagandang nasimulan at pundasyon na rin.

Napahaba na ito. Sige, tulog muna ako at lumalamig na rito sa Denmark!

Friday, October 17, 2008

WORLD BANK, 'di na “paloloko” sa GMA administration

Doy Cinco /
18 ng Oktubre, 2008
Kamakailan lamang, naimbitahan ako kasama ng iba't-ibang grupo (Business, LGUs, NGO-POs, Trade Union, Academe) sa isang “Consultancy meeting ng World Bank Group's Country Assistance Strategy (CAS) sa Pilipinas" para sa susunod na taong 2009 – 2012. Ginanap ito may dalawang linggo na ang nakalilipas (October 3, 2008) sa Asian Institute of Management (AIM), Makati. Nais ng WB sa pagpupulong na makapagtukoy ng malawak-lawak na perspektiba, rekomendasyon at makapag-facilitate ng makahulugang palitan ng kuru-kuro't pananaw sa mga kritikal na kaganapan at hamon ng panahon, ganun din ang mga usaping patakaran at programa sa pagguGubyerno.

Bilang backgrounder, ang CAS ang nagsisilbing sentrong behikulo sa pagdedetermina ng World Bank (WB) Group sa kanilang tulong sa Pilipinas at karaniwan inihahanda ito (dokumento) sa kada tuwing tatlong (3) taon. Ang kasalukuyang WB Group CAS para sa Pilipinas ay may TEMANG “Supporting the Island of Good Governance,” meaning hindi usaping pang-ekonomya.

Sumentro ang usapin sa paggugubyerno (governance), ang resulta, pumatok sa mga workshop at talakyan ang "kabulukan ng pulitika (TRAPO) at pangungurakot, na siyang sanhi ng karalitaan at kawalan ng maayos na patakarang pangkaunlaran."
As of February, 2008, "may dalawampu't dalawang (22) active projects na nagkakahalaga ng $1.13 billion ang WB Assistance Programa (pautang) sa Pilipinas." Dahil sa krisis sa pananalapi, inaasahang lalaki ito sa susunod na fiscal year (2008 - 2009). Kaya lang, 'di hamak na mas malaki ng ilang ulit ang pinapautang at pinapasok na puhunan ang China ngayon sa Pilipinas.

Mukhang hindi na makatiis at nagiging kritikal na ang WB sa administrasyong GMA. Sa pinakahuling pangyayari ng pagtanggi't pagsupalpal ng WB hinggil sa $10.0 billyon stand-by credit para sa ASEAN at PILIPINAS na antimanong inanunsyong parang kanya ni GMA kamakalawa. Sino ba naman ang hindi mapipika, kahit hindi awtorisado, pumapel, pangunahan ang WB sa kanyang binabalak, panghimasukan at parang pumupusturang tagapagsalita, spokewoman ng WB sa Asia si GMA. Para sa WB, "may karapatang ba, may basbas ba upang ipagmayabang at ipangalandakang pwede ng mangutang at may mauutangan na ang Pilipinas. Ang pinakamatindi, nagmamagaling na nasa maayos na lagay na raw (economic fundamental) at hindi gaanong tatamaan ng dilubyong financial ang Pilipinas."

Dahil hindi kaya nitong tiris-tirisin, hindi pwedeng brasuhin ang WB, sa tulad ng ginagawa ni Sec Raul Gonzales sa mga kaaway sa pulitika, agad inaming “nagkamali ang Malakanyang sa maling akalang may $10.0 bilyon at hangarin ang WB sa Pilipinas at sa ASEAN countries." (Photo above: Finance Secretary Margarito Teves, cache.daylife.com/.../07Om4sKaiY4FP/610x.jpg)

Hindi pa tumigil ang mga galamay ni GMA, sa pangalawang pagkakataon, agad sinabing hindi WB kundi ang Internationl Monetary Fund (IMF) a
ng may balak magpautang at dahil itinanggi rin ng IMF ang nasabing stand-by facility, doble kuryente ang napala ng Malakanayang. Sa labis-labis na kahihiyan, kumambyo ito at sinabing sa harap ng rumaragasang financial crisis ng Kapitalismo, hindi na kailangan ng bansa ang nasabing standby facility.

Lumalabas na hindi lamang mga Pilipino ang nabiktima at naloko ni GMA, maging ang mga Kmer (Combodia), Burmese - Myanmar (Burma) at mahihirap na sektor sa Indonesia. Ang mga mamamayan ng dalawang bansang ito, tulad ng mga Pilipino ay patuloy na binabayo ng matinding krisis, naghihirap, humaharap sa taggutom at trahedyang gawa ng maling pamumuno at pulitika. In fairness, relatibong maunlad at hindi na umaasa sa “pangungutang at pamamalimos” ang mga bansang Thailand, Malaysia, Singapore, mga bansang pinupuntirya ng mga kababayan nating mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ugali na ni GMA ang maging oportunista, "mag-claim making tactics,” makakuha ng kredito kahit walang ginagawa, kahit hindi niya ito programa't proyekto, kung baga, laway lang ang puhunan, photo ops, makapagpropaganda't magbigay ng inpormasyong “maganda sa pandinig ng tao.” Ang hindi ko maarok, imbis na kahiyaan ang pangungutang, ang lubug na sa utang na kalagayan ng bansa, parang ipinagmamalaki pa, parang isang medalya't karangalan at achievement ang patuloy na pangungutang at pamamalimos sa IMF-WB. Parang ang gustong ipagmayabang ni Ate Glo na tayo ang nangunguna sa Asia sa larangan ng pangungutang, sa pamamalimos, sa pagiging PULUBI'T pala-asa at higit sa lahat, ang pagiging SUPER KATULONG o caregiver sa mundo.

Related Story:
The Latin American alternative: a new financial system by Tim Anderson, Caracas
17 October 2008
http://www.greenleft.org.au/2008/771/39749
As stock markets crashed and a global credit squeeze threatened global economies, Latin American governments pushed ahead with plans for a new financial architecture, to replace the current bankrupt system.
The people of the world “no longer support” this privatised banking system, Venezuela’s President Hugo Chavez insisted at an international conference of political economists in Caracas on October 8-10, hosted by the Miranda International Centre (CIM) and entitled “Responses from the South to the global economic crisis”.

The International Monetary Fund (IMF) was one of those principally responsible for the financial crisis. It should “dissolve itself” and “disappear from the Earth”. Ecuador’s economic policy minister Pedro Paez said society must “reclaim the leading role that has been kidnapped by the centres of political and economic power … the capitalist system is not the only option”. (Latin American Map; http://www.colonialvoyage.com/america/it/images/foto9.jpg)

Proposals for a new financial system also emerged from the CIM conference. In a joint report to the Venezuelan government, conference participants urged immediate action to socialise the banks and protect national savings without bailing out private investors.
The proposals emerging from Latin America differ in important respects from the bailouts taking place in the US and Europe, which seek to underwrite private losses and save the privatised finance cartels.

Sunday, October 12, 2008

Military / police offensive sa Mindanao, walang kapana-panalo!

Doy Cinco /
13 ng Oktubre, 2008

Mula ng kinatay ang peace process at MOA-Ancestral Domain sa pagitan ng GRP at MILF, may dalawang buwan na ang labanan sa Mindanao, nagpatuloy ang putukan hanggang at matapos ang Ramadan, binubuhay muli ang Cha Cha, dumausdos ang stocks at financial institution sa mundo ng Kapitalismo, malapit na ang 2010 election at nakatutok na sa machinery building ang mga presidentiables. Mukhang manhid na't hindi na pumapatok sa takilya ang bakbakan sa Mindanao. (Map of Mindano, http://www.flyphilippines.info/mindanao.html)

Anim na probinsya sa Gitnang Mindanao ang sentro ng labanan, "may dalawang daan na ang namamatay at sugatang civilian-combatant sa magkabilang panig" at walang dudang nasa "humanitarian crisis" na ang kalalagayan ng kalakhang Muslim Mindanao. Patunay ito sa mahigit anim na daang libong mamamayang (610,000) ang kasalukuyang apektado ng gera. Kahit wala na sa banner headline ang balita patungkol sa GERA, patuloy na lumalala ang sitwasyon. Parehong nagmamayabang (claiming) na sila'y nananalo sa labanan.
Ayon sa assessment ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (through its Regional Disaster Coordinating Center- RDCC), may 1,822 bahay, walong (8) mosques at anim (6) na paaralan ang sinunog bilang "collateral damage" sa labanang MILF - AFP.

Walang dudang nai-interntionalized na ang digmaan sa Mindanao. Maliban sa Malaysia, International Red Cross, OIC at USA, sa anyo ng humanitarian aid, pumasok na sa eksena ang European Commision (EU), United Nation Childre's Fund at iba't-ibang local at international NGOs. May P150.0 milyon na ang humanitarian aid ng EU para sa mga na-displaced na mamamayan. At kung may sampung milyon kada araw (P10.0milyon / araw x 60 days) ang nawawaldas sa military operation (P600.0 milyon), may mahigit kalahating bilyon piso na ang nauubos na salapi't resources ng gubyerno dahil lamang sa walang kakwenta-kwentang gera.

Ano ang dahilan, ano ang tunay na pakay kung bakit walang kapaguran ang putukan sa Mindanao? Ito ba'y para protektahan ang Constitution, ang protektahan ang bawat pulgada (inches) ng ating teritoryo laban sa mga kaaway, ito ba'y para sa kabayanihan, kagitingan para sa mabilis na promosyong militar o pansariling kapakinabangang protektahan ang angking iligal na kayamanan ng mga maimpluwensya't makapangyarihan?

Kabalintunaan ang sabi ng aking reliable na inpormante, "may isang remote na bayan sa Lanao del Sur na pinaghihinalaang DRUG haven ala drug cartel ng Columbia sa South Amerika. Siya ang drop off, pick-up point ng bilyong pisong shabu, tone-toneladang droga't mga iligal na epektos na malamang sa hindi, pinanggagalingang supply sa buong bansa. Ito sa palagay ko ang ini-ingatan at pinoprotektahan ng ilang tiwaling tao sa gubyerno. Kung sino ang may kontrol sa lugar, siya ang kikita at hari, siya ang malapit sa kusina ng Malakanyang at siya malamang ang bida't pogi sa nalalapit na 2010 presidential election, kung matutuloy.
Pangalawa; bukud sa mga mayayamang Illongong may malalawak na lupain sa lugar, sinasabing may libu-libong hektaryang nabili't pag-aari ng ilang matataas na opisyal ng military (mga opisyal ng AFP sa panahon ni Marcos hanggang kay GMA) ang mga lugar kung saam maiinit ang mga tunggalian.

Maliwanag na kasakiman at katakawan ang sanhi ng GERA. Maliwanag na “man made calamity” at walang dahilan upang ipagpatuloy ang military madness at adbenturistang militar."Itigil na ang government and Military offensive laban sa MILF, wala itong patutunguhan, pagsasayang ng resources at ang pinakamatindi, walang kapana-panalo ang pakikidigmang militar laban sa MILF, laban sa kapwa muslim na Pilipino." Kung kinakailangang imbistigahan ng isang independent international body ang atrocities ni Commander Kato, ni Bravo at iba pa, isama na rin ang "hindi mabilang na atrocities ng military at police sa Mindanao nuong panahon ni Marcos, Erap Estrada hangangg kay GMA."

Mula sa positional at conventional warfare, mula sa malakihang pormasyong militar, nagshift ang MILF sa paraan ng pakikidigma, ang guerilla warfare. Malawak ang kalupaan ng muslim Mindanao na maiikutan na maaring magsilbin
g maniubrahan sa atakeng militar, kontra-depensa at atrasan. May dalawang milyong muslim (ilang doble ang laki kaysa bilang ng Palestino sa Gaza Strip at West Bank) ang maaring languyan at handang prumotekta sa baseng guerilla ng MILF. Kung baga, "hearths and minds" ng Moro pipol patungo sa inaasam-asam na pakikibaka para makamit ang pagsasarili, tunay na awtonomiya at pagpapasya sa sarili (self determination).

Hindi maiiwasang lumabag ang military sa protocol ng Geneva Convention at karapatang pantao na karaniwang sangkap sa “search and destroy operation” ng military laban sa MILF. Hindi na uubra ang “Low Intensity Conflict at devide and rule tacticsframe na ginamit ng AFP laban sa insureksyong Kumunista. Magtanim man ng para-military (Cafgu) unit (kristiano-Ilaga?) sa teritoryo, hindi ito magtatagumpay, sapagkat, halos lahat ng mga tao sa barangay, kundi man magkakakilala, kadugo, mga kamag-anak, malapit sa pananampalatayang muslim. Ito ang kasaysayaan, ito ang dahilan kung bakit hindi nagupo ng Kolonyalistang Kastila at Amerika ang muslim insurgency sa Mindanao may isang siglo na ang nakalipas.

Ganito ang kinahinatnan at sinasabi ngayon ng British army officers sa iligal na panloloob sa Afghanistan at Iraq. Ganito na rin ang sentiemento ng US forces sa Iraq na sinasabing “walang kapana-panalo at habang lumalaon, lalo lamang lumalakas at nag-iintensify ang mapanlabang diwa ng mapagpalayang pwersang muslim. Hindi na makakayanan ang isang military solution, kailangan ng daanin sa peaceful negotiation at political solution.” Sa trilyong dolyar na naubos sa Iraq at Afghanistan War, lumalaki ang anti-war sentiment ng kanya-kanyang sariling mamamayan at pressure mula sa ekonomyang pabagsak mula na mga financial institution sa US at Europa. Tanging ang pag-atras at pagpapauwi sa tropang militar ang nakikitang solusyon para sa kapayapaan ng mundo.

Kung magmamatigas ang Malakanyang na ituloy ang gera sa Mindanao at gamiting palusot si Commander Kato at si Bravo at iuugnay ang gera sa binubuhay na Cha Cha, sa diklerasyong "emergency rule o Martial Law" para maibsan ang pagiging lameduck president, baka magkaroon ng malawakang demoralization at mutiny sa ilang military officers sa larangan,
baka ito na ang maging dahilan ng maagang pagbagsak ni GMA bago ang 2010?

Related Story:
ARMM assesses MILF war with military by Julmunir I. Jannaral, Correspondent
With 1,822 houses, 8 mosques and 6 schools burned, there’s reason to declare humanitarian crisis in Muslim Mindanao. The Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) through its Regional Disaster Coordinating Center (RDCC) on Sunday disclosed its assessment on the extent of total collateral damage of destroyed properties which were mostly burned to the ground as a result of the war between the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) that broke out on August 20.
http://www.manilatimes.net/national/2008/oct/14/yehey/prov/20081014pro1.html

A Call for Peace in Mindanao
http://www.youtube.com/watch?v=8-zsfmTCsBo&feature=related

Political Solution by Miriam Coronel Ferrer

Tuesday, October 07, 2008

Lake Bato (Moving to a higher ground)

Doy Cinco /
October 8,2008

Hindi lang maganda ang dokumentaryong pelikulang Lake Bato, siya'y nakapag-eeduka at nakapagpapamulat sa tao. Ang pelikula ay patungkol sa pagsisikap ng isang "kilusan ng mamamayan" na magkaroon ng pagbabago, kaunlaran at maproteksyunan ang inang-kalikasan. Ang Lake Bato ay matatagpuan sa liblib na kabihasnan ng bayan ng Bato, sa boundary ng Albay at Camrines Sur. May mahigit singkwenta kilometro (50+km) ang layo sa bandang timog-kanluran ng Iriga City. Isa siyang fishing town, 4rt class municipality, may 45,000 ang populasyon at isa sa pinakamahirap na lugar sa rehiyong Bicol. Dito matatagpuan ang ipinagmamalaking "pinakamaliit na isda sa buong mundo, ang SINARAPAN."

Mayorya ng mga tao (75%) ay umaasa sa pangingisda, ang pangunahing pinagkakakitaan. Bukud sa "malaki ang insidente ng karalitaan, mataas ang migration pattern, mataas ang unemployment rate at illiteracy rate, mayorya ng kabataan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa high school." Bukud sa siya ang pinaka-catch basin ng dalawang probinsya, panot ang mga kabundukan, "taunang nararanasan ng mamamayan ang pagbaha at pagrelocate ng kanilang mga tahanan sa mataas na lugar."

Dahil sa trahedyang dinaranas, nagsama-sama ang mga tao upang tulungan hindi lamang ang kanilang mga sari-sarili, paunlarin ang kalagayan ng komunidad at buhayin ang namimiligrong katatayuan ng Lawa. Dahil sa kasakiman, sa katakawan at kawalang habas na pagsasamantala sa kalikasan, parang may sakit na cancer ang dinaranas ngayon ng Lake Bato; bumababaw (siltation), puro burak at putik na siyang dahilan ng pagbaba ng oxygen level na siya namang pangunahing dahilan kung bakit lumiliit ang bilang ng mga nahuhuling isda sa Lawa.

Hindi na makakayanan ang may isang libong iligal na "fish cages / pen" na parang kabuting nakabalagbag sa Lawa.
Ayon sa mga dalubhasa, "kung ito'y mapapabayaan at walang gagawing pagkilos ang mamamayan at lokal na pamahalaan, may sampu hanggang dalawangpung taon (10-20 years) na lamang ang itatagal ng kanyang buhay." (Map of Camarines Sur showing the location of Bato / upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/...)

Sa anyo ng "BAYANIHAN, ang sama-samang pagkilos at kooperasyon, unti-unti nilang nagagawan ng paraan na maresolba ang ilang suliranin sa komunidad;" Sa suportang tulong ng ilang NGOs at civil society, naibalangkas ang programang sasawata sa kaliksan at kaunlaran, ang community based resource management, disaster preparedness at literacy program sa mga kabataan. Kung baga, ang problema ng isa, problema rin ng kumunidad.

Ayon kay Boyett Rimban, ang nagsaliksik, ang director at executive producer ng pelikula, “ang Lake Bato ay isa lamang sa mahigit sa pitong mga Lawa sa buong Pilipinas na nanganganib na ma
bura sa planeta natin. Malaki ang maitutulong ng documentary film, hindil lang sa environmental advocacy ng mamamayan sa lokal, sa rehiyong Bicol, sa nasyunal, ang awareness sa nagbabagong klima ng mundo at ang papel ng kilusang mamamayan na nakikibaka para sa pagbabago.” Sana'y suportahan at sana'y magtagumpay ito sa ano mang klaseng patimpalak na lalahukan ng documentary film-Lake Bato, moving to a higher ground.

Related Stor
y:
L
aguna de Bay in danger of dying, official says by Jim Gomez
Associated Press
First Posted 19:55:00 03/25/2008

MANILA, Philippines -- Laguna de Bay, one of Southeast Asia's largest, could become biologically dead in a few years if rampant pollution is not stopped, an official said Tuesday.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080325-126371/Laguna-de-Bay-in-danger-of-dying-official-says