Sunday, October 12, 2008

Military / police offensive sa Mindanao, walang kapana-panalo!

Doy Cinco /
13 ng Oktubre, 2008

Mula ng kinatay ang peace process at MOA-Ancestral Domain sa pagitan ng GRP at MILF, may dalawang buwan na ang labanan sa Mindanao, nagpatuloy ang putukan hanggang at matapos ang Ramadan, binubuhay muli ang Cha Cha, dumausdos ang stocks at financial institution sa mundo ng Kapitalismo, malapit na ang 2010 election at nakatutok na sa machinery building ang mga presidentiables. Mukhang manhid na't hindi na pumapatok sa takilya ang bakbakan sa Mindanao. (Map of Mindano, http://www.flyphilippines.info/mindanao.html)

Anim na probinsya sa Gitnang Mindanao ang sentro ng labanan, "may dalawang daan na ang namamatay at sugatang civilian-combatant sa magkabilang panig" at walang dudang nasa "humanitarian crisis" na ang kalalagayan ng kalakhang Muslim Mindanao. Patunay ito sa mahigit anim na daang libong mamamayang (610,000) ang kasalukuyang apektado ng gera. Kahit wala na sa banner headline ang balita patungkol sa GERA, patuloy na lumalala ang sitwasyon. Parehong nagmamayabang (claiming) na sila'y nananalo sa labanan.
Ayon sa assessment ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (through its Regional Disaster Coordinating Center- RDCC), may 1,822 bahay, walong (8) mosques at anim (6) na paaralan ang sinunog bilang "collateral damage" sa labanang MILF - AFP.

Walang dudang nai-interntionalized na ang digmaan sa Mindanao. Maliban sa Malaysia, International Red Cross, OIC at USA, sa anyo ng humanitarian aid, pumasok na sa eksena ang European Commision (EU), United Nation Childre's Fund at iba't-ibang local at international NGOs. May P150.0 milyon na ang humanitarian aid ng EU para sa mga na-displaced na mamamayan. At kung may sampung milyon kada araw (P10.0milyon / araw x 60 days) ang nawawaldas sa military operation (P600.0 milyon), may mahigit kalahating bilyon piso na ang nauubos na salapi't resources ng gubyerno dahil lamang sa walang kakwenta-kwentang gera.

Ano ang dahilan, ano ang tunay na pakay kung bakit walang kapaguran ang putukan sa Mindanao? Ito ba'y para protektahan ang Constitution, ang protektahan ang bawat pulgada (inches) ng ating teritoryo laban sa mga kaaway, ito ba'y para sa kabayanihan, kagitingan para sa mabilis na promosyong militar o pansariling kapakinabangang protektahan ang angking iligal na kayamanan ng mga maimpluwensya't makapangyarihan?

Kabalintunaan ang sabi ng aking reliable na inpormante, "may isang remote na bayan sa Lanao del Sur na pinaghihinalaang DRUG haven ala drug cartel ng Columbia sa South Amerika. Siya ang drop off, pick-up point ng bilyong pisong shabu, tone-toneladang droga't mga iligal na epektos na malamang sa hindi, pinanggagalingang supply sa buong bansa. Ito sa palagay ko ang ini-ingatan at pinoprotektahan ng ilang tiwaling tao sa gubyerno. Kung sino ang may kontrol sa lugar, siya ang kikita at hari, siya ang malapit sa kusina ng Malakanyang at siya malamang ang bida't pogi sa nalalapit na 2010 presidential election, kung matutuloy.
Pangalawa; bukud sa mga mayayamang Illongong may malalawak na lupain sa lugar, sinasabing may libu-libong hektaryang nabili't pag-aari ng ilang matataas na opisyal ng military (mga opisyal ng AFP sa panahon ni Marcos hanggang kay GMA) ang mga lugar kung saam maiinit ang mga tunggalian.

Maliwanag na kasakiman at katakawan ang sanhi ng GERA. Maliwanag na “man made calamity” at walang dahilan upang ipagpatuloy ang military madness at adbenturistang militar."Itigil na ang government and Military offensive laban sa MILF, wala itong patutunguhan, pagsasayang ng resources at ang pinakamatindi, walang kapana-panalo ang pakikidigmang militar laban sa MILF, laban sa kapwa muslim na Pilipino." Kung kinakailangang imbistigahan ng isang independent international body ang atrocities ni Commander Kato, ni Bravo at iba pa, isama na rin ang "hindi mabilang na atrocities ng military at police sa Mindanao nuong panahon ni Marcos, Erap Estrada hangangg kay GMA."

Mula sa positional at conventional warfare, mula sa malakihang pormasyong militar, nagshift ang MILF sa paraan ng pakikidigma, ang guerilla warfare. Malawak ang kalupaan ng muslim Mindanao na maiikutan na maaring magsilbin
g maniubrahan sa atakeng militar, kontra-depensa at atrasan. May dalawang milyong muslim (ilang doble ang laki kaysa bilang ng Palestino sa Gaza Strip at West Bank) ang maaring languyan at handang prumotekta sa baseng guerilla ng MILF. Kung baga, "hearths and minds" ng Moro pipol patungo sa inaasam-asam na pakikibaka para makamit ang pagsasarili, tunay na awtonomiya at pagpapasya sa sarili (self determination).

Hindi maiiwasang lumabag ang military sa protocol ng Geneva Convention at karapatang pantao na karaniwang sangkap sa “search and destroy operation” ng military laban sa MILF. Hindi na uubra ang “Low Intensity Conflict at devide and rule tacticsframe na ginamit ng AFP laban sa insureksyong Kumunista. Magtanim man ng para-military (Cafgu) unit (kristiano-Ilaga?) sa teritoryo, hindi ito magtatagumpay, sapagkat, halos lahat ng mga tao sa barangay, kundi man magkakakilala, kadugo, mga kamag-anak, malapit sa pananampalatayang muslim. Ito ang kasaysayaan, ito ang dahilan kung bakit hindi nagupo ng Kolonyalistang Kastila at Amerika ang muslim insurgency sa Mindanao may isang siglo na ang nakalipas.

Ganito ang kinahinatnan at sinasabi ngayon ng British army officers sa iligal na panloloob sa Afghanistan at Iraq. Ganito na rin ang sentiemento ng US forces sa Iraq na sinasabing “walang kapana-panalo at habang lumalaon, lalo lamang lumalakas at nag-iintensify ang mapanlabang diwa ng mapagpalayang pwersang muslim. Hindi na makakayanan ang isang military solution, kailangan ng daanin sa peaceful negotiation at political solution.” Sa trilyong dolyar na naubos sa Iraq at Afghanistan War, lumalaki ang anti-war sentiment ng kanya-kanyang sariling mamamayan at pressure mula sa ekonomyang pabagsak mula na mga financial institution sa US at Europa. Tanging ang pag-atras at pagpapauwi sa tropang militar ang nakikitang solusyon para sa kapayapaan ng mundo.

Kung magmamatigas ang Malakanyang na ituloy ang gera sa Mindanao at gamiting palusot si Commander Kato at si Bravo at iuugnay ang gera sa binubuhay na Cha Cha, sa diklerasyong "emergency rule o Martial Law" para maibsan ang pagiging lameduck president, baka magkaroon ng malawakang demoralization at mutiny sa ilang military officers sa larangan,
baka ito na ang maging dahilan ng maagang pagbagsak ni GMA bago ang 2010?

Related Story:
ARMM assesses MILF war with military by Julmunir I. Jannaral, Correspondent
With 1,822 houses, 8 mosques and 6 schools burned, there’s reason to declare humanitarian crisis in Muslim Mindanao. The Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) through its Regional Disaster Coordinating Center (RDCC) on Sunday disclosed its assessment on the extent of total collateral damage of destroyed properties which were mostly burned to the ground as a result of the war between the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) that broke out on August 20.
http://www.manilatimes.net/national/2008/oct/14/yehey/prov/20081014pro1.html

A Call for Peace in Mindanao
http://www.youtube.com/watch?v=8-zsfmTCsBo&feature=related

Political Solution by Miriam Coronel Ferrer

No comments: