18 ng Oktubre, 2008
Kamakailan lamang, naimbitahan ako kasama ng iba't-ibang grupo (Business, LGUs, NGO-POs, Trade Union, Academe) sa isang “Consultancy meeting ng World Bank Group's Country Assistance Strategy (CAS) sa Pilipinas" para sa susunod na taong 2009 – 2012. Ginanap ito may dalawang linggo na ang nakalilipas (October 3, 2008) sa Asian Institute of Management (AIM), Makati. Nais ng WB sa pagpupulong na makapagtukoy ng malawak-lawak na perspektiba, rekomendasyon at makapag-facilitate ng makahulugang palitan ng kuru-kuro't pananaw sa mga kritikal na kaganapan at hamon ng panahon, ganun din ang mga usaping patakaran at programa sa pagguGubyerno.
Bilang backgrounder, ang CAS ang nagsisilbing sentrong behikulo sa pagdedetermina ng World Bank (WB) Group sa kanilang tulong sa Pilipinas at karaniwan inihahanda ito (dokumento) sa kada tuwing tatlong (3) taon. Ang kasalukuyang WB Group CAS para sa Pilipinas ay may TEMANG “Supporting the Island of Good Governance,” meaning hindi usaping pang-ekonomya.
Sumentro ang usapin sa paggugubyerno (governance), ang resulta, pumatok sa mga workshop at talakyan ang "kabulukan ng pulitika (TRAPO) at pangungurakot, na siyang sanhi ng karalitaan at kawalan ng maayos na patakarang pangkaunlaran." As of February, 2008, "may dalawampu't dalawang (22) active projects na nagkakahalaga ng $1.13 billion ang WB Assistance Programa (pautang) sa Pilipinas." Dahil sa krisis sa pananalapi, inaasahang lalaki ito sa susunod na fiscal year (2008 - 2009). Kaya lang, 'di hamak na mas malaki ng ilang ulit ang pinapautang at pinapasok na puhunan ang China ngayon sa Pilipinas.
Mukhang hindi na makatiis at nagiging kritikal na ang WB sa administrasyong GMA. Sa pinakahuling pangyayari ng pagtanggi't pagsupalpal ng WB hinggil sa $10.0 billyon stand-by credit para sa ASEAN at PILIPINAS na antimanong inanunsyong parang kanya ni GMA kamakalawa. Sino ba naman ang hindi mapipika, kahit hindi awtorisado, pumapel, pangunahan ang WB sa kanyang binabalak, panghimasukan at parang pumupusturang tagapagsalita, spokewoman ng WB sa Asia si GMA. Para sa WB, "may karapatang ba, may basbas ba upang ipagmayabang at ipangalandakang pwede ng mangutang at may mauutangan na ang Pilipinas. Ang pinakamatindi, nagmamagaling na nasa maayos na lagay na raw (economic fundamental) at hindi gaanong tatamaan ng dilubyong financial ang Pilipinas."
Dahil hindi kaya nitong tiris-tirisin, hindi pwedeng brasuhin ang WB, sa tulad ng ginagawa ni Sec Raul Gonzales sa mga kaaway sa pulitika, agad inaming “nagkamali ang Malakanyang sa maling akalang may $10.0 bilyon at hangarin ang WB sa Pilipinas at sa ASEAN countries." (Photo above: Finance Secretary Margarito Teves, cache.daylife.com/.../07Om4sKaiY4FP/610x.jpg)
Hindi pa tumigil ang mga galamay ni GMA, sa pangalawang pagkakataon, agad sinabing hindi WB kundi ang Internationl Monetary Fund (IMF) ang may balak magpautang at dahil itinanggi rin ng IMF ang nasabing stand-by facility, doble kuryente ang napala ng Malakanayang. Sa labis-labis na kahihiyan, kumambyo ito at sinabing “sa harap ng rumaragasang financial crisis ng Kapitalismo, hindi na kailangan ng bansa ang nasabing standby facility.
Lumalabas na hindi lamang mga Pilipino ang nabiktima at naloko ni GMA, maging ang mga Kmer (Combodia), Burmese - Myanmar (Burma) at mahihirap na sektor sa Indonesia. Ang mga mamamayan ng dalawang bansang ito, tulad ng mga Pilipino ay patuloy na binabayo ng matinding krisis, naghihirap, humaharap sa taggutom at trahedyang gawa ng maling pamumuno at pulitika. In fairness, relatibong maunlad at hindi na umaasa sa “pangungutang at pamamalimos” ang mga bansang Thailand, Malaysia, Singapore, mga bansang pinupuntirya ng mga kababayan nating mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Ugali na ni GMA ang maging oportunista, "mag-claim making tactics,” makakuha ng kredito kahit walang ginagawa, kahit hindi niya ito programa't proyekto, kung baga, laway lang ang puhunan, photo ops, makapagpropaganda't magbigay ng inpormasyong “maganda sa pandinig ng tao.” Ang hindi ko maarok, imbis na kahiyaan ang pangungutang, ang lubug na sa utang na kalagayan ng bansa, parang ipinagmamalaki pa, parang isang medalya't karangalan at achievement ang patuloy na pangungutang at pamamalimos sa IMF-WB. Parang ang gustong ipagmayabang ni Ate Glo na tayo ang nangunguna sa Asia sa larangan ng pangungutang, sa pamamalimos, sa pagiging PULUBI'T pala-asa at higit sa lahat, ang pagiging SUPER KATULONG o caregiver sa mundo.
Related Story:
The Latin American alternative: a new financial system by Tim Anderson, Caracas
17 October 2008
http://www.greenleft.org.au/2008/771/39749
As stock markets crashed and a global credit squeeze threatened global economies, Latin American governments pushed ahead with plans for a new financial architecture, to replace the current bankrupt system.
The people of the world “no longer support” this privatised banking system, Venezuela’s President Hugo Chavez insisted at an international conference of political economists in Caracas on October 8-10, hosted by the Miranda International Centre (CIM) and entitled “Responses from the South to the global economic crisis”.
Dahil hindi kaya nitong tiris-tirisin, hindi pwedeng brasuhin ang WB, sa tulad ng ginagawa ni Sec Raul Gonzales sa mga kaaway sa pulitika, agad inaming “nagkamali ang Malakanyang sa maling akalang may $10.0 bilyon at hangarin ang WB sa Pilipinas at sa ASEAN countries." (Photo above: Finance Secretary Margarito Teves, cache.daylife.com/.../
Hindi pa tumigil ang mga galamay ni GMA, sa pangalawang pagkakataon, agad sinabing hindi WB kundi ang Internationl Monetary Fund (IMF) ang may balak magpautang at dahil itinanggi rin ng IMF ang nasabing stand-by facility, doble kuryente ang napala ng Malakanayang. Sa labis-labis na kahihiyan, kumambyo ito at sinabing “sa harap ng rumaragasang financial crisis ng Kapitalismo, hindi na kailangan ng bansa ang nasabing standby facility.
Lumalabas na hindi lamang mga Pilipino ang nabiktima at naloko ni GMA, maging ang mga Kmer (Combodia), Burmese - Myanmar (Burma) at mahihirap na sektor sa Indonesia. Ang mga mamamayan ng dalawang bansang ito, tulad ng mga Pilipino ay patuloy na binabayo ng matinding krisis, naghihirap, humaharap sa taggutom at trahedyang gawa ng maling pamumuno at pulitika. In fairness, relatibong maunlad at hindi na umaasa sa “pangungutang at pamamalimos” ang mga bansang Thailand, Malaysia, Singapore, mga bansang pinupuntirya ng mga kababayan nating mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Ugali na ni GMA ang maging oportunista, "mag-claim making tactics,” makakuha ng kredito kahit walang ginagawa, kahit hindi niya ito programa't proyekto, kung baga, laway lang ang puhunan, photo ops, makapagpropaganda't magbigay ng inpormasyong “maganda sa pandinig ng tao.” Ang hindi ko maarok, imbis na kahiyaan ang pangungutang, ang lubug na sa utang na kalagayan ng bansa, parang ipinagmamalaki pa, parang isang medalya't karangalan at achievement ang patuloy na pangungutang at pamamalimos sa IMF-WB. Parang ang gustong ipagmayabang ni Ate Glo na tayo ang nangunguna sa Asia sa larangan ng pangungutang, sa pamamalimos, sa pagiging PULUBI'T pala-asa at higit sa lahat, ang pagiging SUPER KATULONG o caregiver sa mundo.
Related Story:
The Latin American alternative: a new financial system by Tim Anderson, Caracas
17 October 2008
http://www.greenleft.org.au/2008/771/39749
As stock markets crashed and a global credit squeeze threatened global economies, Latin American governments pushed ahead with plans for a new financial architecture, to replace the current bankrupt system.
The people of the world “no longer support” this privatised banking system, Venezuela’s President Hugo Chavez insisted at an international conference of political economists in Caracas on October 8-10, hosted by the Miranda International Centre (CIM) and entitled “Responses from the South to the global economic crisis”.
The International Monetary Fund (IMF) was one of those principally responsible for the financial crisis. It should “dissolve itself” and “disappear from the Earth”. Ecuador’s economic policy minister Pedro Paez said society must “reclaim the leading role that has been kidnapped by the centres of political and economic power … the capitalist system is not the only option”. (Latin American Map; http://www.colonialvoyage.com/america/it/images/foto9.jpg)
Proposals for a new financial system also emerged from the CIM conference. In a joint report to the Venezuelan government, conference participants urged immediate action to socialise the banks and protect national savings without bailing out private investors.
The proposals emerging from Latin America differ in important respects from the bailouts taking place in the US and Europe, which seek to underwrite private losses and save the privatised finance cartels.

No comments:
Post a Comment