Tuesday, October 07, 2008

Lake Bato (Moving to a higher ground)

Doy Cinco /
October 8,2008

Hindi lang maganda ang dokumentaryong pelikulang Lake Bato, siya'y nakapag-eeduka at nakapagpapamulat sa tao. Ang pelikula ay patungkol sa pagsisikap ng isang "kilusan ng mamamayan" na magkaroon ng pagbabago, kaunlaran at maproteksyunan ang inang-kalikasan. Ang Lake Bato ay matatagpuan sa liblib na kabihasnan ng bayan ng Bato, sa boundary ng Albay at Camrines Sur. May mahigit singkwenta kilometro (50+km) ang layo sa bandang timog-kanluran ng Iriga City. Isa siyang fishing town, 4rt class municipality, may 45,000 ang populasyon at isa sa pinakamahirap na lugar sa rehiyong Bicol. Dito matatagpuan ang ipinagmamalaking "pinakamaliit na isda sa buong mundo, ang SINARAPAN."

Mayorya ng mga tao (75%) ay umaasa sa pangingisda, ang pangunahing pinagkakakitaan. Bukud sa "malaki ang insidente ng karalitaan, mataas ang migration pattern, mataas ang unemployment rate at illiteracy rate, mayorya ng kabataan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa high school." Bukud sa siya ang pinaka-catch basin ng dalawang probinsya, panot ang mga kabundukan, "taunang nararanasan ng mamamayan ang pagbaha at pagrelocate ng kanilang mga tahanan sa mataas na lugar."

Dahil sa trahedyang dinaranas, nagsama-sama ang mga tao upang tulungan hindi lamang ang kanilang mga sari-sarili, paunlarin ang kalagayan ng komunidad at buhayin ang namimiligrong katatayuan ng Lawa. Dahil sa kasakiman, sa katakawan at kawalang habas na pagsasamantala sa kalikasan, parang may sakit na cancer ang dinaranas ngayon ng Lake Bato; bumababaw (siltation), puro burak at putik na siyang dahilan ng pagbaba ng oxygen level na siya namang pangunahing dahilan kung bakit lumiliit ang bilang ng mga nahuhuling isda sa Lawa.

Hindi na makakayanan ang may isang libong iligal na "fish cages / pen" na parang kabuting nakabalagbag sa Lawa.
Ayon sa mga dalubhasa, "kung ito'y mapapabayaan at walang gagawing pagkilos ang mamamayan at lokal na pamahalaan, may sampu hanggang dalawangpung taon (10-20 years) na lamang ang itatagal ng kanyang buhay." (Map of Camarines Sur showing the location of Bato / upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/...)

Sa anyo ng "BAYANIHAN, ang sama-samang pagkilos at kooperasyon, unti-unti nilang nagagawan ng paraan na maresolba ang ilang suliranin sa komunidad;" Sa suportang tulong ng ilang NGOs at civil society, naibalangkas ang programang sasawata sa kaliksan at kaunlaran, ang community based resource management, disaster preparedness at literacy program sa mga kabataan. Kung baga, ang problema ng isa, problema rin ng kumunidad.

Ayon kay Boyett Rimban, ang nagsaliksik, ang director at executive producer ng pelikula, “ang Lake Bato ay isa lamang sa mahigit sa pitong mga Lawa sa buong Pilipinas na nanganganib na ma
bura sa planeta natin. Malaki ang maitutulong ng documentary film, hindil lang sa environmental advocacy ng mamamayan sa lokal, sa rehiyong Bicol, sa nasyunal, ang awareness sa nagbabagong klima ng mundo at ang papel ng kilusang mamamayan na nakikibaka para sa pagbabago.” Sana'y suportahan at sana'y magtagumpay ito sa ano mang klaseng patimpalak na lalahukan ng documentary film-Lake Bato, moving to a higher ground.

Related Stor
y:
L
aguna de Bay in danger of dying, official says by Jim Gomez
Associated Press
First Posted 19:55:00 03/25/2008

MANILA, Philippines -- Laguna de Bay, one of Southeast Asia's largest, could become biologically dead in a few years if rampant pollution is not stopped, an official said Tuesday.
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080325-126371/Laguna-de-Bay-in-danger-of-dying-official-says

No comments: