23 ng Oktubre 2008
Minsan, sa kagustuhang makarating ng maaga sa opisina at maka-uwi, mas gusto ko ang "isang kaskasero kaysa sa galaw pagong at matakaw sa pasaherong driver." Madalas kong tandaan ang mga mabibilis tumakbo at ang mga matatakaw na bus driver. Mukhang hindi ako nag-iisa pero parang "guilty" ang pakirandam ko. May mga panahong nagpapasaring ako ng maangas na komento sa driver at sa conductor sapagkat, imbis na isang oras ang biyahe, nasasayang ito't nagiging dalawang oras. Kaya't minsan, bukud sa kulitan, nagkakatampuhan kami ng partner ko sa loob ng bus.
In fairness, kung minsan, inoobserbahan ko ang mga driver, sa kanyang kalalagayan at pangangatawan. Pakiwari ko, parang hindi sila masaya, 'di sapat ang kita at hirap sa buhay. Baka isa ito sa mga dahilan kung bakit parang balisa, mainitin ang ulo, problemado't hindi makapag-concentrate sa pagmamaneho. Ang sabi ng iba, wala na sa etika o sa bokabularyo ng driver ang prinsipyong “defensive driving,“ at tanging ang "panggugulang sa lansangan ang isang paraan upang maipakita kahit paano ang kanilang kapangyarihan at ang pagsuway sa batas trapiko ay maaring pagpapahiwatig ng pagrerebelde, repleksyon ng paghihiganti." (Photo: commuter/metro bus sa Hongkong at Denmark)
Maaring sabihin na ang "kalakhan sanhi ng road accidents ay kagagawan at nasa kamay ng mga driver, pero hindi dapat ipagwalang bahala ang "POOR ROAD CONDITION" sa Kamaynilaan. Para iwasan ang talamak na mga lubak-lubak na daan, nagsu-swerving at umiiwas ang mga driver na nagreresulta ng vehicular accident.
Isa rin sa aking napansin ang pagkaka-disenyo't katangian ng mga “aircon Bus.” Sa tingin ko, "pang-provincial Bus ang kanyang character" at hindi siya ginawa sa konteksto ng urban driving. Sa totoo lang, "aircon coaches" siya at hindi commuter Bus. Hindi siya “friendly" sa mga pasaherong akyat panaog. Mataas ang (3-4 steps) kanyang flooring, hindi abot ng tao ang mga hawakan sa kisame, maximized ang upuan at makikitid ang pasilyo't pintuan. Hindi siya commuter bus, siya'y nagpapanggap at pinatatakbo sa maling terrain, sa highly populated na urban setting. "Alam kaya ito ng LTO?"
Ang "commuter bus" na karaniwang ginagamit sa mauunlad na bansa, bukud sa fixed ang speed limit, "maaliwalas, maraming hawakan, lowered, isang step lang ang hagdan at ka-level ng bangketa ang kanyang flooring." Dahil dalawahan ang upuan. nakadisenyo siya sa tayuan at magsakay ng maraming pasahero. Karaniwang pag-aari ng mauunlad na gubyerno ang commuter bus. Palagay ko, kaya natin gumawa ng commuter bus, mahusay tayong mag-assemble at magaling sa paglalaLATERO.
Dagdag pa, ang pamantayan at requirement ng mga kumpanya ng Bus sa hiring ng mga driver, bukud sa pagmamaneho, “matatanggap ka kung ika'y nakapatay o nakasagasa na ng tao.” Dahil PRIBADO ang nagmamay-ari, profit ang pangunahing layunin, lubhang nagpabigat pa ang sistemang "porsientuhan sa neto o kita ng driver sa isang araw." Para kumita ng malaki, kayod kalabaw, nag-aagawan at nag-uunahan makakopong ng mga pasahero na nagreresulta ng pagiging kaskasero ng huli. Isa rin sa dapat ikunsidera ay ang mga depektong mga makina, bukud sa kulang sa maintenance, "segunda mano-ukay ukay na estado" na karaniwang mga Japanese surplus na ipinapasok sa ating bansa.
Maaring pag-aralan ang sistema ng training ng Land Transportation Office (LTO) sa mga taong nagnanais makakuha ng lisensya sa pagmamaneho. Sa mahigit "isang milyong student permit na naibibigay ng LTO taun-taon, 99 % nito ay hindi dumadaan sa DRIVING SCHOOL." Ang nakakadismaya, sa training exam, "atras abante lang sa 40 meters driveway ng LTO premises pasado ka na" at ang katawa-tawa, "kahit walang katibayan o pruweba na nag-aral ka sa pagmamaneho, makakakuha ka ng STUDENT PERMIT."
Bukud sa mahina't inutil ang law enforcement ng mga ahensya, karaniwang nag-oover lap ang mga gawain, walang malinaw na mga reglamento at patakaran (road safety measure) sinusunod sa sektor ng transportasyon. Bukud sa may LTO, DOTC, LGUs, MMDA at PNP, imbis na makatulong, kadalasa'y nagiging bahagi pa sila ng problema.
Edsa at Commonwealth Av
Mahirap sabihing mga driver ang siyang tanging salarin sa mga aksidente sa Edsa at Commonwealth. Kung baga, ang katangian, kalagayan at ang ENVIRONMENT ang siyang dahilan kung bakit talamak ang mga vehicular accident sa Edsa at Commonwealth, ang tinaguriang “the most traffic accident-prone thoroughfares” sa bansa. Dahil naka-dinisenyong ala-expressway, "walang speed limit" at sa tuwing patay ang oras, hindi maiiwasang magpatakbo ng lagpas sa 80 kph ang mga motorista.
Kung pansinin ang kapaligiran; walang maayos na mga karatula, road signs ng ating mga lansangan. Mas kumon ang nakakaduling na mga iligal at naglalakihang BILLBOARDs at mga nakasabit na tarpuline ng mga pulitiko. Kumpara sa Edsa, walang malinaw na sinusunod na bus at jeepney stop na nagreresulta ng “de-facto loading and unloading zone” ng buong kahabaan ng Commonwealth. Ang malungkot, nakadagdag ang mga U-TURN slot at dahil hindi gaanong nagagamit ang mga naitayong overpass (pink-MMDA), ang buong Commonwealth ay nagmistulang pedestrian lane areas.
Kung environmentally accident prone areas ang kalakhang lansangan sa Metro Manila o sa Pilipinas, ayon sa mga experto, THREE (3) Es lang ang solusyon sa road safety; ENGINEERING, ENFORCEMENT at EDUCATION. Tulad sa mauunlad na bansa, ang "THREE Es ang isa sa palatandaan na nasa "first world country" na ang Pilipinas at dito sinasabing malaki ang papel ng gubyerno.
Kaya't may isa mang duktor na lulan ng Mercedez Benz ang winasiwas ng dalawang nagkakarerahang bus, may insidenteng mag-asawang Sen Rene Saguisag, Joyce Jimenez, ang singer na si Ric Segreto, inaasahang mas lalala at isang libo pang buhay taun-taon ang hinihintay ni Kamatayan.
Comment:

Salamat sa magandang obserbasyon mo, Doy! Ang dami talagang nasayang na oportunidad lalo na nung panahon ni Marcos kung kailan tayo dapat ay sumunod na rin sa proseso ng industriyalisasyon ng mga kalapit nating bansa sa Silangang Asya. Bansa sana tayo ng mga inhenyero at hindi ng ....
At isa pa, sa dinami-rami ng mga 'official trips' ng mga ... Read Morenamumuno sa ating pamahalaan, lalo na sa mga mauunlad na bansa ng Europa, Amerika at Silangang Asya, hindi ba sila natuto sa mga magagandang sistema na kanilang nasilayan? Hindi na tanong ito, kasi obyus naman!
Nakalulungkot isipin na pangmatagalan ang solusyon sa kinakailangan nating kaunlaran, pangmatagalang istratehiya na hindi susugalan ng kung sinomang pangulo na mayroon lamang anim (6) na taong panunungkulan! Ngunit buo pa rin ang aking pag-asa. Kung ang Europa nga, winasak ng digmaan, at nakaahon, kaya rin natin ito na mayroon na rin namang mga magagandang nasimulan at pundasyon na rin.
Napahaba na ito. Sige, tulog muna ako at lumalamig na rito sa Denmark!

3 comments:
totoo yan, pareng doy... sa ilang buwan kong araw-araw na pagdaan sa commonwealth, mahina na yung makakita ako ng 3 aksidente per week -- karamihan mga motor ang involved :-(
Salamat Nold,
Killer Highway, hold-up - snatcher highway, the Longest Talipapa in the Philippines, the Longest pedestrian lane-Bus Stop in the world. Dami category ng Commonwealth.
hermes belt
supreme t shirt
adidas ultra
supreme clothing
converse outlet store
nike kd 11
nike epic react
supreme new york
curry 6 shoes
nfl store
Post a Comment