Thursday, April 12, 2007
Kruzada ng Kapangpangan ang nakataya sa laban ni Among Ed
Dito maproprowebahan ang lakas ng mamamayan (people power) versus sa hiwaga't kinang ng salapi, kapangyarihan, pandaraya at makinaryang pulitikal. Dito mapapatunayan kung uubra pa ba ang isang progresibo, political reform agenda, program oriented at democratic participation versus sa dominante at buluk na sistema ng pulitika; personality oriented, padri-padrino, elitista at ANGKANAN (political clan).
Tatangkaing buhayin ng mga Kapangpangan ang tradisyong pinatay ng mga elite at TRAPO; ang paghahanap ng pagbabago't alternatiba, boluntarismo at pakikibaka. Walang dahilan upang hindi suportahan si Among Ed ng mga Kapangpangan sa gobernatorial post sapagkat maliban sa napag-iwanan na ang Pampanga in terms of economic development at good governance, ilang dekada ng napabayaan, nasalaula, ginago at binalasubas ng mga buwitre't pusakal na pulitiko ang Pampanga.
Isang malaking insulto sa katalinuhan ng mga Kapangpangan ang kasalukuyang nagaganap na political development sa probinsya. Ilang siglong naturingang mayaman sa kultura't kabihasnan at pakikibaka ang Pampanga. May ilang ding magigiting na BAYANI at rebolusyunaryo ang nailikha ng Kapangpangan. Isa ang Pampanga sa mga nanguna sa panghihimagsik laban sa mapang-aping dayuhan-kolonyalista at mapang-aping panginoong may Lupa't Casique. Niyakap ng mga Kapangpangan ang simulaing mapanghimagsik na milenyarismo, nakibahagi at naitatag ang Partido Sosyalista ng Pilipinas at Partido Kumunista ng Pilipinas.
Sa kabila nito, dahil sa nilason ng mga taksil, traydor at oportunistang pulitiko ang Kapangpangan, madaling naitanim at naipalaganap ng pulitikang Padrino ang imoralidad, indibidwalismo at iligal na mga kaugalian at gawain sa probinsya. Sa ilang dekadang namayagpag ang TRAPO, nasalaula't dumausdos ang kamulatan at mayamang tradisyon ng mga Kapangpangan. Sunud-sunod na trahedya't kamalasang natural at gawang taong kalamidad (lahar, bagyo at baha) ang tumama sa Pampanga. Mas kilala na ang Pampanga bilang WETENG capital ng Pilipinas, istambay capital ng Pilipinas, PROSTITUSYON, KURAKOT at ang pinakamasakit ang bansagang DUGONG ASO capital ng Pilipinas. "Parang ipinapako sa kruz, kinarma at isinumpa ng tadhana ang probinsya ng Pampanga."
Winning chance
Babangga sa matitibay na pader si Among Ed sa kampanya. Bukud kay Among Ed, may dalawang seryoso, dambuhalang nagpapanglaban sa gobernatorial position sa Pampanga; ang angkang Pineda, ang kandidatong si Lilia Pineda, ang kasalukuyang Bokal sa probinsya, ang hari ng gambling lord sa bansa na nirereprisenta ng partidong KAMPI ni Ate Glo at ang angkang Lapid, ang incumbent Gov Mark Lapid, ang absentee governor, kurakot at kawatan na kumakatawan sa partidong LAKAS-NUCD ni Ate Glo pa rin.
May mahigit kumulang na 1,079,532 botante ang Pampanga. May apat na distrito at bumubuo ng may 20 municipalities at dalawang lunsod,ang San Fernando at ang Angeles. Ayon sa huling pagtataya at ulat ng magkabilang kampo, may limang natitirang hawak na munisipyo si Gov Mark Lapid samantalang mahigit kumulang na labing anim (16) ang hawak ni Lilia Pineda, idagdag pa ang mahigit isang libong barangay na sinasabi nitong nasailalim ng kanyg makinarya. Ibig sabihin, halos lahat ng bumubuo ng lokal na ehekutibo ay hawak ng dalawang pulitiko.
Bagamat maliit ang winning chance ni Among Ed kung ikukumpara sa dalawa, relatibong mataas naman ang awarenes level, vote preference at vote conversion ni Among Ed. Walang dudang naghihingalo sa makinarya si Among Ed, maliban na lamang kung tataya ang panggitnang pwersa (middle class), local elites sa probinsya at ilang maasiwang lokal na kandidato ng San Fernando (101,070), Angeles City (149,376), Guagua (55,997), Bacolor (39,774), Porac (45,430), Mabalacat (84,164), Florida balanca (51,051) at Mexico (56,185) na bumibilang ng halos kalahati ng kabuuang botante ng probinsya, si Manong Ed ang magwawagi sa Mayo. Ibig sabihin lamang nito, maski makakuha lamang ng 10% votes sa ibang lugar basta't maimimintinang mahigit 30% ang makukuha ni Manong Ed sa mga vote rich na lugar na nailista sa itaas.
May pag-asa ring masilat ni Among Ed ang dalawa kung sa huling yugto ng labanan ay makakapag-provide ito ng ilang bilang ng mahuhusay na abugado at matibay-tibay na makinaryang magpoprotekta (vote proteksyon) sa kanyang boto at higit sa lahat ang vote base denial ng dalawang kalaban.
Sa kabilang banda, sinasabing may isang bilyong pisong ibabalagbag-war chest si Pineda at kalahating bilyong pisong itataya si Mark Lapid. Ayon sa ilang source, mas nakalalamang si Pineda kung ikukumpara kay Lapit, subalit kung iinit at magkakaubusan ng resources ang dalawa, ang traditional votes at command votes na bumibilang sa mahigit kumulang na 50% ng botante sa probinsya ay maungusan sa mahigit 30% na undecided at non-alligned na botante ng Pampanga.
Hindi si Among Ed ang nakataya sa Mayo, bagkus ang karangalan at dignidad ng Kapangpangan. Ang laban ni Among Ed ay laban at basbas ng Kapangpangan. Laban din ito ng sambayang Pilipino na naghahangad ng pagbabago't kaunlaran. Kung sakaling magkaroon ng milagro't pagbabago't pagbabalikwas ang mga Kapangpangan, tulad nuong 2004 election-pagkakasilat ni Gov Padaca sa dambuhlang angkang pulitikong Di ng Isabela, masasabi nating buhay pa ang people power, buhay pa ang mapanlabang diwa ng mga Kapangpangan at mga Pilipino.
Doy Cinco / IPD
April13, 2007
Tuesday, April 10, 2007
AMONG ED’S (Fr Ed Panlilio) 3 year Program of Government
As enshrined in the Constitution, public office is a public trust. It is not a personal, not a family affair. The power vested in a public office emanates from the people. They should be actors and not mere spectators of development. The prevailing system of patronage politics and corruption in the current local political leadership is an utter disregard and glaring violation of the time-honored democratic principle inherent in a public office.
2.Aggressive Real Property Tax (RPT) Collection and Greater Accountability and Transparency in Local Resource Utilization
In 2005, the Internal Revenue Allotment (IRA) of Pampanga is the third highest at P620 million in the whole of Central Luzon Region. In terms of Real Property Tax (RPT), while Pampanga is comparable to Bulacan in terms of development level and existing land uses, Pampanga’s collection level comprises only 34.8 percent as against that of Bulacan. Despite its smaller land area, at P90 million, Bataan even surpassed Pampanga in RPT collection.
3.Support for Sustained Employability of Skilled Workers and Identification of Alternative Family-Based Income Sources
For the period January to November 2005, of all the provinces in the whole of Central Luzon Pampanga received the heaviest blow in terms of displacement of workers at 38 percent. This is equivalent o 3,972 persons rendered jobless. Skills re-tooling and meaningful institutional networking with National Government Agencies (NGA’s) and the private sector shall be pursued to empower workers.
4.Local Support to Corn Production, Corn Use and Corn Farmers’ Productivity
Pampanga is second only to Tarlac in terms of Corn (white and yellow) production share for the entire Region. In view of the existing vast market inside and outside Central Luzon, this agricultural crop is a clear opportunity for the province. It is noteworthy that from 2003-2005, Pampanga suffered a consistent dive, a trend which needs to be reversed if this opportunity is to be taken advantage of. Local support shall be provided to the Department of Agriculture (DA), the agency mandated to boost corn production and corn farmers’ productivity.
.
5.Safety Nets Focused on the Families of Service-Based and Industrial Workers
The nationally declared Luzon Urban Beltway under the Mega Region development concept is expected to have both positive and adverse side effects on Pampanga business managers and workers. The 59 percent share of Services sector in the Gross Regional Domestic Product (GRDP) provides a better appreciation of the degree of vulnerability of service workers and their families. Skills re-tooling is one effective measure but economic support and Strategic Urban-Based Social Service Delivery Mechanisms for Mass Socialized Housing, Education, and Health must also be put in place to protect and promote the interests of this particular sector. At 894, Pampanga has the highest population density based on the 2000 National Statistics Office (NSO) data.
6.Creation of Local Policy Environment Conducive to Business Growth and Development
One distinct element for Pampanga’s development despite weak local political leadership is its persistent, innovative, thinking and socially-conscious business sector. To optimize benefits from this sector, the Provincial Government under Fr. Ed will provide the necessary facilitative and catalytic information and policy environment.
7.Strict Monitoring Implementation and Mainstreaming of Environmental Laws
Of the 20 municipalities and one city of Pampanga, only two (City of San Fernando and Magalang) are into programs implementing the Ecological Solid Waste Management Act (R.A. 9003). Other municipalities have yet to see the value of the law and the nobility of its intentions through local initiatives and actions. Enforcement of existing laws shall be ensured by the Provincial Government.
8. Flood Mitigation and Control
Perennial flooding have constantly consigned the poor to helplessness and mendicancy. Appropriate infrastructure and non-infrastructure measures shall be adopted to address the issues of encroachment of waterways and siltation particularly in the Pasac Delta and the land subsidence occurring in Guagua, Lubao and Sasmuan, and the improper solid waste disposal in other municipalities. These have been identified as the primary causes of flooding in the province.
9. Local Resource Support for Creative Industries in Tourism-Dependent Communities
As usually observed, the overdependence of communities for their livelihood on tourist arrivals has produced only immediate, short-term and fleeting benefits. Besides a Market Research for Tourism Promotion, the Provincial Government shall provide adequate human, financial and technical resource support to tourist-dependent communities for the development of creative industries that can provide sustainable livelihood and prevent the generation of social problems. Tourism development must be people-based and community-focused.
Sunday, April 08, 2007
Fr. Eddie Panlilio
http://www.abante.com.ph/issue/apr0807/main.htm
Bilib tayo sa tibay ng dibdib ni Fr. Eddie Panlilio na tumakbo sa pagka-gobernador ng Pampanga kung saan parehong pader ang kanyang makakalaban sa katauhan nina incumbent Gov. Mark Lapid at Board Member Lilia Pineda.
Kura paroko ng Saint James Parish sa Betis, Pampanga si Fr. Panlilio at batay sa ating nakalap na impormasyon ay maganda ang kanyang track record dito at walang anumang negatibong ulat na maaaring gamitin laban sa kanya ng mga tagasuporta nina Lapid at Pineda.
Direktor din si Fr. Panlilio ng Social Action Center sa archdiocese ng Pampanga kaya naman mulat siya sa mga problema ng mga Kapampangan lalo na yaong mga mahihirap na mga magsasaka at manggagawa.
Kaya nga angkop para sa naturang pari ang kanyang plataporma na anti-corruption at anti-jueteng dahil siya lang talaga ang may moral ascendancy na isulong ang ganitong klase ng plataporma na siyang haligi ng good governance.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga Kapampangan na ang asawa ni Pineda na si Bong ay kilalang operator ng ilegal na sugal ng jueteng hindi lamang sa Pampanga kundi maging sa ibang lalawigan ng Luzon.
Si Gov. Lapid naman, kasama ang kanyang amang si Senador Lito Lapid, ay nasangkot sa multi-milyong anomalya sa quarrying na siya ngayong iniisyu laban sa kanya ng mga kalaban sa pulitika.
Bagama't 26 na taon na siyang pari, hindi bago para kay Fr. Panlilio ang pulitika dahil ang kanyang ama ay matagal na nanilbihan bilang three-term councilor sa kanilang bayan at naging one-term vice mayor at acting mayor din.
Ibig sabihin, hindi talaga banyaga si Fr. Panlilio sa pulitika at malamang na marami itong natutunan sa kanyang namayapa nang ama lalo na sa pagpapalakad ng lokal na pamahalaan.
Maganda rin ang pagkakapakete kay Fr. Panlilio na alternatibong kandidato sa isang sangkot sa quarry at isang nakikinabang sa jueteng dahil mabibigyan ang mga Kapampangan ng karapatang makapamili ng labas sa demonyo at malalim na asul na dagat (devil and the deep blue sea).
Sa ganitong punto dapat suportahan ng simbahang Katoliko si Fr. Panlilio hindi sa anyo ng pangangampanya dahil bawal ito kundi sa anyo ng pag-unawa sa pamamagitan ng pagpayag ni Archbishop Paciano Aniceto na bigyan siya ng leave of absence sa panahon ng eleksyon.
Kung ang mga pari ngang may mga kalaguyo (mapa-babae o lalake) at nagkakaroon pa ng anak sa labas ay inuunawa ng kanilang mga obispo at hindi nasususpende ay si Fr. Panlilio pa kaya na ang tanging hangad lang ay makatulong sa mga mamamayan ng Pampanga?
Bagama't ipinagbabawal sa Canon Law ang mga alagad ng simbahan na direktang pumasok sa pulitika, hindi rin maikakaila ng simbahan na ang isang pari ay mananatiling pari habambuhay (a priest forever) maski pa itiwalag siya ng simbahan o di kaya'y bigyan ng absolusyon ng Vatican para lumabas sa pagkapari.
Pero sa kaso ni Fr. Panlilio, dalisay ang kanyang hangarin kung kaya nga humihingi siya ng leave of absence mula sa kanyang obispo.
Saka na lang siguro pag-usapan kung mananatili siya sa pagiging pari kung palarin siyang manalo at maging gobernador ng Pampanga dahil pag nagkataon ay kauna-unahan ito sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas.
Samantala, hangad natin ang tagumpay ni Fr. Panlilio sa kanyang "impossible dream" na mala-Don Quijote de la Mancha.
Tignan/Link: ‘This is God’s miracle in Pampanga politics’
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=72833
FEEDBACK:
- Posted by: "FAKIUSAP@aol.com" FAKIUSAP@aol.com Sun Apr 8, 2007 7:57 pm (PST)
Immigrant's Story by Atty. Jojo M. Liangco
Run Father Ed, Laban!
Magmula ng magpahayag at aktwal na pumirma ng COC (Certificate of Candidacy) upang tumakbo bilang governor of Pampanga si Fr. Ed Panlilio (isang Catholic priest), nakaramdam ako ng konting pagbabago sa ihip ng hangin hinggil sa nalalapit na eleksyon sa Pilipinas. Hindi ko personal na kilala si Fr. Ed, ngunit noong madaling araw ng Huwebes, Marso 29, bago ako umalis ng Pilipinas, napanood ko ang kanyang TV interview tungkol sa desisyon niyang tumakbo bilang gobernador ng Pampanga, at nakuha niya ang aking atensiyon at
simpatya.-
- Kahit na maaga ang aking flight patungong Amerika noong umaga ring iyon, tiniis ko ang puyat upang mapanood ko ng kumpleto ang interview kay Fr. Ed. Nagkaroon ako ng impresyon na siya ay isang makabayang Pilipino habang pinapanood ko siya sa TV. Ngunit alam ko rin na maraming pulitiko ang nabibihisan ng media, ang trapong kandidato ay puwedeng bihisan at gawing tunay na lingkod bayan kahit sa harap lamang ng kamera. Kaya't pagdating ko sa Amerika, nagtanong ako sa mga taong nakakakilala sa kanya kung Sino nga ba talaga si Fr. Ed?, dahil nakakagulat ang desisyon niyang pumasok sa mundo ng pulitika. Suwerte naman at kilala siya ng matalik kong kaibigan na si MC Canlas at ng isang Kapampangang pari na malapit ko ring kaibigan.
-
- Bago pumasok sa mundo ng pulitika si Fr. Ed (Among Ed ang tawag sa kanya ng mga taong malalapit sa kanya), mababa na ang tingin at pananaw ng maraming tao sa eleksyon sa Pilipinas. Tuwing eleksyon kasi lalong sumisingaw ang baho at bulok ng sistemang pulitika at governance sa bansa. Laganap ang dayaan, bilihan ng boto, dagdag-bawas, pagdu-duktor ng resulta sa bilangan at nakakapangyari ang lakas ng mga pulitikong may maraming pera--- at may hawak ng mga puwersang armado at malakas ang kapit sa gobyerno, military, at sa COMELEC (Commission on Elections). Guns, goons, and gold ang baraha ng mga trapo (traditional politicians) at nitong nakaraang dekada, ang popularidad sa mass media, ang pagiging celebrity at artista sa telebisyon, pelikula at radio--- ang nagiging tuntungan para sa mga posisyon sa kapitolyo, kongreso at senado.
-
- Isa pang nakakapanghina sa demokrasyang Pilipinas, na kung saan ang poder ay dapat nanggagaling sa taong bayan (at hindi lamang sa iilan tulad ng monarkiya at diktadura ang pulitika at paggu-gobyerno) --- ay ang katotohanang sa Pilipinas ay nalilimita sa iilang pamilya ang paggu-gobyerno. Ang œpolitical dynasty at kamag-anakan incorporated ang lumalabas na may pinakamalaking papel sa pagpili ng mga lider sa lahat ng larangan magmula sa baranggay level hanggang sa pambansang posisyon sa buong kapuluan.
-
- Bilang isang Pilipino, nakakalungkot makita na ang bansang Pilipinas, na nakilala sa kasaysayan na kauna-unahang nagbukas ng demokrasya sa buong Asya, ay hindi pa nakakaahon sa pagtatayo ng mga institusyon ng isang demokratikong gobyerno magpa-hanggang ngayon. Para bagang isang batang paslit, na nagkaka-edad na pero hindi pa natuto sa karanasan--- at sa halip na pasulong ay pa-urong yata ang pinupuntahan. Nakakalungkot talaga ang nagaganap sa pulitika sa Pilipinas. Nakakawalang gana kadalasan. Sadyang nakakahiya. Madalas pumapasok sa aking isipan kung hanggang kailan magwawakas ang kinagisnang marumi at walang katuturang pulitika sa ating bayan.
-
Ang nalalapit na eleksyon sa pagka-gobernador ng Pampanga ay nagpapabigat ng loob sa maraming Kapampangan. Ayon mismo kay Arsobispo Panciano Aniceto ng Pampanga, ang pinuno ng simbahang Katoliko sa lalawigan ng Pampanga---In the light of current developments in Philippine politics, it is for very obvious reasons that the nation’s attention is focused on Pampanga because of well-based claims that now, more than ever, money is again becoming the very bone of contention over Kapampangan politics. -
Noong una, dalawa lamang ang pinagpipilian para sa gobernador ng Pampanga. Si Mark Lapid, ang incumbent governor, na anak ni Sen. Lito Lapid (dati ring gobernador ng Pampanga), na nauugnay sa quarrying money na dulot ng Mt. Pinatubo. Ang kanyang katunggali ay si Board Member Lilia Pineda, ang asawa ni Bong Pineda, na sinasabing may kaugnayan sa ueteng. Sina Lapid at Pineda ay parehong malapit kay Presidente GMA. Ang isa ay nasa partido ng Lakas-CMD at ang isa naman ay Kampi, pero parehong partido ng administrasyon. -
- Tulad ng inaasahan, ngayong eleksyon sa Pilipinas, sa Pampanga man o kahit saan, maglalabasan na naman ang mga perang pang-akit sa tao at pambili ng mga boto at pabor para lamang manalo ang isang pulitiko sa eleksyon. Hindi pa man bukas ang kampanya, naglalabasan na ang mga donasyon kuno para sa mga estudyanteng gruma-gradweyt o member ng graduating class of 2007. Alam na ng mga bata at ng kanilang pamilyang tumatanggap, kasama na rin ang mga titser at pinuno sa paaralan, na ang mga handog o kaloobâng isang pulitiko ay may kapalit na pabor sa araw ng eleksyon. Sa Pilipinas nga, may mga pulitiko ngayon na napapabalitang bumibili ng atensyon sa pamamagitan ng panunuhol at pagbabayad sa mga school officials upang sila ay maimbitihan bilang mga commencement o graduation speakers. Oo nga naman, may mga captured audience na sila sa mga estudyante at mga magulang na dumadalo sa mga graduation at commencement exercises.
-
Ito ang hindi masikmura ng isang makabayang Pilipino na tulad ni Fr. Ed, isang mabuti at kilalang makataong pari sa Pampanga. Talamak na ang kanser ng corruption at kawalang dangal sa lipunan sa Pilipinas. Pati ang mga bata at sistema ng edukasyon ay nagiging tuntungan na ng corruption ng mga pulitiko. Hindi bago sa pulitika si Fr. Ed. Sa katunayan nga, tinatawag na bagong pulitika ang kinakatawan ni Among Ed. Sa mga kandidatong tulad ni Among Ed, inuuna muna nila ang kapakanan at kagalingan ng tao at ng bayan--- bago ang pansariling agenda o interes nila. Tapat at totoo ang paglilingkod ni Fr. Ed sa kanyang kapwa-tao, at hindi ito pakitang-tao lamang. - Naging director siya ng Social Action Center of Pampanga mula 1984 hanggang 1998. Isa siya sa mga nanguna sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Pampanga na sinalanta ng lahar na dulot ng pagputok ng Mt. Pinatubo. Hindi madali ang desisyon ni Among Ed na sumali sa marumi at magusot na pamamalakad ng eleksyon sa Pilipinas. Sa harap ng namamayaning moral decadence at pagbagsak ng dangal sa Pilipinas, kailangan ng bansa ang mga alternatibong kandidato na sasabak at matapang na lalaban sa sistemang talamak at sa mga pulitikong trapo. Sinikap muna ni Among Ed, sampu ng kanyang mga kapanalig, na kumbinsihin ang ilang Kapampangan na may mabuting pangalan-- -tulad nina Randy David ng University of the Philippines na kumandidato upang magkaroon ng alternative choice ang mga Kapampangan.
Sa kabila ng kanyang pagmamahal sa kanyang ministro, may 25 taon na rin naman siyang naglilingkod bilang isang pari, naging buo ang loob ni Among Ed na harapin ang malaking hamon ng kanyang panahon. Kahit na may bantang suspensiyon sa kanyang pagka-pari dahil sa pagpasok niya sa eleksyon, dahil sa lakas ng tiwala, pananalig, at concern niya sa kanyang kapwa--- pumasok siya sa pulitika upang ang sakripisyo niya ay magsilbing isang sulo na magbibigay ng liwanag sa gitna madilim na mundo ng pulitika sa Pilipinas. Run Father, Laban! ang panawagan ng mga makabayang Pilipino. Magmula ng magpahayag si Among Ed na kakandidato siya, sumambulat na ang balita sa maraming Pilipino sa buong mundo. Nanunumbalik ang siglang tulungan si Among Ed sa kanyang labang makabayan. Ang laban ni Among Ed ay para sa dangal at kagalingan ng lahat ng Pilipino, hindi lamang ng mga Kapampangan. Ang laban ni Among Ed ay laban ng buong bayan.- Run Father, Laban! Hindi ka nag-iisa. Sana ay dumami pa ang mga makabayang Pilipino na tulad mo. Marami sa aming mga Pilipino na nasa ibang bansa ang nagdarasal at susuporta para sa iyong panalo. Ang mga tulad mo ay kailangan ng bansang Pilipinas!
- Sa mga ibig tumulong sa Run Father Ed, Laban! maari kayong makipag-ugnayan kay MC Canlas. Makokontak si MC sa (415) 513-5442 o sa _bayan2bayan@ aol.com_ (mailto:bayan2bayan@ aol.com) .
Monday, April 02, 2007
Lakas vows to lead ‘economic miracle’ ? “Wag n'yo kaming PINAGLOLOKO!
Hindi pa nakontento, dinagdagan pa ng isa pang nakaka-intriga, "this challenge is most timely and urgent because at no other time in the last decade have we had real opportunity for an economic takeoff. The grand agenda of the administration, fighting poverty and terror and building peace, is the foundation of our political victory in the elections." "Today, the administration coalition has the most comprehensive, doable and ongoing platform of nation-building that has brought almost two years of continuous growth to the Philippines on top of a strong campaign for law and order, democracy and human rights," dagdag pa ni Ate Glo. Ang totoo, ang kasalukuyang administrasyon ang naglagay sa mapa ng kahihiyan sa mundo; nagpalala ng karalitaan, kagutuman, terorismo't pagiging berdugo sa Asia at kaguluhan.
Ang malungkot, ipinapaniwala nito sa mga utu-utung mga kasapian ng Lakas na magwawagi ang Team Unity ticket (12 : 0) sa nalalapit na election sa Mayo. Sino-sino ba ang bumubuo ng pamunuan ng Lakas at mga alagad nito; TRAPO-Kasal Binyag at Libing (KBL), Political Clan-family affairs, sindikato, Gambling / weteng lords, Drug Lords, KURAKOT, Oportunista at higit salahat, MANDARAYA. Ang isa pang problema, paano maibabalik ang pagtitiwala ng mamamayan sa mga pulitiko. Sa mga Pilipino, ang kahulugan ng "PULITIKO ay KURAKOT," pulitiko =kurakot!!
May ilang dekada ng naghahari-harian ang elite-partidong LAKAS sa country, may pag-unlad ba, may nagbago ba? Ano ang ipagmalaking track records nito, ano ang napala natin at higit sa lahat, totoo bang may plataporma't umaktong partido ang Lakas?
Kung popokusan natin ang kasalukuyang rehimen, ano ang napala't nabago sa loob ng anim na taong nag-iisquat si Ate Glo sa Malakanyang?
1. Lomobo ng mahigit P4.0 trilyon ang utang panlabas ng bansa, ang pinakamalaking utang sa kasaysayan ng Pilipinas kahit pagsama-samahin ang lahat ng mga inutang ng nagdaang apat na presidente (40 years); President Marcos, Tita Cory, FVR at Erap. Mahigit P400.0 bilyon taung-taong ang naiseserbisyo para ipambayad sa utang na sana'y dapat napupunta sa delivery of basic services at pagsasa-ayos ng mga (LGUs) lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).
2. Sa loob ng anim na taon, naangat bilang suma cumlaude sa pangungurakot ang bansang Pilipinas sa Asia. Mahigit trenta hanggang singkwenta porsiento (30-50%) na salapi ng bayan ang ibinubulsa, kinukurakot ng mga pulitiko at ng mga nakaupo sa Malakanyang mula sa mga proyektong pambayan (pork barrel). Pilipinas ang may mas pinakamahal na highway (Diosdado Macapagal Highway) at LAMP post sa Asia na ginamit sa ASEAN Summit.
3. Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim na lumilisan araw-araw upang maging super maid-katulong, domestic helper, caregivers o OFW. Sa panahon ni Ate Glo ang may pinakamalaking bilang ng mga (mga bagong graduate) doctors, nurses, managers at professionals, imbis na pakinabangan ng country, ang lumalayas upang magtrabaho at mag-alsa balutan.
4. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente!
5. Ang Pilipinas ang pinakamabilis na may paglaki ng insidente ng Karalitaan sa Asia, mula 37% nuong panahon ni Erap Estrada, lumagpas na ito sa 50%. Lalagpas na sa 10% ang average na pamilyang nasasadlak sa hirap, ang unemployment rate, inflation rate at nagugutom na Pilipino.
6. Ang Pilipinas na ang sumasalo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapon- pinagsawaang damit ng mga kalapit bansa (UKAY-UKAY ECONOMY) at pinakamalaking importer ng used na sasakyan (Subic) sa Asia.
7. Ang Pilipinas na ang pinakamalaking SQUATER'S COLONY sa ASIA. Isa sa may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo. Bukud sa may pinakama-traffic na lunsod sa Asia, ang Pilipinas pa ang may pinakamaduming public toilet sa Asia.
8. In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS!
9. Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na ekonomya sa Asia. Walang malinaw na programang 'National Industrialization policy" na siyang magbibigay buhay sa ating ekonomya. Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano! Walang sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.
10. Ang Pilipinas na ang mas may pinakamalaking importation ng bigas sa kasaysayan ng agrikultura. Humigit kumulang na "isang milyong metriko tonelada ang inangkat-biniling bigas kada taon" sa Vietnam, Thailand at sa ibang bansa. Ibig sabihin, hindi naging matagumpay ang rice production program ng Dept of Agriculture (DA). Ang problema, pati ang bigas, ang staple food ng masa ay ginamit sa pamumulitika (political survivor) ng palasyo, isang halimbawa ang kaso ni Joc joc Bolante.
11. Ang Pilipinas na ang pinakamapanganib (segunda sa Iraq) na lugar sa mga peryudista, mediamen at political activist. Mahigit kumulang na walong daan (800) aktibista ang pinatay ng mga security forces ni Ate Glo. Dahil sa patakarang "no permit-no rally," ang Pilipinas na ang isa sa pinakamapanupil na lugar sa mundo. Nagpapatuloy ang paninikil sa kalayaan sa pamamahayag at pag-assembliya. Bagamat itintanggi (total denial) , mistulang nasa ilalim ng isang diktadurya ang lumalabas na kalakarang ipinatutupad ng Malakanyang.
12. Ang Pilipinas na ang pinakamadugo, pinakamagastos at pinakamadayang election sa buong Asia. Ang $25.0 milyong pondo ng Democratic Party-Hillary Clinton para sa 2008 presidential election sa US ay walang panama sa mahigit kumulang na $ 70.0 milyong "super machinery" na pandaraya ng Malakanyang sa May midterm election. Ang nakakahiya, isa lamang moro-moro, "family affairs" (political clan) ang election at ang electoral machinery, logistic at bilyong pondo ang siyang tunay na nagpagpasya at hindi ang botanteng mamamayan.
11. Tayo ang may pinakamaraming mga SCAM incidents (government procurement scam) sa mundo; pyramid scams, PIATCO scam, Northrail projects, Independent Power Producers (IPPs), sovereign guarantee scam, IMPSA scams ($14.0 million), Mega Pacific Scam, Joc Joc Bolante scam at mga bangkaroteng mga Pre-need plans. Aasahang madodoble ito matapos ang election; ang road user's tax, school's feeding program, Election Return-NPO scam at iba pa.
12. Ang Pilipinas na ang SHABU manufacturing center ng Asia at isa na sa mga sentro ng prostitusyon ng mundo.
13. Ang Pilipinas ang “the longest running maoist -NPA insurgency sa mundo.”
14. Ang Pilipinas ang may pinakamalaking unpaid pension sa mga retirado sa AFP at PNP (P17.0 bilyon).
15. May pinakamaraming gambling establishment at lords sa Asia, ang casinos at weteng/STL.
Dahil sa bad governance na pina-iral ng Malakanyang, mas kauna-unawa kung bakit nagpapatuloy ang political UNCERTAINTY, POLITICAL INSTABILITY ng country. Kung ito ang mga pagbabago at record breaking achievements ni Ate Glo at pekeng partidong LAKAS-Nucd at KAMPI sa loob ng anim na taon, hanggang kailan titiisin ito ng taumbayan?
Doy Cinco / IPD
April 3, 2007
Electoral Machinery o kudeta, insureksyon at rebolusyon?
Kung ang election sa Mayo ay mamanipulahin lamang ng ELECTORAL MACHINERY ng administrasyon ng partidong LAKAS at KAMPI, ng logistic at paldo-paldong pondo, may katwiran ang mga taong nagbabalak na IBOYKOT ang nalalapit na election. Sa kanila, an-anhin pa ang boto, ang balota, kung mamadyikin lamang ito ng mga makapangyarihang pulitiko sa ITAAS, kung dadayain, hindi parehas at hindi demokratiko ang election.
Kung ang Kongreso, ang Lower House ay dodominahin, kokontrolin ng mga sindikato, TRAPO, malalaking politikang angkan (pamilya), weteng lords at elitista, mabuti pang buwagin na natin ang "House of Representathieves," kung mga pekeng kinatawan lamang ang bubuo nito, kung walang pagbabago, kayo-kayo at sila-sila pa rin.
Kung makinarya ang lalabas na mapagpasya sa Mayo, wala na ngang magtitiwala pa sa sistemang electoral politics ng bansa at lalo lamang titindi ang hidwaang pulitikal o krisis sa pulitika. Saan pupunta ang taumbayan, magpapakalulong sa CONSTITUTIONAL means na pagbabago o sa extra-constitutional na paraan ng pagbabago, meaning sa parliamentary of the street, KUDETA, sa insureksyon at rebelyon o ang pasibong pagboboykot na lamang ng election?
Wala na bang kapangyarihan ang tao sa halalan at pawang minamanipula na lamang ito ng MAKINARYA ? "Nasaan na ang mamamayan, nasaan na ang papel ng botante, nasaan ang DEMOKRASYA? Kung ito'y palagiang pasya sa tuwing election, may malaking diperensya't pagyurak ito sa sinasabing REPRESENTATIVE democracy sa ating bansa, kailangan na nga nating seryosohing i-overhaul ang buluk na sistemang elektoral at pulitika."
Doy Cinco / IPD
Afril 2, 2007
Saturday, March 31, 2007
Ang buluk na sistema, ang pabrika ng karalitaan at kahirapan – NOBEL winner
Ayon sa Nobel peace laureate Muhammad Yunus, “pag-isipan ang maling sistema at economimic theories na ginagamit ng isang bansa na siyang pangunahing sanhi ng KARALITAAN sa mundo. Idinagdag pa nito na "Poverty is not created by poor people. It is not their fault that they are poor.” Ito'y resulta ng ilang dekadang kabulukan sistema ng pulitika at ekonomya ng isang gubyernong tulad ng Pilipinas.(Kuha sa: http://www.abc.net.au/reslib/200610/r111041_346994.jpg)
"Ang KARALITAAN ay idinulot ng mga patakaran at desisyon na ginawa ng mga gubyerno, ang Framework, ang Theory (mode of development theory) na ginamit at ang pagyakap sa mga depinisyong pangkalakalan at negosyo."
source: "Nobel laureate urges rethink of systems that keep people poor"
- Associated Press
Link:http://www.iht.com/articles/ap/2007/03/30/europe/EU-GEN-Norway-Corporate-Responsibility.php
Doy Cinco / IPD
April 1, 2007
Henyo ka man, doctorate (PHD) o masteral (MA), kung TRAPO'T BUGUK ka naman, balewala rin!
Nababaliw na si Sen Miriam 'Brenda' Santiago. Ang kanyang kaalaman, henerasyon at konteksto ay mukhang nasa panahon pa ng "kadiliman,” panahong may limang daang siglo na ang nakalipas (15th century).
Simple lamang ang masasabi natin, ang kasagutan sa diskursong “henyo ang kailangan sa senado” ng siraulong si Brenda sa Senado;
“Dean's List Student ka pa sa Georgetown University sa Washington, D.C at Doctor of Economics ka pa, Harvard, UP o isang henyo, bode-bodega ang iyong mga certificates, kung ikaw nama'y isang pusakal na TRAPO, makasarili, oportunista, manloloko at kurakot, balewala rin.
Henyo ka man kung ikaw nama'y sarado sa pagbabago, hindi naniniwala sa proseso ng pagbabago, wala rin. Henyo ka man kung ikaw ay isang taong walang malasakit, hindi marunong makinig, umintindi, walang kaalaman at pag-unawa sa kalagayan ng naghihingalong country, hiwalay sa takbo sa pang-araw-araw na buhay at takbo ng isang kumunidad, ng lipunan at galaw ng mundong ibabaw, balewala rin.
Henyo ka nga kung ika'y sectarian, walang paggalang at respeto, hindi marunong magpakumbaba, all knowing at manipulador, balewala rin. Henyo ka nga kung ika'y walang pakiramdam, walang sensitivity at hindi marunong umibig, wala rin. Henyo ka nga, kung ikaw naman ay walang ideolohiya, walang vision, walang paninindigan, walang sense ng mission at walang tinutungtungang panglokal at pandaigdigang pananaw, useless ka rin.
Henyo ka man, mataas ang ping-aralan, englisero/ra ang gamit na salita (english carabao) at sa pagsusulat, kung 'di ka naman naiintindihan ng masa, kung 'di ayos ang iyong pakikitungo at hindi marunong makisalamuha sa masa, buguk ka pa rin. Henyo ka nga kung bulag ka naman sa nangyayari sa kapaligiran, hindi ka naman nagpapakadalubhasa sa realidad, bobo at tanga ka pa rin.
Ang problema kay Brenda (brain damage), habang naggugumiit ito na magkaroon tayo ng maraming henyo, ginigipit naman nito, binalasubas at inipit nito ang budget ng UP, dahil lamang sa personal na galit at sa isang ISKUL BUKUL na anak nitong nagpatiwakal.
Link: "Diploma doesn't make a good leader" - Villar
http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2007-03-31&sec=4&aid=13886
Doy Cinco
March 31, 2007
Tuesday, March 27, 2007
"Local Machinery ang magpapasya sa Mayo?”
Maaring seryoso ang palasyo sa kanyang electoral forecast. Bago magsimila ang kampanyahan, hayagang inanunsyo ng Malakanyang na matsutsugi ng kanyang “SUPER MACHINERY” ang opposition sa Congressional district, local at Senatoriable candidates. Sa isang midterm election na ang nakataya ay ang ULO, ang political survival ni Ate Glo, tulad nuong 2004 election, walang dudang ipapanalo nito ang kanyang mga alipores sa Kongreso't LGUs sa pamamagitan ng kanyang PARALLEL machinery o sapin-saping makinaryang naka-ugat sa barangay;
1. Ang makinarya para sa Partido (Team Unity: 5 dominant party) na posibleng hawakan ni Sec Gabby Claudio.
2. Ang makinarya sa Government Agency (kasama ang AFP-PNP) na posibleng hawakan ni Sec Ed Ermita.
3. Ang makinarya sa civil society, simbahan at higit sa lahat,
4. Ang makinarya sa mobilization
5. Ang makinarya sa super regions, sa barangay (grassroot) hanggang sityo at
6. Ang makinarya sa SPECIAL OPERATION, ang dirty tricks department na posibleng hawakan ni Sec Norberto 'saging' Gonzales.
Ang suma total, tinatantyang may hanggang anim na "war rooms" o mga makinarya na naka-parallel at may closed coordination mula kay Ate Glo, ang tumatayong Over-all Campaign Manager at ang kanyang esposong si Mike Arroyo, ang tumatayong Finance Officer.
Ayon kay Sec Gabby Claudio, dahil sa inaasahang maayos na vote delivery sa baba, special operation at lakas ng makinarya, "9 : 3 sa panig ng administrasyon." Bukud sa pondo, makikinabang ang administrasyon sa kabulukan ng sistemang pulitika at election; ang sistemang padrino, political clan, political negotiation, personality at TRAPO politics (5 Gs: guns, goons, golds, garci at girls). Para sa kanya at posibleng totoo, "nasa MAKINARYA ang susi, ang magpapasya sa halalan at hindi ang botanteng Pinoy" at ito na ang malungkot na nangyayari ngayon sa baba.
Kaya lang, ayon sa sunud-sunud na inalalabas ng SWS at Pulse Asia electoral survey, naglalaro sa 7 : 5, 8 : 4 , hanggang 9 : 3 sa panig ng opposition. Anumang klase ng makinarya, pandaraya't panggugulang, ayon sa oposisyon, tatlo lamang ang papasok sa administrasyon, 9 : 3. Dagdag pa nito, "ang tao pa rin ang magpapasya."
“Local Machinery”
Totoong malawak, malalim, matibay at subuk na ang local machinery ng administrasyon. Pinatunayan ito nuong 2004 presidential election, ang nabulilyasong pagpapapirma (8.0 milyon), pagsusulong ng People's Initiative at Cha Cha ng Sigaw ng Bayan, Union of Local Authorities (ULAP) at Liga ng mga Probinsya, Lunsod at Municipalities. Kaya lang, kung 'di maayos na
mapanghahawakan, baka ito rin ang maging dahilan upang ikatalo't magkawatak-watak gaya ng nangyayari sa sigalot ng KAMPI at Lakas.
May anim na partido sa ilalim ng ruling coalition; Lakas, KAMPI, Nationalist People's Coalition (NPC), Liberal Party (Atienza wing), Nacionalista Party, at Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP). Ang nakakatawa rito, halos karamihan sa mga partidong ito ay naggugulangan, nagpanglaban sa isa't-isa at nagtalaga ng sari-sariling kandidato't manok laban sa incumbent, kamag-anak incorporated at mga incumbent local officials.
Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, hindi nakayanan ng itinayong “arbitration committee” ang sigalot, nauwi sa “free zone ang kalakhang mga balwarte” at ang ilan dito'y nakangkong ng oposisyon. Ang inaasahang balwarte't suportang paniguro ng administrasyon sa lokal (machinery) para sa kanyang Senatoriable tiket ay mukhang nauwi sa wala, mauunsyami, sasabog at magkakalabo-labo.
Bagamat nagtagumpay sa pagpapa-atras ng ilang kandidato, tulad ng retiradong Heneral na si Arturo Lumibao sa planong pagsagupa nito kay Cong Joe De Venecia at Atty Kit Belmonte laban sa incumbent Cong Annie Susano ng 2nd District, Quezon City, bigo naman ito sa pagtakbo ng dating kaalyado ng administrasyong si Mayor Benjie Lim ng Dagupan City, dating presidente ng Duty Free Philippines at malapit kay FVR. Lumipat sa PDP-Laban si Mayor Benjie Lim at siya na ang babangga sa pundador ng Lakas-NUCD na si Cong Joe de Venecia.
Ganito rin ang sitwasyon sa Nueva Ecija, sa Kamaynilaan at sa iba pang malalaking probinsya. Sa kasalukuyan, may 120 KAMPI candidates ang ilalaban sa local na malamang bumangga sa partidong Lakas, NP at NPC at upang hindi mauwi sa labu-labo, idiniklarang “Free Zone” ng administrasyon.
Vote delivery ng Local machinery?Dalawa lamang ang posibleng senaryo't pakinabang sa local machinery ng administrasyon;
Una, walang kasiguruhang may Vote delivery ng local machinery na maihahatag sa national senatoriable candidates. Survival instinct angkadalasa'y iniisip ng isang local candidates. Nakasalalay at prioridad nito ang sariling survival. Wala siyang paki kung anong Partido ang dadalhin at lalong wala siyang pakialam kung ito ma'y opposition o administation candidates. Para sa kanila, ang mahalaga, makakapaghatag ng pondo sa kanyang kampanya, may malalim na relasyon namamagitan sa isang kandidato o dili kaya'y sundin nito ang preferencial vote ng maiimpluwensyang tao sa kanyang lugar (INK, other religious groups, middle forces at iba pa).
Walang gagong senatoriable candidates ang lubus-lubusang magtitiwala, magdedepende't aasa sa isang Mayor, Governador at barangay Captain para lamang makapag-gather ng boto para sa kanila. Dapat din tandaan na ang "opposition ang kadalasa'y nananalo sa tuwing may midterm election sa Senado. "
Mahigit sa kalahati ng campaign funds (billion of pesos) ng mga senatoriable candidates ang iniasa sa TV spots, sa mga political campaign Ads sa print at broadcast (radio at TV), sa kanilang votes generation. Isa na itong sinyales na may pagdududa nga ang mga nasa national candidates sa pinagyayabang na vote delivery ng local machinery.
Pangalawa; kung mumudmuran ng sapat na lohistika't resources, walang dudang may kakayahang magVote delivery ang local machinery. Kailangang makatuklas si Sec Gabby Claudio ng mga bagong pamamaraan, monitoring tools at teknolohiya upang mabago ang electoral history, ang katusuhan at kalokohan ng local candidates at local machinery.
Ayon sa ilang mga experto ng electoral politics, more than 2/3 ng boto (75%) sa local election ang maaring paglabanan sa national senatoriable race. Sa pag-eestimate at kung titilad-tilarin; mga 5 % ang command votes ng mga nagtutunggaliang kandidato sa lokal (2-4 corner fights) = 15-20%; 40-60% ang undecided-market votes (walang pinapanigan) at 10-20% swing votes.
Maaring makasiguro't seryosohin ng Malakanyang ang vote delivery ng local machinery patungo sa national, kaya lang mas pangunahing sesentruhan nito ang laban sa congressional district at local election. Bagamat mahalaga ang gagampanang papel ng local machinery, nananatiling MARKET VOTES ang magpapasya sa senotariable election at hindi ang machine politics. Sa kalagayang rural ang setting o ang terrain at sagad-saring TRAPO politics ang kalakaran, mas epektibo ang local machinery sa local election.
Ang tanong ng taumbayan, kung electoral machinery (machine politics) ang susi sa electoral politics, "nasaan ang mamamayan, nasaan na ang papel ng botante, nasaan ang DEMOKRASYA at ipinagmamalaking representative democracy, kailan magiging patas at FAIR ang election sa Pilipinas? Kung ganap na mawawala ang kapangyarihan ng tao sa halalan at pawang pagmamanipula ng ng MAKINARYA ang kalakaran, hindi natin masisisi ang maraming kababayan, lalo na ang OFW na seryosohin ang pagboto sa Mayo.
Doy Cinco / IPD
March 27, 2007
Sunday, March 25, 2007
Arroyo regime, mas malupit, mas malala pa sa diktadurang Marcos?
Ayon kay President Houtart, “dahil sa inposisyon ng martial law nuong panahon ni Marcos, maliwanag sa mundo na may diktadurya at may malawakang paglabag ng karapatang pantao, sa ngayon, may total denial sa bahagi ng estado, itinatangging may diktadurya habang walang dudang halos magkatulad ni Marcos na nilalabag ang karapatan ng mamamayang Pilipino.”
Dumating na sa yugto na kung saan ang BUONG MUNDO na ang bubusisi sa pang-aapi't pang-aalipusta ng isang gubyerno (isang independent, soberanyang bansa) sa kanyang sariling mamamayan. Parang "kaparallel" na natin ang Somalia, Sudan, Bosnia, Sierra Leone, Afghanistan, Iraq at Burma, mga bansang pinanghimasukan at nilalamutak ng mundo, mga lugar kung saan mahina't bagsak ang estado (weak at failed state), lalo na sa larangan ng human rights.
Kung ating babalikan, walang nangyari sa "Task Force Usig" at Melo Commission na itinatag ni Ate Glo mismo, pumasok sa eksena ang Amnesty International na nakabase sa London, sumaklolo na ang United Nation special envoy-rapporteur Philip Alston, pumasok sa eksena ang International Parliamentary Union (IPU) na nakabase sa Geneva, nagpatuloy ang political killings. Nanghimasok si Uncle Sam, kung saan ang US Senate (Foreign Relation) na ang nag-investigate, nanghimasok, nakialam sa investigation, nagpapatuloy ang political killings. Ang nakakalungkot, walang paki-alam, dedma, patay malisya at hindi kontrolado, wala sa kontrol ni Ate Glo at Malakanyang ang sitwayon.
Inaasahang mag-iiscalate ang pagkilos at preassure ng mamamayan ng mundo, kasama ang mamamayang Amerikano laban sa GMA government na maaring humantong sa panawagang itigil na ang US military Aid sa Pilipinas at magkaroon ng sanction mula sa iba't-ibang multilateral funding agency ng mundo sa gubyerno ni Ate Glo. Wala na tayong pinagkaiba sa North Korea, sa kanila ang isyu ng nuclear power, sa Pilipinas, ang pagiging berdugo sa sariling mamamayan.
Masyado ng kahiya-kahiya ang estado poder ni Ate Glo. Dumating na sa yugto kung saan, nawalan na ng pangangatwiran at rasyunal, nawalan na ng moral ascendancy ang gubyernong inagaw lamang nito sa pamamagitan ng malawakang pandaraya't pananakot nuong 2004 presidential election. Dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ang disgusto't walang naniniwala sa kanyang sistema ng paggugubyerno, upang masawata ang malawakang protesta, gumagamit ng dahas, panunupil at pananakot .
Ang TANONG ngayon, sino ang mas may kredibilidad, pagtitiwalaan ng mamamayang PIlipino? Si Ate Glo, "Saging Gonzales, si siRaulo Gonzales, ang Malakanyang o ang mga bansang nag-aantabay at nagmomonitor (Permanent People's Tribunal, UN Human Rights Commission, Amnesty International -AI), US Senate hearing-investigation o ang mundong nagmamalasakit sa lumalalang kalagayan pampulitika't pang-ekonomya ng bansa?
Aasahang total denial uli ang Malakanyang sa kaliwa't kanang inbistigasyong isinasagawa ng pandaigdigang mga tribunal. Ang mas malupit pa rito, muling paparatangang isang "kanggaro court, walang representasyon sa bahagi ng gubyerno, ginagawa na ng gubyerno sa pamamagitan ng mga task forces ang problema ng extra-judicial killings, sasabihin pang natural at inaasahan ang verdict laban sa pangulo dahil mga Kaliwa't militante lamang ang siyang bumubuo ng Permanent People's Tribunal sa Europe."
Tulad ni Marcos, dahil sa political uncertainty, tanging ang mga security forces, ang militar at kapulisan na lamang ang tanging bumubuhay, sumasalba't nagbibigay “katatagan” sa kanyang gubyerno at kung mawawala ang suporta ng mga 'to, walang dudang tataob ang bangka, tanggal na, bagsak na, na-overthrow na si Ate Glo sa poder ng Malakanyang.
Source: ‘Arroyo regime worse than Marcos era’
BY LOUI GALICIA / ABS-CBN Europe News Bureau
Link: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=71394
Doy Cinco / IPD
March 25, 2007
ELECTORAL SURVEY
Kung hindi maipapanatili ang kasagraduhan at maimimintina ang kredibilidad ng mga ito, totoong makakalasap ito ng kung anu-anong akusasyong bahagi ito ng isang malakihang iskima ng pandarayang "trending" kung saan ikinukundisyon ang kaisipan ng mamamayan na ito na ang magwawagi sa nalalapit na May midterm election. Ito ang isang kasong kinaharap ng SWS nung 2004 presidentiable race. Sa kabilang banda, maaring tignang positibo't nakakatulong ang survey; Una, isang paraan ito upang masawata ang anumang garapalang pandaraya at manipulasyon ng isang partido't kandidato. Pangalawa, anuman ang resulta, isang challenge ito upang magpunyagi't magsipag ang mga kandidato.
Sa huling survey sa top 15 senatoriable race, nananatiling walo (8) sa Genuine Opposition (GO), dalawa sa Independent at apat naman ang nasa hanay ng Team Unity administration candidate.
Kung seryoso ang isang kandidato o ang isang partido sa Party List man, sa Senatoriable race o sa local electoral combat na manalo sa isang halalan, ang survey ay isa sa mga sangkap upang makapagsagawa ng isang estratehiya sa electoral campaign. Isang paraan din ito upang mavalidate ang kalakasan at kahinaan ng isang realidad ang electoral terrain sa kampanya. Napakahalaga ng isang electoral survey, kaya nga't parang mga kabuting nagsulputan ang maraming mga nagpapasurvey na ahensya.
Sa ayaw man natin at sa gusto, isa na itong hanapbuhay, negosyo/ consultancy firm. Sa totoo lang, dinadaan sa isang pagsubuk o isang survey ang anumang prudukto (komersyal man o kalakal) bago ito lapatan ng panibagong pag-aaral at ibenta sa madla. Sa isang electoral campaign, isa na ang survey sa pinaghandaan at pinaglalaanan ng pondo't pansin ng isang seryosong kandidato upang makatiyak sa panalo.
Isang siyensya, hindi haka-haka o patsambatsamba ang halalan. Kailangang napanghahawakan at nababasa nito ang kalagayang panlipunan at pampulitikang kabihasnan o terrain ng labanan. Kahit sa isang GERA, napakahalagang alam mo ang sitwasyon, ang electoral terrain, makilala ang kakayahan ng sarili at maging ang ating mga katunggali, iba't-ibang prupong pampulitika at ang isa sa makakatulong dito ay ang pagsasagawa ng electoral survey. Layunin din nito na matukoy sa paraang siyentipikong ang voter's demographic ng isang lugar, inaalam ang kasaysayan at tradisyon ng halalan sa lugar. Maliban sa survey, maaring mabasa rin ang political terrain, mapping ng isang lugar sa paraang pagpapatawag ng isang electoral conference-political mapping na binubuo ng halos mga political players, leaders sa isang teritoryo.
Para bagang, kung gusto mong malaman ang lasa ng isang buong drum ng kape, sa iisang kutsara lamang, alam muna ang kabuuang lasa ng isang drum ng kape ng hindi na kinakailangang nilalaklak mo, iniinum ang isang drum ng kape. Ito ang siyensya at esensya ng electoral survey at ginagamit ang paraan ito ng halos nasa akademya at sosyolohiya.
Maging maingat sa pagsasagawa ng survey. Kapag biased ang pagpapatupad nito, biased din ang kalalabasan. Kung kaya't mahihirapan ng makabawi ang isang institusyong nagsasagawa ng survey kung ito'y nabahiran na ng pag-aalinglangan. Sa kasalukuyan, dadalawa ang kinikilala sa larangan ng pagsusurvey; ang Pulse Asia at ang SWS. Bagamat may ilang mga sablay (may kalakihan ang margin of error) na naisagawa ang SWS nuong nakaraang 2004 Presidential Election, nakabawi naman ito sa ilang mga isinagawa nitong mga survey. Hindi nagkakalayo sa accuracy ng survey ang SWS at ang Pulse Asia.
Ano ang layunin ng electoral (random) survey?
Sinusukat nito kung gaano kakilala ang isang kandidato at sino ang iboboto at pipiliin ng tao. Tinutukoy nito kung saan ang malalakas at mahihinang lugar para sa mga magkatunggali. Nalalaman ng survey kung anong isyu ang maaaring dalhin ng kandidato at kung ano ang magiging pagkakakilala sa kanya sa takbo ng kampanya.
Normally, dalawang hanggang tatlong survey ang kadalasa'y kailangan sa halalan. Sa unang survey, mas awareness at name recall level ang sinusukat sa isang kandidato. Sa pangalawang survey, inaalam kung sino na ang kanilang iboboto at kung kaya paba itong mabago (Conversion factors). Ang kalalabasang pagsusuma nito ay magagamit sa pagbubuo ng isang estratehiya at pagpaplano sa kampanya.
Upang makatulong sa ilang kaalyado na manalo sa lokal, may ilang beses rin nagsagawa ang IPD sa ilang lugar sa Pilipinas na libre, hindi kinakalakal. At ang sinusunod na nakagawaiang +/-3.0 % margin of error ay matagumpay na naisasakatuparan.
Source: ECMT MANUAL (Electoral Campaign Management Training)
Produce by OUTREACH Comuunication Department /
1998 - 2002 Institute for Popular Democracy (IPD)
Doy Cinco / IPD
March 25, 207
Friday, March 23, 2007
Pinoy migrante-OFW sa Sabah, Malaysia, parang hayop na itinataboy at hinuhuli
Tayo na nga ba talaga ang pinakamaralita, busabos at palaboy sa Asia? May mahigit kumulang na kalahating milyon (500,000) 'iligal' na Pinoy ang naninirahan sa Sabah, Malaysia. Tumakas sa Pilipinas upang makipagsapalaran, makapag- trabaho, guminhawa ang buhay at higit sa lahat umiwas sa kaguluhan at digmaan na ang pangunahing promotor ay ang gubyernong militarista sa Malakanyang, gubyernong tumatalima sa kagustuhang ng bansang mahilig mag-inbento ng GERA, "ang Global war on terrorism" ni Uncle Sam - BUSH.
Ang Sabah, na kini-clain magpahanggang ngayon bilang parte ng Muslim Mindanao, ang lugar kung saan malapit sa Tawi-Tawi, Mindanao. Fifty-Twenty five years ago (50-25 years), kung ating babalikan, ang lugar ng Sabah, Malaysia, maliban sa atrasado ang pamumuhay kung ikukumpara sa Mindanao ay pasyalan lamang ng mga Pilipinong komersyante't mangangalakal. Wala sa guni-guni ng bawat Pilipino na hahantong sa kahiya-hiyang sitwasyon na sila'y maituturing na mga REFUGEES sa bansang dati-rati'y sila ang mas dominante't nakakaangat.
Kung noon ay mas maunlad pa ang Pilipinas kung ikukumpara sa bansang Malaysia, bumaligtad ang sitwasyon ngayon. Dahil sa deka-dekadang pagpapabaya sa Mindanao, pangungurakot, katiwalian, mga pagtataksil at pagtatraydor sa bayan, maling patakarang pang-ekonomya ng mga namumunong elitista't mga Amboy na Pilipino, nalagay ang Pilipinas sa KULELAT sa lahat ng larangan sa Asia.
Ang isyu ng migration at OFW ay ginagamit ng Malakanyang bilang SALBABIDA sa nagkokolapsong ekonomya ng bansa. Pinag-uusapan pa lamang natin ang Sabah, Malaysia at hindi pa natin isinasama ang paboritong paglagakan, takbuhan ng mga Pinoy middle class sa mga bansang tulad ng Canada, US, Australia, New ZEALAND, Europa at Middle East. Ang nakaka-intriga rito, may OFW at may migranteng Pinoy sa halos lahat ng bansa sa mundo (United Nation). Ultimong mga pinakamahihirap na bansa sa Africa tulad ng Nigeria, Senegal, Angola, Kenya, Somalia ay may OFW.
Kung totoong walang naghihirap at nagugutom, kung totoong sagana ang buhay sa Pilipinas, kung totoong may magandang bukas sa atin, kung totoong maliit ang un-employment o may hanapbuhay na mapaglalagakan ang ating mga graduate, ang ating mga kababayan, kung totoong gumaganda ang ekonomiya ng Pilipinas, bakit libu-libo araw-araw ang lumilikas-iniiwan at tumatakas patungong ibayong dagat. Kahit “iligal,” nakikipagsalaran ang ating mga kababayan, huwag lamang mamatay ng 'dilat ang mata' dito sa PILIPINAS na PINAMUMUNUAN ng mga tiwaling pangulo, Tongresman at mga pulitiko.
Ito ang tamang panahon upang magtaray si Ate Glo sa bansang Malaysia, matulungang ang mga Pinoy na nasasalaula sa Sabah at mahanapan ng kagyat na trabaho na kanyang ipinagmamalaki. Kung gagawin ni Ate Glo ito, pogi points ito sa Muslim Mindanao.
Sources: With Agence France-Presse
Link: http://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view_article.php?article_id=56424
Doy Cinco / IPD
March 23, 2007
Wednesday, March 21, 2007
DATO Macapagal Arroyo, larawan ng kabulukan ng sistemang Pulitika
Sa isang mapanuri at ordinaryong taga-bicol, paano maipapaliwanag ni Dato at ni Ate Glo na kanyang ina, na siya'y kumakatawan sa isang lugar may apat na raan kilometro (400 km) ang layo mula sa kanyang lugar na sinilangan at tinirikan? Paano mairerepresenta ang tunay na damdamin, kalagayan, adhikain ng mga Bicolano kung ika'y hindi naman talaga tubong Bicolano o ika'y isang peke at nagpupumilit na taga-Bicol. Batid ng mundo na si Dato'y isang Kapangpangan, Visaya, taga-QC at anak ng pinakamkapangyarihang pulitiko ng bansa. Kung sa bagay, kung "tanggap, welcome" si Dato, ampunin siya ng mga taga-Bicol bilang adopted son ay hindi malayong mangyari na magkaganito ang sitwasyon.
“Aksidenteng” napadpad si Dato Arroyo sa Bicol dahil sa pagiging ISKUL BUKUL, mahina sa klase at nakapangasawa ng Bicolana. Hindi nito pinagkakaila na hindi ito pumasa, hindi nito naabot ang rekisitong academic standard ng Ateneo de Manila sa QC, at bigyan siya ng chance na mag-enroll, magtransfer sa ibang Ateneo School, sa Ateneo de Naga sa Lunsod ng Naga, Camarines Sur. Maaring isang planado, pinag-aralan at pinag-isipan ng pamilyang Arroyo ang proyekto para kay Dato. Dahil kung planado ito, maaring tatlong lugar lamang ang landingan ng political career path ni Dato; Quezon City, Pampanga o sa Negros Occidental.
Una, walang dudang lumaki sa La Vista Village, Barangay Pansol, malapit sa UP at Ateneo de Manila, QC si Dato Arroyo, ang official na addrress ni Ate Glo. Ang Barangay Pansol ay pumapailalim sa 3rd District ng QC na hawak ng Defensor Clan. Hindi papayag ang mga Defensor na panghimasukan sila ng mga Arroyo sapagkat teritoryo ito ng mahigit ilang dekada ang 3rd District.
Pangalawa, kung sa Pampanga, hindi rin pupwede sapagkat hindi pa natatapos ang termino ng kanyang nakababatang kapatid na si (2nd term) Mikee sa 2nd District. Maliban na lamang kung magdadagdag ng isang distrito sa probinsya alang-alang lamang kay Dato. Dahil sa aapat lamang ang distrito sa Pampanga, napakasikip para sa mga angkan, sa mga anak na makapwesto sa probinsya.
Pangatlo, lalong hindi rin uubra kung makikisingit pa si Dato sa Negros Occ sapagkat kailangan munang tapusin ng kanyang Tyuhing si Cong Iggi ang termino nito at tulad ng Pampanga, masikip din sa pwestuhan ng malalaking angkan sa probinsya.
Tulad ni Mikee at Iggi, libreng makatutungton sa Kongreso ng walang pag-aalinglangan, walang kaduda-duda at walang kahirap-hirap si Dato. Ilan buwan na lamang, sa pagpasok ng unang sesyon ng 14th Congress. tatawagin na siyang "honorable at gentleman from Camarines Sur." Siya, kanyang kapatid, kanyang Uncle at ang partidong KAMPI at Lakas-NUCD ang sasawata sa pinaplanong ikatlong pagsasalang ng impeachment laban kay Ate Glo sa Kongreso.
Produkto ng PADRINO, political machinery, political clan, political negotiation, pambayad utang na iniluwal ng kabulukan ng pulitika at election sa bansa si Dato Arroyo. Ang nabakanteng distrito ang lumalabas na kabayaran at regalo ng Andaya Clan kay Ate glo kapalit ng pwestong pinanghahawakan nito ngayon sa Malakanyang bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) at dating chair ng Appropriation Committee sa Kongreso.
Maliban sa kawalan ng track record, kanino siya accountable at sino ang kanyang pagsisilbihan? Hindi siyempre sa mamamayan ng District 2, bagkus sa mga Andaya, Villafuerte Clan at sa kanyang magulang nag-iisquat sa Malakanyang.
Isang yagit, matapang at malakas ang loob na pulitiko si Mayor Sabas Mabulo ng San Fernando, ang napabalitang tatapat sa higanteng pulitikong si Dato. College gradute ng Ateneo de Naga University si Mabulo. Kahit isang pulitiko, hindi ito naging balakid kay Mabulos upang maging aktibo ito sa Church-based Caceres Social Action Center. Bagong nag-involve sa local politics si Mabulos, kabilang siya sa isang NGO na nag-aadvocate ng kagalingan ng mga taga-Bicol. Dahil sa kahusayan, performance at tunay na paglilingkod ng walang pag-iimbot, natapos nito ang tatlong termino (9 years) bilang Mayor at dalawang taon bilang councilor ng San Fernando, Camarines Sur.
Pinutol ni Mabulo ang tulay na nag-uugnay sa kanila bilang alyado ng mga malalaking kahariang pulitikal sa probinsya, tulad ng Andaya Clan, siyam (9) na incumbent mayor at Villafuerte clan, mga kinikilalang dominant political clan sa Bicol. Ang pinagsamang makinarya ng Villafuerte at Andaya political clan, dagdagan pa ng Arroyo clan (Dato), masyado ng over kill at lubhang higante kung ikukumpara sa kuto at abang si Mabulo.
Walang malinaw na permamenteng partidong dinala si Mayor Mabulo. Ang bukud tanging alyado nito sa pulitika ay yaong mga taong nag-aadvocate at naniniwala ng prinsipyong “Transparency for good governance.”
Isang liblib na lugar ang bayan ng San Fernando na may mahigit 30 kilometro ang layo mula sa National highway kung saan matatagpuan ang bayan ng Libmanan, ang address na tinukoy, natagpuan at kunwaring umampon daw kay Dato. May sakop na 22 barangay at may kabuuang 14,200 botante na halos kasingdami ng isang barangay sa Metro Manila. Samantalang ang Bayan ng Libmanan na may 75 na bilang ng barangay, 41,000 botante, pinakamalaki sa District 2.
Kung experiences, track record ang pag-uusapan, panalo si Mabulo. Kung sa pababaan ng gastos sa electoral campaign (P50,000/election), panalo si Mabulo, kung sa plataporma, paglilingkod, dedication at prinsipyo, walang dudang panalo si Mabulo, kung parehas lamang, walang dayaan at demokratiko ang election, panalo si Mabulo. Kung dadaanin sa personality, LOHISTIKA'T MAKINARYA at TRAPO politics, walang dudang TALO si Mabulo.
Doy Cinco / IPD
March 21, 2007
Monday, March 19, 2007
Dahil sa pagyurak kay Satur, Bayan Muna lumalakas, sigurado na sa Mayo
Napanood ng milyung-milyong Pilipino't ng buong mundo (TV, Radio, Internet at pahayagan) kung paano ginago, trinato, inalipusta, paratangan, tiniris-tiris, kinaladkad, pinasista't inapi ng gubyerno ni Ate Glo si Cong Satur Ocampo. Mababa na nga ang pagtingin ng Pinoy sa gubyerno, lalo pang winawarat ni Ate Glo ang sarili sa epekto ng sunud-sunud na kaliwa't kanang atake laban sa kanya, ang weak governance, ang epekto ng ng Melo Commission, Amnesty International, ng United Nation Human Rights watch, ng US Senate investigation, ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC) na nailagay sa valedictorian ng pangungurakot ang Pinas sa Asia at panghuli, ang lumabas na survey na lumalaganap ng mabilis ang kagutuman sa Pilipinas.
Silang lima (5), ang sa totoo lang ang tunay na nag-aasist, kumakalinga, nagmamalakasakit, kampanyador, recruiter at nagmamahal sa Bayan Muna at sa mga kumunista, sosyalista't anarkista. Sa akalang mabubura ang Bayan Muna at iba pang maka-Kaliwang partido sa Party List, sa akalang hihina at manlulupaypay ang Bayan Muna, sa maling akalang kakakagatin ng mamamayang Pilipino ang propagandang anti-kumunista at sa pag-aabolished ng sistemang Party List, lalo lamang pinalalakas nito ang naturang mga kalaban sa pulitika. Ang matinding pang-aapi't panggigipit kay Satur ay walang kaduda-dudang magbuboomerang sa pagmumukha ni Ate Glo sa Malakanyang.
Dahil sa awa kay Satur, kahit saan tignan, walang dudang ang "hearts and mind" ng mga Pilipino ay lubhang nakaapekto't wala na sa Malakanyang! Dahil sa iligal, ilihitimong pangulo-weak governance, sandamukal na pangungurakot, panunupil at katiwalian, anim (6) na taong krisis pang-ekonomya't anti-Pilipinong patakaran ni Ate Glo, mayorya ng mamamayan (65-70%) ang gusto ng ibagsak at lansagin ang gubyerno ni Ate Glo sa anumang kaparaanan (impeachment, KUDETA, insureksyon o Electoral), kundi man tumitingin, pumapaling sa kabilang bakod at nagsisimpatya sa sinumang oposisyon at katunggali nito sa pulitika.
Tulad ng kaso ni Cong Allan Peter Cayetano, dahil sa panggigipit, harashment at pang-aapi, sari-saring dirty tricks tactics na ginamit;
1. ang pagpapatanggal bilang Congressman
2. ang kapangalan nitong si Cayetano sa bogus na partidong KBL,
3. na kesyo isang dayuhan si Allan Peter Cayetano at kung anu-ano pang mga kaparaanan
Ito'y maliwanag na nanggagaling sa utus ng isang tirador ng palasyo, kay Unang Ginoo at Tanging Esposong si Mike Arroyo. Dahil sa panggugulang at harashments, nagiging bayani, mas nagiging popular sa masa si Cong Allan Peter Cayetno. Mas lalo lamang naipupwesto sa matibay na posisyon sa ikatlo hanggang sa ikalimang (3rd-5th) posisyon sa mga electoral survey sa Senatoriable race at dahil dito, naniniguro't panatag na si Sen Allan Peter sa Senado, pasalamat siya sa katangahan at kabobohan ng mga operador Mike Arroyo sa Malakanyang.
Dahil sa kaso kay Satur, dapat magpasalamat ang Bayan Muna sa mga buguk, gago at siraulong adviser ni Ate Glo sa Malakanyang.
Doy Cinco / IPD
March 20, 2007
Sunday, March 18, 2007
KAMPI ang MAGHAHARI sa pulitika, babawi sa Impeachment ang Lakas at NPC?
Masyado ng ginagawang gago, tanga, ng KAMPI ang partidong Lakas at ibang partidong malapit sa administrasyon. Dahil sa PONDO at LOHISTIKA, nagugulangan, ginagapang, nakakahoy, nagbabaligtaran ang mga tigasing Lakas at NPC patungo sa KAMPI. Sa kasalukuyan, mas nakalamang na ang ilang kandidatong KAMPI kung ikukumpara sa kandidatong Lakas na halos may sampung taong (10 years) ng namamayagpag sa lugar. May mahigit kumulang na walumpong (80) congressional candidates at ilang daang LGUs ng administrasyon ang bumaligtad at nakangkong na ng KAMPI.
Ang pinakamalungkot, mas binubusog, paldo-paldo (daang milyon kada isa) ang pondo at lohistika ang mga kandidatong KAMPI lalo na sa ilang malalakas at estratehikong mga probinsya kung saan naagaw nito mula sa LAKAS ang kontrol sa Panggasinan, Isabela, ang Southern Tagalog - Batangas, ang Central Luzon – Pampanga, Kabiculan, Cebu at Mindanao.
Hindi nasunod sa halos lahat ng probinsya't distrito mula Aparri hanggang Jolo ang “equity of the incumbent” na unang naging kaisahan, binagsakang patakaran ng Malakanyang. Mas naloko nito ang marami sa Lakas ng pakunwaring idiniklara raw na “zona libre” sa halos karamihan na tinatawag na “magugulong” lugar, mga administration candidate ang naglalaban-laban.
Dahil mawawala na sa mayorya ang partidong Lakas, walang dudang matatanggal sa pwesto bilang “speaker of the house” si Cong Joe de Venecia” at KAMPI stalwart na ang maghahari sa bansa, tulad nung nangyari sa partidong Kilusan ng Bagong Lipunan (KBL) noong panahon ng Martial Law (70s) at diktadurang Marcos, kung saan ang mayorya ng partido ay kontrolado ng KBL.
Hindi mapapatawad ang kataksilan, ang kalapastanganan, ang panggugulang at kasakiman sa kapangyarihang ginawa ng KAMPI, Unang Ginoong Tanging esposong si Mike Arroyo, Tong Villafuerte, Sec Puno at ibang pusakal, gangster na pulitiko lalo na sa nalalapit na May Midtern election. Wala ng ibang dapat gawin ang pamunuan ng Lakas-NUCD, NPC at LP kundi pag-isipan, pag-aralan kung paano mababalanse, kung paano makakabawi, makakaganti, makakakurot man lang sa KAMPI.
Ang isang paraan, sumama na sa opposition sa panawagang muling pagsasalang ng impeachment proceeding, ang pam-finale, ang lola ng pagbabalikwas laban sa elihitimo, iligal, imoral, ang peke at anti-Pilipinong pangulong si Ate Glo. Sa ganitong kabayanihan, sa ganitong paraan lamang tunay na mapapatawad sila ng taumbayan.
Doy Cinco / IPD
March 18, 2007
Thursday, March 15, 2007
Si Uncle Sam, mga dayuhan na ang bumubusisi sa Pilipinas
Wala ng karapatan ang isang soberanyang bansa, lalo na kung ika'y isang muchacho-super maid na bansa, na magsabing, “wag kayong maki-alam”, “panloob na usapin ito, huwag kayong manghimasok.” Kung baga, hindi na lamang mga Pinoy, mamamayan ng mundo (global citizen-non government) na ang kalaban ni Ate Glo sa isyu ng Human Rights, sa isyu ng political killings. Iba pang usapin ang papel ng US na kung saan, may malaking interest ito sa Pilipinas, bilang ROBOcup, tagapamandila ng "global war on terrorism" ng mundo at bilang neo-colony ng Estados Unidos.
Kung atin babalikan, hindi umubra kay Ate Glo ang Task Force Usig, ang itinagong report ng Melo Commission na naatasang magsagawa ng investigation. Nagpatuloy ang political killings at political persecution sa kabila ng kalat-kalat, maiingay na propaganda't maliitang pagkilos. Bagamat napahiya, hindi rin umubra ang Amnesty International (AI) na nakabase sa United Kingdom, nagpatuloy ang killings. Nagkipit balikat, dinedma at itinanggi rin ni Ate Glo ang astig na report ng United Nation special rapporteur Alston. Nagpatuloy ang political killings.
Pumasok sa eksena ang International Parliamentary Union (IPU) na nakabase sa Geneva. Walang dudang tatarayan din ni Ate Glo ang IPU. Ang malaking tanong, kung si Uncle Sam na, kung ang US Senate (Foreign Relation) na ang papasok, manghihimasok, ang makikialam sa investigation, tarayan din kaya ito ni Ate Glo? Inaasahang mag-iiscalate ang pagkilos at preassure ng mamamayang Amerikano laban sa GMA government na maaring humantong sa panawagang itigil na ang US military Aid sa Pilipinas.
Kinikilala pa ring ng US bilang closest ally ang Pilipinas, bilang dating kolonya-neo-colony at puppet nito. Ang tanong, umalma kaya si Ate Glo sa US Senate kung saka-sakaling lumabas sa investigasyon ang totoong salarin ay siya mismo bilang Commander in Chief, meaning pumanig sa mga kalaban niya, sa mga Kaliwa ang US?
What is happening to our country General, Ate Glo? Bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang ating bansa? Numero una na nga tayo sa pangungurakot sa Asia, numero una pa rin bilang berdugo at paglabag sa karapatang pang-tao sa Asia.
Kung ang gubyerno ni Ate Glo ay lubhang nalagay sa depensiba, nanghihina sa kaliwa't kanang ateke ng mga kaaway sa pulitika, walang dudang nanghina rin ang kilusang Kaliwa sa patuloy na panloob na krisis at panlabas na atakeng pasista ng Estado, lalo na sa isyu ng malawakang PURGAHAN nuong dekada 70s-80s. Kahit LAOS na, hindi bumibitaw sa makaluma, ”old school, MaCartyism, anti-kumunistang pananaw” ang mga Generals, Norberto "saging" Gonzales, si Ate Glo at kanyang gubyerno. Nagpapatuloy ang katangahan, “sa ngalan daw ng demokrasya, sa ngalan ng anti-isurgency, ipagtatanggol ni Ate Glo ang sariling kaligtasan, idedepensa ang karapatan ng Malakanyang at ituturing demonyo ang mga kumunista.”
Tanggapin man natin o hindi, hindi pa nakakabawi ang Kaliwa at Kilusang Masa sa antas na inabot nito nuong dekada 70s hanggang 80s. Wala tayong nakikitang malawakang mobilisasyon kahalintulad nuong panahong napaka-popular ng Kaliwa laban sa diktadurang Marcos. Matumal ang mga kilos protesta, bagsak ang mga sectoral movements, walang malakihang pipol power, kaya lang lumalakas naman, nagiging llamado, nagiging popular sa tao, nagpapakadalubhasa at nakakabawi naman sa ELECTORAL POLITICS- Party List election, sa Local Governance at ibang arenas of struggle ang mga Kaliwa.
Doy Cinco / IPD
March 15, 2007
Wednesday, March 14, 2007
Numero uno sa Asia sa Kurakot, hindi na balita 'yan....
Sa totoo lang, dahil sa tindi ng pangungurakot sa gubyerno (LGUs – National), na-overtekan na tayo ng mga dating mahihirap at abang mga bansa sa ASIA. May ilan dekada ng kulelat ang Pilipinas sa larangan ng pag-eengganyo o pang-hihikayat ng mamumuhunan (foreign direct Investment) sa bansa at mas naging matumal, lumala pa ito sa loob ng anim na taong nasa poder at panunungkulan ni Ate Glo. Habang daan-daan-daang bilyong dolyar na dayuhang puhunan naman ang pumapasok sa Vietnam, sa China, Malaysia, Indonesia, India at iba pa, barya-barya lamang (single digit-$2.0 bilyon) ang pumapasok na puhunan sa Pilipinas. Dinaig pa tayo ng Bangladesh at Cambodia!
Hindi na natin ilalahad ang mga karaniwang alam na nating mga insidente ng pangungurakot sa gubyerno. Sentruhan natin ang campaign budget ng Malakanyang para sa kanyang kandidato sa nalalapit na May midterm election na aabot sa estimate ng mga political operators na P12.0 bilyon. Isa ito sa pinakamalinaw na ehemplo at walang dudang panggagalingan ng PANGUNGURAKOT sa gubyerno. Sa layuning maisalba (political survival) ang pangulo hanggang 2010, kailangan nitong ipanalo “at all cost” ang administration ticket sa Congressional at Senatoriable race.
Alam ng lahat na ang pulitikang PADRINO, na kinabibilang ng mga Taipan-Chinoy (Lucio Tan, Gaisano, Gocongwei at iba pa), Gambiling Lords (Bong Pineda ect...), Drug Lords, Contractor at Supplier na pangunahing financier, campaign donor at mga suportador ng Administrasyon at ilang sa oposisyon ang siyang nagpapagalaw at impluwensya ng pulitika sa realidad. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang pinagmumulan ng KURAKOT at anomalya sa gubyerno ay ang political patronage. Ito ang mga kadahilanang kung bakit mahina ang Estado (weak state) at lupaypay ang mga political institution sa bansa.
Sariwa pa sa ala-ala yung nangyari nuong nakaraang taon, yung ilang bilyong pisong (P2- 6.0 bilyon) ginastos ng Sigaw ng Bayan (suhol sa pagpapapirma at propaganda war) na inaming nagmula sa Malakanyang. Ang mga suhol tulad ng SARO, pork barrel ng Malakanyang na bumaha nuong impeachment proceeding sa Kongreso. Yung over priced na P1.3 bilyong Mega Pacific SCAM ng Comelec na hindi napakinabangan, nabubulok sa bodega, may P800.0 milyong piso na ang panimulang ibinayad ng gubyerno. Yung anomalya ng P3.3 bilyong PIATCO Scam kung saan binalikat na ng gubyerno ang bilyung dolyar na katangahan, irregularidad at kotong. Ang nakakalungkot, "para sa kanila, normal procedure, normal na kalakaran, taas nuo pang ipinagmamalaki na hindi raw ito kurakot kundi public service."
Pagbabayaran ni Ate Glo ang anim na taong krimeng pandarambong, katiwalian na ginawa nito sa gubyerno. Hindi mabilang na pangungurakot ; ang P27.0 bilyong nakaw na yaman ng mga Marcos na dapat sana'y sa mga biktima ng human rights napunta ay walang awang kinurakot, kinupit pa ng PCGG sa utus ng Malakanyang at ginamit sa pulitika nuong 2004 election, 2006 anti-impeachment at magpahanggang ngayon.
Maka-ilan ulit, sirang plakang propaganda ni Ate Glo sa tuwing may SONA, na “susugpuin nito ang pangungurakot sa gubyerno,” “within 365 days, mawawala na ang WETENG sa Pilipinas.” Ilang ulit ding isinisisi ni Ate Glo ang paghina ng ekonomiya at pangungurakot sa kanyang mga kaaway sa pulitika.
Ang nakakalungkot pa rito, isang linya lamang ang bukang bibig ng UMBUDSMAN, “walang over pricing, walang irregularidad, LEGAL, malinis, walang anomalya at above board ang transaksyon.” Sinalaula ni Ate Glo ang mga tinaguriang “Independent Constitutional Body” at mga “democric Institution ng bansa.” Nawalan ng kredibilidad at pagtitiwala ang taumbayaan sa Umbudsman, Comelec, sa Kongreso, AFP, ang LGUs at ang burakrasya. Pilit ipinapaniwala ni Ate Glo na “strong republic” daw ang bansa, kahit alam ng marami na mahina, walang buto sa gulugud at tau-taauhan na lamang siya sa palasyo.
Doy Cinco / IPD
March 14, 2007



