Kung laro lamang ng ANGKAN (POLITICAL CLAN), TRAPO o isang "FAMILY AFFAIRS" lamang ang nalalapit na May Midterm Election, may malaki tayong problema, lalabas na isa lamang MORO-MORO ang nalalapit na May midterm election.
Kung ang election sa Mayo ay mamanipulahin lamang ng ELECTORAL MACHINERY ng administrasyon ng partidong LAKAS at KAMPI, ng logistic at paldo-paldong pondo, may katwiran ang mga taong nagbabalak na IBOYKOT ang nalalapit na election. Sa kanila, an-anhin pa ang boto, ang balota, kung mamadyikin lamang ito ng mga makapangyarihang pulitiko sa ITAAS, kung dadayain, hindi parehas at hindi demokratiko ang election.
Kung ang Kongreso, ang Lower House ay dodominahin, kokontrolin ng mga sindikato, TRAPO, malalaking politikang angkan (pamilya), weteng lords at elitista, mabuti pang buwagin na natin ang "House of Representathieves," kung mga pekeng kinatawan lamang ang bubuo nito, kung walang pagbabago, kayo-kayo at sila-sila pa rin.
Kung makinarya ang lalabas na mapagpasya sa Mayo, wala na ngang magtitiwala pa sa sistemang electoral politics ng bansa at lalo lamang titindi ang hidwaang pulitikal o krisis sa pulitika. Saan pupunta ang taumbayan, magpapakalulong sa CONSTITUTIONAL means na pagbabago o sa extra-constitutional na paraan ng pagbabago, meaning sa parliamentary of the street, KUDETA, sa insureksyon at rebelyon o ang pasibong pagboboykot na lamang ng election?
Wala na bang kapangyarihan ang tao sa halalan at pawang minamanipula na lamang ito ng MAKINARYA ? "Nasaan na ang mamamayan, nasaan na ang papel ng botante, nasaan ang DEMOKRASYA? Kung ito'y palagiang pasya sa tuwing election, may malaking diperensya't pagyurak ito sa sinasabing REPRESENTATIVE democracy sa ating bansa, kailangan na nga nating seryosohing i-overhaul ang buluk na sistemang elektoral at pulitika."
Doy Cinco / IPD
Afril 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment