Monday, April 02, 2007

Lakas vows to lead ‘economic miracle’ ? “Wag n'yo kaming PINAGLOLOKO!

Ito ang pinakagarapal na propagandang ginamit ni Ate Glo sa harap ng mahigit 2,000 Lakas leaders sa ginanap na national convention ng Lakas sa Folk Arts Theater, Pasay City kahapon. Dagdag pa niya, ”its record of achievements remains unmatched by any political party in the Philippines, the ruling Lakas-Christian Muslim Democrats leadership and its huge mass base will lead the country into its next "economic miracle" and era of peace”. 'WAG N'YO NGA KAMING PINAGLOLOKO, sinong tangang Pinoy ang maniniwalang may tunay na partidong nag-eexist sa Pilipinas? Ang alam ng Pinoy, isang family affairs, isang sindikato, elite at kurakot na pinatatakbo ang partidong Lakas at ang KAMPI.

Hindi pa nakontento, dinagdagan pa ng isa pang nakaka-intriga, "this challenge is most timely and urgent because at no other time in the last decade have we had real opportunity for an economic takeoff. The grand agenda of the administration, fighting poverty and terror and building peace, is the foundation of our political victory in the elections." "Today, the administration coalition has the most comprehensive, doable and ongoing platform of nation-building that has brought almost two years of continuous growth to the Philippines on top of a strong campaign for law and order, democracy and human rights," dagdag pa ni Ate Glo. Ang totoo, ang kasalukuyang administrasyon ang naglagay sa mapa ng kahihiyan sa mundo; nagpalala ng karalitaan, kagutuman, terorismo't pagiging berdugo sa Asia at kaguluhan.

Ang malungkot, ipinapaniwala nito sa mga utu-utung mga kasapian ng Lakas na magwawagi ang Team Unity ticket (12 : 0) sa nalalapit na election sa Mayo. Sino-sino ba ang bumubuo ng pamunuan ng Lakas at mga alagad nito; TRAPO-Kasal Binyag at Libing (KBL), Political Clan-family affairs, sindikato, Gambling / weteng lords, Drug Lords, KURAKOT, Oportunista at higit salahat, MANDARAYA. Ang isa pang problema, paano maibabalik ang pagtitiwala ng mamamayan sa mga pulitiko. Sa mga Pilipino, ang kahulugan ng "PULITIKO ay KURAKOT," pulitiko =kurakot!!

May ilang dekada ng naghahari-harian ang elite-partidong LAKAS sa country, may pag-unlad ba, may nagbago ba? Ano ang ipagmalaking track records nito, ano ang napala natin at higit sa lahat, totoo bang may plataporma't umaktong partido ang Lakas?

Kung popokusan natin ang kasalukuyang rehimen, ano ang napala't nabago sa loob ng anim na taong nag-iisquat si Ate Glo sa Malakanyang?

1. Lomobo ng mahigit P4.0 trilyon ang utang panlabas ng bansa, ang pinakamalaking utang sa kasaysayan ng Pilipinas kahit pagsama-samahin ang lahat ng mga inutang ng nagdaang apat na presidente (40 years); President Marcos, Tita Cory, FVR at Erap. Mahigit P400.0 bilyon taung-taong ang naiseserbisyo para ipambayad sa utang na sana'y dapat napupunta sa delivery of basic services at pagsasa-ayos ng mga (LGUs) lugar na prone sa kalamidad (dange zone: baha, bagyo, lindol, mga squatter sa tabi ng estero, tabing bulkan, bundok, epidemyang sakit).

2. Sa loob ng anim na taon, naangat bilang suma cumlaude sa pangungurakot ang bansang Pilipinas sa Asia. Mahigit trenta hanggang singkwenta porsiento (30-50%) na salapi ng bayan ang ibinubulsa, kinukurakot ng mga pulitiko at ng mga nakaupo sa Malakanyang mula sa mga proyektong pambayan (pork barrel). Pilipinas ang may mas pinakamahal na highway (Diosdado Macapagal Highway) at LAMP post sa Asia na ginamit sa ASEAN Summit.

3. Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim na lumilisan araw-araw upang maging super maid-katulong, domestic helper, caregivers o OFW. Sa panahon ni Ate Glo ang may pinakamalaking bilang ng mga (mga bagong graduate) doctors, nurses, managers at professionals, imbis na pakinabangan ng country, ang lumalayas upang magtrabaho at mag-alsa balutan.

4. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente!

5. Ang Pilipinas ang pinakamabilis na may paglaki ng insidente ng Karalitaan sa Asia, mula 37% nuong panahon ni Erap Estrada, lumagpas na ito sa 50%. Lalagpas na sa 10% ang average na pamilyang nasasadlak sa hirap, ang unemployment rate, inflation rate at nagugutom na Pilipino.

6. Ang Pilipinas na ang sumasalo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapon- pinagsawaang damit ng mga kalapit bansa (UKAY-UKAY ECONOMY) at pinakamalaking importer ng used na sasakyan (Subic) sa Asia.

7. Ang Pilipinas na ang pinakamalaking SQUATER'S COLONY sa ASIA. Isa sa may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo. Bukud sa may pinakama-traffic na lunsod sa Asia, ang Pilipinas pa ang may pinakamaduming public toilet sa Asia.

8. In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS!

9. Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na ekonomya sa Asia. Walang malinaw na programang 'National Industrialization policy" na siyang magbibigay buhay sa ating ekonomya. Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano! Walang sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.

10. Ang Pilipinas na ang mas may pinakamalaking importation ng bigas sa kasaysayan ng agrikultura. Humigit kumulang na "isang milyong metriko tonelada ang inangkat-biniling bigas kada taon" sa Vietnam, Thailand at sa ibang bansa. Ibig sabihin, hindi naging matagumpay ang rice production program ng Dept of Agriculture (DA). Ang problema, pati ang bigas, ang staple food ng masa ay ginamit sa pamumulitika (political survivor) ng palasyo, isang halimbawa ang kaso ni Joc joc Bolante.

11. Ang Pilipinas na ang pinakamapanganib (segunda sa Iraq) na lugar sa mga peryudista, mediamen at political activist. Mahigit kumulang na walong daan (800) aktibista ang pinatay ng mga security forces ni Ate Glo. Dahil sa patakarang "no permit-no rally," ang Pilipinas na ang isa sa pinakamapanupil na lugar sa mundo. Nagpapatuloy ang paninikil sa kalayaan sa pamamahayag at pag-assembliya. Bagamat itintanggi (total denial) , mistulang nasa ilalim ng isang diktadurya ang lumalabas na kalakarang ipinatutupad ng Malakanyang.

12. Ang Pilipinas na ang pinakamadugo, pinakamagastos at pinakamadayang election sa buong Asia. Ang $25.0 milyong pondo ng Democratic Party-Hillary Clinton para sa 2008 presidential election sa US ay walang panama sa mahigit kumulang na $ 70.0 milyong "super machinery" na pandaraya ng Malakanyang sa May midterm election. Ang nakakahiya, isa lamang moro-moro, "family affairs" (political clan) ang election at ang electoral machinery, logistic at bilyong pondo ang siyang tunay na nagpagpasya at hindi ang botanteng mamamayan.

11. Tayo ang may pinakamaraming mga SCAM incidents (government procurement scam) sa mundo; pyramid scams, PIATCO scam, Northrail projects, Independent Power Producers (IPPs), sovereign guarantee scam, IMPSA scams ($14.0 million), Mega Pacific Scam, Joc Joc Bolante scam at mga bangkaroteng mga Pre-need plans. Aasahang madodoble ito matapos ang election; ang road user's tax, school's feeding program, Election Return-NPO scam at iba pa.

12. Ang Pilipinas na ang SHABU manufacturing center ng Asia at isa na sa mga sentro ng prostitusyon ng mundo.

13. Ang Pilipinas ang “the longest running maoist -NPA insurgency sa mundo.”

14. Ang Pilipinas ang may pinakamalaking unpaid pension sa mga retirado sa AFP at PNP (P17.0 bilyon).

15. May pinakamaraming gambling establishment at lords sa Asia, ang casinos at weteng/STL.
Dahil sa bad governance na pina-iral ng Malakanyang, mas kauna-unawa kung bakit nagpapatuloy ang political UNCERTAINTY, POLITICAL INSTABILITY ng country. Kung ito ang mga pagbabago at record breaking achievements ni Ate Glo at pekeng partidong LAKAS-Nucd at KAMPI sa loob ng anim na taon, hanggang kailan titiisin ito ng taumbayan?


Doy Cinco / IPD
April 3, 2007

No comments: