Marami ang matutuwa kung ang pangunahing labanan at kondukta ng electoral campaign ay mauuwi sa public DEBATE at maititigil ang magastos na TV pol Ad ng mga pulitiko. Kaya lang, hindi lang dapat matali o mauwi sa lantay debate, chika, pogi points at buladas sa mga maiinit na isyu, ang pinaka-importante, ang mahalagang sangkap na dapat malaman ng taumbayan ay ang kawalan kwentang TRACK RECORD ng bawat isa, ng gubyernong GMA o ng bawat partidong kalahok sa naba-baboy at nasasalaulang electoral politics ng country.
Kamakailan lamang, inihayag ng administrasyon, ni Executive Secretary Eduardo Ermita na handa nilang ipagtanggol, idipensa ang kanilang “plataporma de gubyerno kuno” ni Ate Glo-administrasyon, ng Team Unity. Handang-handa rin ang Genuine opposition (GO) sa public debate at iminungkahing isagawa agad ito sa PLAZA MIRANDA kung saan traditional (50s-70s) na isinasagawa ang debate sa kasabihang “idepensa n'yo yan sa Plaza Miranda.”
Kung matutuloy ang nasabing public debate, isa na itong panimulang hakbang upang maisulong ang matagal ng inaasam-asam na “voter's electoral education, political maturity, maharness ang intelehensiya ng botanteng Pinoy at higit sa lahat, maipakita ang punut dulo ng kabulukan ng pulitika, eleksyon at pagsasareporma ng sisteng pulitika (TRAPO, personality oriented, 4 Gs (guns, gold, goons at garci) at KBL (kasal, binyag, libing).”
Walang dudang kinupit sa National Treasury, kwarta ng bayan ang winawaldas ng mga pulitikong ito sa kanilang political Ad. Batay sa ulat ng Nielsen Media Research kahapon, sa loob lamang ng dalawang Linggo, konserbatibong may P250.0 milyon na ang ginagastos ng mga buguk na pulitiko sa Pol Ad. Dapat imbistigahan at i-audit ng Comelec ang walang habas na pagtatapon ng pera ng bayan ng mga Sentoriable candidates.
Ang dalawang daang milyong pisong itinapon sa Pol Ad political campaign ay dapat sana'y na-ipagpatayo na lamang ng silid aralan, paaralan, sweldo ng mga guro, farm subsidy sa mga magbubukid, health center, hospital at libong bilang ng duktor at nurse (upang hindi na magsipaglayas tungo sa ibayong dagat) at social services sa mga liblib na lugar ng bansa. Ang bilyong pisong ginastos dapat nailaan sa kakulangan ng tubig na miinum, kuryente at malnutrisyon sa kanayunan.
Nababaliw na itong si Pichay na sa maling akalang makikila, papasok sa magic 12 sa survey, tataas ang panghihikayat na iboto siya ng tao o conversion factor, sa pamamagitan ng P40.0 milyong TV, Radio at print Political Ad (top notcher sa gastusan) mananalo siya. Walang kaduda-dudang matutulad lamang ito kay Ernie Maceda nuong 2004 election.
Hindi lamang isyu ng Paggugbyerno ang dapat sentruhan ng public debate. Maaring magpokus sa pitong (7) major topics;
1.Political at electoral reform. Ang isyu ng Political Clan, stregnthening ng Political Party at Proportional representation o Party List
2.Isyu ng abolition of Pork Barrel at Weteng
3.Full Employment, isyu ng OFW at Industrialization
4.External Debt at isyu ng WTO/Globalization
5.Charter Change. Ang isyu ng Con-As, Con-con at parliamentary shift
6.Human Right, Anti-terrorism at insurgency problem
7.Independent foreign policy at US-Philippine Relation
Doy Cinco / IPD
March 1, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Somе regular Βear аdult ԁiapers so they of games
Caгe these, you might Dіscoνer
yourself mіsѕing something ѕmaller and simpler.
My ρаge game
Post a Comment