Friday, February 23, 2007

Napapanahon ng baguhin ang ELECTORAL at POLITICAL SYSTEM

Kung sino man ang maihahalal sa Congress (14th Congress), matauhan sana ito sa kalunus-lunos, kabulukang kalagayan ng ating sistema ng pulitika at election. Ang problema nga lang, kung sino mang pulitiko ito, may ganito kayang plataporma de gubyernong isinusulong ang mga kupal na ito? Ikalawa, hindi tayo umaasa, alam natin ang KARA ng mga pulitiko, once na nakatikim na ng kapangyarihan, hindi na ito atubili na baguhin pa o ireporma pa ang sistema ng election, mas kapani-paniwalang imimintina nito ang STATUS QUO.

Maliban sa pagpapalakas ng Political Party, napakahalagang mabago na rin ang sistema ng election lalo na ang sistema ng PARTY LIST. Mahigpit na kaugnayan ang kabulukan at kahinaan ng political Party sa pagpapalakas ng sistema ng Party List.

Sa kasalukuyang kalakaran, ang mga kinatawan ay binoboto batay sa kung sino ang may pinkamaraming boto at hindi sa kung sino ang mas may nakakuha ng mayoryang boto. Susi sa pagbabago ay ang usapin; “PAANO NATIN MAIHAHALAL ang mga REPRESENTANTE (how we elect our representatives?) versus sa kalakarang umiiral na, Ano ang aming IHAHALAL (not on what we elect?). Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit personalidad, nananatili ang PADRINO-utang na loob, zarzuela't showbiz sa tuwing kampanyahan, political clan at pork barrel mentality ng sistema ng pulitika at election.

Kung walang pagbabago, iiral at paulit-ulit lamang gugulo ang pulitika, nandiyan ang GRIDLOCK sa pagitan ng ehekutiba at lehislatura, pangungurakot at katiwalian, mahinang Estado (WEAK STATE), inutil, walang silbeng Political Party at plataporma de gubyerno.


Upang tuluyan ng burahin sa mapa ang matagal ng umiiral na sistemang padrino at pork barrel, kailangang putulin ang koneksyon, i-break ang ugnayan ng local interests (parochial oriented) sa National Policy Making, magkaroon ng pagbabago ng orientasyon lalo na sa pagbibigay diin sa paggawa ng mga batas na may kaugnayan at impak sa pambansang interes. Ang isang paraan, ihahalal ang mga Kinatawan hindi sa basehang CONSTITUENCIES o distrito.

Makakatulong ang paglaki at paglawak ng nasasakupang lugar ng isang Representante, mula sa distrito na may 200,000 botante, gawing kalahating milyon sa minimum (500,000) ang sakop na constituencies. Ang isang paraan ay ang pagbibigay prioridad sa Proportional Representation o ang party list system, mula sa kasalukuyang 20%, gawing 50% o kalahati ng bumubuo sa Kongreso.


Sa ilalim ng PROPORTIONAL REPRESENTATION, ang mga botante ay boboto't pipili ng kanilang Kinatawan on the basis ng PLATAPORMA de GUBYERNO ng PARTIDO. Ibig sabihin, kung may malaking proportion na kabuuang boto ang kanyang nakalap (8-10%), entitled siya ng 10% ng kabuuang SEATs sa Kongreso.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 20% ng kabuuang bilang na 250 o 50 seat ang naka-allot sa PARTY LIST, sa realidad mayroon lamang 24 ang pinauupo sa Kongreso, imbis na 50 ayon sa alituntunin ng batas. Imbis na palakasin, gawing popular sa masa, patatagin ang sistemang partido atParty List sa bansa, sinisiraan, pilit na binubura ng mga pusakal at sagad-saring elite-TRAPO sa Kongreso. Imbis na hikayating magpartisipa sa democratic process-mainstream politics, balak pang ipadiskwalipika at paratangang ng kung anu-ano ang ilang Party List na maka-Kaliwa.

Doy Cinco / IPD
Feb 23, 2007

No comments: