Tuesday, February 27, 2007

Part 1: Listahan ng Political Clan, mula Appari - Jolo.

Luzon Area:

Tanda ng kabulukan ng pulitika ang patuloy na pamamayagpag ng political clan sa bansa. Nagbabago ang hugis at anyo ng political clan, kung dati rati'y ang landholdings (landlord cumprador) ang major source ng kanilang kayamanan, marami sa kanila ngayon ay mga nasa
corporate executives o nag-shift na't involved na sa iba't-ibang klase ng negosyo.

Ang Angkan ang panguning political organization sa Pilipinas. Maliban sa pagiging elite, ilan sa kanila ay naingganyong papilan ang iligal na gambling at prostitution lords lalo na kung sumisikip at may matinding krisis na kinakaharap. Kabilang sila ngayon sa ilang malalaking kumpanyang Real Estate, trading, retailing at construction.
Ang ilan sa kanila ay nagmula't nag-ugat pa sa huling bahagi ng 18th century Illustrado (chinese, spanish) at kapansin- pansin na pawang mga mestizo/a ang kanilang pangngatawan.

Kailangan ng maisareporma ang sistemang pulitika at halalan sa bansa. Napakahalagang mai-provide na ang paborableng kondisyon para sa isang " participatory, direct democracy, isang pluralista at multi-party system na representative democracy."

Ilan sa mga kilalang Political Clan, mula Aparri hanggang Jolo;

Region 1
: Ang Marcos clan ang matagal ng siga-siga sa Ilocos Norte. Kung hawak ng mga Marcoses ang probinsya, hawak din ng isang maliit na Farinas Clan ang Laoag City, ang itinuturing kaaway sa pulitika ng mga Marcos. Ang Chabit Singson clan (2nd generation) ang may hawak sa Ilocos Sur. Nakabaon sa local politics ang kanyang kamag-anak, kapatid at ang mga pamangkin, si Eric Singson at ang kanyang asawa. Isang alyadong Baterina Clan ang tahimik na nagpapalakas sa lugar. Nawala na sa mapa ang mga traditional na Crisologo at Raquiza clan.

Kontrolado ng Ortega clan ang probinsya ng La Union. Kung may bagong umuusbong na Dumpit at Nisce clan, may namamatay na lumang Aspiras clan, makapangyarihang crony at organisador ng "solid north" nung panahon ni Marcos.

Dahil sa laki ng Pangasinan, kalat-kalat ang kaharian at walang super na angkan ang may kakayahang manipulahin ang lugar. Intact ang mga naunang political clan sa bandang silangan, ang Estrella at Perez clan. May mga bagong umuusbong, tulad ng Agbayani clan na siyang may hawak at namamagitan sa probinsya. Nakaposisyon sa bandang North-west si Joe de Venecia, ang controversial na Speaker of the House. Posibleng makakatapat ni Joe de Venecia ang Benjie Lim clan, ang tigasin ng Dagupan City sa norte. Tulagan sa South at Mark Cojuanco clan sa North-west.

Cordiller Autonomous Region (CAR): Valera clan ang hari at maton ng Abra. Kamakailan, naging laman ng headline at balita si Gov Valera nung ma-assasinate ang isang kaaway sa pulitika ni Gov Valera sa QC. May bagong sumusulput na Luna Clan. Kung babalikan ang kasaysayan, may ilan dekadang hinawakan ng Paredes clan ang Abra. Kontrolado ng Bulut clan ang Apayao habang may Dalwasen clan na bagong nagpapalakas sa lugar.

Brawner at Cappleman clan ang may impluwensya sa Ifugao.
Matagal ng siga-siga ang Dominguez clan sa Mountain Province, kaya lang may mga bagong lumilitaw na malalakas; Dalog, Malinas, Claver at Mayaen Clans. Unti-unting nawawala sa eksena ang Lamen clan.
Pinaghahati-hatian ng Molinas, Cosalan at Dangwa Clans ang probinsya ng Benguet. Ang Tabanda at Tinda-an clan ang ilang sa mga bagong lumilitaw.

Region 2: Enrile clan ang lolo ng mga clan at siga-siga sa Cagayan. Bagamat “nalilimita” sa bandang north-eastern ang saklaw ng kapangyarihan, hawak ng ibang maliliit na clan tulad ng Cong Mamba ang southern part ng probinsya. Namamagitan sa gitna ang bagong umuusbong na kaharian, ang Gov Ed Lara clan. Inaasahang lalaki ang political role ni Cong Jackie Enrile sa darating na panahon. Nasaan na ang mga bigating Carag, Reyno at Dupaya clan?

Malakas pa rin ang DY clan sa Isabela. Mula pa kay Faustino (tatay), magkakasunod na hinawakan ang governatorial position, dalawang congressmen at ilang mayor sa probinsya. Dahil sa laki ng Isabela, may ilang maliliit atkalat-kalat na lumilitaw, ang Siquian, Reyes clan at higit sa lahat ang Albano Clan. Mula kay Rodolfo hanggang kay Rodito at Cesar, hinawakan nito ang legislative district at isang munisipyo. Hindi rin maisasa-isangtabi ang Miranda Clan sa lunsod ng Santiago, ang sentro ng trade and commerce ng rehiyon. Habang may bagong litaw, humina naman ang Heherson Alvares at Abaya clan sa southern part ng probinsya.

Kontrolado ng Cua clan ang Quirino habang nagpapalakas ang Bacani clan. Nanatiling may kontrol ang Perez Cuaresma atclan (dating Comelec chair) sa Nueva Viscaya.

Region 3, Central Luzon: Mukhang wala ng katapusang panghahawakan ng Joson clan ang (3rd generation) Nueva Ecija. May tatlong Joson ang nakapwesto; Tomas at Mariano Joson. Nakabaon din ang mga matatagal at bagong sulpot na mga kaharian sa ilang bahagi ng probinsya, nandiyan ang Villareal clan at Umali Clan, ang bata ni Mark Jimenez. Walang dudang sila pa rin g mananaig sa nalalapit na May midterm election. Ganap ng naglaho ang Diaz clan.

Ang pinakasiga sa lahat ng mga angkan ay si Boss Danding Cojuanco, Peping Cojuanco at Aquino clan. May kalat-kalat na angkan na nagpapalakas at may basbas sa mga bosing; ang pwersa ng Apeng Yap clan at Aganon clan sa middle-southern part ng probinsya.

Ang Reyna ng mga reyna ng political clan sa Pilipinas ay ang Macapagal Arroyo ng Pampanga. Bagamat matibay ang pwesto ni Mikey sa 2nd District (3rd genertion), may mga bagong kilala ang nagpapalakas, ang Lapid Clan sa katauhan ni Gov Mark Lapid at Sen Lito Lapid, ang gambling lord na Pineda clan sa southern part ng probinsya, David, Bondoc at Guiao clan.
Mga bagong political clan ang kasalukuyang may kontrol sa Bataan, ang Tet Garcia na hawak ang governatorial at mayoralty position sa middle-southern part, Roman at Payumo clan sa northern part ng Bataan.

Nagkalat ang sentro de grabidad ng political clan sa Bulacan. Bagamat ang mga Pagdanganan ang nangingibabaw sa lahat, ang mga De la Cruz (9 taong humawak ng probinsya), Roqueros, Sarmiento at Maganto ang mga bagong sulpot na nagttayo ng kaharian sa Katimugan. May mga nagmimintina't bumabagsak na traditional politicians; ang Silverio at Ople clan.

Ang Magsaysay-Diaz clan ang pinakamakapangyarih, siga at pinakalumang pulitiko sa Zambales. May ilan umuusbong na maliliit at bago, mga kalaban sa pulitikang si Gordon ng Olongapo at Lacbain clan.

National Capital Region: Labo-labo ang kaharian sa Manila. Mula sa Atienza clan, ang anak na si Ali, magkakatapat-tapat sa May midterm election ang mga Lacuna, Bacani, Mark Jimenez at Joey Hizon clan. Habang naghihingalo ang mga Lopez, Ocampo at Barbers clan, ang mga Bagatsing clan-si Amado sa Pandacan-Sta Mesa area, Dondon at Don sa Sampaloc area ay bumabalik sa eksena.

Siga ang ilang dekadang Asistio clan sa Caloocan at Eusebio clan (magre-rellebo ang mag-ama) sa Pasig. Bagong umuusbong na Bayani Fernando clan sa Marikina at Villar clan sa Las Pinas. Mukhang tatagal pa sa kapangyarihan ang Binay clan sa Makati. Si Binay ang bumasag at pumatay sa Yabut clan na naghari sa Makati nuong panahon ng Diktadurang Marcos. Matibay ang TRAPOng Abalos clan sa Mandaluyong at ang kahariang Estrada clan sa San Juan.

Tulad ni Binay, lumalakas ang stronghold ng Belmonte clan sa Quezon City. May tatakbong dalawa na kanyang pamangkin sa 2nd at 4rt District. Dinurog ng Belmonte clan ang Mathay clan sa QC. Unti-unting nagpapalakas ang bagong clan na si Castelo Daza. Balwarte ng Defensor clan ang 3rd District, mula kay Mike Defensor, ang kanyang kapatid hanggang sa kanyang ama.
Nabura sa mapa ang Cuneta clan ng Pasay, Reymundo ng Pasig at Valentino ng Marikina.

Region 4, Southern Tagalog: Solid ang kontrol ng Angara clan sa Aurora-Quezon. Mula Senate, governor hanggang capital town ng Baler, ang hometown ng Presidenteng si Manuel Luis Quezon. Nananatiling malakas ang mga lumang Tanada at Enverga clan. Bagong umuusbong ang Suarez clan.

Hawak ni Ito Ynares ang Rizal. Nasa poder pa din ang matatandang Duavit at Sumulong clan habang humihina ang impluwensya ng 3rd generation Rodriguez clan sa Rodriguez. Habang may bagong lumilitaw na angkang Puno, Bunye, Fresnedi, Cayetano at Biazon clan sa southern part ng Rizal, Muntinlupa, Taguig at Pateros area, ang mga Sumulong at Tanjuatco clan ay nalalagay sa alanganin.

Pinakamalakas na political clan ang Remulla (2nd generation) ng Cavite. Kahit hawak ng bagong sigang si Gov Malixi at Revilla ang probinsya't ilang bayan, may matitibay na political strongholds sa tatlong strategic position (2 distrito at vice governor) ang Remulla.

Imimintina na lamang ang kapangyarihang kontrol ng Recto clan sa Batangas. “Di tulad ng Perez, Mayo at Laurel Clan na naiba ang orientation, napunta sa sining, negosyo ang 3rd generation, napanatili ng matandang Claro M Recto (mula World War II) hanggang 3rd generation ang political clan. May bagong lumilitaw na angkan; ang Gov Sanchez at Mandanas.

Imimintina na lamang ng Lazaro, San Luis at Olivarez clan ang Laguna. Naglaho ang traditional clan ng mga Yulo. Hawak ng Reyes clan ang Marinduque. Nagpapalitan ng position ang mag-ina, mula governatorial (ang matandang Carmencita) hanggang sa congressional district (ang anak na si Edmon Reyes).

Villaroza at Mendiola clan ang may tangan ng Mindoro Occidental habang ang mga Marasigan at Andaya clan ang may impluwensya sa Mindoro Oriental. Maraming umusbong sa Palawan, nandiyan ang Reyes, Ponce de Leon, Garcia at ang bantog na mayor ng Puerto Princesa na si Hagedorn. Hindi natin alam kung kaya pang maimintina ni Cong Mitra ang position (2nd generation) sa probinsya.

Region 5, Bicol: Hawak ng Villafuerte clan (1st at 2nd generation) ang Camarines Sur. Nagpapalitan na lamang ng position sa pagkontrol ng probinsya silang mag-ama. May maliliit na kaharian sa sentro at gilid-gilid; ang Mayor Lobredo ng Naga, Cong Alfelor, Fuentebella at Delfin clan. Padilla at Pimentel clan ang siga-siga naman sa Camarines Norte.

Malapit ng magwakas ang 3rd generation clan ng Imperial sa Albay. May mga bagong sumisibol na nagpapalkas, ang mga Lagman, Gov Gonzalez at Bichara clan. Escudero, Frivaldo Clan ang may hawak ng Sorsogon. Umakyat sa Senado si Chiz at muling babalik ang kanyang ama.

Dynastiya ang hitsura ng Masbate. Ang mga Espinosa (3rd generation- Maloli Espinosa Manalastas) at ang kalaban nitong Kho clan ang may kontrol sa Masbate. Kung may mga bagong litaw na Estrella, Fernandez at Celera clan, kailangan pa rin ito ng tulong at pakikipagtuwang sa mga malalaki at makapangyarihang clan sa probinsya. Kung dati'y Tatad country ang Catanduanes, ngayon ay malabo na. Naagaw na ito ng Verceles at Sarmiento clan. Nawala na rin sa eksena ang matatagal ng Alberto clan sa probinsya.

Ang muling tanong ng mga Waray-waray, "AMO la GIHAP, waray upay."
To be continued.............Region 6 – 12

Pinagsanggunian:
"All in the Family," a st
udy of elites and power relations in the Philippines
Gutierrez, Torrente, Narca, Institute for Popular Democracy
"The Ties tht Bind," Eric Gutierrez, PCIJ and Institute for Popular Democracy

Doy Cinco / IPD
Feb 27, 2007

1 comment:

Amianan said...

Mukha po yatang wala sa listahan niyo ang mga GORDON?