Mauuwi lamang sa perahan ang isasagawang special session na ipinatawag ni Tainga De Venecia at ni Ate Glo. Sa bisa ng isang proklamasyon no. 1235, layon daw ng special session na tapusisn ang mga nabinbing mga "mahahalagang panukala" tulad ng “anti-terrorism bill,” “pagsasapondo ng P10.0 bilyong pagtatanim ng mga puno sa mga probinsya,” “Political Party Act 2006, “ Prankisa ng Pagcor” at iba pa, sa Kongreso.
Ang isang malaking tanong, bakit wala sa agenda, bakit hindi kasali ang "Bill na nagpro- provide ng Compensation sa mga naging biktima ng human rights noong panahon ng diktadurang Marcos?" Mas priority, mas mahalaga ang Compensation Bill bill kaysa "anti- terrorism bill," kung saan si Bush, US at mga militarista ng Malakanyang lamang ang makikinabang.
Kung maipapasa ito sa Kongreso, hindi lamang mabibiyayaan ang mga aktibista't kapamilya nito, maituturing isang tagumpay laban sa TIRANO"T diktadura, dadakilain ng mamamayan ng mundo at higit sa lahat, POGI points para kay Ate Glo. Pangalawa; maaring mabura pa ang perception, hinala't pagdududa ng country na PERAHAN LAMANG ang habol ng mga pulitiko. Kaya lang, sa uri't klase ng mga BABOY sa Kongreso, bagungut na makakalusot at maipapasa ang naturang batas.
Magaganap ang special session sa Pebrero 19 hanggang 20, panahong nagkakainitan na sa kampanyahan sa senatoriable race at abala na ang mga incumbent sa Tongreso sa samut-saring mga caucuses sa barangay-bayan, pagtatayo't pagkokonsolida ng electoral machinery sa congressional na labanan.
Ang nakakapanglupaypay, kung walang malinaw na ayuda-envelop-sobre, kung walang maihahatag na electoral campaign funds o walang pabaong MILYON kada isang kasapi sa Lakas, Kampi, LP-Atienza wing at NPC, walang sisipot, walang dudang maraming ALIBI, mahihirapang makadalo, walang QUORUM, dedma ang mga “representanteng” kaalyado ng Malakanyang sa Kongreso.
Sa totoo lang, sa kasaysayan ng Kongreso, kung may mahahalagang panukalang pagkakayarian at pagkacashunduan (tulad ng EPIRA law), dinadaan sa PERAHAN, 'yan ang tatak, yan ang nagdudumilat na katotohanan ng inyong mga "kinatawan-kawatan," mukhang kwarta, sa TONGreso.
Kaya't kung inyong mamarapatin (WALA LANG?), ating itakwil, iboykot , ikampanyang huwag iboto sa ating malalapit na kamag-anak, ka-BROD, kapitbahay, ka-officemates, kaibigan at kakilala, ang mga pulitikong kabilang sa Partidong LAKAS-NUCD, KAMPI, LP-ATIENZA WING, NPC-NATIONALIST PEOPLE'S COALITION at mga party linkages nila sa Party List.
Bagamat marami ring partidong TRAPO sa hanay ng oposisyon, mas ipriority muna natin siguro ang bigat ng kampanya, ang sama-samang panawagang pampulitika sa apat (4) na malalaking partido ng administrasyon.
Doy Cinco / IPD
Feb 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
★doy Big Big news for you!
Post a Comment