Monday, March 27, 2006

Gaano katagal ang Political Stalemate?

May ilang linggo ring nataranta't nahintakutan si Ate Glo at kanyang mga galamay sa palasyo. Hindi pa tapos ang laban at hindi pa siya nakasisiguro. Hanggat hindi nareresolba ang isyu ng linlangan, ang katiwalian at ang isyu ng legitimacy, magpapatuloy ang ligalig, political uncertainty, polarity at masidhing krisis pampulitika sa country. Lumalala, papakumplika ang katatagan at istabilidad ng bansa, kung ikukumpara sa mga naunang windang nitong nakaraang taon.

Inaamin na mismo ni Ate Glo na “nananatiling may residual threats sa bahay ng palasyo.” Kung babalikan, pansamantalang nakaligtas, muling nakabawi at lumakas ang kanyang posisyon politikal. Gamit ang buong makinarya't arsenal ng palasyo, buong bangis na iwinasiwas ang panunupil sa kalayaan sibil, sa pamahayag at pag-aasembleya. Unang tinarget ang lumalaking simpatya ng country sa “adbenturistang militar” at kilusang masa. Nagawa nitong ihiwalay ang pinagsamaang YOUng at RAM (Reform the Armed Forces movt) sa mas maingat at patriotikong Magdalo. Patuloy ang psy-ops propaganda at kontra-opensibang atake ng Malakanyang sa mga kalaban nito sa politika.

Muling binuhay ang Batas Pambansa 880 ng diktadurang Marcos. Iprinoklama ang “emergency power” 1017, General Order no. 5 at inilagay sa impaktong de facto Martial Law ang bansa. Ala-Hitler na ipinatupad ng kanyang asong si Querol, Lumibao ang batas na pumatungkol sa illegal public assembly, no permit-no rally at Calibrated Pre-emptive Response (CPR). Habang garapalang nilalabag ang karapatang pantao, pakunwaring ni-lift ang 1017.

Pinuntirya ang Daily Tribune. Tinakot ang pahayagang Abante at iba pang broadcast- media. Kaliwa't kanan ang crackdown sa mga peaceful assemblies, pananakot at pang-aaresto sa mga kilalang personahe ng kilusang demokratiko. Prinoproseso ang kasong sedition at rebelyon sa kilala at walang bahid kurakot sa (100) mga piling yunit pwersa ng AFP at PNP.

Hindi nakaligtas sa pagtugis ang diumano'y pasimuno ng tangkang “kudeta” sa Oukwood na si Sen Gringo Honasan. Trinatong “enemy of the state” ang ilang mga oposisyon (Sen Nene Pimentel). Nagpagawa ng mala-Alcatras na kulungan para ia-comodate ang daan-daang nakibahi't lumabag sa “chain of command” noong ika 24 ng February, Pipol power anniversary. Tinatantyang may mahigit isang libo (1,000) ang nasa long list at dalawang daan (200) ang nasa short list na personaheng aktibista ang sa ngayo'y handang ipa-aresto at minamanmanan. Kasabay ring minomonitor ang ilang opisina ng NGOs, civil society organization at mga militanteng organisasyon.

Gaano man katindi ng panunupil, mas lalong titindi, tatapang at lalo lamang mag-iibayo ang pakikibaka ng kanyang mga kalaban. Ang ganitong pagpapakita ng lakas pwersa ay sa totoo lang ay hindi sinyales ng isang matatag at malakas, bagkus isa itong panlulumo, paghihingalo at nalalapit na pabagsak na gubyerno. Patunay ito sa panahon ng Diktadurang Marcos at Presidente Estrada, CPR, EO 464 at hanggang sa 1017.

Totoong tumabla si Ate Glo sa labanang pulitikal. Dapat niyang malamang na “pansamantala't isang artificial” lamang ang istabilidad. Dahil sa political stalemate, ang mga pwersang may armas sa military ang walang dudang ang magdodomina sa labanang pulitika. Ayon sa chief of staff Gen. Senga (March 22 statement), may mga niluluto't paparating pang “big push” mula sa hanay ng YOUng-Magdalo at kilusang maka-Kaliwa.

Lumalabas na ang military na lamang ang pwedeng asahan at pagkatiwalaan ni Ate Glo. Buong-buo pa niyang iientrega ang gawaing paggugubyerno sa Military. Sa katunayan, pagdating sa hustisya, mukhang todo-todo niyang ipahahawak ang prosekusyon sa Military at hindi sa Dept of Justice (DOJ). Upang labanan ang pananabotaheng pang-ekonomya ng kalaban, kasunod niyang binabalak itayo ang Marcos style Martial Law na “Military Tribunal.”

Dahil sa paglaki ng papel ng Military, lalo lamang pinahihina't nilulumpo ang katatayuan ng presidency. Habang inaapura nitong pagulungin ang pag-amyenda ng Konstitusyon (charter change) sa Lokal, umuugung din ang panawagang "snap election" sa hanay ng grupong anti-GMA at ilang bahagi ng paggitnang pwersa. Ipilit man ang cha cha ni Ate Glo at ni Tainga, walang dudang muling sasambulat ang protesta sa kalye hindi lang sa kalunsuran maging sa ilang sentrong lunsod ng Mindanao at Kabisayaan. Hindi malayong isa na namang panibagong round ng (military adventurism, sa pananaw ni Ate Glo) pag-aaklas ang kanyang kakaharapin at dito baka tuluyan na siya;


1.Ayon kay Sen Joker Arroyo, “lalala ang pampulitikang krisis at titindi ang banta sa trono ni Ate Glo.” Kung hindi makiki-alam ang panggitnang pwersa't hindi kikilos ang mga Amerikano, “hindi malayong idedeklara ni Ate Glo at Speaker Joe de Venecia (Tainga) ang Martial Law.” Kung matatandaan, binulabog ng “undeclare Martial Law” - 1017 ang Constitution. Bagamat lifted na kuno ang 1017, malaki ang posibilidad na ideklarang ilegal ito ng Korte Suprema.

2.Naging crucial ang papel ng militar at pulis. Lumalabas na ang Military, hindi ang oposisyon, hindi ang civil society, hindi ang CPP-NPA, hindi ang sektor ng negosyo at CBCP ang siya ngayong bagong bida't kontrabida sa umiinit na pampulitikang labanan. Kung dati-dati'y pumusisyong neutral ang military noong kainitan ng “hello Garci” contoversy, ngayon hayagan na itong tumaya sa magkabilang dulo ng gerang pulitika.

Nayurakan at nilalagay nito sa alanganin ang “commander in chief” at chain of command. Parang may sariling galaw, diskarte, disposisyon at undeclared autonomy ang AFP. Meaning, “hostage at gapos-gapos” ng military ngayon ang dalawang kamay ni Ate Glo. Hindi niya magawang i-court martial ang ilang Heneral at mga Koronel na hayagang bumatikos at nagtangkang nagwithdraw ng support sa kanya?

3.Sa layuning durugin at i-isolate ang grupong Magdalo, “sinusuyo't sinusuhulan” ang mga Kuya nito sa YOUng. May 5 points guidelines na ginawa ang AFP na paparalisa raw sa adbenturistang militar. Kaya lang, ayon sa ilang pahayag ng junior officers, “lalo lamang gagatungan nito ang sigalot at nagsasayang lamang ito ng panahon at laway sa pakikipag-dialogo't pakikipag-konsultasyon.” Mukhang magbubumerang at makakapag-create pa ito ng panibagong monster o Frankestein sa military.

Ayon sa pahayag ng Patriots, “hanggang hindi nareresolba ang lalim ng suliranin ng country, ang demoralisasyon, ang anomaly at isyu ng legitimacy hindi mabubura ang pagdududa, linlangan, ang dayaan noong nakaraang election. Hanggang hindi inilalabas ang kontrobersyal na Mayuga report, mananatili ang pamulitikang krisis ng country.”

4.Constitutional succession: Impeachment complaint 2, Cha cha at Snap election. Matapos ilibing ang impeachment complaint , may “bagong taktikang” isasagwa ang elite opposition na kayang mapagtatagumpayan ang panibagong complaint. Ayon naman kay Sen Nene Pimentel, bukud sa mahihirapang makakalap ng sapat na bilang, malabong magkaroon ng substansyal na honest to goodness na inbistigasyong ilalarga ng minority bloc sa Kongreso. Gagamitin ule ng mga galamay ni Ate Glo ang buong pwersa, kapangyarihan at resources upang ma-dead on arrival ang impeachment complaint. Nagsisimula na ang takutan at pressure sa ilang kilalang oposisyon sa Kongreso.

May ilang buwang ding naitchapwera ang elite opposition. Bagamat gustong makapapel at makapag-impluwensya sa loob ng military, nahihirapan itong maka-igpaw sa pagdududa ng mamamyan. Nanatili ang persepsyong “urong sulong at may political interest ang mga pulitiko.” Isang malaking katanungan ngayon ay kung may malinaw na direksyon at istratehiya ang planong muling i-impeach si Ate Glo. Ang Kongreso ang isa sa pinakamatibay na lunsarang panggogoyo't panlilinlang ni Ate Glo.

Sa kontekstong may political impasse, mas madaling paniwalaang kagatin ng elite oposisyon ang snap election, lalo na't may hinalang suportado ito ng elite at mga Amerikano. May malaking grupo sa loob at labas ng gubyerno, Simbahan, middle class, Bangon Pilipinas at Black and White ang siya ngayong may malakas na may panawagang magkaroon ng snap election. Sa kabilang banda, sa layuning maisalba ang sarili, pinagtutuunang pansin ni Ate Glo at ni Tainga ang Charter Change. Kung babara ito sa Senado, ang isang tanging baraha ng palasyo ay ang makinarya sa Lokal. Dahil sa panggagapang ng DILG sec Ric Puno, “solido” ang liga ng mga gobernador na isulong ang “peoples initiative” bilang best mode sa pag-amyenda ng Constitution. Totoong “madaling makukuha ang sapat na bilang na tatlong porsiento (3%) ng kabuuang rehistradong botante sa kada distrito.

5.Ang papel ng Anti-GMA at ang Magdalo-YOUng. Sa unang quarter ng taon, tinugunan ng Patriots ang matagal na “opposition vacuum” laban sa Arroyo administration. Lumakas ang papel ng demokratikong Kaliwa at kilusan demokratikong Anti-Arroyo. Bagamat nagkaisa na wakasan sa lalong madaling panahon ang pagpapatalsik sa bahay palasyo ni Ate Glo, marami sa kanila ang patuloy na naniniwala sa pakikibakang extra-constitutional, habang pinag-aaralan ang paraang constitutional succession.

Ayon sa Magdalo-YOUng, “walang malinaw na planong mobilisasyon noong Pebrero'06 at ito'y isa lamang “ehersisyo.” “Sadyang sinubok o tinesting lamang kung paano lumarga” ang komuniskasyong naitalaga sa bawat yunit.” Ayon sa Magdalo-YOUng, “dry run” lamang ang nangyaring movements nuong nakaraang Feb. 24, '06 - (Newspbreak, March, '06 issue) . Kasalukuyang nasa konsolidasyon, pangangalap at pagse-secure ng ilang current machinery at resources. Binubuo ang imprastrakturang military- political (mil-pol) na kontra-opensiba't pakikibaka. Mukhang ang lunsaran ay hindi na lamang sa Kamaynilaan maging sa ilang lalawigan.

Habanag sinisikap ng Malakanyang na ineutralisa ang Makabayang Kawal na Pilipino (MKP-Magdalo), todo bigay naman ang panunuyo sa mga Kuya (YOUng). Alam ng mga operador ng Palasyo na may kakayahan pang magsagawa ng “big push” ang MKP. Sa tulong ng malalapit na Heneral, pinabibilis ngayon ang marginalization sa natitira at nagtatago pang mga junior officers.

Nananatili ang political-military momentum na nagenerate ng Magdalo-YOUng. Sa “kalagitnaan ng taon,” matapos makapag-regroup at makapagpalakas, kasama ang iba't-ibang pwersang politikal, bibilis at mas magiging agresibo ang magiging pagkilos at tuluyan ng mawawakasan ang “impasse” sa pampulitikang krisis.

Sa akalang naparalisa't nabulabog nito ang YOUng, Magdalo at kilusang demokratiko, walang dudang may reserbang bala, kapabilidad at kakayahang pang pilayan hanggang mapatumba si Ate Glo. Kaya lang, dahil sa inip, pag-aalinlangan, “impasse” man o debate, marami ang nagtatanong. "Gaano katagal ang Political Stalemate? Bakit sa kabila ng 65% disgustong Pinoy kay Ate Glo, wala pa ring makitang passion ang panggitnang pwersa, hindi pa rin lumabas at nagpapartisipa sa lansangan ang malawak na pwersa ng masang Pinoy?




Doy Cinco /IPD staff
March 27, '06

Friday, March 24, 2006

Kawawang Puno, pinangbabala sa Kanyon!

Kalihim Puno, punong puno ka ng katusuhan. Punong puno ka ng kagaguhan, Punong puno ka ng kagulangan. Punong puno ka ng ka-tutaan, ultimo tumbong ni Ate Glo at ni Tainga ay pupunuin mo ng halik, mapuno lang ang iyong katangahan. Kung sa bagay, ganyan talaga ang buhay ng isang propesyunal na mersenaryo, dapat consistent. Ginamit ka ni Marcos, ginamit ka rin ni Erap at hanggang ngayon, patuloy kang nagpapagamit. Hunyango ka talaga Puno.

Huwag kang maghugas ng kamay, 'wag mong sabihing wala kang kinalaman sa pinaggagawa mong pagkakalat ng pagpapapirma sa barangay? Huwag mong sabihing inisyatiba ng mga lokal na trapito yang gimik n'yo, huwag mo ring sabihing hindi mo ginapang, hindi mo kinomando ang Union of Local Authority of the Phil. (ULAP) at Liga ng mga Erehekutibo. Puno, "wag ka nang makigulo, inis na inis na ang buong country kay Ate Glo (65%). Talagang Punong puno ka ng kakengkoyan. Punong puno ka ng kasinungalingan.

Binastos n'yo (Puno, Ate Glo at Tainga) na ring pati ang institusyong sinasandigan na lamang ng country . Kung nagawa n'yong wasakin ang Comelec, AFP-PNP, Hustisya't Tongreso, wag n'yong namang idamay ang sagradong institusyon ng Lokal na Gubyerno na pinag-ibayo't pinalakas pa ng Local Government (LGC) Code ni Sen Nene Pimentel. Sinalaula n'yo ang ispirito ng demokrasya-demokratisasyon sa grassroot, ang empowerment sa baba, ang esensya ng decentralization at local autonomy.

Huwag n'yong takutin ang Lokal na Erehekutibo na idedeklara n'yo ang Martial Law bilang alternatiba "kung hindi aaprubahan at hindi pipirmahan" ang pag-aamyenda ng Constitution. “'Wag n'yong gaguhin at gawing tanga ang mga Punung Barangay, Mayor at Gobernador. Sa akala n'yong masisilaw sa kapirasong salapi, sa kapiranggot na proyekto't ayuda mula sa Malakanyang at pork barrel ay magagawa n'yo ng paglolokohin, utu-utuin at goyo-goyoin ang lokal na gubyerno.

Totoong taon-taon ay may Barangay Assembly ang mga lokal na gubyerno. Sa aking karanasan, ang Barangay Assembly ay isang pagkakataong upang magpartisipa ang mamamayan sa malayang talakayan matasa't mabalikan ang isang taong plano (SONA) at mula dun, isang taon ule itong makapagprograma. Nilalahukan ito ng iba't-ibang sektoral na organisasyon, NGOs, local development council, pamunuan ng barangay at iba pang key players (personahe) sa loob at labas ng gubyerno. (kadalasa'y nilalangaw at para dumami ang attendance, may parapoll, gift giving at tuwing pasko o bagong taon isinasagawa).

Kadalasan, ang nilalaman ng taunang programa't suliranin sa lokal ay; livelihood program para maitaas ang kita ng mga tao, trabaho (job fair sa ilang mauunlad na lunsod), infrastructure at development projects t roads), kakulangan ng class room, peace and order (nakawan, patayan), paano pangangalagaan ng kalikasan (illegal logging- fishing), pangisdaan, calamity, waste disposal, drug addiction-shabu, prostitution, gambling at kung paano mareresolba ang maliliit na away pampamilya't magkakapit-bahay at higit sa lahat ang pamamalimos sa Manila imperialism at kakulangan ng IRA (budget).

Sa dinami-daming suliraning kinakaharap ng barangay, isasalaksak ninyo pa ang isyu ng “pag-aamyenda ng Konstgitusyon, ipipilit ninyong (Ate Glo, Tainga) talakayin ang isyu ng charter change. (Pasantabi lang sa mga kaibigan kong mga barangay at mayor). Maliban sa No Election (NO-EL), ano naman ang kinalaman, ano ang mapapala, mahihita at ano ang pakinabang ng barangay kung saka-sakaling magbabago't maii-amyenda ang Konstitusyon? Isang tao lamang ang maliwanag na makikinbang dito (sa bahay ni Ate sa palasyo).

Mareresolba ba nito ang mga isyu ng un-employment at karalitaan, isyu ng padri-padrino- palakasan-nepotismo? Maibababa ba nito ang singil sa pamasahe at presyo ng bilihin? Masasawata ba ng pagbabago ng Constitution ang laganap na pangungurakot, dayaan at vote buying sa tuwing may election?


Kung matutuloy ang mga Assemblies sa barangay at pilit ihahapag sa agenda ang usaping cha cha, pag-amyenda ng konstitusyon, parliamentaryo at ang survey kuno, sinong tatay, sinong nanay, ate, kuya, lumpen at istambay sa kanto ang makakaunawa nito? Kung sa Tongreso't sa Senado at maski dito sa IPD (naturingang political institute) ay di pa lubusang nauunawaan ang isyu ng “cha cha, parliamentary at unicameral system at kung bakit ia-amyenda ang Konstitusyon, SA BARANGAY PA? Maliban sa English ang medium na gamit, english din ang ginamit sa mga katanungan nakasulat sa FORMs, high palooting at hindi leymans language. Malabong magkaroon ito ng malayang talakayan o balanseng pagpapalitan ng kuro-kuro dito. Hindi pa kontento, mukhang may plano pa atang dukturin (ang dagdag) ang resulta ng People's Initiative. Sa Form na lamang, nakahiwalay (page 3-4) ang mga pirma ng mga tao.

Ang totoo, sinasamantala n'yo ang matinding kahirapan dinadanas ng mga taga-barangay. Sa kapirasong tuyo (ulam, bigas at dilata), parang binibili ng Malakanyang ang puso't kaluluwa ng mga tao. Para sa barangay, pansamantalang hanap buhay rin ang "signature campaign" sa cha cha. Sa kada 10 pirma, may P200.00 ganasyang nauuwi sa nagpapapirmang may hawak ng FORMs. Kung makakapagpapirma ka ng 200, may P2,000.00 ka, Kahit paano'y laman tiyan din at isang buwan ding pang-gastos ng pamilya.

Sa karanasan ng mga kakilala kong Lokal na opisyal sa mirap na probinsya ng Bohol, may hinatag na P1,000.00 "bilang honoria-facilitation fee" sa kada punong Barangay at mga kagawad. Mas malaki ang matatanggap ng mga nasa munisipyo't capitol at mas lalong malaki ang mga nasa Lunsod at mayayamang probinsya. Ayon sa ilang source, mahina sa P20.0 milyon kada probinsya ang inilaang budget ng DILG-Malakanyang sa "signature campaign" at ito'y kaya namang takpan sa makukulimbat na pondo ng Small Town Lottery (STL) at Pagcor.

Pangalawa, ang talagang mastermind dito ay si Ate Glo, Tainga at DILG at hindi ang pipol o mamamayan Pilipino. Layon nitong isalba ang nanganganib na trono ng isang iligal na presidente, ang panawagang "snap election", unahan ang impeachment complaint ng oposisyon sa Tongreso at unahan ang inaantabayanang “big push” ng pinagsamang Patriot (Magdalo-YOUng) at malawak na kilusang masa. A

Kung tunay na “people initiative” ito, walang dudang lilitaw ang mga katanungang “kung bakit ipinagkakait, bakit maliit ang (IRA) pondo ng barangay?, “bakit magpahanggang ngayon kulang ang mga batayang serbisyong kuryente, edukasyon, pabahay, kalusugan) iginagawad sa barangay?” “ Sa kabila ng batas na Local Government Code 1990, “bakit ang naghahari't may kapangyarihan pa rin sa brangay ay ang mga Tongresman, Gobernador, Mayor, weteng-gambling lord, drug lord, prostitusyon lord, illegal logger, CASIQUE -“land lord comprador” at insurgenciya (MILF, NPA, abu Sayaff)?”

Ano naman ang isu-survey ng palasyo? Pantapat ba ito sa Pulse Asia at SWS na palagiang negatibo ang presidente at kawalang tiwala sa political institusyon ng country? Isusurvey ba nila dito kung ilan, kung sinu-sino ang mga aktibista't rebelde, kaaway ni Ate Glo sa barangay o kung ilan ang pamilyang wala ng makain, walang trabaho't iskwater sa sariling bayan, ilan ang batang nahinto sa pag-aaral at ilan ang malnorished? Walang dudang hindi magkakaroon ng substansyal na pananaliksik sa barangay!

Pangatlo, Ang isyu ng legality. Wala itong enabling LAW. Ipinag-bawal na ng Korte Suprema ang pagrerebisa (revision) at pag-aamyenda ng Constitution sa paraan ng “people's initiative”? Batid ng Supreme Court na Marcosian strategy ang muling pinaiiral ni Ate Glo, papalpak ang proseso't technikalidad at malinaw na peke at huwad na “people's initiative” ang isasagawa ng ULAP, Kilusang Sigaw ng Bayan at ng DILG.

Ito ang tamang panahon upang magsalita na, kumilos na't makialam na ang ilang magigiting at patriotikong mga Punong Barangay at Mayor sa buong bansa. Matagal din ang pinagsamahan ng LGUs at mga NGOs sa larangang magkatuwang na gawaing lokal na paggugubyerno. Mula sa gawaing local development, proyekto, hanggang sa pagpapanlo sa halalan.

Kaya't kung ako kay Puno, (tulad ni Dinky) lulundag na'ko sa kabilang bangka. Kung pangangatawanan mo na yan, maghanda't panagutan mo ang karumaldumal na krimen mo (acomplished) sa bayan. Lalabas ang tunay na katotohanan. Hindi lahat ng lokal na gubyerno ay sa iyo. Ang mungkahi namin sa'yo habang maaga pa, magbigti ka na sa Punong baliteng malapit sa UP campus.


Doy / ipd staff
March 22'06

Monday, March 20, 2006

Nakatabla nga (Ate Glo) pero Sino ang Nakinabang? / High Ground : When brave soldiers cry

Sa nakaraang buwang lumipas, may ilang linggo ring nataranta't nahintakutan si Ate Glo at mga galamay nito sa palasyo. Kung baga sa nabilaukan, sa wakas nabunutan rin ng tinik. Kaya lang, mukhang hindi pa tapos ang labanan at hindi pa siya naksisiguro. Hanggat hindi nareresolba ang linlangan, ang isyu ng legitimacy, magpapatuloy ang ligalig, political uncertainty, polarity at masidhing krisis pulitikal sa country.

Kaya lang, mukhang lumalala ang sitwasyon, papakumplika, mapanganib at mas nagdidilikading ang katatagan at istabilidad, kung kumpara sa mga naunang windang nito sa politika. Siya na mismo ang nagsasabing “nananatiling may residual threats sa kanyang trono't sa palasyo.” Kung sa bagay, nasanay na, namanhid na sa kaka- depensa ng mahigit limang (5) taong “residual threat.” Kung susumahin, pansamantalang nakaligtas si Ate Glo, lumakas ng kanyang posisyon politikal at naitabla ang kanyang mga kalaban. Dahil dito, bigay todo naman ang kontra- opensiba ni Ate Glo sa kanyang mga kalaban sa politika.

Gamit ang buong makinarya't arsenal ng palasyo, buong bangis na iwinasiwas ang palakol ng panunupil sa kalayaan sibil, sa pamahayag at pag-aasembleya. Naging epektibo ang pinagsamang psy-ops at labanang propaganda ng Malakanayang, kung ikukumpara sa nagnanais magpabagsak ng kanyang trono. Unang tinarget ang lumalaking simpatya ng country sa adbenturistang militar at kilusang masang. Gamit ang classic na carrot and sticks, nagawa nitong ihiwalay ang de-color sa color, ibukod ang pinagsama at malamyang YOUng at RAM (Reform the Armed Forces movt) sa mas hardline, makabayan at patriotikong Magdalo.

Upang ganap na madisiplina't tumalima sa "chain of command" ang kalakhang pamunuan ng AFP, ang jurrasic na “red scare tactic at witchhunting ” ang siyang ginamit na pamamaraan. May bonus pang panakot sa hanay ng panggitnang pwersa at ilang gegewang-gewang na alyado. Pinalabas nitong in “control pa rin ang sitwasyon,” “may strong ang unified chain of command, solido at propesyunalismo ang hanay ng AFP lalo na sa anti-insureksyon at anti-terorismo.”

Muling binuhay ang Batas Pambansa 880 ng diktadurang Marcos. Iprinoklama ang “emergency power” 1017, General Order no. 5 at ang impaktong de facto Martial Law. Isang ala-Hitler na batas na buong bangis na ipinatupad ng kanyang asong si Querol, Lumibao at CIDG. Pumatungkol ang batas sa illegal public assembly, no permit-no rally at halos kambal-tuko ng Calibrated Pre-emptive Response (CPR). Habang garaplang nilalabag ang karapatang mamahayag at mag-asembliya, pakunwari't pakunswelong ni-lift nito ang 1017. Nailagay sa depensibang lagay ang kanyang kalaban at nalimita't naikahon pa ito sa labanan pagdedebate't larangang teknikalidad.

Unang inasinta ang Daily Tribune. Tinakot ang pahayagang Abante at iba pang broadcast-media na nagbabandila ng katotohanan. Kaliwa't kanan ang crackdown sa mga peaceful assemblies, pananakot sa malayang pamamahayag at pang-aaresto sa mga kilalang personheng tulad ni Prof Randy David and company, Rep Riza Hontiveros, Cong Ka Bel , Batasan Five (5), Jinggoy Alcuaz, at ang dating Sec Dinky Soliman. Prinoproseso rin ang kasong sedition at rebelyon sa kilala at walang bahid kurakot na si Gen Danilo Lim at may mahigit isang daan (100) mga astig at mga piling yunit (Marines, Scout Ranger at Special Forces) na pwersa ng AFP-PNP.

Hindi nakaligtas sa pagtugis at diumano'y pasimuno ng mga aklasang militar sa country si Sen Gringo Honasan. Limang milyong pisong bounty (P5.0 milyon) ang inilaan sa kanyang ulo. Trinatong “enemy of the state” ang ilang maiingay na oposisyon (Sen Nene Pimentel) sa senado't kongreso. Nagpagawa rin si Ate Glo ng mala-Alcatras na kulungan para iacomodate ang daan-daang nakibahi't lumabag sa “chain of command” noong ika 24 ng February, Pipol power anniversary.

Tinatantyang may mahigit isang libo (1,000) ang nasa long list at dalawang daan (200) ang nasa short list na personaheng aktibista ang sa ngayo'y handang ipa-aresto at minamanmanan. Kasabay ring minomonitor ang ilang opisina ng NGOs, civil society organization at mga militanteng organisasyon.

Hindi na natuto sa kasaysayn si Ate Glo. Anumang hagupit ng panunupil ang igawad niya sa country, mas lalo lamang titindi, tatapang, adrenalin at lalo lamang mag-iibayo ang pakikibaka ng kanyang kalaban. Hindi sinyales ng isang malakas ang pagpapakita ng isang matinding panunupil at paggamit ng kamay na bakal sa country , bagkus kabalintunaan ito ng isang nanlulumo at naghihingalong gubyerno. Napatunayan ito nuong panahon ng Diktadurang Marcos, cover-up ng “hello Garci” tapes at impeachment complaint, CPR at EO 464 hanggang proklamasyon ng 1017.

Totoong nakatabla si Ate Glo sa labanang pulitikal at totoo ring nananatili ang banta ng destabilization. Kung 'di maisusustini ang nahamig na tagumpay, maaring biglang mawala't maagaw ito ng kanyang kaaway. Dapat niyang malamang na “pansamantala't isang artificial” lamang ang istabilidad. Dahil sa political stalemate, magpapatuloy ang extra-constitutional na pakikibaka lalo na ang mga grupong may armas (Patriots) ang siyang walang dudang mangunguna at magdodomina ng laban. Maaring may ilang variables na magbago-bago, mag-iba ang direksyon ng hangin, bumaligtad anumang oras ang ilang malalapit, inaasahang mga galamay at ipagkanulo't traydurin ang may bahay sa palasyo.

Lumalabas na ang militar na lamang ang pwede niyang asahan at pagkatiwalaan. Hindi pa kuntento, parang ang gawaing paggugubyerno ay buong-buo niyang iientrega sa Militar. Sa katunayan, pagdating sa hustisya, mukhang todo-todo niyang ipahahawak ang prosekusyon sa Militar. Binabalak ring itayo ang “Military Tribunal” na siyang ginamit ni Marcos noong kapanahunn ng Martial Law.

Dahil sa paglaki ng papel ng Military sa labanan, lalong nanghina ang katatayuan ng presidency. Sa tulong ng Kano, mabilis na umuugung ang panawagang "snap election" ng elite oposisyon at paggitnang pwersa. Mukhang nanganganib ngayon na maipagulong ang planong Charter Change sa taong kasalukuyan. Ipilit man ito ni Ate Glo, walang dudang isa na namang panibagong round ng (military adventurism, sa pananaw ni Ate Glo) pag-aaklas ang kanyang susuungin. Nakatabla nga si Ate Glo pero Sino ang Nakinabang?


-Doy Cinco / IPD staff
March 20,'06


High Ground : When brave soldiers cry

First posted 03:10am (Mla time) Mar 06, 2006
By William Esposo
INQ7.net



http://news.inq7.net/viewpoints/index.php?index=2&story_id=68460&col=69

TURNING points in history are almost always distinguished by human markers of courage and sacrifice. These poignant moments that have touched and inspired people to action are etched in the collective minds of generations to come. The crucifixion of Jesus Christ, Mahatma Gandhi's march to the sea, Vietnamese Buddhist monks setting themselves ablaze in protest of the Ngo Ding Diem regime—are examples of defining moments that changed the course of history.

The crucifixion at Golgotha launched Christianity. Gandhi's march to the sea to protest the British salt monopoly lent a more dramatic yet non-violent expression for India's clamor for independence from Great Britain. The riveting images of Buddhist monks burning themselves dealt a serious blow to the Ngo Ding Diem regime, eventually resulting in the CIA-backed coup that ended the life of Diem and his regime.

The disquieting events that came in the wake of that failed 'non-coup' of February 24 provide images that threaten to further seed the clouds that will stir the political storms that hound the Gloria Macapagal-Arroyo regime. I call it a 'non-coup' because even Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Generoso Senga categorically stated that there was no coup plot. Instead, there was only a plan by officers and soldiers to join an EDSA I Commemoration rally and there to manifest their withdrawal of support from Madame Gloria Macapagal-Arroyo.

There is the image of the besieged Arroyo regime sending home Malacanang employees and barricading all access to the Palace with container vans on February 24. Then there is the sight of the regime's shock troops in big numbers and in full riot gear dispersing the EDSA I rallyists and protest marchers.

While both acts were clearly intended to protect and preserve the Arroyo regime, the net effect may be to the contrary. These so-called precautions were seen as overreactions and served only to create and/or reinforce a mental picture of an insecure ruler.

I've always said in my column that Madame Arroyo appears to have a very poor sense of history. In this instance, she forgot that EDSA I was all about the battle of mental positions between the dictator at the Palace and the rebels in Camp Crame. EDSA I was a psychological battle, not a physical conflict. Barricading herself in Malacanang and dispersing peaceful rallyists merely solidified images of:

1. An embattled regime
2. An insecure and unpopular ruler
3. A police state

The Arroyo government's claims that it enjoys the support of the "silent majority" had been invalidated by these images on television. Madame Arroyo's persistent claim to have been a democratically-elected president in 2004 was smashed by these images that painted a regime that could only rule through police enforcers.

Marcos may have lost the psychological battle of EDSA I but this is no reason for Madame Arroyo to conclude that some of the tactics that Marcos employed had been ineffective. Marcos did two things that were right during the EDSA I psychological fight:

1. Marcos brought in people to Malacanang to try to project popular support. Madame Arroyo emptied the Malacanang grounds.
2. Marcos considered dispersing the EDSA crowd but reconsidered that option. Madame Arroyo dispersed the EDSA rallyists and protest marchers.

There are those who aver that had Marcos decided to disperse the EDSA crowd, there would have been no EDSA People Power Revolt. Marcos may have been an SOB as one Washington official had described him, but he was no fool and he knew his history lessons well. An attack on the EDSA crowd would have spelt worse repercussions on Marcos and his family.

Marcos lost not because he failed to empty the Malacanang grounds of people or that he had failed to disperse the EDSA crowd. Marcos lost because he had long lost all moral grounds to continue to rule. He knew that not even state terrorism would serve him well at that point. The final blow came when Marcos' own American friends, through US Senator Paul Laxalt, asked him to "cut and cut clean."

Interestingly, the US has called upon Madame Arroyo to lift Presidential Proclamation (PP) 1017 immediately. Even more interesting is that Vice President Noli de Castro—who has been very supportive of Madame Arroyo—echoed the US line to remove PP 1017 a day after the US made its stand. The US has always expressed preference for following the constitutional process in resolving national crisis. Can this be the process that is now at work?

The worst and most disturbing of these recent images involved the standoff at the Philippine Marines Headquarters at Fort Bonifacio last February 26 that culminated in the relief of Marine Col. Ariel Querubin. The spontaneity and sincerity of his tearful parting remarks to his troops last Wednesday at Fort Ranao provided stark contrast to all the lies, deceit and hypocrisy of the political environment he is duty-bound to defend.

It is a fact of life that extra-constitutional upheavals here are complemented by military support which had been the case in the first two EDSA People Power events. It has now similarly emerged in the current political scenario, the clamor for Madame Arroyo's ouster. Up to February 24, the Arroyo regime has managed to create the impression that it still enjoys the support of the majority of the AFP, suggesting that only a few disgruntled junior officers were involved in agitating for disruption in the chain of command.

The events of February 24 debunked all that. While most people perceive PP 1017 as an overreaction, it is actually a confirmation that a resolute military mutiny is the sum of Gloria M. Arroyo's greatest fears. Col. Ariel Querubin's emotional and tearful farewell at Camp Ranao gave a face to that scenario.

A bemedaled war hero in the fighting in Mindanao and a well respected and recognized leader of the country's elite fighting unit—Col. Querubin took a stand, knowing fully well that he was sacrificing a forthcoming promotion to the rank of general. As he poured out his heart and tears to his beloved comrades, TV cameras panned on the unmistakable melancholy and emotion on the faces of once hardy, fighting men in uniform. The contrasting image of hard and sturdy men in a highly charged emotional moment must have stirred TV audiences, especially soldiers and officers.

It is believed that many in the AFP were in solidarity with Brig. Gen. Danny Lim and Col. Querubin, the two alleged leaders of the failed 'non-coup' of February 24. Retired officers have been issuing warnings that over 70% of the AFP are also bothered by the legitimacy issue hounding Madame Arroyo, something that two respected senators, Ramong "Jun" Magsaysay and Rodolfo "Pong" Biazon, have also been saying.
For Brig. Gen. Danny Lim to have been very open with AFP chief Gen. Senga and invite Gen. Senga to join their planned rally and withdrawal of support—indicates supreme confidence on Lim's part that they enjoy popular support in the military. Imagine how those who are in solidarity with Brig. Gen. Lim and Col. Querubin must have felt when they saw that emotional scene in Fort Ranao.

Col. Querubin's relief comes at the heels of the earlier relief of Marine Commandant Maj. General Renato Miranda who is a father figure to his men. Miranda's relief is largely seen as another act of insecurity and injustice of the regime. The irony of it all is that per news reports it was Gen. Miranda who convinced Col. Querubin to forego the plan to join the EDSA rally.

The drama intensifies when the chosen successor of Gen. Miranda, Brig. Gen. Nelson Allaga, happens to be one of the military officers who were implicated in the Garci tapes controversy that spawned this national crisis. So here we have the images of two officers—Gen. Miranda and Col. Querubin—who are looked up to by their men and have lost their posts now contrasting with the image of an alleged member of the 2004 cheating operation who is benefiting from it all.

Go figure how all that will impact on the hearts and minds of all the officers and soldiers of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police.


You may email William M. Esposo at: w_esposo@yahoo.com

Saturday, March 11, 2006

Part 2: Dahil lamang sa Piso.....,“Gumaganda na ang lagay ng Ekonomiya?

Wala sa guni-guni natin noon na darating ang panahon ay milyun-milyong kababayan natin ang lilisan at kapit sa patalim isusugal ang sarili bilang skilled worker, katulong, care giver, entertainer at prosti sa ibayong dagat. Wala rin sa guni-guning hahantong sa libong ating kababayan ang magja-japayuki mabuhay lamang ng maayos ang pamilyang naiwanan sa Pilipinas.

Mahigit kumulang na apat na libong (4,000) Pinoy ang lumilikas araw-araw upang mag- OFW at mag-migrate! Mula 1960s hanggang sa kasalukuyan, tinatantyang may mahigit walong milyon (8,000,000) Pilipino na ang nasa ibayong dagat. Kapalit ng dolyar at "kabayanihan kuno", inaalipusta, nilalait, ginagahasa, api-apihan, binibilanggo, pinupugutan ng ulo at higit sa lahat nawawasak ang naiwang pamilya.

Ano ba ang nangyari't bakit tayo nagkaganyan? Ewan ko, ang alam kong isang dahilan ay ang elitistang pulitikong (trapo) nagwarat ng ating ekonomiya! Isang kolektibong malakihang TRAHEDYA.

Ayon sa kolum ni Manuel Martinez,Frontline ng People's Journal (January, 2006), kung babalikan ang kasaysayan, mula kay Magsaysay, Garcia, kay Macapagal hanggang sa unang taon ng panunungkulan ni Marcos, ang Pilipinas ay pangalawa lamang sa Japan in terms of economy. Sinasabi rin na noong panahon ng Commonwealth, “tayo ang nangunguna sa Asia.” Bago mag-WW 2, sumisegunda ang Japan sa Pilipinas. Partida pa, may korupsyon, insureksyon- rebelyon at natural na kalamidad na rin noon.

Patunay rito ang maraming construction worker na Hapon (OFW) na manu-manong gumawa ng Kennon road sa Baguio, Halsema highway at sa malalaking plantasyon sa Mindanao. Mga Intsik at Koreano ang nagtatrabaho sa transportation industry at ilang pabrika sa Kamaynilaan. Biglang naiba ang ihip ng hangin, tayo na ngayon ang japayuki sa Japan at TNT sa Korea. Kung kinatakutan natin ang mga Sakang nuong WW 2, bumaba ang langit, mga Pinay na ang naghahabol sa mga Hapon!

Isa lamang dampa't pinandidirihan ang (pier) Hongkong, bangkang-bahay, hila-hila ang karwaheng dalawa ang gulong at tayo'y TRANVIA at TENAMENT(4-storey gov't housing) na sa Maynila. Isa lamang lubluban ang Singapore, isang dambuhalang kanal lamang ang Malaysia, maunlad pa ang Romblon kaysa sa Taiwan at nilalait lang natin ang Korea.

Nanguluntoy ang Asia's first airline (PAL) at the longest bridge in Asia. Numero uno tayo sa paligsahan, medalyang ginto at the biggest dome in Asia (Cubao). Maunlad at abante tayo sa teknolohiya. Champion tayo sa larangan ng kasosyalan (moda), pag-arte't industria ng pelikula. Sa larangan ng edukasyon, nangunguna tayo. Bukud sa mga caucasian (Kano, Australian at European) at Intsik na nag-aaraal sa bansa natin, mga Koreano, Bumbay, Thai, Indonesian ang nagsipagtapos sa ating unibersidad. Ngayon, kulelat na ang University of the Philippines (UP) sa Asia. It's hurt, it's hurt you know, nauwi tayo sa kangkungan.

Ang Pilipinas ngayon ang pinaka-baog na bansa sa Asia. Wala man lang tayong maipakitang maayos na bangketa at bicycle lane. Tayo ang may pinaka-maduming toilet sa Asia. Tayo na ang may pinakamalaking squater's colony sa buong Asia (QC) at pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo! Tayo na ang sumasapo ng basura (scrap) ng Japan, Australia at ilang mayayamang bansa. Tayo na ang numero-unong bagsakan ng mga itinapong-pinagsawaang damit ng mga kapitbahay nating bansa (ukay- ukay economy).

Magpahanggang ngayon, wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools/ gamit pambahay at kasangkapan, barko't katawan man lang ng eroplano o train (MRT)! Buti pa ang Malaysia may Proton na. Hanggang ngayon wala pa tayong sariling gawang Pinoy na automobile. Puro na lang abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.

In terms of science and technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa'tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo'y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS! Pumapang-anim (6th) ang South Korea sa produksyon ng automobile sa buong mundo at ang Taiwan ay pumapang-walo (8th) sa dollar reserves!

Habang ang Metro Manila ay may tatlong dekada ng binabagabag sa traffic (tatatlo palang ang linya ng MRT), agad naman itong naresolba sa Bangkok, kilalang pinakama-traffic sa buong mundo. Paano nangyari yon? Subway lang naman, dobleng ulit na linya ng MRT at ilang mahahabang skyway (fly over) mula airport hanggang downtown Bangkok.

Tapos dahil lamang sa Piso, sasabihin ni Ate Glo na gumaganda na ang lagay ng ekonomiya? Sasabihin mong sumunod sa batas, sa Constitution at kayo'y tunay na hinalal ng country? Sasabihin n'yong kayo-kayo (elite) pa rin at walang mababago sa Malakanyang hanggang 2013?

Kayo ang inspirasyon ng insureksyon at rebelyon, kayo ang bitamina ng PATRIOTs (Magdalo-YOUng), kayo ang recruiter ng mga komunista, kayo ang numero unong destabilizer ng country at kayo ang nagtulak, nagturo kung bakit “system change” at Transitional Revolutionary Government (TRG) ang tunay na alternatiba ng mamamayang Pilipino!



Doy Cinco / IPD
March 12, '06

Friday, March 10, 2006

Pakawalang aso Ng Palasyo (PNP)

“Wala kayong permit”, “Illegal Assembly kayo”, mga bayaran kayo,” “nakakapurwisyo kayo sa tao-sa traffic”, “kakaunti lang naman kayo, mga pekeng pipol power kayo”, “masyado kayong magugulo, maiingay, naliligalig”, “sinisira n'yo ang imahe at ekonomiya ng country, sinasabotahe n'yo ang paglakas ng Piso!”

Pinakanakakaasar sa lahat na pahayag ng mga machong Pulis nung March 8, Women's Day protest rally, “bakit kayo nagrarally, dapat na sa bahay na lamang kayo at nag-aalaga ng bata.” Ito naman ang mga reaktion ng pulis nuong February 22-25 Pipol power anniversary ng Edsa; “ang TATAPANG N'YO, puro kayo sigaw, galit, taray, samantalang ang katapat n'yo lang pala'y PAMALOng yantok. Buti nga, hindi namin kayo pinaputukan-niratrat!” Parang attack dog na naghuhunting ng gazelle, antilope (usa) sa mabangis na lugar ng Africa.

Parang magpapasalamat pa tayo. Mukhang palalabasin pa na ang Pulis ang siyang nasaktan, na-agrabyado, inapi at na-violate ang human rights? Parang magpasalamat pa tayo sa Palo ng Palong (PNP) istilo ng mga pulis. Bitin pa ba ang kilusang masa, 'di ba ang gusto natin ay “sagarin pa nila ng sagarin”, hindi lamang namamalo, nananadyak, nanakit at nang-sesexual assault. “Dapat dumami pa ang lahi ng mga Querol, mga Lumibao sa bansa.”

Aasahang paparangalan pa ito ng palasyo, ituturing mga bayani, sasabitan ng medalyang ginto , ipagpapatayo pa ng rebulto at higit sa lahat ipro-promote sa serbisyo ng Palasyo. Kung ganitong klaseng mga PULIS at klaseng gubyerno mayroon tayo, sa totoo lang ay magpasalamat nga tayo!

Mukhang natutuwa, balewala't manhid ang palasyo at parang ang police brutality ay katumbas lamang ng pagtagay ng alak, namumulutan at kumakain ng ice cream. Na-master at nakabisado na ng mga operador ni Ate Glo (ang dating Mayor ng Angeles City at dating komunistang si Ed Pamintuan at Bobby Tiglao, Gen Ermita, ang anti-komunistang si Norberto “saging” Gonzales, DILG sec Ric Puno at ang Aktibong kasapi ng Alpha Sigma at dating aktibistang si Mike Defensor) kung paano i-outsmart at sawatain ang kilos protesta ng mga kaaway.

Dinadaan na lamang sa teknikalidad, paikut-ikut, sa tunggak na pangangatwiran, palusot, mga alibi, (pakawalang aso ng palasyo: Querol at Lumibao) at parang walang kahihinatnan ang demandahan at kontra demandahan, akusasyon at kontra akusasyon. May permit-no rally man, may 1017 man o wala, ang malinaw, nagdadalamhati't napapanood ng buong mamamayan at buong mundo ang walang habas na kawalang katarungan, ang paglabag sa kalayaan at batayang karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.


Wala ng patutunguhan ang gubyerno ni Ate Glo kundi ang magpatiwakal at lisanin ang palasyo. Lumalapit na ang countdown at naghahasa na ng GULUK ang iba't-ibang demokratikong kilusan ng buong country.


Doy Cinco/IPD
March 11, '06

Wednesday, March 08, 2006

Paglakas ng Piso......Gumaganda na ang Ekonomya?

Sinong sira ulong magsasabing umuunlad na ang country, gumaganda ang ekonomiya ng country? Dahil lamang sa “lumalakas na ang Piso, tumatatag ang stock market at lumiliit ang budget deficit”?

Noodles na nga lang ang kinakain sa araw-araw, papaniwalain n'yo pang nakikinabang kami sa paglago ng ekonomiya ng bansa! Saang hinayupak na lugar matatagpuan ang libreng gamot (mataas ng 600% kumpara sa India at China), libreng Hospital, libreng primary education, bagong kalsada-tulay at farm to market road, pabahay sa maralitang taga lunsod at tumataas na kita ng magbubukid?

Sa kada Piso ng budget ni Ate Glo, 30 centimo ang nakukulimbat ng gubyerno, 50 centimo ang pambayad sa interest at principal na utang panlabas at ilan na lang ang naiiwan, 20 centimos! Sinong may lagnat sa utak ang maniniwalang gumaganda ang ekonomya ng country?

Sa pagdungaw pa lang sa bintana ni Sen Drilon sa Manila Bay ay butata na, ampaw na, walang nakabalagbag na merchant-cargo ship sa pier-South Harbor , isang palatandaang matumal ang ekonomiya ng bansa. Bumaybay ka sa North, South Expressway, sa kalakhang Maynila, Cebu at Subic, may nakita ba tayong mga bagong industriya-pabrikang itinayo, construction site na malalaking gusali o bagong MRT (Metro Rail Train) man lang, para walang traffic? Sa totoo lang, humihina ang industrial at manufacturing output ng bansa.

Ang nakikita natin ay mga pulu-pulutong na batang paslit (street children) sa lansangan, mga di mabilang na taung grasa-pulubing namamalimus, mga 'di na mabilang na barung-barong sa estero, sa ilalim ng tulay, nagsisiksikang tulugan sa bangketa, mga kabataang istambay sa kanto, walang trabaho, nag-aadik, lasing at nagpuputa.

Mahigit tatlong libong Pinoy/pinay ang kapit sa patalim lumilisan araw-araw upang maging OFW. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente! Mga bagong graduate (engineer, nurse, duktor, propesyunal) na walang mapasukan ay nagtyatyaga sa Call Center. Iyan ba ang sinasabi n'yong kaunlaran?

Ang insidente ng Karalitaan ay lumagpas na sa 50%, ang average family income ay patuloy na bumubulusuk, lalampas na sa 10% ang unemployment rate at inflation rate! Patuloy na nabibinbin ang ang mahigit P17 bilyong pension ng mga retiradong sundalo at empleadong gubyerno.

Pinagmalaki ni Ate Glo na sa taong nakalipas, nakapagrehistro daw tayo 5.1% , 5.6% sa taong kasalukuyan at posibleng 6% Gross Domestic Product (GDP) sa 2007. Kung tutuo man 'yan, mapag-iiwanan nga tayo ng ating mga kapitbahay (bansa sa ASEAN, China, India), na nagtatala ng 8-12% GDP growth rate taun-taon.

Kung hindi dinuduktor ang mga datos na'to, walang kaduda-dudang isang peke, artificial na paglago lamang ito ng ekonomya. Kung hindi ito epekto ng remittances ng OFW o ang “paglakas” ng export earnings, malamang ito'y resulta ng isang "ispekulasyong" paglakas ng daloy ng puhunang “hot money” sa ating stock market at di kalaauna'y bigla ring maglalahong parang bula . Idagdag pa ang napaulat na “dinuduktor-minamagic” ng gubyernong Macapagal Arroyo ang mga datos sa ekonomya, ayon sa dating NEDA director na si Medalla. Hindi maikakailang pinaglalaruan lamang ng economic fundamentals ang ating piso at bilang bahagi ng propaganda ng Malakanyang, kapuna-punang palagiang brino-broadcast-headlines ito media.

Maliwanag na panlilinlang at panggogoyo ito. Isang taktikang maisalba (survival mode) si Ate Glo sakangkungan. Bahagi rin ito ng kampanyang huwag sumali sa mga rally-demo, sa mga destabilizer at ibintang sa mga komunista at adbenturistang militar (patriotic soldier) ang abang kalagayan ng ekonomya.



Doy Cinco / IPD
March 8, '06

Monday, March 06, 2006

Magnilay-nilay tayo!

(reaksyon sa artikulong “Hinagpis ng isang kasapi ng Silent Majority, middle class)

Kapatid, hindi lang naman ikaw (middle class o working class) ang may pag-iisip at may ganyang pananaw sa buhay. Yung kumpare kong gardener, tubero't, messenger sa UP, tricycle driver sa Teacher's Village, ganun din ang pananaw. Yung mga kamag-anak ko, yung mga bilas ko na hindi ko alam kung lower, middle o working class ay kahalintulad mo ring mag-isip. Yung nakausap kong traffic aide sa Philcoa at vendor sa Talipapa kamakalawa ay katulad na katulad mo rin mag-isip. Ang pagkakaiba lang,
hindi sila galit sa mga nagra-rally at nagdedemo na nakaka-create raw ng traffic?

Hindi malayong paniwalaang pati ang kalakhang magsasaka (magbubukid) sa kanayunan, obrero't namamasukan sa maraming kumpanya sa ciudad at CAFGU (para military) ay malamang kahalintulad mo ring mag-isip. Katulad ng istilo mo, bahay, Trabaho at kung may ilang baryang natitira, tagay ng GIN-bulag sa gabi. Tali sila sa pang-araw-araw na kayod at survival instinct para mabuhay, wala na silang panahong mag-isip, magsuri't mag-analisa ng mga bay-bagay lalo sa pulitika at panlipunan. Wala rin silang panahon upang magbasa ng pahayagang Abante, Tribune (tinatakot ni Gen. Lumibao), People's Journal, Phil Daily Inquirer (PDI) at makinig sa mga komentaristang palaban sa radio at malamang sa hindi sila naaabutan ng inbitasyong (civil society) dumalo man lang sa mga sympo, forum, study group o discussion group (DGs) na tumatalkay sa mga isyu ng country at pumaloob ka na rin sa kilusang masa?

Hindi monopolyo ng middle class ang ganyang asal at pananaw sa buhay. Maliban sa mga kakilala kong nag-migrate sa Canada, sa Europa at America, ang isa pang nakakaintrigang tanong ngayon ay “kung may natitira at kung may tunay ngang middle class sa Pilipinas”? Sa Scandinavian country na halos “kompleto na sa buhay at wala nang hahanapin pa” ay feeling insecure pa rin ang mga tao. Ang gusto pa nilang maresolba (challenge, hamon sa buhay) sa ngayon ay “kung may kabuluhan pa ba sila sa mundo.” Bilang tao, “ano ang silbe ko, ano ang naging papel ko sa mundong ibabaw? Ano ang aking “maliit na maiku-contribute at maiaambag sa kabutihan ng sangkatauhan"? Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit maraming nagpapatiwakal (suiside) sa kanila.

Tandang-tanda ko pa ang ilang mga pananaw nila sa buhay. “Maiksi lamang ang ating buhay, kung baga sa isang kilometrong (bilyong taon) haba ang kasaysayan ng tao, ISANG GUHIT (milimeter) lamang ang itatagal natin sa mundong ibabaw (tigok na tayo). Yung na lang, isang guhit na nga lang, wala pa tayong nai-ambag, wala pa tayong naitulong at wala pa tayong ginawa sa ikabubuti ng kapwa o ng sangkatauhan? Puro tayo satsat, puro dada, puro ngakngak, puro tayo kokak ng kokak, KSP at pasikat! Middle class pa naman tayo, kung tunay nga? Ano ba ang indicators na ikaw nga ay isang middle class?

Koreksyon lang kapatid at pagpasensyahan muna. Yung mga sundalong Kano na nanghihimasok at nakikipagbakbakan sa Iraq ay para sa'yo, “hindi nagrereklaamo”. Na-try munang magbukas sa internet, magbukas sa mga websight ? (globalization na at walang lihim sa mundo ngayon ang hindi nabubuko't nabibisto). Try mo kayang mag-surfing sa maraming media (libo-libo) outlet sa Amerika, sa Europa, ang bantog na pahayagang Al Jazeera, bubulaga sa mukha mo ang tunay na kaganapan, blow by blow accounts sa tunay na sintyemento ng mga sundalong kano't mamamayang Amerikano.

Mataas ngayon ang public opiniong tumutuligsa sa patuloy na panloloob ng Amerika sa bansang Iraq! Mahigit dalawang libong sundalong Kano na ang napapatay sa Iraq at posibleng madoble pa ito sa ilang buwan. Ilang daang sundalong Kano na ang nag-desierto, nag-rebelde? Ilang daan sundalo na ang nag-AWOL at bilang theraphy sa inip, nag-aadik (Damo, coccain) uli ang marami. Ano ang tingin mo diyan, di ba hayagang binasag din nito ang chain of command na tulad din sa Pilipinas?

Karamihang sa kanila (foot soldier), kasama ang buong pamilya ay nag-AWOL at tuluyang nagmigrate na sa Canada at ilang bansa sa Europa. Parang Deja Vu kapatid. Nauulit at muling nauulit ang mapait, ang karumaldumal at ang kahiya-hiyang karanasang pagkatalo ng US sa gerang Vietnam. 'Wag mong sabihin, hindi nagrereklamo ang mga sundalo sa Vietnam! Napanuod mo ba o panuurin mo kaya ang “GOOD MORNING VIETNAM” ni Robin William at maraming anti-Vietnam war film sa Holywood.

Hindi totoo na ang middle class ang siyang naging susi o naging dahilan sa Edsa Revolution. Dapat mong malaman na kung walang panimulang binhi ng anti-dictatorship struggle nuong 60s hanggang 80s, walang Edsa Revolution. Kung walang FQS nuong 70s, kung walang sunud-sunud na welgang bayan nuong kalagitnaaan ng 80s, kung walang malalaking kilos protesta ng Kabataang Estudyante nuong early 80s, kung walang nagbuwis ng maraming buhay, kung walang libong tinorture at human right violation at iba pang isyu, baka walang Edsa Revolution! Panghuli, kung walang pagkilos at aklasan ng mga rebeldeng sundalo nuong '85 hanggang February '86, walang kaduda- dudang walang Edsa 1 revolution! Imposible namang hindi mo nabalitaan ang mga 'yan? Lalong imposible rin na out of the blue ay parang singaw na sumulpot na lamang ang Edsa Revolution? Kung baga sa Piso, hindi magiging Piso, kung wala
kang sentimo.

Kaya kung iyong mamarapatin, ang mungkahi ko para sa mas mainam nating pagpapalitan ng kuru-kuro, MAGSURI ka, tayo!

-doy cinco / IPD
March 3'06

Taktikang anti-komunismo, Reyna ng Sablay

Isang na naman blunder, sirang plaka, luma, gasgas na pagsasaboy ng red scare tactics ng palasyo sa mga kaaway. Walang originality, copy cat sa propaganda ni Marcos may tatlong (3) dekada na ang nakaraan. Kung nuon, mukhang umubra sa mga Pinoy ang anti-communist hysteria, ngayon mukhang pinagtatawanan na lang ito. Iba na ang uso at isyu ngayon. Nailibing na ang “cold war era", Macarthysm at ang langis ng Iraq, Iran, Al Qaeda ni Bin Laden ngayon ang pangunahing pinagtutuunan ng Imperialistang Kano.

Sa layuning mailigtas at maisalba ang sarili, kung anu-anong panloloko, panlilinlang at pananakot tulad ng “left-right conspiracy theory” ang ginagamit ngayon ni Ate Glo. Sino na namang ang nagmagaling, hunghang na spin doktors ang naka-tuklas ng ganitong klaseng kontra-opensibang Psy-Ops? Ang Veneble ba uli (US consultancy firm), si Banana king Norberto Gonzales, ang dating komunistang si Bobby Tiglao at Ed Pamintuan (dating Mayor ng Angeles City) o si General Ermita. Kawawa naman, lalo lamang nitong isinasadlak sa kangkungan si Ate Glo.

Sikapin nating matasa at tignan ang kinalabasan ng red scare tactics ng palasyo;

1. Mahirap paniwalaang nakikipaglandian ang Magdalo-YOUng sa CPP-NPA. Malalim ang tradisyong anti-CPP/NPA ng AFP (foot soldier, junior officers hanggang mga Heneral). Bagamat may panukalang maging bukas ang CPP sa tactical alliance sa mga junior officers, may susunod kayang NPA commander kay Joma Sison at kay Ka Roger Rosal? Habang nagpapatuloy ang opensibang militar (landmine) ng NPA sa buong kapuluan, ang kalakhang nabibiktima naman nito'y mga maralitang foot soldiers (kawal) na pinamumunuan ng mga junior officers.

2. Ilang ulit ng itinanggi ng pamunuang Magdalo na “wala silang planong makipag-tuwang sa CPP-NPA.” Baka sa bandang huli, kung hindi mag-click ang communist hysteria, hanapan na naman sila ng butas at iugnay sila sa mga gambling-drug lord, prostitution, sa mga pulitiko, sa mga terorista at sa Jemaah Islamia (JI)?

Layon ng estratehiyang ito na ihiwalay ang Armed Forces of the Philippines sa mga patriotikong sundalong bumubuo ng Magdalo-YOUng. Ginamit ng mga psy-war consultant ni Ate Glo ang anti-komunistang panakot upang muling makontrol at makonsolida ang AFP. Dahil sa nabigong withdrawal of support ng mga tropang malapit kay Brig Gen Danilo Lim, Marine Col Ariel Querubin at ilang matataas na opisyal ng militar, walang humpay pa rin ang panlulupaypay, demoralisasyon, padri-padrino, pangungurakot, partisanong pamumulitika sa loob ng AFP.

3. Assuming na nakipag-ututan dila ang Patriotic soldier sa mga komunista, eh ano ngayon. Walang masama. Na-repeal na ang 1700 anti-subvertion Law (panahon ni Tabako 90s) , meaning hindi na bawal ngayon ang pagiging kumunista. Ang labag sa batas ay ang humawak ng armas (armado, insurgency) at manawagang pabagsakin ang gubyerno. Kung si GMA at ang gubyerno ay nakikipagnefosasyon sa NDF-CPP-NPA sa Norway (Europe) para sa peace settlement ng bansa, walang dahilan kung ang panig ng mga kaaway ni GMA sa politika ay 'di makipag-negosasyon sa mga komunista.

Sino ba ang nakikitulog sa mga komunista (“sleeping with the communists” ni amoy lupang si Tony Abaya)? Ang alam kong tunay na nakikipaglandian sa mga kumunista ay si Ate Glo. Kakampi nito ang mga komunista noong Edsa 2 para ibagsak ang gubyerno ni Pres Erap Estrada.

Malapit si Ate Glo sa mga Komunista lalo na't kung ito'y mapapakinabangan niya. Saan humihingi ng saklolo si Ate Glo sa tuwing kinakapos siya ng budget, 'di ba sa mga “komunista,” sa komunistang China? Ilang daang milyong dolyar na ang naibigay na tulong (economic at military aid) ng Komunistang China sa gubyerno. Sino ang nakakakuha ng malalaking kontratang infrastructure projects (Northrail, energy at telecommunication) ng gubyerno, di ba ang komunistang China.

Sino ang may astang kumunista (Tianamen Square/ Calibrated Pre-emptive Response) at may astang military Junta at Martial Law (1017, Tribune, Abante), diba si Ate Glo, ang kanyang gubyerno? Si Ate Glo at ang lipunang ginagalawan natin, ang inhustiya, ang karalitaan at ang sistemang elitismo ang siyang pangunahing kanal na pinagbubuhatan ng lamok na komunismo, insureksyon at rebelyon. Si Ate Glo ang nagpapalakas, fertilizer at recruiter ng komunista. Sino ngayon ang taksil sa bayan?

4. Malaki na ang ipinagbago ng mundo. Dahil Globalisado, ang palitan ng inpormasyon ay mabilis na rumaragasa sa mundo (Information Technology). Lahat ng “subersibong” (sa pananaw ni Ate Glo) inpormasyon, lathalain, mga literatura't dokumento hinggil sa komunismo, sa NPA ay madali ng nababasa't matutuklasan sa Internet.

Ligal at kinikilala ng lahat ng mauunlad na bansa ang komunista. Dahil may katatagan ang Istado't kanilang mga institusyon, imbis na katakutan, katuwang pa nila ang mga komunista at partido komunista sa pag-ugit ng kani-kanilang tadhana't pangarap kaya naman wala ng dahilan pa para mag-insureksyon at mag-rebelyon.

Humina't nag-adopt ng panibagong istratehiya' taktika ang Kaliwa matapos ang pangyayari sa “Berlin Wall”. Isa ng fashion sa mga kabataan ngayon ang mga kasuutang may markings ng Kaliwa (Che Guevarra, Star of Lenin, maso at karet, MAO cap). Bumabandera sa mundo ngayon ang dati ring sundalo at anti-Imperialistang si Hugo Chavez ng Venezuela. Libo-libong Pinoy (tago ng tago-TNT) ngayon ang nagtatrabaho sa Beijing at Shanghai (ala Hongkong at Frankfurt, Germany), China at ilan taon pa aabutan na nito ang Amerika. Mga Kaliweteng gubyerno ngayon ang namimiesta't nagdodomina sa Timog-Latin Amerika at hayagang bumibitiwa sa orbit ng Imperyalistang Kano.


Dahil sa kampanyang anti-komunismo ni Ate Glo, mas lalong lumala ngayon ang bitak sa loob ng AFP. Mas naging depinido, desidido ang Patriotic soldiers na pabagsakin ang rehimeng Macapagal Arroyo. Unti-unting nagigising ang panggitnang pwersa. Mas lumawak at tumitindi ang kilusang protesta sa maraming sektor. Mas tumapang at tumibay ang paninindigan ng Senado at Media na ituloy ang laban at panghuli, tila mabubulilyaso ang planong cha-cha ni Ate Glo, ang parliamentaryong sistema ng paggugubyerno.


Dahil sa patuloy na pagyurak nito sa ating Constitusyon, sino ngayon ang tunay na nagtataksil sa country, si Ate Glo ba o ang Patriotikong Sundalo?


Doy Cinco/IPD
March 6,'06