May ilang linggo ring nataranta't nahintakutan si Ate Glo at kanyang mga galamay sa palasyo. Hindi pa tapos ang laban at hindi pa siya nakasisiguro. Hanggat hindi nareresolba ang isyu ng linlangan, ang katiwalian at ang isyu ng legitimacy, magpapatuloy ang ligalig, political uncertainty, polarity at masidhing krisis pampulitika sa country. Lumalala, papakumplika ang katatagan at istabilidad ng bansa, kung ikukumpara sa mga naunang windang nitong nakaraang taon.
Inaamin na mismo ni Ate Glo na “nananatiling may residual threats sa bahay ng palasyo.” Kung babalikan, pansamantalang nakaligtas, muling nakabawi at lumakas ang kanyang posisyon politikal. Gamit ang buong makinarya't arsenal ng palasyo, buong bangis na iwinasiwas ang panunupil sa kalayaan sibil, sa pamahayag at pag-aasembleya. Unang tinarget ang lumalaking simpatya ng country sa “adbenturistang militar” at kilusang masa. Nagawa nitong ihiwalay ang pinagsamaang YOUng at RAM (Reform the Armed Forces movt) sa mas maingat at patriotikong Magdalo. Patuloy ang psy-ops propaganda at kontra-opensibang atake ng Malakanyang sa mga kalaban nito sa politika.
Muling binuhay ang Batas Pambansa 880 ng diktadurang Marcos. Iprinoklama ang “emergency power” 1017, General Order no. 5 at inilagay sa impaktong de facto Martial Law ang bansa. Ala-Hitler na ipinatupad ng kanyang asong si Querol, Lumibao ang batas na pumatungkol sa illegal public assembly, no permit-no rally at Calibrated Pre-emptive Response (CPR). Habang garapalang nilalabag ang karapatang pantao, pakunwaring ni-lift ang 1017.
Pinuntirya ang Daily Tribune. Tinakot ang pahayagang Abante at iba pang broadcast- media. Kaliwa't kanan ang crackdown sa mga peaceful assemblies, pananakot at pang-aaresto sa mga kilalang personahe ng kilusang demokratiko. Prinoproseso ang kasong sedition at rebelyon sa kilala at walang bahid kurakot sa (100) mga piling yunit pwersa ng AFP at PNP.
Hindi nakaligtas sa pagtugis ang diumano'y pasimuno ng tangkang “kudeta” sa Oukwood na si Sen Gringo Honasan. Trinatong “enemy of the state” ang ilang mga oposisyon (Sen Nene Pimentel). Nagpagawa ng mala-Alcatras na kulungan para ia-comodate ang daan-daang nakibahi't lumabag sa “chain of command” noong ika 24 ng February, Pipol power anniversary. Tinatantyang may mahigit isang libo (1,000) ang nasa long list at dalawang daan (200) ang nasa short list na personaheng aktibista ang sa ngayo'y handang ipa-aresto at minamanmanan. Kasabay ring minomonitor ang ilang opisina ng NGOs, civil society organization at mga militanteng organisasyon.
Gaano man katindi ng panunupil, mas lalong titindi, tatapang at lalo lamang mag-iibayo ang pakikibaka ng kanyang mga kalaban. Ang ganitong pagpapakita ng lakas pwersa ay sa totoo lang ay hindi sinyales ng isang matatag at malakas, bagkus isa itong panlulumo, paghihingalo at nalalapit na pabagsak na gubyerno. Patunay ito sa panahon ng Diktadurang Marcos at Presidente Estrada, CPR, EO 464 at hanggang sa 1017.
Totoong tumabla si Ate Glo sa labanang pulitikal. Dapat niyang malamang na “pansamantala't isang artificial” lamang ang istabilidad. Dahil sa political stalemate, ang mga pwersang may armas sa military ang walang dudang ang magdodomina sa labanang pulitika. Ayon sa chief of staff Gen. Senga (March 22 statement), may mga niluluto't paparating pang “big push” mula sa hanay ng YOUng-Magdalo at kilusang maka-Kaliwa.
Lumalabas na ang military na lamang ang pwedeng asahan at pagkatiwalaan ni Ate Glo. Buong-buo pa niyang iientrega ang gawaing paggugubyerno sa Military. Sa katunayan, pagdating sa hustisya, mukhang todo-todo niyang ipahahawak ang prosekusyon sa Military at hindi sa Dept of Justice (DOJ). Upang labanan ang pananabotaheng pang-ekonomya ng kalaban, kasunod niyang binabalak itayo ang Marcos style Martial Law na “Military Tribunal.”
Dahil sa paglaki ng papel ng Military, lalo lamang pinahihina't nilulumpo ang katatayuan ng presidency. Habang inaapura nitong pagulungin ang pag-amyenda ng Konstitusyon (charter change) sa Lokal, umuugung din ang panawagang "snap election" sa hanay ng grupong anti-GMA at ilang bahagi ng paggitnang pwersa. Ipilit man ang cha cha ni Ate Glo at ni Tainga, walang dudang muling sasambulat ang protesta sa kalye hindi lang sa kalunsuran maging sa ilang sentrong lunsod ng Mindanao at Kabisayaan. Hindi malayong isa na namang panibagong round ng (military adventurism, sa pananaw ni Ate Glo) pag-aaklas ang kanyang kakaharapin at dito baka tuluyan na siya;
1.Ayon kay Sen Joker Arroyo, “lalala ang pampulitikang krisis at titindi ang banta sa trono ni Ate Glo.” Kung hindi makiki-alam ang panggitnang pwersa't hindi kikilos ang mga Amerikano, “hindi malayong idedeklara ni Ate Glo at Speaker Joe de Venecia (Tainga) ang Martial Law.” Kung matatandaan, binulabog ng “undeclare Martial Law” - 1017 ang Constitution. Bagamat lifted na kuno ang 1017, malaki ang posibilidad na ideklarang ilegal ito ng Korte Suprema.
2.Naging crucial ang papel ng militar at pulis. Lumalabas na ang Military, hindi ang oposisyon, hindi ang civil society, hindi ang CPP-NPA, hindi ang sektor ng negosyo at CBCP ang siya ngayong bagong bida't kontrabida sa umiinit na pampulitikang labanan. Kung dati-dati'y pumusisyong neutral ang military noong kainitan ng “hello Garci” contoversy, ngayon hayagan na itong tumaya sa magkabilang dulo ng gerang pulitika.
Nayurakan at nilalagay nito sa alanganin ang “commander in chief” at chain of command. Parang may sariling galaw, diskarte, disposisyon at undeclared autonomy ang AFP. Meaning, “hostage at gapos-gapos” ng military ngayon ang dalawang kamay ni Ate Glo. Hindi niya magawang i-court martial ang ilang Heneral at mga Koronel na hayagang bumatikos at nagtangkang nagwithdraw ng support sa kanya?
3.Sa layuning durugin at i-isolate ang grupong Magdalo, “sinusuyo't sinusuhulan” ang mga Kuya nito sa YOUng. May 5 points guidelines na ginawa ang AFP na paparalisa raw sa adbenturistang militar. Kaya lang, ayon sa ilang pahayag ng junior officers, “lalo lamang gagatungan nito ang sigalot at nagsasayang lamang ito ng panahon at laway sa pakikipag-dialogo't pakikipag-konsultasyon.” Mukhang magbubumerang at makakapag-create pa ito ng panibagong monster o Frankestein sa military.
Ayon sa pahayag ng Patriots, “hanggang hindi nareresolba ang lalim ng suliranin ng country, ang demoralisasyon, ang anomaly at isyu ng legitimacy hindi mabubura ang pagdududa, linlangan, ang dayaan noong nakaraang election. Hanggang hindi inilalabas ang kontrobersyal na Mayuga report, mananatili ang pamulitikang krisis ng country.”
4.Constitutional succession: Impeachment complaint 2, Cha cha at Snap election. Matapos ilibing ang impeachment complaint , may “bagong taktikang” isasagwa ang elite opposition na kayang mapagtatagumpayan ang panibagong complaint. Ayon naman kay Sen Nene Pimentel, bukud sa mahihirapang makakalap ng sapat na bilang, malabong magkaroon ng substansyal na honest to goodness na inbistigasyong ilalarga ng minority bloc sa Kongreso. Gagamitin ule ng mga galamay ni Ate Glo ang buong pwersa, kapangyarihan at resources upang ma-dead on arrival ang impeachment complaint. Nagsisimula na ang takutan at pressure sa ilang kilalang oposisyon sa Kongreso.
May ilang buwang ding naitchapwera ang elite opposition. Bagamat gustong makapapel at makapag-impluwensya sa loob ng military, nahihirapan itong maka-igpaw sa pagdududa ng mamamyan. Nanatili ang persepsyong “urong sulong at may political interest ang mga pulitiko.” Isang malaking katanungan ngayon ay kung may malinaw na direksyon at istratehiya ang planong muling i-impeach si Ate Glo. Ang Kongreso ang isa sa pinakamatibay na lunsarang panggogoyo't panlilinlang ni Ate Glo.
Sa kontekstong may political impasse, mas madaling paniwalaang kagatin ng elite oposisyon ang snap election, lalo na't may hinalang suportado ito ng elite at mga Amerikano. May malaking grupo sa loob at labas ng gubyerno, Simbahan, middle class, Bangon Pilipinas at Black and White ang siya ngayong may malakas na may panawagang magkaroon ng snap election. Sa kabilang banda, sa layuning maisalba ang sarili, pinagtutuunang pansin ni Ate Glo at ni Tainga ang Charter Change. Kung babara ito sa Senado, ang isang tanging baraha ng palasyo ay ang makinarya sa Lokal. Dahil sa panggagapang ng DILG sec Ric Puno, “solido” ang liga ng mga gobernador na isulong ang “peoples initiative” bilang best mode sa pag-amyenda ng Constitution. Totoong “madaling makukuha ang sapat na bilang na tatlong porsiento (3%) ng kabuuang rehistradong botante sa kada distrito.
5.Ang papel ng Anti-GMA at ang Magdalo-YOUng. Sa unang quarter ng taon, tinugunan ng Patriots ang matagal na “opposition vacuum” laban sa Arroyo administration. Lumakas ang papel ng demokratikong Kaliwa at kilusan demokratikong Anti-Arroyo. Bagamat nagkaisa na wakasan sa lalong madaling panahon ang pagpapatalsik sa bahay palasyo ni Ate Glo, marami sa kanila ang patuloy na naniniwala sa pakikibakang extra-constitutional, habang pinag-aaralan ang paraang constitutional succession.
Ayon sa Magdalo-YOUng, “walang malinaw na planong mobilisasyon noong Pebrero'06 at ito'y isa lamang “ehersisyo.” “Sadyang sinubok o tinesting lamang kung paano lumarga” ang komuniskasyong naitalaga sa bawat yunit.” Ayon sa Magdalo-YOUng, “dry run” lamang ang nangyaring movements nuong nakaraang Feb. 24, '06 - (Newspbreak, March, '06 issue) . Kasalukuyang nasa konsolidasyon, pangangalap at pagse-secure ng ilang current machinery at resources. Binubuo ang imprastrakturang military- political (mil-pol) na kontra-opensiba't pakikibaka. Mukhang ang lunsaran ay hindi na lamang sa Kamaynilaan maging sa ilang lalawigan.
Habanag sinisikap ng Malakanyang na ineutralisa ang Makabayang Kawal na Pilipino (MKP-Magdalo), todo bigay naman ang panunuyo sa mga Kuya (YOUng). Alam ng mga operador ng Palasyo na may kakayahan pang magsagawa ng “big push” ang MKP. Sa tulong ng malalapit na Heneral, pinabibilis ngayon ang marginalization sa natitira at nagtatago pang mga junior officers.
Nananatili ang political-military momentum na nagenerate ng Magdalo-YOUng. Sa “kalagitnaan ng taon,” matapos makapag-regroup at makapagpalakas, kasama ang iba't-ibang pwersang politikal, bibilis at mas magiging agresibo ang magiging pagkilos at tuluyan ng mawawakasan ang “impasse” sa pampulitikang krisis.
Sa akalang naparalisa't nabulabog nito ang YOUng, Magdalo at kilusang demokratiko, walang dudang may reserbang bala, kapabilidad at kakayahang pang pilayan hanggang mapatumba si Ate Glo. Kaya lang, dahil sa inip, pag-aalinlangan, “impasse” man o debate, marami ang nagtatanong. "Gaano katagal ang Political Stalemate? Bakit sa kabila ng 65% disgustong Pinoy kay Ate Glo, wala pa ring makitang passion ang panggitnang pwersa, hindi pa rin lumabas at nagpapartisipa sa lansangan ang malawak na pwersa ng masang Pinoy?
Doy Cinco /IPD staff
March 27, '06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Hello there! This post couldn't be written any better!
Reading this post reminds me of my previous room mate! He always kept chatting
about this. I will forward this write-up to him. Pretty sure he will have a good read.
Many thanks for sharing!
My website ... www.Illegalpropertyspain.com
wonderful put up, very informative. I'm wondering why the opposite experts of this sector don't realize this.
You must continue your writing. I am sure, you have a great readers'
base already!
Also visit my website only-4u.com
I'm very happy to read this. This is the kind of manual that needs to be given and not the random misinformation that's at the other blogs.
Appreciate your sharing this greatest doc.
Also visit my web page bk executive cars
Thanks for another excellent
article. Where else may just anyone get that kind of information
in such an ideal manner of writing? I've a presentation next
week, and I am on the search for such information.
Also visit my weblog hostal d'uxelles barcelona
Post a Comment