Friday, March 24, 2006

Kawawang Puno, pinangbabala sa Kanyon!

Kalihim Puno, punong puno ka ng katusuhan. Punong puno ka ng kagaguhan, Punong puno ka ng kagulangan. Punong puno ka ng ka-tutaan, ultimo tumbong ni Ate Glo at ni Tainga ay pupunuin mo ng halik, mapuno lang ang iyong katangahan. Kung sa bagay, ganyan talaga ang buhay ng isang propesyunal na mersenaryo, dapat consistent. Ginamit ka ni Marcos, ginamit ka rin ni Erap at hanggang ngayon, patuloy kang nagpapagamit. Hunyango ka talaga Puno.

Huwag kang maghugas ng kamay, 'wag mong sabihing wala kang kinalaman sa pinaggagawa mong pagkakalat ng pagpapapirma sa barangay? Huwag mong sabihing inisyatiba ng mga lokal na trapito yang gimik n'yo, huwag mo ring sabihing hindi mo ginapang, hindi mo kinomando ang Union of Local Authority of the Phil. (ULAP) at Liga ng mga Erehekutibo. Puno, "wag ka nang makigulo, inis na inis na ang buong country kay Ate Glo (65%). Talagang Punong puno ka ng kakengkoyan. Punong puno ka ng kasinungalingan.

Binastos n'yo (Puno, Ate Glo at Tainga) na ring pati ang institusyong sinasandigan na lamang ng country . Kung nagawa n'yong wasakin ang Comelec, AFP-PNP, Hustisya't Tongreso, wag n'yong namang idamay ang sagradong institusyon ng Lokal na Gubyerno na pinag-ibayo't pinalakas pa ng Local Government (LGC) Code ni Sen Nene Pimentel. Sinalaula n'yo ang ispirito ng demokrasya-demokratisasyon sa grassroot, ang empowerment sa baba, ang esensya ng decentralization at local autonomy.

Huwag n'yong takutin ang Lokal na Erehekutibo na idedeklara n'yo ang Martial Law bilang alternatiba "kung hindi aaprubahan at hindi pipirmahan" ang pag-aamyenda ng Constitution. “'Wag n'yong gaguhin at gawing tanga ang mga Punung Barangay, Mayor at Gobernador. Sa akala n'yong masisilaw sa kapirasong salapi, sa kapiranggot na proyekto't ayuda mula sa Malakanyang at pork barrel ay magagawa n'yo ng paglolokohin, utu-utuin at goyo-goyoin ang lokal na gubyerno.

Totoong taon-taon ay may Barangay Assembly ang mga lokal na gubyerno. Sa aking karanasan, ang Barangay Assembly ay isang pagkakataong upang magpartisipa ang mamamayan sa malayang talakayan matasa't mabalikan ang isang taong plano (SONA) at mula dun, isang taon ule itong makapagprograma. Nilalahukan ito ng iba't-ibang sektoral na organisasyon, NGOs, local development council, pamunuan ng barangay at iba pang key players (personahe) sa loob at labas ng gubyerno. (kadalasa'y nilalangaw at para dumami ang attendance, may parapoll, gift giving at tuwing pasko o bagong taon isinasagawa).

Kadalasan, ang nilalaman ng taunang programa't suliranin sa lokal ay; livelihood program para maitaas ang kita ng mga tao, trabaho (job fair sa ilang mauunlad na lunsod), infrastructure at development projects t roads), kakulangan ng class room, peace and order (nakawan, patayan), paano pangangalagaan ng kalikasan (illegal logging- fishing), pangisdaan, calamity, waste disposal, drug addiction-shabu, prostitution, gambling at kung paano mareresolba ang maliliit na away pampamilya't magkakapit-bahay at higit sa lahat ang pamamalimos sa Manila imperialism at kakulangan ng IRA (budget).

Sa dinami-daming suliraning kinakaharap ng barangay, isasalaksak ninyo pa ang isyu ng “pag-aamyenda ng Konstgitusyon, ipipilit ninyong (Ate Glo, Tainga) talakayin ang isyu ng charter change. (Pasantabi lang sa mga kaibigan kong mga barangay at mayor). Maliban sa No Election (NO-EL), ano naman ang kinalaman, ano ang mapapala, mahihita at ano ang pakinabang ng barangay kung saka-sakaling magbabago't maii-amyenda ang Konstitusyon? Isang tao lamang ang maliwanag na makikinbang dito (sa bahay ni Ate sa palasyo).

Mareresolba ba nito ang mga isyu ng un-employment at karalitaan, isyu ng padri-padrino- palakasan-nepotismo? Maibababa ba nito ang singil sa pamasahe at presyo ng bilihin? Masasawata ba ng pagbabago ng Constitution ang laganap na pangungurakot, dayaan at vote buying sa tuwing may election?


Kung matutuloy ang mga Assemblies sa barangay at pilit ihahapag sa agenda ang usaping cha cha, pag-amyenda ng konstitusyon, parliamentaryo at ang survey kuno, sinong tatay, sinong nanay, ate, kuya, lumpen at istambay sa kanto ang makakaunawa nito? Kung sa Tongreso't sa Senado at maski dito sa IPD (naturingang political institute) ay di pa lubusang nauunawaan ang isyu ng “cha cha, parliamentary at unicameral system at kung bakit ia-amyenda ang Konstitusyon, SA BARANGAY PA? Maliban sa English ang medium na gamit, english din ang ginamit sa mga katanungan nakasulat sa FORMs, high palooting at hindi leymans language. Malabong magkaroon ito ng malayang talakayan o balanseng pagpapalitan ng kuro-kuro dito. Hindi pa kontento, mukhang may plano pa atang dukturin (ang dagdag) ang resulta ng People's Initiative. Sa Form na lamang, nakahiwalay (page 3-4) ang mga pirma ng mga tao.

Ang totoo, sinasamantala n'yo ang matinding kahirapan dinadanas ng mga taga-barangay. Sa kapirasong tuyo (ulam, bigas at dilata), parang binibili ng Malakanyang ang puso't kaluluwa ng mga tao. Para sa barangay, pansamantalang hanap buhay rin ang "signature campaign" sa cha cha. Sa kada 10 pirma, may P200.00 ganasyang nauuwi sa nagpapapirmang may hawak ng FORMs. Kung makakapagpapirma ka ng 200, may P2,000.00 ka, Kahit paano'y laman tiyan din at isang buwan ding pang-gastos ng pamilya.

Sa karanasan ng mga kakilala kong Lokal na opisyal sa mirap na probinsya ng Bohol, may hinatag na P1,000.00 "bilang honoria-facilitation fee" sa kada punong Barangay at mga kagawad. Mas malaki ang matatanggap ng mga nasa munisipyo't capitol at mas lalong malaki ang mga nasa Lunsod at mayayamang probinsya. Ayon sa ilang source, mahina sa P20.0 milyon kada probinsya ang inilaang budget ng DILG-Malakanyang sa "signature campaign" at ito'y kaya namang takpan sa makukulimbat na pondo ng Small Town Lottery (STL) at Pagcor.

Pangalawa, ang talagang mastermind dito ay si Ate Glo, Tainga at DILG at hindi ang pipol o mamamayan Pilipino. Layon nitong isalba ang nanganganib na trono ng isang iligal na presidente, ang panawagang "snap election", unahan ang impeachment complaint ng oposisyon sa Tongreso at unahan ang inaantabayanang “big push” ng pinagsamang Patriot (Magdalo-YOUng) at malawak na kilusang masa. A

Kung tunay na “people initiative” ito, walang dudang lilitaw ang mga katanungang “kung bakit ipinagkakait, bakit maliit ang (IRA) pondo ng barangay?, “bakit magpahanggang ngayon kulang ang mga batayang serbisyong kuryente, edukasyon, pabahay, kalusugan) iginagawad sa barangay?” “ Sa kabila ng batas na Local Government Code 1990, “bakit ang naghahari't may kapangyarihan pa rin sa brangay ay ang mga Tongresman, Gobernador, Mayor, weteng-gambling lord, drug lord, prostitusyon lord, illegal logger, CASIQUE -“land lord comprador” at insurgenciya (MILF, NPA, abu Sayaff)?”

Ano naman ang isu-survey ng palasyo? Pantapat ba ito sa Pulse Asia at SWS na palagiang negatibo ang presidente at kawalang tiwala sa political institusyon ng country? Isusurvey ba nila dito kung ilan, kung sinu-sino ang mga aktibista't rebelde, kaaway ni Ate Glo sa barangay o kung ilan ang pamilyang wala ng makain, walang trabaho't iskwater sa sariling bayan, ilan ang batang nahinto sa pag-aaral at ilan ang malnorished? Walang dudang hindi magkakaroon ng substansyal na pananaliksik sa barangay!

Pangatlo, Ang isyu ng legality. Wala itong enabling LAW. Ipinag-bawal na ng Korte Suprema ang pagrerebisa (revision) at pag-aamyenda ng Constitution sa paraan ng “people's initiative”? Batid ng Supreme Court na Marcosian strategy ang muling pinaiiral ni Ate Glo, papalpak ang proseso't technikalidad at malinaw na peke at huwad na “people's initiative” ang isasagawa ng ULAP, Kilusang Sigaw ng Bayan at ng DILG.

Ito ang tamang panahon upang magsalita na, kumilos na't makialam na ang ilang magigiting at patriotikong mga Punong Barangay at Mayor sa buong bansa. Matagal din ang pinagsamahan ng LGUs at mga NGOs sa larangang magkatuwang na gawaing lokal na paggugubyerno. Mula sa gawaing local development, proyekto, hanggang sa pagpapanlo sa halalan.

Kaya't kung ako kay Puno, (tulad ni Dinky) lulundag na'ko sa kabilang bangka. Kung pangangatawanan mo na yan, maghanda't panagutan mo ang karumaldumal na krimen mo (acomplished) sa bayan. Lalabas ang tunay na katotohanan. Hindi lahat ng lokal na gubyerno ay sa iyo. Ang mungkahi namin sa'yo habang maaga pa, magbigti ka na sa Punong baliteng malapit sa UP campus.


Doy / ipd staff
March 22'06

No comments: