Monday, March 06, 2006

Magnilay-nilay tayo!

(reaksyon sa artikulong “Hinagpis ng isang kasapi ng Silent Majority, middle class)

Kapatid, hindi lang naman ikaw (middle class o working class) ang may pag-iisip at may ganyang pananaw sa buhay. Yung kumpare kong gardener, tubero't, messenger sa UP, tricycle driver sa Teacher's Village, ganun din ang pananaw. Yung mga kamag-anak ko, yung mga bilas ko na hindi ko alam kung lower, middle o working class ay kahalintulad mo ring mag-isip. Yung nakausap kong traffic aide sa Philcoa at vendor sa Talipapa kamakalawa ay katulad na katulad mo rin mag-isip. Ang pagkakaiba lang,
hindi sila galit sa mga nagra-rally at nagdedemo na nakaka-create raw ng traffic?

Hindi malayong paniwalaang pati ang kalakhang magsasaka (magbubukid) sa kanayunan, obrero't namamasukan sa maraming kumpanya sa ciudad at CAFGU (para military) ay malamang kahalintulad mo ring mag-isip. Katulad ng istilo mo, bahay, Trabaho at kung may ilang baryang natitira, tagay ng GIN-bulag sa gabi. Tali sila sa pang-araw-araw na kayod at survival instinct para mabuhay, wala na silang panahong mag-isip, magsuri't mag-analisa ng mga bay-bagay lalo sa pulitika at panlipunan. Wala rin silang panahon upang magbasa ng pahayagang Abante, Tribune (tinatakot ni Gen. Lumibao), People's Journal, Phil Daily Inquirer (PDI) at makinig sa mga komentaristang palaban sa radio at malamang sa hindi sila naaabutan ng inbitasyong (civil society) dumalo man lang sa mga sympo, forum, study group o discussion group (DGs) na tumatalkay sa mga isyu ng country at pumaloob ka na rin sa kilusang masa?

Hindi monopolyo ng middle class ang ganyang asal at pananaw sa buhay. Maliban sa mga kakilala kong nag-migrate sa Canada, sa Europa at America, ang isa pang nakakaintrigang tanong ngayon ay “kung may natitira at kung may tunay ngang middle class sa Pilipinas”? Sa Scandinavian country na halos “kompleto na sa buhay at wala nang hahanapin pa” ay feeling insecure pa rin ang mga tao. Ang gusto pa nilang maresolba (challenge, hamon sa buhay) sa ngayon ay “kung may kabuluhan pa ba sila sa mundo.” Bilang tao, “ano ang silbe ko, ano ang naging papel ko sa mundong ibabaw? Ano ang aking “maliit na maiku-contribute at maiaambag sa kabutihan ng sangkatauhan"? Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit maraming nagpapatiwakal (suiside) sa kanila.

Tandang-tanda ko pa ang ilang mga pananaw nila sa buhay. “Maiksi lamang ang ating buhay, kung baga sa isang kilometrong (bilyong taon) haba ang kasaysayan ng tao, ISANG GUHIT (milimeter) lamang ang itatagal natin sa mundong ibabaw (tigok na tayo). Yung na lang, isang guhit na nga lang, wala pa tayong nai-ambag, wala pa tayong naitulong at wala pa tayong ginawa sa ikabubuti ng kapwa o ng sangkatauhan? Puro tayo satsat, puro dada, puro ngakngak, puro tayo kokak ng kokak, KSP at pasikat! Middle class pa naman tayo, kung tunay nga? Ano ba ang indicators na ikaw nga ay isang middle class?

Koreksyon lang kapatid at pagpasensyahan muna. Yung mga sundalong Kano na nanghihimasok at nakikipagbakbakan sa Iraq ay para sa'yo, “hindi nagrereklaamo”. Na-try munang magbukas sa internet, magbukas sa mga websight ? (globalization na at walang lihim sa mundo ngayon ang hindi nabubuko't nabibisto). Try mo kayang mag-surfing sa maraming media (libo-libo) outlet sa Amerika, sa Europa, ang bantog na pahayagang Al Jazeera, bubulaga sa mukha mo ang tunay na kaganapan, blow by blow accounts sa tunay na sintyemento ng mga sundalong kano't mamamayang Amerikano.

Mataas ngayon ang public opiniong tumutuligsa sa patuloy na panloloob ng Amerika sa bansang Iraq! Mahigit dalawang libong sundalong Kano na ang napapatay sa Iraq at posibleng madoble pa ito sa ilang buwan. Ilang daang sundalong Kano na ang nag-desierto, nag-rebelde? Ilang daan sundalo na ang nag-AWOL at bilang theraphy sa inip, nag-aadik (Damo, coccain) uli ang marami. Ano ang tingin mo diyan, di ba hayagang binasag din nito ang chain of command na tulad din sa Pilipinas?

Karamihang sa kanila (foot soldier), kasama ang buong pamilya ay nag-AWOL at tuluyang nagmigrate na sa Canada at ilang bansa sa Europa. Parang Deja Vu kapatid. Nauulit at muling nauulit ang mapait, ang karumaldumal at ang kahiya-hiyang karanasang pagkatalo ng US sa gerang Vietnam. 'Wag mong sabihin, hindi nagrereklamo ang mga sundalo sa Vietnam! Napanuod mo ba o panuurin mo kaya ang “GOOD MORNING VIETNAM” ni Robin William at maraming anti-Vietnam war film sa Holywood.

Hindi totoo na ang middle class ang siyang naging susi o naging dahilan sa Edsa Revolution. Dapat mong malaman na kung walang panimulang binhi ng anti-dictatorship struggle nuong 60s hanggang 80s, walang Edsa Revolution. Kung walang FQS nuong 70s, kung walang sunud-sunud na welgang bayan nuong kalagitnaaan ng 80s, kung walang malalaking kilos protesta ng Kabataang Estudyante nuong early 80s, kung walang nagbuwis ng maraming buhay, kung walang libong tinorture at human right violation at iba pang isyu, baka walang Edsa Revolution! Panghuli, kung walang pagkilos at aklasan ng mga rebeldeng sundalo nuong '85 hanggang February '86, walang kaduda- dudang walang Edsa 1 revolution! Imposible namang hindi mo nabalitaan ang mga 'yan? Lalong imposible rin na out of the blue ay parang singaw na sumulpot na lamang ang Edsa Revolution? Kung baga sa Piso, hindi magiging Piso, kung wala
kang sentimo.

Kaya kung iyong mamarapatin, ang mungkahi ko para sa mas mainam nating pagpapalitan ng kuru-kuro, MAGSURI ka, tayo!

-doy cinco / IPD
March 3'06

2 comments:

Anonymous said...

The information here is great. I will invite my friends here.

Thanks

Anonymous said...

Koreksyon lang kapatid at pagpasensyahan muna. Yung mga sundalong Kano na nanghihimasok at nakikipagbakbakan sa Iraq ay para sa'yo, “hindi nagrereklaamo”. Na-try munang magbukas sa internet, magbukas sa mga websight ? (globalization na at walang lihim sa mundo ngayon ang hindi nabubuko't nabibisto). Try mo kayang mag-surfing sa maraming media (libo-libo) outlet sa Amerika, sa Europa, ang bantog na pahayagang Al Jazeera, bubulaga sa mukha mo ang tunay na kaganapan, blow by blow accounts sa tunay na sintyemento ng mga sundalong kano't mamamayang Amerikano.
maria b collection wholesale
gul ahmed wholesale