Friday, May 23, 2008

Commonwealth Av, ang KILLER Highway

Para sa mga taga-Metro Manila, hindi na balita ang araw-araw na mga aksidente't trahedyamg nagaganap sa Commonwealth Av. Ang pesteng pedestrian, U-Turn Slot at kadalasa'y banggaan (vehicular accident) ng mga sasakyan (trak ng basura, cargo truck, bus, jeep, awtomobil at tricycle) ang karaniwang pangitain. Walang sinasanto, bata, matanda, babae, lalaki, na karaniwang maralita ang pawang mga biktima. Kamakailan lamang, bumulaga sa mundo ang vulnerability ng mga lugar ng paninirahan sa lugar, ang trahedya at karumal-dumal na landslide na dulot ng biglaang pagbaha (kawalan ng maayos na drainage system) sa paligid ng Commonwealth. (Larawan sa itaas: Abante Tonight Rusty-1721)

Makaligtas ka man sa sakuna, walang kang kawala sa gabi-gabing holdap, pandurukut (cell phone snatcher), salisi gang, carnapping at iba't-ibang klase ng krimen sa Commonwealth. Sa loob ng Bus, Jeep, taxi, habang naglalakad at naghihintay, walang gabing walang nabibiktimang krimen sa lugar. Isang napakadelikdong (dangerous) lugar, wild wild west ika nga ang kahabaan ng Commonwealth, mula Philcoa-UP hanggang Tandang Sora, kanto ng Don Antonio, Sandigan, Manggahan, Litex hanggang Regalado-SM Fairview. Ang paligid ng Commonwealth ang siyang kilalang ginagawang tapunan ng mga sinasalvage na mga taong diumano'y patapon ng lipunan (rapist, kriminal, awtoridad).

Strategic Transit Point
Isang strategic transit point ang Commonwealth, ang mga karugtong na karatig lugar ng lunsod. Mula sa matataong lugar ng Caloocan, San Jose Del Monte at Sta Maria, Bulacan sa Hilaga hanggang Marikina, Montalban at San Mateo sa Timog-Silangan, may kulang-kulang na 200,000 sasakyan araw-araw ang bumabagtas sa kahabaan ng Commonwealth. Kaya't tuwing rush hour (7-9 am at 5-8pm), malupit ang trapiko, noise pollution, carbon emission na ibinabato nito sa kapaligiran. Iba pang usaping ang gabundok na mga basurang nakakalat sa gabi mula sa Sandigan hanggang Litex areas.
(Larawan: www.aidan.co.uk)

Mahigit kumulang na 10 kilometrong mga karugtong na haba ang Commonwealth. Nagsisimula sa Elliptical road (CIRCLE)-Philcoa at nagtatapos hanggang Fairview, Regelado area.

Kung ika'y bagong salta at nais mong marating ang mga barangay na nasa paligid sa Commonwealth, malaki ang tsansang maligaw ka, sapagkat wala itong maayos at malinaw na mga karatula, markings o direksyon sa bawat kanto't mga lansangang karugtong na mga lusutan. Mas kumon ang mga nakasabit na tarpuline ng mga pulitiko na nagsasaad ng pamumulitika. Wala itong malinaw sinusunod na bus stop o jeepney stop. Ang buong kahabaan ng Commonwealth Av.ang siyang de-facto “loading and unloading zone” ng lahat ng pampasaherong sasakyan. Bagamat may mga overpass na naitayo, wala tong malinaw na pedestrian lane na sinusunod. Ang buong kahabaan ng Commonwealth ay isang malaking pedestrian areas.

Mayroon ngang naitayong bus at jeepney stop ang MMDA, (kulay orange at railing waiting shed) hindi ito nasusunod. Ang mga iligal at dikleradong mga loading and unloading zone sa ilalim ng over pass, nagsisiksikan ito, tatlo-apat na lane ang napaparalisa, halos iisang lane na lamang ang natitira sa halos walong (8) lane ng highway. Ito ang mga dahilan ng matinding traffic sa lugar. Karaniwang pangitain ang sigawan, kantsawan at awayan ng mga motorista sa iligal na mga loading at unloading ng mga pampasaherong sasakyan.

Sa layuning maibsan daw ang trapiko, naging walang humpay at paulit-ulit ang road widening (demolition) ng Commonwealth. Itinayo ang halos walong (8) U-TURN SLOT at MMDA overpass sa kahabaan ng Commonwealth Av. Kung matatandaan, mula sa dalawang lane nung 1960s, 6 lanes nuong 1980s at ngayo'y mukhang na sa 14-18 lanes na ang Commonwealth. Siya ngayon ang pinakamalapad na highway sa buong Pilipinas at tinalo na nito ang Edsa. Kaya lang, sa kabila ng pagpapalapad, nagpatuloy ang mabibigat na trapiko dulot ng kainutilan, kapalpakan ng MMDA, kawalang disiplina at kawalan ng access at alternatibong madadaanan maliban sa Commonwealth Av.

Simboliko
Larawan ng isang bansang nagpupumilit makaigpaw sa kahirapan at karalitaan ang daang Commonwealth. Patunay ito sa kawalan ng maayos na pagpaplano, good governance, demokrasya, 'di pagkaka-pantay-pantay at kawalan ng hustisya ng mamamayan ang Commonwealth. Isa siyang simboliko 't larawan ng tunggalian ng lipunang Pilipino.

Una; anim na malalaking paaralan ang nasa paligid at accesible sa Commonwealth; bukud sa New Era College ng Iglesia ni Kristo at NCBA, nandito rin ang UP, Ateneo, Miriam at FEU-FERN. Makikita rin ang dalawang kilala at malalaking simbahan; ang Iglesia ni Kristo Central at ang Roman Catholic's St.Peter Parish.

(Larawan sa ibaba: www.pnri.dost.gov.ph/images/pnri-map-small.jpg)

Pangalawa; dito matatagpuan ang mga kilalang ahensya ng gubyerno. Mula sa Quezon Memorial Circle, ang QC-City Hall, DA, DAR, DENR, NHA, NBN, ang Commission on Human Rights (CHR), Philippine Nuclear Research Institute, yung malaking Itlog na puti na natataw sa bandang UP, ang bagong pitong (7) malalaking gusali ng pinagsamang Ayala-UP ITC Call Center, ang Commission on Audit (COA), ang Sandigang Bayan, DSWD at ang House of the Representatives o ang Philippine Congress. Sa hinaharap, may pinaplanong National Government Center sa paligid ng Batasang Complex, ang Central Business District at MRT 5 at 7 (mula Edsa hanggang San Jose del Monte, Bulacan) sa Commonwealth.

Pangatlo;
bukud sa Commonwealth market, matatagpuan din ang pinakamahabang TALIPAPA (2-3 kilometro) sa Pilipinas. Ito ang nigth market mula Tandang Sora hanggang Litex area. May lima (5) itong malalaking Shopping Mall; ang Puregold sa Luzon St, ang SM Fairview, Robinson, Fairview Star Mall at Ever na pawang pang lower-middle at upper class na kostumer. Mayroon ding hindi mabilang Auto shops, ala Banaue st. at ilang kilometrong hardware at Bankong nakabalagbag sa lugar. Matatagpuan din dito ang low end/high end na beer houses at ilang motel-hotel.

Pang-apat; nandito ang pinakamalaking tambakan ng basura sa Pilipinas, ang kontrobersyal na Payatas Dumpsite, ang humalili sa Smokey Mountain ng Tondo. Bukud sa isa itong employment generation, environmental damage at trahedya sa kabilang banda ang idinulot nito sa paligid ng Payatas. Dahil sa landslide, ilan daan mamamayan at barung-barong na kabahayan ang nailibing ng buhay sa gabundok na basura. Nandito rin ang La Mesa Watershed - Balara Filter area na pinagkukunan ng maiinom na tubig ng Kalakhang Maynila. Ang ARBURETUM, sa UP, ang nalalabing “rain forest” o ang urban jungle ng Metro Manila.
(Larawan sa Itaas: Payatas DUMPSITE, mmstyng.hp.infoseek.co.jp/pic/payatas3.jpg)

Panglima; may mahigit kalahating milyong pamilya na binubuo ng may labing limang (15) malalaking barangay ng dalawang Distrito ng QC ang naninirahn sa paligid ng Commonwealth. Sila ang "tinatawag na maralitang lunsod, biktima ng trahedyang 'di makataong paninirahan. SIla ang mga mala-manggagawa, nawalan ng empleyo at mga internal refugees na nagmula pa sa malulupit na kanayunang dulot ng karalitaan, kawalan ng pag-asa at digmaan."

Pinagsamang mayaman, makapangyarihang pulitiko, Showbiz pipol, kritikal na intelekwal at mahirap na maralita ang naghalo-halo sa lugar; Mula sa Barangay UP campus, Barangay Culiat, New Era at Old Balara sa bandang Tandang Sora; ang mataong lugar ng Barangay Holy Spirit, Batasan, Bagong Silangan at Payatas na pawang na sa kaliwa't kanang bahagi nito. Sa kabilang banda, may ilang mga nakatayong matatayog na Condominium, townhouses at 'di mabilang na Upper, middle class subdivisions ang nakakalat sa lugar; ang Copitol Hills, Ayala Heights, La Vista, Tierra Pura, Filinvest, Don Antonio, BF Homes, Fairview-North Fairview at Neopolitan-Lagro Subdivision sa bandang Hilaga-Regalado.

Bukud sa talamak na killer highway, may positibong hinaharap ang Commonwealth. Sa tingin ko, maaring magsilbing breeding ground o lunsaran ng panibagong pag-aalsang politikal, higit pa sa Edsa 2 at 3 rebolusyon ang Commonwealth. Ang mahigit kumulang na kalahating milyon mamamayang biktima ng trahedyang idinulot ng mapang-api't 'di makataong kalagayan ang siyang magiging mitsa, puhunan sa panibagong lakas at pwersa ng mamamayan para sa hustisya, demokrasya at kaunlaran, higit pa sa Edsa at sa Mendiola sa hinaharap.

Doy Cinco
May 23, 2008

5 comments:

duannedvirus said...

yeah dude, I agree!
doble ingat ako d'yan lalo na when i bring my car,mas lalo na 'pag nakainom ako from a late night gimmick. common sight na ang vehicular accidents d'yan sa commonwealth e,tsk tsk..
But still sarap pa din baybayin,lalo na 'pag mga 1am-4am,sounds mo pa sa kotse Jeff Buckley or Norah Jones,or mala The Lady Wants to Know ni Michael Franks,or kahit Jamiroquai :)
Nice article dude,Rock On!!

doy said...

Salamat sa comment. yan ang malungkot, parang normal na, nasanay na tayo at parang hindi na balita ang araw-araw na mga aksidente sa Commonwealth Av.
Pare, type ko rin yan, Jazz/Blues music ni Pareng Jeff, Michael Franks at Nora Jones. Cool man at mahaba ang pasensya.

april said...

yung taxi na nag aabang at nag teterminal sa labas ng brgy., commonwealtth manggahan hindi gumagamit ng metro na ngongontra yun lang killer highway talaga.....

Anonymous said...

Useful info. Lucky me Ӏ fοund your website accidentally, and I аm shockeԁ why this аcсidеnt
did nоt came about eаrlіer! I boοkmаrked it.


mу web blog: crear Facebook

yanmaneee said...

jordan shoes
supreme hoodie
jordan 6
golden goose sneakers
coach outlet
kyrie 3
yeezy boost 350
balenciaga shoes
nike huarache
moncler jacket