Doy/August 27, 2008
Walang dudang may tumataya o nakiki-alam na mga makapangyarihang dayuhan sa peace process na isinusulong sa Mindanao lalo na sa isyu ng MOA-AD. Ganun talaga ang labanan ngayon, maski sa Burma, Darfur, Kosovo-Serbian, Zimbabwe, Georgia-Russia, Palestinian-Israel at Tibet-China ay pinagpipiestahan, given na yata yan sa mundong ibabaw.
Ano man ang iba't-ibang espekulasyong bumabalot o samut-saring pagsusuri na nasa likud ng MOA-AD, na ito'y "violation sa ating Constitution (Bangsamoro Judicial Entity), trojan horse sa bahagi ng Malakanyang Charter Change hidden agenda, term extension, emergency rule cum martia law at political survival ni GMA," kahit paano, sa punto de vista ng mamamayang Moro, mas mainam na sana ito sa panimula (maiwasan kahit paano ang madugong gera) kaysa sa wala, upang tuloy-tuloy na mabalikan, pag-usapan at mahimay-himay ang iba pang malalalim na isyung bumabalot sa "karapatan ng Bangsa Moro para sa democratic right for self determination."
Sa panimula, ang nakaka-intriga, ang napraning ay ang hanay ng mga elite na pulitiko sa hanay ng oposisyon at administrasyon at nanawagang “wakasan ang peace negosasyon, ipawalang bisa ang umiiral na ceasefire at i-diklara na ang all-out-war sa MILF.”
Bakit, sa kalahating milyong (500,000 humanitarian crisis) apektado ng labanan, hindi ba maliwanag na "ALL OUT WAR" o madugong GERA (air, sea, land attack) na ang kasalukuyang ipinatutupad ng Malakanyang sa Mindanao? Nagsimula na rin ang propaganda war, na kesyo itratong terorista, may koneksyon sa CPP-NPA, JI-al Qaeda-Bin Laden, Taliban at pati ba naman ang pagbagsak ng C-130 ng Phil Airforce ay isinisisi at kagagawan raw ng grupong MILF? (Photo: About 200,000 have been displaced by the fighting in the south [AFP], http://english.aljazeera.net/news/asia-pacific/2008/08/20088265132190105.html)
Lumalawak ang labanan, kung sa dati'y nasa North Cotobato, Basilan at Lanao del Norte ang kiskisan, ngayo'y nasa mga lugar na ng Lanao del Sur, Sarangani, Maguindanao, Shariff Kabunsuan at Sulo at pinapaniwalaang posibleng umabot sa mga lunsod ng Mindanao at Metro Manila. Kung may 130,000 ang nabulabog sa bakbakan nuong nakaraang Linggo, sa ngayo'y tinatantyang may kalahating milyong mamamayan (500,000) na ang apektado sa trahedyang idinulot ng gera sa pagitan ng AFP at MILF.
Titindi ng madudugong labanan hanggang RAMADAN, hanggang sa matauhan ang bawat isa, hanggang sa magkaubusan, mapagod at magreflect sa sariling wala palang nananalo at ang talo ay ang mamamayan. Bantayan natin ang mga ikinikilos ni Sec Puno, Norberto Gonzales, Teodoro at US. Ang mahalaga, itigil ang iligal na pag-aarmas at pag-oorganisa ng Cafgu sa civilian population. Ceasefire muna, balik usapan muna.
(Photo: Members of the Ilaga Christian vigilante group assemble in Barangay Mampurok, North Cotabato province. The Ilaga, which has undergone a revival, is accused of killing Muslim civilians and torching homes.)
Kumplikado at kailangang mag-ingat sa pagdadala ng isyu ng MOA-AD. Sa ngayon, ang lumalabas, parang dadalawa na lamang ang pagpipilian ni Mang Pandoy; ang MOA-AD at ang madugong Gera na itinutulak ngayon ng Malakanyang. Ang nakakalungkot, parang ang kapayapaan ay matatamo lamang kung papayag na bitiwan ng MILF ang kanilang mga armas (surrender ang kanilang armas) at ihatag si Cato at Brabo sa awtoridad.
Parang ginagamit na ALIBI ng Malakanyang si Commander Kato at si Bravo upang ibasura ang peace process at MOA-AD at upang paluhurin, gipitin, tirisin, pasukuin, pilayan ang MILF at pasunurin ito ayon sa kagustuhan ng Malakanyang. Pati oposisyon, Senado, Simbahan at ilang civil society group ay nauuto, parang nakukumbinsi at naiisahan ng administrasyon. Kung 'di magbabago ang TREND, mas ang hahamig, makikinbang at lalakas ay ang paksyon pa ni GMA, Puno at iba pang galamay at malamang dire-diretso na ito hanggang 2010 and beyond.
Related Story:
(kung medyo asiwa tayo, nag-aalangang paniwalaan ang massive propaganda warfare ng AFP, na "kontrolado nila ang sitwasyon, na dinudurog na, na nauubos na, sugatan na ang mga pamunuan ng MILF," eto naman ang kabilang panig..)
Looking at the grim faces and costs of GRP military operations against MILF
August 27, 2008
The grim costs of the joint operations of the government forces, including their auxiliary forces, starting August 9, 2008 to date against merely two Base Commands of the Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) – Moro Islamic Liberation Front (MILF) headed by Ustaz Ameril Umbra Kato and Commader Bravo could be listed down as follows:
http://www.luwaran.com/modules.php?name=News&file=article&sid=865
Why is gov't attacking our main forces? - MILF
http://www.gmanews.tv/story/117030/Why-is-govt-attacking-our-main-forces---MILF
Civilian deaths in Mindanao rising—CHR
By PURPLE S. ROMERO
abs-cbnNEWS.com/Newsbreak
http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=129423
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment