Tuesday, August 05, 2008

"Dedbol" na ang GRP-MILF MOA

Doy / Aug 5, 2008
Sa tindi ng pagtutol ng maraming sektor, ng simbahan, civil society group sa Mindanao, apektadong LGUs, oposisyon at mismo ng Comelec, naibasura at nailabas ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema, malamang sa hindi na makabangon ang memorandum of agreement (MOA) ng GRP- MILF, ancestral domain cum Cha Cha scheme ng palasyo. Kasabay ring sinupalpalan ng Senado ang Malakanyang sa planong postponement ng ARMM Election na malapit ng ganapin sa 11 ng Agosto, taong kasalukuyan.

(left Photo:
CONSULT US. Students and teachers from Amas National High School in Kidapawan City, most of them wearing red shirts, join thousands of residents from North Cotabato in a prayer rally held today at the capitol compound, calling on the national government to consult them first before signing a memorandum of agreement on ancestral domain with the Moro Islamic Liberation Front. Mallu Cadelina Manar, http://www.mindanews.com/index.php?option=com_frontpage&Itemid=241)

Ang pinangangambahan ng marami, mukhang ginagamit lamang bilang decoy ang "peace process," ang kasunduan ng GRP-MILF Ancestral Domain ng palasyo ng Malakanyang "upang patagong buksan at buhayin muli ang charter change provision o pag-aamyenda ng Konstitusyon patungo sa term extension ng kinamumuhian, unpopular, hindi pinagtitiwalaan at lameduck na presidenteng si GMA." Dagdag pa, bukud sa parang lokohan na lamang, ura-urada at pabago-bagong mga patakaran, walang proseso na magkaroon man lang ng puwang sa demokratikong konsultasyon sa lahat ng apektadong sektor, partikular ang mga local government units at mamamayan sa mga kumunidad na masasaklawan ng Bangsamoro Judicial Entity (BJE).

Ano man ang kahinatnan o sabihin ng MILF na "done deal" na, tapos na ang usapan at napagkasunduan sa gubyernong Macapagal Arroyo, namamali at nadedenggoy an
g mga ito, sapagkat, "bukud sa gagamitin lamang sila sa motibong charter chage, maliwanag na mis representation ang nangyari, illigetimate na pamunuan ng isang bansa ang kanilang kausap (weak at pekeng presidente), meaning, nakoryente, naloko sila ng GMA administration. " Mas kinikilala at mas mataas ang respeto ng mga Filipino sa ngayon sa Supreme Court, Senado, ang Simbahan at civil society.

Pangalwa; maliit man ang maging turn out (plus o minos 20%) ng Election at inaasahang kalat-kalat na kaguluhang idudulot ng "CLAN WAR
hindi ng insureksyon ng MILF, " maliwanag na bigo ang Malakanyang na tarantaduhin ang Konstitusyon, idiskaril ang katatagan ng Comelec, ang pilot testing at epekto ng ELECTORAL AUTOMATION MACHINE. Mukhang tuluy-tuloy na ang 2010 presidential election at tulad ng inaasahan, magdiriwang ang mga llamadong presidentiables sa Senado at angkang Ampatuan.

Ang isang tanong, rumesbak kaya o magpanibagong taktika't estratehiya ang Malakanyang? Napag-alaman nating may ilang namumuong movements ng mga LGUs na malapit sa Malakanyang at tila ipinopormang muli ang People Initiative (PI) na pangungunahan ng ULAP (Union of Local Authorities of the Philippines).

Kung walang kadala-dala ang Malakanyang at patuloy na ipagwawagwagan ang naudlot na MOA-Ancestral Domain at pagtatayo ng Bangsamoro Juridicial Entity (BJE) bilang bahagi raw ng “peace process,” ano ang possible na taktika, plano’t approaches ang maaring contingency ng Malakanyang? (Photo below:
REUTERS A shelter outside the arrival terminal of the international airport in the Philippine city of Davao lies in ruins after bomb blasts, http://www.blogger.com/www.theage.com.au/.../03/05/davao,0.jpg03/05/davao,0.jpg)

Ang isang posibilidad na option ay ang paghahasik ng lagim, pagke-create ng pekeng gera o kaguluhang may malaking impak sa buong bansa. Ang modus operandi, ang papapasabog ng ilang strategic na lugar, tulad ng ilang matataong lugar sa Kamaynilaan o sa mga secondary urban centers sa buong kapuluan o dili kaya’y sa mga LRT/MRT, mga Airport, sa mga Mall at sa mga bus terminal at higit sa lahat ang gasgas na KIDNAPPING sa ilang persolalidad. Ang katawa-tawa, muling ibibintang sa MILF, sa Abu Sayaff group (ASG), sa Jemaah Islamiya (JI) at sa MNLF ang terorismo.

Walang dudang mas makikinabang sa kaguluhan ang Malakanyanag, paritkular ang kasundaluhan kaysa sa mga kaaway sa pulitika't oposisyon. Mas maraming mamatay, collateral damage ika nga, mas mainam, 'wag naman sana, sapagkat ang "all out war" at ang kahilingang dagdag na ayuda sa AFP, tulad ng procurement ng “makabago at high tech na armamentong pamatay tao (attack helicopter, tangke at mga barko de gera) at karagdagang allowances sa mga tropang sundalo ay sa wakas ay maisasakatuparan din."

Baka isa ring maaring gamitin ang patibong na “destabilization plot” na iinstiga kuno ng mga kaaway sa pulitika ni GMA na magbibigay katwiran naman sa nakaumang na “emergency power” at Martial Law, tuluy-tuloy na kapangyarihan hanggang 2013.
Kaya nga’t may kumakalat na bali-balita ngayon na iwasan muna ang paglalagi sa mga Mall, pagsakay sa mga LRT - MRT at pamamasyal sa matataong lugar. Mahirap na't baka maulit ang GLORIETA poso negro at Congress blast nung nakaraang taon.

Kaya lang, ang nakaka-intriga't nagpakomplika, maliban sa bansang Malaysia at Organization of Islamic Conference (OIC), mukhang kakampi na rin ng MILF ang US State Department, European Union, Japanese govt at ilang matataas na opisyal ng gubyerno. Meaning, hindi ito sakop sa panawagan ni Bush na "global war on terrorism," sapagkat, walang Al Qaeda, walang Taliban, walang Mujaheedin, walang kumunismo at walang terrorist tagging na usapan. Ang mayroon, mga nakatagong natural resources, ang bilyong bariles na reserbang natural gas sa Liguasang Marsh na pinagkukutaang ng MILF.


Related Stories:

Toward Peace in the Southern Philippines: A Summary and Assessment of the USIP Philippin
e Facilitation Project, 2003-2007
G. Eu
gene Martin and Astrid S. Tuminez
February 2008 Special Report No. 202

In 2003 the U.S. Department of State asked the United States Institute of Peace (USIP) to undertake a project to help expedite a peace agreement between the government of the Republic of the Philippines (GRP) and the Moro Islamic Liberation Front (MILF). The MILF has been engaged in a rebellion against the GRP for more than three decades, with the conflict concentrated on the southern island of Mindanao and the Sulu Archipelago. This report highlights USIP activities in the Philippines from 2003 to 2007. It describes the conflict and its background, the substance of ongoing negotiations, USIP efforts to "facilitate" the peace process, and insights on potentially constructive steps for moving the Philippine peace talks forward. It concludes with a few lessons learned from USIP's engagement in this specific conflict, as well as general observations about the potential value of a quasi-governmental entity such as USIP in facilitating negotiations in other conflicts.

G. Eugene Martin was the executive director of the Philippine Facilitation Project. He is a retired Foreign Service officer who served as deputy chief of mission at the U.S. embassy in Manila. Astrid S. Tuminez served as the project's senior research associate. She is a senior fellow at the Southeast Asian Research Center, City University of Hong Kong, and was formerly director of research for alternative investments at AIG Global Investment Corp., and a program officer in preventing deadly conflict at Carnegie Corporation of New York.

Full Story: http://www.usip.org/pubs/specialreports/sr202.html

Related Story:
Militants see US hand in rush to sign
http://www.malaya.com.ph/aug11/news7.htm

Designed to fail
Philippine Daily Inquirer
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/editorial/view/20080809-153565/Designed-to-fail

Priest says cha-cha is real motive behind deal with MILF
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=127403

2 comments:

Unknown said...

Kailan kaya magkakaruon ng kapayapaan sa Mindanao? Parang buhay na naman ang awitin ng Asin na "Cotabato"

doy said...

Salamat sa comment. Korek, ang awiting "Cotobato" ay pumutok nung 1970s (early), kapanahunan ng Martial Law ni Marcos. Ito'y sa pangunguna ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari. Mas malawak ang saklaw ng digmaan, libu-libo ang patay sa magkabilang panig, walang nanalo at pana'y talo. Ang kawawa, ang civilian population, sila ang talo.