Monday, August 18, 2008

Tularan si Musharraf, GMA magbitiw na sa pwesto

Doy Cinco
August 19, 2008
Lubhang mabilis at nakababahala ang mga kaganapan sa ating bansa; ang tumitinding gera sa Mindanao, ang naudlot na peace process, ang nabulilyasong kasunduang GRP-MILF para sa ancestral domain na inagapang i-TRO ng Korte Suprema (signing sa Kuala Lumpur), ang kahilingang ipostpone ang ARMM Election ng magkatuwang GMA at MILF na agad namang sinupalpal ng senado, ang "patagong pakiki-alam ng US State Department at kalinga't pakikipaglandian ng US Ambasador Kenney sa pamunuan ng MILF," na pikit matang pinababayaan ng palasyo ng Malakanyang. (above Photo: "We have to act decisively." Armored personnel carriers patrol streets of Kauswagan, http://www.malaya.com.ph/aug20/index.htm; below, Fighting between rebels and troops broke out earlier this month, http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/7567347.stm)

Ang apat na araw na bakbakan sa North Cotobato, Basilan at kasalukuyang umiinit na labanan sa Lanao del Norte ay nagresulta ng katastropiya't humanitarian crisis sa mahigit 100,000 inosenteng sibilyan. Idagdag pa ang di-kaika-ikayang realidad sa buong bansa; ang trahedya ng "bangkang papel-noah's ark" na patakarang subsidyo-dole out mendicant mentality at malubhang krisis pang-ekonomyang mas higit pa sa tama't epekto ng World War II; ang lumalalang kahirapan at kagutuman, ang lumalaking bilang ng unemployment, prostitusyon, kriminalidad, ang maramihang exodus, pag-aalsa balutan sa ibayong dagat ng panggitnang saray na mga professional, ang pagkakabaon at patuloy na pagtalima sa utang panlabas na siyang kumakain ng halos sangkatlo ng kabang yaman ng bansa.

Ang “pagyurak at paggamit ng Constitution para sa pansariling kapakinabangan, ang pambablack mail o “paggamit ng peace process,” ang isyu ng pagsangkalan sa MOA – Ancestral Domain bilang "TROJAN HORSE" kapalit ang pampulitikang agendang "magtagal sa poder lagpas sa itinatadhana ng batas sa 2010." Muling ipagwagwagan ang nailibing na Cha Cha-Constitutional Assembly cum Federalismo at kumbisihin ang ilang sektor, kasama ang ilang matataas na Heneral sa AFP sa nilulutong "no-election senaryo at pinaplanong pagdidiklara muli ng emergency power, Marcosian style Martial Law.”

Lahat ng ito ay sanhi ng pitong (7) taong pampulitikang KARMA, ang ilihitimong panunungkulan, ang kaswapangan
at pang-aabuso sa kapangyarihan, ang kawalan ng direksyon at patakaran. Ang lameduck president, pasirku-sirko, pabago-bago, pakambyo-kambyong polisiya na nagdulot ng kawalang pagtitiwala at kredibilidad ng Malakanyang. Ang "kahinaan ng estado o pekeng strong republic” na siyang sanhi ng walang patumanggang pagluray ng mga demokratikong institusyon, ang hindi mabilang na krimen, kasong pandarambong at patong-patong na anomalyang kinasasangkutan ng administrasyong GMA, kasama ang ilang "utak pulburang heneral," makapangyarihang elite group sa hanay ng Muslim MIndanao at traditional opposition na nagkukunwari, pumupusturang para sa kapayapaan habang nagtutulak, nagsusulsol ng "total war" laban sa mga kapatid nating muslim sa Mindanao. (Photo below: Musharrap resignation; www.clackamasreview.com/reuters_graphics/2008...)

Ang isinusulong na peace process at dekadang "panawagang democratic rights to self-determination ng Bangsa Moro" ay wala ng puwang at pag-asa sa ilalim ng gigiray-giray na administrasyon Arroyo. Kung ito ang dahilan at ugat, ang pinagmumulan ng problema ng country, "pulitika ang solusyon, mag ala-Musharraf (Pakistan Prime Minister na nagbitiw sa pwesto kahapon), magresign na sa tungkulin si GMA."

Related Story:
'All-out war' would end govt - MILF
"For the government to declare all-out war against the MILF would be the most serious blunder that this sitting regime could commit. A prolonged all-out war ... would inevitably bring this regime to its knees because of the dire economic and political repercussions that such a war would engender. And this is precisely the situation that those opposed to this regime are just waiting for so they could easily seize power,"
http://www.gmanews.tv/story/114719/All-out-war-would-end-govt---MILF
US says will consider any asylum bid by Musharraf
Agence France-Presse
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/world/view/20080820-155704/US-says-will-consider-any-asylum-bid-by-Musharraf
PNP, aarmasan na ang mga sibilyan vs MILF - Razon
http://www.bomboradyo.com/newsdetails1.asp?ID=41225


No comments: