Monday, August 11, 2008

“PEACE PROCESS”, nauwi sa dating gawi

Doy Cinco /
Augus
t 12, 2008
Matapos mapahiya't kastiguhin sa Senado si Gen Esperon sa akusasyong “hindi tutugon” sa anumang military action, naitulak na makapag set ng deadline ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa / Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Moro Islamic Liberation Forces (MILF) na i-atras nito sa mahigit limang bayan ng North Cotobato ang mahigit kumulang na isang libong tropang militar na patuloy na naninindigang manatili sa lugar. Tulad ng inaasahan, dedma ang MILF, nauwi sa dating gawi, umaatikabong bakbakan.
(above Photo:
FIRE FOR FIRE. Soldiers load ammunition into a 105 mm Howitzer cannon as they prepare to fire towards Moro Islamic Liberation Front positions in Aleosan, North Cotabato. The military poured more troops and intensified its artillery assault to flush out renegade rebels from some 22 villages they had occupied. AFP (06:43 PM), http://www.journal.com.ph/)

Sa tatlong araw na inkwentrong militar, muling ipinakita ng MILF ang lakas ng kanyang pwersa at mukhang wala itong planong umatras ano man ang consequences at klase ng collateral damage. Bukud sa ilang bayang hawak sa North Cotobato, kinontrol din nito ang estratehikong Davao-Cotobato National Highway, ang Paggagwan-Pagalungan Highway mula sa Barangay Balingawan, Pikit, North Cotobato. Iba na rin ang usapan kung ika'y nasa "belligerency status at may suportang tanaw mula sa Estados Unidos."

Sa ilang bayan, may labing limang (15) barangay sa mga bayan ng Midsayap, North Cotobato ang pinagtatalunan at ang dalawa pa lamang ang nababawi ng militar mula sa kamay at kontrol ng MILF. Ibig sabihin, nananatiling hawak ng MILF ang malaking bahagi ng teritoryo ng Midsayap, Aleosan, Pikit at ilang mga kanugnug na mahihirap na bayan ng North Cotobato na ang tanging kabuhayan ay ang pagtatanim.

(above Photo:
MORE TROOPS. Army reinforcements arrive in Pikit, North Cotabato as the military pours more troops and intensifies artillery assault to flush out renegade Moro Islamic Liberation Front rebels from some 22 villages they had occupied in the southern province. AFP/JAY DIRECTO, http://www.inquirer.net/)

ARMM Election
Kasabay ng kaguluhan at ang paglabas ng initial assessment ng Comelec na, “matagumpay, peaceful at normal at 80% turnout” ang ARMM election, maliban raw sa ilang insidente ng "barilan (agawan ng ballot), hakutan, flying voters (ilang ulit 5x bumoboto), talamak na vote buying sa maraming lugar ng ARMM, sa Lanao del Sur, Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, ang Shariff Kabunsuan at Basilan at ang problema ng transmittal ng sinasabing high tech na voting machine."

Sa mahigit ilang dekada, kilalang "moro-moro lamang ang mga election sa Muslim Mindanao." Kung baga, pormalidad na lamang ang election kung saan ito'y kadalasa'y dinisisyunan na sa isang tagong silid sa Malakanyang. Kung matatandaan, ang ARMM Election na gustong ipatigil ng MILF ay masugit na sinuportahan ni GMA bilang bahagi ng “peace process” ng MOA – GRP-MILF ay sinawata ng Senado.

"Peace Process," Lokohang MOA on Ancestral Domain
Kasabay ng pagkaka-udlot na MOA ng MILF-GRP na kamuntikanang pirmahan nung nakaraang linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang pag-aalburuto at pag-eetchepwera ng ilang LGUs executive sa usapan, ang alegasyong nagoyo ng palasyo ng Malakanyang ang MILF at paglabag nito sa Saligang Batas ang nasabing MOA. Idagdag pa ang mahigpit na pagtutol ng mamamayang Pilipino, ang pag TRO ng Korte Suprema at supalpal ng Senado sa hiling ni GMA at MILF na ipostpone ang ARMM election. Sa akalang “done deal at tapos na ang usapan,” umani ng maraming suportang ibasura na nga ng lubusan ang MOA ancestral Domain ng GRP-MILF.

Kasabay ito ang kumpirmasyong pakiki-alam ng US State Department at ilang Kanluraning Bansa sa nasabing “peace process at MOA” na ang dahilan, ang nakasalang na acestral domain ng BJE ay may taglay-taglay na likas yamang reserbang bilyong bariles na langis at natural gas.
Habang patuloy na nakikipagpatayan ang military at MILF, trahedya, katastropiya at humanitarian crisis ang kapalit na naging bunga sa civilian population ng North Cotobato. Paralisado ang kabuhayan, ang edukasyon at pang-araw-araw na takbo ng pamumuhay. May 160,000 mga tao ang sa ngayon ang napilitang lumikas at patuloy na maninirahan sa mga government evacuation center.
(
As fighting between government troops and Muslim rebels intensify in the South, some 160,000 have fled their homes and are now housed in evacuation centers, like this group waiting for medical check-up in a school building converted into an evacuation center in Aleosan town in North Cotabato province on Tuesday. AFP Photo, http://www.manilatimes.net/)

Sa takbo ng mga pangyayari, hindi natin alam kung tatagal, huhupa, lalala o PEKENG gera ito sa pagitan ng militar at MILF. Kung titindi, hindi mapanghahawakan ang sitwasyon at aabot hanggang sa Kamaynilaan ang kaguluhan, malamang ; Una, mauuwi sa senaryong kahalintulad sa Iraq, Afghanistan o Bosnia Herzegovina ang Pilipinas at kung ganito ang patunguhan, walang dudang "maaring maapektuhan ang katatagang seguridad ni GMA, kahalintulad nung kasagsagan ng opensibang militar na inilunsad ni President Erap Estrada nung 2001 sa MILF Camp Abubakar kung saan nagresulta ito ng kanyang maagang pagkakasipa sa poder."
Pangalawa, maaring samantalahin ng Malakanyang ang "paglala ng kaguluhan" upang bigyang katwirang ang diklerasyon ng ''emergency power cum martial law." Gamitin ang sitwasyon sa Mindanao, ang gera sa pagitan ng MILF upang swabeng maibenta sa madla ang pangangailangan ng Charter Change.

Tulad ng dati, maliwanag na parang LOKOHAN at nalalagay sa alanganin ang “peace process hindi lamang sa Mindanao, maging sa buong bansa.”
Ang panawagang 'democratic right to self-determination' ng mga kapatid nating Muslim Mindanao at pansamantalang “ceasefire at bumalik sa negotiating table” ay tila alingaw-ngaw sa kalawakang walang tugon. Ang tanong ng marami, sino ang mas makikinabang sa gerang ito? Ang Malakanyang, ang mga General sa military, ang US State Department, ang Kongreso, ang grupong MILF o ang mamamayang Kristiano, Muslim o Katutubong Lumad?

Related Story:

Baiting the MILF?
Editorial
.....The parallelism is striking. Ferdinand Marcos was barred from running in the 1973 elections, but he was banking on the just-opened constitutional convention to make the shift to a parliamentary system under which he could end up as prime minister. He was the most unpopular and distrusted president the country ever had, a record that would take a Gloria Arroyo to break. He exaggerated the threat coming from the communist rebels.

There were also mounting calls for Marcos to step down. Many, however, were prepared to suffer a few months more of his stay, consoling themselves that he would soon be exiting anyway.
Marcos declared martial law 15 months before his term was to end in 1973. In the case of Gloria, she has 20 more months in office - enough to time to pull off a similar coup against the Republic.
At the moment, the MILF is not rising to the bait. Let's try to keep it that way by refusing to be party to anti-Muslim hysteria that Gloria and her cabal of generals would likely whip up in the coming days.

Full Text: http://www.malaya.com.ph/aug16/edit.htm

No comments: