August 13, 2008
Panay kahihiyan na lamang ang inaabot natin sa kuko ng mga buguk nating mga lider pulitiko. Sa mahigit labing-isang (11) delegasyon na may kabuuang 89.0 milyong populasyon, may anim na (6) araw na ang Beijing Olympic at magpahanggang ngayon ay zero't wala parin tayo sa medal standing. Sa kabila ng sinasabing, "umuunlad na tayo, may mataas na GNP growth rate na tayo, maayos na economic fundamentals, marami tayong pera dulot ng malaking koleksyon ng buwis sa VAT at patungo na tayo raw sa FIRST WORLD country level category," "kulelat pa rin tayo, devastated pa rin tayo, eliminated ang ating mga atleta sa Beijing Olympics!"
Sa kasalukuyan, leading ang China na may 22 ginto; sumisegunda ang USA 13; Germany 8, Korea 6; ang Italy 6 at Japan 5, Australia 5, Russia 3, Great Britain 2, Czekoslovakia 2, Georgia 2, ang bansang may 4.5 million population (halos kalahating populasyon lamang ng Metro Manila) at kaaway ng Russia, Azerbaijan 2, France 2, tig-iisang ginto sa mga bansang Netherland, Romania, Finland, Spain, North Korea, India, Cuba, Mongolia, mga 'di kilalang bansang tulad ng Uzbekskistan, Tajikistan at iba pang mauunlad na bansa ay nasa medal standing. Buti pa ang bansang Ethiopia, sa Africa, isang bansang mahirap, may on going internal conflict at palagiang dumaranas ng masidhing tag-gutom, palagian ding may gintong nakukuhsa sa tuwing may Olympics!
Kung sa ASEAN ang bagbabatayan nating; may tig-iisang (1) ginto na ang Thailand at Indonesia. Mayroon na ring tig-iisang (1) silver ang Vietnam, Malaysia at Singapore (latest news). Tayo, zero pa rin! Ang inaasahang medalya ni TaƱamor, naging bangungut. Mukhang LUHAAN, demoralisado at maagang mag-uuwian ang atletang Pinoy.
Kung noo'y napapasama tayo sa labanan, bakit ngayon at tila mailap sa atin ang mapasama sa medal standing? Kung babalikan ang history ng Philippine standing sa Olympic; 1928 Amsterdam Olympics, may isang (1) bronse tayo sa swimming; 1932 Los Angeles Olympics, may nasungkit tayong anim (6) na bronse; 1964 Tokyo Olympics, may isang (1) silver; noong 1992 Barcelona Olympics, may isa uling (1) bronse sa boxing at nung 1996 Atlanta Olympics, may isang silver sa boxing. Papaatras ang Pilipinas, hindi na tayo umasenso't umulad. Sukat akalain mo ba namang overtekan pa tayo ng Vietnam at Indonesia!
Kahit ipagmalaking "na-break ang Philippine (local) records" sa Beijing Olympics, eh ano ngayon, ang hanap ng country, karangalang medalyang maiuuwi. Kahit sabihin pa nating magagaling ang mga professional (perahan lang) natin sa bowling, boxing, billard at swimming, pagdating sa world competition tulad ng Olympics, nangangamote ang Pilipinas. Kahit pa sabihing may pabuyang P15.0 milyon sa sino mang makakapag-uwi ng ginto sa Beijing Olympics, tulad din ng mga pabuyang inihatag sa medalyang nakuha ng atletang Pinoy sa Asian Games at SEA Games, mga pondong pinag-ambagan ng pribado at gubyerno (GMA), wala pa rin!
Kahit pa sabihing tadtad na tayo ng batas (bills) mula sa Tongreso na bigyang karangalan at rewards ang sinumang makakapag-uwi ng medalya, wala pa rin epekto! Kahit maki-alam na't mag-intervene ang mga pribadong kumpanyang maglaan ng milyong pisong pag-eendorso ng kanilang produkto, hindi pa rin umubra, butata pa rin. Nasaan ang mali, nasaan ang problema, bakit mailap sa atin ang medalya, bakit tayo kulelat?
Ang sigurado, wala tayong malinaw na pambansang patakaran (national policy) para sa programang sports development. "Kapos sa pondo, resources, inprastruktura't mga facilities na kakailanganin upang tugunan ang isang seryosong programang pang sports development. " Kakailanganin ng malaki-laking budget o perang maaring ipangtustos sa pambansang programa na pwedeng manggaling sa nakokolektang VAT na ginagamit ng Malakanyang ngayon sa pagsusubsidi ng mahihirap na Pilipino. Ang "elite training program" ng “Gintong Alay (1981)” ni Michael Keon, ang pamankin ni Pres Marcos, na sinasabing nagpa-angat at nagpalakas raw ng ating mga atletang pang-international na pinanglaban sa regional competition. .
Kakailanganin ng isang "mahaba-haba, komprehensibo at GRASSROOT sports development program, maliban sa mungkahing i-reframing (crazy BASKETBALL) ang ating pambansang programa at sistemang sport development upang makapagpasulpot ng mga manglalarong decalibre, ala-Cuba na pang world class at pang regional (Asia at ASEAN competiton)."
Kaya lang, ang problema, bukud sa bilyong pisong nawawala sa kabang yamang dulut ng araw-araw na pangungurakot, champion ang gubyerno sa pamumulitika, isa tayong MARALITA at mahinang estado at parang may sakit na cancer na kakailanganin ng isang overhauling, ng isang pagbabago. Ang nakakalungkot, ang tanging kayang ipagmalaki ng Pilipinas ay ang pagiging "katulong (super maid / caregiver) ng mundo, mayroon tayong pang world class na mga aliping sagigilid na ine-export sa mundo."
Ang Beijing Olympics ang siyang naging daan pa upang maisara ang mga kontratang ipinangako ng bansang China sa Pilipinas, ang pagbubukas ng MINING at ang pagsusumamong ituloy ng China ang kontrobersyal na Northrail projects sa bansa. Bukud sa junket at paglalakwatsa, “pangungutang, pamamalimus ang tunay na pakay” at hindi ang palakasin ang loob ng atletang Pinoy na demoralisado't nangangambang malalagay sa kulelat. Ang Malungkot, parang tinakasan muli ang lumalalang krisis pulitikal ang bansa, ang kaliwa't kanang iregularidad at kaguluhan, ang manawagang ipostpone ang ARMM Election, wasakin ang isinasagawang PEACE PROCESS sa Mindanao, salaulain ang Konstitusyon at iporma ang pagpapanumbalik ng Cha Cha, Con As cum Federalismo.
Related Story:
Philippines' Olympic flop
In any Olympic games most of the attention and money go to winning athletes from countries that invest heavily in sports.
But for many developing nations gold medals remain out of reach despite their people's love of sport.
The Philippines is one such country which always ends up punching below its weight in the Olympic arena, as Al Jazeera's Marga Ortigas reports.
http://english.aljazeera.net/news/asia-pacific/2008/08/2008819426394729.html
Comment:
4a1978 wrote today at 10:32 PM
Dito sa Australia sports ang pinakanangingibabaw sa buong kultura. Maraming football fields, cricket grounds, mga recreation parks, mga public swimming pools, at iba-iba public facilities para magamit ng publiko sa larangan ng sports and recreation. Marami ding public golf courses at arena na may tennis club, basketball clubs, etc. Sports divide the people here lalu kung championships round ng football or rugby. Pero after that united na ulit ang bayan. Ika nga sport is a way of life here. Minsan nga mas pinapaboran nila ang athletes kaysa sa mga nerds. Mas sikat ang football star kaysa sa musical genius o genius sa math. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit sa 20 milyong population ng Australia ito ang third biggest contingent sa Beijing Olympics. Sana mas tumaas ang medal tally ng Australia towards the end of the games. Aussie, Aussie,...Oi, Oi, Oi!!!
http://doycinco.multiply.com/journal/item/58/KASALI_ba_ang_RP_sa_Beijing_Olympics_
http://doycinco.multiply.com/journal/item/58/KASALI_ba_ang_RP_sa_Beijing_Olympics_
7 comments:
i very much welcome federalism.
Salamat sa comment Matthew. Ako rin, kombinsido ako sa kahusayan ng concept ng Federalism. Isa sa maraming mga pamamaraan na magpapa- lessen ng kapangyarihan ng presidente, epektibong good governance at accountability. Siyempre pa, may factor din ang leadership at ang klase ng taong magpapatakbo.
Pero, kung ito ang vehicle patungo sa "term extension" ng isang pangulo lagpas sa 2010 ayon sa isinasaad sa Constitution, may problema tayo diyan.
Mabuhay ka....
sabi nga ni pareng banjo, "kung sakaling palarin ang pilipinas na makauwi ng medalya - ginto, pilak o tanso man - e parang binawi lang natin ang isang kakarampot na bahagi ng mga metal na minina ng tsina sa bansa natin :-)
Korek! eh bakit ba nagkukumahog ng medalya itong Phil Olympic Committee, maari naman magpagawa sila sa RECTO, mamili sila, ginto, pilak o tanso.
Matthew, pahabol pa, kung iko-quote natin ang isang article na "With Due Respect
The real Cha-cha goal" ni Artemio V. Panganiban sa Phil Daily Inquirer, 3 days ago;
"True, federalism has many advantages. But it is equally true that the many federated states (like the United States, Canada, Mexico, Switzerland, Malaysia, etc.) do not practice it uniformly. Neither is there a single parliamentary model. The parliamentary system in Great Britain is different from that in France, Italy and Japan. Given that GMA wants the Cha-cha to be completed before her term expires, there is simply no time for long, simultaneous debates on both federalism and parliamentarism....."
cheap nfl jerseys
air max 2018
yeezy boost 350
cheap jordans
jordan shoes
kd shoes
kd 11
yeezy
jordan shoes
nike air max 97
replica bags in delhi replica bags in gaffar market replica bags on amazon
Post a Comment