Thursday, November 27, 2008
Siphayo sa Pilipinas, Sigla sa Thailand
Sa ika-apat na pagkakataon ay muling binigwasan ng mayorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint na inihain ng minorya. Katulad ng mga naunang complaint, unang round pa lang ng labanan, ibig sabihin sa Committee on Justice, ay nabasura na ang kaso laban kay Gng. Arroyo. Muling pinatunayan na ang institusyon ng Mababang Kapulungan ay isang kapulungan ng mga kongresistang nakakapit sa saya ni Gng. Arroyo. Ang susunod na taon ay preparasyon na para sa eleksyon sa 2010 at hindi kayang sikmurain ng maraming kongresista ang mawalan ng pork barrel kung iipitin ni Gng. Arroyo ang Special Allotment Release Order (SARO) ng kanilang mga proyekto. (Photo: http://newsbreak.com.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=5623&Itemid=88889051)
Ang mawalan ng SARO ang parusa ng administrasyong Arroyo sa mga oposisyonista at pro-impeachment na kongresista at senador. Ang proyekto na walang SARO ay nangangahulugang walang pondo. Kapag wala kang proyekto, wala kang maipakitang serbisyo sa iyong mga botante. Ito ang muntik nang nagpatalo kay Congresswoman Darlene Antonino sa kanyang kampanyang reeleksyon noong 2007. Ito rin ang nagpahina sa mga militanteng oposisyonistang party-list parties noong nakaraang eleksyon tulad ng Akbayan at Sanlakas.
Ang pagkabigo ng impeachment complaint ay singil na rin ng kapalaran kay dating Speaker Jose de Venecia. Naging biktima rin si de Venecia ng sarili niyang maniobrang ginamit sa mga naunang naibasurang complaint. Naging biktima si de Venecia ng Mababang Kapulungan nsa ginawa niyang tiangge na bentahan ng mga desisyon, boto, pusisyon sa isyu, at iba pa. Ang biruan tuloy, kapag tumatagal na nakasalang ang impeachment complaint ay tumataas ang presyong pabuya ng mga kongresista.
Pero malamang ang Malakanyang ay nakatipid ngayon sa pamumudmod ng pabuya dahil kinakabahan din ang maraming kongresista sa kasalukuyang imbestigasyon ngayon ng Senado kay Jocjoc Bolante sa fertilizer fund scam. Nag-aalala ang mga kongresista na ibunyag ni Jocjoc ang mga pangalan ng nakinabang sa P750M pondo sa abono na ginamit sa kampanya sa eleksyong 2007. Kaiba sa mga nauna, ang huling impeachment complaint ay tumagal lamang ng tatlong araw sa Committee of Justice bago ibasura.
Kung paano nabuhusan ng malamig na tubig ang oposisyon ni Gng. Arroyo ay siyang taas ng moral ng kilusang kontra-gubyerno sa Thailand. Habang binabasura sa Kongreso ang impeachment complaint ay siya namang pagkubkob ng kilusang protesta sa pangunahing airport ng Bangkok. Nauna nang pinaligiran ng kilusang protesta ang Parliament, ang Government House na siyang luklukan ng Prime Minister.
Ang rumaragasang kilusang protesta sa Bangkok ay para pwersahing bumaba sa kapangyarihan ang Punong Ministro at buwagin ang parlyamento dahil sa korupsyon. Noong 2006 ay napatalsik sa pwesto si Prime Minister Thaksin ng isang kudeta sa gitna ng hindi matinag na kilusang kontra-gubyerno. Noong Agosto ay bumaba rin sa pwesto ang naging kahalili ni Thaksin. (Photo: Nakubkub na Suvarnbhumi (Bangkok Interantional) Airport, The FINAL BATTLE, http://pad.vfly.net/)
Ang pangunahing nangunguna sa kilusang protesta ay ang People’s Alliance for Democracy – isang malawak na koalisyong demokratiko ng mga non-government organzations, grupong oposisyong pulitikal, ng mga propesyunal at samahang sibiko. Ang Thailand, katulad ng Pilipinas ay dating pinagharian ng diktadurya at mula noong nakamit ang demokrasya, ang kilusang demokratiko ng Thailand ay patuloy ang pagsulong sa pagpapatatag ng demokrasya at maayos na paggugubyerno ng bansa.
Ang Thailand ay natuto sa Pilipinas sa produksyon ng bigas. Ngayon ang Pilipinas ay bumibili ng bigas sa Thailand. Ang Thailand ay natuto sa Pilipinas kung paano pinayayabong ang guapple fruit. Ngayon ang mga guapple na nabibili sa bangketa ng Pilipinas ay galing ng Thailand. Tiningala ng Thailand ang people power ng Pilipinas noong 1986. Ngayon ay aktibong rumaragasa ang people power ng Thailand basta may pang-aabuso ang kanilang gubyerno. Ngayon, ang people power sa Pilipinas ay isang holiday na lang ng paggunita.
Ano ang nangyari? Ang mga organisasyong kalahok sa kilusang demokratiko ng Bangkok ay mayroong mataas na kredibilidad sa mata ng publiko. Sa panahon ng walang protesta, mahusay at epektibo ang mga programa, serbisyo at proyekto sa komunidad ng naturang mga organisasyon. Sa kabila ng marupok pang demokrasya ng Thailand, ang kilusang demokratiko ay mataas ang adhikain para sa reporma at institusyunalisasyon ng kanilang demokrasya. Ang adhikaing ito ay hindi lamang propaganda o nagsisilbi sa ibang pampulitikang agenda. Organisado at disiplinado ang mga mobilisasyong masa.
Sa loob ng koalisyong PAD, malakas ang papel at inisyatiba ng mga sektor hindi lamang para kapakanan ng kanilang sektor kundi pangunahin para sa kapakanan ng mamamayan. Sa kabila ng kanilang mga militanteng porma ng pagkilos, ang kilusang demokratiko ay mataas ang respeto sa tradisyong Thai, halimbawa ang pagiging mapagkumbaba at pluralismo. Dahil dito kaya’t hindi nauubusan ng bago at malikhaing pamamaraan ng pagdadala sa kampanya, mobilisasyon at protesta. Gagap din ng kilusang demokratiko sa Thailand ang lengguahe ng reporma ng karaniwang Thai. Kaya’t kahit na kampanya laban sa korupsyon, na malayo ang epekto sa sikmura ng sibilyang Thai, ay aktibong nilalahukan.
Babagsak o magtatagal pa ang kasalukuyang gubyerno sa Thailand, ang namamalas ngayon na kilusang demokratiko ng Thailand ay hindi pangunahing resulta ng walang kamatayang pagpapataas ng pampulitikang kamalayan kundi ang simpleng padaluyin ang pagka-mamamayan (citizenship) na organikong Thai. Mahalagang elemento ng prosesong ito ang kredibilidad ng kilusang mamamayan. Sana hindi ito mabitiwan ng People’s Alliance for Democracy, katulad ng pagbitiw ng mga kilusan sa Pilipinas.
Pasakalye sa Pulitika
Tuesday, November 25, 2008
Walang Recession, Mayroon Term Extension
November 26, 2008
Patuloy na ipinagwawagwagan ng Malakanyang na hindi raw tayo tatamaan ng RESESYON o matinding kahirapang dulot ng kasalukuyang dinaranas na resesyon ng mga mauunlad na kapitalistang bansa ng mundo. Hindi raw tayo tatablan ng dilubyo. Kaya lang, kung may klarong paghahanda sa political survival ni GMA, mukhang hindi handa sa tsunami at bagyong parating na kahirapan ang Malakanyang. Ang sigurado, may pinaplanong charter change, term extension at pagkatay sa political opposition. (Photo:http://www.philstar.com/default.aspx)
Ikaw na ang maging presidente, dating economic professor, Master's at Doctorate Degree sa Economics sa Ateneo't UP at classmate pa ni Pres Clinton sa Georgetown University.
Mukhang mas malupit ang ating kasasapitan sa krisis ngayon kung ikukumpara noong dekada 90s. Maliban sa nilulumpo ang ating stock market, ang sektor ng electronics, steel, automobile industries, inaasahang “huhupa” raw ang migration pattern, mula sa kanayunan tungo sa kalunsuran at mula sa kalunsuran/bansa tungong US, middle East at Europa. Inaasahang hihina ang personal spending ngayon pasko hanggang 2010 election, kung saan magiging talamak ang election campaign spending at vote buying.
Kung noon ay 'di gaanong naapektuhan ang unskilled worker, ngayon, pati skilled workers ay mukhang wala na ring ligtas sa RESESYON. Kung dati-rati'y mapili sa trabaho ang mga migrant workers, ngayon, kahit Iraq, Afghanistan, Somalia o Nigeria ay susuungin, 'wag lang mamatay ng dilat ang mata sa sariling bayan.
Wala ng mukhang ihaharap ang IMF-WB kung ikukumpara sa mapagpasyang papel nito nuong dekada 90s. Ubligado na ang gubyerno na gumawa ng paraan., tulad ng mga bansang China, Brazil, Russia at India. Dahil sa “REMITTANCE ECONOMY,” sinasabing may sapat na kakayanan na ang gubyerno para raw sa contingency, proyekto't programa at pamumulitika. Kahit pa raw maapektuhan ang ating ini-export sa US at Japan, kayang ma-off set daw ito sa kinang ng dolyar at konsumong magagamit (consumption driven) ng ating mga OFW.
Dahil sa rollback ng petroleum product at LPG, bababa raw ang inflation rate? Inaasahang matutuwa ang OFW sa namimintong paglakas ng dolyar na posibleng umabot hanggang P55.0 / $1.0. Kung magkaganito, bukud sa lalakas daw ang export, sinasabing sisigla rin daw ang lokal na industria, tatangkilikin ang “gawang Pinoy” at hihina ang produktong dayuhan.
Marami na raw nasimulang programa na maaaring ipangtugon sa krisis ang Malakanyang. Maliban sa pump priming / INFRA projects, sa layuning paikutin ang PERA sa komunidad kahalintuld na programang ginamit sa Brazil at Mexico, palalakasin pa ang programang “HUMAN CAPITAL investment” ng gubyerno upang ayudahan ang SUBSIDY - populistang programa sa edukasyon, kagyat na relief sa mahihirap at HEALTH Program. Ipagpapatuloy ang "Conditional Cash Transfer program", ang doleout subsidy na tinutulan ng maraming sektor, CBCP at CARITAS. Dahil palyatibo't mala band aid na pagtugon, nakaumang na naman ang pangungutang sa China at unpopular na institusyong IMF-World Bank.
Handa ba talaga ang gubyerno sa debubyo ng RESESYON? Ang alam ng marami, "handa siyang durugin ang kaaway sa pulitika, handa siyang paralisahin, idislocate at tiris-tirisin ang opposition sa pamamagitan ng pinaghahandaang “emergency power at pinaplanong Martial Law.” Wala ngang resesyon ang Pilipinas, ang mayroon, Charter Change, term extension at postponement ng 2010 election. Umasa pa kayo, baka nga hindi na kayo umabot sa 2010 ?
RelatedStory:
Ekonomiya ng Pilipinas, bumagal sa 9 na buwan
11/27/2008 12:14:30 PM
Bumagal umano ang ekonomiya ng Pilipinas sa third quarter ng kasalukuyang taon kung ikukumpara sa nakalipas na taon dahil epekto ng global financial crisis. Sa inilabas na datos ngayon ng National Statistical Coordination Board (NCSB), nagtala lamang sa 4.6 na porsyento ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa o tinatawag na gross domestic product (GDP), kung ihahambing sa 7.1 na porsyento noong 2007 sa unang siyam na buwan.
Saturday, November 22, 2008
PEACE CARAVAN
Kahapon ng umaga, napasilip ako sa Quezon Memorial circle kung saan ginanap ang isang bahagi ng programang "Baguio-Cotobato PEACE CARAVAN." Layon iparating kay GMA at sa pamunuan ng MILF na si Al Haj Murad Ebrahim na muling simulan ang naudlot na usapang pangkapayapaan. Ayon sa mga organizer, "hindi na makakayanan ang patuloy na kahirapan, ligalig at pighating dinaranas sa walang kalatuy-latoy at bilyung pisong nawawaldas sa digmaan."
(Larawan; Kinalembang ng isang babae ang World Peace Bell kasabay ng rally na isinagawa ng mga Filipino Muslim sa Quezon City kahapon para ipanawagan ang kapayapaan sa Mindanao. (AFP) http://www.abante-tonite.com/issue/nov2308/index.htm)
At kung idadagdag pa ang paparating na krisis pampinansya, ang slowdown ng ekonomiya na dulot ng lumalalang RESESYON ng mundo, dobleng latay ang tama at wala ng dahilan upang ipagkait ang kapayapaan. Anila, “war has always been waged by people who profit from it, but peace is more profitable.” Kamakailan lang, ganap ng ibinasura ng Supreme Court ang MOA-AD, na ito'y "violation sa ating Constitution (Bangsamoro Judicial Entity)." Walang dudang may tumataya, nanggagatong, may nakiki-alam at may makikinabang na makapangyarihang pwersang pulitikal sa digmaang Mindanao.
Mas mahalagang maipagpatuloy ang peace process, kahit paano, sa punto de vista ng mamamayang Moro, mas mainam na ito sa panimula upang tuloy-tuloy na mabalikan, pag-usapan at mahimay-himay ang iba pang malalalim na isyung bumabalot sa "karapatan ng Bangsa Moro para sa democratic right for self determination." Habang nananawagan ang maraming sektor, ang simbahan at civil society, maging ang international community, partikular ang Organization of Islamic Conference (OIC) para sa KAPAYAPAAN, napapraning ang hanay ng elite na pulitiko (oposisyon at administrasyon) at nanawagan pa ng all-out-war laban sa mga kaaway ng Malakanyang.
Suntuk sa buwan!!! Kung ang mga pulitikong ito'y "tunay na makabayan (pagpapanggap)," sila na lang kaya, mga anak na lang kaya, mga mahal nila sa buhay kaya ang ipadpad at ideployed sa larangan ng labanan sa Mindanao?
Wednesday, November 19, 2008
The car companies that eat our future have their hands out — again!
14 November 2008
There are some new faces joining the banks on the corporate bailout queue: General Motors, Ford and Chrysler. The “Big Three” US car corporations are demanding US$50 billion in bailout loans from the US government - on top of $25 billion already approved. Across the Atlantic, the European car companies are demanding a matching 40 billion euro subsidy.
The corporate empires that gave the world those dinosaurs of the 21st century - the gas-guzzling SUVs and Humvees - are now threatening to put millions of people out of work if they aren’t bailed out. But even if they get these handouts, they refuse to guarantee that jobs won’t go.
In Australia, PM Kevin Rudd has already obliged car manufacturers by doubling Howard’s corporate welfare cheque to A$6.2 billion.
However, according to the November 3 Melbourne Age, innovation minister Kim Carr admits that the extra subsidy will not stop the immediate loss of jobs in an industry that employs only 65,000 in Australia today.
Holden has already cut 1100 jobs, Ford 600 and Mitsubishi 100, on top of the 900 in Adelaide earlier this year. Perhaps the car companies don’t want to miss out on the free handouts for big companies after seeing bankrupt banks around the world bailed out to the tune of more than A$6 trillion in the last few months?
But the car industry globally has been massively publicly subsidised for years. In the US alone, the total public subsidy to the car industry has been estimated at US$700 billion per year! That’s before the crisis. Only the so-called “defence” industry gets a bigger regular public subsidy in the US - $1 trillion a year.
Every government around the world is told that these car companies need massive public subsidies because of competition from overseas. But in every country it’s the same global car corporations with their hands out!
What could these trillions now being blown on bailing out capitalism be better spent on? Here are just some possibilities:
• $2.1 trillion would wipe out all the poor countries’ “debt” to the world’s richest countries.
Think of the consequences such a move in terms of children saved from starvation and preventable disease, wars ended because their real causes have addressed.
Huge forests could be saved from destruction driven by the need to repay “debt” that has already been repaid by the Third World many times over.
• An annual investment of a mere $30 billion would solve global food insecurity, according to the UN Food and Agriculture Organisation.
• A corporate study by the McKinsey Global Institute found that an annual global investment of $170 billion in energy productivity through until 2020 could halve global energy demand. This investment would cut CO2 emissions to about 550 parts per million.
These sort of socially and environmentally necessary investments would also be recouped very quickly. For instance, UN Environment Program research shows that every year the felling of forests deprives the world of over $2.5 trillion worth of such services as supplying water, generating rainfall, stopping soil erosion, cleaning the air and reducing global warming.
http://www.greenleft.org.au/2008/775/39957
Related Story:
Senate Hearing On US Auto Bailout Signals New Attacks On Workers
By Jerry White
19 November, 2008
WSWS.org
Tuesday's Senate Banking Committee hearing on a $25 billion government bailout of the US auto industry underscored the reactionary framework of the official debate on the crisis of the Big Three auto companies. At the center of the dispute between those senators who support an emergency loan and those who oppose it is how best to impose the burden of the crisis on the backs of auto workers and the working class as a whole
http://www.countercurrents.org/white191108.htm
Why We Shouldn't Bail Out GM
Nicholas von Hoffman, The Nation
Corporate Accountability and WorkPlace: The bailout should be used to expand unemployment compensation instead of propping up a single, failing corporation.
http://www.alternet.org/workplace/107789/why_we_shouldn%27t_bail_out_gm/
Monday, November 17, 2008
Pagkatapos kay Jocjoc, Ano ang susunod?
Ang ngiti ni dating Agriculture undersecretary Jocjoc Bolante ay sing-tamis ng asukal nang malusutan nito ang anim na oras na imbestigasyon ng Senado. Ang mukha naman ng mga senador ay magkahalong dismaya at ngitngit dahil walang silang mapiga kay Bolante sa P720M pondo ng Dept. of Agriculture para sa abono pero nagamit sa eleksyon. (Photo:http://www.abante.com.ph/issue/nov2608/default.htm)
Ang administrasyong Arroyo ay naging bihasa na kung paano mag-coverup sa akusasyon ng anomalya at korupsyon. Sa kainitan ng kontrobersya, pasisiputin sa Senate inquiry ang akusado o susing tao na sangkot sa kontrobersya para pahupain ang tensyon. Pagkatapos ito ay biglang mawawala sa mata ng publiko. Ito ay para ilayo ang tao sa diskurso ng publiko at palipasin ang init ng kontrobersya, Kapag dumating ang panahon na hindi na maipirmis sa ibang bansa ay uuwi ang tao na masama ang pakiramdam pagdating sa airport. Ito ay para hatiin ang sentimyento ng tao sa drama. Mula sa airport ay diretso sa hospital para sa mahabaang confinement (at paghandaan ang pagharap sa publiko.
Sa buong proseso ng preparasyon ay kinakamada na rin ang mga kailangan at hindi dapat makitang mga dokumento. Ganun na rin ang paghahanda sa mga taong posibleng mapatawag ng Senado – i-delay ang pagharap sa Senado, may byahe sa ibang bansa, may sakit o matigasang deklarasyon na wala kinalaman sa isyu.
Ang mga hakbanging nabanggit ay isang matagalang proseso ng cover-up na naipatagumpay ni Bolante sa harap ng mga senador. Ito rin ang ginawa noon para sa depensa ni First Gentleman Mike Arroyo. Kasing-tulad din ang mga nangyari bago humarap si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Halos kasing-tulad din ang prosesong dinaanan bago humarap si Ret. PNP Director Eliseo dela Paz sa Senado sa anomalya ng Euro generals. Minalas lang si dela Paz na wala siyang matuluyang bansa para magpalamig muna. Una, kailangan munang pahupain ang isyu, ikalawa, ayusin ang script ng drama, at ikatlo, ihanda ang prinsipal na sangkot sukdang ito ang aako sa buong responsibilidad sa kaso, tulad ng pag-ako noon ni Garcia, at ngayon nina Bolante at dela Paz.
Sa kabilang banda, kung aktibong opisyal ng gubyerno ang sangkot at hindi maaaring mawala sa bansa, simple lang, ipayagpag ang Executive Order 464 na nagbabawal sa opisyal ng ehekutibo na humarap sa Kongreso batay sa utos ng Presidente. Hindi pa limot ang kontrobersya sa NBN-ZTE deal kung saan nasalang pero hindi na humarap ng Senado si dating NEDA Director Romulo Neri.
Iba naman ang paraan ni Ginang Arroyo kung ito mismo ang prinsipal na sangkot sa kontrobersya. Dalawang beses itong naka-lusot sa isinampang impeachment complaint dahil sa mahusay na pagmaniobra ng mga alyado nito sa rules and procedure ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at pag-kontrol ng administrasyon sa pork barrel ng mga kongresman.
Ang gubyerno ng Pilipinas ay siguradong magiging strong contender sa Finals kung mayroon lang Corruption Olympics. Dahil sa pag-master ng administrasyong ito kung paano lumusot sa mga anomalya - pagpapahina sa mga institusyon ng imbestigasyon; pag-aalaga ng network ng mga masugid na tagapag-tanggol sa akusadong alipures; mambabatas na minamaniobra ang mga rules at procedures ng imbestigasyon at ng mga propagandista para palaputin ang kontrobersya sa media – siguradong patuloy ang malakihang korupsyon sa gubyerno laluna’t papalapit ang 2010.
Nauna nang pinahina ni Arroyo ang institusyon ng eleksyon sa bansa noong 2004. Kaya’t hindi ito magdadalawang-isip na muling gamitin ang 2010 para sa sariling bentahe. Kung nabigo man ito sa mga ilang pagtatangka sa Chacha, hindi ibig sabihin na binitiwan na nito ang naturang maniobra. Ang kalakasan ng administrasyon ay natututo ito sa kabiguan ng mga hakbangin para sa mas epektibong maniobra. Kailangang bantayan sa susunod na taon ang paghirang nito ng pitong miembro ng Korte Suprema na papalit sa mga nakatakdang mag-retiro. Kung nagawa nitong ideklara ang state of emergency, malamang pinaghahandaan nito ang mga hakbanging katulad pero mas epektibo sa nauna. At kung hindi nito maiwasan ang eleksyon sa 2010, sisikapin ng administrasyong Arroyo (habang hawak ang pondo at organisasyon ng gubyerno) na maipanalo ang kandidatong presidensyal na magbibigay ng proteksyon kay Gng. Arroyo.
Sa kabilang banda, hindi hawak ng administrasyon ang lahat ng alas na baraha para makasiguro hanggang 2010. Ang mga pwersa at batayan para pababain sa pwesto ang administrasyong Arroyo ay hindi lang nananatili kundi patuloy na nagsisikap. Siguradong natuto ang mga ito sa bigong pagtatangka ng mga nakababata sa kanila. Ang pagkabigo ng mga naunang tangka ay dahil sa ang nagtakda ng tingin nilang posibilidad ay batay sa pwersang kayang ipunin pagputok ng signal. Ang anumang nakaumang na tangka ngayon sa administrasyon ay posible lamang batay sa posibilidad ng tagumpay nito.
Habang lumalalim ang pagka-disgusto ng mamamayan sa rehimeng Arroyo ay siya namang pagtaas ng kanilang kamalayan para maunawaan kung bakit patuloy na bangkarote ang gubyerno. Matagal nang nasa sangang-daan ang sitwasyon ng mamamayan, ang usapin na lamang ay kung saang landas hahakbang pasulong. Depende sa tyempo, kung sino o sinu-sino ang magbibigay ng kumpas at kung ano ang posibilidad ng tagumpay ang siyang magtatakda kung aling landas ang susuungin pasulong ng mamamayan. At kapag nangyari ito, masasabing, sa wakas kinapos din si Arroyo.
Ito ang hamon sa mga kilusang reporma at progresibo? Habang naghahanda sa 2010 at hinaharap ang mga kagyat na isyu ng korupsyon, kahirapan, fiscal crisis, maramihang tanggalan sa trabaho, gyera, kriminalidad at marami pang iba ay nararapat na ring maglahad ng popular na agenda para sa reporma na ayon sa lengwahe ng reporma, lalim ng pagkadisgusto at taas ng kamalayan ng mamamayan. Kung mapapalalim ang pundasyon ng naturang reform agenda, ito ang magsisilbing bargaining power ng mga kilusan kung papasok sa lenggwahe ng kapangyarihan tungo sa 2010. At kung bigla namang pipihit ang kasalukuyang sangang-daan kinatatayuan ng mamamayan, kahit papaano ay nakaumang ang mga kilusan sa malaking pagbabago ng sitwasyon. At kapag hindi ito nagawa, masasabing kinapos na naman ang mga kilusan sa oportunidad.
Pasakalye sa Pulitika
ni Norman
Sunday, November 16, 2008
Ang KILUSANG MASA at ang 2010 election
Kamakailan lang, naka-attend ako sa isang komperensyang “The Partisan Civil Society Discussion Series” na pinangunahan ng Ateneo School of Government at Friedrich-Ebert-Stiftung. At ito lang nakaraang linggo, sa isang huntahan cum inuman ng mga barkadang aktibista o CADRE, mga tirador ng social movements, mga grupong naniniwala sa “kalayaan at demoktasya," para sa "empowerment, social justice at transformation." Mula sa isyu ng RESESYON, nagtapos sa electoral politics ang usapan. Nagbato ako ng tanong sa mga CADRE, “partisan ba o non-partisan ba tayo sa 2010 election at BAKIT? Ang tugon, "kung sa KILUSAN ang usapan, maliwanag na walang kakandidato, NON-PARTISAN all through out. Dagdag pa, “mahirap mabahiran ng pulitika ang organisasyong mamamayan.” Pero 'wag ka, kung individual basis, meaning kung raket at hanap-buhay, involved kami. Marami sa kanila ang nakaposisyon na sa mga gawain mula sa "operador ng political machinery, gawaing political scanning at mapping, image at platform building.”
Sa kabilang banda, nasa war footing sa pang-araw-araw na issue based at kampanya ang kilusan ng mamamayan at ang civil society, pinanghahawakang grassroot democracy kaysa sa matagal ng isinusukang elite representative democracy. Para sa kanila, laro lamang ng elite ang eleksyon at kung sino man ang maupo, walang maaasahang pagbabago ng sistema. Tulad noon, “ang eleksyon ay isa lamang instrumento ng estado upang iligaw at pahupain ang naka-ambang pagputok ng social volcano sa bansa." Kaya lang, taliwas sa inaakala ng mga cadre, "matagal ng nag-eengaged," matagal ng partisan politics ang KILUSAN.
Malaki ang naging papel ng mga kilusan/civil society sa ating lipunan. Mula sa Edsa 1, 2, 3, charter change, pagkontra sa pipol initiative, No-El at emergency power ng pangulo, ganun talaga, yan ang kanilang mandato, ito ang kanilang reason for being. Kaya lang, ika nga ng isang kakilala kong pulitiko, "kung ang resources, mga pagsisikap, gawaing propaganda, edukasyon, pang-organisasyon at social transformation ay NAIBALANSE sa electoral politics, baka malaki na ang nagawa nito sa demokratisasyon ng lipunang Pilipino. Sinasabing baka nalagpasan natin ang antas na inabot ng anim (6) na bansang pinamumunuan ng mga aktibista ngayon sa Latin Amerika." (below Photo: http://cache.daylife.com/imageserve/0ewHbrQ9NgeGQ/610x.jpg)
“Mukhang tayo na ang balon, ang may pinakamaraming community organizer (CO) o NGO worker na nadevelop sa mundo.” Tayo na ang may pinakamaraming organisasyon na naitayo sa mundo.” Isa na tayo sa may pinakamayamang may karanasan sa labanang pulitika, community development, people empowerment discourse at sikat sa halos lahat ng mga international na pagtitipon patungkol sa social movements. Sa kabila nito, ang malaking tanong, bakit mahirap pa rin tayo?
Ayon kay Randy David, sa sulat english, “civil society organizations are the protagonists of political transitions. Their goal is to destabilize the norms of traditional politics in order to recast the framework of political contestation itself. That is why their preferred mode of struggle, whether they are conscious of it or not, tends to be extra-constitutional rather than electoral. What they seek is popular empowerment rather than government positions. People power is a child of civil society."
"But civil society’s strength is also its weakness. It can mobilize the masses for confrontation with power, but it is not itself equipped for elections and governance. Realizing the dead-end nature of pure advocacy, civil society organizations all too often find themselves immersed in electoral politics, deploying their capacity for popular mobilization to elect non-politicians to public office. What they do not quite see is the specificity of the rules of electoral engagement. And so they tend to lose not only elections but also quite often their taste for politics.”
Civil society organizations must together build and field political parties together. The 2010 presidential elections are near, and organized or not, many civil society organizations will be involved in one way or another in electoral and partisan campaigns. (Photo: Mayor Robredo, http://www.admu.edu.ph/ateneo/www/SiteFiles/Image/ED%202008/kaya-natin-085.jpg, bp2.blogger.com/.../
Walang dudang mas kiling sa election and non-violence na paraan ng pagbabago ang mahigit 90% ng mamamayang Pilipino . Ang problema nga lang, bukud sa kalat-kalat, walang lumilitaw na national figurehead na kilala't popular mula sa kilusang masa-civil society. Ito ba'y dahil sa walang mapagkakatiwalaan, nag-aalangan, walang mangahas na lumantad? Wala pang malinaw na pag-aaral kung nagbabago na ang pamantayan, profile, terrain, political maturity ang electorate (botante) sa Pilipinas. Ang sigurado, "ang pagkakapanalo ng palaban si Sen Trillanes, Ed Panlilio ng Pampanga, Grace Padaca ng Isabela, Jess Robredo ng Naga at marami pang iba ay posibleng mga indikasyon na katanggapan ng mamamayan sa bagong pulitika at reform agenda" sa pulitika. Umasa ka pa?
Related Story:
When civil society becomes political
By Randy David
Philippine Daily Inquirer
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20081011-165850/When-civil-society-becomes-political
Wednesday, November 12, 2008
East Bound And Down: A Homeless March On Washington Part 2
11 November, 2008
Countercurrents.org
The first installment of this series might have appeared to dismiss David Swanson's suggested march on Washington with regard to a "stolen election". Far from it, Swanson's call for justice seemed well founded, and he is probably best qualified to organize and lead that movement or any other. But in view of the recent victory for Barack Obama, this article series seeks to extend the purpose and application of Swanson's original proposal beyond the outcome of the 2008 Presidential election. (Photo above; www.barack-obama-sua.info)
First, most Americans cannot leave their jobs, homes and families indefinitely as Swanson suggests, whereas growing numbers of American homeless already have. As outlined in the first installment of this series, "American Homeless Ambassadors" are an army of disenfranchised citizens ready and waiting to be mobilized through regional and community coordination for a "Homeless March on Washington".
Second, much bigger problems still remain for all Americans to protest in Washington. As Susan Rosenthal suggests, "No matter who is elected, the war will continue to take American and Iraqi lives. The economy will be continue to be floated at the expense of working people. The environment will continue to be destroyed for profit. And more Americans will lose access to health care." Owned by corporate America, both Obama and McCain are on the same team, and it doesn't happen to be ours. Both presidential candidates supported the recent "Wall Street Bailout", and neither have proposed any sort of emergency plan to bailout "Main Street".
Meanwhile, Richard C. Cook, former policy analyst for the U.S. Treasury Department, has proposed a feasible plan designed to extend beyond the immediate crisis. To stabilize the U.S. economy, the "Cook Plan" simply injects it with purchasing power at a monthly rate of $1,000 per adult and $500 per child -- regardless of employment status.
Essentially, that's all there is to it -- a simple plan that is easy for everyone to understand, but not so easy for politicians to manipulate and distort for their own interests. Cook estimates the annual gap between production and purchasing power in the United States is about $3.77-trillion. The current U.S. population is just under 306-million. If monthly vouchers were distributed according to the "Cook Plan", the government would still have several hundred billion dollars left over at the end of each year. Sweet deal. So why hasn't the government implemented it yet? This is an excellent question that will be discussed in the next installment of this series.
Meanwhile, the "Cook Plan" is something all other Americans can literally get their teeth into. It's a positive proposal we can all get behind and promote in a "Homeless March on Washington", rather than merely protesting a "stolen election" or any number of other social injustices.
Meanwhile, the economic and ecological crises continue to escalate, and they're not going to magically disappear this time. So while a "Homeless March on Washington" might seem like a dirty job, somebody will eventually need to do it. Moreover, the effort will be far more successful with regional and community support than without it. Ann Friedman provides some interesting commentary in this regard:
"Today's social-justice activists start with very different conditions than those that existed in the 1960s. Yes, the student protests against the Vietnam War shook the country to its core. But it's not hard to connect the dots between the absence of a draft for the Iraq War and the lack of ongoing protest today." (Photo:ImageSourcePoorpeople'smarchonWashinton,http://bp0.blogger.com/_65x13012LT0/R5UXo092oZI/AAAAAAAAArA/ePZSVdnFcKM)/s320/poor+peoples%27s+march+on+washington.jpg )
Michael Moore follows with an entertaining thought: "America needs to bring back the draft, but only draft the children of the rich". But how many millions of American homeless have already been "drafted" and "shafted" in a very real sense -- by their own government? How many more of us need to be drafted before communities start coordinating a response to this madness? As the current economic crisis continues to escalate, perhaps increased numbers of Americans will become ready to mobilize a "Homeless March on Washington" for "Basic Income Guarantee".
In his many articles, Richard C. Cook very effectively fields all sorts of technical arguments regarding his proposal. But some important general observations can be made here:
1) At least one real world American example of Basic Income Guarantee already exists. Established in 1976, the "Alaska Permanent Fund" provides every citizen in the State of Alaska with an annual dividend of approximately $1,200 from productive surplus. So not only is guaranteed income entirely doable, it's already being done -- in the United States.
2) If the U.S. government can bail out wealthy bankers on Wall Street, then it can also bail out workers on Main Street. To coin an old cliché', "What's good for the goose is good for the gander." Any questions about inflation, welfare, funding, or feasibility should be applied at least as critically to the Wall Street Bailout and the war in Iraq as they are to a Basic Income Guarantee for every American citizen.
3) If our government can afford to maintain endless wars against unnamed terrorists in Iraq and elsewhere, then it can afford to satisfy the fundamental needs of every American citizen right here at home. In 1966, John Kenneth Galbraith suggested that a guaranteed income wouldn't cost "much more than we will spend the next fiscal year to rescue freedom and democracy and religious liberty as these are defined by 'experts' in Vietnam".
4) "The wealthy who own securities have always had an assured income; and their polar opposite, the relief client, has been guaranteed an income, however minuscule, through welfare benefits." Dr. Martin Luther King Jr. considered it a symptom of "confused social values that these two groups turn out to be the richest and the poorest". But these two extremes in American society have already enjoyed a "guaranteed income" for at least the past eighty years.
5) According to Dr. King, "The contemporary tendency in our society is to base our distribution on scarcity, which has vanished, and to compress our abundance into the overfed mouths of the middle and upper classes until they gag with superfluity." And Richard C. Cook concurs: "Our problems stem not from a failure to manage fairly the limited resources found in a world of scarcity but from our inability to manage a world of almost unlimited abundance and prosperity."
Dr. King's dream was to abolish Black segregation in the United States, and great strides resulted from his leadership in this regard. But "Phase 2" of Dr. King's dream was to eradicate poverty for people of all races worldwide. While he recognized that "people must be made consumers" through either employment or incomes or both, the centerpiece for King's proposal was "Basic Income Guarantee".
So, with such a long history and so much contemporary support, why does such a simple idea receive so much opposition from those in power? Why are the power structures on Wall Street and in Washington, D.C. so reluctant -- nay afraid -- to even discuss such an obviously viable plan for economic stability? Why must "We The People " march on Washington to gets this proposal discussed? If we're "all in this together" as Barack Obama suggests, then why must we force a reasonable decision upon him?
Meanwhile, the economic forecast is not at all promising, regardless of recent election results. Things will most likely get much worse before they start getting any better. Moreover, windy campaign rhetoric rarely translates very well into real-world practice.So it might be wise for communities nationwide to begin right now in organizing a Homeless March on Washington -- "East Bound and Down" -- to bring our leaders back to their senses.
David Kendall lives in WA and is concerned about the future of our world.
Related Story:
Sparing Obama Criticism Isn't Doing Him (or Us) Any Favors by Tom Engelhardt, Tomdispatch.com.
Posted November 13, 2008.
Obama is about to enter a hornet's nest of entrenched interests and ideology. Electing him was the easy part. Now the real work begins.
http://www.alternet.org/story/106828/sparing_obama_criticism_isn%27t_doing_him_(or_us)_any_favors/
Thursday, November 06, 2008
US election at ang 2010 Presidential election
November 7, 2008
Ilang buwan din akong nagsubaybay ng electoral politics sa US. Bagamat may kaunti akong kiling kay Obama laban kay McCain, bukud sa magkaiba ang approach, kambal tuko ang dalawa sa usaping patriotismo, sa kung paano proprotektahan, ipagtatanggol ang interest ng Amerika laban sa mga kaaway at pangingibabaw sa mundo. Sa tingin ko, bukud sa isyung human rights at kaganapan sa Muslim Mindanao at “global war on terrorism,” walang aasahang any major change sa US policy ni Obama sa Pilipinas. (Photo; Obama's campaign trail, http://www.jonesreport.com/images/230207_obama_scowl.jpg)
Hindi ako bilib sa sistema ng election sa US lalo na kung ikukumpara ito sa mas inclusive, pluralist election sa Scandinavian at ilang mauunlad na parliamentaryong bansa sa Europa. Sa kaso ng Pilipinas na nangopya ng sistemang politika at election sa US, "'di hamak na mas maunlad ang US kung ihahambing sa trapo, buluk, magastos, hindi kapani-paniwala't patayang election sa PIlipinas." Dahil sa nalalapit na ang 2010 at maagang nagsisimula na ang pamumulitika, pagtatayo ng makinarya't nagneNAME RECALL ang mga presidentiable, parang ito na ang tamang panahon upang kahit paano'y maihabol (Kongreso) pa sa nalalabing panahon ang advocacy, ang mga nabibinbin na panukalang batas patungkol sa reporma sa pulitika at election; ang strengthening ng political party, ang campaign finance, pagpapalakas ng partylist (from 20% to 50%), total automation at pagbuwag ng 100,000 private armies."
Maraming natutunan ang mga Pilipino sa katatapos na US Election na maaring magsilbing “VOTER'S EDUCATION" sa nalalapit na 2010 election. Una, ang sinasabing pinaka-makasaysayan, may timpladang social at political upheaval, organisado't may hibong kilusan para sa pagbabago na ikinapanalo ng kauna-unahang African-American president na si Barrack Obama. Bukud sa "may pinakamataas na voter's turnout sa kasaysayan" at high tech automated counting machine, sa loob ng tatlumpong minuto, tukoy agad ang nanalo at nagconcede agad ang natalong Sen John Mccain.
Pangalawa; ang papel ng dalawang partidong nagtunggali sa kapangyarihan ang Democratic at Republican party, ang PLATAPORMA, proseso't party convention at primaries, kung ikukumpara sa "ampaw, oportunista, turn coatism, political clan dominated, personality oriented, Kasal binyag Libing at pekeng political party sa Pilipinas (Lakas-CMD, KAMPI, NPC, NP,LP, Team Unity at UNO). Bagamat kamuntikanang mabahiran ng pandaraya ang sistemang election sa US nung talunin ni Bush si Gore, nananatiling mataas ang pagtitiwala ng mamamayang Amerikano sa kanilang sistema.
Pangatlo; “issue based” ang naging basehan ng election campaign, malayo sa "entertainment at show biz format" sa Pilipinas. Nanaig ang debate't diskurso, isang pangyayaring hindi kakikitaan sa Pilipinas. Sumentro sa economic crisis, rising unemployment at RECESSION ang kampanyahan. Para sa mga Amerikano, ang walong taong trahedyang kinasapitan ng super unpopular na President Bush, pinalala pa ng ala-cowboy na foreign policy, ang dahilan ng pagkakatalo ni McCain. Ang sabi ng ilan, "kung sakaling nangingibabaw ang isyu ng TERORISMO, malamang raw nagwagi si McCain."
Kamakailan lang, nagpahayag ng "radikal na pagbabago ang limang bishops at nanawagan ng suporta sa mga LIBERATORS at mamamayan na oras na, ngayon na mismo at 'di na kailangang hintayin pa ang 2010 ang pagbabago't pagpapatalsik sa imoral na gobyernong Arroyo." Ganito ang senaryo nuong 2005-6, ganito halos mga pangamba't pagbabadya at ganito rin halos ang kaliwa't kanang destabilization, pagpapasabog, ang "walk in the Park at insidente sa Manila Pen bago ang 2007 election."
Mataas ang kutub ng ilan na baka hindi matuloy ang 2010 election. Kaya lang, ano man ang "rapture," extra-constitutional na labanan o ang nakasalang na IMPEACHMENT sa Kongreso, kumpiyansado ang lahat na matutuloy ang 2010. Bukud sa minamaniubra sa Kongreso ang "cha cha sa paraang Con As, term extension ang hinalang nilulutong agenda ng Malakanyang, ang bantang emergency power o martial law, tulad ng inaasahan, muling maililibing at maibabasura."
Kung matutuloy ang 2010 at patuloy na nasa poder ang pinaka-unpopular na nakaupo sa Malakanyang, bukud sa lame duck president, kung sino man ang i-endorsonito ni GMA, siguradong pupulutin sa kangkungan sa 2010. Ganito ang nangyari kay McCain, ganito ang kinahinatnan nuong 2007 election (senatoriable race at Team Unity) at malamang, ang senaryo sa 2010. Walang malinaw na "mamanukin at winnable" na kandidato ang administrasyon sa 2010. Baka maubligang iinderso ang kandidatong labas sa partidong Lakas at Kampi. Bukud kay C5 insertion Sen Villar, walang ibang malapit-lapit kay GMA kundi ang Vice Pres Noli de Castro. Kaya lang, ang kakaharaping problema ni Noli, ang "kiss of death." Walang dudang matutulad siya kay McCain.
Inaasahang apat na isyu ang tatampok sa 2010 presidential election; Una, ang isyu ng illegitimacy, ang kasinungalingan, ang hello GARCI dagdag-bawas controversy nooong 2004 election, ang isyu ng clean, honest, credible at peaceful election. Pangalawa, ang kalunus-lunus na ekonomyang lalatay sa country sa unang quarto ng 2009 hanggang 2010, ang recession at dagok nito sa Pilipinas. Pangatlo, ang walong taong pangungurakot at ang panghuli, ang isyu ng Mindanao, peace process at ang naudlot na MOA-AD. (Editorial cartoon; http://www.philstar.com/archives.php?aid=20081104100&type=2)
Gubyernong pinagtitiwalaan, bago, tunay at aktibistang pamahalaan ang kailangan sa 2010. Gubyernong maglilingkod at hindi pinaglilingkuran, may accountability at responsive sa aspirasyon ng mamamayan. Isang gubyernong demokratiko, may gulugud at participatory. Ika nga ng limang Bishops, "isang bagong lipunan at gubyernong magsusulong ng radikal na pagbabago, sa pulitika, sa ekonomya at sa kultura."
Related Story:
Can Grassroots Movement that Propelled Obama to Victory Chart a Better Economy?
by via Democracy Now
Friday Nov 7th, 2008
http://www.indybay.org/newsitems/2008/11/07/18549475.php
A Paradigm Shift In America’s Intellectual Community
By Pablo Ouziel
Monday, November 03, 2008
REMITTANCE ECONOMY
Nov 4, 2008
Tagumpay raw ang katatapos na 2nd Global Forum on Migration and Development. Kung ano man 'yon, "nakasalalay pa rin ito sa isang matatag, may gulugod at isang gubyernong may political will." (Political cartoon; http://pinoyweekly.org/cms/files/u5/PWedcartoon_11july08.jpg)
Tulad ng inaasahan, nangibabaw ang interest ng private enterprises (private sector, banks, corporations, recruitment agencies at money transfer companies) kaysa sa matagal ng advocacy ng migranteng manggagawa at civil societies. Sa temang “pagpapalakas at pagsasakapangyarihan,” mas nanaig ang paninging isang "kalakal, commodity ang migrant worker." Bukud sa GLOBAL RECESSION, “mas magiging masalimuot, , hihigpit at magiging competitive, magpapatuloy ang pagsasamantala, pang-aapi at titindi ang kawalang katarungan at paglabag sa karapatang pantao ang hanay ng migranteng mangagagawa."
Bawat isa sa atin ay may kamag-anak na OFW at migrante sa US, Europe, Australia/New Zealand, Middle East, Africa o Asia. Isang halimbawa ay ang bunso kong kapatid. Nung nagpasya siyang mag OFW, parang walang naglakas loob o nangahas na pigilan siya. Bunsod ng ilan taon hirap sa buhay, nakikitira sa aming magulang. Kahit isang propesyunal, hirap makahanap ng magandang trabaho at ang tanging pansalba ay ang kakaramput na kita ng kanyang asawang engineer. Ang problema, lumalaki ang mga anak at kailangang matugunan ang pangangailangan.
Sa mahigit sampung taon sa Saudi't Nigeria, nagsarili't bumukud siya sa aming magulang at nagkaroon ng sariling bahay, sasakyan, kumpletong gamit at simpleng pamumuhay. Ang kanyang mga matatalinong anak ay nasa kilalang private school sa Quezon City. Sa tuwing anim na buwan, siya'y umuwi't dumadalaw sa kanyang mga anak. Ang kanyang asawa na matagal ng namamasukan sa isang Engineering Firm sa Ortigas ay nakasungkit ng kontrata sa New Delhi, India at ngayon'y nakikipagsapalaran alang-alang sa pamilya. Tipikal ang ganitong sitwasyong pamilya sa Pilipinas.
As of December 2007, may sampung (10.0) milyong Filipinos na ang namamasukan, nag-alsabalutan at ngayo'y nanirahan sa mahigit 190 bansa sa mundo. Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), may isang milyong Filipinos (1.7 milyon) ang nagma-migrate taun-taon. Kaya lang, anuman ang kahinatnan at propaganda sa isyu, "mag-iintensify ang human instict for survival ng pamilyang Pinoy na nagnanais mabuhay bilang tao."
Ang Pilipinas na ang isa may pinakamalaking bilang ng migrant workers sa mundo at mukhang tinapatan na nito ang India, China at Mexico. May mahigit isang milyon (1.2 million) ang mga undocumented (excluding Sabah, Malaysia), halos limang libo ang inaalipusta, hinuhuli, tratong hayop at ginagahasa. Ang masaklap may 30 ang nakahanay sa death row na nag-aantay ng tulong mula sa gobyernong Arroyo.
Ang MIGRATION ay produkto ng mahabang kasaysayan ng karalitaan, underdevelopment, kawalang pag-asa't oportunidad at 'di pantay na distribusyon ng yaman ng bansa. Ayon sa mga historiador, bago pa dumating ang mga Kolonyalistang Kastila't Amerikno, kalat na ang mga ninuno natin sa Asia-Pasipiko. Noong 1960s-mid70s kung saan itinuturing isa sa pinakamaunlad na bansa sa Asia ang Pilipinas, " diniklarang pansamantalang (temporary) STOP GAP economic at employment measure" at kung sakaling marating ang status na “Newly Industrialized Country (NIC)” ititigil ang MIGRATION. After 30 years, nagtuloy-tuloy at nag-intensify ang labor export at ang inaa-asam-asam na NIC , naging bangungot. (Photo:Remittances, http://www.blinkdesigns.org/illustrado/images/uncat/REMITTANCE.jpg)
Ayon sa World Bank, umabot na sa $251.0 bilyon ang remittances ng OFW at nilagpasan na nito ang $104.0 billion Official Development Assistance sa Pilipinas. Parang siya na ang bumubuhay sa "bangkang papel" na ekonomiya ng bansa. Tinitingalang bagong modelo ng kaunlarang umaasa sa remittances at consumption based, imbis na linangin ang mga highly skilled at professional, brain drain o parang silver platter na ibinibigay sa mauunlad na bansa ang resources at ipinundar, pinagbuwisan, (doctor, nurses, teachers, architects, artist, engineer, scientist at Information technologist) at nilikhang karunungan at kasanayan ng bansa. " Sa bandang huli, tayo pa rin ang papasan at magiging kawawa sa trahedyang pagbabayaran ng lipunang Pilipino."
Walang klarong study at malalimang pananaliksik kung nakakatulong ba sa pag-unlad ang remittances sa bansa o sa mga kumunidad? Kaya lang, ano mang larawang ipakita, ito ma'y macro-micro analysis ng magkabilang panig, trahedya't hulog ng langit, para sa isang MIGRANT WORKER, ang “mai-ahon sa karukhaan ang sariling pamilya't kamag-ankan at makapag-ambag kahit paano sa pagbabago." Trahedya man at “modern day slavery ang OFW penomenom,” magpapatuloy ang pag-aalsa balutan at pangingibang bansa ng ating mga kababayan.
Ginagamit ng Malakanyang bilang SALBABIDA ang tinatawag na mga bagong bayani at dahil daw sa remittances, "gumaganda't lumakas raw ang piso. Umunlad daw ng mahigit 6.9% ang ating Gross Domestic Product (GDP), tumaas ang per capita income, mula $1,000.0 nung 1990, umabot raw ito sa $1,400.0. "Nakahanay na raw ang Pilipinas sa Ikalawang Daigdig (2nd world) at wala na raw tayo sa kategorya ng Ikatlong Daigdig?"
Sa reality, tayo na ang may pinakamalaking squater's colony sa buong Asia, may pinakamalaking bilang ng child labor sa buong mundo at may pinakamatagal na insureksyon at rebelyon sa mundo. Tayo na ang sumasapo ng basura (scrap at ukay-ukay) ng Japan, US, Australia, China, India at Malaysia. Wala tayong maipagmamalaking STEEL INDUSTRY na sana'y magbibigay daan upang makagawa ng makina na magpro-produce ng panibago pang makina, tools / kagamitan, barko't katawan man lang ng eroplano o train na ine-export imbis na migrant workers. Puro abuloy ang barko de gera ng Phi. Navy at eroplanong pandigma't helicopter ng Phil. Air Force.
Mahalagang pag-isipan ng gubyernong papalit (2010, kung sino man 'yon) ang “alternative development strategy” na matagal ng adbokasiya ng maraming organisasyon kaysa sa "labor export policy" na itinakwil na ng mauunlad at mga kalapit-bansa.