Sunday, November 16, 2008

Ang KILUSANG MASA at ang 2010 election

Doy Cinco / Nov 16, 2008

Kamakailan lang, naka-attend ako sa isang komperensyang “The Partisan Civil Society Discussion Series” na pinangunahan ng Ateneo School of Government at Friedrich-Ebert-Stiftung. At ito lang nakaraang linggo, sa isang huntahan cum inuman ng mga barkadang aktibista o CADRE, mga tirador ng social movements, mga grupong naniniwala sa “kalayaan at demoktasya," para sa "empowerment, social justice at transformation." Mula sa isyu ng RESESYON, nagtapos sa electoral politics ang usapan. Nagbato ako ng tano
ng sa mga CADRE, “partisan ba o non-partisan ba tayo sa 2010 election at BAKIT? Ang tugon, "kung sa KILUSAN ang usapan, maliwanag na walang kakandidato, NON-PARTISAN all through out. Dagdag pa, “mahirap mabahiran ng pulitika ang organisasyong mamamayan.” Pero 'wag ka, kung individual basis, meaning kung raket at hanap-buhay, involved kami. Marami sa kanila ang nakaposisyon na sa mga gawain mula sa "operador ng political machinery, gawaing political scanning at mapping, image at platform building.”

Sa kabilang banda, nasa war footing sa pang-araw-araw na issue based at kampanya ang kilusan ng mamamayan at ang civil society, pinanghahawakang grassroot democracy kaysa sa matagal ng isinusukang elite representative democracy. Para sa kanila, laro lamang ng elite ang eleksyon at kung sino man ang maupo, walang maaasahang pagbabago ng sistema. Tulad noon, “ang eleksyon ay isa lamang instrumento ng estado upang iligaw at pahupain ang naka-ambang pagputok ng social volcano sa bansa." Kaya lang, taliwas sa inaakala ng mga cadre, "matagal ng nag-eengaged," matagal ng partisan politics ang KILUSAN.

Malaki ang naging papel ng mga kilusan/civil society sa ating lipunan. Mula sa Edsa 1, 2, 3, charter change, pagkontra sa pipol initiative, No-El at emergency power ng pangulo, ganun talaga,  yan ang kanilang mandato, ito ang kanilang reason for being. Kaya lang,  ika nga ng isang kakilala kong pulitiko, "kung ang resources, mga pagsisikap, gawaing propaganda, edukasyon, pang-organisasyon at social transformation ay NAIBALANSE sa electoral politics, baka malaki na ang nagawa nito sa demokratisasyon ng lipunang Pilipino. Sinasabing baka nalagpasan natin ang antas na inabot ng anim (6) na bansang pinamumunuan ng mga aktibista ngayon sa Latin Amerika." (below Photo: http://cache.daylife.com/imageserve/0ewHbrQ9NgeGQ/610x.jpg)

“Mukhang tayo na ang balon, ang may pinakamaraming community organizer (CO) o NGO worker na nadevelop sa mundo.” Tayo na ang may pinakamaraming organisasyon na naitayo sa mundo.” Isa na tayo sa may pinakamayamang may karanasan sa labanang pulitika, community development,  people empowerment discourse at sikat sa halos lahat ng mga international na pagtitipon patungkol sa social movements. Sa kabila nito, ang malaking tanong, bakit mahirap pa rin tayo?

Ayon kay Randy David, sa sulat english, “civil society organizations are the protagonists of political transitions. Their goal is to destabilize the norms of traditional politics in order to recast the framework of political contestation itself. That is why their preferred mode of struggle, whether they are conscious of it or not, tends to be extra-constitutional rather than electoral. What they seek is popular empowerment rather than government positions. People power is a child of civil society."

"But civil society’s strength is also its weakness. It can mobilize the masses for confrontation with power, but it is not itself equipped for elections and governance. Realizing the dead-end nature of pure advocacy, civil society organizatio
ns all too often find themselves immersed in electoral politics, deploying their capacity for popular mobilization to elect non-politicians to public office. What they do not quite see is the specificity of the rules of electoral engagement. And so they tend to lose not only elections but also quite often their taste for politics.”

Civil society organizations must together build and field political parties together.
The 2010 presidential elections are near, and organized or not, many civil society organizations will be involved in one way or another in electoral and partisan campaigns. (Photo: Mayor Robredo, http://www.admu.edu.ph/ateneo/www/SiteFiles/Image/ED%202008/kaya-natin-085.jpg, bp2.blogger.com/.../s320/among_ed2.jpg)

Walang dudang mas kiling sa election and non-violence na paraan ng pagbabago ang mahigit 90% ng mamamayang Pilipino . Ang problema nga lang, bukud sa kalat-kalat, walang lumilitaw na national figurehead na kilala't popular mula sa kilusang masa-civil society. Ito ba'y dahil sa walang mapagkakatiwalaan, nag-aalangan, walang mangahas na lumantad? Wala pang malinaw na pag-aaral kung nagbabago na ang pamantayan, profile, terrain, political maturity ang electorate (botante) sa Pilipinas. Ang sigurado, "ang pagkakapanalo ng palaban si Sen Trillanes, Ed Panlilio ng Pampanga, Grace Padaca ng Isabela, Jess Robredo ng Naga at marami pang iba ay posibleng mga indikasyon na katanggapan ng mamamayan sa bagong pulitika at reform agenda" sa pulitika. Umasa ka pa?

Related Story:
When civil society becomes political
By Randy David
Philippine Daily Inquirer
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20081011-165850/When-civil-society-becomes-political

No comments: