Saturday, November 22, 2008

PEACE CARAVAN

Doy Cinco / Nov 23, 2008

Kahapon ng umaga, napasilip ako sa Quezon Memorial circle kung saan ginanap ang isang bahagi ng programang "Baguio-Cotobato PEACE CARAVAN." Layon iparating kay GMA at sa pamunuan ng MILF na si Al Haj Murad Ebrahim na muling simulan ang naudlot na usapang pangkapayapaan. Ayon sa mga organizer, "hindi na makakayanan ang patuloy na kahirapan, ligalig at pighating dinaranas sa walang kalatuy-latoy at bilyung pisong nawawaldas sa digmaan."

(Larawan; Kinalembang ng isang babae ang World Peace Bell kasabay ng rally na isinagawa ng mga Filipino Muslim sa Quezon City kahapon para ipanawagan ang kapayapaan sa Mindanao. (AFP) http://www.abante-tonite.com/issue/nov2308/index.htm)
At kung idadagdag pa ang paparating na krisis pampinansya, ang slowdown ng ekonomiya na dulot ng lumalalang RESESYON ng mundo, dobleng latay ang tama at wala ng dahilan upang ipagkait ang kapayapaan. Anila, “war has always been waged by people who profit from it, but peace is more profitable.” Kamakailan lang, ganap ng ibinasura ng Supreme Court ang MOA-AD, na ito'y "violation sa ating Constitution (Bangsamoro Judicial Entity)." Walang dudang may tumataya, nanggagatong, may nakiki-alam at may makikinabang na makapangyarihang pwersang pulitikal sa digmaang Mindanao.

Political survival hanggang at beyond 2010 ang isa sa maaring paggamitan ng gera sa Mindanao. Parang trojan horse sa matagal ng balaking Charter Change term extension ng Malakanyang na paniguro ng makakalusot at nakasalang sa Kongreso. Hindi imposible ang ala Marriot Hotel bombing sa Pakistan na mangyari sa Manila o malalaking lunsod sa Mindanao." Tulad ni Marcos, "emergency power o martial law scenario ang maaring ganansya sa lilikhain gulo sa Mindanao.

Mas mahalagang maipagpatuloy ang peace process, kahit paano, sa punto de vista ng mamamayang Moro, mas mainam na ito sa panimula upang tuloy-tuloy na mabalikan, pag-usapan at mahimay-himay ang iba pang malalalim na isyung bumabalot sa "karapatan ng Bangsa Moro para sa democratic right for self determination." Habang nananawagan ang maraming sektor, ang simbahan at civil society, maging ang international community, partikular ang Organization of Islamic Conference (OIC) para sa KAPAYAPAAN, napapraning ang hanay ng elite na pulitiko (oposisyon at administrasyon) at nanawagan pa ng all-out-war laban sa mga kaaway ng Malakanyang.

Suntuk sa buwan!!! Kung ang mga pulitikong ito'y "tunay na makabayan (pagpapanggap)," sila na lang kaya, mga anak na lang kaya, mga mahal nila sa buhay kaya ang ipadpad at ideployed sa larangan ng labanan sa Mindanao?

3 comments:

Unknown said...

Truly Doy, PEACE is more profitable!

doy said...

Salamat sa comment. Ang problem, mismo sa Kidapawan at buong North Cotobato ay hawak sa leeg ni Vice Gov Pinol, ang tirador ng MOA-AD at pasimuno ng pagtatag ng PRIVATE ARMIES laban sa insureksyong Moro.

yanmaneee said...

jordan shoes
supreme hoodie
jordan 6
golden goose sneakers
coach outlet
kyrie 3
yeezy boost 350
balenciaga shoes
nike huarache
moncler jacket