Thursday, November 06, 2008

US election at ang 2010 Presidential election

Doy Cinco /
November 7, 2008

Ilang buwan din akong nagsubaybay ng electoral politics sa US. Bagamat may kaunti akong kiling kay Obama laban kay McCain, bukud sa magkaiba ang approach, kambal tuko ang dalawa sa usaping patriotismo, sa kung paano proprotektahan, ipagtatanggol ang interest ng Amerika laban sa mga kaaway at pangingibabaw sa mundo. Sa tingin ko, bukud sa isyung human rights at kaganapan sa Muslim Mindanao at “global war on terrorism,” walang aasahang any major change sa US policy ni Obama sa Pilipinas. (Photo; Obama's campaign trail, http://www.jonesreport.com/images/230207_obama_scowl.jpg)

Hindi ako bilib sa sistema ng election sa US lalo na kung ikuku
mpara ito sa mas inclusive, pluralist election sa Scandinavian at ilang mauunlad na parliamentaryong bansa sa Europa. Sa kaso ng Pilipinas na nangopya ng sistemang politika at election sa US, "'di hamak na mas maunlad ang US kung ihahambing sa trapo, buluk, magastos, hindi kapani-paniwala't patayang election sa PIlipinas." Dahil sa nalalapit na ang 2010 at maagang nagsisimula na ang pamumulitika, pagtatayo ng makinarya't nagneNAME RECALL ang mga presidentiable, parang ito na ang tamang panahon upang kahit paano'y maihabol (Kongreso) pa sa nalalabing panahon ang advocacy, ang mga nabibinbin na panukalang batas patungkol sa reporma sa pulitika at election; ang strengthening ng political party, ang campaign finance, pagpapalakas ng partylist (from 20% to 50%), total automation at pagbuwag ng 100,000 private armies."

Maraming natutunan ang mga Pilipino sa katatapos na US Election na maaring magsilbing “VOTER'S EDUCATION" sa nalalapit na 2010 election. Una, ang sinasabing pinaka-makasaysayan, may timpladang social at political upheaval, organisado't may hibong kilusan para sa pagbabago na ikinapanalo ng kauna-unahang African-American president na si Barrack Obama. Bukud sa "may pinakamataas na voter's turnout sa kasaysayan" at high tech automated counting machine, sa loob ng tatlumpong minuto, tukoy agad ang nanalo at nagconcede agad ang natalong Sen John Mccain.

Pangalawa; ang papel ng dalawang partidong nagtunggali sa kapangyarihan ang Democr
atic at Republican party, ang PLATAPORMA, proseso't party convention at primaries, kung ikukumpara sa "ampaw, oportunista, turn coatism, political clan dominated, personality oriented, Kasal binyag Libing at pekeng political party sa Pilipinas (Lakas-CMD, KAMPI, NPC, NP,LP, Team Unity at UNO). Bagamat kamuntikanang mabahiran ng pandaraya ang sistemang election sa US nung talunin ni Bush si Gore, nananatiling mataas ang pagtitiwala ng mamamayang Amerikano sa kanilang sistema.

Pangatlo; “issue based” ang naging basehan ng election campaign, malayo sa "entertainment at show biz format" sa Pilipinas. Nanaig ang debate't diskurso, isang pangyayaring hindi kakikitaan sa Pilipinas. Sumentro sa economic crisis, rising unemployment at RECESSION ang kampanyahan. Para sa mga Amerikano, ang walong taong trahedyang kinasapitan ng super unpopular na President Bush, pinalala pa ng ala-cowboy na foreign policy, ang dahilan ng pagkakatalo ni McCain. Ang sabi ng ilan
, "kung sakaling nangingibabaw ang isyu ng TERORISMO, malamang raw nagwagi si McCain."

Kamakailan lang, nagpahayag ng "radikal na pagbabago ang limang bishops at nanawagan ng suporta sa mga LIBERATORS at mamamayan na oras na, ngayon na mismo at 'di na kailangang hintayin pa ang 2010 ang pagbabago't pagpapatalsik sa imoral na gobyernong Arroyo." Ganito ang senaryo nuong 2005-6, ganito halos mga pangamba't pagbabadya at ganito rin halos ang kaliwa't kanang destabilization, pagpapasabog, ang "walk in the Park at insidente sa Manila Pen bago ang 2007 election."

Mataas ang kutub ng ilan na baka hindi matuloy ang 2010 election. Kaya lang, ano man ang "rapture," extra-constitutional na labanan o ang nakasalang na IMPEACHMENT sa Kongreso, kumpiyansado ang lahat na matutuloy ang 2010. Bukud sa minamaniubra sa Kongreso ang "cha cha sa paraang Con As, term extension ang hinalang nilulutong agenda ng Malakanyang, ang bantang emergency power o martial law, tulad ng inaasahan, muling maililibing at maibabasura."

Kung matutuloy ang 2010 at patuloy na nasa poder ang pinaka-unpopular na nakaupo sa Malakanyang, bukud sa lame duck president, kung sino man ang i-endorsonito ni GMA, siguradong pupulutin sa kangkungan sa 2010. Ganito ang nangyari kay McCain, ganito ang kinahinatnan nuong 2007 election (senatoriable race at Team Unity) at malamang, ang senaryo sa 2010. Walang malinaw na "mamanukin at winnable" na kandidato ang administrasyon sa 2010. Baka maubligang iinderso ang kandidatong labas sa partidong Lakas at Kampi. Bukud kay C5 insertion Sen Villar, walang ibang malapit-lapit kay GMA kundi ang Vice Pres Noli de Castro. Kaya lang, ang kakaharaping problema ni Noli, ang "kiss of death." Walang dudang matutulad siya kay McCain.

Inaasahang apat na isyu ang tatampok sa 2010 presidential election; Una, ang isyu ng illegitimacy, ang kasinungalingan, ang hello GARCI dagdag-bawas controversy nooong 2004 election, ang isyu ng clean, honest, credible at peaceful election. Pangalawa, ang kalunus-lunus na ekonomyang lalatay sa country sa unang quarto ng 2009 hanggang 2010, ang recession at dagok nito sa Pilipinas. Pangatlo, ang walong taong pangungurakot at ang panghuli, ang isyu ng Mindanao, peace process at ang naudlot na MOA-AD. (Editorial cartoon; http://www.philstar.com/archives.php?aid=20081104100&type=2)

Gubyernong pinagtitiwalaan, bago, tunay at aktibistang pamahalaan ang kailangan
sa 2010. Gubyernong maglilingkod at hindi pinaglilingkuran, may accountability at responsive sa aspirasyon ng mamamayan. Isang gubyernong demokratiko, may gulugud at participatory. Ika nga ng limang Bishops, "isang bagong lipunan at gubyernong magsusulong ng radikal na pagbabago, sa pulitika, sa ekonomya at sa kultura."

Related Story:
Can Grassroots Movement that Propelled Obama to Victory Chart a Better Economy?

by via Democracy Now
Friday Nov 7th, 2008
http://www.indybay.org/newsitems/2008/11/07/18549475.php

A Paradigm Shift In America’s Intellectual Community
By Pablo Ouziel

http://www.countercurrents.org/ouziel061108.htm

No comments: