Saturday, November 19, 2011

Damaged INSTITUTION


Sa loob lamang ng dalawa't kalahating dekada (2 1/2 decade), 3 tiwaling pangulo na (diktadurang Marcos, Erap Estrada at GMA) ang naibabagsak sa poder ng kapangyarihan. Kung susumahin, ang tanong ng marami, ganap na bang matatag ang sistema ng hustisya at demokratikong institusyon sa bansa? Ano man ang opinyon ng iba't-ibang grupo, ang realidad, nananatiling mailap pa rin ang katarungang panlipunan sa isang bansang kung turingan ay mahirap pa sa daga.

Alam na natin ang kabuuang itinakbo ng mga pangyayari; mula sa TRO, St Lukes Gen Hospital, flight booking, arrest warrant hanggang nai-booked at nag-piano sa detensyon ang dating Pangulo at kasalukuyang Kinatawan ng 2nd district Pampanga na si Gloria Macapagal Arroyo. Dahil sa kasong electoral sabotage, ang Pilipinas ay nakaligtas daw sa isang Constitutional Crisis. (Editorial caricature, courtesy of http://www.abante-tonite.com/issue/nov2011/editorial.htm)

Sa halos apat na araw (last week) na mga kaganapang politikal, ayon kay Atty Topacio, isa sa mga legal counsel ng mga Arroyo, "kung baga sa labanang Pacquiao– Marquez, nakuha namin ang early part ng rounds, subalit, sa dulo na-TKO kami."

Ang kulang sa GMA camp, wala siyang suporta na nagmumula sa grassroot, mga political movements, mga aktibista at malaking bilang ng civil society na dekada ng nananawagan ng pagbabago at hustisya. "Mob rule" ang tingin ni GMA sa kilusan ng mamamayan at people power. Maliban sa halos mayorya ng mga mahistrado sa Korte Suprema, ang political base ni GMA ay nagconcentrate lamang sa ilang traditional na pulitiko, dati niyang gabinete, ilang Generals sa AFP, mainstream media at bishop na di naman gaanong nakaporma sa kasagsagan ng labanang politikal nung nakaraang Linggo. Marami sa kanila ay dumistansya at nanahimik na lamang.

Ang bigat ng suliranin ngayon ni SC Chief Justice Corona. Ang mamamayan at ang mundo ay nagmomonitor sa bawat galaw ng Supreme Court. Paano nila muling maibabalik ang pagtitiwala at credibility ng Korte Suprema, kung saan may 8 appointee si GMA at siya mismo ngayon ay nakaditini't naiipit sa kasong PANANABOTAHE (pananalaula ng demokrasya) sa HALALAN?

Dahil sa TRO at iba pang kontrobersyal na mga desisyon, "nabahiran ng putik ang SC, the damage is done ika nga at mukhang first time ito sa kasaysayan ng SC sa Pilipinas."

Una, pwedeng i-gag order o tanggalin na sa pwesto bilang spokeperson ng SC si Midas Marquez, "sakripisyong mag-bitiw" bilang Chief Justice si Corona o magresigned en-massed ang mga tukoy na 7 Arroyo loyalist na justices at maghalal ng bagong Chief Justice? Pangalawa, imintina't walang pagbabago sa katangian at composition ng mga mahistrado sa SC o status quo at ituloy ang pakikipag-komprontasyon sa Pnoy administrasyon?

Kung sa pangalawa at mukhang ito ang scenario, delikading at mapanganib, sapagkat ang public opinion ng populasyon ay wala sa kanila at malakas ang sintiemento ng mamamayan laban sa korupsyon, katiwalian at mahirap makipag-away sa isang administrasyon na may mataas ang credibility at satisfaction rating, mga datos na inilalabas kamakailan lang ng Pulse Asia at SWS.

Hindi maitatangging nabahiran ng kulay ang 1 (Chief Justice Corona) at 7 iba pang mahistrado ng SC, ang mapanganib at ang TRAHEDYA ay kung mababahiran ang buong INSTITUTION, damay ang katatagan ng estado, ang sistema ng hustisya at ang 2 pang sangay ng gubyerno (Legislative at Executive).


Friday, October 21, 2011

“Military madness, military adventurism”


Dahil sa tragic incidence sa Basilan at Zamboanga Sibugay, "bad word sa marami ngayon ang peace process at peace talks." Ikinukumpara pa ngayon ang naging aksyon ni Erap na siyang dumurog daw sa MILF at sa mga pinagkukutaan nito sa desisyon ni Pnoy na isa-isang tabi ang mungkahing "all out war" sa muslim Mindanao.

Pumapangalawa sa buong mundo sa pinakamatagal na internal conflict ang muslim Mindanao; sinasabing "mayroong tatlong all out war na ang naisagawa ng gubyerno mula sa panahon ni Marcos hanggang kay Erap at makatatlong beses na rin daw na kahalintulad na trahedyang kinasapitan ng tropang militar sa kamay ng rebeldeng Moro sa Al-Barkah, Basilan." (left photo: 500000 internal refugees from the conflict courtesy of midfield.wordpress.com / waiting‑for‑peace‑montage.jpg)

Sa isang command conference kahapon, imbis na kunsintihin, nalagay sa alanganin ang ilang matataas na opisyal ng Phil Army-SF na-involved sa palpak na "test mission," lapses, utak pulbura at military adventurism. Ginamit pa ng grupo nila Chiz Escudero, Lacson, Bongbong Marcos, GMA loyalist at ni Vice President Binay ang isyu kasabwat ang mainstream MEDIA para upakan ang peace process ni Pnoy at makaporma sa 2013-2016 election.

Kung sakaling maipatupad ang all out war, mukhang hindi kakayanin, hindi napapanahon, mataas ang human cost at wala itong kapana-panalo. Apat na probinsya sa ARMM ang posibleng maging sentro ng madugong labanan, aasahan ang mahigit libong civilian at ilang bilang ng mga combatant sa magkabilang panig ang posibleng casualties. “Humanitarian crisis" muli ang ating masasaksihan, mas singlupit sa bagyong Ondoy at Pedring. Aasahan ang senaryong may isang milyon mamamayan (internal refugees) ang madi-displaced, di mabilang na mga paaralan, kabahayan at Mosque ang maa-abo bilang mga collateral damages. Aasahan din na parehong magmamayabang na sila'y nananalo at walang aaming natatalo sa labanan.

Walang dudang mai-interntionalized ang all out war, meaning pupulutanin ito ng Al Jazeera, BBC at CNN. Maliban sa International Red Cross, muling eeksena ang European Commision (EU), United Nation, organization of Islamic Conference (OIC) at iba't-ibang local at international NGOs sa humanitarian catasthrope na ibubunga nito. Kung may dalawang-daang milyon piso kada araw (P200.0 milyon / araw x 60 days) ang gastos sa limited military operation, aabot sa labing-dalawang billyon piso (P12.0 billion) ang mawawaldas na salapi't resources ng gubyerno.

Mula sa positional at conventional warfare, nagshift sa guerrilla warfare ang MILF. Malawak ang kalupaan na maiikutan na maaring magsilbing maniubrahan sa atakeng militar, kontra-depensa at atrasan. May 2.0 milyong muslim (ilang doble ang laki ng bilang kaysa sa Palestino sa Gaza Strip at West Bank) ang maaring languyan at handang prumotekta sa sonang guerilla ng rebeldeng Moro.

Hindi maiiwasang lumabag sa protocol ng Geneva Convention at karapatang pantao ang military. Hindi na uubra ang “Low Intensity Conflict at devide and rule tactics” ng AFP (para-military unit/Cafgu) sapagkat halos lahat ng mga tao sa komunidad, kundi man kamag-anak ay malapit sa pananampalatayang muslim. Ito ang kasaysayaan kung bakit hindi nagupo ng Kolonyalistang Kastila at Amerika ang insureksyong Moro may ilang siglo na ang nakalipas.

Ano ang nasa likud at tunay na pakay kung bakit paulit-ulit (cycle of violence) at hindi natututo’t walang kapaguran sa gera ang ilan sa ating mga kasundaluhan? Ito ba'y para protektahan ang Constitution, ng bawat pulgada (inches) ng ating teritoryo o proteksyunan ang mga angking iligal na yaman ng mga maimpluwensya't makapangyarihan. Ito ba'y para sa kabayanihan, para sa mabilisang promosyong militar o isang lantay na "military madness at adventurism?" ("Military Madness" - anti-Vietnam War popular hit song ng Crosby Still Nash & Young - CNS & Y at "Wala ng tao sa Sta Filomena" ni Joey Ayala nung dekada 80s sa Mindanao)

Ganito ang assessment at sinasabi ngayon ng British at US army officers sa iligal na panloloob sa Afghanistan at Iraq. “Walang kapana-panalo ang gera at habang lumalaon, lalo lamang lumalakas at nag-iintensify ang mapanlabang diwa ng mapagpalayang pwersang muslim. Hindi na makakayanan ang isang military solution, kailangang daanin sa peaceful nego at political solution.” (Photo: si Pnoy at Murad sa Tokyo Japan)

Tama si Pnoy sa kanyang paninindigang ituloy ang peace process at tigil putukan. Anya, "walang kahihinatnan ang all out war, “wala itong magandang maidudulot, walang nananalo, talunan lahat, lalo lamang makapagpapa-alab ng damdamin at sigalot ang gera. Sa kabila ng masidhing krisis sa pananalapi, lalo lamang malulugmuk sa kumunoy ng kahirapan ang bansa.” Kung baga, "hearths and minds” ang susi sa labanan at kung sino ang makakapag-provide ng tunay na awtonomiya, self-governance at pagpapasya sa sarili, siya ang panalo.

Thursday, October 06, 2011

"Force Evacuation at Man-made Calamities"


Sa layuning maminimized daw ang casualty (zero casualty) sa tuwing may dilubyo’t kalamidad, “force evacuation” ang nakikitang shortcut na solusyon ng mga pulitiko. Mas nakatuon ang naturang hakbangin sa kung paano lulunasan ang epekto, mitigation at wala sa balangkas ng preperasyon, partisipasyon at epektibong pagpaplano. Parang gustong palabasin na ang mamamayan ang salarin at dapat sisihin sa paglobo at paglaki ng casualties.

Bakit ayaw magsilikas ang mga tao sa kani-kanilang bahay at pamayanan sa kabila ng vulnerabilities sa panganib? Simpleng pasaway lang ba o masyadong komplikado at baka magboomerang sa mukha ng mga pulitiko ang dahilan? Sino ba ang tunay na salarin sa palagiang sakuna't trahedya? May makatotohanang patakaran ba, partnership and consultation sa mamamayan, may paghahanda at planado ba ang naturang aksyon o ito'y "lantay na ura-urada at bara-bara bay" na pagkilos ng gubyerno? (Editorial cartoon, courtesy of;http://www.abante-tonite.com/issue/mar1411/editorial.htm)

May "CLIMATE CHANGE" o wala, bagyuhin at disaster’s prone areas, at nasa ring of fire sa PASIPIKO (kasama ang mahigit 20 bansa) ang ating bansa. Kung baga, naging bahagi na ng buhay ng ating mga ninuno at kasaysayan ang sakuna. Ang Pampanga ay galing sa salitang PAMPANG (Pampanga River Delta) at ang Tagalog ay Taga-ILOG (Pasig River-Laguna de Bay). Dahil sa palagiang lubog sa baha ang mga pamayanan, imiikot ang takbo ng pamumuhay at naiigpawan ito sa pamamagitan ng "BALANGAY."

Mabentang "raket ngayon (project proposals) ng mga matatalino" at mga institutions (GO / NGOs) for foreign funding purposes ang climate change." Bagamat totoo ang "penomenom ng climate change," mahirap tanggapin na walang ugnayan ang kapabayaan sa paglala ng sakuna at trahedya. Naniniwala ang marami na ang “pagbabalikwas ng kalikasan laban sa mga nagsamantala ay palatandaang may pananagutan ang tao sa mga sakuna't trahedya at wasto lamang na sila'y managot.” 

Bilyong piso taun-taon ang damage perwisyo sa ari-arian, infra at buhay. Pangatlo tayo sa pinakamapanganib at bisitahin ng kalamidad sa mundo. Ang nakakapanglupaypay, kung sa mitigation ang pag-uusapan, bakit namiminimized ng ibang bansa (Japan, Taiwan, China, US, Mexico, Cuba, Iceland, Chile at Australia) ang casualties at trahedya kung ikukumpara sa mga mahihinang bansang tulad ng Pilipinas? (1 Vanuatu 32.00; 2 Tonga 29.08; 3 Philippines 24.32; 4 Solomon Islands 23.51; 5 Guatemala 20.88; 6 Bangladesh 17.45; 7 Timor-Leste 17.45; 8 Costa Rica 16.74; 9 Cambodia 16.58; 10 El Salvador 16.49; 11 Nicaragua 15.74 ; 12 Papua New Guinea 15.45 ; 13 Madagascar 14.46 ; 14 Brunei Darussalam 14.08 ; 15 Afghanistan 14.06.)

Ang paulit-ulit na senaryo ng kawalan ng kakayahan at paghahanda ay resulta lamang ng deka- dekadang "pananalaula ng kalikasan, mismanagement, bad governance, dependency at dis-empowerment." Ang isyu ng "hindi natututo" ay maihahalintulad natin sa trahedya ng OFW sa mapanganib na lugar sa Gitnang Silangan, informal sector at vote buying sa panahon ng election, pork barrel, weteng at pangungurakot, mga dahilan kung bakit mahirap paniwalaang "may malasakit, makabayan, may pagmamahal at kalinga" ang mga pulitiko.

Nakakadis-empower sa mamamayan ang palagiang "pala-asa, may tulong na parating at may mauutangan." Mas nakatuon sa pagiging re-active, imbis na pro-active approached, "relief oriented, bayani effect at photo ops na intervention sa mga sakuna at dilubyo." Kung ipatutupad ang force evacuation, para na ring sinasabing laos na at hindi na uso ang prinsipyong “ang sama-sama at lakas ng mamamayan" at ibalik na muli ang kamay na bakal at pamumuwersa.

Malaking bagay kung maipapakita ng mga lider pulitiko na may maayos, seryoso, may patakaran, batas, may paghahanda at epektibong planong nakabase sa komunidad at pinupuntirya ang sitwasyong patuloy na nakakalbo ang ating kagubatan, baradong mga daluyan ng mga waterways, masisibang real estate developers, quarrying at mining, zoning ordinance at patuloy na paggamit ng plastic.

Dubladong trahedya ang kakaharapin ng ating bayan sa force evacuation. Trahedya sa kawalan ng paghahanda at plano, trahedya pa rin sa pagharap sa solusyon. Kung kakatwang ipatutupad ang force evacuation, para na ring inaming “failure ang Zero Casualty program” ng gubyerno. (Barrio and barangay are used interchangeably and correspond roughly to the/ courtesy of:valoable1.webs.com)

Monday, September 19, 2011

Transport Strike: “tigil pasada, barikada ng iilan"


Masyadong napraning, na-over estimate, nahintakutan at full move ang gubyerno sa bantang "tigil pasada" ng Piston kahapon. Sa tindi ng media coverage, mileage exposure at husay sa propaganda campaign ng Piston, inakala ata ng mga awtoridad ang senaryong ala ARAB SPRING, people power pinoy style at “riot sa London” ang magaganap na kilos protesta kahapon. Larawan: PROTEST PLANKING. A police officer tries to dissuade protesters from carrying on their "planking" blocking briefly the traffic at ,,,,... to support calls for a nationwide "transport holiday". (Courtesy :AP/Photo/Bullit Marquez http://newsinfo.inquirer.net/61483/%E2%80%98die-ins%E2%80%99-yesterday-%E2%80%98planking%E2%80%99-today)
Nandiyan ang iba't-ibang babala, pagsuspindi o kanselasyon ng prankisa, pagpapahintulot sa mga provincial bus na sagipin ang mga mai-stranded na commuters (300 bus-libreng sakay), pagsuspindi ng number coding, pagre-activate ng inter-agency operation (Oplan Grasshopper); National Capital Region Police Office (NCRPO), Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command (AFP-NCRCom), Land Transportation Office (LTO), LTFRB at Department of Justice (DoJ) at pagmomobilisa ng 5,000 police na kung tutuusin, mas marami pa ng limang ulit (5x) sa bilang ng mga nagpoprotesta!

Sa tingin ng Piston, sa kabila ng pananakot at pagsosolo biyahe sa pakikibaka, "tagumpay raw ang kanilang isinagawang tigil pasada.” Ayon naman sa maraming broadcast at print media at MMDA, “maliit ang impak, hindi narandaman at kakaunti ang lumahok sa kilos protesta ng maka-kaliwang National Democratic led organization."Ang tanong ng marami, ano ba ang nangyari kahapon? “Rally, welgang bayan, tigil pasada ba o barikada ng iilan, patikim lang ba at babalik, mas marami?”

Kung ang layunin ng kilos protesta ay ma-eduka ang madlang pipol sa isyu ng langis, maaring positibo, pero kung ang hangad ay tigil pasada, iparalisa ang Metro Manila, makabig ang suporta't simpatya ng populasyon, tumaas ang leverage sa pakikipagnegosasyon at mai-roll back ang presyo ng langis, "mukhang alangan at bigo." Ang nakaka-intrigang tanong, bakit parang takot, naalibadbaran at walang tiwala ang FEJODAP, ACTO, PASANG MASDA, 1-UTAK at iba pang moderate transport organization sa Piston?

Nagsimula pa nung dekada 70s at pinabongga ng Diliman Commune ang laban sa oil price hike. Mapagpakumbaba at nagkakaisa noon ang hanay, mataas ang moral ng mga aktibista, mainit ang suporta at simpatya ng mamamayan at ini-express ito sa pamamagitan ng "palakpak, pag-aabot ng kaunting barya, pamimigay ng pagkain at maiinom tubig."

May apat na dekada ang labanan sa langis at mukhang malayo na ang narating ng mundo; diktadurang Marcos noon at administrasyong Pnoy ngayon, may 4,000 pinoy (OFW) ang lumilikas araw-araw, nag-iiba ang political terrain sa Arab countries, bumagsak ang Berlin Wall at 9/11, patuloy ang paghina ng US, OPEC at nag-iiba ang katangian ng oil Cartel, lumakas at under-attack ang Globalization-WTO, bumabawi ang maliliit na Estado, maraming estado ang naniniwala sa nuclear energy, at higit sa lahat, ilan taon na lang ang itatagal ng fossil fuel.

Tuesday, September 13, 2011

Edsa Skyway?


Totoong karumaldumal na ang kalalagayan ng 12 lane - 24 kilometrong haba ng Edsa, maging sa kabuuan ng Kalakhang Manila. May mahigit tatlong daang libong sasakyan (300,000 private/public vehicle) ang dumadaan araw-araw at "itinuturing isa sa pinakatalamak in terms of volume ng sasakyan 'di lang sa Pilipinas bagkus sa buong Asia-Pacifico" ang Edsa.
(Left photo: Edsa and MRT 3)

Sa loob ng ilang dekadang pag-eexperimento (MMDA-DPWH), nabigong maresolba nito ang traffic sa Edsa, maging sa halos lahat ng estratehikong lansangan sa Metro Manila. Sa kabila ng paglalagay ng daang-bilyong pisong fly-over, underpass/overpass, skyway, road widening, Odd-Even scheme, u-turn slot, yellow lane-bus separator, bus-tagging, idagdag pa ang "nakakamolestya't sardinas" na MRT 3 at dekadang LRT 1, masasabing hindi ganap na naaresto ang halos tatlong dekadang parking lot traffic sa Edsa at iba pang lansangan sa Metro Manila. Ang lumalabas, lumalala pa!

May mahigit $2.0 bilyong (P88.0 bilyon) kada taon o P300.0 milyon kada araw na katumbas na halaga’t pinsala ang nasasayang (in terms of business-productivity, daloy ng produkto, turismo at hospitalization) dulot ng "poorly planned infrastructure" at "teribleng inefficient public transport system."

Skyway sa Edsa, pattern sa Shanghai, China at Kuala Lumpur, Malasia raw ang solusyon. Ayon sa Dept of Public Works and Highway (DPWH), sa "bagong EDSA," isang skyway o tunnel mula Roxas Blvd hanggang Balintawak na nagkakahalaga ng P30.0-50.0 bilyon ang maaring simulan. Ang "EDSA Tunnel" ay pangontra raw sa traffic at baha tuwing umuulan. Tinatayang matatapos sa loob ng termino ng administrasyon ni Pnoy ang skyway.

Ayon kay Sen Drilon, "kinukunsidera ang official development assistance (ODA) mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) or mula sa private sector - PPP (private, public partnership) para pondohan ang naturang proyekto," meaning, mangungutang at mamamalimos muli.

Sa unang tingin, maganda at nakaka-exite ang skyway, maliban sa maiibsan ang traffic, massive infra projects na makakapag-generate ng trabaho, magpapasigla pa raw ito ng ekonomya. Kaya lang, parang kulang sa pagsusuri at hindi pinag-iisipan ng mga naturingang "traffic czar" ng MMDA at mga "henyong engineers" ng DPWH ang tunay na sitwasyon. Sa laki ng volume at nadaragdagan sasakyan araw-araw (2.5 million-Metro Manila), nakabalagbag na dambuhalang Mall at kaliwa't kanang condo, walang dudang wa-epek at mauulit lamang ang problema.

Ayon sa mga experto, may mahigit P500.0 bilyon salapi sa GSIS, SSS at bilyung pisong koleksyon taun-taon sa Road User's Tax ang maaring pagkunang pondo na di mangangailangan mangutang at mamalimos sa mga dayuhan. Pangalawa, long term solution, brainstorming ng mga alternatives, re-framing, re-engineering para sa isang Metro Manila Strat Devt Plan with Southern and Central Luzon inclusion; isang efficient mass transport system na "integrated, sustainable, comprehensive urban renewal progmam," ang kailangan.

Maaring pag-aralan at ibalik ang TRANVIA (street car)na naging popular means of transportation sa Manila bago ang WW II-19th century na patok hanggang ngayon sa San Francisco, USA, Hongkong at karaniwang pangitain sa mga progresibong lunsod sa Europa at South Amerika (Spanish, Belgian, Danish and German cities, Amsterdam, Milan, Lisbon, Oslo, Istambul, Belgrade, Prague, Helsingki, Budafest, Buenos Aires, Argentina). Isa rin sa dinidevelop na alternative ang Automated Guideway Transport System - Monorail ng Dept fo Science and Technology (DOST). (left photo: Modern Tranvia sa Spain)

Hindi hamak na mas "matipid at environment friendly" ang TRANVIA at MONORAIL kung ikukumpara sa skyway o tunnel na makapagkocontribute lamang ng polusyon, dependency sa carbon - fossil fuel at makasisira sa urban landscape ng Kalakhang Manila.

Ipriority ang nakakabilib na proyektong MONORAIL ng DOST na naka-iskedyul ng i-pilot test sa UP Diliman at agarang ipatupad sa 7 strategic na lansangan sa Metro Manila, Cebu at Baguio. Mas mahalaga ang kalusugan, isang fresh air na masisinghot ang mga tao, isang lansangang punung-puno ng halaman, kaika-ikayang lakaran at bisekletahin (bicycle lane).  


Mukhang napag-iiwanan na tayo at hindi na natututo ang mga tinaguriang "henyo-traffic czar" sa gubyerno.

Below Photos: Automated Guideway Transit (AGT) is the first Filipino-built......courtesy of dost‑300x223.jpg
Escolta Tranvia, courtesy of http://magnakultura.multiply.com/photos/album/19







Thursday, August 25, 2011

SUBSTATE, ARMM and CLAN WAR



Bagamat ni-reject na ng MILF and isinumiti ng gubyerno na “autonomy framework” proposal sa pagbubukas ng usapan pangkapayapaan na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kamakalawa, “hindi naman nangangahulugan na hopeless case na ang peace effort sa MILF, bukas at may posibilidad pa rin daw na magkasundo pa sa ilang mga punto at resolution.”

Kontrobersyal sa marami ang “out of the box” na pulong sa Tokyo, Japan ni Pnoy at Chairman Murad Ebrahim ng MILF. Kakaibang gesture daw ito at ipinapakitang seryoso nga ang administrasyon ni Pnoy sa PEACE TALK, political settlement at inaasam-asam na kaunlaran sa muslim Mindanao.

Kaya lang, may nagsasabing isang “pagtataksil sa bayan” ang ginawa ni Pnoy, sapagkat ang naturang rebelde ang itinuturong utak sa maraming insidente ng masaker at paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao. Sa kabilang banda, itinuturing din ni Commander Umbra Kato ng paksyong Bangsamoro Islamic Freedom Movement na isa rin daw na "pagtataksil sa BangsaMoro ang palasukong" aksyon ni Murad Ibrahim sa gubyerno ng Pilipinas.
May nagsasabing "Estados Unidos daw ang nasa likod ng pag-uusap, bunsod na rin ng political at economic interest na mailuluwal sa Mindanao sa hinaharap." Sa mga muslim, "mas ang bansang Hapon ang may pinakamalaking taya at puhunan sa Mindanao at sila ang nagbroker sa nasabing sikretong usapan."

Bagamat "isina-isangtabi na ng MILF ang isyu ng sessession, tuloy ang laban para sa self-governance at self-determinantion. "Sa kabilang banda, nangangamba ang marami na maging maingat ang gubyerno lalo na’t sariwa pa sa isipan ang kahalintulad na secret deals na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na napagkayarian sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ni Murad Ibrahim.

Substate at pagbubuwag ng inutil, huwad na awtonomiyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang hiling ng MILF. Magkatuwang daw sa kapangyarihan ang gubyerno ng Pilipipinas at MILF sa Substate. “Isang malaking insulto sa Muslim Mindanao ang pagkakatayo ng mahigit dalawang dekadang ARMM” sa dahilang sinalaula lamang ng mga nagdaang rehimen, kasabwat ang malalaking political Clan at maging ng kasalukuyang administrasyon ang ARMM Organic Act.

Sa mga pulitiko, "unconstitutional" ang SUBSTATE at mangangailangan ito ng pag-amyenda ng Constitution. Ganun pa man, nilinaw ng gubyerno na kailangan pag-usapang mabuti kung ano ang laman ng substate, sasakuping lalawigan, bayan at kapangyarihan saklaw? Kung mayroon mang traumatic na karanasan sa MOA-AD noon at SUBSTATE ngayon, ang mga kasunduan kung sakaling magtagumpay ay “magiging transparent, participatory at dadaan sa approval ng Kongreso at plebisito.”

Sa kabila ng umiinit na isyu ng awtonomiya, kahungkagan ng ARMM at substate, nakatago sa eksena at lumalala ang isyu ng Clan War. Sa mga pag-aaral na isinagawa, lumalabas na "mas mabagsik at mas laganap ang Clan War kung ikukumpara sa mga labanan ng tropang militar at MILF." Pinalilitaw na isang rebelyong moro, pero ang katotohanan, mga paksyon, tunggalian at political rivalry ng mga Clan ang may mga kagagawan. (Larawan: courtesy of 24‑clan‑(cmyk).jpg, abante.com.ph)

Ang LAND DISPUTE at konsepto ng MARATABAT (pride) sa mga muslim ang karaniwang dahilan na nagresulta ng dekadang RIDO o family feud. Mula sa maliit na petty clan war, lumaki at humantong sa isang large-scale conflict (ubusan ng lahi at matira ang matibay) na kadalasa'y sinasamantala ng ilang matataas na opisyal ng militar at rebeldeng Moro para sa kanilang kapakinabangan.

May mga miembro ng Clan na pumapaloob sa military, hindi upang magserbisyo sa gubyerno kundi upang gumanti sa isang katunggaling Clan o dili kaya’y sumimpatsa at sumapi sa MILF. Malaki ang epekto't perwisyo ng Clan War, di lamang sa gawaing paggugubyerno, maging sa delivery of basic social services. Isa sa pinakamahirap na lugar sa mundo ang mga probinsyang nasa ilalim ng ARMM.

SUBSTATE, ARMM at papel ng POLITICAL CLAN, naniniwala ang lahat na mas magiging mapagpasya at madugo ang susunod na kabanata; ang pagpapalakas ng ARMM at pagdismantle ng lahat ng PRIVATE ARMIES; ang partisipasyon ng lahat ng stakeholders sa proseso, ng mamamayan, particular ng Lumads, grupong civil society, LGUs, Ulamas, Imam at simbahan; ang pagtiyak na maipagpapatuloy ang confidence building activities, consolidation, pagpapatuloy at pagsusustini ng prosesong pangkapayapaan sa magkakabilang panig.

Friday, August 12, 2011

RIOT in ENGLAND, sanhi ng Lipunang may Sakit?



Kamakailan lang, isang pinaka-engrandeng dugong bughaw na kasalan (Royal Wedding) ang naganap sa Englatera, ang Prinsipeng (Prince) si William at Kate Midleton. Sinundan ito ng kagimbal-gimbal na pangyayaring masaker na ikinasawi ng may siyamnapung (91) kabataan sa kalapit bansang Norway (host sa GRP-CPP NDF peace talk), isang maunlad na bansang tinaguriang “nagtatakwil ng karahasan” sa mundo at ngayo'y muling nagimbal ang mundo sa RIOT na naganap sa Englatera.

Ang alam ng mga Pinoy, isang bansang "masaya" (rock n roll - Beatles, Pink Floyd, Bob Geldof at football-Liberpool at Manchester United at iba pa), malinis, maunlad, mataas ang kita't antas ng pamumuhay sa Englatera. May daang-libong Pilipino at mahigit sampung milyong etniko't migrante mula sa maraming bansa (Eastern Europe, Asia, Africa) ang nagtatrabaho at naninirahan sa Englatera. (left: riots-uk-2011.jpgLondon Riots Spread Across England Into Liverpool And ....)

Una kong napanood sa AL Jazeera at BBC cable channel ang RIOT nuong nakaraang linggo. Nagsimula ang gulo nang walang awang barilin ng isang pulis ang 28 anyos na si Mark Duggan na kalahok sa isang peaceful protest sa Tottenham, may walong kilometro ang layo, north-east sa sentro ng London.

Gamit ang social networks, umani ng simpatya sa marami ang insidente at ang sumunod na kabanata, apat na araw na riot, nagmistulang WAR ZONE ang London (host sa 2012 Olympic) at tatlong iba pang malalaking Lunsod sa Englatera; lima (5) ang nasawi, ilang establisyemento't sasakyan ang sinunog at ninakawan, marami ang sugatan, may isang libo't limang-daan ang naaresto at tatlong Pinoy ang nadamay. Ayon sa ilang kolumnista, bukud sa isyu ng insidente sa Tottenham, "hindi pulitikal, hindi ideolohikal, walang malinaw na direction at adbokasiya at pawang gangsterismo, oportunista, anarkista raw ang salarin at may kagagawan."

Ayon sa mga awtoridad, "kriminalidad daw ang sanhi ng riot." Pwede, mukhang totoo, kung baga, naging bahagi na ng pang-araw-araw na takbo ng buhay sa Lunsod ang talamak na naglipanang mga goons, droga at violence sa mga urban center. Isang matingkad na halimbawa na lamang ay ang typical na asal ng "kawalang respeto at paggalang sa mga magulang at matatanda" ng kabataang lumaki sa Englatera.

Sa kabilang banda, sinasabi ng mga na-apektuhang mga komunidad sa riot na "ang budget policy" ng gubyerno ang sanhi ng kaguluhan na pinatotoo naman ng isang kabataang na-interview ng isang media, anya "you can't blame the youth for being fed up and feeling dis-enfranchized and there's nothing for them to do, because there doesn't seem anything for them - there are no jobs, nowhere for them to go, apart from hang around on street corners, so they resort to causing havoc."

Kung babalikan ang kasaysayan, hinubog ng ilan-daang taong pambubusabos, genocide, cultural at religious cleansing, banditry at pagnanakaw ng Britanya ang maraming bansa sa mundo. Bagamat ilang siglo na ang nakalipas, nananalaytay pa rin ang kakaibang pagtrato ng Brits sa mga hindi nila kadugo't kalahi (racism) at parang hindi mawala-wala ang sistemang emperyo at makabagong pyudalismo na gustong ipanumbalik ng ilang makapangyarihang elite sa Englatera.

Isa sa pinakamakapangyarihan bansa ang Englatera, pero sa kabila nito, masyadong malayo ang agwat ng mayaman at mahihirap. Kung baga, habang sobra-sobra ang karangyaan at luho ng iilan, pighati, kaapihan at marginalization ang nadarama ng nakararami. Dulot ng krisis sa pananalapi at resesyon na kumukubabaw sa Kalakhang Europe at Amerika, nagpatupad ng "austerity program o budget cuts" ang Englatera na lubhang naka-apekto sa welfare status at job generation ng bansa.

Naniniwala ang marami na may malubhang sakit ang lipunang Englatera at ito ay hindi mareresolba hangga't nagpapatuloy ang "patakarang liberalismo" na siya raw pinagmulan ng underclass citizens ng marami at pagyakap sa "materyalismo" na naka-apekto sa kultura't tradisyon, norms at istrukturang panlipunan ng bansa.

Sa atin, kung walang pagbabago, hindi malayong magkaroon din ng mababangis na riot, hindi lang simpleng riot, bagkus, may kombinasyong insureksyon at rebelyon sa mga urban center sa hinaharap, lalo na't mainit at buhay pa rin ang mga isyu't sangkap sa hanay ng informal sector at kabataang estudyante.

Wednesday, August 03, 2011

Zubiri and Electoral reform



Bun
sod ng paglitaw at pagbunyag ng mga taong may kinalaman sa malawakang dayaan nuong 2007 senatoriable election at apat (4) na taong nakabinbin "usad pagong" na election protest ni Koko Pimentel, tuluyan na ngang nagbitiw si Sen Migs Zubiri bilang miembro ng senado.

Sa kanyang privilege speech kahapon, pinanindigan niyang “hindi siya nandaya, wala siyang inutusan upang dayain
ang eleksyon, dignidad ng aking pamilya ang nakasalalay, dapat parusahan ang mga may kagagawan ng electoral sabotage noong 2007 election” at pahabol na panghuli, muli siyang babalik sa senado by 2013 election.

Kung matatandaan, sa operasyong “dagdag-bawas,” binokya ng dating Comelec provincial supervisor na si Lintang Bedol, Gov Zaldy Ampatuan sa tulong ng ilang mga security officers (election return switching) ang oposisyong kinabibilangan ni Koko Pimentel na nagresulta ng pekeng pagkakapanalo ng halos lahat ng senatoriable slate ng administrasyon Arroyo.
(Larawan: courtesy of;http://www.abante.com.ph/issue/aug0411/news01.htm)

Hindi kataka-takang hangaan siya ng marami sa kanyang naging gesture kahapon sa senado. Nagmula sa malaking political clan sa Mindanao at nakilala sa pagiging “spice boys” sa kongreso. "Nakabisado ni Zubiri ang wastong pustura’t katangian ng isang pulitiko na hinahanap ng maraming Pinoy."
Ang problema, sablay ang kanyang nilugarang grupo’t mga kakampi (Macapagal Arroyo), kundi man involved, nakinabang siya sa massive electoral fraud at anumang sandali, ilalabas na ang napipintong hatol ng Senate Electoral Tribunal (SET) na si Koko Pimentel nga ang
tunay na nanalo, base sa ipinapakitang mahigit 200,000 botong kalamangan nito sa kanya (Zubiri).

Marami ang kahalintulad ni Migs Zubiri sa Pilipinas; sa mga kongresman, mga gobernador, mayor, sa Punong Barangay at higit sa lahat sa Malakanyang, ang kontrobersyal at malungkot na kinasapitan ni Fernando Poe Jr noong 2004 presidential election at ikinapanalo ng pekeng pangulong si GMA. The same manner, hindi rin mabilang na kahalintulad na kaso ni Coco Pimentel ang napagkaitan ng hustisya sa labanang pulitika sa bansa. (Larawan: courtesy of:
Popularity matters in the Philippine election that is why, candidates, stupidlyperfect-arts.blogspot.com / villar.jpg)

Nabago man o poll automated na, nananatiling hindi parehas at madaya ang election sa Pilipinas. Sa ating kasaysayan, sinasabing "para lamang sa ELITE at makapangyarihan ang election." Bukud sa Omnibus Election Code, ang kondukta ng election campaign, ang sobrang gastos-vote buying (campaign finance) at maagang pangangampanya (early campaigning) para lamang sa "name recall, machinery bldg at kaliwa't kanang election violence (private armies) ng mga warlords at dinastiyang pulitikal," ang ilan lamang sa nagdudumilat na katotohanan.

Totoo ang kasabihang “walang natatalo at pawang nadadaya” na klima sa pulitika’t halalan sa ating bansa. Kinukwestyon na ng marami “kung tunay nga bang garantiya’t isang uri ng demokrasya ang proseso ng halalan, kung legitimate at tunay nga bang may democratic representation sila sa mamamayan (padrino–political clan) Pilipino?

Maaring kapana-panabik ang darating na 2013 midterm automated election, kaya lang, kung walang pagbabago, kung patuloy na nakabaon o well entrench ang mga ingredient ng kabulukan, trapo politics-kawalan ng tunay na partido - turncoatism-clannist, kahinaan ng demokratikong institusyon at hahayaan na lamang ito ng kasalukuyang administrasyon ni Pnoy, buluk at wala rin?

Tuesday, July 26, 2011

ABOLISH the Pork Barrel / PDAF



Habang hinahagupit ang Luzon ng natural na kalamidad, ang bagyong Juaning, buhay at bilyung piso na naman ang damage perwisyo, sa araw-araw na takbo ng buhay, nagpapatuloy sa buong bansa ang daang bilyung pisong man-made calamity ng culture of corruption.

Katatapos lamang ng SONA ni Pnoy at muling pinagwagwagan ang intensyong durugin ang buwaya't buwitre sa pamahalaan, ang “wang-wang at itaguyod ang pantay na labanan” (level of playing field) sa gubyerno. Bagamat ilang henerasyon pa ang lalakbayin para sa "matuwid na daan; social transformation, positibong pananaw, re-orientation, rethinking at re-evaluation," magandang propaganda na rin ito ni Pnoy sa panawagan niyang pagbabago sa pulitika't lipunang Pilipino.

Ang culture of corruption sa tatlong sangay ng gubyerno lalong lalo na sa lehislatura kung saan ang kontrobersyal na usapin ng pork barrel matatagpuan ang "larawan ng kabulukan ng sistemang pulitika sa bansa." (larawan, courtesy of; leytesamardaily.net / Aquino favors pork barrel…but! President Pnoy)

Kung matatandaan, may ilang buwan ng umaaray ang maraming tongresman sa patuloy na pagkakait ng kani-kanilang pork barrel o ang “priority development Assistance fund (PDAF).” Sa kabila raw ng pagtalima sa mga requirements na hinihingi ng Department of Budget and Management (DBM), bakit tila ipinagmamaramut daw ni Sec Butch Abad ang “para raw sa kanila???”

Ayon sa mga tongresman, "nadidistorbo na raw ang economic activity at naaantala na raw ang delivery ng basic social services, tulad ng mga proyektong scholarships, medical assistance, infrastructure at iba pang mga “soft projects” na kanilang ipinangako sa kanilang mga constituencies??? Ang "pagiging oposisyon, ang pagboto nila sa impeachment complaint kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at ang pagtutol sa pagpapaliban ng ARMM election ang dahilan daw ng pagka-unsyami ng pork barrel? ”

Nakatanggap na ng pork barrel ang halos kalakhan ng 285 MAMBABATAS at ang dahilang ng pagpending sa iba ay bunsod daw ng hindi pagsunod sa mga guidelines na istriktong ipinatutupad ngayon ng DBM sa SARO. Nananawagan silang “huwag idelay ang release ng pork barrel sapagkat ito raw ay lubhang makaka-apekto sa programang employment generation ng gubyerno.” May P70.0 million nakalaang pork barrel sa bawat Kongresman; P40.0 million para sa infrastructure at P30.0 million para sa health and education projects.

Dagdag pa ng ilang Tongresman, “parang hindi kompleto ang pagiging pulitiko (reason for being politician) kung walang pork barrel, sisikip ang kanilang mundo, magkakaroon ng identity crisis at parang sinasabing wala na silang gagawin kung ia-abolished ang pork barrel ? ” Kung walang pork barrel, paano nila mababayaran ang mahigit limampung milyong pisong (P50.0 million) ginastos sa vote buying nung electoral campaign?
Ang pork barrel ay isang political tools ng padrino mula sa itaas patungo sa baba at isa sa pangunahing pinagmumulan ng kurakot sa bansa (komisyon, cuts).

Marami na ang kumukwestyon sa mahigit 6 na dekadang pagpapairal ng pork barrel, kung “tunay nga ba itong nakatulong sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino?" Inaamin mismo ng ilang MAMBABATAS na ang “pork barrel ay nawawaldas lamang, hindi pinag-aaralan, nasasalaula, hindi naipoproseso (community-based?), non-priority, non-essential at higit sa lahat, hindi nai-coordinate sa local development council. At dahil "top-down approach," nauuwi sa disbentaheng kalagayan (dis-empowerment) ng mamamayan ang resulta.”

Kung baga, "wala sa guni-guni ng mga mambabatas na isa ito sa makakatulong sa ilang dekadang karalitaan ng mamamayan at magkaroon ng seryoso, integrated at sustainable development" sa maraming mahihirap na komunidad sa buong kapuluan.

Sa totoo lang, walang jurisdiction ang mga mambabatas na sapawan sa gawain ang sangay ng ehekutiba, ito may sa lokal (LGUs), nasyunal at ahensya ng gubyerno. Ang gumawa ng mga "patakaran (policies), batas, OVERSIGHT at mag-appropriate ng budget ang tungkulin ng MAMBABATAS at hindi ang kompetensyahin at gumampan ng gawain kahalintulad ng mga Gubernador, Mayor, pumapel bilang mga development at social worker at umaktong patron, Kasal Binyag Libing."

Thursday, July 07, 2011

Catholic Bishops, nilamon ng sistema



Para sa isang pangkaraniwang tao, "kung ang pulitika’t eleksyon, ang kapulisan, military, media at hustisya ay hindi nakaligtas sa buluk na sistemang padrino, ang Catholic Bishops pa kaya?" (larawan, courtesy http://www.abante.com.ph/issue/julo711/op_edit.htm)
Bagamat batid na ng mamamayan, inaasahan at matagal ng (ilang siglo) kalakaran, tumingkad at sumambulat ang kontrobersyal na kasong kinasapitan ng Catholic bishops sa kasalukuyang panahong naghahanap ng modelo, kakampi at matuwid na daan ang mga Pilipino.

Wala pang nakakatalo sa “sistemang padrino.” Wala pang matibay na batas sa kasaysayan na unti-unting sasawata sa killer virus ng buhay na patron. Bagamat hindi direktang nakikita at tago sa mata ng mamamayan, parang “invisible na kaaway” na ginagamit ng mga makapangyarihan at hanay ng mga konserbatismo ang patron upang linlangin, abusuhin at pagsamantalahan ang mamamayan.

Ang Catholic Bishops na pangunahing "nagse-set ng standard NORMs at MORALITY" ng ating lipunan ang isa sa "pinakamayaman, pinakamakapangyarihan at pinakama-impluwensyang" padrino at institution sa Pilipinas mula pa nung panahon ng pakikibaka ng ating mga bayaning si Rizal at Bonfacio hanggang sa kasalukuyan. Kaya lang, despite sa pagiging kontrabida, patuloy na tinatangkilik ng lipunan Pilipino.

Kahalintulad ng mga "siga-siga at naghaharing Duterte ng Davao, Ampatuan ng Maguindanao, Dy ng Isabela, Cojuangco ng Tarlac, Singson at Marcos ng Ilocos, Javier ng Antique at Estrada ng San Juan," mga ilang classic example ng patronage clan politics na kinikilala, itinuturing panginoon at ibinoboto" ng mamamayan sa kabila ng pang-aabuso, patuloy na karalitaan at pagsasamantala.

Ginamit ng "reyna ng patron" na si PGMA ang kamandag ng tradisyon; suhol, pabor, pwesto, konsesyon, kontrata, gratitude, regalo at pamumudmud kapalit ng suporta at pagpapatahimik sa dating critical na Catholic Bishop at ilang pumupusturang political oppositions.

Ayon sa mga sosyolohika, ang larawan ng pagiging atrasado’t makaluma ng Pilipinas na nakalikha ng matinding karalitaan at pagiging busabos sa mata ng mundo ay dulot ng ilang dekadang pamamayagpag ng sistemang padrino. Isa siya sa pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalakas ang casique o political clan at Oligarkiya na nagresulta ng warlordism-private armies, parokyalismo, pagiging pala-asa ng mga tao at pribadong pakikipagrelasyong ng estado sa mga buhay na patron.

Imbis na tutulan, kinunsinte at naging kasabwat pa ang Catholic bishops sa pagpapanatili at pagpapalakas ng sistemang padrino sa bansa na lubhang naka-apekto sa paghina ng ating mga institutions. (Larawan, Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos prays over former Pres Arroyo, courtesy of newsinfo.inquirer.net)
Ang mamahaling mga sasakyang SUV (sport utility vehicle), paghingi ng pabor at konsesyon ay sa totoo lang ay isa lamang “tip of the iceberg,” sapagkat matagal ng nakikipagsabwatan ang ilang Obispo sa Malakanyang na siya rin naman naging practice ng Vatican Church, ang lolo ng patron sa mundo.

Kung di man malamon, mahirap labanan ang sistemang padrino kung wala kang matibay na conviction at ideological foundation. Maaring mabawasan o maminimized ang padrino kung palalakasin ang mga institution lalong-lalo na ang pagsrereporma ng pulitika at eleksyon sa ating bansa.

Hindi dapat maghugas kamay na “patronage proof” ang kasalukuyang administrasyon. Kitang-kita ng mamamayan Pilipino na napaka-delikading ang landas na binabaybay ni Pnoy sa lumantad na kontrobersiyang "KKK, ang kaklase, kabarilan, kaibigan o katiwala" na ipinasok ni Pnoy sa burukrasya bilang bayad-utang sa pagkakapanalo nito nung 2010 presidential election.

Hindi tayo magtataka kung sa bandang dulo mauwi rin sa matinding iskandalo ang administrasyon ni Pnoy at danasin ang kaliwa't kanang katiwalian at demoralisasyong kinasapitan ng mga naunang tiwaling administrasyon.

Thursday, June 30, 2011

365 days, “PASANG-AWA”


Doy Cinco


Bagamat bumababa ang satisfaction rating, marami pa rin ang naniniwala na mukhang seryoso nga ang Pnoy administrasyon sa kampanyang tigpasin ang mga buwaya't buwitre sa bansa. Maaring sabihing "katarungan sa bayan" ang nasimulang arangkada na may "intensyong ituwid ang landas sa gawaing paggugubyerno."

Ang usapin na lang ay kung mararandaman ng mga tao ang positibong epekto ng pagpupurga't paglilinis sa mga institusyon at ahensya ng gubyerno; Ombudsman, NFA, DPWH. Comelec, AFP, GSIS, LTO, Bureau of Customs, pork barrel, LGUs at GOCC: PCSO-Pagcor, LWUA, PNCC, BCDA at higit sa lahat sa mga maanomalyang daang bilyung pisong foreign contracts - flagship programs o mga mega projects na kinangkong nung nakaraan tiwaling administrasyon.

Naging tradisyon na sa araw-araw na takbo ng buhay ng mga Pilipino ang kurakot. Sumibol bago pa ang ikalawang digmaang pandaigdig (WWII), lumala sa panahon ni Marcos at naging salot na sa panahon ng Arroyo administration. Sa kabuuang national budget, may palagiang 25% ang nakukurakot, 30% ang ibinabayad sa utang (IMF-WB) at ang natitirang 45% lamang ang tunay na napapakinabangan ng bayan (bangkarote!).

Hindi kapani-paniwalang sabihing nagkaroon na ng "transformation sa pag-uugali” ang mga tao, batay sa delivery speeched ni Nonoy Aquino sa "Ulat sa Bayan" sa Ultra, Pasig. Nananatiling malaking hamon ang realidad na "basura at mabantot ang environment" sa kalakarang pulitika at paggugubyerno sa bansa.

Sa mga academics, ang kurakot ay "isa lamang consequences, epekto ng istrukturang sistema ng padrino't angkang pulitikal" (patronage politics).
Totoong may pagkukulang at sinayang na oportunidad si Pnoy kung sana'y nagawa nitong nailatag agad ang patakarang unti-unting sasawata sa katiwalian at kabulukan ng pulitika, makapagbalangkas ng estratehiya at direksyon tungo sa kaunlaran at industrialization sa unang taon ng kanyang panunungkulan.

Maliban sa isyu ng katiwalian, sa ilang dekadang "mode of development" na ipinatupad ng mga nagdaang pangulo ng bansa mula kay Quirino, Magsaysay, Macapagal, Marcos, (GMA) Arroyo at tila hanggang sa kasalukuyang Pnoy administrasyon (50 years), marami na ang kumukwestiyon kung "tunay nga bang nakatulong sa kaunlaran at demokratisasyon ang dekadang patakarang sa pangungutang, pag-eengganyo sa dayuhang capital, pagtalima sa dikta ng dayuhang capital, lalong-lalo na ang pangongopya ng development approach (CCT-DSWD) mula sa mauunlad na bansang Mexico at Brazil?"

May mga pag-aaral na imbis na umangat ang buhay ng mga Pilipino, nakasama at naka-disempower (bansot) ang pala-asa't nakasuso sa mga banyaga, sa bansang makapangyarihan (mendicancy). Mula sa "2nd place na economic ranking sa Asia nung 1950s," napag-iwanan tayo at ito'y sa kabila ng "walang katapusang pangungutang at halos ituring panginoon ang dayuhang kapital at pahunan (direct foreign investment sa USA, EU, China at Japan). Parang sinasabing, "walang pag-unlad kung walang foreign investor??"

Mas nananaig na diskurso sa mundo ngayon ang pagpapriyoridad ng sariling panloob na resources (existing apportunities), inuuna ang sariling kakayahan, sariling kayod ng sariling mamamayan (success stories) bago kaharapin ang hamon at oryentasyong papalabas, entertainin ang papel ng taga-labas at "tulong ayuda" ng mga taga-labas.

Ano ba ang gusto at pagbabagong minimithi ng mamamayan Pilipino? Ano ang mayroon na tayo, paano magagamit at mamaximized ang mga ito tungo sa kaunlaran at pagbabago? Higit sa lahat, ano ba talaga ang tunay na sitwasyon ng bayan? Mula rito, paano ilalapat ang tatlong basihang ito upang makagawa ng PATAKARANG daang matuwid at estratehiya para sa pagbabago?

Marami ang bitin at nagsasabing kailangang magpakita ng tunay na pagbabago ang administrasyong Pnoy, pagiging role model, sakripisyo at punuan ang kakulangan. Ang malaking tanong sa ngayon ay kung kaya ba nitong isustina ang kampanya laban sa katiwalian at mga kawatan? (Larawan: Sustained Neo-liberalism in Action:2340469685_8902702f02.jp)

Saan dadalhin at saan direksyon patungo sa matuwid na landas ang Pnoy administration? Maliban sa kampanyang anti-kurakot, tila walang pagbabago't status quo sa patakarang pang-ekonomiyang landasin?
Kung tatasahin at igagrado ang achievements ng kasalukuyang administration, tulad ng marami, “pasang-awa.”

Friday, June 10, 2011

Looming Crisis, Ochoa and ARMM no-el



Sa loob ng ilang Linggo lamang, tila windang ang kasalukuyang administasyon sa sunud-sunod na buhawing-gawang tao ang tumama sa ating bansa. Kung sa iba ay ayaw ng patulan ang perennial isyu ng economic crisis at “bangkaroteng kalagayan ng gubyerno,” sa marami, nakakabahala ang bagyong pambabraso ng China, ang nasalaulang hustisya (exGov Leviste), ang freedom of information (Tabuk incidence), resignation ng DOTC Sec Ping de Jesus, kaso ni Virginia Torres of LTO, smuggling, kabulukan ng edukasyon at trahedya ng ating mga lawa’t pangisdaan (fish kill). (larawan; 320 280 - Elementary and high school students scrambled to find textbooks, .. courtesy of 20060605_classroom1.jpg)

Sa loob ng isang taon, parang ang hirap paniwalaang "lameduck" o nagpapakitang pinangingibabawan siya ng kanyang mga nasa paligid at kung ano man ang isubo ng mga sentrong tumitimon ng mga factions, kahit labag sa "PEOPLE POWER principles" ng kanyang mga magulang, parang tupang masunurin ang abang presidente ng Pilipinas. Walang dudang babagsak pa ng ilang porsiento ang satisfaction rating ni Noynoy Aquino habang papalapit ang SONA (state of the nation address) sa Hulyo taong kasalukuyan.

Dalawang isyu ang dumagok sa kredibilidad ng political leadership ng Malakanyang, ang ARMM no election (NO-EL) at muling pangingibabaw ng controversial at classmate nitong si executive secretary Paquito Ochoa, ang insidenteng pagtiguk sa chief of staff at pagtalaga kay Mar Roxas sa mapanganib na gawain sa DoTC.

Hindi pa nagkasya sa pagtiguk ng ARMM election (no-el), tatangkain pang hawakan sa leeg ang itatalagang OIC na magfa-facilitate sa pagbubuwag daw ng warlordism at command votes sa loob ng dalawang taon?” Sa NO-EL at OIC, pinaniniwalaang walang ibang hangad ang palasyo kundi ang "agawin ang command votes mula sa mga kaaway sa pulitika, kontrolin ang bilyong pisong budget taun-taon ng ARMM, siguraduhin ang 2013 midterm election, palakasin ang makinarya at maghanda sa 2016 presidential election."

Sa paniwalang nabugbog sarado at nanghihina na, mabilis na nakabawi ang grupo ni Ochoa at tila na-outsmart pa nito ang grupo ng mga partidista at "advocates ng reform agenda." Kung sa bagay, iba na rin ang usapan kung ika’y malapit sa kusina, pangunahing nakapag-ambag ng bilyung pisong pondong pangkampanya (2010 presidential election) at personal na kaututang dila ni Noynoy Aquino. (larawan: 220 154 - MANILA, Philippines - Executive Sec Ochoa and Mar Roxas / gobonggo.com)

Sino ang maniniwalang magiging unfair sa sarili (administrative order - AO) at hahayaang lumakas ang mahigpit nitong katunggali sa kapangyarihan sa katauhan ni Mar Roxas, na bubura sa kanyang pagkatao bilang "little president."? Kung babalikan, bago pumutok ang isyu ng "chief of staff," nauna ng idinisenyo ni Ochoa sa basbas ni Pnoy ang Executive Order 43 kung saan muling binuhay nito ang sistemang "clustering" sa mga (5) ahensya ng gubyerno. Ang "clustering ang tumiguk sa chief of staff" ni Mar at Liberal Party.

Nakakapanghinayang ang mga pagkakataong sinayang ni Pnoy na maisustini't maisapraktika ang tahaking "tuwid na landas" at slogan na “kayo ang boss ko,” maipakitang kaya nitong makapagbalangkas ng isang direksyon at patakarang aaresto't reresolba sa dekadang karalitaan at suliranin ng bansa. Ang katawa-tawa, "nangongopya na nga lang ng direksyon at patutunguhan," ang mga personal na malalapit, classmate, mga ka-shooting buddies at mga pinagkakautangan pa niya ang lumalabas na tunay na mga "boss" na tinutukoy.

Sa akalang nagtataguod ng reporma at pagbabago, ang totoo’y pinananatili ng kasalukuyang administrasyon ang kalakaran sa buluk na pulitika, Manila centric, factionalism at sistemang padrino (mga ugat at pabrika ng kurakot).
Ganun pa man, sa kabila ng lumalalang krisis pangkabuhayan, unemployment, patuloy na pagtaas ng bilihin at bumabagsak na kalidad ng pamumuhay ng marami, mukhang kimi, kaya pang tiisin at umaasang may mararating pang pagbabago at liwanag sa dulo ng lungga ang administrasyon. Umasa ka pa?

Saturday, May 21, 2011

Chief of Staff and Liberal Party (LP)



Malaking sablay raw ang napipintong pagtatalaga kay Mar Roxas bilang chief of staff (CoS) ng Malakanyang. Si Mar, ang natalong ka-tandem sa Presidential election ni Noynoy Aquino, dating senador-kalihim at pangulo ng partido Liberal (LP), ang mayoryang partido sa kasalukuyan.

Sa mga kritiko, walang lugar ang isang chief of staff (CoS) kung sa dating nakagawian istruktura ng paggugubyerno siguro ang pagbabatayan. Kayang-kaya na raw gampanan ng isang Executive Secretary (ES) sa katauhan ni Sec Paquito Ochoa ang trabaho sa ehekutiba. Si Ochoa, ang kasalukuyang tumatayong little president, dating katiwala ni Mayor at Speaker Sonny Belmonte, kilalang Samar faction, walang kinaa-anibang partido, personal na pinagkakatiwalaan at classmate ni Noynoy Aquino.

Dahil redundancy ang position ng CoS at ES, magdudulot raw ito ng kalituhan at kaguluhan sa burukrasya. Isa rin daw na pagpapatiwakal sa pulitika (political suicide) ang CoS position kung may hangarin si Mar sa 2016 presidential election. Kasabay ng pagkakatalaga kay Mar Roxas ang patuloy na pagbagsak sa public satisfaction rating ni Pnoy dulot na rin ng factionalism, labi ng katiwalian sa burukrasya, lalo na sa region, local politics at kahinaan sa paggugubyerno.

Maaring "political accommodation, power play, 2016 positioning o isang tipo ng party strengthening" na may kasamang pagsusulong ng “reform agenda” sa gumegewang na administrasyon ni Pnoy ang magiging papel ng CoS. Aasahang kaliwa't kanan ang pagtutol sa kakaibang chain of command na posibleng magresulta ng kaguluhan, paghina o dili kaya'y paglakas at katatagan ng administrasyon. (larawan: President Benigno Aquino III (right) and Executive Secretary Paquito/ thebcnews.com)

Kung walang abirya at counter moves ang grupo ni Ochoa at Noynoy Aquino, mukhang "itatalaga na si Mar sa bagong pwesto, bilang trouble shooter, direction setting at institutional building" ng administrasyon.

Strong party based rule?
Hindi tulad sa mauunlad na kanluraning bansa (Europe) at Brazil, unpopular at buguk ang political party sa Pilipinas. Sapagkat, ang alam ng mga Pinoy, parti-partihan sa pandarambong, TRAPO-kasal binyag libing, clanist, personality oriented at predatory ang mga pulitiko.

Nakatanim sa utak ng Pinoy na walang pagkakaiba ang mga partido, ito ma’y LP, NP, Lakas-NUCD, KBL, PDP-Laban, LDP at NPC. Nabubuhay sa tuwing election at ginagamit ang partido bilang behikulo sa pampersonal at factional political ambition. Lahat sila ay non-ideological, elitista at oportunista sa kung sino ang nakaluklok, doon sila nakasuso.

Sa ating kasaysayan, wala pang tunay, matino, pormal at desiplinadong partidong naitayo na nagpatakbo at namuno sa isang gubyerno. Ito ang konteksto kung bakit wala ng katapusan at well entrench ang kurakot, hati-hatil at mahinang estado (weak state) o mahirap ang Pilipinas. Ito rin malamang ang mga kadahilanan kung bakit kinakailangang palakasin at iinstitusyunalisa ang mga partido, partikular ang LP, ang namumuno at dominanteng partido sa bansa.

Sa mga aktibistang nawawalan na ng pag-asa, sinasabing ang pagtatalaga kay Mar Roxas bilang chief of staff ay maaaring “isang ruta patungo sa matuwid na landas,” kung saan aakuin na ng partido ang kapasyahang maisigurado ang “reform policy agenda” sa tulong, partisipasyon at suporta ng mamamayan sa administrasyon ni Pnoy. Ewan lang natin?

Wednesday, May 04, 2011

Next Ombudsman, hahawakan ng Aquino administration

Doy Cinco

Marami ang naniniwala na hahawakan sa leeg ng Pnoy administration ang susunod na Ombudsman. Ano man ang maging palusot na dadaan ito sa konsultasyon, sa proseso at sa JBC (Judicial and Bar Council), sa itinatakbo ng mga pangyayari at init ng pulitika, hahawakan ng Aquino administration ang Ombudsman at "walang naniniwalang tutuwid ang landas at magtatagumpay ang kampanya laban sa pangungurakot sa bansa."

Ang campaign slogan na "kung walang corrupt, walang mahirap" ay isang propaganda lamang, pang-election at bangungot na maisasakatuparan ng kasalukuyang administrasyon.

Simple lamang ang diskurso ng mga tao sa komunidad, dahil napaka-estratehiko ng ahensya, “hindi makapapayag ang administrasyong nakaupo sa kapangyarihan na tupdin nito ang mandato't oryentasyon, maging isang malaya, may awtonomiya, walang kinikilingan at tapat sa sinumpaang labanan ang dekadang pangungurakot sa bansa." Hindi ito pipili ng isang ahas na maaring manuklaw sa palasyo o batong ipampupukpok sa sarili. Ang pagtatalaga ng mga bagong commissioner sa Comelec, planong pagpapaliban ng election at Officer in Charge (OIC) sa ARMM ang isang matibay na pruweba.

Kung babalikan ang mga nakaraan, may dalawang dekada na mula ng ito'y maitatag, naging inutil, palamuti at tau-tauhan ng sino mang nakaupo sa Malakanyang (Ramos, Estrada, GMA) ang Ombudsman; magmula kay Conrado Vasquez (‘88-95), Aniano Desierto (’95-2002), Simeon Marcelo (’02 – 05) at ang nagbitiw na si Ma Merciditas Gutierrez (2005 – 2011). (Larawan: retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales as the next new Ombudsman)

Mas madaling paniwalaan ng isang libong beses (1000 x) na may agenda ang Pnoy administrasyon na hawakan ang Ombudsman, hindi lamang upang magsilbing proteksyon sa sarili, durugin at paluhurin ang kaaway sa pulitika, takutin ang mga pasaway, ipagmayabang na "mission accomplished" ito sa kampanyang anti-corruption sa nalalapit na SONA (state of the nation address) sa July taong kasalukuyan at tiyaking tuloy-tuloy na makokontrol ang pampulitikang kapangyarihan beyond 2016.

Ayon sa mga nagsusuri, ang basihan ang siyang makapagpapatunay; una, ang nagdudumilat na katotohanang weather-weather lamang (magkakapareho, nauulit lang at at hindi natututo) o isang predatory politics ang uri ng politika, meaning, buhay at kamatayan ang labanan. Sa kasabihan ng mga matatanda, "bantay salakay o galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw.”

Pangalawa, dahil mahina ang ating mga institusyon, walang naaaninag na repormang pina-priyoridad ng kasalukuyang administration na "mag-eempower (strengthening the institutions) at mag-iinstitusyunalisa ng participation, accountability at transparency (public trust)," maliban sa mga papogi point at pagsasampa ng plunder case sa mga kaaway sa pulitika.

Para sa mga akademiko, ang deka-dekadang "sistemang padrino, palakasan (patron-client) at utang na loob" ang lumumpo sa institusyon, "ang salarin at pabrika ng katiwalian sa ating bansa. Siya ang nakapangyayari at nananaig sa pang-araw-araw na takbo ng buhay-burukrasya at labanang pulitikal ng mga naghaharing elite factions sa ating lipunan."